You are on page 1of 1

Sarmiento, Earlene A.

Filipino 11/A2

December 01, 2012


Prof. Sonny Soriano

Magulang Magulang?
Isa sa mga pinaka magandang dulang aking natunghayan at nasilayan. Hindi lang puro
ganda ng entablado ang aking natunghayan kundi pati ang ganda at husay ng pagganap ng
mga bumubuong actor at aktres sa nasabing dula. Ngunit ang pinaka nagustuhan ko sa dulang
ito ay ang paksa at tema ng dula na sadyang bagay na bagay para sa aming mga estudyante
pero sayang dapat pati ang mga magulang namin ay nakapanood din ng dula para mas
maintindihan namin ang mga bagay bagay. Ipinakita sa akin ng dula na ito kung gano ba
kahalaga ang isang magulang at ang kahalagahan ng kailang mga nararamdaman at ginagawa
na hindi ko naman lubos na maintindihan. Halo halong emosyon din ang aking naramdaman,
yung tipong naiiyak ka pero tatawa ka na lang bigla o di kaya naman ay magugulat ka. Ang
galing diba? Napagsama-sama nila ang mga emosyon sa isang dula kahit napakasimple ng
gusto nitong iparating sa mga manonood nito. Akala ko nga nung unay nakakaantok at
nakakabagot lang ito na dula pero nagkamali ako dahil mula umpisa hanggang katapusan ng
dula ay hindi ko naalis ang aking paningin at atensyon sa dula. Masasabi kong napakarami
talaga ng aking natutunan sa dula at napakasuwerte ko at napanood ko ito. May mga ilan nga
lang akong naging puna sa dula, isa na rito ay ang kakulangan pangteknikal tulad na lang ng
kakulangan sa mikropono, sa mga ilaw, at entablado pero maliban dun ay wala na. Ngunit
ang kabuuang dula ay napakaganda at lubos akong nasiyahan sa panonood nito naway
makapanood ulit ako ng mga gantong dula at aabangan ko rin ang nalalapit nilang bagong
dula ang Apat na Dalaga sa susunod na taon.

You might also like