You are on page 1of 38

ARALIN 2 : DULA –

SANGKAP,
TAGPUAN,
BANGHAY, AT
TEMA
TAGPUA
N
TAGPUAN
• Ang tagpuan ay kumakatawan sa kung saan at
kailan naganap ang mga pangyayari sa dula.
• Sa loob ba ng bahay o sa labas? Kaninong
bahay? Bahay ba ng hikahos o yaong
nakaririwasa sa buhay?
• Sa gabi ba naganap ang kuwento o umaga?
• Panahon ba ito ng tag-ulan o anihan?
TAGPUAN : Paliwanag
Malinaw na inilarawan ng sipi ang
hitsura ng entablado na hinati sa iba't
ibang bahagi upang maging bahay ng
isang pamilyang maalwan ang
pamumuhay.
TAGPUAN : Paliwanag
Ginawa ito upang hindi na kailangan pang
magpapalit-palit ng estruktura/gamit sa
pagbabago ng lokasyon; minabuting
narooon na lamang ang mga tauhan sa
mga bahagi ng bahay.
TAGPUAN : Paliwanag
Sa pamamagitan nito, maaari nang
magdagdag ng mga posibleng prop na
gagamitin.
TAGPUAN : Paliwanag
Pansinin din ang madetalyeng
deskripsyon ng tagpo: may pinturang
Hapones, may kabinet na lalagyan ng mga
pinggan at kubyertos, at isang
dekorasyong may nakasulat na GOD BLESS
OUR HOME.
TAGPUAN : Paliwanag
Dahil sa mga ito, pagbukas pa lang ng
ilaw ng entablado, madaling
mauunawaan ng mga manonood na ang
dula ay nagaganap sa bahay ng isang
mag-anak na may maayos na
pamumuhay.
TAGPUAN : Paliwanag
Magkakaroon ng kakaibang
pakiramdam sa manonood ang
dekorasyong GOD BLESS OUR HOME
sa pagsisiwalat ng dula ukol sa
magaganap na krimen sa bahay.
STAGE SET,
PROPS,
MUSIKA, AT
ILAW
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Gaya ng mga naunang nabanggit, ang dula
ay Biswal. Nagaganap sa harap ng mga
manonood ang mga usapan at aksiyon ng
mga tauhan upang dumaloy ang kuwento.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Hindi maitatanggi na mahalaga ang
ginagampanang papel ng stage set o ang
pinagtatanghalan ng dula, partikular ang
mga estruktura na itinatayo sa ibabaw (o
ilalim) nito na kumakatawan sa tiyak na
panahon at lugar.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Sa pamamagitan ng set, nadadala ng dula
ang mga manonood sa sala ng isang
maykaya noong panahon ng Espanyol o sa
kusina ng isang hikahos na pamilya noong
panahon ng Hapones.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Ang pader ng tanghalan na nakaharap
sa mga manonood ay tinatawag na
fourth wall. Mahalaga ang props o
mga pisikal na gamit upang maging
detalyado ang tagpuan.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Gayunpaman, ang set ng dula ay limitado.
Hindi ito kagaya ng sa pelikula na
maaaring mapaglipat-lipat ng lokasyon sa
iba't ibang panahon. Lubhang mahirap na
gawain ang madalas na papalit-palit na
estruktura o ng props.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Kaya kailangan isaalang-alang ito sa
bubuuing stage set, at kung kailangan
talagang magpalit ng tagpuan, ang
mga props o estruktura ay madaling
ikot-ikutin.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Nakadaragdag din sa tagpuan ang paglalangkap ng
musika sa pagtatanghal. Nakatutulong ito sa
panagano (mood) ng mga manonood.
Halimbawa:
1. Nakalilikha ng damdaming masayahin ang tunog na
buhay at malakas.
2. Nakalilikha ng damdaming malungkot ang tunog ng
punebre.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
AngILAW
mga dagdag na tunog (sound effects) ay nakatutulong
upang matukoy ang tiyak na panahon at lugar.
Halimbawa:
1. Kailangan ng tunog ng matatalim na kidlat bilang
hudyat ng malakas na ulan.
2. Kailangan ng tunog ng mga dumaraang sasakyan upang
tukuyin na malapit sa highway o kalsada ang tagpuan.
STAGE SET, PROPS, MUSIKA, AT
ILAW
Ang ilaw na gagamitin ay nakadaragdag sa
panagano ng mga manunuod.
Halimbawa:
1. Ang madilim na lugar ay nakapagbibigay ng
takot at negatibong damdamin.
2. Ang bughaw na ilaw ay nakalilikha ng
malungkot na pakiramdam.
BANGHA
Y
BANGHAY
