You are on page 1of 3

IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN GRADE 4

PAGLALARAWAN SA SABJEK

Nalinang ang kamalayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga mahalagang konsepto at


paraan sa mabisang pagtuturo sa wikang Filipino. Sinasanay ang mga mag-aaral na mapanuri
tungkol sa iba’t-ibang payak na usapin sa kanilang paligid na nagsisilbing mabisa sa pagkatuto
ng wika tungo sa isang malawak na pag-unawa.

PAGLALARAWAN SA PAKSA

Napapalalim ang mga katangiang istratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa elementarya at


ang makrong kasanayan. Ito ay pagtuturong nakapokus sa mag-aaral na binibigyang halaga ang
pangangailangan, tunguhin at istilo ng pag-aaral. Ang pagtuturo ng mga istratehiya at makrong
kasanayan na ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo tulad ng paggamit ng makabagong
teknik sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga ekspektasyong nakapaloob sa kurikulum ng Filipino


2. Nasusuri ang mga layuning angkop na dapat linangin ng mag-aaral
3. Nakakabuo ng sariling sanaysay gamit ang istratehiya sa aspeto ng wika

PALAWAKIN NATIN

Mga Katangiang Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

 Pagsasanay sa Pagsusuri – Ito ay nasasangkot sa madalas na pagsubok o pagsusulit sa loob ng


isang yugto ng panahon upang hikayatin ang pag-alala ng mga mag-aaral ng material mula sa
memorya.

Halimbawa: Nagkakaroon ng pasulit pagkatapus ng talakayan.

 Naipamahagi na Kasanayan – Ito ay nasasangkot sa pagpapalaganap ng mga sesyon ng pag-aaral


para sa isang bagong konsepto o ideya sa paglipas ng panahon sa halip na sabay-sabay.

Halimbawa: Gagawa ng isang yell/hiyaw sa loob ng 3-5 minuto.

 Pansariling Paliwanag – Tumutukoy sa pagpapaliwanag ng sarili gamit ang proseso ng pag-iisip,


sa halip na isang konsepto lamang.

Halimbawa: Gagawa ng sanaysay tungkol sa talambuhay.

 Aktibong Pag-aaral – Tumutukoy sa pamamaraan ng pagtuturo na nagpapataas ng pakikisangkot


ng mag-aaral sa pang-araw-araw na mga aralin.

Halimbawa: Pasalitang pakilahok o oral participation

 Kooperatiba na Pag-aaral – Ito ay tumutukoy sa isang grupo na nagkakaisa upang makamit ang
tagumpay ng bawat miyembro.

Halimbawa: Role play

Makrong Kasanayan

1. Pakikinig – Ito ay proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pakikinig at


pag-iisip.

Halimbawa: Ang guro ay nagtatalakay sa kanyang aralin at ang mag-aaral naman ay nakikinig dahil
hindi ito simpleng pakikinig lamang, bagkus ito ay nangangailangan ng pag-unawa.
IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN GRADE 4

2. Pagsasalita – Tumutukoy sa kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang


ideya at maunawaan ito.

Halimbawa: Debate

3. Pagbabasa – Ito ay interpretasyon na may nakalimbag na simbolo.

Halimbawa: Pagbabasa ng aklat at magasin

4. Pagsusulat – Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng mga


simbolo.

Halimbawa: Pagsusulat ng sanaysay

5. Panonood - Ito ay isang proseso ng pagmamasid ng isang tao sa pamamagitan ng isang palabas o
iba pang visual/media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating nito.

Halimbawa: Pagtatanghal ng video sa klase/ Video Presentation

SUBUKIN PA NATIN

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat pangungusap.

1. Ito ay uri ng makrong kasanayan na isang proseso sa pagtanggap ng mensahe gamit ang
pakikinig at pag-iisip.
a. Pagbabasa
b. Pagsusulat
c. Pakikinig
d. Panonood

2. Isang paraan ng pagtuturo na nagpapataas ng pakikisangkot sa pang-araw-araw na mga aralin.


a. Aktibong Pag-aaral
b. Kooperatiba na Pag-aaral
c. Naipamahagi na Kasanayan
d. Pansariling paliwanag

3. Ito ay isang batayang kurikulum sa pagtuturo ng wikang Filipino.


a. Estratehiya
b. Makrong Kasanayan
c. Mga Katangiang Estratehiya
d. Pagtuturo ng Wika

4. Ito ay isang pagsusulit sa isang yugto ng panahon.


a. Aktibong Pag-aaral
b. Kooperatiba na Pag-aaral
c. Naipamahagi na Kasanayan
d. Pagsasanay sa Pagsusuri

5. Ito ay isang uri ng makrong kasanayan kung saan nagbabase ang isang tao sa ipinapalabas
na bidyo.
a. Pagbabasa
b. Pagsusulat
c. Pakikinig
d. Panonood
IKAAPAT NA MARKAHAN UNANG ARALIN GRADE 4

MADALI LANG `YAN

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang tanong at ibigay ang iyong sariling opinyon o ideya.
3-5 pangungusap lamang. (10 points)

 Gaano kahalaga na maiintindihan natin ang istratehiya at makrong kasanayan sa


pagtuturo ng wikang Filipino?

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________.

Pamantayan sa pagbuo ng pahayag

Nilalaman at wastong impormasyon 5 %

Wastong gamit ng mga salita 3%

Kawili-wiling basahin 2%

Kabuuan 10%

You might also like