You are on page 1of 21

Edukasyon

sa Pagpapakatao
Unang Kwarter – Unang Linggo
Pagsaalang-alang ng Kabutihang
Panlahat
ESP – Grade 9
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo- Pagsaalang-alang ng Kabutihang Panlahat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Lennie N. Fernandez


Illustrator: Mike Clyde Barrameda Alima
Layout Artist: _________________________
Language Editor: _______________________
Content Evaluator: _______________________
Layout Evaluator: ______________________
Management Team: PSDS/DIC
___________________

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon


ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-
aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang
krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP – Grade 9-Quarter 1 Exemplar


para sa araling Pagsaalang-alang ng Kabutihang Panlahat.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga


edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang
mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran
habang patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng
pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-
aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang
tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa
rito, layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung
paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang

2
kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa ESP-Grade 9-Quarter 1 Exemplar para sa araling


Pagsaalang-alang ng Kabutihang Panlahat!

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling
bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman
nitong pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa
paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito
upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa
iyong malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin kompetensi ang inaasahan mong matutuhan
sa exemplar na ito at ang mga layuning
dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
Suriin diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain
Isagawa na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3)
bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.

3
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa
Pagtatakda ng pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa
makatotohanang mithiin bago ipagtuloy ang
Portfolio
paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa ng pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Portfolio –
Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pahiwatig ng
kung paano tatayain ang iyong portfolio.
Pag-unlad!

Paalala

Nararapat na Pag-iingat ng Exemplar na ito: Hindi Nararapat na


gawin:
1. Sikaping mananatiling malinis ang exemplar 1. Iwasang markahan
na ito. ang exemplar na ito.

2. Tiyaking hindi mapupunit ang bawat pahina. 3. Iwasang gupitin


ang bawat pahina o
3. Tiyaking masagutan ang unang bahagi ng larawan mula sa
exemplar na nasa Subukin sa pagsukat sa exemplar.
iyong dating natutunan o kaalaman bago
dumako sa iba’t-ibang bahagi ng exemplar . 3. Huwag mong
ilapag kung saan-
4. Basahin ang maayos ang kabuuan ng saan upang
exemplar na ito. mananatiling malinis
ito.
5. Kung sakaling may mga katanungan tungkol
sa exemplar na ito, huwag mag-atubiling
tawagan ang guro.

6. Maghanda at gumamit ng ibang papel


upang doon isusulat ang kasagutan sa bawat
gawain na napapaloob sa exemplar.
Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang konsepto o


impormasyon na ginamit sa paglikha ng
exemplar.
4
Balangkas ng mga Paksa

I. Kahulugan ng Sektor
II. Mga Mahahalagang Sektor ng lipunan at layunin nito;
II.a. Layunin ng Pamilya
II.b. Layunin ng Paaralan
II.c. Layunin ng Simbahan
II.d. Layunin ng Negosyo
II.e. Layunin ng Pamahalaan
III. Mga kontribusyon sektor o institusyon sa lipunan
IV. Tunguhin ng mga sektor sa lipunan.

Alamin

Sa exemplar na ito, inaasahang lalawak ang iyong kaalaman sa mga


sektor o institusyon ng lipunan at ang mga kontribusyon nito sa pagpapanatili
ng kabutihang panlahat.

Most Essential Learning Competency:


Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasalang-alang sa kabutihang
panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan (EsP9PL-1a-1.2)

Sub-Competency
Naipamalas ng mag-aaral ang pagkaunawa sa lipunan at sa layunin nito.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: Nakikilala at natutukoy ang mga mahahalagang


sektor ng lipunan.

B. Kasanayan: Nasusuri at nakakapagtala ng mga kontribusyon at


tunguhin ng sektor ng lipunan;

C. Pandamdamin: nabibigyang-halaga ang papel na


ginagampanan ng iba’t-ibang sektor sa lipunan.

5
Tagal: Isang (1) araw
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong


guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

Nalalaman

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik
sa sagutang papel.

