You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 11

3
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 5

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 1


MODYUL SA SHS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK

KUWARTER 3
LINGGO 5

Tekstong Argumentatibo

Development Team

Writer: Juliet D. Abellon Antonio Q. Albis Jr.


Editor: Antonio Q. Albis Jr.
Reviewers: Zorayda S. Paguyo Rosario Claudia A. Corcuera
Antonio Q. Albis Jr.
Layout Artist: Antonio Q. Albis Aprilyn R. Ramos
Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang pampagtuturo sa


ikatatamo ng mas mataas na antas na karunungan lalo na sa larang ng edukasyon.
Magsisilbing kasangkapan ito sa pagkatuto sa buhay ng bawat mag-aaral upang lalong
makaagapay sa mabilis na pag-indayog at pagbulusok ng pagbabago sa modernong
panahon sa makabagong milenyo at upang lalong umunlad ang sibilisasyong
kinabibilangan ng bawat indibidwal tungo sa tugatog ng tagumpay.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman
sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga
modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para
unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong
mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t


ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa
iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:


1. matukoy ang katuturan at kahalagahan ng tekstong argumentatibo; at
2. naipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit ang mga inaasahan, isakatuparan ang mga sumusunod:


1. basahin at unawain nang mabuti ang kahulugan, mga paraan ng
pangangatwiran tungo sa maayos na pagsulat at mga hakbang sa pagsulat ng
tekstong argumentatibo,
2. sundin ang bawat panuto na inilakip sa bawat pagsasanay; at
3. sagutin nang tapat ang lahat ng mga pagsasanay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 3


Magandang buhay! Bago natin simulan ang
Modyul na ito, nais kong kompletuhin mo muna ang
impormasyong hinahanap sa kahon sa ibaba. Isulat ang
mga impormasyon sa MALALAKING LETRA para
madaling mabasa at makita. Isa pang paalala,
kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa loob
lamang ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin ang
makakaya para tapusin ito.

Pangalan: ________________________________ Strand/Seksyon: _______________


Paaralan: _____________________________________________________________
Guro: ___________________________CP no. ng Magulang: ___________________

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
ALAMIN isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto


ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik


sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
bansa.

Kasanayang Pampagkatuto: F11PS-IIIf-92:


Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob
sa tekstong binasa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 4


Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais
kong sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa mga
konseptong pangwika sa pamamagitan ng Paunang
Pagtataya. Sa ibaba ay mayroong 5 aytem na kailangan
mong sagutin. Paghusayan mo!
SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Iguhit ang hugis tala ( ) ang mga pahayag na nagsasabi ng katotohanan at puso
( ) naman kung hindi.

________1. Ang pagbibigay ng sariling opinyon ay magagawa sa pamamagitan ng


paglalarawan o pagbibigay- deskripsyon sa mga bagay o paksa.
________2. Isa sa mga katangian ng mahusay na pagsulat ng mga argumento ay ang
pagiging mabulaklak nito sa mga pahayag gaya ng pagbuo ng mga
pangungusap gamit ang mga tayutay at mga idyoma upang mahikayat ang
mambabasa.
________3. Hihina ang pagbibigay ng argumento kung walang inilalahad na mga
ebidensiya o pansuportang impormasyon ang manunulat
________4. Kailangan ng masinsinang pag-aaral at paghihimay-himay ng mga datos
upang maging malinaw at malakas ang mga argumento
________5. Ikaw ay naatasang bumuo ng mga argumento tungkol sa isang isyu dahil
mayroon kayong pagdedebate, mahalagang malaman mo ang mga
opinyon ng mga kasama mo upang maging batayan ito sa iyong mga
argumento.

Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa


linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang lilim ng iyong isipan baka sakaling iyo nang
naulinigan ang mga konseptong pag-aaralan.
BALIKAN

Kung iyong maalala sa modyul 4 ay natutuhan mo ang kahulugan ng iba’t ibang


elemento ng tekstong naratibo. Layunin nito ang magsalaysay o magkuwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento
ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di
piksyon (biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay). Gumagamit din ito ng wikang puno
ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon at kumakasangkapan ng iba’t ibang
imahen, metapora at simbolo upang maging malikhain ang katha.
Mayroon din itong mga iba’t ibang pananaw at elemento na dapat isaalang-
alang sa pagsulat ng tekstong naratibo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 5


Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas
sa naunang aralin kaya ngayon naman ay makakaya mong
TUKLASIN tuklasin, pagnilayan at unawain ang panibagong aralin!

