You are on page 1of 22

Dula (Patalastas)

PAUNANG SALITA
Ang Kagamitan sa Pampagkatuto o Self-Learning Kit (SLK) na ito na
naglalaman ng isang akdang pampanitikan na orihinal na idinisenyo at isinagawa
upang mahikayat ang mga mag-aaral na Sekondarya, partikular ang mga mag-aaral sa
ikapitong antas na higit na magkaroon ng interes, pahalagahan at pagyamanin ang
Panitikan ng Pilipinas na itinalaga upang mahasa ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa
ikapitong antas sa pagkokonsepto, pagbuo at pagpapaliwanag ng nabuong patalastas.
Nakatuon sa paksang Dula ang aralin na nakapaloob sa kagamitan sa
pampagkatuto na ito at ang tema ng dulang iniakda ay kakikintalan ng katutubong
kulay ng lugar kung saan isinulat ang teksto upang maging lunsaran ang bawat
konsepto na nakapaloob sa SLK na ito.

ALAMIN

MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga uri ng dula sa panahon ng Kastila.


2. Nabibigyang halaga ang pangangalaga sa kalikasan.
3. Nakasusulat ng iskit ng isang patalastas patungkol sa tema ng
nabasang dulang panlansangan bilang pagbuo ng isang proyektong
panturismo.

KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO

Naipaliliwanag ang nabuong patalastas tungkol sa napanood na


dulang panlansangan (F7PB-If-g-4)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

    Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Mindanao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
      Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong
panturismo.

SUBUKIN

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag at pumili ng sagot sa


ibaba ng bawat tanong.

1. Ito ay isang masining na paglalarawan ng kuwento na kinatatampukan


ng mga tagaganap, pagdidirehe, dayalogo at iba pang elemento.

A. Kuwentong Bayan

B. Maikling Kuwento

C. Dula

D. Epiko

2. Ito ay isang mabisang paraan ng midya upang mahikayat ang mga tao
na tangkilikin ang isang produkto.

A. Teleserye

B. Patalastas

C. Pelikula

D. Istasyon

3. Ang ___________________ ay karaniwang isinasagawa sa kalye o


kalsada.

A. Dulang Pantahanan

B. Dulang Pampaaralan

C. Dulang Pantanghalan
D. Dulang Panlansangan

4. Mahalaga ang pagpapalabas ng mga patalastas upang maiparating sa


mga tagapamili o tagatangkilik ang ______________ ng isang produkto
o serbisyo.

A. Halaga o Presyo

B. Kalidad

C. Mga Sangkap

D. Imbentor

5. Anu-ano ang mga karaniwang tema o paksang diwa na iniikutan ng


mga dula na lumaganap sa bansa noong panahon ng Kastila?

A. Kabutihang asal at pagpapahalaga sa wika

B. Kabutihang asal at mga kasabihan sa buhay

C. Pagpapahalaga sa kapwa tao at bansa

D. Pagpapahalaga sa edukasyon at kultura

PAGTALAKAY SA ARALIN

DULA- isang malikhaing pagsasabuhay o paglalarawan ng kuwento na


kinatatampukan iba’t ibang elemento tulad ng tagaganap o aktor,
pagdidirehe, dayalogo at iba pa.

MGA ELEMENTO NG DULA

1. Tagaganap o aktor- o kilala bilang nagbibigay kulay sa isang dula


sapagkat ang husay ng mga tagaganap sa pag-arte base sa tagpo,
dayalogo at anyo ng tauhan na kanilang ginagalawan ang nagdadala sa
kariktan ng dula. Kabilang sa nga tagaganap ang tagapagsalaysay o ang
naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa dula.

2. Pagdidirehe- ito ay tumutungkol sa pagbibigay ng mga gawain ng


isang direktor sa mga artista at iba pang mga tao sa likod ng
pagsasadula. Ang direktor ang pinakamataas ang katayuan sa paggawa
ng dula sapagkat nasa kanyang konsepto ang ikagaganda ng kalidad ng
dula.

3. Dayalogo- Ito ay tumutungkol sa mga linyang sasambitin ng mga


tagaganap.

