You are on page 1of 25

Araling Panlipunan

Unang Kwarter – Ikalimang Linggo


Mga Pangunahing Konsepto ng
Ekonomiks: Produksiyon
Araling Panlipunan – Grade 9
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Ikalimang Linggo: Mga Pangunahing Konsepto ng
Ekonomiks: Produksiyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Anabelle I. Lina


Illustrator: Kenn Joseph Louie J. Cabrera
Layout Artist: Rogelio B. Sabandal, Jr.
Language Editor: Renato L. Bag-o
Content Evaluator: Harold C. Cruz
Layout Evaluator: Minerva T. Echavez
Management Team: PSDS/DIC
___________________

1
Rationale
Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon
ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-
aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang
krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe
Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Grade 9 -


Quarter 1 Exemplar para sa araling Mga Pangunahing Konsepto ng
Ekonomiks: Produksiyon

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga


edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang
mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran
habang patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng
pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-
aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang
tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa
rito, layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung
paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang
kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

2
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan - Grade 9 - Quarter 1


Exemplar para sa araling Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks:
Produksiyon!

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling
bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman
nitong pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa
paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito
upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa
iyong malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung


anong kompetensi ang inaasahan
Alamin mong matutuhan sa exemplar na ito at
ang mga layuning dapat mong
matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman gawain na susubok sa iyong kaalaman
sa araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng
maikling diskusyon sa aralin. Tutulungan
Suriin ka nitong matuklasan at lubos na
maunawaan ang mga bagong
konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga
Isagawa gawain na tutulong sa iyo upang
(1,2, & 3) mailipat ang iyong bagong kaalaman
at kasanayan tungo sa panibagong
sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang
Isaisip iyong antas ng kasanayan sa pagkamit
ng mga pampagkatutong layunin.

3
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat
Susi sa
ng gawaing nakapaloob sa exemplar
Pagwawasto na ito.
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa
Pagtatakda ng pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagtuloy
ang paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol
sa pagsasagawa ng mga bahagi ng
Pagtatakda ng
portfolio. Mayroon din itong rubric na
Mithiin sa Portfolio gagabay sa iyo kung paano tatayain
ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

Alamin

Sa exemplar na ito, ating maipaliliwanag ang ng produksiyon at


mapapahalagahan ang mga salik at implikasyon nito sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Sa madaling salita, ang bawat aspekto ng buhay ng tao ay umiikot sa


mundo ng ekonomiks.

Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan ang wastong


pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:

Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang-


araw- araw na pamumuhay

4
Layunin

Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar


na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: nasusuri ang kahulugan ng produksiyon at


kahalagahan ng mga salik nito sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan;

B. Kasanayan: naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga salik


ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw araw
na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya
at lipunan;

C. Pandamdamin: napapahalagahan ang mga salik ng


produksiyon sa pamumuhay ng bawat pamilya at lipunan.

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong guro


kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda ng
mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

5
Nalalaman

A - Panuto: Isulat sa loob ng kahon ng input ang mga bagay na kailangan


upang mabuo ang produktong makikita sa output.

1
Input Output
1.
2.
3.
4.
5.

2
Input Output
1.
2.
3.
4.
5.

3
Input Output
1.
2.
3.
4.
5.

Sagutin:

Tanong:
1. Nahirapan ka bas a pag-iisip ng mga input o sangkap na
kailanganpara sa output? Bakit?

2. Sa iyong palagay, ano ang ugnayan ng ng mga sangkap na nasa


kahon ng input at ang larawan na nasa kahon ng output?

3. Ano ang katawagan sa proseso na nag-uugnay sa kahon ng input at


sa kahon ng output?

6
Subukin

Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod na


pagkakabuong produkto. Gabay ang bilang ng mga larawan sa mga kahon
sa ibaba.

Sagutin:

1. Sa iyong palagay, paano nagkaugnay-ugnay ang mga larawan?

2. Ano ang nagging batayan mo sa pagsasaayos ng larawan?

3. Ano ang tawag sa prosesong naganap mula sa una hanggang sa


ikaapat na larawan?

7
Suriin

Ang Produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa


pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng
output.

Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng


tao. Minsan kailangan pang idaan sa proseso ang isang bagay upang
maging higit na mapakinabangan, Halimbawa, ang kahoy o torso ay
maaaring gamiting panggatong upang mapakinabangan. Ngunit, maaari
din itong gamitin upang makabuo ng mesa.

Mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input.


