You are on page 1of 5

MGA METODO, DULOG O PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA

Mga Konsepto:
•Metodo - Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong
pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.

•Dulog – isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.


(Approach)

•Istratehiya - Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat
hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong
pangwika.

•Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga


kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin
ng isang aralin.

•Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at


batay sa isang dulog.

•Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga
paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang
konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo”.

MGA METODO, DULOG O PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA


• Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)
Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika. 
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika. 
3. Mga Katangian. 
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika. 
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan. 
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at
pagsasalita. 
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay
magkakaroon mg maraming pagsasanay sa pagsasalin. 
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang
ang kahandaan ng mga mag-aaral. 
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga
mag-aaral mula sa target na wika.

• Ang Series Method


Ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran
(walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa
isang kosepto na madaling maunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwana sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong kayaring
balarila na napapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang
transpormasyon ng mga pananaw sa wika at isang konsepto na madaling maintindihan.

• Ang Pamaraang Direct


Mga katangian: 
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin. 
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at
paulit-ulit na pagsasanay. 
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay. 
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila
ay itinuturo ng mga modelo. 
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap. 
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at
mga pagsasanay na pares minimal. 
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase. 
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay. 
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang kamalian.

Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70 


1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin.
Ang pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran
na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang
isang komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa
ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-
aaral at relaks ang kanilang isipan.
Mga katangian: 
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na
maging panatag ang kalooban 
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na
mahinang tugtugin. 
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang
komprehensibo. 
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika. 
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious)
kung saan nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-
conscious) kung saan ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay
madali. 
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama. 
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na
pagsubok ang ibinibigay.
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga
mag-aaral ang kanilang pagkatuto. 
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng
pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling
tahimik ang guro kaya ang katawagan Silent Way.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi
na ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng
mga mag-aaral. 
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro,
tumutugon ang mga ma-aaral sa pamamatnubay ng guro. 
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga
katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika. 
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos. 
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga
kamaliang global lamang ang iniwawasto.
5. Ang Natural Approach
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto
kung saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng
wika. Nilalayon ng Natural approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang
pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya
ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa. 
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga kawili-wiling gawaing
pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)
Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo. 
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral; 
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral. 
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay) 
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili; 
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at
hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon
na laging naroon ang pagtulungan sa isa’t-isa. 
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang
(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.
8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-
unawa rin s ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksyon, na lagging may nauunawaan sa isang konteksto. 
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod: 

a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan 


b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit
nito. 
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon 
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na
paggamit ng wika sa “labas” 
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
9. Ang Whole Language Education
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-
diin: 

a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong


elemento gaya ng ponema, morpema at sintaks. 
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at
pagsasalita) at wikang pagsulat (pagbasa at pagsulat); at 
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na katulad
din ng alituntuning pasalita.

Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang
lebel na ginagamit upang mailarawan ang: 
a) Tulong-tulong na pagkatuto 
b) Pagkatutong partisipasyon 
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral 
d) Integrasyon ng “apat na kasanayan” 
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika

10. Content-Centered Education


Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang
integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y
ang magkasabay na pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-
sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa
nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ang itinuturo nang hiwalay at malayo
sa konteksto ng paggamitan nito

11. Ang Pagkatutong Task-Based


Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong
pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga
magsasagawa ng task. Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man “malaki”
ang saklaw nit kaysa sa teknik. Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan.
Binibigyang pokus lamang nito ang tasksa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa
pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga layuning
pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas na nakagawiang pagsasanay ng wika.

You might also like