You are on page 1of 15

 Department of Education

National Capital Region


SC HOOLS DIVISIO N OFFIC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 31:
Paghahambing ng mga Pangyayari
sa Dula sa mga Pangyayari sa Nobela

May-akda: Jasmin P. Pambid


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
$ODPLQ

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


භ Aralin 1 – Paghahambing ng mga Pangyayari sa Dula
sa mga Pangyayari sa Nobela.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo


ang sumusunod:
A. naiisa-isa ang mga kapansin-pansing pangyayari sa
pinanood na dula; at
B. naihahambing ang mga kapansin-pansing pangyayari sa
pinanood na dula sa binasang kabanata ng nobela.

6XEXNLQ
Sa unang bahagi ng aralin, isagawa mo ang paunang pagtataya
upang masukat natin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Piliin at
bilugan ang letra ng wastong sagot sa sumusunod na tanong.

1. Isang panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.


a. Maikling Kwento c. Dula
b. Sanaysay d. Nobela
2. Ito ang pinakalayunin ng dula.
a. mang-aliw ng manood c. magturo ng ara
b. ipakita ang realida ng buhay d. itanghal sa entablado
3. Ito ang pinakakaluluwa ng dula.
a. Iskrip c. eksena
b. Aktor/tauhan d. tagpo
4. Ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
a. Tagpo c. eksena
b. Yugto d. kabanata
5. Ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.
a. Yugto c. tagpo
b. Eksena d.iskrip

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
6. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
a. Tagadirehe c. manunulat
b. Manonood d. tauhan
7. Ang panahon at pook kung saan naganapang mga pangyayaring
isinaad sa dula.
a. Tanghalan c. tagpo
b. Tagpuan d. lokasyon
8. Ito ay nauukol sa paraan ng pagkakasulat at pagkakatanghal ng dula.
a. Istilo c. paksa o tema
b. Iskrip d. sining
9. Ito ang pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
dula.
a. Iskrip c. balangkas
b. Banghay d. buod
10.Ang dulang “Ang Paglilitis ni Mang Serapio” ay nakatuon sa ;
a. Paglapastangan sa karapatan ng tao
b. Pakikipagsapalaran ng tao
c. Pagtatagumpay ng isang tao
d. Pagsubok na pinagdaanan ng tao

Aralin Paghahambing ng mga Pangyayari


sa Dula sa mga Pangyayari sa Nobela
1

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paghahambing ng ilang pangyayari


sa pinanood na dula sa mga pangyayari sa binasang kabanata ng nobela.
Malilinang ang kasanayang ito kung maisasagawa mo nang matapat ang lahat
ng gawain.

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
%DOLNDQ
Basahing muli ang nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ni: Victor
Marie-Hugo sa Modyul 18. Itala sa loob ng mga kahon ang mga mahahalagang
pangyayari sa nabasang nobela:

Ang Kuba ng Notre


Dame

7XNODVLQ
A. Panimula
Magbahagian muna tayo!
Pansinin ang larawan.Ang tekstong ito ay kabilang sa tinalakay noong
kayo ay nasa Baitang 8. Natatandaan pa ba ninyo ang mga tauhan sa
araling ito at ang mga mahahalagang pangyayari? Kung gayon, anong uri
kaya ng panitikan nabibilangan iito? May ipinagkaiba ba ito sa ibang uri ng
panitikan?

Tara! Pag-usapan natin..

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
B. Panonood

Basahin ang mahahalagang impormasyong tungkol sa dula bago


puntahan ang link at manood.

Ang panonood ng isang dula ay tunay na kaaya-aya. Dito ay tahasang


makikita ang pag-arte ng mga artista sa entablado na walang take two.
Minsan pa nga ay kasali ang mga manonood sa dulang itinanghal.
Isa sa kilalang naisulat at naitanghal ay ang dulang “Ang Paglilitis kay
Mang Serapio.” Sa dulang ito, ipinamalas kung paano nililitis ang isang
nagkasalang pulubi sa hukuman ng mga sindikatong nagpapatakbo rito.
Tunay kayang katarungan ang makamit ni Mang Serapio? Tama ba ang
isinagawang proseso sa paglilitis? Maiuugnay mo ba sa kasalukuyan ang
mga pangyayaring naganap kay Mang Serapio? Ito ay ilan lamang sa mga
bibigyang-linaw sa ating magiging talakayan.
Upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa nabanggit
na dula, panoorin at isaalang-alang nang mabuti ang mga pangyayaring
naganap dito.
Ang Paglilitis Kay Mang Serapio
https://www.youtube.com/watch?v=c7HcifKtGoA

C. Pag-unawa sa Pinanood

1. Sino ang pangunahing tauhan/karakter sa napanood? Ilarawan ito.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano ang suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
_________________________________________________________________________

3. Sumasang-ayon ka ba sa paraang ng paglilitis kay mang Serapio?


Ipaliwanag ang sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Anong uri ng tunggalian ang malinaw na ipinakita sa dula?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. Itala ang mga mahahalagang pangyayari sa napanood na dula.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