Sa ating halimbawa, ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input ay
mga bagay na kailangan upang makabuo ng produkto. Ang mga input na
kahoy, makinaryas, kagamitan, at manggagawa na ginamit sa pagbuo ng
produktong mesa o silya ay mga salik ng produksiyon.

8
Mga Salik ng Produksiyon

lupa paggawa

Produksiyon
kapital entrepreneurship

Naging possible ang prduksiyon sa pagsasama-sama ng mga


salik (doctors of production) tulad ng lupa, paggawa, kapital, at
entrepreneurship.

Lupa bilang Salik ng Produksiyon

Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman


ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang
lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim ng nito, pati ang mga
yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. Hindi tulad ng
ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay
fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng
lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang
tiyakin mang pagkakaroon ng produktibomg paggamit.

Paggawa bilang Salik ng Produksiyon

Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap at hindi magiging


kapaki-pakinabangkung hindi gagamitin at gagawing produkto.
Nangangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa
transpormasyon ng ga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na
produkto o serbisyo. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan
ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
9
Dalawang Uri ng Lakas-paggawa

 White-collar job – ito ay tumutukoy sa mga manggagawang


may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng
katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito ay doctor,
abogado, inhenyero, at iba pa. Ang katawagang white-collar
job ay unang ipinakilala ni Upton Dimclair, isang Amerikanong
manunulat 1919.

 Blue-collar job – tumutukoy sa mga manggagawang may


kakayahang pisikal. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng
katawan kaysa sa isip at paggawa. Halimbawa nito ang mga
karpintero, drayber, magsasaka, at iba pa.

Sahod o sweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa


ipinagkaloon na paglilingkod. Ang mga manggagawa ay may malaking
ginagampanan sa ating pag-araw-araw nan a pamumuhay sapagkat
ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating
pangangailangan.

Kapital bilang Salik ng Produksiyon

Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang


produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga
makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Ang
mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng
panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapita. Ang kapital ay
maaari ding iugnay sa salapi at impradtraktura tulad ng mga gusali,
kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.

Ang pasulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang


nakadepende sa lupa at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward
F. Denison na may pamagat na “The Contribution of Capital ito
Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa
pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong
ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng
malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. Ang
kabayaransa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyopn ay
tinatawag na interes.

Entrepreneurship bilang Salik ng Produksiyon

Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang


entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng
isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang
tagpag-ugnay ng mga naunang salik ng tagpag-ugnay ng mga

10
naunang salik ng tagpag-ugnay ng mga naunang salik produksiyon
upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa,
nagkokontrol, at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay
na makaaapekto sa produksiyon. Taglay ng isang entrepreneur ang
pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa
pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-
20 siglo, napakahalaga ng inobasyon o patuloy na pagbabago sa
isang entrepreneur, ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na
pagbabago para ng isang entrepreneur sa kanyang produkto at
serbisyo ay susi sa pagtamo mg pagsulong ng isang bansa.

Maliban sa pagiging magaling innovator tulad ng paggamit ng


makabagong pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at
pagkakaloob ng serbisyo.

Ilang katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na


entrepreneur:

 Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.


 Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
 May lakas ng loob na humanap at makipagsapalaran sa
kahihinatnan ng negosyo.

Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito


ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa
pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak ang
entrepreneur sa kanyang tubo dahil hindi pa niya alam ang
kahihinatnan ng kanyang pagnenegosyo.

Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung


walang produksiyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na
ikukonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital, at
entrpreneurship ay may malaking baging ginagampanan sa
prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito
ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa sa ating
pang-araw-araw na pangangailangan.

11
Isagawa 1 – A

Panuto: Punan ng angkop na salik ng produksiyon ang concept map sa


ibaba. Isulat sa loob ng bilog ang kahalagahan ng bawat isa sa proseso ng
produksiyon. Sagutan ang tanong na nasa kahon.

Salik/ Salik/
Kahalagaha Kahalagahan

Mga Salik ng
Produksiyon

Salik/ Salik/
Kahalagaha Kahalagahan

Ano ang kahalagahan ng produksiyon at


ng mga salik nito sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay?

12
Isagawa 2 – A

Panuto: Suriin at unawain ang diyagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot


na daloy ng produksiyon.

Input Proseso Output

Lupa Pagsasama-sama Produkto o


Paggawa ng mga input ng Serbisyong
Kapital produksiyon pangkonsumo;
Entrepreneurship Produkto o
Serbisyo
na gamit sa
paglikha ng
ibang produkto

Mga kabayaran sa salik ng Produksiyon


Upa, sahod, interes, at kita

Sagutin:

1. Ano ang inilalarawan ng diyagram?

2. Batay sa diyagram, paano nauugnay ang input sa output? Ipaliwanag

3. Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng diyagram sa iyong pang-


araw-araw na buhay?

