You are on page 1of 27

Filipino

Unang Kwarter – Unang Linggo


Karunungang-Bayan (Salawikain)
Filipino – Grade 8
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo: Karunungang-Bayan (Salawikain)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Junita C. Sierra


Illustrator: Rollie R. Cervantes
Layout Artist: Renelo E. Osico Jr.
Language Editor: Joyce L. Anahao
Content Evaluator: Ikki Vaughn M. Rupa
Layout Evaluator: Femabel B. Patis
Management Team: PSDS/DIC
ULDARICO B. LUAREZ

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop


na tugon ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa
paghahatid ng mga pampagkatutong pangangailangan ng mga
mag-aaral na kahanay sa pagsusumikap ng mga nakatataas na
tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit nitong lesson exemplar ay
may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral na pinaigsi
bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang krisis
dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay


nagbibigay diin sa pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito
ng kaniyang pag-unlad, kakayahang mapagnilayan ang sariling
gawa, at kakayahang makabuo ng mga mithiin para sa hinaharap
na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Grade 8-
Quarter 1 Exemplar para sa araling Karunungang-Bayan-
Salawikain!

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri


ng mga edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang
tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang
layunin na nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies
(MELC) na itinakda ng Kagawaran habang patuloy na nilulutas
ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng pandemikong COVID-
19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang


mga mag-aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at
hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling
bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din nitong matulungan ang
mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pang-21 siglong
2
kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang
pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-


aaral kung paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring
subaybayan ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang
pangasiwaan ang sariling pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa
ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino-Grade 8-Quarter 1 Exemplar
para sa araling Karunungang-Bayan-Salawikain.
Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa
at makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay
ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang
naaayon sa iyong sariling bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral,
ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong pampagkatutong
kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan. Upang
tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang
template nito upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng
portfolio ayon sa iyong malikhaing pamamaraan.
Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang
icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung


Alamin
anong kompetensi ang inaasahan mong
matutuhan sa exemplar na ito at ang
mga layuning dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman
gawain na susubok sa iyong kaalaman
sa araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng
Suriin
maikling diskusyon sa aralin.
Tutulungan ka nitong matuklasan at
3
lubos na maunawaan ang mga bagong
konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga
Isagawa
gawain na tutulong sa iyo upang
(1,2 & 3)
mailipat ang iyong bagong kaalaman at
kasanayan tungo sa panibagong
sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang
Isaisip
iyong antas ng kasanayan sa pagkamit
ng mga pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto
Dito ay mayroong instruksyon tungkol
Pagtatakda ng
sa pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa
makatotohanang mithiin bago ipagtuloy
Portfolio ang paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol
Pagsagawa ng
sa pagsasagawa ng mga bahagi ng
Portfolio –
Pahiwatig ng portfolio. Mayroon din itong rubric na
Pag-unlad! gagabay sa iyo kung paano tatayain ang
iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na
ginamit sa paglikha ng exemplar
na ito.

4
Mga mahahalagang paalala sa paggamit ng exemplar na ito:

1. Gamitin ang exemplar nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng exemplar.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain at
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa exemplar na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Umaasa
kami, sa pamamagitan ng exemplar na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong


mabuti ang mga aralin sa Filipino 8 kahit hindi ka makapasok sa paaralan
ng regular. May bago kang matutuhan dito. Iyong matutunghayan ang mga
mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang –bayan
(salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan), alamat at epiko sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Ang iyong kaalaman sa
pagsusuri –panlingguwistika, pangnilalaman at pampanitikan mula sa
ikapitong-baitang ay lalong pang lalawak sa araling ito. Sisimulan natin ang
iyong pag-aaral tungkol sa mga karunungang-bayan tulad ng salawikain,
sawikain at kasabihan.
Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga aralin, sundin mo ng tapat
ang mga sumusunod na tagubilin.
1. Basahin ang exemplar ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain.
2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin.
3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin.
4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong.
5. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung
kinakailangan.
6. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit
nahihirapan.

Most Essential Learning Competency:


Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-
bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22

Sub-Competency:
Naibabahagi ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang
bayan-salawikain.

Layunin:
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar na
ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: Nasusuri ang salawikain sa pamamagitan ng pagbasa at


pagsulat.

B. Kasanayan: Napipili ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa


mga salawikain.
6
C. Pandamdamin:Naitatala ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa
buhay sa kasalukuyan mula sa mga napiling karunungang-bayan-
salawikain.

