You are on page 1of 14

LESSON 5

Specific Criteria in Evaluating ICT Tools, Online


Resources, or Online Technology Tools in Language
Teaching and Learning
“Specific criteria” sa pagsusuri ng mga ICT tools, online resources, o online
technology tools para sa pagtuturo at pag-aaral ng wika ay tumutukoy sa
particular na pamantayan o batayan na ginagamit upang ma-evaluate ang
kahusayan at kabatiran ng nasabing teknolohiya. Ito ay naglalaman ng mga
tiyak na pangunahing aspeto o bahagi ng kasangkapan na kinakailangan
tiyakin upang ito ay maging epektibo at angkop sa layunin ng pag-aaral ng
wika.
PAMANTAYAN SA PAGSUSURI NG KAGAMITAN PARA SA PAGBASA
KALIDAD NG NILALAMAN
tuklasin kung ang nilalaman ng kagamitan ay may kalidad at angkop sa layunin ng
pag-aaral ng wika. Ang mga teksto o material na naglalaman ng wastong
impormasyon.
INTERAKTIBONG ELEMENTO
alamiin kung may mga interactive na elementong nagpapabuti sa pag-unawa at
kasanayan sa pagbabasa ng mga mag-aaral. Ito ay maaaring isang quiz, interactive
exercises, o multimedia na nagbibigay buhay sa teksto.
KASANAYAN SA PAGBIGKAS AT PAGSASALITA
tuklasin kung paano ang kagamitan ay nagbibigay-suporta sa pag-unlad ng
kasanayan sa pagbigkas at pagsasalita. Ang mga audio-visual na material at mga
aktibidad na nagpapahusay sa pagsasalita ay maaaring maging bahgi nito.
INTERES AT MOTIBASYON
tuklasin kung paano ini-engganyo ng kagamitan ang interes at motibasyon
ng mga mag-aaral. Ang mga paboritong paksa, kwento, o interaktibong
bahagi ay maaaring magdulot ng mas mataas na partisipasyon.

Halimbawa ng Pagsusuri sa “kagamitan para sa Pagbabasa” sa isang Online


resource
E-books – ang online resource ay naglalaman ng malawak na koleksyon ng e-
books sa ibat ibang antas ng kasanayan. Ang mga e-books ay nagbibigay ng
digital na access sa mga paboritong aklat, nagpapadali sa pag-aaral ng wika.
Vocabulary Building Games – may mga laro na nakatuon sa pagpapalawak ng
bokabularyo. Ang mga ito ay nagbibigay ng masusing pagtuon sa mga bagong
salita at nagbibigay ng pagsasanay sa kanilang wastong paggamit.
PAMANTAYAN SA PAGSUSURI NG KAGAMITAN PARA SA PAGSUSULAT
WRITING PROMPTS
ang online writing platform ay nagbibigay ng malawak na hanay ng writing
prompts, naglalaman ng mga inspirasyonal na ideya o tanong na
maaaring maging simula ng pagsusulat para sa mga mag-aaral. Ito ay nagbibigay
ng kahalagahan sa pagbuo ng sariling ideya.
Halimbawa:
Writing Prompt Websites: May mga online na resources na nagbibigay ng
daily or themed writing prompts. Ilan sa mga kilalang websites ay ang "Writing
Prompts" (writingprompts.tumblr.com) at "Reedsy Prompts" (
blog.reedsy.com/writing-prompts).
GRAMMAR CHECKERS
ay built-in grammar checker ang platform na agad na nagsusuri ng
gramatika at syntax ng isinulat ng mag-aaral. Ang mga pagsusuri na ito ay
nagbibigay ng agaran at pangmatagalang suporta sa pagpapahusay ng
pagsusulat.
Halimbawa:
Microsoft Word (Office 365): Ang Microsoft Word sa Office 365 ay
nagbibigay ng grammar checking para sa wikang Filipino. Maaari mong
baguhin ang wika ng proofing sa mga setting ng dokumento.
COLLABORATIVE WRITING TOOLS
ang platform ay nagbibigay ng espasyo para sa collaborative writing, kung
saan maaaring magsanib- puwersa ang mga mag-aaral sa pagsusulat
ng isang teksto. Ang real-time editing at commenting ay
nagpapadali sa kanilang kooperasyon.
Halimbawa:
Microsoft Word Online: Sa Office 365, ang Microsoft Word Online ay
nagbibigay ng kakayahan sa real-time collaboration. Maaaring mag-edit ng mga
tao ng sabay-sabay sa isang dokumento at makipag-ugnayan sa chat box.
PERSONALIZED WRITING GOALS
ang sistema ay nagbibigay ng personal na mga layunin para sa pagsusulat
batay sa mga pangangailangan at antas ng kasanayan ng bawat mag-aaral.
Ito ay nagbibigay ng direksyon at layunin sa kanilang pagsusulat.

