You are on page 1of 39

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon ng Caraga
Sangay ng Surigao del Norte
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG MAINIT
Quezon, Mainit, Surigao del Norte

Mga Suliraning Kinakaharap ng maagang Pagbubuntis ng mga


Piling Studyante sa Mainit National High School

Bilang Bahagi ng Pagtagtupad sa Pangangailangan sa Asignatura sa Filipino


11 Pagbasa at at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Inilahad kay:
NIKKA MAYER M. SABANDAL
Guro sa Filipino

Inilahad nina:
RAVEN MOSENDE
WINNA MOZAR
ROCHELLE LIG-ANG
ROSE VEN MILES MORAL
CHARLYN CAMINGUE
ZALMER LEPARANON
KURT LIBARNES
ART SAJULGA

HUNYO 2023
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat i

Abstrak ii

KABANATA I SULIRANIN AT ANG SURING BASA NG LITERATURA

Panimula 1

Suring Basa na mga Kaugnay na Literatua 3

Balangkas Konseptwal 7

Paglalahad ng Suliranin 8

Kahalagahan ng Pag-aaral 9

Saklaw at Limitasyon 9

Katuturan ng mga Katawagan 12

KABANATA II DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik 14

Kaligiran ng Pananaliksik 14

Mga Tagatugon 17

Instrumento 18

Pag-aanalisa ng mga Datos 19

KABANATA III RESULTA AT PAGTATALAKAY

Resulta at Pagtatalakay 20
KABANATA IV BUOD, MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Buod 25

Mga Natuklasan 27

Kongklusyon 28

Rekkomendasyon 28

References 29

Appendices 31
PASASALAMAT

Sa pamamagitan ng papel na ito, nais ng mga mananaliksik magpasalamat

sa mga sumusunod:

Una, sa guro na si Gng. Nikka Mayer Sabandal na nagbigay sa amin

ng gabay at suporta sa buong proseso ng pananaliksik. Ang inyong mga

payo at kritikal na pagsusuri ay nagtulay sa amin tungo sa pag-unawa at

pagpapabuti ng aming mga metodolohiya.

Nais din naming ipahayag ang aming pasasalamat sa mga indibidwal

na nagbigay sa amin ng mga datos at impormasyon na kinakailangan para

sa aming pananaliksik. Ang inyong pagbahagi ng inyong kaalaman at

karanasan ay nagdulot ng mas malalim na pang-unawa at paglutas ng mga

suliranin na aming pinag-aralan.

Lubos na nag papasalamat,

Mga Mananaliksik
ABSTRAK

Ang Mga Suliraning Kinakaharap ng Maagang Pagbubuntis ng mga

Piling Studyante sa Mainit National High School ay isang malalim na isyung

kinakaharap ng paaralan. Layunin ng mga pananaliksik na masuri ang mga

pangunahing kadahilanan at epekto ng maagang pagbubuntis sa mga

estudyante ng paaralan.

Para matugunan ang layunin ng mga pananaliksik, nagkaroon ng

mga hakbang at pamamaraan tulad ng pagkakaroon ng survey sa mga

estudyante, at pagsusuri ng mga datos mula sa mga kinauukulan, at

pagsasagawa ng mga interbyu sa mga piling estudyante.

Nakikita rin sa pananaliksik na ito na ang maagang pagbubuntis ay

nagdudulot ng iba't ibang epekto sa mga estudyante ng Mainit National

High School. Nararanasan nila ang pagkatigil sa pag-aaral, time

management, financial, at hindi makapagpokus sa pag aaral.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, nagkaroon ng mga

rekomendasyon upang malunasan ang problema sa maagang pagbubuntis

ng mga estudyante. Kasama rito ang pagpapabuti ng sex education

program, at pagkakaroon ng libreng reproductive health services.

Sa huli, ang pananaliksik na ito ay naglalayong bigyan ng malalim na

pag-intindi at solusyon ang isyu ng maagang pagbubuntis sa mga

estudyante ng Mainit National High School. Ito ay isang hamon para sa mga

kinauukulang tao at institusyon na kumilos at gawin ang nararapat upang

maprotektahan at bigyan ng magandang kinabukasan ang mga estudyante

na nakararanas ng ganitong suliranin.


KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG SURING-BASA NG

LITERATURA

Ang teenage pregnancy ay isa sa pinakamahalagang isyu na

kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Ang malaking porsyento ng populasyon ay

lalong na dagdagan sa kasagsagan ng pandemya. Dahil dito, maraming

magkasintahan ang aksidenteng nakagawa ng supling sa murang edad.

Tumaas ng 7 posyento ang bilang ng mga batang inang may edad 15

pababa sa buong bansa noong 2019 kung ikukumpara noong 2018.

Ang mga suliraning ito ay hindi lamang hinaharap ng mga Pilipino,

kundi ng buong mundo. Ayon sa World Health Organization, ang mga

kabataang nag-eedad mula 15 hanggang 19 taong gulang sa mga bansang

mababa at panggitnang kita ay nagkaroon ng tinatayong 21 milyong

pagbubuntis sa bawat taon. Ayon naman kay Sinisa Franjic (2018), sa

buong mundo, ang maagang pagkabuntis ay kadalasan nangyayari sa mga

marginalisadong mga komunidad. Karamihan sa mga ito ay dahil sa

kahirapan, kakulangan sa edukasyon, at kakulangan ng pagkakataon sa

trabaho.

Sa CARAGA Region naman ay patuloy ang paglaki ng isyu. Ang

pinakabatang babae na naitalang nabuntis sa CARAGA ay labing-isang (11)

taong gulang mula sa Agusan del Norte. Ayon sa Philippine Statistics

Authority (PSA), ang CARAGA Region ay mayroong mataas na antas ng

teenage pregnancy sa buong bansa.

