You are on page 1of 20

4

SINING
Unang Markahan – Modyul 7:
PAGGUHIT
Sining – ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 7: Pagguhit
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Annabelle D. Cortez
Editor: Reginald B. Panceles, Sharon Y. Somera
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Napoleon G. Comicho, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit: Annabelle D. Cortez
Tagalapat: Den R. Fernandez
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS, MAPEH
Belen L. Fajemolin PhD - CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – Division EPS In Charge of LRMS
Bernadita M. Villano – ADM Coordinator
Napoleon G. Comicho – EPS, MAPEH Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

SINING
Unang Markahan – Modyul 7:
PAGGUHIT
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining IV ng Self Learning Module


(SLM) para sa araling Pagguhit !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Sining at IV ng Self Learning Module (SLM) ukol


sa Pagguhit !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

4
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tuklasin
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
Isagawa
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

5
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Alamin

Sa modyul na ito, maipapakita ang kahalagahan ng disenyo ng etniko sa


paggamit ng natapos na proyekto. Layunin nitong makapaglikha ang mga mag-
aaral ng pinoy placemat gamit ang disenyong etniko sa pamamagitan ng crayon
resist technique.

Ang modyul na ito ay sa aralin:


 Aralin 7 – Crayon Resist ng Disenyong Etniko

Ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nagagamit ang crayon resist technique sa pagpapakita ng disenyong
etniko o patterns.
2. Nakagagawa ng pinoy placemat gamit ang disenyong etniko.
3. Napahahalagahan ang disenyong etniko sa paggamit ng natapos na
proyekto.

7
Subukin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ano ang tawag sa teknik na hindi maaaring maghalo ang langis at tubig?

A. crayon etching C. Crayola

B. crayon resist D. watercolour

_____2. Ang mga disenyong etniko o _______na napag aaralan na ay maaaring


gamitin sa paggawa ng isang likhang-sining.

A. puzzle C. obra

B. pattern D. krayola
_____3. Ang pagpapahalaga sa kanilang iniambag ay tunay na yaman ng ____.

A. ibang bansa C. karatig bansa

B. ating bansa D. lugar

_____4. Alin sa sumusunod na likhang-sining ang ginamitan ng paraang crayon


resist?

A. Takip ng Notbuk C. Pinoy Bookmark


B. Placemat D. pamaypay

_____5. Sa paggawa ng likhang-sining makikita ang iba’t ibang uri ng _______.

A. elemento C. kilos
B. kasabihan D. awit

_____6. Tunay na maipagmamalaki ang mga disenyo na nagmula sa ating


pangkat-
etniko.
A. Oo C. Maaari
B. Hindi D. Walang Komento

_____7. Dapat _____________ ang mga naiambag sa sining ng mga pangkat-etniko.


A. itapon C. pahalagahan
B. isawalang bahala D. isantabi

8
_____8. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong disenyo na gawa ng
ating mga ninuno?

A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o kasuotan na gawa ng


ating mga katutubo.
B. Itapon na lamang ito sa basurahan.
C. Ipagbili ang mga bagay na ito.
D. Itago na lamang ang mga ito para walang makinabang.

______9. Pagkatapos gumawa ng isang likhang sining, ano ang maaaring gawin sa
mga kagamitang ginamit?

A. Hayaan na lamang ito sa mesang pinaggawaan.


B. Iligpit ng maayos at ilagay sa tamang lalagyan ang mga
kagamitang ginamit.
C. Itapon sa basurahan kahit puwede pang pakinabangan ito.
D. Ikalat sa loob ng silid ang mga kagamitang ginamit. Hayaan na
lamang ang guro ang magligpit nito.

______10. Ang mga __________ ay may mga pamamaraan sa kanilang pamumuhay


na nakikitaan ng pagiging malikhain.

A. ninuno B. dalubhasa C. Pangkat-Etniko D.tao

9
Aralin
Crayon Resist ng Disenyong
7 Etniko
Ang mga pangkat-etniko ay may mga pamamaraan sa kanilang pamumuhay
na nakikitaan ng pagiging malikhain. Makikita sa mga kagamitan at mga palamuti
ang iba’t ibang disenyo na kanilang pinagyaman.

Balikan

Gawain 1

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Patnubay


ng Guro (pp.214). Pasig City: Department of Education

Sagutin:

1. Anong pangkat-etniko ang tinutukoy ng larawang ito?

10
Mga Tal a para sa Guro

 Ang mga disenyong etniko o pattern na napagaralan


na ay maaaring gamitin sa paggawa ng isang likhang-
sining.
 Ang kaisipang ito ay mapatutunayan sa sining na
crayon resist na ang ibig sabihin ay “naiiwasan ng
krayola na matakpan ng watercolor”.

Tuklasin

Ang mga disenyong etniko o pattern na napag-aralan na ay maaaring


gamitin sa paggawa ng likhang-sining. May iba’t ibang paraan din sa paglikha ng
sining gamit ang krayola.Isa na dito ang crayon resist na maaaring gamitin sa
pagbuo ng isang obra.
Alam mo ba na may mga bagay na hindi maaaring maghalo tulad ng langis
at tubig? Ang kaisipang ito ay mapatutunayan sa sining na crayon resist na ang
ibig sabihin ay “naiiwasan ng krayola na matakpan ng watercolor”. Dahilan sa
katangian ng krayola na malangis at madulas ay hindi ito maaaring matakpan ng
watercolor na matubig.

