You are on page 1of 14

Pangalan: Dela Cruz Angeline Petsa: August 20 2022

Seksyon: BSED Filipino 3A

GAWAIN #1

Panuto: Magsaliksik at hanapin ang kahulugan ng mga sangkap ng dula na nakasaad sa table.
Magdagdag ng space kung kinakailangan.
Pagkatapos ng mga gawain, i-copy & paste o i-save as ito Word upang mai-submit o attach
sa
nararapat na lugar sa Google Classroom. Ibigay ang kahulugan ng mga nakasaad na sangkap
ayon sa pagkakaintindi. Iwasang direktang kopyahin ang nasaliksik upang maiwasan ang
PLAGIARISM.
Pagkatanggap ng gawaing ito o pagka-post nito sa Google Classroom, tatlong araw ang
ibinibigay upang mai-submit ang lahat ng mga hinihingi.

Pangalan: Dela Cruz Angeline Petsa: August 20 2022


Taon at Seksyon: BSED Filipino 3A
Mga Sangkap Kahulugan

Tauhan Ito ay ang kumikilos at ang mga karakter sa


isang dula.
Tagpuan Ang panahon at pook kung saan itinatnghal
ang pangyayari sa isang dula.
Suliranin Pagpapakita ng suliranin ng kwento.
Pagpapalitan ng salita ng mga tauhan o kaya
ay sariling problema ng tauhan sa kwento na
siyang may gawa.
Saglit na kasiglahan Ito ay tumutukoy sa saglit na paglayo o
pagtakas ng mga tauhan sa kanilang suliranin
sa kwento.
Tunggalian Ang tunggalian sa isang dula ay maaaring sa
pagitan ng tauhan sa tauhan, tauhan laban sa
kaniyang paligid, tauhan laban sa kaniyang s

arili o maaaring magkaroon ng sabay sabay na


tunggalian sa isang dula.
Kasukdulan Sa parting ito nasusubok ang katatagan ng
mga tauhan. Dito ay lumalabas ang
pinakamatindi at mabugsong damdamin ng
mga tauhan ng isang dula.
Kakalasan Ito ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan
ng suliranin ng isang kwento. Pagsasaayos ng
mga karakter.
Kalutasan Sa parting ito natatapos ang suliranin at
tunggalian sa isang dula. Ang pag hupa ng
problema sa kwento.
Simula Isinisiwalat ditto ang tauhan, tagpuan, at
sulyap sa suliranin ng isang kwento upang
matukoy ang ideyang magpapakbo ng
kwento.
Gitna Ipinapakita ditto ang saglit na kasiglahan,
tunggalian at kasukdulan ng kwento.

Wakas Matatagpuan naman dito ang kakalasan at


kalutasan ng problema sa kwento.

https://www.slideshare.net/ladychu08/dula-15515688
http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/
GAWAIN #2
Panuto: Magsaliksik at hanapin ang kahulugan ng mga elemento ng dula na nakasaad sa table.
Magdagdag ng space kung kinakailangan.
Pagkatapos ng mga gawain, i-copy & paste o i-save as ito Word upang mai-submit o attach
sa
nararapat na lugar sa Google Classroom. Ibigay ang kahulugan ng mga nakasaad na sangkap
ayon sa pagkakaintindi. Iwasang direktang kopyahin ang nasaliksik upang maiwasan ang
PLAGIARISM.
Pagkatanggap ng gawaing ito o pagka-post nito sa Google Classroom, tatlong araw ang
ibinibigay upang mai-submit ang lahat ng mga hinihingi.

Mga Elemento Kahulugan

Iskrip o banghay Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.