Alinsunod sa PSA, mayroong 62,510 na kaso ng teenage pregnancy sa

bansa noong 2019. Ngunit, kahit na ang gobyerno ng Pilipinas ay


napapatupad ng ilang programa at patakaran upang matugunan ang

teenage pregnancy. Kagaya ng pagtiyak ng proteksyon sa mga kabataan,

lalo na ng mga batang babae sa evacuation at relocation centers, mga

symposium, at iba pa. Higit pa ang kailangang gawin upang matiyak na ang

mga kabataan ay may sapat na edukasyon at ideya tungkol sa

pakikipagtalik, at ang mga contraceptives na maari nilang gamitin sa

panahon ng pagtatalik.

Tulad ng kapansin-pansing porsyento ng teenage pregnancy sa bansa,

mahahalintulad din ito sa sitwasyon ng Mainit National High School, kung

saan nag-aaral ang mga mananaliksik. Dulot ng pandemya, kapansin-

pansin ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa paaralang

pinapasukan. Kaya naman, nais malaman ng mga mananaliksik kung ano

ang hamong kinakaharap ng mga teenage mothers at mga teenage pregnant

students sa paaralan.
SURING BASA NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

I.Kahulugan ng Teenage Pregnancy Ang Teenage Pregnancy ay tumutukoy

sa kondisyon kung saan nagdadalang tao ang isang babaeng wala pang 20

taong gulang. Ito ay isang sitwasyon na nangyayari kapag ang isang

tinedyer ay nagsasagawa ng sekswal na aktibidad at nabuntis bago umabot

sa pag tanda. Ang Teenage Pregnancy ay isang makabuluhang pag-alala sa

kalusugan ng tinedyer,dahil maari itong humantong sa isang hanay ng mga

pisikal, emosyonal, at panlipunang problema para sa ina at bata. Ang sanhi

ng Teenage Pregnancy ay sa maraming aspeto, at maraming kabilang ang

kawalan ng access na contraception, peer pressure, kahirapan, at hindi

sapat na edukasyon sa pakikipagtalik.

II.Mga dahilan ng maagang pagbubuntis ng iilang kabataan Batay sa

ipinaliwanag ni Fermin Mabulo, isang mayor sa San Fernando, Camarines

Sur. Isa sa dahilan kung bakit ang iilang mga kabataan ay nasangkot sa

maagang pagbubuntis ay dahil patuloy paring lumaganap ang mga

pornograpikong material, kawalan ng patnubay ng magulang, peer pressure,

at iba pa (Ana-Liza Macatangay 2022).

Naging panayam naman ng Bombo radio ng Cauayan City, inihayag ni

Regional Director Herita Macarrubo ng PopCom Region 2 na mula sa datos

ay ipinapasakamay nang taggapan ng mga City at Municipal Population

Officers ang limang lalawigan ng Region 2 na kung saan ay nagsasaliksik

tungkol sa Cauayan City na nangunguna o may mataas na bilang ng mga

kabataang maagang nabuntis at ito ay ang lalawigan ng Isabela, Nueva


Vizaya, Quirino, Cagayan at Batanes. Batay sa pag-aaral ng Popcom

maaring ang sanhi ng Teenage Pregnancy ay hindi intact ang pamilya ng

isang kabataan o karaniwang mga anak ng OFW na kulang sa paggabay ng

kanilang mga magulang at maagang pagkakaroon ng sexual initiation ng

mga kabataan (Bombo Ginar Marquez, April 7, 2021).

At may iilan ring pag-aaral na isa rin ang pagiging aktibo sa internet

ang dahilan kung bakit maagang nabuntis ang iilang kabataan. Ayon sa

BNFM Sorsogon, kumbinsado si Josephine Chua na isang program Officer

IV ng Commission on Population o POPCOM ng Bicol na isa sa mga salik

kung bakit tumataas ang teenage pregnancy ng rehiyon ay dahil ito ay

naiimpluwensyahan ng social media kung kaya napakadali na ng mga

kabataan na maimpluwensyahan ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang

nababasa o napapanood na malalaswang bedyo sa social media (BNFM

Sorsogon, November 8, 2022).

Sa kaparehong paglalahad ng paliwanag ni Joseli Famisan isang

Provincial Population & Development Officer nang Romblon ukol sa

maagang pagbubuntis ng iilang kabataan. Ayon sa kanya ang possible ring

dahilan nito ay ang pagiging aktibo sa internet o social media, maaring

nakakapanood ito ng malalaswang bedyo tulad ng porn. Maari itong

magdulot ng kuryosidad sa kabataan kaya maari ang mga ito na subukan

sa murang edad palamang (Paul Jaysent Fos, Feb 27, 2023).

Ayon sa differential association, ang mga nakakasalamuha ng mga

kabataan na maagang nabuntis, parehong direkta at hindi direkta ay

naglalahad sa mga tao sa mga katanggap-tanggap na pag-uugali pati na rin


ang iba’t ibang mga modelo ng mga pag-uugali. Ang mga modelo ng pag-

uugali na ito ay nagmula sa mga taong malapit sa isang indibidwal tulad ng

pamilya, mga kaibigan, guro, kapitbahay at mga miyembro ng simbahan.

Ang mga pangkat na ito ay nagpapahayag ng mga pananaw, opinyon at mga

pangkat na maaaring tangyapin at maimpluwensyahan ng isang indibwal

(Akers at Sellers, 2004).

III. Masamang epekto sa mga kabataang maagang nabuntis Ayon kay

Moo’re 1993, na binanggit sa Healthy Teen Network, 2008. “May mataas na

ugnayan sa pagitan ng mga pamumuhay sa kahirapan, kawalan ng

edukasyon at maagang panganganak”. Ang maaagang pagbubuntis ay

maaring humantong sa mga negatibong kahihinatnan tulad ng mas

kaunting edukasyon, mas mababang potensyal na makita at mas malaking

posibilidad ng mas malaking tendensya na tularan sa mga sumusunod na

henerasyon (Healthy Teen Network, 2008).