Panuto: Basahin ang isang teksto sa ibaba.

Malaking Hamon sa DepEd at Magulang


KAHAPON nagsimula ang distance learning para sa mga pampublikong paaralan sa
buong bansa. Malaki ang pagkakaiba kaysa sa nakagawiang “face-to-face” classes. Nasa
bahay lang ang mga estudyante at nakatutok sa kanilang gadgets --- laptop, tablet, TV at
radyo. Wala na ang nakagawiang paghahatid ng ama o ina sa anak sa school. Wala ng school
bus at iba pa. Ito ang binago ng pandemya.

Ganunman, mas lalong naging malaking hamon ang bagong pamamaraan hindi
lamang sa mga guro kundi pati sa mga magulang. Kung dati, mga guro lamang ang
gumagabay sa mga bata habang nasa school, ngayon mas kailangan na ang patnubay ng mga
bata. Mas lumawak ang responsibilidad ng mga guro at magulang.

Naging handa naman ang Department of Education (DepEd) sapagkat mahigit 6,000
educational TV at radio shows ang kanilang inihanda para sa mga estudyante sa buong bansa.
Ang mga mag-aaral na hindi makaka-access sa internet dahil nasa malalayong lugar ay
dadalhan nila ng mga self-learning modules. Hahanapin umano ng mga guro ang tirahan ng
mga mag-aaral para hatiran ng modules.

Ayon kay Undersecretary Tonisito Umali, hindi raw dapat mangamba ang mga
estudyante na nasa malayong lugar dahil regular silang hahatiran ng printed modules.
Nakikiusap naman ang DepEd sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa pag-
aaral. Ayon pa kay Umali, may 3,120 television lessons at 3,445 radio episodes ang eere sa
207 television channels at 162 istasyon ng radio sa buong bansa kaya makakasunod ang nasa
24.7 milyong estudyante na nakaenrol ngayong pasukan.

Bagong pamamaraan ng pagtuturo kaya nararapat lamang na magabayan nang maayos


ang mga bata. Kapag hindi sila nagabayan, sayang ang pagtuturo. Mawawalan ng saysay ang
lahat.

Malaking hamon ang distance learning hindi lamang sa mga guro kundi sa mga
magulang. Dapat mayroon din silang komunikasyon sa isa’t isa para maging malinaw sa mga
bata ang pinag-aaralan. Dapat magkatulong sila para magtagumpay ang mga bata.
Halaw mula sa link:https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/10/06/2047452/editoryal-
malaking-hamon-sa-deped-magulang

Ang binasang teksto ay isang editoryal. Ito ay naglalaman o naglalahad ng pananaw,


kuro-kuro at reaksyon ng editor o patnugot ng pahayagan tungkol sa mga napapanahon at
mainit na isyu ng isang bansa, na maaaring tungkol sa politika, pamahalaan, napapanahong
isyu, sining at edukasyon. Ito rin ay hindi lamang kinakasangkapan upang hatakin ang
mambabasa na bumaling sa isang panig ng pananaw o paniniwala, bagkus upang kumbinsihin
ang mambabasa. Kung inyong mapapansin ito ay naglalahad ng iba’t ibang argumento
hinggil sa paksang tinatalakay sa teksto.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 6


Halina’t dagdagan pa natin ang iyong kaalaman at
palalimin ang iyong pag-unawa tungkol sa tekstong
argumentatibo. Tara, basahin at unawain nating mabuti
SURIIN ang mga impormasyong nakalahad sa ibaba.

