You are on page 1of 3

Concept Paper

Ang concept paper ay isa siyang maikling dokumento na nagbibigay ng pangkalahatang


ideya tungkol sa proyekto. Ang mahalagang punto ng Konseptong Papel ay ipaliwanag
ang mga kahalagahan ng isang partikular na proyekto.

F: Ito ay nagsisilbing pundasyon ng panukala.


S: Nakakatulong ito na matukoy kung ang isang partikular na proyekto ay magagawa o
hindi.
T: Ito ay ginagamit upang pukawin ang interes ng mga potensyal na ahensya ng
pagpopondo
FT: Ito ay ginagamit upang makakuha ng impormal na puna sa mga ideya bago ihanda
ang buong panukala

Dahil ang Concept Paper ay isang paunang dokumento para sa isang panukala,
nagpapakita ito ng preview ng mga pagpapahusay na gustong ipatupad ng
tagapagtaguyod. Makatutulong ang Concept Paper sa pagtugon sa mga isyung panlipunan
lalo na dahil nilalayon nitong magpakita ng mga solusyon sa tangible issue sa
lipunan.

Three ways:
Bago isulat ang iyong Concept Paper, kailangan mong matutunan kung paano ipaliwanag
ang iyong konsepto muna. Magagawa mo ito gamit ang Definition, Explication, o
Clarification

Definition
Ang definition ay ang pag identify o pagtukoy sa binigay na salita at ginagawang
mas malinaw ang kahulugan nito. Ang purpose daw ng definition ay ma clarify at ma
explain ang mga konsepto, ideya at mga issues sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong
ng "What does it mean?" or in tagalog "ano ang ibig sabihin nito?". Ang paraan ng
pagpapaliwanag na ito ay naglalaman ng detailed explanation ng mga ideya sa
pamamagitan ng paggamit ng illustration, examples, at description.

Ang definition ay puwedeng ipakita sa tatlong paraan:


-Informal
-Formal
-Extended

1.Ang unang paraan ng defintion ay ang Informal Definition


ang informal definiton daw ay ginagawa sa pamamagitan ng parenthetical or belief
explanation. ito yung mga pagpapaliwanag na ginagawa base lang sa mga paniniwala.

example: Tocopherol (Vitamin E) is naturally found in vegetable oil, fish, and


nuts.
ang sabi nila dito ay ang Tocopherol daw ay galing o natural na matatagpuan sa mga
gulay, isda, at mani. kumbaga yun yung paniniwala nila kung saan natural nakukuha
ang tocopherol.

2.Ang ikalawang paraan ay ang Formal Definition


ang formal definition daw ay ang pagpapaliwanag sa isang bagay o salita kung anong
klaseng uri ito, mga kategorya, at ang mga pinagkaiba nito iba.

example: Vitamin E is a light yellow fat-soluble vitamin that acts as an anti-


oxidant.
sa example naman na ito ay tinutokoy dito kung ano ang Vitamin E at kung ano ang
tunkulin nito. kumbaga pinapaliwanag kung anong uri ang Vitamin E at kung ano
ginagampanan nito.

3.Ang ikatlong paraan ay ang Extended Definition


Ang extended definition daw ay isang detalyadong paraan ng pagtukoy sa isang ideya
at kadalasang binubuo ng isang paragraph. Ang ganitong uri ng definition ay
nagsasama ng iba't ibang mga halimbawa upang ipaliwanag ang isang ibinigay na
concept o idea.

example: sa example na ito pinaliwanag dito kung ano ang learning materials at kung
saan ito ginagamit. sinabi rin dito na ang mga materyal daw ngayon ay nagiging mas
sopistikado, nagsasama ng mga tunay na halimbawa ng wika at realias na tumutulong
na magkaroon ng koneksyon sa pagitan ng mga classrooms and real-life activities.
sinabi rin dito na kasama rin ang information and communication technology (ICT),
role-plays, information-gap activities, songs, taped transcripts, integrated
macroskills, and explicit rubrics. sa example na ito ay binigyan ng kahulugan ang
idea at mga halimbawa kaya ito naging isang paragraph

Definition
para mas maipakita ang mga ideya, kailangan mong tukuyin ang mga important elements
o mga importanteng parte na nakapaloob sa isang definition. Kasama dito ang mga
salita na binigyang kahulugan, ang detalyadong paliwanag, at ang partikular na
halimbawa. Ang mga sumusunod na mga signal words ay makakatulong din sa iyo sa
pagsulat ng ganitong uri ng text.

