You are on page 1of 7

De La Salle Lipa

College of Education Arts and Sciences


Language and Literature Area

PINAL NA PROYEKTO AT PRESENTASYON PARA SA KONFILI


MGA ALITUNTUNIN SA PAGGAWA NG VIDEO ADVOCACY

Inaasahang makabuo ng Video Advocacy ang mga mag-aaral ng KONFILI bilang bahagi ng
kanilang pinal na proyekto. Ang Video Advocacy ay patungkol sa mga suliranin at isyung
panlipuan panlipunan na ating kinahaharap sa kasalukuyan. Maaring ang pokus ay sa
larangan ng edukasyon, kalusugan, kahirapan, kapaligiran, pulitikal, ekonomik, isyung
pangkabataan, isyung panteknolohiya at iba pa na mga suliranin na maaring pagtuunan ng
pansin. Ang vidyo blog na gagawin ay ukol sa mga isyung pagtutuunan ng pansin ay maaring
magbigay tuon di lamang sa isyu kundi sa mga katangi-tangin indibidwal na nagsusulong
upang mabigyang solusyon ang mga suliranin ng lipunan o kinakaharap ng tao. Ang pinal na
proyekto ay nahahati sa tatlong bahagi: (1) konseptong papel at storyboard, (2) vidyo awtput
at (3) pag-popost sa Social Networking Sites ng adbokasiya upang makakuha ng mga komento
na bahagi ng gagawing pinal presentasyon sa klase.

I. MGA ALITUNTUNIN SA PAGGAWA NG KONSEPTONG PAPEL:


Ito ang layout ng susulating konseptong papel . Iminumungkahi rin na kung maaari ay sundin ang layout
ng papel. Wala nang gagawin ang mga mag-aaral kundi ang mag-encode na lamang ng nilalaman
nito
(Title Page)

PANSAMANTALANG PAMAGAT NG ADBOKASIYA:


ISANG KONSEPTONG PAPEL Pangalan ng
mga Miyembro

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________

_____________________________________
Seksyon
_____________________________________

_____________
(Nilalaman)

PANIMULA/KALIGIRAN

Ang bahaging ito ay maglalaman ng dalawa hanggang tatlong talata na


maglalarawan ng kaligiran at mga katotohanan na nagbigay daan at nagbukas sa mga
proponent (mag-aaral) upang makaisip at magsagawa ng hinihinging proyekto.

Dito rin ilalawaran ang umiiral na isyu o suliraning panlipunan na natukoy na


gagawan ng adbokasiya.

Sulatin ang bahaging ito hanggang tatlong talata lamang. Gawing matuwid at
malinaw ang mga pahayag na may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

Ito ay isang pariralang nanghihikayat (catchy phrase). Ang pamagat ang


magsisilbing pamagat din ng gagawing adbokasiya. Ang maikli ngunit makabuluhan,
mapanghikayat at kapansin-pansing linya ay madaling makakuha ng atensiyon ng
publiko na mag-iiwan ng tanong upang lalong maging interisante ang madla. Ipaliwanag
ang likhang pamagat ng adbokasiya.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

Sa bahaging ito ihahanay ang rasyunal, mithiin at mga layunin ng


pagsasakatuparan ng isang adbokasiya para sa natukoy na usapin o paksa.
Tandaan na ang Rasyunal, Mithiin at Layunin ay magkakaiba. Iminumungkahi na
ang bawat isa ay maisulat sa magkakaibang talata upang maiwasan ang
paghahalo ng mga ideya na magdudulot ng kalituhan.
Sa unang talata, taglay ng RASYUNAL ang pinagmulan ng ideya o
kadahilanan kung bakit napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at kahalagahan
ng naturang paksa o adbokasiya ay inilalahad sa bahaging ito.

Ipaliliwanag sa ikalawang talata ang mithiin. Tandaan na ang MITHIIN ay


ang pinakapayak ng iyong/inyong nais na makamit sa katapusan ng gawain.

