You are on page 1of 6

Paaralang De La Salle Santiago Zobel

Br. Rafael Donato FSC Night High School


Ikalawang Semestre, AY 2021–2022

ONLINE DISTANCE LEARNING MODYUL

Pangalan: _Flores, Jabriel Zeth______________________________ Pangkat: _11B_________

Guro: _G. Rodolfo L. Bangco, Jr._____________________________ Petsa: _03/10/2022_____

FILIPINO 11

MALIKHAING PAGSULAT
(MalPags)

Modyul #7 (Sem.2)  

D. PAGBASA AT PAGSULAT NG DULA (IISAHING YUGTO)

Mga Elemento/Sangkap ng Dula


a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
d. Diyalogo
INTRODUKSIYON

LAKBAY-GABAY

TUNGUHING PAMPAGKATUTO:

1. Natutukoy ang iba’t ibang elemento/sangkap, teknik at kagamitang pampanitikan ng dula,

2. Nauunawaan ang intertekstwalidad bilang isang teknik ng dula,

3. Nakabubuo ng tauhan/tagpuan/bang-hay para sa iisahing- yugtong dula.

MAHALAGANG TANONG:

Bilang mag-aaral, ano ang magagawa para sa iyo ng ating araling pagbasa at pagsulat
ng dula?
Bilang mag-aaral, ang magagawa para sa akin ng ariling pagbasa at pagsulat ng dula ay
ang pagpapaalala sa akin na bilang pangunahing tauhan sa aking buhay, ang aking mga
sinasabi at ikinikilos ang magdidikta sa kung paano tatakbo ang aking kuwento. Ang mga lugar
tulad ng aming bahay, paaralan, kainan, at simbahan ay kung saan at kailan naganap ang mga
mahahalagang pangyayari sa aking buhay. Tulad sa dula, may mga panahon kung kalian ay
may makikilala akong bagong tao sa aking buhay; kung kalian ay may dumarating na problema;
at higit sa lahat, kung kalian nareresolba ang aking mga suliranin na mag-uudyat ng
panibagong siklo at pag-asa.
INTERAKSIYON

LAKBAY-ARAL

Saliksikin ang mga impormasyon kaugnay ng tauhan at tagpuan ng isang dula.

Tauhan
- sa buhay ng mga tauhan umiikot ang kuwento dahil sila ang mga gumaganap,
kumikilos, at nagbabanggit ng mga dayalogo sa dula.
- Sa kanilang mga linya at aksiyon naipararating ng sumulat ang kaisipan, damdamin,
at saloobin na nais iparating sa mambabasa/manonood.
- Mga uri ng tauhan ayon sa kanilang tungkulin sa paglinang ng kuwento:
o Dramatic Personae – mga tauhan ng drama na kinapapalooban ng
protagonista at antagonista.
o Bayani ng Trahedya – ang protagonista ng isang dulang trahedya
o Confidante – ang tauhan kung kanino ibinunyag ng pangunahing tauhan
ang kanyang pinakapribadong kaisipan at damdamin
o Foil – ang minor na tauhan na may kakaibang personalidad na layong
mabigyang-tuon ang pagkakaiba niya mula mula sa ibang tauhan

Tagpuan
- Ang panahon at lugar/pook kung saan nagaganap ang bawat eksena sa dula.
- Mahalagang mailarawan ang panahon upang maiwasto ang kulay at anggulo ng ilaw
na gagamitin sa entablado, at ang pook/lugar upang maiayon ang disenyo ng
entablado.
- Nakatutulong din ang tagpuan upang malaman ng mga mambabasa/manonood ang
pagkakasunod-sunod ng mga eksena.
PAYABUNGIN NATIN

Gumawa ng isang graphic organizer na magpapakita kung ano ang banghay ng isang dula

ILAGAY ANG GARAPHIC ORGANIZER SA ESPASYONG ITO

Pinakarurok ng
intensidad ng damdamin
kung saan nagtutunggali
ang protagonista at
antagonista.