Ang banghay ng dula, bagaman limitado sa
mga pisikal na aksiyon ng mga tauhan at sa
mga pagbabago sa eksena, ay kawahig ng sa
maikling kuwento o nobela. Ang malaking
bahagi ng pagiging matagumpay ng isang dula
ay nakadepende sa tunggaliang nagpapatakbo
sa mga aksiyon.
BANGHAY
Ang tradisyonal na banghay ng maikling
dulang iisahing yugto ay gumagamit ng
modelo ni Aristotle sa trahedya (Freytag’s
Pyramid): eksposisyon, papataas na antas
ng aksiyon, kasukdulan o rurok, pababang
aksiyon, at resolusyon.
FREYTA
G’S
PYRAMI
D
EKSPOSISYON 1
Ito ang simula ng dula. Karaniwang kinapapalooban ito ng
impormasyon sa konteksto ng dula o paliwanag sa
sitwasyon. Ipapakilala sa bahaging ito ang mga tauhan at
dito bubuuin ang tono. Siguruhing malinaw, maikli, at
interesante ang bahaging ito. Maaari ding magbigay ng
mga hudyat o palatandaan sa kung ano ang maaaring
kalabasan ng kuwento sa dula o kaya magmungkahi ng
temang makatutulong sa pag-unawa sa kuwento.
2
PAPATAAS NA ANTAS NG AKSIYON
Sa bahaging ito, ipinapakita sa awdiyens ang
tunggalian at dito nagsisimula ang
pangunahing aksiyon. Kung maaari, siguruhing
may basehan sa totoong buhay ang anumang
komplikasyon sa dula. Ito ay upang maging
kapani- paniwala sa mga manonood ang mga
nangyayari sa mga tauhan.
KASUKDULAN 3
Ito ang resulta ng serye ng mga
pangyayari sa mga unang bahagi ng
dula o ang bahaging kailangan nang
harapin ng tauhan ang pinakamabigat
niyang suliranin o katunggali.
PABABANG AKSIYON 4
Sa bahaging ito ng dula, makikita kung
napagtagumpayan ng tauhan ang kaniyang
problema o kung nabigo siyang malabanan
ang mga puwersa ng katunggali (maaaring
sarili, ibang tao, lipunan, kalikasan,
teknolohiya, tadhana).
RESOLUSYON O
KUNGKLUSYON
5
Ipinapakita dito ang kinalabasan ng
pakikipagtunggali ng tauhan. Maaaring
masaya o malungkot ang pagtatapos.
Maaari din namang walang katiyakan
kung tapos na ba ang kuwento.
BANGHAY
Bukod sa modelong Freytag’s Pyramid, may ilang
modernong maikling dula na nag-eeksperimento sa
banghay at lumalayo sa modelong ito. Dahil sa
teknolohiya at iba pang inobasyon sa paraan ng
pagtatanghal ng dula sa kasalukuyan, nahihikayat ang
ilang mandudula na pag-eksperimentuhan ang
banghay upang magbigay ng bago at kakaibang
karanasan sa mga manonood.
DRAMATI
C IRONY
DRAMATIC IRONY
• Itinuturing na parikala o irony ang isang bagay o
pangyayari kung ito ay taliwas sa katotohanan.
• Ang dramatic irony ay isang espesyal na parikala na
nagaganap sa ilang dula.
• Nagaganap ito kung ang mga impormasyon na
matagal nang alam ng mga manonood/mambabasa
ay hindi pa rin alam ng mga tauhan sa entablado.
TEMA
TEMA
• Tinutukoy ng tema ang mensahe na nais iparating ng
dula sa kaniyang mambabasa.
• Natatagpuan ito kung magiging sensitibo ang mga
manonood/mambabasa sa kilos at gawi ng mga tauhan,
sa mga daloy ng pangyayari, at iba pa.
• Kailangan maging bukas din ang mambabasa/manonood
sa mga dagdag na pakahulugan ng mga pangalan at/o
maging sa piniling pamagat.
TEMA : Halimbawa
Ano ang tema ng dulang Moses, Moses ni
Rogelio Sicat?
Kung babasahin, walang tauhan na nagngangalang
Moses ang dula; subalit may isang sipi mula sa
Bibliya, partikular sa aklat ng Exodus 21:25 na
nagsasabing,"apoy sa apoy, sugat sa sugat, latay sa
latay."
TEMA : Halimbawa
Nagiging malinaw ang ugnayan nito sa
dulang umiikot sa paghingi ng hustisya
ng pamilya Calderon laban sa Alkalde na
lumapastangan sa kaanak na si Aida.
INDIBIDWAL NA AKTIBITI # 2
Panuto: Gawin ang mga sumusunod:
1. Bumuo ng stage design na halaw sa maikling
kuwentong isinulat mo. Bigyang pansin ang mga
sumusunod:
a. Detalyadong Tagpo d. Ilaw
b. Kakailanganing Props e. Musika
c. Kasuotan ng Tauhan
2. Sumulat ng banghay ng maikling kuwentong sinulat
mo. Gamitin ang Freytag’s Pyramid.

You might also like