Sa ibang pag-aaral ni Dhruvi Chauhan, ang mga problemang

nauugnay sa maagang pagbubuntis ay nakakaapekto sa mga emosyon at

nauuwisa somatization ng kabataan, na may mga palatandaan at sintomas

na magiging mapanganib sa isang malusog na pagbubuntis ay nauugnay,

bukod sa iba pa, sa mga sikolohikal na aspeto at kakulangan ng suporta ng

pamilya, mga kadahilanan na maaring humantong sa mataas na antas ng

stress. Sa ilang pamilya, maaring ituring natural ang pagbubuntis ng mga

kabataan, kapag mayroong matatag na pagsasama sa pagitan ng tinedyer at

mga magulang (Dhruvi Chauhan, 2021).


IV. Sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang maagang nabuntis, may

mga programang ipinatupad ng mga opisyal sa lokal pati narin sa pang

internasyonal Ang kahulugan ng peer influence ay nagmula sa Ambrosia,

etal., (2018), na nagpapaliwanag na ang mga kabataan ay kilalang-kilala sa

pakikisali ng mga peligrosong gawain, reward motivated na pag uugali, na

kadalasang nangyayari bilang tugon sa social reward, kadalasan sa anyo ng

mga konteksto ng peer na kinasasangkutan ng intense positive effect sa

Ambrosia, etal.,(2018).

Kabilang dito ang pagsasagawa ng normative thrill-seeking behavior

tulad ng pagmamaneho, pakikipagtalik ng walang condom, at pag-gamit na

rin ng droga pati na rin ang pagbabanggit ng preventive behavior na

maaring magsulong ng kalusugan at kaligtasan gaya ng paggamit ng mga

seatbelt o bicycle helmets (Mary Patricia Kukudakwea, 2021).

Sa kaparehong pag-aaral ayon kay Angelito S. Obcena, Regional

Director ng Commission on Population Region 2 sa ginanap na Special Drug

Education Campaign cum Adolescent Reproductive Health (ARH). “Before

you decide to engage in premarital sex, think of your future. Don’t be one of

the statistics. Say NO!” Ipinahayag na kinakailangang walang mabubuntis

na kabataan na sa murang edad pa lamang dahil kalakip nito ang isang

malaking responsibilidad at mga panganib na dulot nito. Maaring hindi

makapagpatuloy sa pag-aaral at maging sanhi sa pagkalaglag ng sanggol

(Aida B. Cabauatuan Set 0.3, 2016).

Sa isa pagpagaaral na isinagawa ni Zelaye Karacam, ang pagbubuntis

ng kabataan ay isang mahalagang suliraning panlipunan na dapat tugunan


ng lahat ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, mga taga

pamahala at mga politiko nang maingat dahil sa kanilang mataas na

pagkasal, pisikal, psycho-social at pang ekonomiyang epekto sa indibidwal

at panlipunang kalusugan. Dapat itong hawakan sa isang multidisciplinary

approach (Zekieye Karagam et al., 2021).


BALANGKAS KONSEPTWAL

Sa bahaging ito ng pananaliksik, tatalakayin ang mga salik na aspeto

sa Mga Suliraning Kinakaharap ng Maagang Pagbubuntis ng mga Piling

Sudyante sa Mainit National High School.

Mga Suliraning Pagtingin sa


Kinakaharap ng Malalimang Pag-
Sunusunod na
Maagang unawa sa
Aspeto:
Pagbubuntis ng Maagang Pag-
mga Piling  Pag-aaral bubuntis ng mga
Studyante sa  Pamilya piling studyante
Mainit National  Mental sa Mainit National
High School Health High School

Figure 1. Konseptwal na balangkas ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang mga Studyanteng maagang

nabuntis (teenage pregnancy) makikita sa unang ang pamagat na

pinamagatang “Mga Suliraning Kinakaharap ng Maagang Pagbubuntis ng

mga Piling Studyante sa Mainit National High School”. Makikita ang mga

salik na aspeto sa ikalawang kahon ang mga sumusunod na aspeto. Ang

aspetong ito ay Pag-aaral, Pamilya, Mental health. Gagamit o mag-papa

interview at mag-papa questioner ang mananaliksik. Pagkatapos makalagap

ng Datos ang mga mananaliksik, mas mauunawan pa ng mga mananaliksik

ang malalalimang pag-unawa sa maagang pag-bubuntis ng mga piling

studyante sa Mainit National High School.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pagsasaliksik na ito ay tumatalakay sa suliranin kinakaharap ng

maagang pagbubuntis. Layunin nitong sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang propayl ng mga studyante?

2. Ano ang mga hamong kinakaharap ayon sa mga sumusunod na epekto:

2.1 Edukasyon

2.2 Kalusugan

2.3 Emosyon

2.4 Pamilya

3. Ano ang panukalang programa na maaring maisasagawa sa maagang

pagbubuntis.

4. Ano ang mga pagninilang ng mga respondent batay sa kasalukuyang

sitwasyon.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral tungkol sa teenage pregnancy ay mahalaga at

makakatulong sa iba’t ibang indibidwal at grupo ng tao. Sinisikap ng mga

mananaliksik na makatulong ang pag-aaral na ito sa:

Mga tagapamahala sa paaralan – Nakakatulong ito sa pagbuo ng mga

programa at polisiya para sa mga mag-aaral na nabuntis sa murang edad:

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng teenage pregnancy, ang mga

tagapamahala sa paaralan ay magkaroon ng mga kaalaman upang makabuo

ng mga programa at polisiya na makakatulong sa mga mag-aaral na

nabuntis sa murang edad. Ang mga programa na ito ay maaring

magtaguyod ng pagbibigay ng kaalaman tungkol sa pagpaplano ng pamilya,

pagsisiguro ng kalusugan ng mga ina at sanggol, at pagbibigay ng suporta

sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Guro – Makakatulong sa pagturo ng tamang kaalaman: Sa pamamagitan ng

pag-aaral ng teenage pregnancy, makakatulong ito sa mga guro na magturo

ng tamang kaalaman at pag-unawa sa mga studyante tungkol sa kanilang

mga sekswal na pagpapasya at responsibilidad.

