You are on page 1of 2

Kritikal na Pagbasa, Pagsulat at Pagsasalita

Proyekto: Research Proposal

Kahingian ng Proyekto

Kahingian: Para sa proketong ito, mag-isip at bumuo ng isang research proposal na may
napapanahong isyu. Mas mainam kung ang proposal ay konektado sa kursong ito. Ang naisip na
proposal ay dapat maglaman ng mga sumusunod.

PAMAGAT
Pumili ng isang naaangkop na pamagat para sa iyong nakaplanong pananaliksik. Ang iyong
pamagat ay dapat nagtataglay ng tamang bilang ng mga salita, komprehensibo at naglalarawan ng
malinaw na paksa at mithiin ng iyong pananaliksik.

I. Maikling Panimula
• Ang maikling panimula ng iyong pananaliksik ay dapat magbigay ng maikling konteksto o
background sa problemang nais mong solusyunan. Ilarawan ang problemang nais mong
mabigyan linaw at kasagutan sa iyong gagawin na pananaliksik.
• Kailangan mo ring maipaliwanag sa parte ng pa papel na ito ang kahalagahan ng iyong
pananaliksik.
• Pangangatwiran ang iyong iminungmungkahing pag-aaral. Bakit kailangang
maisakatuparan ito?
II. Paglalahad ng Suliranin
• Ilahad ang suliranin na nais bigayng sulusyon sa iyong proposal. Magbigay ng di bababa sa
dalwang tanong na kailanang mabigyan ng katugunan sa iyong papel. Ang mga tanong na
ito ay dapat may pokus, malinaw at may kaugnayan sa layunin ng pananaliksik . Ang mga
tanong na ito rin magsisilbing gabay sa boung proseso nang pananaliksik.
III. Kahalagahan ng Pananaliksik
• Sa parte na ito ng iyong papel pag-usapan ang mga potensyal na implikasyon ng iyong pag
aaral.
• Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang iyong pananaliksik. Ano ang mga benepisyong
pwedeng maibigay ng iyong pananaliksik at sino sino ang pwedeng makinabang dito?
IV. Konklusyon
• Pagtibayin pa ang mga iyong mga dahilan bakit mo isinulat ang iyong papel. • Balikan
ang mga importanteng datos ng iyong proposal at muling ipahayag sa iyong
mambabasa kung bakit mahalaga ang iyong iminumungkahing pananaliksik.
Course Project
V. Bibliyograpiya
• APA format
• Sa bahaging ito ng pananaliksik, ilista ang lahat ng panitikan o literature na iyong ginamit o
nabanggit sa iyong panukala.

Proposal Format:
12-point font Times New Roman
Double-spaced / Justified
1-inch margins (2.54 cm) Top and Bottom

Rubrik (Total : 100 points)


Organisasyon (0-25 points)
Lohikal na at mabisang nailahad naipaliwanag at naisa-isa nang napakahusay ang
bawat proseso, detalye at bahagi ng impormasyon ng Research Proposal gayundin bawat
tamang hakbang sa pagbuo o pagsasagawa nito.
Presentasyon ng Nilalaman (0-25 points )
Nailahad sa napakaayos na paraan ang mga saligan, layunin at mga suliraning nais
bigyang solusyon sa pananaliksik. Kumpleto ang bawat parte ng papel at nasuportahan ng
mga angkop na pananaliksik at ibat-ibang pagaaral ang mga argumento at ideyang inilhad
rito.
Pagiging Makatotohanan ng Research Proposal (0-25 points)
Naglalaman ng mga makatotohanan at makabuluhang isyu sa kasalukuyan gayundin
ang kaangkupan ng mga posibleng solusyon o hakbang na gagamitin sa pagbuo ng Research
Proposal
Pormat at Ayos ng Papel / Gramatika (0-25 points)
Kahanga-hanga ang paraan ng paglalahad ng bawat ideya sa pangungusap. Wasto
ang paggamit ng malaki at maliit na letra, paggamit ng bantas at paggamit ng angkop na
salita sa bawat pahayag.

You might also like