Explication
-ang explication daw ay isang paraan ng pagpapaliwanag ng mga pangungusap, verses,
quotes, or passages na kinuha mula sa literary or academic work pagkatapos ay
gagawan ng kahulugan at ipinapaliwanag sa detalyadong paraan.
-kapag ginagamit daw itong technique ay kailangan mong maipakita ng malinaw ang
main idea sa introduction at sundan ito ng detalyadong pagsusuri ng isang text.
-maaari mong simulan ang body ng explication sa pagpapaliwanag kung paano nabuo ang
iyong text.
-ang iyong explication daw ay kailangan magtapos na may concise conclusion o maiksi
pero direct to the point sa pamamagitan ng paglalagay ng mga main idea at mga major
arguments ng iyong text.

example: sa example na ito, sa first paragraph ay ipinaliwanag dito ang main idea
ng text at kasunod nito ang detalyadong pagsusuri o mga supporting details tungkol
sa main idea. sa pangalawang paragraph naman sinimulan ito sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag kung paano ito nabuong text. sa dalawang ito masasabi na natin na
explication ito dahil nasundan nito ang tamang paraan ng pagpapaliwanag ng
explication.

Clasification
Ang Clasification daw ay isang paraan ng pagpapaliwanag kung saan ang mga punto ay
naka organized mula sa isang general abstract o summary ng ideya hanggang sa mga
tiyak at kongkretong halimbawa. Kasama dito ang pagsusuri ng konsepto sa
pamamagitan ng pagtingin sa mga halimbawa at pagtukoy ng ilan sa mga katangian nito
para makarating ito sa ginagamit na kahulugan na puwedeng magamit sa buong papel.

Parts of Concept Paper


Ang isang Concept Paper ay karaniwang umaabot mula 500 hanggang 2000 salita at
kadalasang nahahati sa ilang parts.

Ang mga parts ng isang Concept Paper ay maaari ding mag-iba depende sa katangian ng
proyekto/aktibidad.

Concept paper for a project

cover page
• Sabihin ang pangalan ng mga tagapagtaguyod at ang kanilang kaakibat.
• Sabihin ang mga address ng contact number, at email address ng mga
tagapagtaguyod.
• Sabihin ang pinuno ng ahensya at ang kanyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
• Sabihin ang petsa ng pagsusumite.

introduction
• Sabihin ang impormasyon tungkol sa ahensya ng pagpopondo upang ipakita na
naiintindihan mo ang misyon nito.
• Sabihin ang misyon ng ahensya na kinakatawan ng mga tagapagtaguyod at ihanay ito
sa misyon ng ahensya ng pagpopondo. Gayundin, sabihin ang taon ng ahensya ng mga
tagapagtaguyod na itinatag, ang mga pangunahing nagawa nito, at iba pang mga
detalye na nagpapakita ng kakayahan nitong isagawa ang iminungkahing proyekto.
• Ipakita at ilarawan ang iba pang mga kasosyong ahensya at kung bakit sila ay
napakahusay.
• Magbigay ng dahilan kung bakit dapat suportahan ng ahensyang nagpopondo ang
proyekto.

rational or background
• Sabihin ang agwat sa kaalaman na tutugunan ng proyekto.
• Sabihin ang problemang dapat lutasin.
• Sabihin ang kahalagahan ng proyekto.

project description
• Sabihin ang layunin at layunin ng proyekto.
• Ilahad ang pamamaraan (minsan ay tinatawag na plano ng aksyon, mga aktibidad sa
proyekto, o diskarte.
• Ilahad ang timeline na ipinahayag sa buwan at taon.
• Ilahad ang mga benepisyo ng mga inaasahang resulta.
• Sabihin kung paano susuriin ang tagumpay ng mga resulta.

project needs and cost


• Balangkasin ang pangunahing badyet; isama ang paglalarawan at halaga ng item.
• Ipaliwanag o bigyang-katwiran kung paano gagamitin ang badyet.
• Ilista ang mga tauhan o kagamitan na kailangan para sa proyekto.

Guidelines:
1.Ang gastos at pamamaraan ay dapat na makatwiran.
2.Ang badyet, pamamaraan, at timeline ay dapat na malinaw na nakahanay.
3.Gamitin ang mga istatistika at mga numero kapag tinatalakay ang katwiran para sa
proyekto.
4.Gumamit ng hindi hihigit sa limang pahina (single-spaced) hindi kasama ang cover
page.
Huwag puspusan ang mga mambabasa ng mga detalye.
5.Huwag kailanman humiling ng pondo para sa pagpaplano ng panukala.
6.Ayusin ang iyong wika sa mga nilalayong mambabasa.
Maaari kang gumamit ng mga teknikal na termino Kung ang mga mambabasa ay mga
iskolar at siyentipiko.
Gayunpaman, iwasang gumamit ng jargon kapag ang iyong mga target na mambabasa ay
karaniwang tao.
7.Isama ang pangkalahatang-ideya ng badyet kung kinakailangan, kung hindi,
pagkatapos ay laktawan ang seksyon ng badyet. Sa halip nito, maaari mo lamang isama
ang uri ng suporta na maaaring kailanganin mo tulad ng mga tauhan, paglalakbay at
komunikasyon, at kagamitan.
8.Siguraduhin na ang pangunahing detalye ng format, tulad ng mga numero ng pahina,
ay isinama.
9.Sipiin ang iyong mga sanggunian.

You might also like