Tagal: 3 araw

7
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Isagawa nang tapat ang mga lingguhang gawain sa bawat exemplar na


ibinigay sa iyo.
Gawing patnubay ang mga layunin upang makamit ang mga mithiin. Mag
isip, magtanong at magsaliksik upang mas lalong mapadali ang pagsagot sa
exemplar na ito.

Nalalaman

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa iyong
sagutang papel.
1. Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain,
sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong.
a. Kuwentong-Bayan c. Karunungang-Bayan
b. Salawikain d. Sawikain

2. Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin


ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.
a. Karunungang-Bayan c. Kasabihan
b. Sawikain d. Salawikain

3. Ito ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na


nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan.
a. Bugtong c. Salawikain
b. Kasabihan d. Kuwentong-Bayan

4. Alin sa sumusunod ang salawikain?


a. Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi
nahahayag.
b. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay
sasamahan.
c. Ang buhay ay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsan sa
ilalim.
d. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

5. Ito ay mga matatalinghagang salita na galing sa mga ninuno natin na


nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan.

8
a. Bugtong c. Salawikain
b. Kasabihan d. Kuwentong-bayan

6. Ang salawikain ay ____________________.


a. Isang uri ng bugtong
b. Isang uri ng idyoma
c. Kasabihang pamana ng mga ninunong Pilipino
d. Birong may katotohanan

7. Alin sa mga ito ang salawikain?


a. Nagsaulian ng kandila
b. May krus ang dila
c. Mabulaklak na dila
d. Daig ng maagap ang masipag.

8. Ang salawikaing “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig


pa ang malansang isda” ay nabanggit ni _________.
a. Andres Bonifacio c. Jose Rizal
b. Apolinario Mabini d. Emilio Aguinaldo

9. “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?”. Ito ay isang


halimbawa ng __________.
a. Sawikain c. Kasabihan
b. Salawikain d. Kuwentong-bayan

10. Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil
mabait ito sa una ninyong pagkikita ay talagang mabait na ito.
Anong salawikain ang angkop sa sitwasyon?
a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
b. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto sapagkat may sariling
kinang ang tanso.
c. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
d. Saan mang gubat ay may ahas.

11. Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at


hindi na niya gagawin pang muli ang kanyang maling gawain.
a. Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.
b. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
c. Saan mang gubat ay may ahas.
d. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.

12. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng salawikain?


a. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
b. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
c. Pag di ukol ay hindi bubukol.
d. Huwag gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa’yo.

13. Bakit mahalagang pag-aralan ang karunungang-bayan?


a. Nakaaaliw ang mga ito.
9
b. Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
c. Ang mga ito ang nagpapaalala sa atin tungkol sa mayamang
tradisyon ng lahing Pilipino
d. Upang tatalino ang mag-aaral

14. Piliin ang hindi angkop sa pahayag. Ang karunungang-bayan ay


_____________.
a. bahagi ng katutubong panitikan ng mga Pilipino
b. nagpapamalas ng talas at tayog ng kaisipan ng ating mga ninuno
c. sinasabing ito ay pinag-ugatan ng panulaang Pilipino
d. nagbibigay daan upang maipahayag ang kaisipang nakabilang sa
bawat kultura ng isang tribo

15. Paano makakatulong ang salawikain sa pagbibigay ng


mabuting aral?
a. Ang salawikain ay kapupulutan ng mga kaalaman tungkol sa
matatandang kaugalian, paniniwala, gawa at asal.
b. Makakakuha ng mga payo tungkol sa ating pakikipagrelasyon sa
ibang tao.
c. Magsisilbing inspirasyon sa buhay upang makayanan ang lahat
ng pagsubok at karahasan sa buhay.
d. Lahat ng nabanggit

Suriin

Sinasabing ang mga sinaunang Pilipino ay may sarili nang


panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng lahi bago pa man dumating ang
mga Espanyol at iba pang mga dayuhan sa bansa. Ito ay mga akdang
pampanitikang lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo tulad ng
karunungang –bayan (salawikain, sawikain/ kawikaan, at kasabihan,
kuwentong-bayan, alamat, at epiko na sumasalamin sa kinagisnan,
kalinangan, at kultura ng lahing Pilipino. Mababakas din sa mga nakasulat
at maging sa mga pasalitang panitikan ang kultura, tradisyon, paniniwala, at
maging ang mga panlipunan at panlahing kaugalian ng ating mga ninuno.