TEKSTONG ARGUMENATATIBO

• Ang Argumentatibo ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang


sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makaenganyo ng mambabasa.
• Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang
katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang ito.
• Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa
isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng
empirikal na pananaliksik.
• Nangangailangan ang pagsulat ng masusing imbestigasyon kabilang na ang
pangongolekta at ebalwasyon.
• Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan mula sa
balidong datos na nakuha o nabasa.
• Ang tekstong argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit
hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin sa
mga datos o mga impormasyong inilatag ng manunulat.
• Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi-ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong
argumentatibo ang logos—tumutukoy sa pangangatwiran na nangangahulugang
maghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman o may katuwiran
Mga Elemento ng Pangangatwiran
a. Proposisyon – ang pahayag na inilahad upang pagtalunan o pag-usapan at ito ang
isang bagay na pinagkasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig.
b. Argumento – ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging
makatwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

• Mahusay at napapanahong paksa


• Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
• Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
• Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng
argumento
• Matibay na ebidensya

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 7


Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o kadang gumagamit ng tekstong argumentatibo
1. Tesis
2. Posisyong Papel
3. Papel na Pananaliksik
4. Editoryal
5. Petisyon
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argmentatibo
1. Pumili ng paksa na isusulat sa tekstong argumentatibo
Halimbawa: Ang papatupad ng K to 12 Kurikulum
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais ong panindigan at ano ang mga dahilan
mo sa pagpanig ditto.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong
posisyon
4. Gumawa ng burador (draft)
• Unang talata: Panimula
• Ikalawang talata: Kaligiran
• Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag pa ng
talata kung maraming ebidensiya.
• Ikaapat na talata: Counter argument. Asahan mong mayroong ibang mambabasa
na hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal
na dahilan kung bakit iyon ang iyong posisyon
• Ikalimang talata: unang konklusyon na lalagom sa iyong sinulat
• Ikaanim na talata: ikalawang konklusyon na sasagot sa tanong na “ E ano
ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?”
5. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo.
6. Basahin muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks.
Isiping ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate sa
papel na bagama’t may isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalatag pa in
ang mga katwiran at ebidensiya ng kabilang panig.
Mga Bahagi Ng Tekstong Argumentatibo
Mayroong mahahalagang bahagi ang tesktong argumentatibo tulad din ng ibang pormal
na sulatin. Bawat bahagi nito ay magkakaugnay upang higit na maging matibay ang
pangangatwiran. Ito ay kinapapalooban ng panimula, gitna o katawan at konklusyon.
• Panimula – Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang
thesis statement kung saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang
tatalakayin.
• Gitna o Katawan – Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng
manunulat kaugnay sa paksang tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na
ilalahad. Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.
• Konklusyon – Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa pinag-
uusapang paksa. Kinakailangang maging matibay ang konklusyong binuo ng
manunulat na nakabatay sa mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 8


MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT
O PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Paraan Kahulugan Halimbawa
1. Pabuod Paglalahad muna ng mga Tumulong kami sa paglilinis
halimbawa o maliliit na ideyang ng
tumatayong pansuportang kapaligiran at pagsasabit sa
kaisipan at nagtatapos sa isang mga
pangunahing kaisipan palamuti sa entablado bilang
paghahanda sa kapistahan ng
aming barangay.
2. Pasaklaw Kabaligtaran ng pabuod Ang Train Law o Tax Reform
Nagsisimula sa paglalahad ng for Acceleration and Inclusion
pangunahing kaisipan na ay isang batas na nagbabago sa
sistema n gating buwis.
sinusundan ng mga pantulong na
Napapaloob dito ay ang dagdag
kaisipang sumusuposta sa sahod, pagtaas ng presyo ng
naunang kaisipan langis at asukal kasunod sa iba
pang bilihin
3. Lohikal Naayon sa mga risonableng Sa kalikasan natutugunan ang
inaasn kaugnay sa espisipikong pangangailangan ng tao na
sitwasyon o kaganapan at ang nagibigay sa kanya ng
lihikal na pag-iisip ng isang tao- kasiyahan sa buhay
may maayos na pag-iisip at pare-
pareho o consistent
4. Silohismo Binubuo ng tatlong Pangunahing Premis: lahat ng
mahahalagang bahagi: katoliko ay kristiano
a. Pangunahing Premis Pangalawang Premis: sa Juan ay
b. Pangalawang Premis Katoliko
c. Kongklusyon Kongklusyon: si Juan ay
Kristyano

5. Sanhi at Pagtalakay sa mga kadahilanan Mag-aaral ka ng mabuti upang


bunga ng isang bagay o pangyayari at magandang kinabukasan ay
epekto nito makakamtan

KAIBAHAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB SA TEKSTONG ARGUMENTATIBO


