You are on page 1of 4

St.

Paul College of Ilocos Sur

Pambungad na panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Amen.
Panginoon, sa panibagong taong ipinagkaloob Mo sa amin, nawa’y hindi ka magsawang kami ay
Iyong gabayan at laging pagkalooban ng Iyong mga biyaya. Maraming salamat sa lahat ng mga
magagandang mga pagkakataong ipinaranas Mo sa amin nitong nakaraang taon. Sa kabila ng
pandemiyang ito, lubos pa rin ang aming pagpupugay sa Iyo dahil hindi Ka napapagod na kami ay
gabayan at iligtas sa kapahamakan. Sa lahat, Ikaw pa rin ang aming pinakamatibay na sandalan sa lahat
ng mga pagsubok na aming naranasan, nararanasan at mararanasan. Ito ang aming panalangin sa
pamamagitan ng iyong bugtong na anak na si Hesus. Amen.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Amen.
INTRODUKSIYON

MGA kompetensi sa pagkatuto


Ikaw ay nakahihinuha ng layunin ng iyong kausap batay sa paggamit nito ng mga salita at
paraan ng pagsasalita.

Ikaw ay nakapipili ng angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.

LIFE PERFORMANCE OUTCOME (lpo)


Malakas ang loob, Mapanuri, Positibong hinaharap ang mga suliranin (Charism)

PAULINIAN AFFIRMATION STATEMENT


Ako ay may malakas na loob, mapagsiyasat, positibong hinaharap ang mga suliranin, at
nagpapamalas ng pagkamalikhain at karisma.

ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO


Aralin 4: NG MGA FILIPINO (IKALAWANG BAHAGI)

Sa naunang gawain ng pinag-aaralan nating paksa, nawa’y


Balikan Mo! nagkaroon ka ng isang malalim na pagninilay ukol sa kahalagahan ng
pagsasaalang-alang mo sa kung ano at paano mo dapat bitawan ang
iyong mga salita sa iyong kapuwa. Napakahalaga ng kakayahang ito upang mapanatili mo ang
maayos na pakikipag-unayan mo sa iba. Huwag mong tutularan ang mga insesitibong pahayag at paraan
ng pagpapahayag ng mga sinuring halimbawa. Dahil dito, lubos kitang binabati sapagkat
maiinam ang iyong mga ipinalit sa mga pahayag.
Para sa linggong ito, ilan pang mga kompitensi ang kailangan mong maisakatuparan
bilang pagpapatuloy ng iyong paglalapat sa konseptong iyong natutuhan. Ngunit bago ang
lahat, ibahagi mo muna ang iyong mga karanasan ukol sa iyong pakikipagtalastasan sa
iyong kapuwa. Tignan ang panuto at tanong sa susunod na pahina.

TEACHING ONLINE LEARNING MODULE: LAN102: UNANG SEM| Q2-LINGGO 4 | 1 ng 4


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Add Discussion
PAGGANYAK
NARANASAN KO NA RIN
Panuto: Ibahagi mo ang iyong tugon sa tanong sa ibaba sa pamamagitan ng iyong pagbibigay-komento.
Naranasan mo na bang makipag-usap sa iyong kapuwa na kung saan hindi maaayos ang
paraan niya ng pagsasalita gayundin ang mga salitang kanyang binibitawan? Kung oo, paano
ang pagtugon mo ukol dito? Kung hindi pa naman, ano ang masasabi mo sa sitwasyong
nabanggit ?

Bilang Paulenyo at higit sa lahat bilang isang responsableng indibiduwal, napananatili mo pa rin
sana ang pagiging mahinahon sa kahit ano mang sitwasyon at mga pagkakataon.
Hindi dahil hindi mo kayang ipagtanggol ang iyong sarili sa mga sitwasyong ikaw ay
nakaririnig ng mga hindi magagandang salita, kundi dahil ikaw ay biniyayaan ng Diyos
ng kakayahang makapag-isip nang kritikal at naaayon sa iyong pagkatao. Mas
mapauunlad mo pa ang kakayahang ito sa mga susunod pang mga gawain.
Maaari ka nang dumako sa ikalawang bahagi ng ating Teaching Online Learning
Module (TOLM).

INTERAKSIYON
Baon ang mga konseptong iyong natutuhan noong nakaraang sesyon sa kakayahang
komunikatibo, maaari mo nang isakatuparan ang unang gawain para sa linggong ito.
Susukatin ng unang gawain ang iyong kakayahan sa paghihinuha ng layunin ng iyong kausap
batay sa paggamit nito ng mga salita at paraan ng pagsasalita. At upang magabayan ka sa
pagsasakatuparan ng gawain, panoorin mo ang aking inihandang lecture video para sa mas malalimang
pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa.

