You are on page 1of 24

PANUKALANG

PROYEKTO

By:

FERDINAND C. ROSIMA

SHS-TEACHER
INAASAHANG KASANAYAN

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang s pagsulat ng mga piniling


akademikong sulatin.

Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong


sulatin.

Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan


sa pniling sulatin.

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin tulad


ng panukalang proyekto.

Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng


wika.
SIMULAN NATIN
Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o
pamayanan ang iyong nabalitaan o natatandaang
nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa
maraming tao? Ibahagi o ipahayag mo ang ilang
mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto
sa pamamagitan ng pagkompleto sa Pyramid
Diagram.
Simulan Natin
Pangalan/ Pamagat ng Proyekto
Nagpanukala o nanguna sa Proyekto
Lugar saan Ginawa o Ipinatupad
Petsa ng Pagpapatupad
Tao/ mga taong nagpapatupad/ nagsagawa ng
proyekto
Pakinabang o magandang dulot ng proyekto.
PAG-UUGNAY NG MGA SALITA

Panukala –

Proyekto
PANUKALA

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community


Empowerment Collective- ang panukala ay proposal
na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para
sa isang komunidad o samahan.
Panukalang Proyekto ay nangangahulugang
isang kasulatan, isang ng mungkahing naglalaman ng
mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan nitong siyang tatanggap o magpapatibay
nito.
Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng
Developing Skills of NGO Project Proposal Writing,
ang panukalang proyekto ay isang detalyadong
deskripsyon ng mga ihahaing gawaing naglalayong
lumutas sa isang problema o suliranin.
Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay
ng impormasyon at makahikayat ng positibong
pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar
sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o
panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat
at totoo sa layunin.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang
Proyekto

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner


(2008) sa kanilang aklat sa pagsasagawa ng panuklang
papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi at ito ay ang mga sumusunod.
A. PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALNG
PROYEKTO
Ang unang mahalagang hakbaang na dapat isagawa
ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad,
samahan o kompanyang pag-uukulan ng iyong
proposal.
Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat
ng panukalang proyekto ay upang makatulong at
makalikha ng positibong pagbabago.Higit na magiging
tiyak kung napapanahon, at akma kung matutumbok
ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan
nito.Sa madaling salita, ang pangangailangan
ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
Maisasagawa ang unang bahaging ito sa
pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o
kompanya.Maaaring magsimula sa pagsagot sa
sumusunod na mga tanong
1. Ano ano ang pangunahing suliraning dapat
lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano ano ang pangangailanagn ng pamayanan o
samahan na nais mong gawan ng panukalang
proyekto.
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

Matapos na mailahad ang panimulang paglalahad ng


suliranin ng gagawing panukalang proyekto ay isunod na
gawin ang pinakakatawan ng sulating ito. Ito ay binubuo
ng luyunin, planong dapat gawin, at badyet.
LAYUNIN-sa bahaging ito makikita ang mga bagay na
gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto.
Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng
panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano
makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy at
Lynn Miner (2008) ang layunin ay kailangang maging
SIMPLE.
PORMULARYO NG
PANUKALANG PROYEKTO
I. Proponent Proyekto (Project Proponent)
II. Pamagat ng Proyekto (Project Title)
III. Kategorya ng Proyekto (Project Category)
IV. Kabuuang Pondong Kailangan ( Total Budget
Needed)
V. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)
VI. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project)
VII. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project
Benefit)
VIII. Gastusin ng Proyekto (Project Cost)
PORMULARYO NG
PANUKALANG PROYEKTO
I. Proponent ng Proyekto (Project Proponent)
Isinusulat ang indibidwal o organisasyong
naghaharap ng panukalang proyekto, adres,
telepono, email at lagda.

II. Pamagat ng Proyekto (Project Title)

Ito ang titulo o eksaktong pamagat ng proyekto na


dapat ay tiyak, maikli at malinaw
PORMULARYO NG
PANUKALANG PROYEKTO

III. Kategorya ng Proyekto (Project Category)

Pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak,


seminar/kumperensya, pang-araling –aklat at/o malikhaing pagsulat)

IV. Kabuuang Pondong Kailangan ( Total Budget Needed)


Isinusulat sa bahaging ito ang kabuuang pondo na magagamit sa
proyekto. Kalimitang nakalahad ito sa pasalita bago susundan ng
numerical value.
Hal., Isang daang Libong Piso ( Php 100,000.00)
PORMULARYO NG
PANUKALANG PROYEKTO
V. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)
Isinasaad ang background o kaligiran kung bakit nais
isakatuparan ang proyekto, at ang kahalagahan ng
proyekto.