4. Banghay- ito ang balangkas ng mga tagpo o kaganapan. Ang


paglalahad, kaguluhan at kakalasan ang mga sangkap na bumubuo sa
banghay.

 Paglalahad- sa bahaging ito inilalahad ang panimula, kung saan


ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan at suliranin o tunggalian,
maging ang tema ng isang dula.
 Kaguluhan- ipinapakita sa bahaging ito ang tunay na pagkatao ng
mga tauhan sapagkat nasasalamin sa mga kilos at desisyon ng mga
tauhan base sa kani-kanilang sitwasyon at suliraning kinahaharap
ang kanilang tunay na katangian.
 Kakalasan- sa bahaging ito, tumitindi ang mga tagpo sa dula at
unti-unting nabibigyang solusyon ang mga suliranin.

5. Disenyong Pamproduksyon- tinatalakay dito ang anyo ng mga


kasuotan at kagamitang kakailanganin sa isang pagsasadula. Ang mga
kasuotan at kagamitan ay nakaangkop sa tema ng isang dula.

6. Tema-paksang diwa o konsepto na iniikutan ng kuwento sa dula.

7. Mensahe- ito ay tumutungkol sa aral na ipinapahatid ng isang dula.

MGA URI NG DULA NA LUMAGANAP SA BANSA NOONG


PANAHON NG KASTILA
1. Dulang Panlansangan- dulang itinatanghal sa kalye o kalsada.

2. Dulang Pantanghalan- dulang isinasagawa sa mga tanghalan na


karaniwang mayroong entablado.

3. Dulang Pangtahanan- dulang itinatanghal sa loob ng bahay o tahanan.

Karaniwang tumatalakay sa mga paksang kabutihan o


kagandahang asal at pagpapahalaga sa wika ang mga nasabing dula.

Isahang Pagbabasa

Panuto: Basahin ang Dulang Panlansangan na pinamagatang “Bakit


hugis puso ang mangga?”

Bakit hugis puso ang mangga?


Akda ni Jershey Anne Aldaba

Mg
a tauhan:

 Tagapagsalaysay
 Ato- mabuting dayo na mamamayan ng Montejos
 Manggandara-Magandang diwata ng kalikasan
 Pendo-kaibigan at katrabaho ni Ato
 Ungga- kaibigan at katrabaho ni Ato

Unang Tagpo

Tapagsalaysay: Sa malayong bayan ng Montejos, mayroong isang


napakaresponsableng mamamayan na nagngangalang Ato. Bagamat
hindi tubong Montejos mabuti siyang nakikisama sa mga kanayon mula
ng lumipat siya sa nasabing lugar sampung taon na ang nakararaan.

Ato: Masyadong malawak ang mga lupain dito sa Montejos,


paniguradong uunlad din ang kabuhayan nating mga magsasaka.

Pendo: Oo naman, sipag at tiyaga lang din ang kailangan.

Ungga: (Nakasibangot ang mukha) tumahimik at magtrabaho na nga


lang kayo diyan imbes na magdaldalan, naturingang paborito kayo ng
amo natin, hindi kayo umayos.
Ikalawang Tagpo

Tagapagsalaysay: Maya-maya ay nagmeryenda ang tatlong


manggagawa, nakita ni Ato na basta na lamang itinapon ni Ungga ang
mga balat ng kanyang pagkain. Galit na pinulot at tinapon sa
basurahan ang mga ito ni Ato.

Ato: (Mukang naiinis at dismayado) kaya binabaha ang Montejos kahit


konting ulan lang eh, iresponsable ang mga tao. Hindi ganito ang
tamang pangagalaga sa kalikasan.

Tagapagsalaysay: Kinabukasan, nakita naman ni Ato si Pendo na


pinuputol ang mga punong-kahoy.

Ato: Pendo, bakit mo ginagawa ito? Sinasaktan mo ang kalikasan.

Pendo: Napagtanto ko na higit na magaling akong gumawa ng mga


gamit sa bahay na yari sa kahoy kaysa magtanim, gusto ko rin magtayo
ng bagong ng pagkakakitaan gamit ang mga kahoy mula sa mga punong
mapuputol upang hindi na ako mangamuhan sa malawak na hasyenda
ng mga Seboradir.