1. Anong sektor ng lipunan ang tinatawag na pinakamaliit na yunit?


A. Negosyo C. Pamilya
B. Pamahalaan D. Simbahan

2. Ito ay isang samahan ng mga taong may iisang paniniwala.


A. Negosyo C. Pamilya
B. Pamahalaan D. Simbahan

3. Anong katawagan sa isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit


pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang
kumita at mapalago ito.
A. Negosyo C. Pamilya
B. Pamahalaan D. Simbahan

4. Ang sumusunod ay mga layunin ng pamahalaan, maliban sa:


A. Magbigay ng mahusay na imprastraktura
B. Mapangalagaan ang karapatan ng mga nasasakupan.
C. Pagbibigay disiplina sa mga anak ng mga nasaskupan dito
D. Protektahan ang pagkakilanlan ng bansa.

5. Nalaman mong may ilulunsad na programang pang-kabataan ang lokal


na pamahalaan sa inyong lugar, bilang isang kabataan, paano ka tutugon
dito?
A. Ibukod ang sarili D. Pagtuunan ang sariling
B. Makikiisa kapakanan
C. Manghikayat ng kabataang
huwag umasa dito

6
Subukin

Panuto: Isa-isahing kilalanin ang mga larawan. Balikan ang iyong


sariling karanasan dito. Pagkatapos, sumulat ng isang maikling
paglalarawan ng mga nagagawa o naging pakinabang na
natanggap mo mula sa mga ito. Gawing gabay ang nasa unang
kahon.

Halimbawa Dito ka mag-uumpisa:

(Family Picture

Hal. ______________________
______________________
Nagpapadama ng _________________________ ______________________
pagmamahal at _________________________ ______________________
nagbibigay ng aming _________________________ _
pangangailangan. _________________________

_________________________________ ______________________________
_________________________________ ______________________________
_________________________________ ______________________________
_________________________________ ______________________________

1
Suriin

Sa nagdaang aralin, napag-usapan natin ang layunin ng lipunan na


mapapanatili ang kabutihang Panlahat. Natalakay din natin na magiging
posible lamang ito kung bawat indibidwal ay makikiisa at makikibahagi sa
pagkamit ng kabutihang panlahat.
Sa Subukin, nakikilala mo na ang mahalagang sektor o institusyon sa
lipunan at ang kanilang mga nagagawa sa iyo at sa lipunang iyong
ginagalawan. Ang mga sektor na ito ay may natural na naitatag gaya ng
pamilya at mayroon ding sadyang itinatag para sa kapakanan ng lipunan
kagaya ng paaralan, negosyo, at iba pa. Ito ay tinatawag na mga sektor ng
lipunan o institusyon ng lipunan. Upang lubos pa mapalalim ang iyong
kaalaman tungkol sa mga kontirbusyon ng mga sektor na ito, tatalakayin
natin ang mga halimbawa ng konstribusyon nito sa pagsaalang-alang ng
kabutihang panlahat.

Ano ang kahulugan ng sektor?

Ang sektor ay tumutukoy sa isang grupo o pangkat na namamahala


sa isang grupo o ito ang natatanging bahagi ng lipunan o ekonomiya ng
isang bansa. Ang ating bansa ay binubuo ng maraming sektor, ngunit pag-
uusapan natin ang lima sa mga ito.

Anu-ano ang Limang mahahalagang sektor o institusyong ng lipunan?

 Una, ang pamilya. Ayon sa PSA (Philippines Statistics Office)


noong 2015 umabot na ng mahigit 100.57 milyon ang bilang ng
mga pamilya sa Pilipinas noong taong 2015 at ito ay patuloy pa
na lumago sa kasalukuyan.

Mga Halimbawang Kontribusyon nito:

Pundasyon ng Lipunan
Nagbibigay buhay
Nsgtuturo ng mabuting-
asal sa mga anak
Nagbibigay proteksyon
sa mga anak
Nagbubuklod sa bawat
isa

2
 Pangalawa, ang paaralan. Sa kasalukuy an, may mga
pampubliko at pribadong paaralan. Ito ay isang pook kung saan
nag-aaral ang isang mag-aaral.

Mga Halimbawang
kontribusyon nito:

Hinuhubog at
napagyaman ang
talento, kakayahan at
kasanayan ng
kabataan
Nahuhubog ang isip at
kilos tungo sa
pagtupad ng tungkulin
ang mga kabataan.
Sinasanay ang mga
kabataan upang
maging produktibong
mga manggagawa

 Pangatlo, ang pamahalaan. Isinasaad sa 1987 Philippine


Constitution na ang Pilipinas ay isang demokratiko at
republikanong Estado.

