You are on page 1of 34

PAGSULAT

NG
PROPOSAL
Ang mga proposal ay mga
espesyalisado at teknikal na
dokumentong pangnegosyo na
nagbibigay ng mapanghikayat na
solusyon sa mga suliranin. Higit pa sa
paghahain ng tiyak na komunikasyon
ang layunin nito.
Ang isang proposal ay isa ring
pananalisik dahil taglay nito ang
introduksyon hanggang konklusyon,
kailangan ang pananaliksik sa pagsusuri
ng maaaring solusyon sa problemang
umiiral.
Lahat ng dokumentong teknikal ay
kinakailangang makapagpahayag ng
malinaw at obhektibong ideya.
-

- Ang problema ay kailangang


1.Maglarawa, ilarawan sapagkat hindi pa ganap
magtukoy o ang pag-unawa ukol sa saklaw,
bigat o mga komplikasyon ng mga
maghain ng
isyung kinakaharap. Dahil dito
problema na
nagkakaroon ng kredibilidad sa
kailangang naghain ng proposal sapagkat
solusyunan. nagpapakita ito ng kanyang pag-
unawa sa problema.
Kailangang
maipakita na ang
dulog na ihahain ay
2. Maghain magiging epektibo
ng solusyon at mahusay na
para sa solusyon sa
problema. problema.
3. Magpatupad ng solusyon

- Ipakita na may kakayahan at kagamitang


kinakailangan upang maisagawa ang ihahain.
- Isa sa patunay ng kakayahan ay ang dating
gawaing naisagawa. Nakahihikayat ito sapagkat
katunayan ito na nagawa ng tagahain ang
proposal nang mahusay.
Pormat ng Presentasyon ng Isang
Proposal
01 Talaan ng
Nilalaman
Pagpapahayag ng
02
Misyon

03
Abstrak o Buod ng
Proposal
TALAAN NG NILALAMAN

Binubuo ito matapos sulatin


ang proposal. Nakatutulong
ito upang madaling
mahanap ng mga
mambabasa ng proposal
ang mga bahagi at
nilalaman nito.
PAGPAPAHAYAG NG MISYON

 Isinusulat ang misyon na mayroong


limampung (50) salita o mababa pa rito.
 Makatutulong ito upang mabigyang linaw
ang pangunahing tunguhin ng
proyektong ihahain.
PAGPAPAHAYAG NG MISYON

 Binibigyan nito ng pagkakataon ang


mambabasa na agad na maunawaan
ang proposal mula sa simula kahit hindi
na basahin ang nilalaman ng naratibo.
Abstrak o Buod ng Proposal

 Isa sa pinakamahalagang bahagi ng


proposal sapagkat makikita rito ang
kabuuan ng pananaliksik nang hindi
kinakailangang basahin ang mga pahina
sa loob. Marapat na nilalaman nito ang
layunin, metodolohiya at konklusyon.
Abstrak o Buod ng Proposal

 Binubuo ito ng hindi lalampas sa 250


salita. Kailangang ibinubuod nito ang
binibigyang diin at pangunahing mga
punto ng ulat.
Abstrak o Buod ng Proposal

 Hindi isinusulat pagkatapos na mabuo


ang proposal kundi sa panahon ng
paghahanda at maaaring baguhin na
lamang habang umuunlad o lumalakad
ang proseso ng pagbuo sa proposal.
Ang wikang gamit sa
proposal ay nararapat na
madaling intindihin para sa
karaniwang mambabasa
at angkop ilathala.
Isinusulat ito sa ikatlong
panauhan.
Nararapat na mabasa sa proposal ang:

Paksa Saklaw Mga


Layunin
Mga Resulta Rekomendasyon
Metodong ng Pag- Konklusyon
Gagamitin aaral Implikasyon
Mga Bahagi ng Proposal

I. PAMAGAT

Dito matutunghayan ang


paksa at kung ano ang
ginagawang pag-aaral,
proposal o proyekto
II. INTRODUKSIYON

Nagpapakilala ito sa kaligiran o


background ng suliranin. Dito
inihahain ang suliraning nais
solusyunan. Upang bigyang linaw
ang suliraning nararapat na
magtalakay ng maikling kaligiran ng
problema
III. KALIGIRAN

Ipinapakita sa bahaging ito ang


pinagmulan ng suliraning
sinosolusyunan. Ito ay mga
sitwasyon, pangyayari, kalakaran,
kaugnay na programa o anumang
naganap na dahilan ng kasalukuyang
hinaharap na suliranin.
III. KALIGIRAN
Binibigyan diin sa kaligiran ang
pagpapahayag ng pangangailangan,
na tumatalakay kung gaano kabigat
ang pangangailangan para
maisagawa ang proposal na ihahain.
Sa pagpapahayag nito iniisa-isa ang
mga kahalagahan ng pagpapatupad
ng proposal.
III. KALIGIRAN