Ato: Pagkakakitaan mo ang kalikasan sa sarili mong interes, naisip mo


ba ang mga posibleng kahihinatnan ng mga desisyon mo?

Pendo: Alam mo kaibigan, huwag ka ng tumutol, suportahan mo na lang


ako.

Tagapagsalaysay: Malungkot na nagpaalam si Ato kay Pendo at mas


piniling pagyamanin ang kanyang sariling lupain sa pagtatanim ng
iba’t ibang halaman. Dalawang buwan pa ang lumipas at nagpatuloy
lang si Ato sa pangangalaga sa kalikasan habang ang kanyang mga
kanayon ay nagpatuloy naman sa pagsira nito hanggang sa dumating
ang matinding tag-ulan. Hindi nalalaman ng mga tao sa Montejos na
mayroong nakakakita at nakaaalam ng kanilang ginagawa sa kalikasan.

Ikatlong Tagpo:

Tagapagsalaysay: Dahil sa kapabayaan ng mga tao, napinsala ng husto


ang kalikasan, dumating ang matinding tag-ulan. Nagbaha sa buong
Montejos, naperwisyo ang kabuhayan ng mga tao dahil sa mga
nasirang pananim, marami ang naghirap ang pamumuhay, ngunit ang
munting bahay kubo at lupain ni Montejos ay hindi inabot ng tubig baha
na labis na ipinagtataka ng kanyang mga kanayon.

Minsan, sa kanyang bakuran, nanalangin ng taimtim si Ato, hanggang


sa siya ay nagulat dahil sa isang tinig na narinig.

Ato: Panginoon, nalulungkot pa rin ako kahit hindi inabot ng baha ang
aking tahanan. Matapos na po sana ang malalakas na unos.

Manggandara: At bakit ko naman tatapusin?

Ato: (Nabigla, natakot at lumingon-lingon sa paligid) Sino ka? Nasaan


ka?
(Biglang lumitaw ang isang napakagandang diwata ng kalikasan).

Manggandara: Ako si Manggandara, ang diwata ng kalikasan, nakita ko


kung paano tratuhin ng bawat mamamayan ng Montejos ang kalikasan,
at ikaw lang ang namumukod tanging sumukli ng kabutihan ko kaya
hindi ko tinulutan na madamay sa pagbaha ang iyong lupain.

Ato: (Namangha sa ganda, lumuhod at nagpakumbaba sa diwata)


maraming salamat diwata, ngunit ano ang kinakailangan naming gawin
upang matigil ang walang hinto na pag-ulan?

Manggandara: (Tumitig kay Ato at nagbigay ng matamis na ngiti) Gusto


mo ba talagang malaman, tagalupa? At nakahanda ka bang gawin
kapag nalaman mo na?

Tagapagsalaysay: Bagamat walang kasiguraduhan kung gaano kabigat


ang kondisyon ng diwata ay matapang na sumang-ayon upang matapos
na ang paghihirap ng mga kanayon.

Ato: Oo kahit anong mga kundisyon ay nakahanda akong gawin.

Manggandara: Mayroong tatlong kundisyon upang bumalik sa normal


ang pamumuhay ng iyong mga kanayon. Una, iiwanan mo ang iyong
pagiging imortal na tao. Ikalawa, Magpapakasal ka sa akin, at ikatlo,
aalagaan na ng mga Montejos ang kalikasan. Mula noong lumipat ka
dito, piangmamasdan na kita, naiiba ka sa karamihan, ikaw lang ang
nagpapahalaga sa kalikasan kung kaya nabihag mo ang aking puso.
Iniibig kita Ato.

Ato: (Namutla at nagulat at saglit na natahimik)Ayos sa akin ang


ikatlong kundisyon mahal na diwata, ngunit ang una at ikalawa ay…..

Manggandara: (Seryoso at galit ang tinig na nagbababala) Nasaan ang


pagiging magiting na lalaki mo Ato? Wala ka palang isang salita! Lalo
ko pang papahabain ang panahon ng tag-ulan sa lugar na ito.
Ato: (May bahid ng pag-aalinlangan ang mukha) Sige diwata,
pumapayag na ako sa iyong mga kundisyon.