Mag-aaral – Maunawaan ang mga epekto ng teenage pregnancy: Ang pag-

aaral ng teenage pregnancy ay makakatulong sa mag-aaral na maunawaan

ang mga epekto ng maagang pagbubuntis sa kanilang kalusugan, pamilya,

edukasyon, at buhay sa hinaharap.


Magulang – Moralidad: And mga maagulang ay may pananagutan na

gabayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang teenage pregnancy.

Ang pagtuturo ng tamang moralidad ay makakatulong upang maiwasan ang

pagkakaroon ng hindi tamang pananaw tungkol sa sekswalidad.

Komunidad – Pagpaplano ng mga programa at mga solusyon: sa

pamamagitan ng pag-aaral ng teenage pregnancy, mas magiging epektibo

ang pagpaplano ng mga programa at solusyon upang maiwasan ito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang paksa ng pag-aaral na ito ay ang mga suliraning kinakaharap ng

maagang pagbubuntis ng mga piling studyante sa Mainit National High

School. Ang pag-aaral ay tutuon sa pagtukoy ng mga pangunahing sanhi ng

maagang pagbubuntis ng mga mag-aaral sa paaralan ng Mainit National

High School.

Pokus. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga babaeng mag-aaral na

may edad 12 hanggang 19 na taong gulang na kasalukuyang naka-enrol sa

Mainit National High School. Hindi nito isasama ang mga mag-aaral mula

sa ibang mga paaralan, o mga indibidwal na wala sa saklaw na edad.

Tagatugon.Mga babaeng studyante mula baitang 7 hanggang 12 na

maagang nabuntis o kasalukuyang nagbubuntis

Lugar at Panahon. Isasagawa ang pag-aaral sa paaralan ng Mainit National

High School, sa panahon ng ikaapat na markahan sa ikalawang semester.


KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Ang mga katawagan sa teenage pregnancy ay nag-iiba depende sa

kultura at konteksto, ngunit, narito ang ilan sa mga pangkaraniwang

terminolohiyang ginagamit sa pananaliksik:

Teenage Pregnancy – Ito ay tumutukoy sa pagbubuntis ng isang kabataang

babae na nasa edad na 19 pababa.

Senior High School – Ito ay ang huling dalawang taon ng high school

education sa ilang bansa tulad ng Pilipinas. Ito ay karaniwang

kinabibilangan ng mga mag-aaral sa edad na 16 hanggang 18.

Junior High School – Ito ay ang unang apat na taon ng high school

education sa ilang bansa tulad ng Pilipinas. Ito ay kinabibilangan ng mga

mag-aaral sa edad na 13 hanggang 15.

Pag-aaral – Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagkuha ng kaalaman o

edukasyon. Ito ay karaniwang ginagawa sa mga paaralan at unibersidad.

Sanggol – Ito ay tumutukoy sa isang bata na hindi pa lubos na nai-develop

ang kanyang kakayahan at kadalasan ay wala pang isang taon.

Batang Ina – Ito ay tumutukoy sa isang kabataang babae na naging ina sa

kanyang murang edad.

Batang Ama – Ito ay tumutukoy sa isang kabataang lalaki na nagging ama

sa kanyang murang edad.


KABANATA II DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng descriptibong metodo. Ito ay

binubuo ng kwantatibo na mga datos, ngunit ang mga respondante ay

gumagamit lamang ng kwantitatibo sa paggamit ng survey sa kanilang

paksa na pinamagatang, Mga suliraning kinakaharap ng Maagang

Pagbubuntis ng mga estudyante sa Mainit National High School. Ito ay

nangangahulugang mga tiyak at buhas na katanungan ay itatanong ng mga

mananaliksik at mga numerical na datos sa mga kalahok na sumasagot sa

mga katanungan na ibinigay. Ang mga respondante ay sinusuri ang mga

datos sa tulong ng estatistikong pagpapaliwanag.


KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Ang pagaaral ay gagawin sa Mainit Nationa High School. Ang

paaralan ay matatagpuan sa Brgy.Quezon, Mainit, Surigao del Norte. Ang

paaralan ay binubuo ng humigit kumulang na 8 hiktarya. Mayroon itong (7)

pitong gusali at pinagkakalooban ng Junior High, Senior High at clinic.

Figure 1. Map ang lugar ng pananaliksik

Kinabibilangan ng baitang 7,8,9,10, ang Junior High School. Ang

baitang pito (7) at baitang walo (8) ay may limang (5) seksyon. Anim (6) na

seksyon naman para sa baitang siyam (9) at sampo (10). Ang populasyon ng

Junior High School ay umaabot sa humigit kumulang na (830).

Samantalamg kinabibilangan ng baitang 11 at 12 ang senior high school ay

umaabot sa humigit kumulang na 48.

Ang paaralan ay may tinag apat(4) na STE at SPA na silid-aralan para

sa Junior High School. Ang Senior High School naman ay binubuo ng

tatlong(3) Gas at CSS, dalawang(2) STEM, Agriculture, Bread and Pastery at


isang (1) Cookery and Beauty care at AFA. Sa Baitang 7 ang seksyon na

simplicity, Honesty, Charity, Gratitude ay may kabuuang (41) na mga mag-

aaral at ang Baitang 7 na Patriotism naman ay may (42) na estudyante. Sa

Baitang 8 naman ang seksyon Industry ay may (28) studyante. Ang seksyon

Cooperation ay may (39) na estudyante, ang seksyon Obedience ay may (40)

na estudyante, Ang seksyon Chastity at Prosperity naman ay may (41) na

estudyante. Sa Baitang 9 naman ay ang seksyon na Reliance ay may (29)

studyante, at ang seksyon Courtesy ay may (33) na studyante, ang seksyon

Cleanliness ay may (39) na estudyante, at ang seksyon Solidarity at Wisdom

ay may (36) na studyante. Sa Baitang 10 naman ay ang seksyon Humility ay

may (29) na studyante, ang seksyon Patience ay may (31) na studyante, ang

seksyon Hope ay may (39) studyante, at ang seksyon Integrity ay may (43)