Tekstong Persuweysib Tekstong Argumentatibo
• Nangungumbinsi batay sa opinyon • Nangungumbinsi batay sa datos o
• Nanghihikayat sa pamamagitan ng impormasyon
pagpukaw ng emosyon ng • Nakahihikayat dahil sa merito ng
mambabasa at pagpokus sa ebidensiya
kredibilidad ng may-akda • Obhektibo
• Subhektibo • May pagsasaalang-alang sa kasalungat
• Walang pagsasaalang-alang sa na pananaw
kasalungat na pananaw • Nakabatay sa lohika
• Nakabatay sa emosyon

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 9


Sa bahaging ito ay sisikapin mong pagtibayin ang
iyong pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa.
Sagutin ang mga naihandang gawain para sa iyo.
PAGYAMANIN Alam kong kayang-kaya mo ito! Paghusayan mo!

Panuto: Basahin ang isang editoryal at pagkatapos ipaliwanag ang mga tanong na hinihingi
ng bawat bilang.

Si Marcos at ang Ilusyon ng Pag-unlad


By: Pinoy Weekly

Iisa ang tono ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tuwing nababanggit ang kanyang
tatay na si Ferdinand Marcos na pinatalsik sa Malakanyang sa unang People Power sa EDSA:
Kung hindi nagkaroon ng EDSA People Power, maunlad na sana ang Pilipinas.
Tila sinasabi niyang pagkakamali ang EDSA People Power kung kaya nananatili ang krisis
dito sa bansa. Tila walang kasalanan ang administrasyon ng kanyang ama sa kahirapan na
nararanasan ng mga mamamayan sa ilalim ng administrasyon nito noon.
Mas maunlad daw noon ang Pilipinas kumpara sa kalagayan ngayon. Kahit na
ihambing umano ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya, di hamak na nangunguna raw ito.
Sa madaling sabi, maunlad noon ang Pilipinas at dahil ito sa kanyang ama. Kung may isang
kakambal na pangalan ngayon ang mga Marcos, iyun ay ang Martial Law (ang deklarasyon
na kumitil ng hindi lamang ng demokrasya sa bansa kundi maging ang pinakamagigiting at
pinakamahuhusay na anak ng bayan). Ito ang idineklara ni Marcos para umano makontrol ang
bansa para magkaroon ng “kaayusan” at sumulong ang ekonomiya ng bansa.
Pero nakakalimutan yata ni Bongbong na isang planadong krimen ang Martial Law
para mapanatili ang kapangyarihan ng kanyang ama sa puwesto tulad ng inamin ni Juan
Ponce Enrile, isa sa mga arkitekto nito. Totoong matindi ang kahirapan na nararanasan ng
bansa ngayon sa ilalim ni Aquino (at iba pang rehimeng nagdaan). Pero hindi ibig sabihin di
na matindi ang kahirapang nararanasan noon ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ni
Marcos.
Mula noong panahon ni Marcos (o bago pa man), isa nang tatsulok ang lipunang
Pilipino na nasa itaas ang naghaharing mga uri, at iilan lamang na pamilya ang nakikinabang.
Ganito pa rin ang lipunan ngayon, dahil wala naman talagang tunay o makabuluhang
pagbabagong ginagawa ang mga pulitikong nakaupo mula pa nang likhain ng Estados Unidos
ang pamamahala sa Pilipinas batay sa kanilang interes. Wala sa mga nakaupo sa puwesto ang
makakagawa na ipamahagi nang libre ang lupa sa mga magsasaka. Wala sa kanila ang
magbibigay ng nakabubuhay na sahod sa mga manggagawa at ipatitigil ang
kontraktuwalisasyon. Wala sa kanila ang pangungunahan ang industriyalisasyon sa bansa.
Lalong wala sa kanila ang tatayo laban sa panghihimasok ng ibang bansa gaya ng Estados
Unidos (at kahit pa Tsina).
Labag ang lahat nang ito sa interes at batas ng mga naghaharing uri na nakaupo sa
puwesto. Nakailang eleksiyon na ang mga Pilipino, pero nananatiling dominante ng mga
pamilyang ito ang eleksiyon sa Pilipinas. Wala silang lilikhaing batas na labag sa interes ng
mga haciendero at mga kapitalista. May Marcos o wala na nakaupo sa bansa, o may Martial
Law man o wala, hinding hindi tunay na uunlad ang Pilipinas at mga mamamayan nito
habang nananatiling nakadisenyo ang gobyerno para mapanatili ang mga naghaharing uri sa
kanilang puwesto at panatilihin ang ganitong sistema na sila lang ang nakikinabang.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 10


