You are on page 1of 4

PITIK-BULAG

Ni Ederick P. Tina
Pitik bulag ang pamagat
Sa patibong mo akoy kumagat
Na parang lumalangoy sa malawak na dagat
Di ko na alintana ang hapdi at alat.
Na nanggagaling sa malabong tubig ng dagat.

Unang laro akoy taya at matay ipinikit


Limang daliri ipinantakip ng saglit
Hinulaan kung pilit
Kung ano ang daliring ginamit
Dali daling matay tumirik
Nagkamali ako sa aking unang hirit
Sapagkat hinalalaki ang sagot at hindi hinliliit.

Parang tayo,unang pakikita naging O.K tayo


Tumbs up ako sa kabaitan mo
Tumbs ako sa talento mo
Magaling umawit at napakaalaga mo
Ikaw ang dahilan ng pagngiti ko
Dahil sa mga biro mo
Hanngang sa itinuloy an gating laro

Ako na naman ang taya


Ipinikit ang mata
At inihanda ang hula
Tama.tama ang aking hula
Daliring hintuturo ang iyong ipinakita.
Para na namang tayong dalawa
Itinuro mo ako
Itinuro sa daang patungong puso mo
Puso mo na di ko pa alam kung bakal o bato
Bakit ganoon napakatigas mo
Itinuro mo ang daan ngunit bakit sarado ang gate ng puso mo
Pangatlong laro ikaw nmn ang taya
Ipinikit mo ang iyong mata
Akoy napangiti ng badya
Heto na kaya
Ang pagkakataon para mangako ka
Mangako kang ako lang talaga
Ako lang ang nagiisa
Na akoy mahalaga
Na Akoy mahal mo ring talaga

Ibinukas mo ang iyong mga mata


Hinliit ang iyong pinanghula
Tama,tama ka sa iyong hula
Parang nagkaroon ng pag-asa
Hinliliit na alam ko na
Alam ko nang baka nga mahal mo rin akong talaga
Idinikit ang daliring hinliliit
Na tilay sumisimbolo ng pangako
Pangako na hindi maguguho
Pangako na hindi mapapako

Pumikit ako,na para bang nananabik sa daloy ng laro


Ano ang susunod,na magiging tagpo
Tinakpan ang mata ko
Nagisip ng magiging hula ko
Palasingsingan nga ba o hinlalato
At nabigla ako ng matay magtagpo
Nabigla ako dahil mali ako
Ang aking hulay hinlalato
Ngunit Palasingsingan ang tamang sagot
Umasa ako ng lubos
Parang nawala ang takot
at nalunasan ang poot
Umasa na mahal mo nan gang talaga
Na itoy hahantong sa kasalan na
Hahandugan ng singsing ni bathala
Ikakasal sa altar sa harap ng maraming madla
Ipinagpatuloy ang laro nating dalawa
akoy pipitikin mo dahil akoy taya
Nagulat at napangiwi ng bigla
Napakasakit ng dampi ng daliri mo
Natakot kung ano an gang gusto mong ipahiwatig
Akoy lumuha at nanginginig
Dahan dahang matay iminulat at hindi na ako kinilig
Hindi ko mabasa ang gusting sabihgin ng iyong bibig
Aky biglang nagulantang ng aking masilayan
Ang daliring hinlalato na sa akin ay nakaturo
Hinlalato na hindi ko alam kong ano
Ano ang gusting ipahiwatig nito

Hindi na makasalita ang bibig ko


Hindi na makaalis sa kinatatayuan ko
Hindi na kita mapigil sa pagalis mo

Isang salita lamng ang narinig kogaling sayo


Paalam na kaibigan,tapos na ang ating laro
Akoy napatulala sa salitang kaibigan
Kaibigan mo lang ba talaga
Sabagay akoy umasala lng pala
Binigyang kahulugan ang bawat daliring ipinakita
Oo nga pala,laro lang natin tong dalawa

Akoy napakatanga,dahil noong una pa


Alam ko ng ako na ang aasa
Sa pamagat palamang ng ptik bulag
Akoy nagsilbing bulag
Umasang ikay malaglag
Sa puso koy ikay umilag
At nagpasalo sa iba, pagkatapos mong pusoy mabihag
Pinitik mo ako palayo
Dahi;l saw aka na sa boses ko
Sawa ka na sa mukha ko
Sawa ka na sa ating laro
Kaya tinapos mo lang na parang abo
Ang bilis namng naglaho
Kahit sana nman nagpaggap kalang na akoy mahal mo
Uwian na may natalo na
Natalo sa ordinaryong laro
Ngunit kapag pala nakipaglaro ka sa mahal mo
Nagiging special ang ordinary

At nagigiging masakit ang biro


Umaasa sa malalabo
Ang sakit pala maglaro
Lalo na kung ikaw lagi ang talo……

You might also like