You are on page 1of 9

PAMAMARAAN NG

PANGANGALAP NG DATOS
SA PANANALIKSIK
Iniulat ni: Kristine Jil Patactacan
Pagtatanong-tanong
Pinakaangkop ang pagtatanong kung
layunin ay humanap ng impormasyon sa
panlabas na antas. Pili at maayos na
pagkakasulat ng mga tanong ang
kumakatawan sa pinakamahusay at
epektibong paraan ng pagkuha ng datos
MGA URI NG TANONG

1. Praktikal na Tanong
Mga tanong na may kagyat na
solusyon o aplikasyon ayon sa
suliranin.
2. Espekulatibo o Pilosopikal na
Tanong
Mga tanong na humihingi ng
palagay tungkol sa isang bagay o
sitwasyon.
3. Panandalian o Tentatibong Tanong
Mga tanong na batay sa prediksyon
at probabilidad. Ito ang mga tanong
na sinasagot batay sa panahon kung
kailan ito tinanong.
4. Imbestigatibong Tanong
Mga tanong na umuusisa o
sumisiyat tungkol sa isang
pangyayari o sitwasyon.
Pagmamasid
Ito ay kinapapalooban ng obserbasyon ng
mananaliksik sa sitwasyong pinag-aaralan. Sa
ganitong pag-aaral, ang mananaliksik ay
nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng
sitwasyong pinag-aaralan.
1. Hayagan (Overt)
2. Hindi Hayagan (Covert)
Pakikipanayam
Ito ay maisasagawa kung posible ang
interaksyong personal. Kinapapalooban ito
ng pangongolekta ng mga datos sa
pamammagitan ng tuwirang pasalitang
interaksyon ng kumakapanayam at
kinakapanayam.
DALAWANG URI NG PAKIKIPANAYAM
1. Balangkas na Pakikipanayam
Ang mga tanong ay nakalahad ng tiyak sa permanenteng
listahan at ang interbyuwer ay nagtatanong nang walang
labis at walang kulang ayon a pagkakasunud-sunod sa
listahan.
2. Di-binalangkas na Pakikipanayam
Ang kumakapanayam ay may listahan ng mga tanong,
hindi niya kailangang sundin ang pagkakasunud-sunod nito.

You might also like