You are on page 1of 1

SANAYSAY TUNGKOL SA TEENAGE PREGNANCY

Sa kasalukuyan, parami na nang parami ang mga isyu tungkol sa teenage pregnancy o
maagang pagbubuntis. Lumalaganap na ito sa ibat ibang parte ng bansa. Maraming
mga posibleng rason o kadahilanan ng paglaganap nito sa buong mundo. Isa na rito ang
kahirapan o kawalan ng panustos kaya marami ang nagpapasyang ibenta ang kanilang
sarili. Madalas natin silang nakikita sa mga bar na sumasayaw na halos wala ng saplot at
nagpapagamit ng sarili sa mga kustomers kapalit ng pera. Sa madaling sabi, sila ay mga
pokpok. Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Hindi
mapigil ang mga mapupusok na damdamin lalo na sa mga magkarelasyon na labis-labis
ang pagmamahal sa isat isa. Madalas inaakala ng karamihan na sila na talaga ang
magkakatuluyan habang buhay kung kayat inisip nilang ibigay na lang ang kanilang
sarili, ngunit hindi nila alam na maraming mapagsamantalang lalaki at ito lang ang habol
sa kanila. Kailangang mag-ingat din sa pagpili ng mga kinakasamang barkada sila ang
nagdudulot minsan ng ating ikapapahamak. Marahil ay sila pa mismo ang mag-uudyok
at magtuturo sayo na gawin ang hindi nararapat. Halimbawa nito ay pag-iinom ng alak,
paglalakwatsa, paninigarilyo at iba pa kahit na datiy hindi mo ito ginagawa.
Ang iba namay sadyang agresibo lang talaga, walang pinag-aralan, naku-curious,
gustong maranasan at nakikisabay sa uso. Alam naman nating lahat na likas sa mga
kabataan ang pagiging curious sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid at gustong
maranasan ang mga nararanasan ng iba. Madali rin silang naiimpluwensyahan ng
kanilang madalas na nakikita dahil hindi pa sila mature at hindi pa nila alam ang
kanilang ginagawa. Problema rin ang kulang sa disiplina ng mga magulang. Adik, walang
respeto sa sarili at nasa lahi na talaga nila na nagagaya lamang dahil sa kung anong
pinagmulan ay maaaring siya ring bunga. Ang kawalan ng gabay ng magulang ay may
malaking epekto sa pagkatao ng mga kabataan dahil sila ang humuhubog ng pag-uugali,
paniniwala at pagkatao ng kanilang anak. Sila rin ang responsable sa pagtutuwid ng mga
kamalian ng kanilang anak habang silay bata pa dahil mahirap na itong ituwid kapag
may sarili ng isip ang bata. Ang paggahasa rin ay nagdudulot ng dahilan ng pagbubuntis
ng batang babae. Madalas itong nangyayari sa mga liblib na lugar kung saan lumalabas
ang kababaihan upang bumili ng ipinag-utos ng magulang at hindi nila namamalayang
may nakaabang na pala sa kanila. Sa kabila ng mga sanhing ito, mayroon din itong
maidudulot na mga epekto o bunga. Paghihirap ang pinakasentrong epekto nito sa
karamihan. Mararanasan nila ang hirap ng pagdala ng bata sa sinapupunan sa murang
edad sa loob ng siyam na buwan , ang hirap ng panganganak, pagpapalaki sa bata,
pagbigay ng sapat na nutrisyon, disiplina at maging sa edukasyon nito. Mas lalala ang
paghihirap na ito kapag walang pinag-aralan dahil walang mahanap na matinong
trabaho. Posible ring maging epekto nito ang pagiging single mom dahil karamihan
ngayon, ang mga lalaki ay di marunong managot sa kanilang responsibilidad. Sila rin ay
mamomroblema sa kanilang katawan dahil sila ay nalolosyang at pumapangit dahil sa
kawalan ng oras sa sarili dahil itoy nahahati at kailangang unahin ang kapakanan ng
anak.

You might also like