Manggandara: (Ngumiti ng malambing ngunit may pagbabanta sa tinig)


bukas ng umaga, pahihintuin ko ang ulan at palalabasin ang araw at
bukas din ng ikatlo ng hapon ay babalik ako dito sa kinatatayuan ko
upang kuhanin ka at dalhin sa mundo ko. Sabihan mo ang mga kanayon
mo na tratuhin ng tama ang kalikasan ngunit huwag kang
magbabanggit ng tungkol sa akin.

Tagapagsalaysay: Biglang naglaho ang diwata kasabay ng tuluyang


pagkagat ng dilim sa kapaligiran.

Ika-apat na Tagpo
Tagapagsalaysay: Kinabukasan, nagpakita si haring araw at agad na
nagpatawag ng pulong si Ato at sinabihan ang kanyang mga kanayon
tungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan.

Ato: Alagaan natin ang kalikasan mga kanayon, walang may gusto sa
atin na muling maulit ang mahabang panahon ng tag-ulan. Hindi aarya
sa pag-unlad ang ating bansa kung hindi tayo magtutulungan sa
pangangalaga ng kalikasan. Laging maglinis ng kapaligiran at iwasan
ang pagkakalat.

Ungga: Oo Ato, natuto na kami, bumara ang mga basura sa mga estero
kaya naging mabilis at malala ang pagbaha.

Pento: Gayun din naman, labis na nakasama ang ilegal na pagputol ng


mga puno sa iba’t ibang lugar sa Montejos.

Ato: Ngayong napagtanto na natin ang mga masasamang dulot ng


pagpapabaya at pagsira sa kalikasan, simulan na natin ang paglilinis.

Tagapagsalaysay: Naglinis nga ang mga taga Montejos, hanggang sa


dumating ang ikatlo ng hapon ay biglang naalala ni Ato ang sinabi ng
diwata.

Ato: Sige Pento, kailangan ko ng umuwi.

Pento: Paalam at salamat Ato at natuto na kaming alagaan ang


kalikasan.
Ikalimang Tagpo

Tagapagsalaysay: Agad na nagtungo si Ato sa kanyang lupain, sa


puwesto kung saan niya nakita at nakausap ang diwata.

Ato: (Lumilingon-lingon) Narito na ako at tulad ng napag-usapan,


nakahanda na akong ialay ang aking sarili, iiwanan ko ang aking
pagiging tao at pakakasal sa iyo.

Tagapagsalaysay: Hindi agad sumagot ang diwata at ilang saglit pa ay


may nakita si Ato na isang pahabang buto at muli, narinig niya ang
tinig ng magandang diwata.

Manggandara: Kunin at itanim mo ang butong iyan na tanda ng pag-


ibig ko sa’yo. Hindi ko makakaya na makita kang nagdurusa sa piling
ko, isa pa, magkaiba tayo ng mundo. Humahanga ako sa katapangan at
pagiging responsable mo tagalupa. Kaya naman binibigyan kita ng
pagkakataong humiling sa akin ng isang beses.

Ato: (Umiiyak dahil sa kabutihan ni Manggandara) Maraming salamat


mahal na diwata, ang mahihiling ko lamang ay huwag ng maulit pa ang
matinding paghaba sa aming lugar na labis na ikinalugmok ng aking
mga taganayon.

(Iwinasiwas ni Manggandara ang kanyang baston at pinataas ang lupa ng


buong Montejos at pinahid ang mga luha ni Ato. Hinalikan ni
Manggandara si Ato, nagpaalam na ito at naglaho).

Tagapagsalaysay: Tinanim nga ni Ato ang buto at ng di kalaunan ay


nagbunga ito ng kulay ginto at hugis puso na matamis na prutas.
Tinawag niya itong Mangga na galing kay Manggandara. Sa tuwing may
dadayo sa lugar kung piyesta sa ng Montejos hindi maiwasan
maikuwento ni Ato ang pangyayaring iyon ngunit pinapalitan niya ang
kanyang pangalan sa kuwento.

