You are on page 1of 27

“Ang mundo ay isang teatro…”

- Shakespeare-
Dula
Ang kilalang anyo lamang ng dula
ay ang pagtatanghal na ginaganap sa
entablado tampok ang mga artistang
nagbibigay-buhay sa isang tiyak na
kuwento.
Ngunit maaari ring ganapin ang dula sa
mismong tahanan, gaya ng nangyayari kapag
namamanhikan ang lalaki sa pamilya ng
babaeng nais niyang mapangasawa, o sa
lansangan gaya ng ginagawa sa mga tradisyong
panrelihiyon tulad ng:
-salubong sa Linggo ng Pagkabuhay
- santakrusan tuwing Mayo
- panunuluyan sa panahon ng kapaskuhan
- ito’y isang pampanitikang panggagaya sa
buhay upang maipamalas sa tanghalan

- isang akdang pampanitikan na ang layunin


ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita,
kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.
Uri ng Dula
1. Trahedya – may mahigpit na tunggalian. Mapupusok
ang mga tauhan at ginagamitan ng masisidhing
damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o
pagkamatay ng pangunahing tauhan.
2. Komedya – ang uring ito ay nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ang wakas
ay kasiya-siya sa mga manonood.

3. Melodrama – ang dula ay nagwawakas na kasiya-


siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito’y
may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis
ang pananalita at damdamin sa uring ito.
4. Parsa – Ang layunin ng dulang ito ay magpatawa sa
pamamagitan ng mga pangyayari at mga pananalitang
lubhang katawa-tawa.

5. Saynete – ang pinakapaksa ng uring ito ay mga


karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito ay
may layuning magpatawa.
Sangkap ng Dula

a. Simula
tagpuan
tauhan
sulyap sa suliranin
Sangkap ng Dula

b. Gitna
Saglit na kasiglahan
Tunggalian
Kasukdulan
Sangkap ng Dula

c. Wakas
Kakalasan
Kalutasan
Bahagi ng Dula

a.Yugto (Act) – ito ang pinakakabanatang


paghahati sa dula
b.Tanghal-eksena (Scene) – ang bumubuo sa
isang yugto. Maaari itong magbadya ng
pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan
gaganapin ang susunod na pangyayari.
c.Tagpo (Frame) – Ito ay ang paglabas at
pagpasok ng kung sinong tauhang
gumanap o gaganap sa eksena.
Elemento ng Dula

a.Iskrip – ito ang nakalambag na bersyon ng dula


na naglalaman ng pagsasalaysay na siyang
nagpapakilala ng sitwasyong kinapapalooban
b. Aktor – siya ang artista na nagbibigay-buhay sa
mga tauhan sa dula sa pamamagitan ng
makatotohanang pagganap at mahusay na
pagbigkas ng diyalogo.
c.Direktor– isang alagad ng sining na nagbibigay-
interpretasyon sa iskrip. Siya ang nagtatakda kung
paano bibigyang buhay ng actor ang isang eksena.
d. Tanghalan – ito ang pook na pinaggaganapan
ng dula.

e. Manonood – sila ang mga taong pinaglalaanan


ng dula; ang siyang tumutunghay sa pagtatanghal.
Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay magtatanghal ng isang
programang pambalitaan na papaksa sa iba’t
ibang anyo ng kawalang-katarungan sa
lipunan. May mga mag-aaral na magsisilbing
news anchor na siyang magpapakilala ng balita
at may mga gaganap na reporter na mag-uulat
sa field ng mga pangyayaring ibinabalita. May
mga gaganap din na taong sangkot sa paksa ng
balita. Ang pagbabalita ay tatagal lamang ng 3
minuto.
“Moses! Moses!”
ni:
Rogelio Sicat
Tanong:
1. Anong trahedya ang naganap sa buhay ng kaisa-isang anak
na babae ni Regina?
2. Paano tinangkang aregluhin ni Mayor ang sala ng kanyang
anak?
3. Paano inilagay ni Tony ang batas sa sarili niyang mga
kamay?
4. Bakit mas minabuti ni Regina na patayin ang sariling anak?
5. Paano nagkakaiba ang pananaw nina Regina at Tony ukol
sa pagkakamit ng hustisya?
5. May pangyayari na ba sa iyong buhay na nagdulot sa iyo ng
matinding pagdurusa? Ano ito? Paano ka bumangon at
nagpatuloy sa buhay?
Takda:
1. Gumawa ng isang editoryal cartoon
tungkol sa iyong obserbasyon sa hustisya ng
bansa.
2. Suriin ang dulang “Moses! Moses” ayon
sa:
I. Uri ng Panitikan
II. Istilo ng Pagkakasulat
III. Mahahalagang tauhan at Tagpuan
IV. Kaisipan o Ideyang taglay ng Akda
V. Tatlong Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
B. Bisa sa Damdamin
C. Bisa sa Kaasalan
Sa Pula, sa Puti
ni:
Francisco Rodrigo
Sabong
Ito ay kilalang uri ng libangan, sugal at
isang pinagkukunan ng kabuhayan. Isang
kalagayang panlipunan na masasalamin sa
libangang ito ay ang patuloy na pamamayani ng
patriyarkal na tradisyon. Ito ay sa kadahilanang
ang sabong ay isang larong laan para sa mga
kalalakihan. Sinasabing ang mga karahasan at
aksyong nakapaloob sa laro ay tanging mga
lalaki lamang ang nakauunawa at may hilig.
Tanong:
1. Ilarawan ang mga tauhan sa tinalakay na dula.
2. Bakit tila nagseselos si Celing sa mga manok ni
Teban?
3. Anong paraan ang naisip ni Celing upang hindi
maubos ang kabuhayan nila sa pagsusugal ni
Kulas?
4. Anong paraan ang itinuro ni Castor kay Kulas
upang matiyak ang pag-uwi niya ng salapi?
Nagtagumpay ba siya?
5. Paano nakaapekto kay Kulas ang huling laban
niya sa sabong? Seryoso na kaya siya sa kanyang
pagbabagong-buhay?

You might also like