13
Isagawa 2 – B

Hataw sa rice production, pararangalan


Posted by Online Balita on March 15th 2013

CABANATUAN CITY- Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture


(DA) ng “Agri-pinoy Rice Achiever Award” ang mga lalawigan, bayan, at
indibidwal na Malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng
pamahalaan na staple self-sufficiency. Sinabi ni DA Regional Executive
Director Andrew Villacorta na kabilang ang Nueva Ecija at b ulacan sa
sampung top performing provinces sa buong bansa.
Sila ay makakakuha ng tig-aapat milyong pisong halaga ng mga
proyekto. Kasama naman sa 48 na nagwagi sa municipal category at
makakatanggap ng tig-iisang milyong pisong halaga ng mga proyekto
ang Talavera, Guimba, General Tinio, Llanera, Sta. Rosa, Sto. Domingo,
Cuyapo, at Lipao sa Nueva Ecija at maging ang San Rafael sa Bulacan.
May kabuuang 87 technicians at opisyal naman sa Gitnang Luzon ang
itinanghal na Outstanding Agricultural Extension Workers (AEW) na mag-
uuwi ng tig-Php200,000 halaga ng insentibo. May 350 iba pang AEW’s, 10
irrigators’ associations at tatlong small water impounding system
associations sa buong kapuluan ang pagkakalooban din ng naturang
pagkilala sa isang seremonya ngayong araw sa Philippine International
Convention Center.

Nakapagtala ang Gitang Luzon ng 138 porsyentong rice sufficiency level


noong nakaraang taon kahit pa sinalanta ito ng matinding pag-ulan dulot
ng habagat. Sinabi ni Villacorta na umabot sa 3,220,607 metriko
toneladang palay mula sa 675,781 ektarya ang naaani, na ang average
yield ay 4.77 metriko kada ektarya. Ang produksiyon noong 2012 ay 23
porsyentong mas mataas kompara sa 2,616,083 metriko toneladang
naitala noong 2011 at ito ay nakaambag sa 18 porsyento ng pambansang
produksiyon alinsunod sa “Food Staple Self-Sufficiency Program.”

Ayon sa Regional Agriculture Chief, ang pagsasanib ng mg programa at


proyekto patungkol sa climate change adaptation ng mga tanggapan ng
pambansa at local na pamahalaan ang dahilan ng agarang pagkabawi
mula sa sakuna at paglago ng produksiyon. – Light A. Nolasco
Source: http://www.balita.net.ph/2013/03/15/hataw-sa-rice-production-pararangalan/

14
Sagutin ang tanong:

1. Aling mga pangunahing lalawigan at bayan ang nakatanggap ng


parangal na Agri-Pinoy Rice Achievers Award?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________

2. Paano natamo ng mga bayan at lalawigang ito ang mataas na antas


ng produksiyon sa bigas? Paano kaya makakatulong ang mga salik ng
produksiyon sa pagtaas ng produksiyon ng pagkain sa bansa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________

3. Ano ang layunin ng “Food Staple Self-Sufficiency Progrm” ng


pamahalaan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________

4. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng mataas na produksiyon ng


bigas sa iyong pag-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________

5. Ngayong may kinahaharap na suliranin sa produksiyon ng pagkain


ang ating bansa dulot ng COVID 19, bilang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan, ano ang magagawa mo upang mabawasan
ang kakulangan sa produksiyon sa pagkain sa bansa? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________

15
Isagawa 3 – A

Panuto: Ilista ang mga bagay na hinamit sa paggawa ng sumusunod na


produkto. Ihanay ang dumudunod kung ang salik ay lupa, paggawa, kapital
o entrepreneurship. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

Mga Ginamit sa Klasipikasyon ng Salik


Produkto
pagbuo ng produkto ng produksiyon

Ipaliwanag ang bahaging ginagampanan ng iba’t-ibang salik ng


produksiyon sa pagbuo ng produkto at serbisyo.

16
Isagawa 3 – B

Panuto: Bumuo ng “collage” tungkol sa produksiyon gamit ang mga lumang


larawan, “recycled o indigenous materials” na makikita sa inyong bahay o
paligid.

