You are on page 1of 14

• Pagbubuo ng tauhan at

tagpuan
• Pagbubuo ng banghay at
diyalogo
Inihanda ni:
Balbastro, Caren May Cambel
Tulad ng iba pang naratibong komposisyon, ang
mga sangkap ng dula ay binubuo ng tauhan,
tagpuan, banghay, at diyalogo. Maidaragdag din sa
mga sangkap ng dula ang set, kostyum, make-up,
lighting, at stage direction. Ngunit dapat tandaang
hindi sapat na alam lang ng manunulat ang mga
sangkap sa pagsulat ng dulang iisahing yugto. Ang
mahalaga ay dapat mapagsasama-sama nang tama
ang mga sangkap na ito upang maipahayag nang
malinaw ang mensahe ng dula at mabigyan ng
natatanging karanasan ang awdiyens.
Sa mahabang dula, maya’t maya ay may
ipinakikilalang tauhan upang patakbuhin
ang kuwento. Kung masasabing hindi
kataka-taka ang pagkakaroon nito ng
kahit sandosenang tauhan. Samantala, sa
maikling dula, mahihirapan ang
mandudula kung isisiksik niya sa iIang
minutong pagtatanghal ang pagkakaroon
ng maraming tauhan. Hindi rin ito
naiibigan ng mga manonood dahil kulang
ang kanilang panahon upang makilala
ang bawat isa.

Tauhan
Lahat ng mapipiling tauhan ay kailangang
mahalaga sa pangunahing aksiyon sa dula.
Kaya kung hindi naman makaaapekto sa
kuwento ang pagtatanggal ng isang tauhan,
gawin ito. Sa maikling dula, karaniwang isang
pangunahing tauhan ang dinidebelop nang
husto, ngunit maaari rin namang bigyan ng
pantay na dimensiyon ang dalawa o tatlong
tauhan. Sa huli, anuman ang maging pasiya,
gawing interesante ang mga tauhan.
Siguraduhing makauugnay sa kanila at sa
kanilang karanasan ang mga manonood.

Tauhan
Mahalagang mailarawan sa unang bahagi ng
iskrip ang mga tauhan. Makatutulong ito sa
paghahanap ng mga aktor na gaganap sa mga
tauhan. Ngunit hindi kailangang maging
detalyado sa paglalarawan–ibigay lamang ang
edad, kabuuang panlabas na hitsura, katayuan
sa buhay, o ugali. Minsan naman ay hindi na
inilalarawan ang mga tauhan. Ang direktor na
ang bahalang magsabi kung ano ang kanilang
magiging hitsura o kilos.

Tauhan
Kailangang linawin kung saang lugar at anong
panahon ang pangyayarihan ng tagpo ng dula
upang magkaroon ng ideya ang direktor kung
paano paaartehin ang mga aktor at kung ano
ang disenyo ng entablado. Maging espesipiko
sa paglalarawan ng panahon, kung maaari, lalo
na kung historikal na dula ang isusulat.

Tagpuan
Ang tagpuan ng dulang itatanghal ay
kailangang umayon sa mga pisikal na
limitasyon ng entablado. Makatutulong kung
iniisip ang entablado at kung paano kumikilos
dito ang mga aktor habang isinusulat ang
iskrip ng dula. Kaya sa simula pa lamang,
mahalagang mailarawan ang set, kabilang ang
lokasyon ng pintuan o bintana, puwesto ng
silya at iba pang muwebles o palamuti, at iba
pang kasangkapan tulad ng projector.

Tagpuan
Ang banghay ng dula, bagaman limitado sa
mga pisikal na aksiyon ng mga tauhan at sa mga pagbabago
sa eksena, ay kawahig ng sa maikling kuwento o nobela.
Ang malaking bahagi ng pagiging matagumpay ng isang
dula ay nakadepende sa tunggaliang nagpapatakbo sa mga
aksiyon. Ang tradisyonal na banghay ng maikling dulang
iisahing yugto ay gumagamit ng modelo ni Aristotle sa
trahedya (Freytag’s Pyramid): eksposisyon, papataas na
antas ng aksiyon, kasukdulan o rurok, pababang aksiyon, at
resolusyon o denouement.

Banghay
Banghay
Papataas na antas ng
Eksposisyon Kasukdulan
aksiyon.

Resolusyon o
Pababang aksiyon
Kongklusyon
Banghay
Eksposisyon Papataas na antas ng aksiyon
Ito ang simula ng dula. Karaniwang kinapapalooban ito
ng impormasyon sa konteksto ng dula o paliwanag sa Sa bahaging ito, ipinapakita sa awdiyens ang
sitwasyon. Ipapakilala sa bahaging ito ang mga tauhan at tunggalian at dito nagsisimula ang pangunahing
dito bubuuin ang tono. Siguruhing malinaw, maikli, at aksiyon. Kung maaari, siguruhing may basehan
interesante ang bahaging ito. Maaari ring magbigay ng sa totoong buhay ang anumang komplikasyon sa
mga hudyat o palatandaan sa kung ano ang maaaring dula. Ito ay upang maging kapani- paniwala sa
kalabasan ng kuwento sa dula o kaya magmungkahi ng mga manonood ang mga nangyayari sa mga
temang makatutulong sa pag-unawa sa kuwento. tauhan.
Banghay
Kasukdulan Pababang aksiyon

Ito ang resulta ng serye ng mga pangyayari sa mga unang Sa bahaging ito ng dula, makikita kung
bahagi ng dula o ang bahaging kailangan nang harapin ng napagtagumpayan ng tauhan ang kaniyang
tauhan ang pinakamabigat niyang suliranin o katunggali. problema o kung nabigo siyang malabanan ang
mga puwersa ng katunggali (maaaring sarili,
ibang tao, lipunan, kalikasan, teknolohiya,
tadhana).
Banghay
Resolusyon o Kongklusyon

Ipinapakita dito ang kinalabasan ng


pakikipagtunggali ng tauhan. Maaaring masaya o
malungkot ang pagtatapos. Maaari din namang
walang katiyakan kung tapos na ba ang kuwento.
Di tulad ng nobela o maikling kuwento na
karaniwang binabasa, ang dula ay isang anyong
pampanitikan na pinanonood at pinakikinggan. Kaya
naman ang isusulat na diyalogo ay hindi lamang
dapat magandang tingnan sa mga pahina. Kailangan
ding maging natural din ang tunog nito kapag
binigkas.Mahalagang diyalogo sapagkat isa ito sa
mga nagtatakda ng tono ng dula. Mahalaga din ang
diyalogo dahil ipinakikilala nito kung ang karakter ng
tauhan.

Diyalogo
Marami
ng
salamat!

You might also like