(W-A-K-A-S)

PATALASTAS- ito ay isang mabisang paraan ng midya upang


mahikayat o mahimok ang mga tao na bilhin at tangkilikin ang isang
produkto.

Karamihan sa mga elemento ng dula ay tampok din sa paggawa ng


patalastas katulad ng tagaganap o aktor, mensahe, pagdidirehe, tema,
disenyong pamproduksyon at iba pa.

Kahalagahan ng Patalastas o Commercial

 Naipaparating sa ma tagatangkilik o mamimili ang kalidad ng


isang produkto o serbisyo.
 Napauunlad nito ang ekonomiya, higit kung produkto at serbsyo ng
sariling bansa ang tatangkilikin.
 Napauunlad nito ang mga makrong kasanayan katulad ng pagbasa,
panonood, pakikinig at pagsasalita sapagkat ang pagpapalabas ng
mga patalastas ay maituturing din na komunikasyon o
pakikipagtalastasan.

BALIKAN

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag at pumili ng sagot sa


ibaba ng bawat tanong.

1. Ito ay isang masining na paglalarawan ng kuwento na kinatatampukan


ng mga tagaganap, pagdidirehe, dayalogo at iba pang elemento.

A. Kuwentong Bayan

B. Maikling Kuwento

C. Dula

D. Epiko

2. Ito ay isang mabisang paraan ng midya upang mahikayat ang mga tao
na tangkilikin ang isang produkto.

A. Teleserye

B. Patalastas

C. Pelikula

D. Istasyon

3. Ang ___________________ ay karaniwang isinasagawa sa kalye o


kalsada.

A. Dulang Pantahanan
B. Dulang Pampaaralan

C. Dulang Pantanghalan

D. Dulang Panlansangan

4. Mahalaga ang pagpapalabas ng mga patalastas upang maiparating sa


mga tagapamili o tagatangkilik ang ______________ ng isang produkto
o serbisyo.

A. Halaga o Presyo

B. Kalidad

C. Mga Sangkap

D. Imbentor

5. Anu-ano ang mga karaniwang tema o paksang diwa na iniikutan ng


mga dula na lumaganap sa bansa noong panahon ng Kastila?

A. Kabutihang asal at pagpapahalaga sa wika

B. Kabutihang asal at mga kasabihan sa buhay

C. Pagpapahalaga sa kapwa tao at bansa

D. Pagpapahalaga sa edukasyon at kultura

TUKLASIN

Panuto: I-“decode” ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit na


hango sa tekstong binasa sa pamamagitan ng mga numerong nakatabi sa
bawat titik.

a (1) b (2) k (3) d (4) e (5) g (6) h (7) i (8)


l (9) m (10) n (11) ň (12) ng (13) o (14) p (15) r (16)
s(17) t (18) u (19) w (20) y (21)

1. Bagamat hindi tubong Montejos mabuti siyang nakikisama sa mga


kanayon mula ng lumipat siya sa nasabing lugar sampung taon na ang
nakararaan.

(9-8-3-1-17) =____________

2. Napagtanto ko na higit na magaling akong gumawa ng mga gamit sa


bahay na yari sa kahoy kaysa magtanim.

(11-1-9-1-10-1-11) = ________________

3. Nagbaha sa buong Montejos, naperwisyo ang kabuhayan ng mga tao


dahil sa mga nasirang panani.

(11-1-15-8-16-1) = _________________

4. Hindi aarya sa pag-unlad ang ating bansa kung hindi tayo


magtutulungan sa pangangalaga ng kalikasan.

(17-19-17-19-9-14-11-6) = ________________

5. Hindi ko makakaya na makita kang nagdurusa sa piling ko, isa pa,


magkaiba tayo ng mundo.

(11-1-6-7-8-7-8-16-1-15) =_____________________

SURIIN

PANUTO: Unawaing mabuti ang mga kaganapan at mag-isip ng mga


posibleng sanhi o bunga ng mga ito. (10 puntos)

(Tandaan na ang sanhi ang naging ugat ng mga pangyayari habang ang
bunga naman ang naging resulta, epekto o kinalabasan.

