You are on page 1of 3

Dula

o isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay


o Iniisip, kinikilos at isinasaad
o Sinusulat at tinnatanghal

Uri

o Komedya – masaya, katawa-tawa at magaang ang mga paksa at tema. Nagtatagumpay sa


wakas ang mga tauhan
o Trahediya- mabigat ang tema at nakaiiyak. Nagawawakas nang malungkot
o Melodrama- Namimiga ng luha sa manonood. Walang masayang bahagi ng buhay
o Tragikomdiya- naghahalong katatawanan at kalungkutan. May mga payaso upang magpasaya.
Nagtatapos nang malungkot kung saan mamamatay ang mga mahahalagang tauhan sa huli.
o Saynete- Dulang panlibangan noong mga huling bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Paksa nito ay ang mga kultura ng lahi o katutubo
o Parse- Puro katatawanan at slapstick. Walang ginawa ang mga tao kundi magpaluan, at
magbitiw ng kabalbalan. Nakikita sa mga comedy bar
o Parodiya- isang dulang mapanudyo at ginagawa ang mga kilos. Pagsasalita at pag-uugali ng
tao bilang isang anyo ng komentaryo. May tama ang pambabatikos sa mga damdamin ng
kinauukulan
o Proberbiyo – Pamagat na hango mula sa salawikain ang pamagat. Pinaiikot ang kwento sa
salawikain upang maging huwaran ito

Elemento

o Simula
o Tauhan
 Pinapakilala kung ang tauhan ay bida o kontrabida
o Tagpuan
 Lugar, oras, panahon
o Gitna
o Diyalogo
o Banghay (maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa dula)
 Saglit na kasiglahan
 Panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
problema
 Tunggalian
 Labanan na nauuri sa tatlo : Tao vs. Sarili, Tao vs. Tao, at Tao vs.
Kalikasa
 Kasukdulan
 Pinakamadulang bahagi ng dula na kung saan iikot ang mga
pangyayari. Dito malalaman kung matatapos tagumpay o
kasawian
o Wakas
 Kakalasan
 Onti onting bababa ang takbo ng dula
 Pagkamali o kawastuhan sa pagkalag sa mga dapat kalagan
 Wakas
 Resolusyon ng dula
 Maaring masaya o malungkot

*Hindi lahat ng dula ay nilalagyan ng wakas, minsan hinahayaan na lang nilang matapos ang dula sa
kasukdulan. Ang mga manonood ang hahatol sa kararatnan ng dula.

o Aspetong Teknikal
 Epektong pantunog
 Tinatawag ding sound effects at nakatutulong upang bigyang
diin ang mga eskena at mga linyang bibitiwan ng mga tauhan
 Pag-iilaw
 Tinatawag na lighting sa dula. Ito’y ginagamit upang
mabigyang diin ang mga tagpong gagamitin sa dula at
mabigyang pokus ang mga tauhan
 Kagamitan o Props
 Ito’y mga kagamitang makikita sa isang entablado na
maaaring ng mga tauhan upang lalong mapaganda ang dula

Bahagi ng Dula

o Yugto (act)
o Kabanata sa nobela
o Malaking hati sa dula
o Eksena
o Mas maliit na bahagi ng yugto
o Katatagpuan ng mga pangyayari
o Tagpo
o Mas maliit na bahagi ng eksena
o Ang paglabbas o pagpasok ng mga tauhan sa dula
o Nagbabadya ng pagbabago ng tagpuan

Halimbawa ng Dula

1. Ibong Adarna
2. Florante at Laura
3. El Filibusterismo
4. Noli Me Tangere
5. La India Elegante Y Negrito Amante
6. Macbeth
7. The Phantom of the Opera
8. Hamlet
9. A Midsummer Night’s Dream
10.

Sanggunian:

https://en.wikipedia.org/wiki/Theatrical_property

https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/elemento-ng-dula/

You might also like