Sa ikatlong talata naman ang paghahanay ng mga layunin. Malinaw at


tuwirang ihanay dito ang mga layunin. Ang mga LAYUNIN ay mga pahayag na
nabuo habang at matapos na maisip ang paksa o usaping bibigyang pansin.
Bumuo ng mga layuning masusukat at makatotohanan. Nararapat na ang mga
layunin ay konektado upang mabilis na maabot at maisagawa. Ang mga
layunin ay mga kasagutan sa tanong na “bakit”mo ito gagawin. Ang gawain ay
magiging tagumpay kung ang lahat na nakahanay na layunin ay naabot.

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

Sa bahaging ito malinaw at detalyadong ilalarawan ang konsepto, at nilalaman ng


napiling adbokasiya. Maaaring isama ang mungkahing paglalarawan (papayagang
maglagay ng sample na drawing o illustration) sa magiging anyo ng adbokasiya.
Inaasahan rin na may ilang mahahalagang bagay na sinaliksik na may kaugnayan sa
usapin at sa isasagawang adbokasiya. Mas mainam kung isasaalang-alang ang
pagkakasunod ng mga hakbang simula sa panimulang gawain hanggang pagtatapos
o paglalagom nito.

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

Ang bahaging ito ay paglalarawan ng inaasahang resulta na nakabatay sa


inilahad na mithiin at mga layunin. Kahit na ang ilang pahayag ay mga hinuha o
prediksyon, hanggat ito ay kabilang sa layunin, ito ay ilalarawan sa bahaging ito na
pawang mga kaganapan at makatotohanan. Ang mga sangkot sa usapin ay
ilalarawan na buhay na tatanggap ng mga benepisyo na maaring pangmatagalan o
pansamantala lamang, lalo na kung ang gawain ay makatutulong sa pagpapaunlad ng
mga sangkot sa darating na panahon.
Mungkahing Porma ng Papel

Font: Arial o TNR Size: 11 Margin: L-1.5 R-1 T-1 B-1 Papel: 8.5 x 11
Spacing: Single-space – sa bawat talata ; Double-space – pagitan ng bawat talata
Title Page: Font Size 14, Upper case, Bold, Centered
Pangalan ng mga Miyembro at Seksyon: Font Size 12
(Only first letter of each name is in upper case, First name First, Bold, Centered)
Indentation: 0.5 in all indentation
Hindi na kinakailangang ilagay sa folder.

Inaasahan ding gumawa ng storyboard upang maipakita and lohikal na


pagkakasunod-sunod ng mga eksena sa gagawing video advocacy. Sa
pamamagitan din nito ay maipapakita ang mas epektibong biswal na naratibo ng
awtput at maiiwasan ang paglaylay ng teknikal na konsepto ng visual story-telling.

***Sample Story Board Lay-out (8.5 x 11 – Landscape)***

IMAHEN
Deskripsyon ng Biswal na
Representasyon
II. MGA ALITUNTUNIN SA PAGGAWA NG VIDYO AWTPUT:

1. Ang guro ay bubuo ng grupo na binubuo ng 3 miyembro lamang. Ito ay upang


masigurado na lahat ng miyembro sa grupo ay mayroong kontribusyon sa
proyekto bilang ito ay FINAL PROJECT.
2. Inaasahang hindi tataas sa 4 na minuto ang vidyo blog na gagawin.
3. Dahil ito ay pinal na proyekto hinihikayat na gumamit ng orihinal na materyal sa
bidyo. Ibig sabihin kayo mismo ang gumawa at hindi kinopya lamang.
4. Hinihikayat na gumamit ng Digital Single Lens Reflex (DSLR) Camera ang mga
mag-aaral upang matiyak ang mataas kalidad ng vidyo at awdyo, ngunit kung
hindi makakagamit ng DSLR maaring gumamit ng smartphone at siguraduhing
hindi bababa sa 1080p ang resolusyon na gagamitin upang hindi maisakripisyo
ang kalidad ng awtput na inaasahang maisumite.
5. Maaring gumamit ng anumang VIDEO EDITING SOFTWARE para sa pag-eedit –
Adobe Premiere, Final Cut Pro X, Vegas Pro, Moviemaker, Corel Video Studio,
Pinnacle Studio, at iba pa.
6. Para sa musika at tugtog maaring lumikha ng orihinal na komposisyon. Maari ring
gumamit ng mga hiram na awdyo materyal at ilagay na lamang sa end-credits
ang pinaghanguan.
7. Para sa isusumiteng adbokasiya, ipasa ito sa MP4 or MPEG-4 format sa posibleng
pinakamataas na resolusyon (HD -1080p, 2k, 4k, atbp) gamit and DVD o
flashdrive.
8. Matapos na maisagawa ang bidyo, inaasahang makabuo ng isang infographics
ang grupo kaugnay sa paksa na kanilang ginawa.
9. Ang infographics ay naglalaman ng mahahalagang datos at impormasyon,
paalala na kanilang nakalap mula sa paggawa ng vidyo blog.
10. PAALALA: Siguraduhing ang mga impormasyong inyong ilalagay sa infographics
ay wasto.
11. Magsusumite ng printed copy ng infographics sa isang short bond paper
kasabay ng pagsusumite ng proyekto.
12. Ipakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng infographics. Siguraduhin ding ito
ay mayaman sa impormasyon.
13. Magsusumite ng dokyumentasyon ang bawat grupo bilang bahagi ng
kahingian sa proyekto. Ang dokyumentasyon ay naglalaman ng lahat ng mga
ginawa ng grupo mula sa konseptwalisasyon hanggang sa pagbuo ng pinal na
proyekto. Siguraduhing mayroong mga kuhang larawan(with caption o
deskripsyon).
Ilang paalala:

1. Iwasang gumamit ng headset sa pagrerekord ng awdyo, mangyaring gumamit


ng hiwalay na audio recording device kung sakaling maingay ang lugar at hindi
makakuha ng malinis na awdyo awtput ang gagamiting DSLR camera.
2. Iwasan ang mga shaky shots gayun din ang mga hindi wasto at kaaya-ayang
framing.
3. Kung kailangang gumamit ng Ispiker/s sa Vidyo, Voice Over (VO) o di kaya’y
kailangang mag-interbyu siguraduhin buhay at kawili-wili ang boses ng
tagapagsalita, isang batayan ng magandang adbokasiya ang nakaka-
engganyong boses ng tagapagsalita.

III. Posting sa Social Networking Sites

Matapos makagawa ng adbokasiya, inaatasan ang bawat mag-aaral na ilathala sa


Social Networking Sites ang kanilang pinal na awtput. Maaring gamitin ang Facebook
at Twitter bilang midyum ng paglalathala. Ang adbokasiya ay inaasahang ma-ipost sa
SNS’s isang lingo bago ang pinal na presentasyon sa klase, sa ganitong pamamaraan
ay magkakaruon ng sapat na oras upang makapangalap ng mga komento at
suhestyon na bahaging isasama sa pinal na presentasyong gagawin.

Nilalaman ng Pinal Presentasyon: (15-20 minuto)

1. Pagpapakilala sa Adbokasiya (Introduksyon ng Isyung Tatalakayin)


2. Diskusyon ng Rasyunal, Mithiin at Layunin
3. Diskusyong ng Benepisyo at Inaasahang Resulta
4. Pagpapanuod ng Video Advocacy
5. Pagpapakita ng nabuong INFOGRAPHICS kaugnay sa paksa.
6. Presentasyon ng Nakalap na mga komento at suhestyon mula sa SNS’s
7. Pagkikritik at Malayang Tanungan hinggil sa pinal na awtput at ginawang
presentasyon

Iskedyul:

October 21-25 Paggawa ng Konseptong Papel at storyboard


November 4-8 Pagsumite ng Konseptong Papel at Storyboard

Nobyembre 11-22, 2018 Paggawa ng Adbokasiya

Nobyembre 23, 2018 Pag-popost at Pagpopromote ng Adbokasiya sa Social


Networking Sites (PS. Kung maipopost nang mas maaga mas
maganda)

Nobyembre 25 – Presentasyon ng bawat grupo.

Disyembre 6, 2019

Disyembre 9-11 Final Exam sa Kolehiyo (P.S. Walang written final exam sa KONFILI

sapagkat ang proyekto na ang magsisilbing final exam)

You might also like