Mahalagang Tanong:
1. Bilang kabataan, naniniwala ka bang dapat pahalagahan ng mga
kabataan sa kasalukuyan ang mga karunungang-bayang ipinamana sa
atin ng ating mga ninuno?

10
2. Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng kabataan ang mga
karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain/kawikaan, at
kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon.

Karunungang- Bayan- Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo


ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong.
Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa
mahahabang tula.

Salawikain
- Isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong
unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan tungo sa
kabutihang asal. Karaniwang may sukat at tugma.
- Ang mga salawikain ay mga mabisang linya na mainam ituro lalong-lalo na
sa mga bata. Hindi lamang ang kanilang intektwal na aspeto ang maaari
nitong palaguin kung hindi ay ang kabuuan pati na ang emosyonal na aspeto.
- Ang salawikain ay bantog na matatandang kasabihang puno ng aral na
maaaring gabay tungo sa tamang direksiyon ng pamumuhay. Ito ay
nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Kapupulutan ito ng mga
kaalaman tungkol sa matatandang kaugalian, paniniwala, gawa at asal.
Bahagi na ito ng ating kulturang pamana sa atin. Hindi natin ito dapat
ipagsawalang bahala o kaya ay kalimutan.
- Ito rin ay magsisilbing tagapangalaga ng mayamang tradisyon ng mga
Filipino. Makakakuha tayo rito ng mga payo tungkol sa ating
pakikipagrelasyon sa ibang tao. Magsisilbi rin itong

inspirasyon sa ating buhay upang makayanan natin ang lahat ng pagsubok


at karahasan sa buhay.

Narito ang ilang halimbawa ng salawikain:


11
1. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga
2. Pag di ukol ay hindi bubukol
3. Kung walang tiyaga, walang nilaga
4. Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit.
5. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
Ano ang mga kahulugan ng mga salawikaing ito. Basahin at pag-aralan
ang sumusunod upang magkakaroon ka ng ideya tungo sa iba pang
halimbawang salawikain.
1. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga-
Sinasabi dito na huwag masyadong magastos at magwaldas ng pera sa
mga bagay na hindi kailangan at bukas ay wala ng natira o ipon para
sa sarili. Mas maganda na sabihan ka ng kuripot kesa naman
pagdating ng araw ay wala na sa iyong natira.

2. Pag di ukol ay hindi bubukol


Ang ibig sabihin nito kapag hindi nakalaan sayo ang isang bagay o
nakatakda ay hindi ito mangyayari. Parang sa pag-

ibig kung hindi talaga para sa iyo ang isang tao huwag mo nang
ipagpilitan, manalig ka na merong tao na talagang para sayo.
Maghintay lamang at huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong
hindi naman talaga nakalaan para sa iyo.

3. Kung walang tiyaga, walang nilaga


Ito ay tungkol sa isang tao na walang pagsasakripisyo para sa sarili.
Kapag hindi ka nagsusumikap para sa iyong kinabukasan tiyak wala
ka ring biyayang matatanggap.
Kaya huwag maging tamad, matutong mgabanat ng buto para sa iyo at
sa pamilya mo.

4. Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit.

Ang taong masyadong nahihirapan sa sitwasyon at walang maisip na


paraan ay nakaiisip ng masama. Ang ilan sa atin ay nawawalan agad
ng pag-asa kung paano lulutasin ang kinakaharap na problema kaya
nakagagawa ng masamang gawain na hindi na naaayon sa gusto ng
Diyos.

5. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.


May mga tao na kung titingnan mo sa panglabas na anyo ay mabait,
mapagkatiwaan lalo na pag tahimik, ngunit hindi mo nalalaman na sa
panlabas na kaanyuan ay may nakatagong hindi magandang asal.
Kahit na tahimik at walang imik ay malalaman pa din ang gawi nito.

Upang madagdagan ang iyong kaalaman, basahin ang bahagi ng


akda sa ibaba at kilalanin ang mga salawikaing ginamit.

12
Rosie: Saan naman itong bago mong papasukan?

Rowell: Doon kina Tandang Sebio. Medyo maganda ang


sahod doon.

Rosie: Tsk. Wala akong tiwala sa taong iyon, Mag-ingat ka.


Tandaan mo: Hindi lahat ng kumikinang ay ginto,
sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.

Isang araw …..

Rowell: Mahal nakaluto ka na ba?

Rosie: Ay, nariyan ka na pala. Halika’t kumain na tayo.


Gutom na ako pati na rin itong baby natin. Kumusta? Bakit para
kang lulugo-lugo?

Rowell: Paano naman ay kulang na naman ang sinuweldo


ko. Binawasan na naman ako ni Tandang Sebio.

