You are on page 1of 2

PEREZ, NIKA SHEANN B.

BSEDFIL 2201
Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.
1. Ano ang dula? Ilarawan.
• Ang Dula ay isang uri ng panitikan kung saan ito ay isang masining na
pagtatanghal na ginagamitan ng kilos at galaw ng kaisipan ng may akda. Ang Dula
ay isang palitan ng salita o diyalogo kung saan ang mga karakter ay bihasa sa
mabilisang pagpapalit emosyon ng naayon sa pangyayari o tema.
2. Ano-anong dula na ang iyong napanood? Ilahad.
• Walang Sugat ni Severino Reyes
3. Ano-ano ang katangian ng dula? Ipaliwanag.
• Iskrip o ang pinaka-ideya ng istorya o tagpo – Ang lahat ng dula ay may
kwentong sinusunod. Dito malalaman ng mga aktor kung ano ang kanilang
sasabihin o gagawin depende sa kung anong parte na ng kwento.
• Mga tauhan – Ang mga tauhan ay siyang nagbibigay ng buhay sa mga karakter
ng isang dula. Sila’y nagpapalabas ng mga emosyon ng karakter na nakasulat sa
papel.
• Wika – Mahalaga ang wika dahil ito ang nagiging plataporma kung saan ginagawa
ang dula.
• Musika – Ang musika ay nagbibigay ng isa pang lebel ng kaaliwan para sa mga
tagapanonood. Bukod dito, nagbibigay din ng emosyon ang musika na angkop
para sa mga sitwasyon sa kwento.
• Paraan ng pagtatanghal – Ang paraan ng pagtatanghal ay nakadepende sa
maraming mga bagay. Pero ang pangunahing gumagawa o pumipili ng paraang
ito ay ang direktor.

4. Bakit ang mga konsepto o kaisipang ito ang sumagi sa iyong isipan kaugnay ng dula?
• Naging gabay sa aking pagsasagot ang Dulang Walang sugat kung saan doon ay
naibase ko at nahinuha ko ang kaisipang nabuo ko ukol sa Dula.
5. Alin sa iyong mga itinala ang pinakamahalagang konsepto kaugnay sa dula? Bakit?
• Sa aking palagay ay ang pagpapalit ng emosyon ng mga karakter dahil kung ang
konseptong ito ay maayos at mahusay na naisakatuparan, magiging maganda ang
kalalabasan ng Dula at ito rin ang magiging daan upang mas maramdaman ng
manonood ang bawat sinsabi sa akda.
6. Ano-ano ang gusto mong alamin tungkol sa dula? Bakit?
• Ang mga gusto kong alamin tungkol sa Dula ay kung ano ang layunin at aral na
mahihinuha sa isang Dulang itinanghal. Nais ko ring malaman ang mga aspektong
kanilang isinaalalang-alang at binigyang halaga upang maitanghal ng
matagumpay ang Dula.
7. Ano-ano ang mga gusto mong matutuhan buhat sa mga dula ng Mindanao? Bakit?
• Gusto kong matutunan kung paano sila sumusulat ng Dula at kung ano ang
karaniwang tema ng mga Dulang kanilang itinatanghal.
8. Paano mo nakikitang magiging makabuluhan sa hinaharap ang dula?
• Ito ang magmumulat sa atin lalo na sa kabataan ng kung ano ang reyalidad ng
buhay.

You might also like