na studyante, ang seksyon Punctuality ay may (45) na studyante, at ang

seksyon Trustworthy ay may (36) na studyante. Sa Baitang 11 naman ay

ang seksyon Diamond ay may (35) na studyante, ang seksyon Emerald ay

may (42) na students, ang seksyon Garnet ay may (43) na studyante, ang

seksyon Pearl ay may (48) na studyante, ang seksyon Gold ay may (39) na

studyante. Sa Baitang 12 naman ay ang seksyon Amethyst ay may (36) na

studyante, ang seksyon Jade naman ay may (63) na studyante ang seksyon

Onyx ay may (31) na studyante, ang seksyon Ruby ay may (52) na

studyante, ang seksyon Sapphire ay may (34) na studyante, at ang seksyon

Topaz naman ay may (24) na studyante.

Ang paaralan ay mayroong (32) na guro at may (16) na hindi kawani

na guro. Ang populasyon ng guro at hindi kawani ng guro ay aabot na


humigit kumulang (51). Ang paaralan ay kasalukuyang pinamamahalaan ng

Principal na si Gng. Greogoria Villamor

MGA TAGATUGON

Sa bahaging ito ipapakita ng mga mananaliksik ang mga

respondente na maagang nabuntis o kasalukuyang nabuntis sa paaralan ng

Mainit National High School mula sa sa baitang 7 hanggang 12.

BAITANG TAGATUGON

7 0

8 0

9 0

10 0

11 4

12 6

KABUOHAN= 10

Makikita sa talahayan ang distribusyon ng mga respondente sa bawat

baitang makikita sa unang linya sa talahanayan ang mga baitang at sa

pangalawang linya makikita ang bilang ng mga respondente na kukuhanan

ng Datos ng mga mananaliksik.

Makikita sa talahayan na walang nabuntis sa baitang 7,8,9, at 10. Sa

baintang 11 naman ay mayroong 4 na bilang ng Studyante na nabuntis at

ang may pinakamaraming estudyanteng nabuntis ay ang baitang 12 na may

bilang na 6. Kabuohan mayroon lamang 10 na respondente ang

pananaliksik.
Instrumento Ng Mananaliksik

Ang ginagamit na instrumento ng mga mananaliksik ay talatanungan.

Talatanungan. Ang talatanungan ay sariling gawa ng mga mananaliksik

bilang instrumento sa pangangalap ng datos. Ang anyo ng talatanungan ay

isang survey na binubuo ng labing pito mga tanong sa sasagutan ng mga

respondente kung sila ba ay lubos na hindi sumasang-ayon, hindi

sumasang-ayon, bahagyang hindi sumasang-ayon, sumasang-ayon, lubos

na sumasang-ayon. Ibibigay ang talatanungan sa pamamagitan ng survey

questionnaires.
PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Ipinapakita sa bahaging ito ang mga gagamitin sa pag-aanalisa ng

mga datos upang masagot ang pangangailangan sa pag-aaral na ito

Percentage:

Ang paghanap sa Mean:

X= Total sum of the sample or population

N= the number of x or set

Percentage

Σ x1+x2 = Mean(M)
n

Ang paghahanap sa standard deviation:

X= the specific number or group

X ̄= the mean of the sample

Σ(x- x̄) ² = Standard deviation of the sample.


n
KABANATA III RESULTA AT PAGTATALAKAY
Propayl ng mga Respondente
Pangalan Edad Baitang Strand
Daisy C. 20 12 TVL
Tandayag
Rosell Nina L. 20 12 TVL
Loreno
Josephine R. 20 12 TVL
Barnacia
62 12 TVL

19 12 GAS
18 12 GAS
20 2 GAS
18 11 GAS
17 11 GAS
17 11 AFA
18 11 AFA

Sa bahaging ito sa pananaliksik, tatalakayin ang mga resultang


nakalap ng impormasyon patungkol sa pag-aaral ng Maagang Pagbubuntis
ng mga Piling Studyante sa Mainit National High School.
Tanong Bilang Kasagutan
1. Paano mo 1 Ang pag gawa at pag
ipinagsasabay ang iyong sunod sa to do list
sarili, pag-aaral,
pamilya, pinansyal na
problema, ang ang iyong
mga anak.
1 Doble ang pagsisikap
ko nagtratrabaho para
sa pamilya at pag-aaral
2 Time management
1 Sinisigurado ko na
balance ang lahat
1 Ang ginagawa ko ay
gumising ng maaga at
inaasikaso ang aking
pamilya at para
makapag-aral
1 Pag mamanage ng time
ng sapat
1 Sa pamamagitan ng
pagmamanage ng oras
1 Sa pamamagitan ng
time management.
Dahil kailangan ih
bumalik ako sa pag-
aaral kailangan kung
magsakripisyo para sa
aming kinabukasan