Gumagamit ito ng lohikal na


paglalahad ng pagpapahayag ng
pangangailangan. Kinakailangang
may malawak na kaalaman sa
problema at sa mg apinakabagong
pananaliksik na kaugnay nito.
IV. Mga Kasalukuyang
Suliranin
Ito ang mga tiyak na
karanasan, kalakaran, proyekto
at programa sa isang
institusyon sa larangan ng
empleyo o trabaho na
nagbibigay ng suliranin sa
organisasyon o partikular na
empleyado.
IV. Mga Kasalukuyang
Suliranin
Kapag espesipiko, malinaw at
kompletong nailalahad ang
mga kasalukuyang suliranin,
higit na magiging madali ang
paglalahad ng mga tiyak sa
solusyon sa mga ito.
V. RASYONAL at KAUGNAY NA
LITERATURA
Ang Rasyonal ay magmumula sa nilalaman ng
literature kung ano ang mabisa at hindi mabisa,
kung ano ang kakulangan, pangangailangan
dapat tignan. Napapatunayan nito na ang
naghahain ay naglalapat ng pinakabagong
pananaliksik sa proyektong kanyang
isinasagawa. Kapag mas bago, siksik at
napapanahon ang pananaliksik itoy
mapagkakatiwalaan at mas pinakikinggan.
V. RASYONAL at KAUGNAY NA
LITERATURA
Kapag sinabing literatura, ito ay kalipunan ng
mga papel, dokumento, babasahin, particular na
mga pag-aaral o nasusulat na pananaliksik na
kaugnay ang isang konsepto, ideya, isyu o
problema sa anumang larangan. Nararapat
maglagay ng pinagkunan o sanggunian ng
impormasyon
V. RASYONAL at KAUGNAY NA
LITERATURA
Ginagamit ang APA pormat na siyang konsepto
batay sa hinango na impormasyon:
Sarah T. Trenholm (manunulat)
2008 (Taon ng paglalathala ng aklat)
Thinking through Communication( pamagat ng
aklat)
Pearson( publisista o publisher)
USA (lugar ng paglalathala)
V. RASYONAL at KAUGNAY NA
LITERATURA
Isinusulat ito sa paraang;
Trenholm, S.T. (2008) Thinking through
Communication. USA: Pearson.

Dapat matagpuan din sa teksto ang talata kung


saan ito ginagamit at ang apelyido ng awtor at
taon ng pagkakalimbag. Halimbawa:
(Miralles,2015)
VI. DISKUSYON
Dito binabanggit ang mga panukalang
solusyon sa anumang suliraning inihahain na
kadalasang may suportang detalye at mga
dahilan kung bakit ito ang nararapat na
solusyon.
Ito ang katawan ng proposal na
nagpapaliwanag sa kumpletong detalye.
A. Panukalang Solusyon
B. Metodolohiya
VI. DISKUSYON

A. Panukalang Solusyon- Naglalaman


ito ng mungkahi o panukala kung
paanonisasagawa ang trabaho upang
masolusyunan ang mga inihaing
suliranin. Nahahati sa iba’t ibang bahagi
batay sa kung ano ang pamamaraan o
metodolohiyang gagamitin.
VI. DISKUSYON

B. Metodolohiya- Ito ang mga tiyak na


aksiyon at pamamaraang gagamitin
para maisagawa ang mga panukalang
solusyon sa problema. Ang isang
proposal ay nagtataglay ng malinaw at
tiyak na pamamaraan o metodolohiya.
VII. KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
A. Konklusyon- Ito ay dapat magbigay
diin sa mga benepisyong makukuha ng
mga mambabasa mula sa inihaing
solusyon sa problema at dapat ding
hikayatin ang mambabasa upang kumilos.
Sa bahaging ito kailangan ang tonong
mapanghikayat, may tiwala sa sarili at may
paninindigan.
VII. KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON

B. Sa pagbanggit ng mga natuklasan,


mga mabuting dulot na natagpuan at
kaugnay sa proyekto , binabanggit din
ang mga posibleng rekomendasyon
kaugnay sa pagpapatupad ng proyekto.
VIII. MGA KALAKIP NA
DOKUMENTO O APENDIKS

Ilan sa mga maaaring idagdag dito ay


mga talaan ng gastos, kita, materyales,
tauhan, bibliyograpiya o talaan ng
reperensiya, talaan ng mga liham. Maaari
rin itong maglaman ng mga tsart, grap o
ilustrasyon.
IX. TALAAN NG REPERENSYA

Dito itinatala ang ang pinaghanguan ng


impormmasyon ma matatagpuan sa
diskusyon o bahagi ng proposal,nasa
dulong bahagi ito kung ito ay ekstensibo
ngunit maaari naming wala sa maiikling
proposal.
Natalakay na natin ang Proposal handa na tayo para sa ating
Pagsusulit at Gawain.

Para sa ating Pagsusulit basahin at unawain ang bawat


katanungan sa Hanay A at tukuyin ang kasagutan sa Hanay B.

Para sa ating Gawain gumawa ng isang Proposal maaaring pumili


ng isa sa tatlong paksa o gumawa ng sariling paksa batay sa inyong
interes dapat taglay nito ang bawat bahagi ng isang mahusay na
Proposal.

Kung may katanungan magbigay lamang ng mensahe sa ating Lms.

At Palaging Mag-iingat ang Lahat

You might also like