Rosie: Napakatuso kasi ng matandang iyon. Hindi naman


niya matatangay sa hukay ang kayamanan niya.

Rowell: Akala ko pa naman nang umalis ako kina Mang Renante tapos
na ang paghihirap ko. Mas matindi pa yata itong si Tandang Sebio.
Talagang saan mang gubat ay may ahas.

Rosie: Pinagtiisan mo na lang sana. O kaya naman ay kinausap mo.


Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.

Rowell: Ang problema nga ay marami tayong babayaran


ngayong buwan dahil kabuwanan mo na at magbabayad din tayo ng
buwis sa ating lupa’t bahay.

Rosie: Hayaan mo’t makararaos din tayo. Habang maiksi


ang kumot, matuto munang mamaluktot. Kung mahaba at malapad,
saka na mag-unat-unat.

Rowell: Ay ganoon na nga. Yan ang gusto ko sa iyo, Mahal.


Napakadunong mo. Halika nga’t nang mahagkan kita.

Rosie: Ha-ha-ha-ha

13
Makalipas ang ilang taon:

Rowell: Jun! Jun! Halika nga. Lintik na bata ito.

Rosie: O bakit ka nagbububunganga riyan? Ano ba ang


ginawa ng bata?

Rowell: Pinakialaman ang telebisyon natin. Ayun nabagsak. Sinabi ko


na ngang huwag nang ibahin ang puwesto dahil masikip ang
pinagpapatungan.

Rosie: Pabayaan mo na.

Rowell: Anong pabayaan? Makinig ka sa akin. Anak na hindi


paluhain, ina ang patatangisin.

Rosie: Hindi naman siguro.

Rowell: Anong hindi? Tingnan mo nga ang anak nina


Augusto. Nag-asawa agad. Paano, lahat nang gusto ng bata, ibinigay ng
mga magulang. Tapos ngayon nagsisisi na. Ang akala ay madali lang
ang pag-aasawa. May kasabihan nga ang mga matatanda. Akala ni
Kapaho: ang pag-aasawa’y biro: kanin bagang isusubo’t luluwa kung
mapaso.

14
Rosie: Iba si Jun at iba naman si Noel na anak ni Agusto.

Rowell: Mabuti na ang mag-iingat. Kailangang maturuan


natin ng kagandahang-asal ang bata hangga’t maaga. Kundi ay
kalalakhan niya ito.

Pinagkukunan:
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/

Isagawa 1
Panuto: Basahin at kopyahin ang lahat ng nakitang salawikain sa akda. Ibigay ang
kahulugan nito.

Salawikain Kahulugan
1.
2.
3.
4.
5.

Isagawa 2

Panuto. Piliin ang mahalagang kaisipan na


nakapaloob sa salawikain. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Kapag may isinuksok, may madudukot.

15
a. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
b. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para
pag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.
c. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.

2. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Sapagkat may sarili ring kinang ang
tanso.
a. Kung may mapulot kang makinang huwag ka kaagad
mag-akalang ginto iyon. Baka mapeke ka lang.
b. Huwag kang bibili ng alahas sa hindi mo kakilala. Baka
ka maloko.
c. Mag-ingat parati at huwag magpapadala sa taong akala mo ay
may mabuting kalooban. Maaaring ang taong iyon ay mabait lamang sa
simula. Kilatisin mong mabuti kung ang sinasabi niya ay ang
katotohanan.

3. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.


a. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at
matamo ang tagumpay.
b. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong
nilusong.
c. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring
matatapos.

4. Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.


a. Kahit gaano man katuso o katalino, mayroon pa ring
mas matalino o tuso kaysa sa iyo.
b. Ang matsing ay matalinong hayop na ayaw malamangan.
c. Kahit matalino ang matsing, puwede pa ri siyang maloko.

5. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin mo


muna.
a. Bago ka magsalita nang kung anu-ano tungkol sa
ibang tao, tingnan mo muna ang sarili mo’t baka mas marami kang
kapintasan.
b. Maghilamos ka muna bago ka makiharap sa ibang
tao.
c. Tanggalin mo muna ang uling sa mukha mo bago mo
tingnan ang uling sa mukha ng kaharap mo.

16
Isagawa 3.a

Panuto: Tukuyin ang angkop na salawikain sa bawat sitwasyon. Isulat ang


titik ng tamang sagot.

1. Ang batang laki sa layaw ay lalaking suwail, walang galang at walang


pagpapahalaga sa kapwa niya.
a. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
b. Anak na hindi paluluhain, ina ang patatangisin.
c. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin
muna.