Suriin

Ang mga pangkat-etniko ay may paraan sa kanilang pamumuhay na


nagpapakita ng pagiging masining. Makikita sa mga kagamitan at mga palamuti
ang iba’t ibang disenyo na kanilang pinagyaman. Ito ay makikita pa rin sa
kasalukuyang panahon.
Ang pagpapahalaga sa kanilang iniambag sa mundo ng sining ay tunay na
yaman ng ating bansa. Isa sa mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga ay
ang paggamit ng kanilang disenyo sa iba’t ibang obra.

Sa araling ito, lilikha tayo ng isang sining gamit ang disenyong etniko o
pattern sa pamamagitan ng crayon resist.

11
Mga Disenyong Etniko

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Kagamitan ng Mag-aaral (pp.173).
Pasig City: Department of Education

12
Pagyamanin

Gawain 3
Maging Malikhain!
Gawaing Pansining: Paggawa ng Placemat

Kagamitan: Lapis, krayola, brush, ¼ cartolina o recycled cardboard, water color, at


recycled paper

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan.

2. Pumili ng disenyo na makikita sa mga kagamitan, kasuotan at palamuti ng


mga pangkat-etniko mula sa mga halimbawang o nakaraang aralin.

3. Iguhit ang mga napiling disenyong etniko o patterns sa recycled paper.

4. Ilipat ito sa cartolina o cardboard.

5. Kulayan ang iyong iginuhit. Siguraduhing madiin ang paggamit ng krayola sa


papel upang hindi matakpan ng watercolor.

6. Ihanda naman ang watercolor para sa gagawing pamaraang crayon resist.

7. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gamitin ang madilim na


kulay para lumitaw ang kagandahan ng disenyong iginuhit at kinulayan ng
krayola.

13
Pamantayan sa Paggawa:

Lagyan ng tsek ang kahong batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi


pamantayan pamantayan nakasunod sa
PAMANTAYAN nang higit sa subalit may pamantayan
inaasahan ilang
(3) pagkukulang (1)
(2)
1. Nakabuo ako ng
placemat gamit ang
iba’t ibang disenyong
etniko o pattern.
2. Naipamalas ko ang
wastong paraan ng
crayon resist.

3. Nagamit ko ang
sariling mga linya at
kulay ayon sa
disenyong nabuo.

4. Naipakita ko ang
pagpapahalaga sa
mga disenyong etniko
sa pamamagitan ng
paggamit ko ng aking
ginawang likhang
sining.

14
Isaisip

Ang pagpapahalaga sa iniambag ng pangkat-etniko sa mundo ng


sining ay tunay na yaman ng ating bansa. Isa sa mga paraan upang maipakita
ang pagpapahalaga ay ang paggamit ng kanilang disenyo sa iba’t ibang obra.

Isagawa

Sagutin:

1. Masaya ka ba sa natapos mong gawain? Bakit?

2. Ano ang masasabi mo sa iyong natapos na likhang-sining?

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______1. Ito ay isang paraan ng sining na hindi maaaring haluan ng tubig


dahilan sa katangian ng krayola na malangis at madulas.

A. crayon resist C. printmaking


B. crayon etching D. doodling

______2. Alin sa mga sumusunod na obra ang ginamitan ng paraang crayon


resist?

A. Takip ng Notbuk C. Pinoy Bookmark


B. Placemat D. pamaypay

15
______3. Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong disenyo na gawa ng
ating mga ninuno?

A. Ilagay sa isang museo ang mga kagamitan o kasuotan na gawa ng


ating mga katutubo.
B. Itapon na lamang ito sa basurahan.
C. Ipagbili ang mga bagay na ito.
D. Itago na lamang ang mga ito para walang makinabang.

______4. Pagkatapos gumawa ng isang likhang sining, ano ang maaaring gawin sa
mga kagamitang ginamit?

A. Hayaan na lamang ito sa mesang pinaggawaan.


B. Iligpit ng maayos at ilagay sa tamang lalagyan ang mga
kagamitang ginamit.
C. Itapon sa basurahan kahit puwede pang pakinabangan ito.
D. Ikalat sa loob ng silid ang mga kagamitang ginamit. Hayaan na
lamang ang guro ang magligpit nito.

______5. Ang mga __________ ay may mga pamamaraan sa kanilang pamumuhay


na nakikitaan ng pagiging malikhain.

A. ninuno B. dalubhasa C. Pangkat-Etniko D. tao

_____6. Ano ang tawag sa teknik na hindi maaaring maghalo ang langis at tubig?

A. crayon etching B. crayon resist C. Crayola D. watercolour

_____7. Ang mga disenyong etniko o _______na napag aaralan na ay maaaring


gamitin sa paggawa ng isang likhang-sining.

A. puzzle B. pattern C. obra D. krayola

_____8. Ang pagpapahalaga sa kanilang iniambag ay tunay na yaman ng ____.

A. ibang bansa B. ating bansa C. karatig bansa D. lugar

_____9. Alin sa sumusunod na likhang-sining ang ginamitan ng paraang crayon


resist?

A. Takip ng Notbuk C. Pinoy Bookmark


B. Placemat D. pamaypay

_____10. Sa paggawa ng likhang-sining makikita ang iba’t ibang uri ng _______.

A. elemento C. kilos
B. kasabihan D. awit

16
Karagdagang Gawain

Ihanda ang mga nagawang likhang-sining para sa gagawing pagtatanghal.

17
18
Subukin Tayahin
1. B 1. A
2. B 2. B
3. B 3. A
4. B 4. B
5. A 5. C
6. A 6. B
7. C 7. B
8. A 8. B
9. B 9. B
10.C 10.A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Montanez, Cynthia (2015). Musika at Sining – Ikaapat ng Baitang Kagamitan


ng Mag-aaral (pp.173-176). Pasig City: Department of Education

Most Essential Learning Competency – Quarter 1 – Arts – p.233

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong
na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito
ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna,
komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

20

You might also like