Nakikita ditto ang pinaka banghay ng isang
dula. Dito nakalagay ang mga pangyayari sa
isang dula at siyang babagtasin ng mga tauhan
sa isang kwento.
Gumaganap o Aktor/Aktres o Karakter Ang nagsisilbing tauhan sa isang dula na
siyang nagbibigay buhay sa karakter ng isang
kwento.
Dayalogo Ang mga linya ng mga gumaganap sa isang
dula na siyang makakapagbigay damdamin sa
mga manonood upang maipakita at
maipadama ng emosyon ng isang dula.
Tanghalan o Entablado Ang alin mang pook na siyang pinagganapan
ng isang dula.
Direktor o Taga-direhe Ang director ang siyang tigapagpasya sa kung
anong magiging takbo ng dula. Kung ano ang
magiging tsura ng tagpuan, ng mga damit ng
tauhan maging sa kung paano bibigyang
daloy ng mga tauhan ang isang dula.
Manonood Sila ang mga saksi sa isang pagtatanghal ang
magiging hurado ng isang dula. Kung walang
mga manonood hindi magiging pagtatanghal
ang isang dula.
Tema Ito ang pinaka paksa ng isang dula. Ito ang
magiging takbo ng istorya ng dula kung ito ba
ay komedya, horror, drama at iba pa.
https://www.slideshare.net/ladychu08/dula-15515688
GAWAIN #3
Panuto: Magsaliksik at ipaliwanag ang apat na kombensyon ng dula na nakasaad sa table.
Magdagdag ng space kung kinakailangan.
Pagkatapos ng mga gawain, i-copy & paste o i-save as ito Word upang mai-submit o attach
sa
nararapat na lugar sa Google Classroom. Ibigay ang kahulugan ng mga nakasaad na sangkap
ayon sa pagkakaintindi. Iwasang direktang kopyahin ang nasaliksik upang maiwasan ang
PLAGIARISM.
Pagkatanggap ng gawaing ito o pagka-post nito sa Google Classroom, tatlong araw ang
ibinibigay upang mai-submit ang lahat ng mga hinihingi.

APAT NA KOMBENSYON NG DULA


Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa tanghalan o entablado, sa pamamagitan
ng kilos, galaw, at salita, ang isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-
panabik na bahagi ng buhay ng tao. Bagama’t sinasabing ang dula ay “imitasyon ng buhay”
hindi pa rin maikakailang mahirap talagang mailarawan ang imitasyong ito sa isang dulang
nasusulat o isang dulang itinatanghal. May kasangkapang ginagamit ang isang manunulat ng
dula bilang pamalit sa realidad o katotohanan at upang matanggap ng manonood o ng mga
bumabasa.

Mga Kombensyon ng Dula Paliwanag


Ang Kombensyon sa Ito ay ang pakiramdam ng manonood ay
Panahon nabubuhay siya kasama ng mga tauhan o
karakter na kaniyang pinanood.
Ang Kombensyon sa Ikaapat Itinuturing na naririnig at naipapamalas ng
na Dingding mga karakter ang kanilang mga gampanin.
Mging ang mga walang dialogo ay naririnig
ng mga manonood.
Ang Kombensyon ng Ang gamit na pananalita ng mga tauhan ng
Pananalita o Wika isang dula ay siya ding pananalita nito sa
tunay na buhay.
Ang Kombensyon ng Ang pananalita ng isang karakter na parang
Pagsasalita sa Sarili sarili lamang ay tinatanggaap ng mga
manonood upang malaman ang nasaisip ng
mga gumaganap sa tanghalan. Dito
malalaman ng mga mannood ang estado o ang
ginaganapang karakter ng mga tauhan ng
isang dula.
https://quizlet.com/329010673/dula-flash-cards/
GAWAIN #4
Panuto: Magsaliksik at ipaliwanag ang mga teoryang pampanitikan na madalas na ginagamit
sa pagbuo ng isang dula na nakasaad sa table. Magdagdag ng space kung kinakailangan.
Pagkatapos ng mga gawain, i-copy & paste o i-save as ito Word upang mai-submit o attach
sa
nararapat na lugar sa Google Classroom. Ibigay ang kahulugan ng mga nakasaad na sangkap
ayon sa pagkakaintindi. Iwasang direktang kopyahin ang nasaliksik upang maiwasan ang
PLAGIARISM.
Pagkatanggap ng gawaing ito o pagka-post nito sa Google Classroom, tatlong araw ang
ibinibigay upang mai-submit ang lahat ng mga hinihingi.

