You are on page 1of 34

Alam nyo ba !

Ang kasaysayan ng dulang
Pilipino ay isinilang sa lipunan
ng mga katutubong
Pilipino bago pa dumating ang
mga dayuhang
mananakop. Ngunit ang
totoong dula sa
Pilipinas ay nagmula sa mga
Amerikano.
Mga TATALAKAYIN

✗ MGA URI NG
PANITIKAN
✗ Katangian ng
Dula
✗ Elemento ng
Dula
✗ Sangkap ng Dula
✗ Bahagi ng Dula 2
MGA URI NG
Dula
Mayroon tayong iba’t ibang uri ng dula sa pilipinas.

3
MGA URI NG Dula
Komedya
Kapag masaya ang tema, walang iyakan at
magaan sa loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay.

Example.

4
MGA URI NG Dula
Trahedya
Kapag malungkot at kung minsan pa ay
nauuwi sa isang matinding pagkabigo at
pagkamatay ng bida.

Example.

5
MGA URI NG Dula
Melodrama
Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya,
at kung minsan ay eksaherado ang eksena,
sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay
pinipiga para lalong madala ang damdamin ng mga
manonood nang sila ay maawa o mapaluha sa
nararanasan ng bida.

6
MGA URI NG Dula
Parsa
Kapag puro tawanan at walang saysay ang
kwento, at ang mga aksyon ay puro “Slapstick” na
walang ibang ginawa kundi magpaluan at
maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan. .

7
MGA URI NG Dula
Parodya
Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos,
kilos, pagsasalita at paguugali ng tao bilang isang
anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay
pambabatikos na katawa-tawa. Ngunit nakakasakit ng
damdamin ng pinauukulan.

8
MGA URI NG Dula
Proberbyo
Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango
sa bukambibig na salawikain, ang kwento ay pinaiikot
dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang
buhay.

9
KATANGIAN NG
DULA
Ang mga dula ay mga likhang sining kung saan ang mga
karakter sa isang kwento ay isinasabuhay ng mga aktor sa
isang tanghalan. Sa Ingles, ang dula ay matatawag na play o
drama. Sila’y nasa taas ng intablado na nagbibigay buhay sa
mga pangyayari ng kwento. May mga katangian ang isang
dula.
10
Mga katangian ng
1 dula
    Iskrip o ang pinaka-ideya ng istorya  – Ang lahat
ng dula ay may kwentong sinusunod. Dito malalaman
ng mga aktor kung ano ang kanilang sasabihin o gagawin
depende sa kung anong parte na ng kwento.
Mga katangian ng
2 dula
Mga tauhan – Ang mga tauhan ay siyang nagbibigay
ng buhay sa mga karakter ng isang dula. Sila’y nagpapalabas
ng mga emosyon ng karakter na nakasulat sa papel.
Mga katangian ng
3 dula
    Wika – Mahalaga ang wika dahil ito ang nagiging
plataporma kung saan ginagawa ang dula.
Mga katangian ng
4 dula
    Musika – Ang musika ay nagbibigay ng isa pang lebel ng
kaaliwan para sa mga tagapanonood. Bukod dito,
nagbibigay din ng emosyon ang musika na angkop para sa
mga sitwasyon sa kwento.
Mga katangian ng
5 dula
Paraan ng pagtatanghal – Ang paraan ng pagtatanghal ay
nakadepende sa maraming mga bagay. Pero ang
pangunahing gumagawa o pumipili ng paraang ito ay ang
direktor.
ELEMENTO
NG DULA
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na
lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan. Para makagawa ka ng isang matagumpay na
dula kinakailangan mong malaman ang mga elemento
nito.

16
ELEMENTO NG DULA
Iskrip o Banghay  Ito ang pinakakaluluwa ng
isang dula. Sa iskrip nakikita ang banghay ng
isang dula.

17
ELEMENTO NG DULA
Aktor o Karakter  Ang nagsisilbing tauhan ng
dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.

18
ELEMENTO NG DULA
Dayalogo  Ang mga bitaw na linya ng mga
aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.

19
ELEMENTO NG DULA
Tanghalan  Ang anumang pook na
pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.

20
ELEMENTO NG DULA
Tagadirehe o direktor  Siya ang nag-i-interpret
sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan,
ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

21
ELEMENTO NG DULA
Manonood  Saksi sa isang pagtatanghal. Hindi
maituturing na dula ang isang binansagang
pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao.

22
ELEMENTO NG DULA
Tema  Ito ang pinakapaksa ng isang dula.

23
Sangkap ng dula
Ang pinaka sangkap o banghay ng dula ay ang simula,
gitna, at wakas. Ngunit mayroon pa itong ibang
sangkap at ito ang : Sulyap sa Saglit na
Tauhan
Tauhan
Suliranin Kasiglaan
• Ang mga kumikilos at • Pagpapakilala sa • Ito ay ang saglit na
. problema ng kwento.
nagbibigay buhay sa dula. paglayo o pagtakas ng
Pagsasalungatan ng mga mga tauhan sa suliraning
tauhan, o kaya’y suliranin nararanasan.
ng tauhan na sarili niyang
likha o gawa.

24
Sangkap ng dula

Tunggalian
Tauhan Kasukdulan Kakalasan

• Maaaring sa pagitan ng • Sa puntong ito • Ang unti-unting pagtukoy


. nasusubok ang katatagan
mga tauhan, tauhan laban sa kalutasan sa mga
sa kanyang paligid, at ng tauhan. Dito suliranin at pag-ayos sa
tauhan laban sa kanyang pinakamatindi at mga tunggalian.
sarili; maaaring pinakamabugso ang
magkaroon ng higit sa isa damdamin o ang
o patung-patong na pinakakasukdulan ng
tunggalian. tunggalian

25
Sangkap ng dula

Kalutasan
Tauhan

.
• Dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.

26
BAHAGI
NG DULA
Ang dula ay binubuo ng
tatlong bahagi ang Yugto,
Eksena, at Tagpo.

27
BAHAGI NG DULA
Yugto

Kung baga sa nobela ay


kabanata. Ito ang pinaka
kabanatang paghahati sa
dula.

Eksena
Tagpo
Ang bumubuo sa isang yugto.
Ito ay ang paglabas at
Ito ay maaaring magbadya ng
pagbabago ng tagpuan ayon sa pagpasok ng kung sinong
kung saan gaganapin ang tauhang gumanap o
susunod na pangyayari. gaganap sa eksena.

28
kombensyon ng
dula
29
kombensyon ng
1 dula
   Flashback
Eto ay ang pagbabalik tanaw sa mga pangyayari.
kombensyon ng
2 dula
  Soliloquy
Ang aktor ay nagpapahayag ng kanyang iniisip sa mga
manonood at hindi naririnig ng iba pang tauhan; nagsasalita
ang aktor sa kanyang sarili at sinasabi niya ito ng malakas.
kombensyon ng
3 dula
  Aside
Mga salitang binibigkas nang mahina na ang nakaririnig
lamang ay isang tao o isang grupo at hindi naririnig ng mga
kasamahan.
kombensyon ng
4 dula
Monologo
madamdaming pananalita na sinasabi ng isang aktor nang
nag-iisa at walang ibang tao sa tanghalan.
CLOSING
THOUGHT
“Ang buhay ay dapat ini
enjoy mo lang, Wag
pahirapan ang sarili”
- Nobita

34

You might also like