You are on page 1of 15

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA'T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
KONSEPTONG
PAPEL
MGA LAYUNIN:
• Maipaliwanag ang iba't ibang bahagi ng
konseptong papel.
• Makapagsuri ng halimbawa ng
konseptong papel.
• Makabuo ng sariling konseptong papel.
KONSEPTONG PAPEL
Ito ang nagsisilbing gabay upang mabuo ang
isang pananaliksik. Produkto ang konseptong
papel ng mga isinagawang pagbasa o
pananaliksik. Ito ang magsisilbing panuntunan
kung paano iaayos ang mga konsepto patungo
sa mas malalim pang pagtalakay.
ANG PINAKAMAHAHALAGANG BAHAGI NG
KONSEPTONG PAPEL AY ANG MGA
SUMUSUNOD:
• Rasyonal
• Layunin
• Metodolohiya
• Inaasahang awtput
I. RASYONAL
Inilalahad sa bahaging ito ang kahalagahan at
kabuluhan ng paksa. Dito makikita kung anong
anggulo ng pagtalakay ang pagtutuunan ng
pansin at kung ano pa ang maaaring idagdag
dito.
II. LAYUNIN
Tumutukoy ito sa nais matamo sa ginagawang
pananaliksik.
May dalawang uri ng layunin:
una, ang pangkalahatang layunin
pangalawa, ang mga tiyak na layunin
Kadalasan, binubuo ng tatlo hanggang limang
layunin.
III. METODOLOHIYA
Ang bahaging naglalaman ng disenyo at paraan
ng pangangalap ng datos sa gagamiting
pananaliksik. Ito ang nagpapaliwanag kung ano
ang gagawin upang lalong mabigyang linaw ang
isinasagawang pag-aaral.
ILAN SA HALIMBAWA NG METODOLOHIYA ANG MGA
SUMUSUNOD:
1. Pananaliksik na kuwalitatibo
Ito ay paggamit ng mga teorya sa pagpapaliwanang
ng sinusuring paksa. Kadalasan, kailangang maging
isang matibay o napatunayan ng mga katotohanan
(mula sa teorya) ang gagamitin upang mabuo ang
isang pananaliksik na kuwalitatibo.
ILAN SA HALIMBAWA NG METODOLOHIYA ANG MGA
SUMUSUNOD:
2. Pananaliksik na Kantitatibo
Pinaglalaanan ng pansin sa bahaging ito ang bilang
ng datos at ang siyentipikong pamamaraan sa
pagsusuri o pagtutuos sa mga datos na ito at kung
paano makatutulong ang naging resulta sa
isinasagawang pagsusuri.
Ilan sa halimbawa nito ang mga sumusunod:

a.) Sarbey- ang pananaliksik na ito ay


nakatuon sa kolektibong resulta ng
pagkalap ng datos sa paraang pagsagot
sa mga katanungan na may kaugnay na
paksa.
Ilan sa halimbawa nito ang mga sumusunod:

b.) Feasibility study- Isang paraan na


karaniwang ginagamit sa market
research o sa mga pananaliksik na
nauukol sa pagbebenta ng mga produkto
o serbisyo.
Ilan sa halimbawa nito ang mga sumusunod:

c.) Case study- isang paraan ng


pagsusuri sa pamamagitan ng
obserbasyon at pagtatala ng mga datos
na makukuha buhat sa mga inaaral na
sitwasyon, konsepto, ideya, o lugar.
Ilan sa halimbawa nito ang mga sumusunod:

d.) Eksperimento- isang paraan ito ng


pananaliksik na gumagamit hindi lamang
ng mga resulta ng pagsusuri o
obserbasyon, kundi pati na rin ng mga
aktuwal na materyal o bagay na
ginagamit sa pagsususri.
IV. INAASAHANG AWTPUT
Sa bahaging ito tinatalakay ang kinalabasan ng
pananaliksik mula sa inilahad na suliranin ng
paksa. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng
impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng
pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na
papel dipende sa kalalabasan ng pagkalap ng
datos.

You might also like