Mga Teoryang Pampanitikan Paliwanag

Teoryang Romantisismo Ag teoryang ito ay layuning ipamalas ang


iba’t ibang paraan ng tao upang ialay ang
kanilang pag-ibig sa kanilang kapwa. Bansa at
mundong kanilang kinagisnan. Ipinapakita din
na sa teoryang ito ay lahat ay kayang hamakin
ng tao upang maipakita lamang ang kaniyang
pag-ibig sa tao at bansang kanyang
sinilangan.
Teoryang Ipinapakita sa teoryang ito na kayang iangat
Markismo/Marxismo ng tao ang kaniyang sarili galling sa
pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang
kahirapan, suliranin ng lipunan at gobyernong
knilang ginagalawan. Ang paraan ng pag-
ahon sa kalugmukan ay siyang nagiging
inspirasyon ng mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal Ang layunin ng teoryang ito ay ang
pagpapakita ng kalagayan at suliraning
panlipunan. Ipinapakita ditto kung paano ang
magiging solusyon ng mga tauhan upang
mabigyang kaalaman ang mga mambabasa sa
kaparehong suliranin.
Teoryang Moralistiko Ang teoryang moralistiko ay tumutugon sa
sukat ng moralidad ng isang tao ang
pamantayan sa tama at mali. Sa madaling sabi
ang moralistikong teorya ay batay sa antas ng
moralidad ng tao.
Teoryang Bayograpikal Ito ay tumatalakay sa kwento ng buhay ng
may akda na siyang nagiging inspirasyon ng
mga mambabasa. Isinusulat ditto ang pinaka
masaya at pinakamahirap na sandal patungo
sa tagumpay ng isang may akda.
Teoryang Queer Ang tukuyin ng teoryang ito ay ipakita sa
mundo ang pantay na pagtingin sa mga babae
at mga homosexual na tao sa lipunan.
Femenismo ang tawag sa kababaihan at queer
naman para sa mga homosexual. Ito din ay
ang pagkakaroon ng pantay na paggalang sa
intelekwidad ng isang tao.
Teoryang Historikal Ito ay pagpapakita ng isang karanasan ng sang
tao na siyang nasasalamin sa ating kasaysayan
o nagging bahagi ang mga ito sa ating bansa.
Ang kasaysayan ay isa na ding bahagi ng mga
tao dahil ito ay ang past tense n gating buhay
na ginagalawan kung walang kasaysayan sa
ating daigdig ay hindi tayo makatutungo sa
ating hinaharap at sa kasalukuyang panahon.
Teoryang Kultural Ang tukuyin nito ay upang maipamalas ang
kultura ng mga tao. Ibinabahagi ditto ang
kaugalian,paniniwala at tradisyon na minana
natin sa ating mga katutubo at nipasa sa mga
susunod na salinlahi. Ang mahalagang
ipinapakita ditto na ang bawat isang lipi ay
natatangi.
Teoryang Feminismo- Ang pagtugon dito ay nag papakita na ang
Markismo bawat kababaihan ay may sariling paraan
upang matugunan ang suliraning kinakaharap.
Ipinapakta din sa teoryang ito na hindi lamang
basta kababaihan ang nararapat na ituring
bagkus kababaihan na may lakas para sa
kanilang mga hangarin.
Teoryang Dekonstraksyon Ito ay isang uri ng teoryang hindi sinusunod
ang istruktura ng isang kwento. Natural
nitong pinpadaloy ang kwneto ngunt sa
pagpapatuloy ng mga ito ay may mga
biglaang hindi inaaahan na pagngyayari na
siyang ssumasalungat sa normal na takbo ng
isang kwento. Halimbawa nalamng ang
normal na mga kwento o dula ay lagi ang bida
lamang ang nagiging masaya sa pagtatapos ng
kwento sa teoryang ito ay ginagawa nilang
kabaliktaran ang pangyayari.
https://www.coursehero.com/file/p428pop/Teoryang-Romantisismo-Ang-layunin-ng-teoryang-
ito-ay-ipamalas-ang-ibat-ibang/
https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/29/

GAWAIN #5
Panuto: Pumili ng isa sa dalawang dulang nakasaad dito. Basahin ang dulang napili at suriin
ito batay sa mga nakasaad sa table.

