You are on page 1of 1

Elemento ng Dula

1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang
dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na
gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng ibat ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang
mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas
ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang
binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang
tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang
klase.
5. Tagadirehe o direktor ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao;
hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat
mayroong makasaksi o makanood.
7. TEMA ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng
pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan.
Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

MGA URI NG DULANG PILIPINO

Mga Katutubong Dula Mga Dula sa Panahon ng Kastila Dula sa Panahon ng mga Amerikano

Moro-Moro
Senakulo
Karagatan
Duplo
Salubong
Paglakad ng Estrella at ng Birhen
Pinetencia
Carillo
Puteje Sarsuwela
Juego de Prenda Dula sa Makabagong Panahon
Bikal at Balak Bulaklakan
Karilyo Pananapatan
Bayok at Embayoka Moriones Dulang Pantanghalan na may ibat ibang tema
Kasayatan Dalit Alay (Flores de Mayo)
Dallot Pangangaluluwa
Pamanhikan Panunuluyan Dulang Musikal
Dung-aw Tibag
Hugas Kalawang Santakrusan
Dalling-Daling Papuri/Putong

Ang melodrama ay isang dula na nagtataglay ng malulungkot na pangyayari. Maaari na ito'y


makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito ng masaya at kasiya-siya sa mababait at
mabubuti na tauhan sa dula....

You might also like