You are on page 1of 1

Produkto sa Filipino• (talumpati)- Kendrick Motin

Sa kasalukuyan, maraming isyu ang lumalaganap tungkol sa "teenage pregnancy" o


maagang pagbubuntis. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang bansa.
Paano nga ba masosolusyunan ang mga gantong suliranin na hinaharap ng mga kabataan
ngayon?
Ang kawalan ng gabay ng magulang ay may malaking epekto sa pagkatao ng mga
kabataan, sapagkat sila ang humuhubog ng pag-uugali, paniniwala, at pagkatao ng kanilang
anak.
Kailangan maging ma-ingat sa pagpili ng mga kinakasamang barkada dahil minsa'y
sila ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo'y napapahamak. Marahil ay sila pa ang nagtutulak
at nag uudyok sayo na gawin ang hindi nararapat.
kabila ng mga suliraning ito'y mayroon itong maidudulot na bunga. Paghihirap ang
pinaka unang haharapin gaya na lamang ng pagdadala ng bata sa sinapupunan sa murang edad,
panganganak, pagpapalaki sa bata, pagbibigay ng mga sapat na pangangailngan at maging
sa edukasyon nito. Dadagdag pa ang paghihirap dito kapag hindi pinanagutan ng lalaki o
batang ama ang kanyang responsibilidad.
Mga kabataan tayo na't magising sa katotohanan, mahirap ang maging batang
Ama/Ina. Kay dami ng mga responsibilidad na naka-abang. Wala itong maidudulot na mabuti
sa halip ay masisira pa nito ang ating kinabukasan. Mas mabuting mag-aral at magtiyaga
upang makapagtapos at matulungan ang mga minamahal nating magulang, bago tayo
magkarooon ng sariling pamilya.

You might also like