KASUK
DULAN Patapos na ang tunggalian at
KD
mahihinuha na kung ang dula
ay isang komedya
KOMPLIKASYON KAKALASAN
(tagumpay) o trahedya
(bigo).
Simula ng dula kung
saan ipinakikilala
ang mga tauhan at
paglalarawan ng RESOLUSYON
tagpuan. Ipinakikila ang
tunggalian kung Ganap nang tapos ang
saan nakararanas tunggalian at dula kung
EKSPOSISYON
ang pangunahing saan ay maaaring
tauhan ng problema. naresolba ang problema o
may panibagong suliranin.
Mangalap ng detalye kaugnay ng diyalogo ng isang dula.

Diyalogo
- Ito ang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tauhan.
- Ang dula, ‘di tulad ng maikling kuwento, ay itinatanghal kung kaya’t ang diyalogo ay
hindi lang dapat masining kundi natural ding pakinggan kung bibigkasin ng mga
gaganap.
- Pinatitindi ang damdamin at mensahe ng mga diyalogo ng bigkas, diin, lakas, at bilis ng
pagsasalita ng aktor/aktress, pati na rin ang ekspresiyon ng kaniyang mukha, kumpas
ng kamay, at iba pang mga aksiyon.
- Sa diyalogo malalaman ng mga manonood o mambabasa ang tono at mensahe ng dula.
- Ang monologo naman na binibigkas ng iisang tauhan sa kaniyang sarili ay nagbibigay sa
mambabasa o manonood ng sikretong impormasyon na hindi naririnig ng ibang tauhan.

INTEGRASYON

LAKBAY-DIWA

PAGPAPALALIM NG GAWAIN

Paano mo maiuugnay ang nilalaman ng ating kasalukuyang aralin sa nilalaman ng ating:


1. LCV para sa Pebrero – Contributes to Society
2. LLIM Habit 2 – Begin with the End in Mind

LCV – Aking maiuugnay ang mga aralin na tauhan at diyalogo sa LCV para sa buwan ng Pebrero na
“Contributes to Society” o “Nakapag-aambag sa Lipunan” dahil ang mga tauhan at kanilang mga diyalogo
sa isang dula ay ang mga nag-aambag sa pagtakbo ng kuwento. At bilang isang tauhan sa lipunan,
maaari kong gamitin ang aking sarili, mga aksiyon, at mga salita upang makapag-ambag sa pagsulong ng
ating lipunan. BAON-DIREKSIYON
LLIM – Akin namang maiuugnay ang aralin na banghay ng isang dula sa ikalawang LLIM habit na “Begin
with the End in Mind” dahil tulad ng kung paano pinagpaplanuhan ng manunulat ang bawat bahagi ng
isang dula, mula umpisa hanggang dulo, upang masiguradong maging makabuluhan at maganda ang
kabuuan ng kuwento, ang pagpaplano at pagpokus ko sa aking layunin ay makatutulong sa akin upang
magtagumpay sa aking mga ginagawa.
REPLEKSIYON: Sumulat ng isang makabuluhang repleksiyon kaugnay ng paksang
tinalakay.

Sa cycle na ito, aking natutuhan ang iba’t ibang sangkap ng dula: ang tauhan, tagpuan,
banghay, at diyalogo. Magagamit ko ang mga nakuhang kong kaalaman mula sa modyul na ito
upang ako ay makabuo ng isang maganda dula at kuwento sa pangkalahatan na kung
babasahin o itatanghal ay makapag-aaliw, makaaantig ng damdamin, at magbibigay ng
resolusyon o aral sa aking mga mambabasa o manonood.

PLANO-SIGURADO

 Ang sabmisyon ng Modyul #7 (Sem.2) ay sa Day 5 ng Cycle 7 Sem.2

 Kaakibat na pagtataya ng Modyul #7 (Sem.2) ay sa Day 2 ng Cycle Sem.2

INDIKEYTOR: Lagyan ng tsek ang kahon base sa kaalamang natamo mula sa akda.

/ Naunawaang mabuti ang nilalaman ng akda

May bahaging hindi naunawaan mula sa akda

Kailangan ng masusing pagpapaliwanag sa nilalaman ng akda.

--------------------------------------------------------WAKAS ---------------------------------------------------------

You might also like