Desperasyon na marahil ng ibang mga Pilipino ang pagkakaroon ng Martial Law o kamay na
bakal tulad ng mga itinotono ng mga pulitikong tumatakbo para umano umayos at umunlad
ang bansa.
Ipinapngako ng mga pulitiko ang lahat kahit ano para lang manalo. Pero alam na ng
marami na hindi ito magkakatotoo. Dahil kung may tunay na pagbabago na magkakatotoo at
makabubuti sa ordinaryong mga tao, hindi ito manggagaling sa mga kandidato.
Napatunayan ng mga pag-aalsa mula panahon ng kolonyalismong Espanyol hanggang
First Quarter Storm ng 1970 hanggang sa EDSA noong 1986 na nagkakaisang mga
mamamayan ang nagtutulak ng pagbabago.
Halaw mula sa link: https://bit.ly/2XNwgud

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:


1. Anong isyu ang tinuttukoy sa teksto?
_____________________________________________________________________
2. Anong mga katangian ng tekstong argumentatibo ang nakita mo sa editoryal?
_____________________________________________________________________
3. Anong posisyon ang ipinaglalaban ng may-akda?
_____________________________________________________________________
4. Isa-isahin ang mga dahilan ng may-akda kung bakit iyon ang pinili niyang panig?
_____________________________________________________________________
5. Makabuluhan ba ang konklusyon kaniyang ginamait? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________

Kagila-gilalas! Narito ang ilang mga konsepto na


kailangang isaisip upang lubos na matalunton ang mga
ISAISIP napag-aralan.

Ang tekstong argumentatibo ay maaaring naglalaman ng mga salita o


pangungusap na nagpapakilala ng pagsang-ayon at pagsalungat. Maliwanag na inilalahad
ang isyu, paninindigan at mga argumento ng awtor. Ito ay naglalahad ng mga katwiran;
nagbibigay-aliw at kasiyahan sa mambabasa; nagpapakita ng mga tunggalian,
simbolismo at paghiwatig; at nagpapahayag ng mabisa at kongkretong konklusyon
patungkol sa isang isyu
Sa tekstong argumentatibo may mga paraan ng pangangatwiran tungo sa maayos
na pagsulat o pagbuo nito: ang Pabuod, Pasaklaw, Lohikal, Silohismo, at Sanhi at
bunga. May mga bahagi rin na dapat isaalang-alang: ang Panimula, Gitna o katawan,
at konklusyon. Huwag din kalilimutan ang mga hakbang sa pagsulat ng tekstong
argumentatibo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 11


Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan
ang kabuuan ng modyul na ito, kaya isang banat pa,
ISAGAWA kayang-kaya mo itong isagawa!

Panuto: Suriin at tukuyin ang paraan ng pangangatwirang ipinapahayag sa bawat teksto.


Piliin ang sagot mula sa kahon.
Pabuod Lohikal Silohismo Pasaklaw Sanhi at Bunga

______1. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay na


kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran.
______2. Edukasyon ang ating sandata upang mapaganda ang ating kinabukasan, hindi
lamang para sa sarili kundi pati na rin sa bayan.
______3. Sapat na oras sa pagtulog, pagkain ng gulay at prutas, at tamang
ehersisyo ay iilan lamang sa mga dapat gawin upang mapanatiling malusog ang
ating katawan.
______4. Lahat ng lumalangoy ay isda. Si Lito ay lumalangoy. Si Lito ay isda.
______5. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ng National
Economic and Development Authority (NEDA), mas malaki pa sana ang ilalago ng
ekonomiya kung hindi lang dahil sa inflation o ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling


TAYAHIN pagsusulit sa kabuuan ng aralin. Natitiyak kong
TAYAHIN masasagot mong lahat ang mga tanong. Hala, bira!