1 Doble kayud sa
pamilya, paaralan at
iba pa
2. Ano-ano ang mga 1 Ang pakikitungo ng
pagbabago na iyong mga tao
pagkakatapos
mabuntis
1 Ako ay nahihirapan na
kasi mahirap I balance
ag pamilya at pag-aaral
1 Tumataba,
nagkakaroon ng
stretch marks sa aking
tiyan. Minsan
nahihirapan din na
makatulog madali na
din ako mag ka sakit
1 Tumaba, emosyonal, at
nagging mas matapang
at malakas
1 Nag-iba ang aking
social life noong ako ay
nabuntis dahil ‘di ako
makalabas ng bahay
1 Naging iba ang trato ng
ibang tao sa akin at
minsan wala na akong
oras sa aking sarili
1 Wala na akong oras
para sa aking sarili
madalas ding
napapagod ang aking
katawan
1 Nag iba ang trato at
ang aking
personalidad. Ako’y
nagiging mas mature
responsible sa araw-
araw na Gawain
1 Nahuhulog aking loob
sa aking anak (Soft
hearted) at
nagkakaroon ng
mahihirap na mga
araw
1 Nakita ko na ang tunay
na buhay ng isang ina
hindi madali
3. Anong mga 1 Sa financial sa akin
problema ang nobyo hindi kami mag
nararanasan mo kasundo at iba pa
pagkatapos mabuntis
1 Nahihirapan akong
mag-aral, nahihirapan
akong ipagsabay ang
sarili sap ag-aaral at
pangkabuhayan
1 Problemang pinansyal,
higit sa lahat sapagkat
nag-aaral pa lang ako
1 Ang problemang
naranasan ko
pagkatapos mabuntis
ay kung ano ang mga
dapat gawin sap ag-
aalaga at pagsasakit ng
aking puson
1 Saa financial at pag-
aaway sa aking nobyo
1 Pinansyal para sa
aking anak, at mga
panlalait sa mga tao
1 Financial, time
management, tapos
ang aking pag-aaral
hindi na ako
makapukos
1 Problema sa pera,
pamilya, at pag-aaral
1 Problema sa pera, at
mga pagbalanse sa
aking oras sa pag-
aaral, sarili at sa iba pa
1 Sa pinansyal, at
marami pang iba. Saka
nahihirapan din
magkilos-kilos. Saka
hindi pa pwede
magbubuhat ng mga
mabibigat na bagay
4. Sa kasalukuyan,
mayroon ka bang
panghihinayang?
Mayroon 1 Dahil maaga akong
nagbuntis nahihirapan
akong mag-adjust sa
mga nakakasanayan
ko
1 Dahil nag-iba ang
landas ng buhay
1 Dahil gusto ko pang
lubusin ang aking
buhay noong hindi pa
ako nabuntis
1 Dahil madadagdagan
ang iyong mga Gawain
at responsibilidad at
wala kamang pukos
1 Dahil nahihirapan
akong sumabay sa
aming klase, at na out
of place ako sa aking
mga klase
1 Kasi ginusto ko ito
1 Dahil tanggap ko
naman kasi blessing na
ito, at tinanggap
naman ng lubos ng
aking pamilya
1 Sa kasalukuyan, wala
na, pero dati,
nanghihinayang ako.
Ngayon kasi, iniisip ko
nalang ang kapakanan
ng aking anak
1 Sabi nila blessing ang
pagkakaroon ng anak
kaya tinanggap ko na,
tinanggap ko na
1 Kasi pinilit ako na
aking pamilya para
may asawa na kahit
bata pa
5.Bilang mag-aaral, 1 Wag kayong
ano ang maipapayo mo padalosdalos sa mga
sa kapwa mong mag- desisyon niyo sundin
aaral nyo ang nararapat
kung alam niyong mali
wag ipatuloy
1 Study first
1 Ang mapapayo ko lang
ay kung maari wag
muna talaga pumasok
sa ganitong sitwasyon
at unahin na lang ang
pag-aaral sa
magandang
kinabukasn
1 Bilang mag-aaral ang
maipapayo ko lang ay
mag-aral ng mabuti,
unahin mo na ang pag-
aaral kaysa sa
pagnonobyo
1 Huwag kayong
magmadali sa
paghanap ng nobyo o
magpabuntis kasi
mahirap
1 Dapat ay mag-aral
silang Mabuti at
unahin muna ang
kanilang sarili at pag-
aaral, at I enjoy muna
nila ang kanilang
teenage life
1 Habang ikaw ay bata
pa at nag aaral pa
unahin mo ang iyong
pag-aaral dahil sa
pagdating ng tamang
araw, dadating rin yan
1 Huwag magpadala sa
mga temptasyon na
dala ng emosyon
1 Sana ay suportahan
nila ako kahit na ako
ay isang magulang na,
at sana ay hindi
mawala ang respeto
nila sa akin bilang
isang tao. Dapat sila ay
maging responsible sa
kanilang…. Dapat
gawin at hindi dapat
gawin
1 Magsikap, Wag
tumulad sa akin, dahil
mahirap ang mabuntis
ng maaga. Lalo na
kung hindi na
pagplanohan. Mahirap
sobrang hirap
Sa bahaging ito makikita ang mga sagot ng mga respondante sa

tanong ng mga mananaliksik.Binubuo ito ng limang (5) tanong ang unang

column, binubuo ng bilang ang ikalawang column, at binubuo naman ng

sampong (10) sagot ang ikatlong column.


KABANATA IV BUOD, MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

BUOD

Ang maagang pagbubuntis ay isang malawak na isyung may

seryosong implikasyon sa kalusugan, edukasyon, emosyonal na estado, at

lipunan ng mga kabataan. Ito ay nagdudulot ng mga pangkalusugang

komplikasyon para sa kabataang ina at kanyang sanggol. Ang mga

kabataang nagbubuntis ay may mataas na panganib ng prematurity,

mababang timbang sa pagkapanganak, at iba pang mga medikal na

problema. Maaari rin itong magdulot ng matinding epekto sa kalusugan ng

kabataang ina tulad ng preeklampsya at depresyon.

Sa larangan ng edukasyon at propesyon, ang maagang pagbubuntis

ay maaaring humantong sa mga hadlang at limitasyon. Madalas na nauuwi

ito sa pag-drop out sa paaralan at mas mababang antas ng edukasyon. Ang

kakulangan sa edukasyon ay nagdudulot ng mga limitasyon sa mga

oportunidad sa trabaho, na maaaring magresulta sa kahirapan para sa mga

kabataang ina.

Bukod dito, ang maagang pagbubuntis ay nagdudulot din ng malalim

na epekto sa aspeto ng emosyon at sosyal na buhay ng mga kabataan.

Madalas silang nakararanas ng pagkabahala, takot, at kawalan ng suporta

mula sa pamilya at mga kaibigan. Ito ay maaaring magdulot ng pagbaba ng


kanilang tiwala sa sarili at limitasyon sa kanilang mga social na karanasan

at oportunidad para sa personal na pag-unlad.

