You are on page 1of 4

SINING NG PAGGANAP

Ipinasa nina
Patactacan, Kristine Jil
Rodriguez, Maricel
Tamon, Vernadette
SINING NG PAGGANAP

Ang isinasagawang sining ay gumagamit ng sariling


katawan, mukha, at ang pagharap ng artista bilang isang
midyum.

Eksena at Tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan
ng mga tauhan samantalang ang tagpo naman ay ang
pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng
mga pangyayari sa dula.

PAGTATANGHAL NG DULA

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.

S – seen before heard (makita muna bago marinig)


T – talk in projection (magsalita na may tamang tindig)
A – act realistically (Umarte nang totoo)
G – give your all (Ibigay ang lahat)
E – exaggerate (Eksaherado)

Ang Improvisation ay may dalawang uri. Ang isang uri ng improvisation ay tumutukoy sa isang
pagtatanghal na isinasagawa ng mga artista sa entablado kung saan ang eksena, mga dayalogo at ang
daloy ng kwento ay isinagawa ng walang paghahanda at hindi nakabase sa isang iskrip.
Habang ang isang uri naman ng improvisation ay tumutukoy sa mga kagamitan na siyang hindi
ginagamit ng mga aktor sa kung ano ang tamang gamit nito. Ang upuan ay maaaring gamitin bilang isang
inidoro. Ang pamaypay ay maaaring maging sigarilyo. Ang walis ay maaaring maging mikropono. At marami
pang iba.
ISIPAN O IMAHINASYON
Dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na may tiyak na layunin at
nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang
susi sa papel na kanyang gagampanan. Sa parteng ito ay kinakailangan din gumana ang imahinasyon ng
mga aktor upang mas maging epektibo ang pag-aarte na kanilang pinapakita sa madla.

KILOS O GALAW
Walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may
kahulugan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang diretso
ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa
mga manonood.
 Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na may tiyak na
layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood
ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang
kanyang katauhan bago pa man siya papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan
kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay
maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay
ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling
lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.
 Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa entablado ngunit
ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na posisyon. Kapag
natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan
na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano
man ka liit ng linyang bibitawan o kahit na “extra” lamang.
 Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.
 Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang balikat, diretso
ang katawan at diretso rin ang pagtingin.
 Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay (relax). Ang kamay na
naka gapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay
unang huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong
sasabihin.
 Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang posisyon.
 Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.
 Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng
pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay
ng bibig, sunod ay sa mukha, pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng
barso, kamay at mga daliri.

EMOSYON
Ang emosyon ay ang paglapat ng ating isip sa hindi malay sa anumang sitwasyon. Kinakailangan
maipakita ang emosyon na hinihingi ng bawat eksena. Ang pag-iyak, pagtawa, pagkaramdam ng kilig at
pagkagalit ang ilan sa mga emosyon na maaaring ipakita ng mga aktor sa mga manonood.

BOSES
Ang wastong pagbabagu-bago ng tono ng boses ay nagbibigay ng buhay sa isang pahayag,
umaantig ng mga damdamin at gumaganyak sa pagkilos. Sa parteng ito ay kinakailangan din maipakita ng
mga aktor ang tamang boses ng tauhan na kanilang ginagampanan. Kung ang kanilang ginagampanan ay
isang matanda, kinakailangan na magboses matanda din ang aktor na gumaganap. Kung bata naman ito,
kinakailangang maipakita rin ang pambatang boses na hinihingi ng eksena.

PAGHINGA
Ang paghinga ay nakadepende sa ginagampanan ng aktor sa dula. Kailangan maipakita ang
tamang paghinga ng isang aktor na tumatakbo, umiiyak, kinakabahan, natatakot, at iba pa.
PAGSASALITA
Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin. Kailangan ding malinaw, buo at malakas ang
boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang
katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang
aktor ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng
pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o magsisimula sa
pagsasalita at huwag itong kalimutan.

Sanggunian:
https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/elemento-ng-dula/
http://www.hideouttheatre.com/about/what-is-improv/

You might also like