Nagbibigay ng Nagpapatupad
mga ng batas
pangangailangan
ng mga tao

Nagsasagawa
ng
imprastraktura
sa mga
kalsada o
daan

Gumagawa
ng pasya Nagbibigay
serbisyo sa Halimbawa ng
para sa mga
estado pangkalusugan kontribusyon ng
pamahalaan
3
 Pang-apat, ang simbahan. Ito ay tumutukoy sa mga mga
mamamayang mananampalataya sa isang pook na tinatawag
na gusali o sambahan

Ang mga aral Nagkakaroon


nito ay naging ng Charity
gabay ng mga tao

Nagpapapatibay
ng
pananampalataya
ng tao sa Dios

Naitaguyod Nagtuturo ng
ang karapatang kahalagahan Kontribusyon
pantao ng ng Simbahan
espiritwalidad sa Lipunan

 Panglima, ang negosyo na tumutukoy sa gawaing


pangkalakal. Ito ay nagbebenta ng produkto, nagbibigay
serbisyo para kikita at uunlad ang ekonomiya.

Nagpapalago
Nagbibigay
ng ekonomiya trabaho

Nagpapalawa
k ng turismo

Ang kinikita ng Napapalago ang


mga tao ay kakayahan ng
naging panustos Kontribusyon
mga ng negosyo sa
sa pamilya manggagawa Lipunan

4
Isagawa 1

Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa pangungusap.

1. Ang ______________ ay tumutulong sa mga taong magkakaroon ng


maayos na relasyon sa kapwa at sa panginoon.

2. Ang sektor ng ________________ ay malaking ambag sa paglago ng


ekonomiya ng isang bansa na siyang pinagkukunan ng pamahalaan
upang ito ay magamit sa mga proyekto para sa ikauunlad ng
pamumuhay ng mga tao.

3. Sinisiguro ng __________________ na ang mga taong nasasakupan ay


napapangalagaan ang karapatan sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng batas sa lahat ng antas ng tao.

4. Ang _____________________ ang tinatawag na pundasyon ng lipunan


dahil dito hinihubog at nagmula ang isang tao na magiging bahagi ng
lipunan.

5. Sa kabila ng pandemya, gumagawa ng paraan ang mga ___________


na maipagpatuloy ang paghubog sa kakayahan, talento at tamang
edukasyon sa mga kabataan.

5
Isagawa 2

Magsagawa ng isang pagsasaliksik. Isulat ang kasalukuyang kontribusyon o


programa ng mga sektor sa inyong lugar at ang tunguhin ng kanilang
ginagawa. Punan at ihanay ito batay sa hinihingi. Gawing gabay ang nasa
unang hanay.

Sektor Kontribusyon o programa Tunguhin ng kontribusyon


ng sa o programa
Lipunan Lipunan
Hal.
Kabataan Pagsuporta bilang Peer Adbokasiya laban sa
educators para sa SHE maagang pagbubuntis o
project ng SIKAP pagkakaroon ng anak ng
kabataan ng wala sa
tamang panahon

Pamilya

Pamahalaan

Paaralan

Simbahan

Negosyo

6
Isagawa 3

Panuto: Magbahagi ng sariling karanasang tunay na tutugon sa hinihingi ng


gawain. Sundan ang pormat sa ibaba.

Pagkakataong Ano ang resulta Paano mo pa


naisaalang-alang o naging bunga mapauunlad ito ng
ang kabutihang nito? lubos?
panlahat
Pamilya Hal. Tumutulong sa Hal. May Hal.Patuloy na
mga gawaing bahay pagkakaisa makikipagtulungan

Sagot: Sagot: Sagot:

Paaralan

Pamahalaan

Negosyo

Simbahan

7
Isaisip

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagpapahayag ng


tamang kaisipan at salitang MALI naman kung ito ay kabaliktaran.

_____ 1. Ang paaralan ay sektor na humuhubog sa talento, kakayahan, at


kasanayan ng mga kabataan.
_____ 2. Ayon sa batas, ang pamilya ang may tungkulin na bigyang
pangalan ang mga anak.
_______3. Sa pagdating ng pandemya, ang pamahalaan ay siyang may
tungkulin na tutugon sa pangangailangang medical ng mga tao.
______ 4. Ipinapaubaya ng pamahalaan na ang mga magulang lamang
ang magbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat membro ng kanilang
pamilya.
______ 5. Maraming manggagawa ang nakikinabang sa kitang makukuha
mula sa negosyo.
_____ 6. Kasama sa pagsaalang-alang ng kabutihang panlahat ang
ginawang pag-aaklas ng iilan laban sa pamahalaan.

