You are on page 1of 2

REGINA COELI EDUCATION CENTER FOUNDATION, INC.

2nd Quarter Exam


FILIPINO 8
Pangalan: _________________________________________ Petsa:_______________________Marka:

I. Panuto: Isulat sa patlang ang malaking letra ng tamang sagot.

1.Ano sa Pilipino ang “La Indolencia de los Filipinos”?

a. Ang Katamaran ng mga Pilipino c. Magaganda ang mga Pilipina

b. Ang mga Pilipino ay masisipag d. Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas

2.Uri ng sanaysay na ang pinapaksa ay ang kapaligiran

a. Sanaysay na mapanuri b. sanaysay na naglalarawan c. sanaysay na pangkalikasan d. Sanaysay na pasalaysay

3.Sangay ng panitikan na naglalahad ng pananaw o opinion ng sumusulat ukol sa paksa

a. Balagtasan b. Maikling kuwento c. Sanaysay d. Tula

4.Uri ng sanaysay na ang paglalahad ay parang nakikipag-usap lang sa mambabasa.

a. Di-Pormal b. Editoryal c. Pormal d. Tauhan

5. sang uri ng Taludturan sa isang tula na may sukat ngunit walang karaniwang sukat.

a. Blangko Berso b. Kopla c. Malaya d. Tradisyunal

6. Tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod

a. Saknong b. Sukat c. Talinghaga d. Tugma

7.Tinaguriang unang hari ng balagtasan

a. Francisco Balagtas b. Juan Crisostomo Sotto c. Jose Corazon de Jesus d. Severino Reyes

8.Pinanggalingan ng Balagtasang Crisotan

a. Francisco Balagtas b. Jose Corazon de Jesus c. Juan Crisostomo Sotto d. Severino Reyes

9.Binansagang Lola Basyang.

a. Francisco Balagtas b. Jose Corazon de Jesus c. Juan Crisostomo Sotto d. Severino Reyes

10. Pinanggalingan ng Balagtasan

a. Francisco Balagtas b. Jose Corazon de Jesus c. Juan Crisostomo Sotto d. Severino Reyes

II. IDENTIPIKASYON: Ilagay sa patlang ang tamang sagot

__________________________________1. May akda ng An Pagtabang

__________________________________2. Pinakaunang magasin sa Pilipinas

__________________________________3. Matandang pinanggalingan ng Lola Basyang na ginamit ni Severino Reyes.

__________________________________4. Ina ni Severino Reyes

__________________________________5. Kilala siya bilang Kuntil Butil

__________________________________6. Sa kanya nagmula ang musika ng Walang Sugat.

__________________________________7. Kilala siya sa bansag na Huseng Batute

__________________________________8. Isang dulang musical na umunlad noong ika-7 siglo

__________________________________9. May-akda ng “Walang Sugat”

__________________________________10. Ito ang ipinapakita sa Sarsuelang Walang Sugat.


III. KAANTASAN NG PANG-URI: Ibigay kung anong antas ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap.

a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol

1.Ang Cagayan de Oro ay higit na maunlad kaysa Iligan City.

2.Magaling nga ba tayong mag-aaral?

3.Lumalabas na mas magagaling tayo kaysa kanila.

4.Sobra-sobrang takot ang nadarama ng mga taga-Albay sa pag-alburuto ng Mayon.

5.Magagaling ang lumahok sa paligsahan sa pagbabalita mula sa CDO National High School.

6. Di-gaanong mahirap ang pagsusulit ngayon kaysa noong Unang Markahan.

7. Pagka-ganda-ganda ng pelikulang Maestra

8. Magkasingsarap ang adobo ni nanay at ate.

9. Mas mainit pa ang ulo mo kaysa kape.

10. Bibili ako ng sobrang pulang mansanas.

IV. OPINYON O KATOTOHANAN: Suriin kung ang pangungusap ay Opinyon o Katotohanan

_________________1. Ang kaugaliang Pilipino ay nananatili pa rin sa lahat ng mga Pilipino.

_________________2. Sa aking palagay, ang matibay na pundasyon ng pamilya ay susi sa katatagan ng isang bansa.

_________________3. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, ang kabataan ay siyang pag-asa ng bayan.

_________________4. Para sa kanya, ang tagumpay ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang sarili.

_________________5. Nakikita ko ang kaugaliang Pilipino ay makikita pa rin sa Pilipinas.

_________________6. Batay sa pananaliksik, marami ng kabataan ang ginamit sa paggawa ng krimen.

_________________7. Ayon sa balita sa TV Patrol kagabi, nasibak na sa serbisyo ang mga pulis na kasangkot sa HuliDap.

_________________8. Kung ako ang tatanungin, hindi nakatutulong ang programang K to 12 sa edukasyon.

_________________9. Malaki ang posibilidad na tatakbong pagka-Presidente si VP Binay sa 2016.

_________________10. Ayon sa PAG-ASA may namumuong 2 bagyo pa ngayong buwan ng Oktubre.

V. ENUMERASYON: Isulat sa patlang ang hinihinging salita sa bawat bilang.

1-3. URI NG TULA 4-8: ELEMENTO NG TULA 9-10. ANYO NG TULA

_____________________ _____________________ _____________________

_____________________ _____________________ _____________________

_____________________ _____________________ _____________________

_____________________ _____________________ _____________________

Inihanda ni:

G. Carlon M. Ballard

PAGPALAIN ANG BUONG PAMILYA

You might also like