You are on page 1of 15

Ano nga ba ang Dula?

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang


pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Elemento ng Dula

Iskrip o nakasulat na
dula ito ang
pinakakaluluwa ng
isang dula.

Gumaganap o
aktor ang mga
aktor o
gumaganap ang
nagsasabuhay sa
mga tauhan sa
iskrip.

Tanghalan
anumang pook na
pinagpasyahang
pagtanghalan ng
isang dula ay
tinatawag na
tanghalan.

Direktor ang
direktor ang
nagpapakahulugan
sa isang iskrip

Manonood hindi
maituturing na dula
ang isang
binansagang
pagtanghal kung
hindi ito napanood
ng ibang tao.
Sangkap ng Dula

Tagpuan panahon at pook
kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula

Tauhan ang mga kumikilos


at nagbibigay-buhay sa dula; sa
tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan
ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula

Sulyap sa suliranin bawat dula ay
may suliranin, walang dulang walang
suliranin.

Saglit na kasiglahan saglit na


paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan

Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan
ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid,
at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na
tunggalian ang isang dula
Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang
katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kayay sa pinakakasukdulan ang
tunggalian

Kakalasan ang unti-unting pagtukoy
sa kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian.

Kalutasan sa sangkap na ito


nalulutas, nawawaksi at natatapos ang
mga suliranin at tunggalian sa dula.
Mga Uri ng Dula

Komedya
Katawa-tawa, magaan
sa loob dalhin ang
tema, at ang mga
tauhan ay laging
nagtatagumpay sa
wakas.
Trahedya

Kung ang tema nitoy
mabigat o nakasasama ng
loob kaya nakakaiyak,
nakalulunos ang mga tauhan,
karaniwang sila ay
nasasadlak sa kamalasan,
kabiguan, kawalan, at
maging sa kamatayan, kaya
nagwawakas na malungkot

Melodrama o Soap Opera
Kung itoy sadyang namimiga
ng luha sa manonood na
parang wala ng masayang
bahagi sa buhay ng tahanan
kundi pawang problema na
lamang ang nangyayari sa
araw-araw. Itoy karaniwang
mapanonood sa mga de
seryeng palabas.

Tragikomedya
Laging may mga tauhang
katawa-tawa tulad ng
payaso para magsilbing
tagapagpatawa, subalit sa
huliy nagiging malungkot
na dahil nasasawi o
namamatay ang bida o ang
mga bida.

You might also like