Rubrik sa pagmamarka ng “collage”

Nakuhang
Pamantayan Diskripsyon Puntos
Puntos

Nilalaman Naipakikita ang mga


bumubuo, gamit, at
kahalagahan ng salik ng
produksiyon 10

Prtesentasyon Maayos at malinis ang


presentasyon 10

Malikhaing Gumamit ng mga recycled


Pagbuo o indigenous materials at
angkop na disenyo 10

Caption/Paha Naglalaman ng pahayag ng


yag angkop na paliwanag ukol
sa gamit at kahalagahan ng
salik ng produksiyon 10

17
Isaisip

I - Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa
sagutang papel.

1. Ang kabayaran sa lupang ginamit sa produksiyon.

A. renta C. upa
B. sahod D. kita

2. Ang mga salik ng produksiyon na ibinahagi upang makagawa ng


kalakal ay tinatawag na;

A. output C. input
B. capital gain D. factor gain

3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa salik ng produksiyon?

A. lupa C. bahay
B. paggawa D. entrepreneurship

4. Tumutukoy ito sa salik na dulot ng kalikasan.

A. lupa C. kapital
B. paggawa D. entrepreneurship

5. Aling salik ang tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng


kalakal o serbisyo?

A. lupa C. kapital
B. paggawa D. entrepreneurship

6. Tagapag-uganay ng mga ibang salik ng produksyon upang


makabuo ng produkto at serbisyo.

A. Corporate shareholders
B. Entreprenyur
C. Lokal na Pamahalaan
D. Manager

7. Aling salik ng produksyon ang traktora?

A. lupa C. kapital
B. paggawa D. entreneurship

18
8. Alin ang hindi maituturing salik ng Lupa?

A. deposito ng bakal
B. hydroelectric dam
C. reserba ng langis
D. dalawang libong hektarya ng lupa

9. Ano ang ipinapahiwatig ng illustrasyon sa ibaba ukol sa


produksiyon?

A. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng


output tulad ng produkto at serbisyo upang mabuo ang input
tulad ng lupa, paggawa, kapital, at kakayahan ng
entrepreneur.
B. Ang produksiyon ay ang pagproseso ng pasasama-sama mga
input tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur upang
makabuo ng produkto at serbisyo.
C. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga
salik na gagamitin dito.
D. Maging mas produktiboang produksiyon kung mas marami ang
lakas paggawa kaysa sa mga makinarya.

Input Proseso Output

Lupa Pagsasama-sama Produkto o


Paggawa ng mga input ng Serbisyong
Kapital produksiyon pangkonsumo;
Entrepreneurship Produkto o
Serbisyo
na gamit sa
paglikha ng
ibang produkto

10. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng


produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?

A. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktongn


kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw.
B. Ang produksiyon ay kumikita ng trabaho.
C. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng
produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas
mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo.
D. Ang kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit
ng sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.

19
II – Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng bawat
pangungusap at MALI kung di-wasto.

_________11. Ang produksyon ay nagbibigay katuparan sa


pangangailangan ng tao.

_________12. Ang paglinang ng mga salik ng produksyon ay kaugnay ng


mas maunlad na produksyon.

_________13. Ang pangingibang-bansa ng mga Filipino ay may positibong


epekto sa direktang produksyon ng bansa.

_________14. Ang pamahalaan ay may mahalagang papel sa pagsulong


ng produksyon ng bansa.

_________15. Higit na mababa ang presyo ng mga produktong nililikha sa


loob ng bansa.

20
21
Isagawa 2-B
Isaisip Isagawa 3 -B Isagawa 3 -A
I-
(Hulwarang (Hulwarang (Hulwarang
1. C Sagot)
2. C Sagot) Sagot)
3. C
4. A
5. D
6. B
7. C
8. B
9. B
10. C
11. Tama
12. Tama
13. Tama
14. Tama
15. Tama
Isagawa 1 Nalalaman
Isagawa 2-A Subukin
1. Lupa
2. Paggawa
3. Kapital (Hulwarang
(Hulwarang 1. 1 Sagot)
4. entrpreneu
Sagot) 2. 3
rship
3. 4
4. 2
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Napaka- Magaling Pagbutihin


KRAYTERYA husay din pa Kabuu-an
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikha-in
sa paggawa

Kalinisan at
kaayusan ng
awtput

KABUU-AN

22
Sanggunian
Online Balita. http://www.balita.net.ph/2013/03/15/hataw-sa-rice-
production-pararangalan/ March 15, 2013.
Araling Panlipunan 9: Modyul para sa Mag-aaral: Aralin 6, pp. 80-92:
Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks, pahina Gabay ng Guro sa
Pagtuturo ng Ekonomiks, pp. 45-51.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Tagbina II

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Contact Number:
Email Address:

24

You might also like