PAGSUSURI NG DULA
“ANG MILYON NI FILEMON”
DULANG MAY ISANG YUGTO
ISINULAT NI GG.HENRY P. NADONG
Mga Elemento
Simula Ika-pito ng gabi sa kasalukuyan sa isang
maliit na apartment naninirahan ang mag-
anak ni Filemon. Ang kaniyang asawa ay nag-
aantay sa kaniyang pag-uwi sa pag-aakalang
sila ay mayaman na sa pagdating ng kaniyang
asawa. Lakad dito lakad doon ang hindi
mapakaling si Azon ay nangangarap ng
kanilang buhay sa oras na makuha na ng
kaniyang asawa ang kanilang 2milyon sa
bangko na sa pag-aakala nito ay mayroong
katotohanan. Pag- bati at pag-asikaso sa
asawa ang kaniyang ginawa gaya ng
ginagawa niya sa pang araw-araw na pag-uwi
ng kaniyang asawa.
Gitna Sa pag-uwi ng kaniyang asawa isang hindi
magandang balita ang kaniyang nalaman sila
ay naloko ng isang taong nakilala sa telepono
na siyang nagsabi na nanalo ang mga ito ng
2milyon at ito ay kukunin sa bangko. Hindi
makapaniwala si Azon sa kaniyang nalaman
at kaniyang ipinaulit ulit sa kaniyang asawa
ang balita. Nag-umpisa ang palitan ng sisihan
at pag-iisip na hindi totoo ang mga
nangyayari at kaganapan sa kanilang buhay.
Pag-iisip kung paano ang kanilang mga utang
na tanging ang milyong ito ang makakaahon
sa kanila sa pagkakabaon sa utang.
Wakas Nang mapagtanto ni Filemon ang tunay na
milyon ng kaniyang buhay at iyon ay ang
kaniyang mag-ina, at ng mapagdisisyonan ni
Filemon na mag- umpisa muli sa pag-balik sa
pangasinan kung saan siya ay
magbabakasakali sa kaniyang mga pinsan na
makahanap muli ng trabaho na siyang
magtutustos sa pangangailangan ng knilang
pamilya at unti-unti mula ditto ay
makakabangon sila sa kanilang pagkakautang
at upang makapagtapos ng pag-aaaral ang
kanilang anak.
Kasukdulan Sa puntong ito ng kanilang problema ay
nagkasabaysaby ang bayadin at hindi
malaman kung saan kukuha ng perang
ipambabayad ditto. Nariyan ang 10libong is
okay DonSegundo at ang paniningil ng may-
ari ng apartment na kanilang tinitirhan at
maging ang hindi na pagpayagn na sila ay
makautang ng kanilang makakain. Ang
pinakamabugsong suliranin na kanilang
kinaharap ay ang pag-aakalang si Filemon
ang siyang dadakipin ng mga pulis na siyang
itinuturong may sala sa pagkamatay ni Don
Segundo. Sa puntong ito ay tanging katatagan
ng mag-ina ang tanging mananaig na siyang
magsisilbing susi sa buhay.
Kalutasan Nang malaman nilang hindi si Filemon ang
siyang nais dakipin ng mga pulis sa halip ay
nais ng mga itong magbigay lamang ng
pahayag ukol sa suspek sa pag-patay kay Don
Segundo. Isa ding kalutasan ng dula ang mag
alam din ni Filemon ng nagging aral sa kaniya
ng mga nangyari na hindi panglutas ng
problema ang isa pang problema bagkus ito
ay magiging patungpatong lamang na
problema at ng mapagdisisyonan niyang
bumalik sapangasinan upang makapag umpisa
muli ng panibagong trabaho na siyang
magtutustos sa kanilang pamilya at ang
katagang walang kaginhawahan ang hindi
pinaghirapan.
Tauhan Filemon- 45 taong gulang. Ang unang
karakter sa dula na ginagampanan ang
karakter ng isang amang nagnanais yumaman
ng biglaan.
Corazon(Azon)- Asawa ni Filemon na
maraming pangarap. Maalaga at mapagmahal
sa kanilang pamilya. Isang 40 anyos na
pangkaraniwang babae.
Flordeluna- Ang 20 anyos na anak nila
Filemon at Azon, siya ay nasa kolehiyo ng
kaniyang pag-aaral at edukasyon ang
kaniyang kurso.
Don Segundo- Nagpapa-five-six at inutangan
ng sampung libo ng mag-asawa.
Aling Metring- Ang may-ari ng inuupahang
bahay ng mag-asawa.
Dennis- Anak ni Don Segundo at manliligaw
ni Flordeluna na siyang balak ipakasal ni
Filemon sa anak upang makaahon sa hirap.
Noberto- Kasintahan ni Flordeluna na siyang
dapat papakasalan nito.
Akong- Isang intsik na may-ari ng tindahan
na siyang piangkakautangan din ng mag-
asawa.
Dalawang Pulis- Na silang nanghingi ng
