You are on page 1of 24

Aralin 1.

Proposal
Tatlong Layunin ng Poposal
1. Maglarawan, magtukoy, o maghain ng kailangang masolusyunan.
Maaaring alam na ng mambabasa na sila ay may problema, ngunit
kailangan pa ring ilarawan ito sapagkat maaaring hindi ganap na
maunawaan ang saklaw, bigat o mga komplikasyon ng mga isyung
kinakaharap. Bilang karagdagan, sa paglalahad ng paglalarawan ng
problema, nagkakaroon ang naghahain ng proposal ng kredibilidad
na nagpapakita sa mambabasa na nauunawaan niya ang problema.
2. Maghain ng solusyon para sa problema. Kailangang maipakita sa
mambabasa na ang dulog na inihahain ay magiging epektibo at
mahusay na solusyon sa problema.
3. Magpatupad ng solusyon. Ipakita na may kakayahan
at mga kagamitang kinakailangan upang maisagawa
ang inihain. Isa sa mabisang paraan ng pagpapakita ng
kakayahan ay ang dating gawaing mahusay na
naisasagawa. Maaring higit na mahikayat kung
ipapakita ng naghain ng proposal na nagawa na niya
dati ang inihaing proyekto at nagawa niya ito nang
mahusay.
Mga bahagi ng Proposal
Sa pagsulat ng proposal, kinakailangang masagot ang
mga tanong na ano ang inihain, paano ito planong
isagawa, kailan ito planong isagawa, at magkano ang
kakailanganin para maisagawa ito. Binubuo ang
isang proposal ng simula (Introduksiyon), gitna
(Katawan ng materyal na ihahain), at wakas
(Kongklusiyon o Rekomendasyon).
Pormat ng Presentasyon ng Isang
Proposal
1. Talaan ng Nilalaman- Binubuo ito matapos
ang sulating proposal. Makatutulong ang
pagkakaroon ng talaan ng nilalaman upang
madaling mahanap ng mga mambabasa ng
proposal ang mga bahagi at nilalaman nito.
2. Pagpapahayag ng Misyon- Isinusulat dito ang misyon ng proyekto
sa loob lamang ng limampung (50) salita o mababa pa rito.
Makatutulong ito upang mabigyang-linaw ang pangunahing
tunguhin ng proyektong inihahain. Binibigyan nito ng pagkakataon
ang mambabasa na agad na maunawaan ang proposal mula sa simula,
nang hindi kinakailangang basahin ang mga nakapaloob sa nilalaman
ng naratibo.
Halimbawa: “ Ang ating misyon ay ang magtatag ng programang
pang-edukasyon na nagpapalakas ng kabuoang pagkatao at
humuhubog sa personalidad ng mga mag-aaral sa Pilipinas at may
pangmatagalang tunguhin na gawing higit na mahusay sa larangan
ng Agham, Matematika, at kalakalan ang mga mag-aaral sa bansa”.
3. Abstrak o Buod ng Proposal- Isa ito sa pinakamahalagang bahagi ng
proposal sapagkat dito ay makikita na agad ng magbabasa ng proposal ang
kabuoan ng pananaliksik nang hindi na kinakailangang basahin ang mga
pahina sa loob. Nararapat na nilalaman nito ang pinakamahalagang bahagi
ng proposal tulad ng layunin, metodolohiya at kongklusyon. Binubuo ito
ng hindi lalampas sa 250 salita. Kailangang ibinubuod nito ang
binibigyangdiin at pangunahing mga panuto sa ulat. Hindi ito isinusulat
pagkatapos na mabuo ang proposal kundi sa panahon ng paghahanda sa
proposal at maaring baguhin na lamang habang umuunlad o lumalakad
ang proseso ng pagbuo sa proposal. Ang wikang gamit sa proposal ay
nararapat na madaling initindihin para sa karaniwang mambabasa at
angkop ilathala. Isinusulat ito sa ikatlong panauhan.
3. Abstrak o Buod ng Proposal- Isa ito sa pinakamahalagang bahagi ng
proposal sapagkat dito ay makikita na agad ng magbabasa ng proposal
ang kabuoan ng pananaliksik nang hindi na kinakailangang basahin ang
mga pahina sa loob. Nararapat na nilalaman nito ang
pinakamahalagang bahagi ng proposal tulad ng layunin, metodolohiya
at kongklusyon. Binubuo ito ng hindi lalampas sa 250 salita. Kailangang
ibinubuod nito ang binibigyangdiin at pangunahing mga panuto sa
ulat. Hindi ito isinusulat pagkatapos na mabuo ang proposal kundi sa
panahon ng paghahanda sa proposal at maaring baguhin na lamang
habang umuunlad o lumalakad ang proseso ng pagbuo sa proposal. Ang
wikang gamit sa proposal ay nararapat na madaling initindihin para sa
karaniwang mambabasa at angkop ilathala. Isinusulat ito sa ikatlong
panauhan.
Nararapat na mabasa sa proposal ang:

Paksa; 
Saklaw; 
Mga Layunin: 
Mga metodo at gagamitin; at 
Mga resulta pag-aaral kabilang na ang rekomendasyon at
kongklusyong nabuo, o mga posibleng implikasyon ng proyekto.