1. Sanhi:_________________________________________________
Bunga: Malalang pagbabagu-bago ng klima o “Climate Change”.

2. Sanhi: Pagtatapon ng mga basura sa kung saan-saan.

Bunga:__________________________________________________

3. Sanhi: Pagtutulungan ng San Joseno sa paglilinis ng kapaligiran.

Bunga:___________________________________________________

4. Sanhi: Pagsunod sa batas pangkalikasan ng mga taga-Montejos.

Bunga:___________________________________________________

5. Sanhi:__________________________________________________

Bunga: Pagiging ligtas sa baha at malinis ng buong lungsod ng


Montejos.

PAGYAMANIN

Panuto: Gumawa ng isang travel brochure tungkol sa mga magandang


tanawin sa inyong bayan o siyudad. Sa pamamagitan ng limang
pangungusap, hikayatin ang mga turista na dayuhin ang napiling
kabigha-bighaing lugar sa paglalahad ng mga impormasyon. (20 puntos)

Larawan ng magandang Tanawin sa Mga pangungusap na nanghihikayat


lungsod o bayan kung saan ka nakatira. sa mga tao upang mahikayat na
dayuhin ang lugar.
Pamantayan sa Pagmamarka sa Paggawa ng “Travel Brochure” (20
puntos)

5 PUNTOS 4 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS 1 PUNTOS

Napakaayos at Higit na maayos Maayos at Hindi gaanong Hindi maayos at


napakalinaw ng at malinaw ang malinaw ang malinaw at maayos malinaw ang
pagkakahayag sa pagkakahayag sa pagkakahayag sa ang pagkakahayag pagkakahayag sa
mga detalye mga detalye mga detalye sa mga detalye mga detalye
tungkol sa lugar. tungkol sa lugar. tungkol sa lugar. tungkol sa lugar. tungkol sa lugar.

Kahika-hikayat at Kahika-hikayat
Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi
angkop ang mga ang mga salitang
salitang ginamit sa nakahihikayat at nakahihikayat at
salitang ginamit sa ginamit sa
pagbibigay ng angkop ang mga angkop ang mga
pagbibigay ng pagbibigay ng
impormasyon salitang ginamit sa salitag ginamit sa
impormasyon. impormasyon.ngunit hindi pagbibigay ng pagbibigay ng
gaanong impormasyon impormasyon
nakahihikayat.
Wasto ang lahat Maganda ang Mayroong mga Mayroong mga Karamihan sa mga
ng pagkakababay pagkakasulat, kaunting salita na pangungusap na pangungusap at
sa mga salita, na- wasto ang hindi wasto ang hindi wasto ang mga salita ay hindi
obserbahan ang balarila at mga pagbabaybay, balarila, at wasto ang balarila,
balarila at mga bantas. ngunit wasto ang mayroong mga pagbabaybay at
bantas mga bantas at salitang hindi wasto hindi angkop ang
balarila. ang pagkakabaybay mga bantas.
ngunit tama ang
mga bantas.
Napakalinaw ng Higit na malinaw Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw at
larawan, ang larawan, larawan at malinaw ang hindi kawiliwili
napakaganda ng pagkakaanggulo nakawiwiling larawan at hindi pagmasdan ang
anggulo sa sa pagkuha at pagmasdan. gaanong kawiliwili larawan
pagkuha at nakawiwiling pagmasdan.
talagang pagmasdan.
nakawiwiling
pagmasdan.
ISAGAWA

Panuto: Bumuo ng isang iskit ng patalastas tungkol sa


pangangalaga ng kalikasan at isulat sa loob ng dalawang talata, apat
hanggang limang pangungusap ang dahilan kung bakit iyon ang nabuong
patalastas tungkol sa nabasang dulang panlansangan. (25 puntos)

Pamantayan sa Pagmamarka sa Paggawa ng Patalastas

5 PUNTOS 4 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS 1 PUNTOS

Napakaayos at Higit na maayos Maayos at Hindi gaanong Hindi maayos at


napakalinaw ng at malinaw ang malinaw ang malinaw at maayos malinaw ang
pagkakahayag sa pagkakahayag sa pagkakahayag sa ang pagkakahayag pagkakahayag sa
mga detalye mga detalye mga detalye sa mga detalye mga detalye
tungkol sa tungkol sa tungkol sa tungkol sa produkto tungkol sa
produkto/serbisyo. produkto/serbisy produkto o o serbisyo produkto o
o. serbisyo. serbisyo.