2. Ikinatuwa ni Jason ang sobrang sukli ng tindera at habang papauwi


sa bahay ay hinablot ng magnanakaw ang kanyang bag.
a. Nasa huli ang pagsisisi.
b. Ang naghahangad ng kagitna, isang salop ang mawawala.
c. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

3. Kahit kailan daw ay hindi niya magugustuhan ang lalaking iyon. Hindi
raw niya tipo ito.
a. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
b. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
c. Nasa huli ang pagsisisi.
4. Laki sa layaw si Rem. Kahit anong gawin niyang mali ay agad itong
pinatatawad ng ina. Hanggang isang araw ay natagpuan na lang siya
ng kanyang ina sa bilangguan.
a. Kapag nagtanim na ng hangin, bagyo ang aanihin.
b. Kung saan ka nadapa, doon ka matutong tumayo.
c. Anak na di paluluhain, ina ang patatangisin.

5. Madalas inihahambing si Marlon sa kanyang ama. Dito raw nito


namana ang pagiging basagulero.
a. Kung puno na ang salop, kailangang kalusan.
b. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
c. Ang bungang hinog sa pilit, kung kakainin ay mapait.

17
Isagawa 3.b

Graphic Organizer: Punan ng mga sagot ang mga kahon sa ibaba. Pumili ng
isang salawikain na angkop sa iyong sariling karanasan. Iugnay mo ito sa
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Salawikain

Mga kaugnayan ng mga Kaisipan ng mga ito sa tunay na buhay sa


Kasalukuyan

Dugtungan:

Bilang mag-aaral mahalagang matutuhan ang mga salawikain


dahil________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________.

18
Isaisip

Panuto: Sagutan ang ilang katanungan sa ibaba na susukat sa iyong


kaalaman sa paksang natalakay. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang salawikain ay _____________________.


a. Isang uri ng bugtong
b. Isang uri ng idyoma
c. Kasabihang pamana ng mga ninunong Pilipino
d. Birong may katotohanan

2. Alin sa mga ito ang salawikain?


a. Nagsaulian ng kandila
b. May krus ang dila
c. Mabulaklak na dila
d. Daig ng maagap ang masipag

3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng salawikain?


a. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
b. Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
c. Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.
d. Ang paalala ay mabisang gamut sa taong nakalilimot.

4. Ito ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na


nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan.
a. Bugtong c. Salawikain
b. Kasabihan d. Kuwentong-Bayan

5.Bakit mahalagang pag-aralan ang karunungang-bayan?


a. Nakaaaliw ang mga ito.
b. Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
c. Ang mga ito ang nagpapaalala sa atin tungkol sa
mayamang tradisyon ng lahing Pilipino
d. Upang tatalino ang mag-aaral

6. Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain,


sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong.
a. Kuwentong-Bayan c. Karunungang-Bayan
b. Salawikain d. Sawikain

7. Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin


ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.
19
a. Karunungang-Bayan c. Kasabihan
b. Sawikain d. Salawikain

8. Ito ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na


nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan.
a. Bugtong c. Salawikain
b. Kasabihan d. Kuwentong-Bayan

9. Alin sa sumusunod ang salawikain?


a. Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na
hindi nahahayag.
b. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw
ay sasamahan.
c. Ang buhay ay parang gulong, minsan sa ibabaw,
minsan sa ilalim.
d. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

10. Ang salawikaing “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig
pa ang malansang isda” ay nabanggit ni _________.
a. Andres Bonifacio c. Jose Rizal
b. Apolinario Mabini d. Emilio Aguinaldo

11. “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?” Ito ay isang
halimbawa ng __________.
a. Sawikain c. Kasabihan
b. Salawikain d. Kuwentong-bayan

12. Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil mabait ito
sa una ninyong pagkikita ay talagang mabait na ito. Anong salawikain
ang angkop sa sitwasyon?
a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
b. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto sapagkat may sariling
kinang ang tanso.
c. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
d. Saan mang gubat ay may ahas.

13. Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at


hindi na niya gagawin pang muli ang kanyang maling gawain.
a. Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.
b. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
c. Saan mang gubat ay may ahas.
d. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.

