You are on page 1of 2

LIT 323 B (Sir John Carlo Pabustan)- Dulaang Filipino

May 6, 2021
Elemento ng Dula
Iskrip
 Ito ang pinakabanghay ng dula.
 Walang dula kung wala ito.
 Dito makikita ang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang dula.
 Pinaka-kaluluwa ng isang dula.
Dayalogo
 Ito ang sandata upang maipakita ng mga actor ang kanilang emosyon.
 Ito ang malalakas at tagos na mga linyang binibigkas ng mga aktor.
Tanghalan
 Kahit anong pook kung saan nagaganap ang isang dula.
 Halimbawa: Kalsada, silid-aralan.
Tauhan
 Nagsasabuhay ng iskrip.
 Nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood.
Direktor
 Nagpapakita kung saan gaganapin ang dula.
 Nag-iinterpret ng iskrip.
 Nagdidikta kung paano bibigkasin at anong damdamin ang dapat ilapat ng mga
tauhan.
Manonood
 Ginawa ang dula para sa kanila upang magkaroon ng libangan.
Tema
 Ito ang pinakapaksa ng isang dula.
 Halimbawa: Karahasan, sexual, horror o droga.
Eksena
 Ito ang paglabas pasok ng mga tauhan sa tanghalan.
Tagpo
 Ito ang pagpapalit ng mga tagpuan sa isang dula.
Pagtatanghal ng Dula
 Pag-arte.
 S-T-A-G-E.
 S-een before you heard.
 T-alk in Projection. Magsalita nang may tamang tindig.
 A-ct Realistically. Umarte ng totoo.
 G-ive your all.
 E-xaggerate.
Pagpasok
 Kailangan ay makalikha ng isang malakas ng impresyon ang isang tauhan sa
kanyang pagpasok sa bawat eksena. Kailangan handang-handa siya lalo na ang
kanyang tindig.
Balanse ng Entablado
 Ang direktor ang magsasaad ng tamang posisyon ng mga tauhan sa isang
tagpo. Mahalaga ito sapagkat ito ay pagbibigay importansya sa bawat tauhan sa
dula.
Paggalaw
 Walang gagalaw o kikilos na gagawin kung walang dahilan ito. Ang bawat
pagkilos ay kailangang may dahilan upang hindi makapukaw ng pansin ng mga
manonood.
Linya at Palatandaan
 Kailangan ay saulado ng tauhan ang kanyang linyang bibigkasin. Ang pag-aadlib
ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan.

You might also like