Tandaan: Maaring hindi isama ang mga ito sa maiikling


propesyonal na proposal.
Mga Bahagi ng Proposal
I. Pamagat
Dito matutunghayan ang paksa at kung ano ang ginagawang
pag-aaral, proposal, o proyekto.

II. Introduksiyon
Ito ang nagpapakilala sa kaligiran o background ng suliranin.
Sa bahaging ito, inihahain at ibinubuod ang kasalakuyang
suliranin o mga suliraning nais solusyunan. Upang malinaw
na maihain ang suliranin, nararapat na magtalakay ng
maikling kaligiran ng problema.
III. Kaligiran
Sa bahagi ito ipinepresenta ang pinagmulan o backround ng
suliraning sinusubukang solusyunan. Kapag sinabing
kaligiran, ito ay ang mga sitwasyon o pangyyari, kalakaran,
mga kaugnay na programang ipinatupad o hindi ipinatupad o
anomang naganap na sanhi o dahilan ng kasalukuyang
suliraning nagaganap. Dito rin binibigyang-diin ang
pagpapahayag na pangangailangan—ito ang bahaging
tumatalakay sa kung gaano kabigat ang pangangailangan para
maisagawa ang proposal na inihahain. Sa pagpapahayag ng
pangangailangan, iniisa-isa ang mga kahalagahan ng
pagpapatupad ng proposal.
IV. Mga Kasalukuyang Suliranin
Ito ang mga tiyak na karanasan, kalakaran, proyekto at
programa ng isang kompanya o institusyon sa larangan ng
empleyo o trabaho na nagbibigay ng suliranin sa
organisasyon o sa partikular na mga empleyado. Ito ang
hinahangad ng tagapaghaing proposal o ng mananaliksik
na mabigyang solusyon at mabago para sa higit na
ikabubuti ng isang partikular na propesyon. Kapag
espisipiko, malinaw, at kompletong nailalahad ang mga
kasalukuyang suliranin, higit na magiging madali ang
paglalahad ng mga tiyak na solusyon sa mga ito.
V.Rasyonal at Kaugnay na Literatura
Sa rasyonal, tuwirang binabanggit ang dahilan kung bakit
kailangang maisagawa ang proyekto o programang inihahain
bilang solusyon sa kasalukuyang suliranin. Ang rasyonal ng
proyekto ay magmumula sa kung ano ang nilalaman ng literatura,
kung ano ang mabisa at hindi mabisa, kung ano ang kakulangan,
kung ano ang mga pangangailangang dapat tingnan sa bagong
anggulo, o kung paano dapat ang pagdulog sa susunod na mga
proyektong isasagawa. Sa pamamagitan ng bahaging ito,
mapapatunayan na ang indibidwal na naghahain ng proposal ay
inilalapat ang mga pinakabagong pananaliksik sa proyektong
kaniyang isasagawa.
Sa pamamagitan ng bahaging ito, mapapatunayan na ang indibidwal
na naghahain ng proposal ay inilalapat ang mga pinakabagong
pananaliksik sa proyektong kaniyang ginagawa. Kung mas siksik sa
pananaliksik, mas bago at updated ang nilalaman ng proposal. Ang
ganitong uri ng proposal ay higit na mapagkakatiwalaan at mas
pinakikinggan.
Kapag sinabing literatura, ito ay ang kalipunan ng mga papel
dokumento, babasahin partikular na mga pag-aaral, o pananaliksik
na nasusulat na kaugnay ang isang konsepto, ideya, isyu o problema
sa anomang larangan. Maaring ito ay kalipunan ng mga dati nang
proposal sa naisagawa na nagtataglay ng diskusyon tungkol sa mga
dating proyekto.
Sa pagsulat ng kaugnay na literatura, nararapat na ilagay
ang pinagkunan o source ng impormasyon. Kailangang
bigyan ng kredito ang sumulat ng isang dating proyekto,
pananaliksik, proposal, o anomang konseptong nagmula sa
ibang hanguan. Mainam na gamitin ang pormat na
Amerikan Psychological Association (APA) sa
pagdodokumento ng iyong sources. Ang APA ay isa sa mga
estilo ng pagdodokumentong ginagamit sa mga
pananaliksik na may kinalaman sa agham at panlipunan.
Ginagamit ito sa pagtukoy at pagkilala sa mga source o
pinaghahanguan ng mga impormasyong pang pananaliksik.
Karaniwang inilalagay sa APA pormat ang sumusunod:

o Sarah T. Trenholm (awtor)


o 2008 (taon ng paglathala ng libro)
o Thingking through Communication (pamagat ng libro)
o Pearson (publisista o publisher) o USA (lugar ng paglathala)
Isinusulat naman ang mga ito ganitong paraan:

Trenholm,S.T. (2008). Thingking through


Communication.USA:Pearson.