kooperasyon ni Filemon para sa kasong
pagpatay kay Don Segundo.
Igme- Ang tauhan ni Don Segundo sa isang
pinapagang gusali na may utang din kay Don
Segundo at sinasabing ang pagkamatay nito
ay sinadya.
Martin Dimalanta- Ama ni Igme na siyang
suspek sa pagpatay kay Don Segundo.
Tagpuan Sa sala sa isang maliit na apartment sa
Maynila.
Tunggalian Ang tunggalian sa sarili laban sa sarili kung
saan pinag iisipan ang totoo sa hindi totoo.
Ang nangyari kay Filemon ay ang hindi
pagtukoy sa katotohanan na pagnanais
yumaman ng biglaan laban sa sariling
pananaw at kaisipan. Walang ibang magiging
katunggali ang isang taong magnanais ng
karangyaan sa buhay kundi ang kaniyang
sarili lamang. Para sakin hindi maituturing na
katunggali ang mga taong kanilang
piangkakautangan dahil sa simula palang ang
kanilang disisyon na ang nagiging una sa
kailang sarili nariyan ang pag-alais nila sa
pangasinan na mayroon silang magandang
buhay ay ipinagpalit nila sa isang buhay na
pag-aakalang mas magandang buhay ang
kanilang makakamtam sa pagluwas sa
Maynila.
Kakalasan Ang kanilang tinutukoy na kalutasan ng
kanilang mga problema ay ang pag-uwing
muli ni Filemon sa pangasinan upang
magbakasakali sa kaniyang mga pinsan at
makahanap mui ng kaniyang trabaho na
siyang magtutustos sa kaniyang mag-ina na
mananatili sa Maynila. Maging ang pagtukoy
niya at pagtanggap sa kaniyang sarili na hindi
lahat ng kayaman ay makukuha mo ng
mabilisan ay isa ding kakalasan sa kanilang
dula dahil ito ay natanggap nila na kailangan
nilang magsumikap upang maabot ang
kanilang mga pangarap.
Suliranin Nang umuwi si Filemon ng pagod galling sa
isang bangko. Pagkauwi nito ay isang hindi
magandang balita ang isiniwalat sa kaniyang
asawa. Sila ay naloko ng isang taong nakilala
sa isang text at sinasabing nanalo sila ng
2milyong piso kasabay nito ang pagkakaroon
nila ng utang kay Don Segundo na
nagkakahalagang 10 libong piso na siyang
ibinayad nila sa taong nakilala sa telepono.
Kasabay ng una at ikalawang suliranin ay ang
paniningil ng may-ari ng apartment na
kanilang tinutuluyan na si aling metring at
ang hindi na pinapayagan na pagpapautang sa
kanila ng may ari ng tindahan na si akong sa
dahilang mas mahaba pa sa kanilang kumot
ang utang nila dito. Ang pagsabaysabay ng
kanilang suliranin ay sumabay pa sa pag-
aakalang si Filemon ang siyang pumatay kay
Don Segundo.
Saglit na kasiglahan Ang pagdating ng kanilang anak na siyang
gagawing susi ni Filemon sa kanilang mga
problemang pagkakautang. Ang pagnanais ni
Filemon na ipakasal ang kaniyang anak kay
Dennis sa pag-aakalang ito na ang kasagutan
sa kanilang mga problema. Upang mawalang
bisa ang kanilang pagkakautang kay Don
Segundo.
Ginamit na Teoryang Teoryang Moralistiko
- Sapagkat ang teoryang ito ay
tumutukoy sa sukat ng moralidad ng
isang tao. Ang dulang “Milyon ni
Filemon” ay tumatalakay sa antas ng
moralidad ng isang tao na nag nanais
lamang na mapaganda ang kanilang
buhay sa mabilisang pamamaraan. Ito
ay tumutukoy sa tama o maling
pagdidisisyon at kung alin ang tamang
paniwalaan sa buhay upang hindi
maloko at maging kontento upang
magkaroon ng kalinisan ng pag-uugali
makikita mo mula ditto ang tunay na
kayamanang kinakailangan mo.
Pampanitikan Ito ay nababatay sa orihinal na kwento ng
buhay na kung saan maraming mga tao ang
nag nanais ng maranyang buhay sa
mabilisang pamamaraan at hindi natutukoy
ang tunay na halaga ng kayamanan na nasa
kanilang harapan lamang. Ang kahalagahan
ng pamilya, pagmamahal, biyayang tirahan at
makakakain sa pang-araw-araw ay
maituturing na isang kayamanan n gating
lipuan dahil hinid lahat ng tao ay may
kakayahang makatamo ng mga ito. Walang
medaling pamamaraan sa pagyaman ang
paglasap ng kaginhawaan ay mas masarap
kung ito ay iyong pinagpaguran.

You might also like