Kahika-hikayat at Kahika-hikayat Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi


angkop ang mga ang mga salitang salitang ginamit sa nakahihikayat at nakahihikayat at
salitang ginamit sa ginamit sa pagbibigay ng angkop ang mga angkop ang mga
pagbibigay ng pagbibigay ng impormasyon at salitang ginamit sa salitang ginamit sa
kalidad at kalidad at kalidad, ngunit pagbibigay ng pagbibigay ng
impormasyon ng impormasyon ng hindi gaanong kalidad at impormasyon at
produkto o produkto o nakahihikayat sa impormasyon ng kalidad ng
serbisyo. serbisyo. mga tao. produkto o serbisyo. produkto o
serbisyo.
Wasto ang lahat Maganda ang Mayroong mga Mayroong mga Karamihan sa mga
ng pagkakababay pagkakasulat, kaunting salita na pangungusap na pangungusap at
sa mga salita, na- wasto ang hindi wasto ang hindi wasto ang mga salita ay hindi
obserbahan ang balarila at mga pagbabaybay, balarila, at wasto ang balarila,
balarila at mga bantas. ngunit wasto ang mayroong mga pagbabaybay at
bantas. mga bantas at salitang hindi wasto hindi angkop ang
balarila. ang pagkakabaybay mga bantas.
ngunit tama ang
mga bantas.
Napakamalikhain Higit na Malikhain sa Hindi gaano naging Hindi malikhain
sa pagkokonsepto malikhain sa pagkokonsepto at malikhain sa sa pagkokonsepto
at naipakita ang pagkokonsepto at naipakita ang mga pagkokonsepto, ng patalastas at
mga elemento ng naipakita ang elemento ng dula. ngunit naipakita ang kulang ang mga
dula. mga elemento ng mga elemento ng elemento sa dula.
dula. dula.
Napakaayos at Higit na maayos Maayos at Hindi masyadong Hindi maayos at
napakalinaw ang at malinaw ang malinaw ang mga maayos at malinaw malinaw ang mga
mga katwiran na mga katwiran na katwiran na ang mga katwiran katwiran na
ipinhayag sa ipinahayag sa ipinahayag sa na ipinahayag sa ipinahayag sa
paggawa ng paggawa ng paggawa ng paggawa ng paggawa ng
patalastas. patalastas. patalastas. patalastas. patalastas.

PAGKILALA

SANGAY NG LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN

MERLINA P. CRUZ, Ph.D., CESO VI

Officer-in-Charge

Office of the Schools Division Superintendent

ANNALYN L. GERMAN

Education Program Supervisor– LRMS

LOURDES R. ROBES

Secondary School Principal II

REMIE ANNE B. CABUGAYAN

School Coordinator– LRMS

MARVIN G. COMAYAS

Information and Communication Technology Coordinator


MA. VICTORIA DC. COMAYAS

Editor (Filipino)

ROSSEL S. PASCUA

Illustrador

JERSHEY ANNE D. ALDABA

May-Akda

SINOPSI

         Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito sa Filipino 7 ay idinisenyo at


binalangkas upang matugunan ang pagkakaroon ng kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagbuo ng sarili o orihinal na patalastas at mahasa ang
pagiging malikhain sa pamamagitan ng wastong pagkokonsepto ng
patalastas batay sa isang tekstong binasa at mahubog pa ang interes sa
pagbabasa at pagpapahalaga ng mga Panitikang Pilipino, kabilang ang
mga dula na isinulat ng mga Pilipino na kapupulutan din ng aral.

            Sa pagtatapos ng aralin at sa pagsasagawa ng bawat gawain, higit


na napaunlad ang makrong kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng mga
mag-aaral, maging ang pagpapahalaga sa dula, kalikasan at mga
patalastas bilang isang proyektong panturismo.

          Sa Diyos ang lahat ng Papuri at Pasasalamat!

You might also like