VI. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the


Project)
Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto,
kategorya o uri nito. Dito rin isasaa d ang mga layunin
(panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.
PORMULARYO NG
PANUKALANG PROYEKTO
VII. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefit)

Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng


proyekto at sinu-sino ang makikinabang.

VIII. Gastusin ng Proyekto (Project Cost)

Dito naman inilalagay ang detalyadong badget na kailangan sa pagsasagawa ng


proyekto.
HALIMBAWA NG
PANUKALANG PROYEKTO

I. Proponent ng Proyekto (Project Proponent)


M&E Enterprises
# 106 Pinagbayanan St.
Brgy. 2, Pila, Laguna
Contact No. 373-45-60 / 09394612356
HALIMBAWA NG
PANUKALANG PROYEKTO

II. Pamagat ng Proyekto (Project Title)


Seminar/ workshop sa Proseso ng
Pagkukumpuni ng Kompyuter

III. Kategorya ng Proyekto (Project Category)


Seminar/ workshop

IV. Kabuuang Pondong Kailangan ( Total Budget Needed)


Isandaang Libong Piso (Php 1000, 000.00)

V. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)

(Kaligiran)
Kapansin-pansin sa pamayanan na marami ang nagmamay-ari ng
laptop o kompyuter ngunit wala naman silang sapat na kaalaman sa
pagsasaayos sa sandaling magkaroon ng sira ang nasabing teknolohiya.

 
(Kahalagahan)
Dahil dito, naisipan ng kompanya na maglunsad ng isang seminar
worksyap para sa ating mga kababayan na nagnanais na magkaroon ng
kaalaman at kasanayan sa pagkukumpuni ng kompyuter upang
makatipid hindi lamang ng salapi kundi pati na ng panahon.
VI. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project)
Deskripsyon:
Isang malawakang pagsasanay sa pagkukumpuni ng kompyuter ang
isasagawang seminar –worksyap. Magkaroon ng panayam bilang unang bahagi at
ikalawang bahagi ay hand-on na pag-aayos gamit ang mga sirang kompyuter.
Layunin:
Naglalayon ang seminar – worksyap na ito na makatulong sa mamamayan
ng Lopez upang maiwasan ang magkaroon ng malakaing gastusin sa pagpapaayos
ng kanilang mga kompyuter. Gayundin naman hindi maiiwasan na magkaron nang
dagdag na pagkakakitaan ang mga mamamayan sakaling magkaroon ng kaalaman
ukol dito.

 Kailan/saan
Pebrero 20-21, 2017
Sa Bulwagan ng Dolor Amphitheater LNCHS Compound Lopez, Quezon
 
Mga Tagapagsanay/Tagapanayam
G. Rocky G. Magbanua
Bb. Raquelita H. Hondajos
Mamamahala ng Gawain/Mga taong kasangkot
Pamunuan ng SME Enterprises Inc.
Target na Kalahok:
Lahat ng interesadong mamamayan ng Lopez at Mag-
aaral ng ICT ng lahat nga paaralan
 Takdang Gawain:
Enero 12–Pebrero 15 …. Pagpapatala para sa reserbasyon
Pebrero 20, 2017 / 7:00 am …………………… rehistrasyon
ng mga tiyak na mga kalahok
8:00 am ………………………………... Maikling programa
8:30 am onward ………………………. Panayam/lecture

 Pebrero 21, 2017


Hands-on sa pagsasaayos ng kompyuter.
HALIMBAWA NG
PANUKALANG PROYEKTO

VII. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefit)

Benepisyong dulot ng proyekto ang mga sumusunod:


1. Maiiwasan na ang pagkadismaya ng mga mamamayan sa mga
sandaling nagkaroon ng problema sa ang kanilang mga kompyuter sa
bahay.

2. Maiiwasan ang malaking gastos sa pagpapaayos ng kompyuter

3. Magkakaroon nang ektrang pagkakakitaan habang nasa tahanan


lamang.
HALIMBAWA NG
PANUKALANG PROYEKTO
VIII. Gastusin ng Proyekto (Project Cost)

Lugar na Pagdaraosan ………………………… 10, 000.00


Meryenda (2 days) ……………………………..15, 000.00
Sertipiko …………………………………………… 1, 500.00
Akomodasyon ng Tagapanayam …………... 2,000.00
Transportasyon ……………………………………. 1, 500.00
Professional fee ………………………………… 30, 000.00
Seminar kits …………………………… …………. 40,000.00
 _____________
 Php 100, 000.00
GAWAIN

Hahatiin sa apat na pangkat ang grupo,


sumulat ng isang panukalang proyekto.

Gawin ito sa loob ng isang oras lamang.

You might also like