Ang maagang pagbubuntis ay mayroon ding mga epekto sa pamilya

ng kabataang ina. Ito ay maaaring magdulot ng tensyon, pag-aaway, at

kawalan ng suporta mula sa mga magulang. Ang pamilya ay maaaring

magkaroon ng kahirapan sa pananalapi at hindi sapat na kakayahan upang

suportahan ang bata at ang kanyang anak. Ang mga kabataang ina ay

maaaring maging mga magulang sa hindi gaanong maayos na panahon, na

nagdudulot ng mga hamon sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Ang maagang pagbubuntis ay isang malubhang isyu na kailangang

tugunan sa iba't ibang aspeto ng lipunan. Mahalagang maglaan ng mga

programa at serbisyo para sa edukasyon sa kalusugan, pagpaplano ng

pamilya, at pagbibigay ng suporta sa mga kabataang nagbubuntis. Dapat

ding bigyang prayoridad ang pagpapaunlad ng oportunidad sa edukasyon at

pagtataguyod ng mga serbisyong pangkalusugan upang matulungan ang

mga kabataang ina na maabot ang kanilang potensyal at magkaroon ng

magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at sa kanilang mga anak.

MGA NATUKLASAN

1.1 Kalasang problemang kinakaharap

Ang kadalasang kinakaharap ng mga piling studyanteng maagang

nabuntis ay ang pinansyal, pagta-time management, kakulangan sa pag-

alaga sa Sarili at kawalan sa pag pukos sa pag-aaral.


1.2 Mga pagbabago na naranasan ng mga respndente pagkatapos

nabuntis

Madaling magbago ang kanilang emosyon, madalas mapagod, at

limitado na ang kanilang oras makipag-ugnayan sa kanilang kaibigan. May

mga respondente din na mas naging responsible sa mga pang araw-araw na

gawain, at nahihirapan din silang ipagsabay ang oras ng kanilang pamilya

at pag-aaral.

1.3 Mga panghihinayang

Kadalasang ng mga studyante ay may paghihinayang, iilan lamang

ng mga estudyante ng walang paghihinayang kadalasang rason ng mga

estudyanteng naghihinayang ay dahil nahihirapan silang pag sabayin ang

pag-aaral at ang kanilang pamilya.

1.4 Paano nila pinagsabay

Ipinagsabay nila sa pamamagitan ng pag-babalanse ng oras sa

pamamagitan nito, inuuna nila ang mas kailangan gawin.

KONGKLUSYON

Sa makatuwid, ang maagang pagbubuntis sa mga estudyante ay isang

malaking problema na may malawak na epekto sa mga indibidwal at sa lipunan.

Ang maagang pagbubuntis ay nagdudulot ng maraming problema sa pag-aaral,

kalusugan, emosyon, at pamilya ng mga kabataan.


REKOMENDASYON

Mula sa mga napatunayan sa pag-aaral na ito, malugod na iminungkahi ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Ang pagsasanay at impormasyon tungkol sa mga panganib ng maagang

pagbubuntis, mga paraan ng kontrasepsyon, at mga opsyon para sa pangngalaga

sa kalusugan ng kababaihan ay dapat ibahagi sa mga kabataan sa pamamagitan

ng komprehensibong kurikulum.

2. Inererekomenda na pag-aralan ang mga patakaran at mga batas na naglalayong

protektahan ang mga kababaihan mula sa maagang pagbubuntis.


REFERENCES

Kassa, B. G., Belay, H. G., & Ayele, A. D. (2021). Teenage pregnancy and its
associated factors among teenage females in Farta woreda, Northwest,
Ethiopia, 2020: A community-based cross-sectional study.
PopulationValladores, E. J. B., Obispo, J. V. A., Puno, M. A. D., &
Regio, S. (2019). BATANG INA: Lived Experiences of Student Mother.
Medicine, 3(July), 1-8.

Maemeko, E. L., Nkengbeza, D., & Chokomosi, T. M. (2018). The impact of


teenage pregnancy on academic performance of grade 7 learners at a
school in the Zambezi region. Open Journal of Social Sciences, 6(09),
88.

Mathewos S, Mekuria A. Teenage Pregnancy and Its Associated Factors


among School Adolescents of Arba Minch Town, Southern Ethiopia.
Ethiop J Health Sci. 2018 May;28(3):287-298. doi:
10.4314/ejhs.v28i3.6. PMID: 29983528; PMCID: PMC6016359.6(1),
1-12.

Network, H. T. (2008). Preventing teen pregnancy among marginalized


youth: Developing a policy, program and research agenda for the
future. Retrieved July, 13, 2009.

Sinha, S., Kumari, A., & Sinha, J. (2021). Prospective observational study to
assess the incidence, associated risk, management and outcome of
ectopic pregnancy. European Journal of Molecular & Clinical
Medicine, 7(9), 3652-3659.

Tabei, K., Cuisia-Cruz, E. S. S., Smith, C., & Seposo, X. (2021, December).
Association between teenage pregnancy and family factors: an
analysis of the Philippine National Demographic and Health Survey
2017. In Healthcare (Vol. 9, No. 12, p. 1720). MDPI.

Wall-Wieler, E., Roos, L. L., & Nickel, N. C. (2016). Teenage pregnancy: the
impact of maternal adolescent childbearing and older sister’s teenage
pregnancy on a younger sister. BMC pregnancy and childbirth, 16(1),
1-12.
APPENDICES

Sa bahaging ito makikita ang ginamit ng mga mananaliksik bilang

kwestyoner at ang mga larawan na kasama nito.