Add Assessment

Written Work # 1 Panuto: Sa pakikipag-usap mo ngayong araw sa mga taong


ANG AKING KAUSAP kakilala mo, personal man ito o hindi, nawa’y naipabatid nila
nang maayos ang kanilang nais sabihin sa iyo at natugunan mo
naman ito batay sa iyong pag-unawa sa kanilang mga pahayag. Sa gawaing ito ay maglahad ka ng limang
mga pahayag mula sa iyong nakausap at ilahad ang kanilang layunin sa pakikipag-usap sa iyo batay sa
paggamit nila ng mga salita at paraan ng kanilang pagsasalita. Maging gabay ang pormat sa ibaba at
rubrik sa pagbibigay ng puntis sa gawaing ito.

Pahayag: “


Layunin:

May malaking Nililinang Pa


Pamantayan Napakahusay(4) Mahusay (3)
kakulangan (2) Lamang (1)
Pagsasakatuparan ng layunin– naisakatuparan
ang layuning makapaghinuha ng layunin ng
kausap batay sa paggamit nito ng mga salita at
paraan ng pagsasalita (2)

TEACHING ONLINE LEARNING MODULE: LAN102: UNANG SEM| Q2-LINGGO 4 | 2 ng 4


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
INTEGRASYON

Mainam din na sa pang-araw-araw mong pakikipagtalastasan sa iyong kapuwa


ay lubos na mahalaga ang salita at paraan ng pagsasalita mo upang maipabatid mo sa
iyong kausap kung ano ang nais mong sabihin para sa kaniya. Ito ay isang kakayahang
natitiyak kong magagamit mo sa iyong trabaho kinabukasan.
Bilang paglalapat sa iyong natutuhan sa kakayahang komunikatibo,
maaari mo nang isakatuparan ang pampinal na gawain sa ibaba.
Panoorin mo rin ang aking lecture video para sa maikling pagtalakay sa
gawain at pagbibigay ng halimbawa nito.

Add Assessment

Performance Task # 2
NAUUNAWAAN KITA KAYA MAUUNAWAAN MO AKO

Panuto: Ipagpapalagay mong maglalaan ka ng serbisyo o outreach program na nauugnay sa iyong


propesyon sa isang komunidad. Sumulat ka ng isang iskrip ng iyong lektyur sa isagagawa mong
programa. Dito mo isasaalang-alang ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.
Maging gabay ang inihandang rubrik sa pagbibigay-puntos sa iyong awtput.
RUBRIK PARA SA PERFORMANCE TASK 2.2

Napakahusay May malaking Nililinang Pa


Pamantayan Mahusay (3) Iskor
(4) kakulangan (2) Lamang (1)

Pagsasakatuparan ng layunin–
naisakatuparan ang layuning makapagsulat
ng isang iskrip na kakikitaan ng maayos na
pagtalakay sa isang paksa para isang isang
outreach program. (x5)

Kakayahang Komunikatibo– lubos na


kapansin-pansin sa iskrip ang paggamit ng
mga salita sa pahayag na isinasaalang-alang
kung sino ang kausap, saan nangyayari ang
usapan, layunin nito, at kung ano ang pinag-
uusapan. (x5)

Mekaniks sa pagsulat– paggamit ng


wastong baybay, bantas at gramatika sa
pagsulat. (x3)

Pampinid na panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Amen.
Ama, maraming salamat sa paggabay Mo sa amin sa linggong ito. Sa bagong mga araling aming
natutuhan, gabayan Mo kami upang mailapat nang maayos upang maging kalugod-lugod kami sa aming
mga kapatid. Ang kakayahan namin sa pakikipag-usap sa aming kapuwa ay nagmula sa iyo. Kung gayon
patuloy Mo sanang basbasan ang aming mga isipan upang makapag-isip nang mabuti bago kami magbitaw
ng mga salita at umaksiyon. Ito ang aming hiling sa pamamagitan ng iyong bugtong na anak na si Hesus.
Amen.
TEACHING ONLINE LEARNING MODULE: LAN102: UNANG SEM| Q2-LINGGO 4 | 3 ng 4
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
MGA Sanggunian
DepEd Curriculum Implementation and Learning Management Matrix– Most Essential Learning Compe-
tencies ttp://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2020/01/MELCs.pdf
K to 12 Curriculum Guide version as of December 2013 FILIPINO ttp://www.deped.gov.ph/wp-content/
uploads/2019/01/CG.pdf
Marquez S.T. PhD. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Sibs Publishing House,
Inc. 2017
www.slidesgo.com

Inihanda nina: Iniwasto ni: Binigyang pansin ni:

G. WENDELL A. LIVED

G. WEGIE LOY A. URULAZA BB. CRISTINE MAE A. QUITORAS GNG. AIMAN JULIANA R. VILLEGAS
Mga Guro sa Asignatura Subject Team Leader, Filipino HS Academic Coordinator
Pinagtibay ni:

SR. ANGELES ILAGAN, SPC


Basic Education Principal

TEACHING ONLINE LEARNING MODULE: LAN102: UNANG SEM| Q2-LINGGO 4 | 4 ng 4


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

You might also like