You are on page 1of 13

MGA BAHAGI NG

RESERTS

Tagapag-ulat:
San Antonio, Jirico
Lobo, Arvin
KABANATA I
Suliranin at Kaligiran
RASYUNAL

- Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang tungkol sa iyong pinag-
aaralang paksa at bakit kailangan pa itong pag aralan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

- Dito babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaring sa anyong patanong o simpleng
paglalahad ng layunin.

KAHALAGAHAN NG TALAKAY

- Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik.

BATAYANG KONSEPTWAL

- Ilalantad ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral at sa teoryang ito iaangkala ng mananaliksik ang
sariling pagtingin sa paksang pinag aaralan.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

- Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sakop na ginagawang pag aaral. Ipinapaalam din dito ang
mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o
bilang ng mga respondente na sasagot sa inihandang mga tanong.
KABANATA II
METODO NG PANANALIKSIK
 Nahahati sa apat na bahagi ang kabanatang ito
1. Disenyo ng pananaliksik

- Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na desinyo ng pananaliksik. Kadalasan descriptiv-


analitik dahil di ito ang para sa mga baguhang mananaliksik dahil di ito ang para sa
masalimuot na gamit ng istalistik.

2. Respondente/Respondyante

- Dito inilalahad ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwestyuneyr-survey.

3. Instrumento ng pananaliksik

- Dito makikita ang ginamit na mga kwestyuneyr sa pagkalap ng mga impormasyon o datos na
gagamitin ang deskriptiv- analitik.

4. Tritment ng mga datos

- Inilalahad dito ang simpleng statistik na magagamit matapos maitala ang mga naging
sagot sa survey-kwestyuneyr sa bawat respondente.
PANGONGOLEKTA NG DATOS
a. AKLAT SA LAYBRARI
- Napakagandang lugar ang laybrari sa pangangalap ng mga impormasyong magagamit sa
talakayan. Dito ka makakakuha nga mga teoryang mapagbabatayan ng mga ideya sa
pananaliksik.

Subject card- Ito ay nakaayos na paalpabetikal .


Author card- Pinakapamagat na nakatala

b. INTERBYU/PAKIKIPANAYAM
- Ito ay gawaing impormasyon ang mismong makukuha sa taong makakatulong sa ginagawang
pananaliksik.
Paano ang pag interbyu?

1. Siguraduhin ang mga tao o ang iinterbyuhin. Kailangan ang


taong iyon ay makakatulong sa ginagawang pag aaral at ang
impormasyon na ibabahagi niya ay sadyang iyon ang kailangan.

2. Ihanda ang mga tanong na ibibigay o itatanong sa


iinterbyuhin.

3. Iwasan ang tanong na tanging Oo o hindi ang sagot kung maari.

4. Sa pag iinterbyu laging ihanda ang sulatang papel o di kaya’y


ang tape recorder na magtatago ng resultang interbyu.

5. Huwag kalimutan ang pasasalamat pagkatapos ng interbyu.


C. INTERNET
- Matutong manaliksik sa internet upang lalong maging mayaman ang
pahayag na maiugnay sa ginagawang pananaliksik.Sa anumang
impormasyon napakinabangan huwag kalilimutang pasalamatan ang
pinagkunan sa pamamagitan ng pagtatala ng website sa biblyografi.

KABANATA III
PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Kwaliteytiv man o kwantiteytiv ang ginawa nag
pananaliksik may pagsusuri at interpretasyon sa
resulta sa pag aaral. Higit namang kailangan ang
interpretasyon sa resulta ng istatistiks bilang
pagpapatunay sa hipotesis na ginawa sa pag aaral.

Pagsusuri
- Ang pagsusuri ay nagaganap sa tulong ng
malalim na pagpapahayag/pagpapaliwanag ng
kinalabasan ng pag-aaral
Interpretasyon
- Sa pagbibigay ng interpretasyon ng
kinalabasan ng pag-aaral,ipinahahayag
nito ang pansariling implikasyon ng
resulta ng pananaliksik. Gumaganda ang
interpretasyon kung makatotohanan amg
mga figyur na lumalabas sa pag-aaral.

Paliwanag/Pagsusuri
Halimbawa:
- Sa unang tanong na panlalaki o pambabae
ang karaniwang sanhi ng pambubugbog sa
asawa,makikitang marami ang sumagot sa scale na
4 o sang-ayon.11 o 35% ng kabuuang bilang ng mga
respondente na sinusundan naman ng 5 o sang –
ayon na may 9 o 29% at pinakakaunti ang scale na
2 o di- sang ayon na walang sumagot o 0%
KABANATA IV
PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK
- Sa bahaging ito ilalahad ng Isa-isa at malinaw ang mga naging kasagutan sa bawat
suliranin o tanong o layunin ng isinasagawang pananaliksik.

Halimbawa ng teksto
1. Bar graph
- Ito ay ginagamitan ng mga patayo at pahigang linya. Komon ito sa mga
paghahambing o comparativ studies. Ang pamagat nito ay nagsasabi kung
tungkol saan ang graph.

2. Pie chart
- Katulad ng bar graph, mayroon itong pamagat,Legends at source.

3. Line graph
- Ito ay madalas gamitin upang ipakita ang pagbaba o pagtaas ng halaga ng mga
pangangailangan sa pagdaan ng panahon.
4. Pictograph
- ito ay ginagamitan ng mga larawan na nagrerepresenta sa isang
produkto,dito ay madaling makita ang pagkakaiba.

5. Flow chart
- Nagpapakita ito ng proseso o mga hakbang na kailangang isagawa
mula umpisa hanggang huli. Layunin nito na makatipid sa oras o
maging maayos o epesyente ang paggawa ng mga bagay- bagay.

6. Istruktura ng organisasyon
- Pinapakita niyo ang istruktura o ang pagkakasunod-sunod ng
katungkulan mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa.

7. Talahanayan
- Ito ang pinaka gamitin sa lahat ng larangan o disipilina dahil
ito ang pinakamadaling unawain
Bar graph Pie Chart
Line graph Pictograph
Flow Chart Istruktura ng Organisasyon
Flow Chart

You might also like