May iba’t ibang tuntunin ang APA pormat batay sa uri ng


ginagamit na pinaghanguan ng impormasyon at maari itong
saliksikin sa Internet. Kapag inilista sa talaan ng reperensiya ang
source, dapat ay matatagpuan din sa mismong teksto ng iyong
proposal ang talata kung saan ito ginamit at ang apelyido ng
awtor at taon ng pagkakalimbag halimbawa: (Miralles, 2015
Masasabing komprehensibo at mapagkakatiwalaan ang isang
pananaliksik o proposal kung ito ay may pinaghanguan ng datos
na nakatala nang maayos. Tapusin ang bahaging ito sa
pamamagitan ng pagbanggit sa iba pang kalakarang
kasalukuyang ginagawa sa larangan, o kung ano ang mga
espesipikong proyekto na kasalukuyang ginagawa; saka
talakayin kung paano naiiba o kung bakit mas mabisa ang
kasalukuyang proposal na inihahain. Kinakailangan dito ng
pananaliksik upang malaman kung ano ang ginagawa o
ipinapatupad ng iba at upang mabanggit kung ano ang kaibahan
ng kasalukuyang proposal. Tinatawag din itong research gap.
IV.Diskusyon
Sa bahaging ito binabanggit ang mga panukalang solusyon sa
anumang suliraning inihahain na kaalasang may kasamang
suportang detalye at mga dahilan kung bakit ito ang nararapat na
solusyon.
Ang kataan ng proposal o ang tinatawag na diskusyon ang
nagpapaliwanag sa kompletong detalye ng panukalang solusyon.
a. Panukalang Solusyon – ang bahaging naglalaman ng mga mungkahi o
panukala kung paano isasagawa ang trabaho upang masolusyunan ang
mga inihaing suliranin. Nilalaman din nito kung paano hahatiin sa iba’t
ibang bahagi ang trabaho, anong pamamaraan o metodolohiya ang
gagamitin..
b. Metodolohiya – mga tiyak na aksiyon at pamamaraang
gagamitin para maisagawa ang mga panukalang solusyon sa
problema. Nilalaman nito kung ano ang mga panukalang
solusyon sa problema. Nilalaman nito kung ano ang mga
materyales ang kakailanganin, sino ang mga taong
kinakailangan para sa trabahong ito, kailan magsisimula
ang trabaho, at kailan ito inaasahang matatapos. Nararapat
din isama sa bahaging ito ang detalyadong breakdown ng
gastos para sa kabuoan ng proyekto. Ang isang mabisang
proposal ay nagtataglay dapat ng malinaw na pamamaraan
at metodolohiya.
IV.Kongklusyon at Rekomendasyon
Ang kongklusyon ay dapat na magbigay-diin sa mga
benepisyong makukuha ng mga mambabasa sa inihaing
solusyon sa problema at dapat ding hikayatin ang
mambabasa upang kumilos. Sa bahaging ito,kailangan
ang tonong mapanghikayat,may tiwala sa sarili, at may
paninindigan.Sa pagbanggit ng mga natuklasan,mga
mabuting dulot na natagpuan, at kaugnay sa
proyekto,binabanggit din ang mga posibleng
rekomendasyon kaugnay sa pagpapatupad ng proyekto.
VIII. Mga Kalakip na Dokumento o Apendiks
Maaring maglakip ng mga dokumento sa proposal.
Ilan sa mga maaring idagdag ay mga talaan ng
gastos, ipon, kita o pagkalugi, materyales at tauhan,
bibliyograpiya o talaan ng reperensiya, at mga
opisyal na liham tulad ng pagbibigay o paghingi ng
pahintulot. Maaari ding ito ay mga talaan o
mismong presentasyon ng mga tsart,grap, o
ilustrasyon.
IX. Talaan ng Reperensiya
Dito inilalathala ang mga dokumentong
ginagamit na pinaghanguan ng impormasyon
na matatagpuan a diskusyon o sa anomang
bahagi ng proposal. Matatagpuan ito sa dulo ng
papel kung ito ay ekstensibo. Maari namang
wala ito sa maiikling proposal. (maaaring
magsaliksik ng halimbawa ng proposal sa
internet)
Thank You

You might also like