You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Dula sa Larangan ng Panitikan

FILIPINO 9-10
Oktubre 2,2019

Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay. Ito’y isang uri ng akdang may malaking
bisa sa diwa at ugali ng isang bayan

Introduksyon Sinasabing ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan,
dayalogo, produksyon at teknikal na aspekto , kaugnay ng dulang napanood. .
Sa panonood, ang mabuti ay pulutin at ang masama ay iwasan at di dapat
gawin. Ang mga pangyayaring naganap at nasaksihan ay magdadala sa isang
karanasan ng buhay.

Layunin 1. Nakapagsusuri gamit ang iba’t ibang aspekto ng dula,


2. Naiuugnay ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sariling karanasan.
3. Natutukoy ang kahinaan at kagandahan ng dulang pangteatro.

1. Pamagat ng dulang napanood, lugar at konteksto o nilalaman ng dula


kung paano ito napanood, tema o paksa ng dula, mga tauhang may
kaugnayan sa pagtatanghal ng dulang napanood.
Mga
Inaasahang 2. Maikling buod subalit malaman na paglalagom ng istorya

gawain 3. Paglalarawan , pagsusuri at paghuhusga sa mga Teknikal


(pag-ilaw, musika , tunog) at Pamproduksyon (Kasuotan , Props ,
Backdrop) sa aspekto ng dula.

4. Pagsusuri sa kabuuan ng ipinakitang dula-dulaan at ang kaisipang


napapaloob dito

PAMAGAT
TEMA

BUOD
1. Makatotohanan ba ang ipinamalas na pagganap ng mga
Tauhan sa dula? Patunayan ang sagot.
PAGSUSURI SA
TAUHAN
2 Sa inyong palagay, sino- sino sa mga nagsiganap ang nagpakita
ng di mapantayang talento at pumukaw sa atensyon ng mga
manonood? Bakit? Patunayan ang sagot.

3.. Nabigyang-buhay ba ng mga tauhan ang papel na kanilang


ginampanan? Maayos at malinaw ba ang dayalogo ng bawat tauhan?
Patunayan.

Angkop ba ang inilapat na musika at tunog sa bawat tagpo


PAGSUSURI SA ng dula? Paano ito nakatulong sa pagbibigay-buhay sa palabas?
TEKNIKAL

PAGSUSURING 1. Naging makulay ba ang Backdrop? Ilarawan ito.

PAMPRODUKSYON

2. Angkop ba sa papel na ginampanan ng mga tauhan ang kanilang


kasuotan? Ipaliwanag ang sagot.

3. Sa inyong palagay, akma ba ang props na ginamit sa tema


ng dula? Patunayan.
1. Paano inilahad ng manunulat ang dulang Sina-Dasal?

PAGSUSURING
PAMPANITIKAN

2. Iugnay sa mga nangyayari sa kasalukuyan ang mahahalagang


kaisipang nakapaloob sa dula.

3. Ilahad ang mga kagandahan at kahinaan ng pinanood. Sa inyong


palagay paano ito higit na mapagaganda?

4. Ano ang aspektong nakaapekto sa pag-unlad ng produksyon?

5. Kung susuriin ang kabuuan ng palabas , nagaganap ba ito sa


realidad? Anong tagpo o bahagi sa iyong napanood ang umantig sa
iyong puso at isipan?

6. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magdirehe ng isang


palabas na tulad nito , may idaragdag ka pa ba para higit na
mapaganda ito?Ilahad.

Ipinasa ni :

______________________________________

Ipinasa kay :

__________________________________

You might also like