SAMPLE SURVEY - KWESTYONEYR

MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG MAAGANG PAGBUBUNTIS NG


MGA PILING STUDYANTE SA MAINIT NATIONAL HIGH SCHOOL

Mahal na respondente,
Ang pangunahing layunin ng kwestyonyr na ito ay upang makuha ang
inyong saloobin at tugon patungkol sa iyong mga paghihirap na
kinakaharap habang dumadaan sa pagbuntis o maagang pagiging
magulang. Ang mga datos na makukuha ng mga mananaliksik ay
maaasahang mananatiling konfidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral
na ito.

Pangkalahatang Panuto: Pakipunan ang mga kakailangang


impormasyon sa sumusunod na mga aytem. Sagutin ito nang may
sensiridad at buong katapatan.

I. Profayl
Pangalan (opsyonal):__________________________
Kasarian:_______ Edad:___ Strand:____
Baitang:_______ Program: STE ___ SPA ___ Regular___

II. Lagyan ng tsek (/) ang parte na angkop sa iyong sagot. Pumili lamang
ng isang sagot.
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon 4 – Sumang-ayon
2 – Hindi sumasang-ayon 5 – Lubos na sumasang-
ayon
3 – Bahagyang hindi sumasang-ayon
SCALE DESKRIPSYON INTERPRETASYON
5 Lubos na sumasang- Ako ay lubos na sumasang-
ayon ayon sa eksamen.
4 Sumang-ayon Ako ay sumasang-ayon sa
eksamen.
3 Bahagyang hindi Ako ay bahagyang sumasang-
sumasang-ayon ayon sa eksamen.
2 Hindi sumasang-ayon Hindi ako sumasang-ayon sa
eksamen.
1 Lubos na hindi Ako ay lubos na sumasang-
sumasang-ayon ayon sa eksamen.

PAHAYAG 5 4 3 2 1
A. PAG - AARAL
1. Ang aking pag-aaral ay
naaapektohan dahil sa maagang
pagkabuntis.
2. Nag-iba ang pag trato sa akin
ng mga mag-aarral pagkatapos
mabuntis.
3. Nag-iba ang pag trato sa akin
ng mga guro pagkatapos
mabuntis.
B. KALUSUGAN
1. Pagkatapos manganak,
nakakakuha pa ako ng
magandang pagtulog sa gabi.
2. Naranasan ko ang biglaang
pagbabago ng kalooban
pagkatapos mabuntis.
3. Nagagawa ko pang alagaan
ang aking sarili pagkatapos
manganak.
C. EMOSYON
1. Mayroong mga oras na
nararamdaman ko na hindi ako
angkop o hindi magkasundo sa
aking mga kaibigan.
2. May mga panahon na
nararamdaman ko ang
panghihinayang noong nabuntis
ako.
3. Galit ako sa aking sarili noong
nalaman kong nagdadalang tao
ako.
D. PAMILYA
1. Mayroong mga panahon na
nararamdaman kong hindi ako
tanggap sa aming bahay.
2. Nanghihinayang ang aking
pamilya para saaking
kinabukasan.
3. Mas gusto ko pang lumapit sa
aking nobyo kesa sa aking
pamilya.
III. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Sagutin ang mga tanong nang may sensiridad at buong
katapatan.

1. Paano mo ipinagsabay sabay ang iyong sarili, pag-aaral, pamilya,


pinansyal na problema, at ang iyong anak?
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________
2. Ano-ano ang mga pagbabago na iyong naranasan pagkatapos mabuntis?
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________
3. Anong mga problema ang naranasan mo pagkatapos mabuntis?
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________
4. Sa kasalukuyan, mayroon ka bang panghihinayang?
____ Oo Bakit? ___________________________________________________
___________________________________________________
____ Hindi Bakit?___________________________________________________
___________________________________________________
5. Bilang mag-aaral, ano ang maipapayo mo sa kapwa mong mag-aaral?
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________
Personal na Datos ng Mananaliksik
Raven Renee E. Mosende
ravenreneelettherebelight@gmail.com
September 24, 2005
Brgy. Magsaysay, Mainit, Surigao del Norte
Susie E. Mosende
Ronnie N. Mosende
Elementary Eucation: Mainit Central Elementary Schoo;
Secondary Education: Mainit National High School
Winna Lorez M. Mozar
mozarwinna11@gmail.com
December 5, 2005
Brgy. San Isidro, Mainit, Surigao del Norte
Liezl M. Mozar
Wilfred G. Mozar
Elementary Graduate at Mainit Central Elementary School
Junior High Schol Graduate at Mainit National Hig School

Rochelle Kim C. Lig-ang


chelig1981@gmail.com
October 16, 2006
Brgy. San Francisco, Mainit, Surigao del Norte
Cherry C. Lig-ang
Roylan S. Lig-ang
Elementary Education: San Francisco Elementary School
Secondary Education: Hacienda National High School

Rose Ven Miles C. Moral


milesmoral95@gmail.com
August 31, 2006
Brgy. Quezon, Mainit, Surigao del Norte
Rosenda C. Moral
Jovencio P. Moral Jr.
Elementary Education: Quezon Elementary School
Secondary Graduate: Mainit National High School

Zalmer B. Leparanon
leparanonzalmer@gmail.com
August 7, 2006
Brgy. Roxas, Mainit, Surigao Del Norte
Zaldy S. Leparanon
Meraluna B. Leparanon
Elementary Education: Roxas Elementary School
Secondary Education: Mainit National High School
Kurt V. Libarnes
libarneskurt@gmail.com
July 16, 2005
Brgy. Magpayang, Mainit, Surigao Del Norte
Junaresa V. Vernal
Angelito V. Vernal Jr.
Elementary Education: Mainit Central Elementary School
Secondary Education: Magpayang National High School

Art Racel E. Sajulga


artsjulga@gmail.com
March 29, 2006
Brgy. Cawilan, Tubod, SSN
Rachel E. Sajulga
Elesio P. Sajulga
Elementary Education: Marciano A Dapar Elementary School
Secondary Education: Northeastern Mindanao Colleges

Charlene S. Camingue
mhaykamz@gmail.com
October 13, 2004
Brgy. Marga, Tubod, Surigao del Norte

You might also like