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Iguhit ang hugis tala ( ) ang mga pahayag na nagsasabi ng katotohanan at puso
( ) naman kung hindi.
________1. Ang pagbibigay ng sariling opinyon ay magagawa sa pamamagitan ng
paglalarawan o pagbibigay- deskripsyon sa mga bagay o paksa.
________2. Isa sa mga katangian ng mahusay na pagsulat ng mga argumento ay ang
pagiging mabulaklak nito sa mga pahayag gaya ng pagbuo ng mga
pangungusap gamit ang mga tayutay at mga idyoma upang mahikayat ang
mambabasa.
________3. Hihina ang pagbibigay ng argumento kung walang inilalahad na mga
ebidensiya o pansuportang impormasyon ang manunulat
________4. Kailangan ng masinsinang pag-aaral at paghihimay-himay ng mga datos
upang maging malinaw at malakas ang mga argument
________5. Ikaw ay naatasang bumuo ng mga argumento tungkol sa isang isyu dahil
mayroon kayong pagdedebate, mahalagang malaman mo ang mga
opinyon ng mga kasama mo upang maging batayan ito sa iyong mga
argumento.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 12


Bilang pagtatapos sa linggong ito,
kinakailangan mong mapagtagumpayan ang
huling pagtataya na inilaan para sa iyo.
Naniniwala akong kayang-kaya mo ito.
Paghusayan!
KABUUANG PAGSUSURI

WRITTEN WORK
CLAIM-EVIDENCE-REASONING TIC TAC TOE ASSESSMENT BOARD
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa.

COVID-19
Ang novel coronavirus (nCoV) ay tatawagin nang Covid-19 ayon sa World Health
Organization (WHO). Ang kahulugan ng Co ay Corona, ang Vi ay Virus at and D ay disease.
Ang 19 ay kumakatawan sa taon na ito ay natuklasan. Disyembre 2019 nang kumalat sa
Wuhan City sa China ang sakit na naihahalintulad sa pneumonia at mabilis na kumalat sa 26
na bansa sa mundo kabilang ang Pilipinas. Sa kasalukuyan, mahigit 1,000 na ang namamatay
sa China. Sinasabing maraming ospital doon ang nagsisiksikan dahil sa rami ng dinadalang
pasyente na may sintomas ng Covid-19. Ang palatandaan na may Covid-19 ay mataas na
lagnat, ubo at sipon. Marami ang nagsasabi na nakuha ang sakit sa paniki at may nagsasabing
sa pangolin. Sa isang palengke umano sa Wuhan, nag-originate ang sakit.
Sabi ng WHO, ang pagpapalit ng pangalan ng sakit ay para maiwasan ang mis-
information at mga hindi pagkakasundo. Sabi ng WHO, target umanong magkaroon ng bakuna
laban sa Covid-19 pagkalipas ng 18 buwan.
Nagpalit man ng pangalan, ang nililikhang perwisyo ng sakit na ito ay nagpapatuloy at marami
nang inutang na buhay. Pati ang ekonomiya ng China ay bumabagsak sapagkat maraming
kompanya ang nagsasara lalo na sa Wuhan City. Dahil sa paglaganap ng sakit, nagmistula na
umanong “ghost city” ang Wuhan na nag-aalisan ang mga tao sa takot na mahawa ng sakit.
Noong nakaraang Linggo, 30 overseas Pinoy workers ang sinundo ng Philippine government
at kasalukuyang naka-qurantine sa Athletes Village sa Capas, Tarlac. Wala namang nareport
na may sakit sa mga na-repatriate na OFWs.
Ang maagang pagkatuklas sa bakuna laban sa Covid-19 ang inaasahan na makakapigil
sa paglaganap ng sakit. Napakatagal naman ng 18 buwan para makapagpalabas ng bakuna.
Nararapat na magtulung-tulong ang mga malalaking bansa sa mabilisang pagtuklas sa gamot
para ganap na mapigilan ang pagkalat ng Covid-19. Nalampasan na umano ng sakit na ito ang
SARS na nanalasa rin sa China noong 2003.
Ang pag-iingat naman ng mga Pilipino ang laging panawagan ng DOH. Huwag munang
dumalo sa mga pagtitipon o huwag munang magdaos ng mga event habang nananalasa ang
Covid-19. Panawagan din naman na huwag magpanic at pakyawin ang face mask. Ireserba ang
mga ito sa mga hospital workers na laging nasa front line. Sundin ang DOH sa panawagang
ito.
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/02/14/1993005/editoryal-covid-19

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 13


T1 T2 T3
Ano ang novel coronavirus? Saang lugar pinaniniwalaang Kailan kumalat ang sakit na
nagmula ang Covid-19? Covid-19?