6XULLQ

Naaalala Mo Ba?
Dula
Ayon kay Edmund Burke, ang dula ay siyang pinakareplika ng isang
buhay na panitikan at naglalarawan ng katotohanang nagaganap sa tunay na
buhay. Pinalalagay na ang kasaysayan ng dula ay isa siya na ring kasaysayan
ng isang bansa. Ang layunin ng isang dula ay upang itanghal sa entablado.
Magbigay kasiyahan sa pamamagitan ng panggagaya ng representasyong
makatotohanan at sa paggamit ng masining na usapan at kilos. Maituturing
ding salamin ng isang bansa ang dula. Nasasalamin dito ang kanyang
kahapon, ngayon at bukas. Matutunton mo kung paano ang mga ninuno ay
umibig at nabigo, ang paraan ng kanilang pamumuno, pamamahala, ang
kanilang paniniwala at pamahiin, paano sila namuhay at iba pa. kung nais
mong malaman ang nakaraan at kasalukuyang lipunan, kultura, pamahalaan,
at iba pa ng isang bansa, basahin mo o dili kaya, panoorin mo ang kanilang
dula at matutuklasan mo hindi lamang ang kasalukuyang umiiral na
kamalayan kundi gayundin ng kanilang adhikain at pangarap para sa
kinabukasan.

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Sangkap ng Dula

x Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring


isinaad sa dula

x Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan


umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula

x Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang


walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong
suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang
suliranin ang isang dula

x Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa


suliraning nararanasan

x Paksa o Tema - Ang pangunahing ideya ng isang dula, na kung


saan ang mandudula ay naglalarawan ng mga tunggalian ng mga
tauhan at mga pangyayari. Kung minsan, ang paksa ay
nagmumula sa mga pangungusap ng isang tauhan o kaya iniiwan
na ito sa manonood.

MGA URI NG DULA


1. Trahedya – nagwawakas sa pagkabigo, pagkasawi o pagkamatay ng
mga pangunahing tauhan
2. Komedya – ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil
nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y
may malulungkot na bahagi.
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mg
pananalitang katawatawa
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
EKSENA, YUGTO AT TAGPO
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na
pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula. Yugto, ang bahging ito ang
ipinanghahati sa dula.

x Istilo - Ito ay nauukol sa paraan ng pagkakasulat at pagkakatanghal ng


dula. Karaniwang angkop ang piyesa, tema ng dula at ang uri nito ng
reaksyon na inaasahan sa mga manonood.

x Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,


tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
x Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian
x natatapos ang mga Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
x Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at suliranin at
tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga
suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

ELEMENTO NG DULA
1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip; walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay
sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan
sa dula.
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang
dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang
pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan
ng mga mag-aaral sa kanilang klase
4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang
iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng
direktor sa iskrip
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing
na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag
sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
3DJ\DPDQLQ

A. Palawakin natin ang iyong kasanayan sa pamamagitan ng


pagpaghahambing ng ilang pangyayari sa pinanood na dula sa mga
pangyayari sa binasang kabanata ng nobela. Gamitin ang talahanayan para
sa pagtatala ng iyong mga sagot.

Mga Pangyayari

Ang Kuba ng Notre Dame Ang Paglilitis kay Mang Serapio

B. Gamit ang Ven Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad


ng nobela at dula. Maaaring gamitin bilang batayan ang ginawang
pagtalakay sa mga araling ito. Sundin ang pamantayan ng pagmamarka sa
paglalahad ng kasagutan

C.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Pamantayan sa paglalahad ng paghahambing
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
5 4 3 ng pagsasanay
2

Pagpapamalas ng
pag-unawa at
pagpapahalaga
sa mga akdang
pampanitikan

Pagpili ng
mahalagang
pangyayari sa
mga akda

Paghahambing
ng mga
pangyayari

Kabuoang
Puntos

,VDLVLS
Sa tulong ng mga salita na nasa loob ng mga hugis, ibigay at
ipaliwanag ang sariling pagkakaunawa sa ating tinalakay. Isulat ang
sagutang papel ang sagot. Gawing gabay ang bahaging nasa Tandaan.

ELEMENTO NG DULA
DULA

Tandaan!

x Dula–ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang


tanghalan
x Bahagi ng Dula– ito ay kinabibilangan ng yugto, tanghal at tagpo
x Elemento ng Dula– ito ay ang banghay, ang tauhan at diyalogo ng
dula.

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
,VDJDZD
Bumuo ng sariling pagpapakahulugan at pagtalakay sa ibinigay na
pahayag mula kay Shakespeare: “Ang mundo ay isang teaatro”
Sundin ang pamantayan ng pagsulat sa ibaba.