______ 7. Itinuturo ng Simbahan ang aral ng bibliya upang maitama ng tao


ang kaniyang mga pagkakamali.
______ 8. Layunin ng paaralan na makakatanggap ng tamang edukasyon
ang bawat kabataan.
______ 9. Ang pamilya ang siyang may pinakamaliit na bahagi sa paghubog
ng iyong pagkatao.
______10. Ang kakulangan ng kakayahan ng pamilya na maipasabuhay sa
mga anak ang tamang asal ay nagpapanganib sa lipunan.
______11. Ang paglago ng negosyo ay naghahatid kaginhawaan sa mga
tao.
______12. Kinukunsinti ng pamahalaan ang mga kabataang lumalabag sa
batas.
______13. Pinapaunlad ng paaralan ang talento ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsasanay.
______14. Inilunsad ang 4Ps program ng pamahalaan upang maibsan ang
kahirapan.
______15. Ang pagsisikap na makatapos sa pag-aaral ay naglalayon ng
kabutihang Panlahat.

8
9
Isaisip Nalalaman
Isagawa 1
1. TAMA 1. C
1. Simbahan
2. TAMA 2. D
2. Negosyo 3. TAMA 3. A
4. MALI 4. C
3. Pamahalaan 5. B
5. TAMA
4. Pamilya 6. MALI
7. TAMA
5. Pamahalaan 8. TAMA
9. MALI
10. TAMA
11. TAMA
12. MALI
13. TAMA
14. TAMA
15. TAMA
Susi sa Pagwawasto
10
Isagawa 2 (Hulwarang Sagot)
Sektor Kontribusyon o programa Tunguhin ng kontribusyon o
ng sa programa
Lipunan Lipunan
Hal.
Kabataan Pagsuporta bilang Peer Adbokasiya laban sa maagang
educators para sa SHE pagbubuntis o pagkakaroon ng
project ng SIKAP anak ng kabataan ng wala sa
tamang panahon
Pamilya Pasgsuporta sa alay linis Malinis na kapaligiran at malusog
tuwing sabado sa aming na mamamayan
baranggay
Pamahalaan 4 Ps program Matulungan ang mahihirap
Paaralan EFA (Education for All) o Walang mangmang sa lipunan
libreng paaral sa publikong at produktibong membro nito
paaralan
Simbahan Nagtuturo ng tamang Mapayapang kaisipan at malinis
paraan ng pamumuhay ay na konsensiya
espiritwalidad
Negosyo Pagsasanay sa mga Trabaho para sa may bahay
kababaihan lalo na sa ay
bahay para sa livelihood
programs
11
Isagawa 3 (Hulwarang Sagot)
Pagkakataong Ano ang resulta Paano mo pa
naisaalang-alang o naging bunga mapauunlad ito ng
ang kabutihang nito? lubos?
panlahat
Pamilya Hal. Tumutulong Hal. May Hal.Patuloy na
sa mga gawaing pagkakaisa makikipagtulungan
bahay
Sagot: Sagot:
Sagot: Kapanatagan Ipagpatuloy ang
Pagiging tapat sa ng pamilya pagiging tapat
lahat ng oras
Paaralan Sumusunod sa Nakakapasa sa Pag-ibayuhin ang
mga alituntunin klase pag-aaral
ng paaralan
Pamahalaan Susunod sa mga Mabuting Alamin ang mga
batas membro ng batas
lipunan
Negosyo Bumibili ng Lalaki ang Alamin ang sariling
produktong produksyon ng atin
sariling atin sariling produkto
Simbahan Sinasabuhay ang Katahimikan sa Mas lalong lalapit sa
mga natutunang isip at puso panginoon
aral
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong
portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar.
Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang makita at
mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo mong
kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Napaka- Magaling Pagbutihin


Kabuu-
Krayterya husay din pa
an
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikha-
in sa paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

12
Sanggunian
Gayola, S. et. al. Unang Edisyon 2015. Yaman ng Lahi: Edukasyon
sa Pagpapakatao 9. Aralin 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang
Panlahat. Department of Education-Bureau of Learning
Resources. Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyon sa
Pagpapakatao, pp. 1-12.
(https://tl.m.Wikipedia.org/wiki

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Cagwait II

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Contact Number:
Email Address:

14

You might also like