You are on page 1of 3

Kiara Lopena

ABM211

Sandali lang MAMA!!

Napansin mo din ba na karamihan sa mga kabataan ay napapagalitan dahil sa paglalaro sa

selpon at computer, sinasabihan sila na ipause muna ang nilalaro at gawin and pinapagawa

ngunit hindi nila maintindihan na ang karamihan sa nilalaro ng mga anak nila ay hindi maaaring

itigil pansamantala. Maraming mga laro ang nakahihiligan ng kabataan sa henerasyon ngayon

katulad ng Call of Duty, Valorant, Genshin Impact at marami pang iba, ang mga binigay ko na

laro ay tinatawag na online games kung saan may mga kasama mag laro ang inyong mga anak

at “Walang pause function dahil may mga kasamang ibang totoong tao maglaro kasama at

hindi ipapause ng mundo ang laro” (Elms, 2017). Mahirap man ito paniwalaan dahil

kinukumpara ng ating magulang ang kapanahunan nila noon, ayon sa magulang ng isa sa nag

post na sinabihan siya ng kanyang magulang na “noong bata kami pwede namin itigil ang

nilalaro at bumalik na lamang kahit kailan nila gusto” kailangan maintindihan ng karamihan sa

magulang natin na iba ang panahon noon sa panahon ngayon maraming pagbabago ang naiba

kada henerasyon, at iba ang mga nilalaro nila sa nilalaro natin.

Bakit nga ba tayo tinatawag ng ating magulang at pinapatigil ang paglalaro? Pinaliwanag ito ng

isang website ng gigaclear (“Why Can’t My Child Pause Their Online Gaming?”, n.d.):

Pinapatigil tayo ng ating magulang maglaro dahil tayo ay kakain na at kailangan itigil ang

paglalaro ngunit kadaalasan naabutan tayo ng ating magulang na naglalaro pa at nakaharap sa

monitor o selpon, pilit natin sinasabi na sandali lamang o humihiling tayo ng ilan pang minuto

upang matapos ang ating laro. Kailangan natin ipaalam sa magulang na maglalaro at hanggang

anong oras upang malaman nila na hindi na natin ito maititigil basta basta.

Isa lamang iyan sa rason kung bakit nila tayo biglang pinapatigil maglaro. Iba pa sa mga rason

ay ay dahil uutusan nila tayo o kaya naman may masamang nangyari kaya kailangan ng agaran

na atensyon.
Kiara Lopena
ABM211

Ngunit mahirap ipaintindi ang ganitong bagay sa mga magulang dahil “laro lamang” ito at hindi

masamang matalo sa nilalaro sapagkat kaya nga naglalaro ang mga kabataan upang manalo

dahil sila ay sumasaya kapag sila ay nananalo. Katulad lamang ng karamihan kung paglalaro

ang nakakapagpasaya sakanila, may ibang bagay din na nakakapagpasaya sa ibang tao dahil

iba iba tayo, kailangan natin ito irespeto kung nirerespeto din natin ang nakakapagpasaya sa

iba. Sa madaling salita ang mga magulang natin ay may rason kung bakit nila tayo

pinapagalitan kung bakit hindi tayo mabilis kumilos pag tayo ay tinatawag, kung gayon ay

kailangan natin ipaalam sakanila kung tayo ay maglalaro upang maintindihan nila kung bakit

tayo ay inaabot ng ilang minuto bago sundin ang pinapagawa. Ngunit hindi ito magandang

rason upang magalit ng malala ang ating magulang at sana maintindihan nila ang sitwasyon.
Kiara Lopena
ABM211

Sangguinian:

Elms, A. (2017). How to explain to my parents that I can. Retrieved June 15, 2022, from

https://www.quora.com/How-do-I-explain-to-my-parents-that-I-cant-pause-an-online-game

Suppaniv,. (2015). How to explain to parents that you just simply can’t pause the game? Retrieved

from

https://www.reddit.com/r/leagueoflegends/comments/2srwb8/how_to_explain_to_parents_that_you_j

ust_simply/

Why Can’t My Child Pause Their Online Gaming? Retrieved June 15, 2022, from

https://www.gigaclear.com/blog/why-cant-my-child-pause-their-online-gaming

You might also like