“Ang Mundo ay Isang Teatro…”

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pamantayan ng Pagsulat

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


5 4 3 ng pagsasanay
2

Nilalaman:
- kaugnay sa paksa
- kalinawan sa
paglalahad

Organisasyon:
- kaisahan
- pagkakaugnay

Kabuoang Puntos

7D\DKLQ
Muli nating sukatin ang iyong natutuhan sa paksang aralin. Tukuyin at
bilugan ang wastong sagot sa bawat tanong.
1. Ano ang dahilan ng paglilitis kay mang Serapio?
a. Lumabag sa batas ng kinaaanibang pederasyon
b. Hindi nagbibigay ng perang nalimusan
c. Palihim na nag-aalaga ng anak

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
d. Ayaw na niyang mamalimos
2. Ang pang-araw-araw na gawain ng pangunahing tauhan sa dula.
a. Tagabantay ng mga namamalimos
b. Tagakolekta ng buwis
c. Namamalimos
d. Tagahatol ng mga lumalabag sa batas
3. Ang dalawang uri ng tunggaliang malinaw na ipinakita sa dula.
a. Tao laban sa tao
b. Tao laban sa kalikasan
c. Tao laban sa lipunan
d. Tao laban sa Diyos
4. Ang bagay na sumisimbolo sa alaala ng namatay na anak.
a. Larawan
b. Damit
c. Baul
d. Manyika
5. Ang uri ng dulang kinabibilangan ng “Ang Paglilitis ni Mang Serapio.”
a. Trahedya
b. Melodrama
c. Komedya
d. Parsa
6. Ang naging parusa kay Mang Serapio
a. Hinagupit at ikinulong siya sa harap ng tao
b. Tinanggalan siya ng mata sa karumal-dumal na paraan
c. Ipinahiya sa taumbayan
d. Itiniwalag sa pederasyon at pinagbayad
6. Ang tema ng dulang napanood.
a. Di-pagkakapantay-pantay ng karapatang pantao
b. Pagkakaiba sa estado ng buhay
c. Katapatan sa organisasyong kinabibilangan
d. Kalupitan ng mga kaaway
7. Siya ang ama ng sarsuwelang Tagalog
a. Lope K. Santos
b. Amado V. Hernandez
c. Severino Reyes
d. Jose Corazon de Jesus
8. Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas ng
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng
bayani
a. Nobela
b. Dula
c. Maikling kwento
d. Sanaysay
9. Ito ay realistikong panggagad o pananagisag sa buhay
a. Dula
b. Maikling Kwento
c. Sanaysay
d. Nobela

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
10.Anong bahagi sa tekstong nabasa ang pareho ang kalagayang
panlipunan mga tauhan.paano sila nagkakatulad?
a.diskriminasyon
b.kahirapan
c.mababang pagtingin ng lipunan
d.lahat ng nabanggit

.DUDJGDJDQJ *DZDLQ

Ang dulang “Ang Paglilitis ni Mang Serapio” ay isang dulang maaaring


maiugnay sa makatotohanang pangyayari. Maaring makaramdam tayo ng iba’t
ibang emosyon o masidhing damdamin na may pagkakaugnay sa dulang
tinalakay. Pagkatapos mong mapag-aralan ang dula, ilahad ang iyong sariling
pananaw batay sa sumusunod:

BISA SA ISIP
__________________________________________________________
BISA SA DAMDAMIN
_________________________________________________________
BISA SA KAASALAN
__________________________________________________________

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati kita!


Sige, hanggang sa muli.

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
6XVL QJ 3DJZDZDVWR

Subukin
1. c 6. d
2. d 7. b
3. a 8. a
4. c 9. b
5. c 10. a

Tayahin
1. a 6. b
2. c 7. a
3. a at c 8. c
4. d 9. a
5. a 10. d

Bucu, Amelia-Viray et.al Masining na Komposisyon. Patnubay sa Pagsulat sa


Hayskul. Rex Book Store. Manila
https://connectedkami.wordpress.com/2014/03/18/mga-bahagi-at-uri-ng-
dula/
http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/
Ang Paglilitis Kay Mang Serapio
https://www.youtube.com/watch?v=c7HcifKtGoA

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
%XPXEXR VD 3DJVXODW QJ 0RG\XO

0DQXQXODW -DVPLQ 3 3DPELG *XUR 3+6


0JD (GLWRU 0D *UDFH = &ULVWL *XUR7+6
.LPEHUO\ 0 &DSXQR *XUR 0+6
$GHOZLVD 3 0HQGR]D *XUR &,66/
7DJDVXUL3DQORRE *DOFRVR & $OEXUR (36)LOLSLQR
7DJDVXUL 3DQODEDV
7DJDJXKLW 3DROR 1 7DUGHFLOOD *XUR .1+6

7DJDODSDW -HHMD\ % &DQLOOR *XUR 1+6

7DJDSDPDKDOD
6KHU\OO 7 *D\ROD
3DQJDODZDQJ 7DJDSDPDQLKDOD
3LQXQRQJ 1DQXQXSDUDQ  7DQJJDSDQ QJ 7DJDSDPDQLKDOD

(OLVD 2 &HUYH]D
+HSH ± &XUULFXOXP ,PSOHPHQWDWLRQ 'LYLVLRQ
3LQXQRQJ 1DQXQXSDUDQ  7DQJJDSDQ QJ 3DQJDODZDQJ 7DJDSDPDQLKDOD

*DOFRVR & $OEXUR


6XSHUELVRU VD )LOLSLQR

,Y\ &RQH\ $ *DPDWHUR


6XSHUELVRU VD Learning Resource Management Section

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(

You might also like