14. Piliin ang hindi angkop sa pahayag. Ang karunungang-bayan ay


_____________.
a. bahagi ng katutubong panitikan ng mga Pilipino
b. nagpapamalas ng talas at tayog ng kaisipan ng ating mga ninuno
c. sinasabing ito ay pinag-ugatan ng panulaang Pilipino
d. nagbibigay daan upang maipahayag ang kaisipang nakabilang sa
bawat kultura ng isang tribo
20
15. Paano makakatulong ang salawikain sa pagbibigay ng mabuting aral?
I. Ang mga salawikain ay mga mabisang linya na nagpapalago ng
intelektwal na aspeto ng mga kabataan.
II. Ang salawikain ay kapupulutan ng mga kaalaman tungkol sa
matatandang kaugalian, paniniwala, gawa at asal.
III. Makakakuha tayo ng mga payo tungkol sa ating
pakikipagrelasyon sa ibang tao.
IV. Magsisilbing inspirasyon sa buhay upang makayanan ang
lahat ng pagsubok at karahasan sa buhay.
V. Walang magandang naidudulot ang salawikain lalo na sa mga
batang hindi nagbabasa nito.

a. I, II, III at IV
b. II, III, IV at V
c. III, IV, at V
d. I, III, IV at V

21
22
Gawain 3a Gawain 2
1. b 1. a
2. b 2. c
3. b 3. c
4. c 4. a
5. b 5. a
Isaisip Nalalaman Gawain 1
1. c 11. b 1. c 11. d
2. d 12. d 2. d 12. d
3. d 13. d 3. c 13. c
4. c 14. d 4. c 14. d
5. c 15. a 5. c 15. a
6. c 6. c
7. d 7. d
8. c 8. c
9. c 9. b
10.c 10.d
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na sumusunod


sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay koleksiyon ng
iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang iyong
kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo
mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos nitong
portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatala ng Portfolio

ANTAS
Krayterya Baguhan Nagsasanay Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtatakda ng Di maka- Positibo at Ang Maliwanag ang
Hangarin totohanan ang makatotohana pangkalahatang paglalarawan ng
(Lingguhang mga hangarin n ang mga proseso at mga itinakdang
Talaan ng para sa pag- hangaring hangaing hangarin na ____ sa
Hangarin) unlad ng itinakda. itinakda ay kayang abutin at 10
kakayahan. positibo at angkop sa pag-
makatotohanan. unlad ng
kakayahan
2. Ang Aking Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Sariling Pagsusuri ng munting ng sapat na mainam na napakainam na
sa Pagsusulit ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng
____ sa
repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at
10
sariling sariling sariling sariling pagtatasa
pagtatasa pagtatasa pagtatasa at mayroong
dokumentasyon
3. Ang Maliit lamang Sapat ang Mainam ang Napakainam at
Mapanuring Ako ang ebidensya ebidensya ng pagsagawa at napakalinaw ang
____ sa
ng pag-unlad pag-unlad at kakikitaan ng pagsagawa at
10
at pagkatuto pagkatuto pangkalahatang pangkalahatang
pag-unlad pag-unlad
4. Ang Aking
Pinakamahusay
na Sinagutang
Pagsusulit
5. Ang Aking Maliit lamang Sapat lamang Malinaw ang Napakalinaw at
Malikhaing ang ebidensya ang ebidensya ebidensya ng natatangi ang
Koneksiyon ng malikhain at ng malikhain at malikhain at ebidensya ng ____ sa
mapanuring mapanuring mapanuring malikhain at 10
gawa gawa gawa mapanuring
gawa
[1-2] [3] [4] [5]
Pangkabuuang Di maayos na Naipakita ang Nailahad ang Nailahad nang
Presentasyon nailahad ang halos lahat ng lahat ng aytem malinaw, maayos
mga aytem; at aytem; at ang na may at kumpleto ang
tila magulo ang portfolio ay pagkasunod- mga ayte; at ang
____ sa 5
kinalabasan ng maayos na sunod; at ang portfolio ay malinis
portfolio. nailahad. portfolio ay at elegante.
maayos na
naisagawa.

23
Bilis ng Pagpasa Naipasa nang Naipasa nang Naipasa nang Naipasa sa
huli sa oras (5-6 huli sa oras (3-4 huli sa oras (1-2 tamang oras ____ sa 5
araw). araw). araw).

_______
(Pinaka
Kabuuan mataas
na
puntos:
50)

24
Sanggunian

- Pinagyamang Pluma 8.
- Effective Alternative Education.
- youtube.com/watch. Jirehtot TY channel.
- Filipino 8 Modyul
- https://quizizz.com
- https://app.quizalize.com

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Lianga I

Address: Purok -2, Poblacion Lianga, Surigao del Sur

Contact Number: 09383760691

26

You might also like