You are on page 1of 3

Reviewer in Cor 004

Module #15

Rasyunale ng Pag-aaral- ang pinaggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili
ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito. Bahagi din ng diskusyon ang pagtalakay ng kabuluhan at
kahalaga ng nasabing paksa.

Suliranin ng Paksa- ang pakay o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy sa
bahaging ito.

*Dalawang Uri

 PANGUNAHING SULIRANIN- kung saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik


 TIYAK NA SULIRANIN-kung saan itinituring na bahagi ng pangunahing suliranin at
ipinapahayag nito ang mga tiyak o tuwirang pakay sa pananaliksik na nasusukat,
nakakamit, naoobserbahan at tinaguriang makatotohanan.

Kahalagahan ng Pananaliksik- ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaring makinabang sa
pananaliksik at kung papaano sila makikinabang ditto.

Batayang Konseptwal- tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang


isinagawang pag-aaral.

Batayang Teoretikal- naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng mga
panibagong datos ang mananaliksik na kanya naming susuriin, ipaliliwanag at lalagumin.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral- ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na


kung saan ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok
at ang instrumenting ginamit sa pananaliksik. Tinutukoy din nito ang saklaw ng pag –aaral at ang mga
hadlang habnag ito ay isinasagawa.

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita- ang huling bahagi ng huling kabanata ay ang paglalahad ng key
terms na ginamit sa pag-aaral. Ang pagbibigay ng kahulugan ay maaaring mailahad na KONSEPTWAL
kung saan ito ay abse sa konsepto o ideya na kadalasng makikita ang kahulugan sa diksyunaryo o di kaya
naman ay OPERASYONAL na kung saan ang konsepto o ideya ay base sa kung papaano ito nagamit sa
isinasagawang pag-aaral o pananaliksik.

Module #16

Kaugnay na Literatura- mga hinangong sangunian o reference na may kaugnayan sa mga aklat,
disertasyon, tesis, dokumento, artikulo, at iba pang sanggunian.

Kaugnay na Pag-aaral- ito ay kinapalooban ng mga ideyang hinango sa mga thesis at disertasyon na may
kaugnayan sa iyong pananaliksik.
Module #18

Disensyo ng Pananaliksik- nililinaw rito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag aaral. Ang
pinakasimple ay ang panggamit ng descriptive-analytic na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at
impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik.

Respondente- tawag sa mga sasagot ng iyong talatanungan o survey questions para makuha ang datos
na kailangan sa pananaliksik. Babanggitin ditto kung ilan sila at bakit sila napili.

Instrumento ng Pananaliksik- inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa panglaganap ng mga


datos at impormasyon. Sa bahaging ito, maaaring interview o pakikipanayam, pasasagawa ng serbey at
pagpapasagot ng survey questions sa mga respondent.

Tritment ng mga Datos- Inilalarawan kung anong statistical na paraan ang ginamit upang ang mga
numerical na datos ay mailalarawan.

Module #20

Pagsusuring Istatistikal- inilalahaad sa bahaging ito ang paraan ng istatistika na gagamitin sa pag-aaral.

Paglalahad sa Resulta ng Pananaliksik

1. Ipakita ang mga resulta ng pananaliksik sa maayos at mauunawaang pagkasunod-sunod.


2. Ibatay ang iyong paglalahad sa mga layunin ng pananaliksik. Tanging ang mahahalagang datos at
numero lamang ang isama sa paglalahad
3. Huwag alisin ang mga negatibo ngunit mahalagang resulta sa paglalahad.
4. Ihambing ang mga resulta sa mga nagdaang pag-aaral.

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talahayan 2- Epektibong Panggamit ng Tinig sa Pagsasalita

Talahayan 3-Epektibong Pagbigkas sa Pagsasalita

Talahayan 4- Epektibong Pagtindig Habang Nagsasalita

Talahayan 5- Epektibong Pagkumpas Habang Nagsasalita

Talahayan 6- Epektibong Pagkilos Habang Nagsasalita

Talahayan 7- Lagom ng Epektibong Pagsasalita sa Harap ng Madla

Talahayan 8-

 Smooth Line Graph


 Rough Line Graph
 Vertical Line Graph
 Horizontal Bar Graph
 Pie Graph
 Pictograph
Module #23

Lagom- ibinibase ito sa layunin ng pananaliksik.

Konklusyon- ibinibase ito sa mga nakitang resulta ng pag-aaral.

Rekomendasyon- sa pagsulat nito, kailangang tukuyin sa particular na sektor at siguraduhing magagawa


ang mga ito dahil sa rekomendasyon ay mga planong dapat bigyan ng aksyon at maaaring isama sa
susunod na pananaliksik.

You might also like