T4 T5 T6
Ano-ano ang mga Ano-anong kaisipan ang Ano ang dahilan ng WHO sa
palatandaan ng pagkakaroon nakapaloob sa tekstong pagpapalit ng pangalan
ng Covid-19? binasa? (NcoV – Covid-19) ng
naturang sakit?
T7 T8 T9

Paano nakaapekto ang Paano masosolusyunan ang Paano makakaiwas sa sakit


Covid-19 sa ekonomiya? paglaganap ng sakit na na Covid-19?
Covid-19?

Panuto: Kailangan mong sagutin ang tanong sa gitna, tanong bilang 5. Pagkatapos na
masagot, pumili ng 2 para makabuo ng hanay o kolum tulad ng tic toc toe game (Maaaring
horizontal na tanong bilang 4, 5, at 6; bertikal na tanong bilang 2, 5, at 8; o pahalang sa
kaliwa sa tanong bilang 1, 5, at 9 o pahalang sa kanan sa tanong bilang 3, 5, at 7). Anumang
tuwid na linya ang mapili, sasagutin lamang ang tatlong tanong.

Isulat ang bilang ng mga tanong na sasagutin, pagkatapos ay bubuuin na ang


CLAIM-EVIDENCE-REASONING sa bawat tanong. Para sa evidence, sumangguni sa
artikulo.
TANONG BLG. 5: Ano-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong binasa?
CLAIM: Ang aking sagot sa tanong ay…
EVIDENCE: Ang pahayag sa artikulo na sumusuporta sa aking sagot ay…
REASONING: Ang patunay na aking napili ay sumusuporta sa aking sagot dahil…
TANONG BLG. _____
CLAIM: Ang aking sagot sa tanong ay…
EVIDENCE: Ang pahayag sa artikulo na sumusuporta sa aking sagot ay…
REASONING: Ang patunay na aking napili ay sumusuporta sa aking sagot dahil…
TANONG BLG. _____
CLAIM: Ang aking sagot sa tanong ay…
EVIDENCE: Ang pahayag sa artikulo na sumusuporta sa aking sagot ay…
REASONING: Ang patunay na aking napili ay sumusuporta sa aking sagot dahil…

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 14


SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN/TAYAHIN ISAGAWA

PAUNANG PAGTATAYA/ 1. Lohikal


PANGWAKAS NA PAGTATAYA 2. Pasalaw
3. Pabuod
4. Silohismo
1.
5. Sanhi at Bunga
2.
3.
4. Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga gawain sa iba pang bahagi ay
5. maaaring magkakaiba-iba.

SANGGUNIAN

- Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

AKLAT
Dayag, A. & Del Rosario, M.G. (2016). Pinagyamang pluma: Pagbasa at pagsusuri mng
iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Phoenix Publishing House, Inc: Quezon
City.

Santos, A. et.al. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik.105 Engineering Road, Aranita University Village, Potrero, Malabon
City: Mutya Publishing House, Inc.

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

https://brainly.ph/question/1083995
https://www.google.com/search?q=editoryal+napapanahong+isyu+2020&rlz=1C1CHFX_en
PH630PH630&oq=napapanahong+isyu+editoryal&aqs=chrome.1.69i57j0i22i30l3.15274j0j4
&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://www.academia.edu/43343022/MODYUL_2_Tekstong_Argumentatibo
https://www.coursehero.com/file/37880329/Tekstong-Argumentatibopptx/
https://www.scribd.com/document/331398709/Tekstong-Argumentatibo.
https://bit.ly/2XQeLcx
https://bit.ly/2XNwgud
Prezi.Com, 2020.
https://bit.ly/2XOOzPx 17
https://www.Philstar.com.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/10/06/2047452/editoryal-
malaking-hamon-sa-deped-magulang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 15


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)

Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900


Contact Number: (077)771-3678

Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 16

You might also like