Professional Documents
Culture Documents
Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula:
(Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat. Bakit ganoon ang
pamagat?)
-Rating ng pelikula
B. Direktor: (Pangalan ng Direktor)
C. Prodyuser: (Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser)
D. Pangunahin tauhan:
(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan)
Hal. Stella Mate – Sharon Cuneta – Hindi bababa sa tatlong pang.
E. Tema ng Pelikula:(Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)
F. Buod ng Pelikula(Magbigay ng maikling buod ng pelikula.) Kadalasang may panimula, gitna at wakas
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika-(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng
emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)
B. Sinematografiya-(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng
kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na ginamit?)
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari-(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito
nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)
D. Pagganap ng mga Artista-(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang
pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)
E. Tagpuan-(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop ba
ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)
III. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng Teoryang Realismo (Magbigay ng tatlong eksena)
(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na tinalakay sa pelikula na
maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?)
B. Mga Aral
Karamihan sa mga pelikula ay gumagamit ng Christ like character kung saan ang bida ay may mga katangiang katulad kay
Kristo. Hal: Sa pelikulang Caregiver, Paano maihahalintulad ang pangunahing karakter sa mga katangian ni Kristo.
Gamitin ang Venn Diagram sa bahaging ito.
C. Kabuuang Pananaw
(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang pelikula sa atin. Karapat-dapat bang
panoorin ang pelikula? Bakit?)
KASAYSAYAN NG PELIKULA
• Ang pelikula na tinatawag ding moving pictures noon ay ipinakilala noong 1897 at sinasabing pinakahuli sa mga
uri ng sining na nakilala sa bansa subalit pinakitanyag na uri ng sining hanggang sa kasalukuyan.
• Ito ay nagsimula sa tawag na silent movies o pelikulang walang dayalogo
• Dating kulay itim (black and white ) at sa pagtagal ay naging de kulay na ito
• Ang unang sinehan ay itinayo sa 31 Escolta, Maynila ng dalawang negosyanteng Swisso na Sina G. Leibman at G.
Peritz at tinawag nila itong CINEMATOGRAFO at di nagtagal ay tinawag na CINE
• Agosto 31, 1897 – unang pinalabas sa publiko ang mga dokumentaryong palabas
• Nobyembre 1897 – nagsara ang cine dahil sa kawalan ng bagong mapapanood
• La Vida de Rizal – unang pelikulang nilikha sa Pilipinas ni Dr. Meyer Gross at ng Amerikanong producer na si
Mr. H. Brown
• La Pasion y Muerte de Dr. Jose Rizal – mabilisang nilikhang pelikula ni Albert Yearsly
• Agosto 24, 1912 – sabay na ipinalabas ang pelikula tungkol kay Rizal
• Dalagang Bukid – unang pelikulang gawa ng Pilipino na pinagbidahan ni ATANG dela RAMA at idinerehe ni Jose
Nepomuceno na itinuturing na AMA ng PELIKULANG PILIPINO
• PUNYAL na GINTO - unang Pelikulang Pilipino na ginamitan ng tunog o sound movie
• LVN, SAMPAGUITA PICTURES AT PREMIER malalaking film studio noong dekada ‘50 at ‘60
• Prinsipe Amante- ang unang pelikulang Pilipinong de kulay ( 1951 ) pinagbidahan ni Rogelio dela Rosa
• Dekada ‘70 – umusbong ang magagaling na direktor tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Mike deLeon
MGA SANGKAP/ ELEMENTO NG PELIKULA
1.NILALAMAN / KWENTO- Makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao mula sa
pananaw ng Pilipino.Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming manonood
2. TEMA - Ito ang paksa ng kwento. Diwa at kaisipan at pinakapuso ng pelikula.Ito ay nararapat na tatatak o may dating
sa mga manonood
3. PAMAGAT - Naghahatid ng pinakamensahe nito at nagsisilbi ring panghatak sa pelikula
4. DAYALOGO- Linyang binabanggit ng mga tauhan sa kwento.Dapat isaalang-alang ang lenggwahe ginagamit sa pelikula
at isipin ang target na manonood
5.DULANG PAMPELIKULA /SCREENPLAY - Makabuluhang nilalaman o karanasang sinusuri . Binabalangkas sa paraang
orihinal ang nasabing nilalaman o karana-san, ayon sa pangangailangan ng midyum ng pelikula
6.PAGGANAP/TAUHAN - Matagumpay na nagawa ng artista na ma-paniwala ang mga manonood sa tauhang kanyang
inilalarawan .Malinaw ang mga motibong nagpapakilos sa mga tauhan
7.Disenyong Pamproduksyon - Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang Pook .Tagpuan,Makeup,Kasuotan Kagamitan
na nagpapalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula
8..SINEMATOGRAPIYA - Matagumpay nitong naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng:
• Pag-iilaw ,Komposisyon ,Galaw at ibang kaugnay na teknik ng kamera
9.EDITING - Malikhain nitong pinakikitid o pinapalawak ang Oras ,Kalawakan at Galaw
10.TUNOG - Naisalin nang buhay na buhay ang diyalogo at musika, epektibong tunog at katahimikan
Naisaayos ang lahat na ito sa malikhaing paraan
11. MUSIKA- Pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin
• Pinatitingkad ang atmospera at damdamin
• Inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula
• Orihinal na musika
12..DIREKSYON - Matagumpay ang direktor sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula , Nagawa niyang
ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang elemento
ng pelikula
A. Y. 2012 – 2013
DEKADA ‘70
Ipinasa ni
Seksyon:
Guro:
Petsa:
Spacing: Single
Sub-titles: Bold
QUIZ NO 2.
Pangalan: _________________________________________ Petsa : __________________ Pangkat: ___________
QUIZ NO 2.
Pangalan: _________________________________________ Petsa : __________________ Pangkat: ___________
Ang pang-uri ay tawag sa mga salitang nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. Maaari itong maglarawan
ng bilang, katangian, itsura, hugis, amoy, laki at kulay.
HALIMBAWA:
• B. PANUNURAN o ORDINAL - Ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud- sunod ng tao, bagay atbp. May
panlapi itong ika o pang
HALIMBAWA:
pang-apat,panlima,pang-anim,pampito,pangwalo atbp