VOCABULARY ENHANCEMENT TOOL


may mga tool para sa pagpapalawak ng bokabularyo, nagbibigay ng mga
synonym at antonym na maaaring gamitin ng mga mag-aaral upang
mapabuti ang kanilang pagsusulat.
Halimbawa:
Thesaurus.com: Isa itong online thesaurus na nagbibigay ng malawak na
koleksyon ng mga synonym at antonym para sa mga salita.
PAMANTAYAN SA PAGSUSURI NG KAGAMITAN PARA SA PAGKIKINIG
PAGPILI NG ANGKOP NA TEKNOLOHIYA
ang mga guro ay dapat pumili ng teknolohiya na angkop at makakatulong
sa pag-unlad ng kasanayan sa pakikinig. Ito ay maaaring kasama ang
paggamit ng online platforms, educational apps, o multimedia
presentations.
PAGBIBIGAY PANSIN
ang mabuting tagapakinig ay nagbibigay buong atensyon sa nagsasalita.
Ito ay sumasalamin sa kanyang interes at respeto sa nagsasalita.
PAGSUSURI NG DAMDAMIN
ang mabuting tagapakinig ay may kakayahang maunawaan ang
damdamin ng nagsasalita. Ito ay naglalaman ng pagkilala sa mga emosyon,
tono ng tinig, at iba pang bahagi ng komunikasyon.
HINDI NAGMAMADALI
ang mabuting tagapakinig ay hindi nagmamadali sa pagbigay ng reaksyon
o opinyon. Ito ay nagbibigay ng sapat na panahon sa nagsasalita upang
maipahayag ng buo ang kanyang ideya bago magbigay ng sagot.
PAKIKIALAM
ang mabuting tagapakinig ay nagpapakita ng pakikialam sa sinasabi ng
nagsasalita. Ito ay maaring ipahayag sa pamamagitan ng mga tanong,
komento.
PAGSUSURI
ang mabuting tagapakinig ay may kakayahang magbigay ng
konstruktibong pagsusuri pagkatapos makinig sa mensahe. Ito ay
nagpapakita ng kakayahang umunawa at magbigay ng feedback.
PAMANTAYAN SA PAGSUSURI NG KAGAMITAN PARA SA PANONOOD
INTERNET CONNECTION
ang magandang internet connection ay mahalaga upang maiwasan ang
buffering o interruption sa panunuod ng video. Dapat siguruhing sapat
ang bilis ng internet upang hindi magkaruon ng problema sa pag-stream
ng video.
PAGPILI NG PABORITONG PLATFORM
pwedeng manuod ng video sa iba't ibang online platforms tulad ng
YouTube, Vimeo, Netflix, o iba pang streaming services. Ang pagpili ng
paboritong platform ay depende sa personal na kagustuhan at kung saan
matatagpuan ang nilalaman.
PAGBASA NG MGA REVIEW
bago panoorin ang isang video, maaaring magbasa ng mga review o
feedback mula sa ibang tagapanood. Ito ay makakatulong sa pagpapasya
kung ang video ay karapat-dapat panoorin.
QUALITY SETTINGS
maaaring baguhin ang kalidad ng video depende sa kakayahan ng
internet connection. Kung mabagal ang koneksyon, maaaring ibaba ang
kalidad ng video para maiwasan ang buffering. Ngunit kung mabilis ang
koneksyon, maaring itaas ang kalidad para sa mas magandang visual
experience.
KASANGKAPAN SA PANONOOD
pwedeng gamitin ang ibat ibang kasangkapan tulad ng computer, laptop,
tablet, o smartphone sa panonood ng video. Ang pagpili ng tamang
device ay depende sa kagustuhan at kaginhawaan ng tagapanood.
PAGGAMIT NG SUBTITLES
sa ilalim ng settings, maaaring magamit ang subtitles o captions para sa
mga video na may iba't ibang wika o kung mahirap intidihin ang sinasabi
sa video.
PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Ang bawat pangkat ay magsasaliksik ng 10 pamantayan sa pagsusuri ng ICT
tools o “online resources” na ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto ng wika at ang
gamit nito.Pag-aralan at piliin ang pamantayan na pinakaangkop sa pagsusuri ng
ICT tools o online technology tools na ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.

PAMANTAYAN SA PAGSUSURI NG ICT TOOLS GAMIT

HALIMBAWA: Ang Microsoft Word sa Office 365 ay nagbibigay ng


GRAMMAR CHECKERS grammar checking para sa wikang Filipino. Maaari mong
Microsoft Word (Office 365) baguhin ang wika ng proofing sa mga setting ng
dokumento.
Pamantayan:
Angkop ang nilalaman – 15
Paglalahad – 10
Kooperasyon – 5
Pamamahala sa Oras – 5
Pangkalahatang Puntos - 35

You might also like