You are on page 1of 10

NAMEPLATE

NI MARICEL RODRIGUEZ
TAGPUAN:
Sa Mall na kung saan sila unang nagkita.
TAUHAN:
JUANITA- 23 years old babae, hangad niya ang magandang kinabukasan
para sa kanyang mahal na ina at sa kanyang kinabukasan. Sa Pagdating
ng bakasyon nagtrabaho siya bilang Serbidora, upang madagdagan ang
kanyang tuition fee sa darating na pasukan.
GABRIEL- 26 years old lalaking nag tatrabaho bilang Manager. Kaiinisan
ni Juanita ngunit mahuhulog rin ang loob ng binata sa kanya.
ALING TELMA: Nanay ni Juanita at hangad din nito ang magandang buhay
ng kanyang unika ihang anak.

Gusto ni Juanita na maka pag tapos siya ng pagaaral sa kolehiyo at magkaroon ng


maayos na trabaho para sa kanyang ina at sa kanyang sarili. Habang bakasyon ay
nagtrabaho muna bilang service crew si Juanita para sa pandagdag ng kanyang tuition
sa darating na pasukan.
(Habang naglalakad patungo sa Mall mababangga niya ang lalaking kaiinisan niya. Siya
ay si Sir Gabriel.)
Juanita: Nako! Anong oras na ba?.. Kailangan ko pa naman gumising ng maaga para
makahanap ako agad ng trabaho.
(Habang nag mamadaling magpunta ng cr upang maligo at mag-ayos ng sarili.)
Juanita: Hay nako.. Anong oras na naman ako makarating nito! May interview pa naman
ako ngayon..
(Habang nagmamadaling bumaba ng hagdan, napansin siya ng nanay niya na hindi pa
nag-aalmusal at tinawag niya ito.)
Aling Telma: Juanita? Anak.. Aalis ka na? Eh hindi mo pa nga kinain itong almusal na
hinanda ko sayo..
Juanita: Ma.. pag uwi ko nalang po.. Sana Adobong pusit naman po yung Tanghalian
natin.. Bye ma! Alis na po ako!
Aling Telma: Hay nako.. yung bata talaga na iyon akala mo may hinahabol at laging
nagmamadali...
(Lumabas na si Juanita sa building na pinaginterbyuhan niya.)
Phone ringing.. Kring...kring...kring..)
Juanita: Hello ma! Bakit po pala napatawag ka?
Aling Telma: Nak! Ano? kamusta interbyu mo? Nakapasa ka naman ba ha?
Juanita: Ma naman.. May Final interview pa po ako. Eh for inial interview palang daw
itong ngayon eh. Cge na ma, baka mahablot pa ‘tong phone ko. Bye ma..
(Naglalakad si Juanita ng ibinaba niya na yung phone niya. Hindi niya napansin na may
mabubunggo siyang isang lalaki.)
Juanita: Ay!.. Manong pasensya na ho. Di ko naman napansin agad kayo.
Sir Gabriel: Manong ka diyan! Hindi pa naman ako masyadong matanda! Miss.. Sa
susunod tumingin ka kasi sa dinaraanan mo ha. Baka ikapahamak mo yan!
Juanita: Juanita ho! pangalan ko Sir! (Pabulong niyang sinabi) suplado.. Oho!
Juanita: Akala mo naman kung sinong may-ari ng daan.
(Nang makarating na siya sa kanilang bahay halatang pagod na pagod si Juanita at
nakabusangos pa ang mukha.)
Aling Telma: Oh anak kamusta?.. Mukang may problema ha.. 'Ito Oh kumain kana..
Juanita: Wala po ito nay, mukhang pagod lang po ako.
(Nang kinagabihan may one new message na nabasa si Juanita)
Juanita: Nako.. Final interview ko na bukas. 7am pa naman.. Mukang kailangan ko na
atang matulog ngayon ha... Mag aalarm nga muna ako..
(5:45am.. Nag-alarm na ang phone ni Juanita)
Juanita: Haays.. Umaga na naman pwede bang after lunch nalang yung final interview
ko.. Inaantok pa ko eh.. Kaya lang kailangan ng tumayo..
Aling Telma: Nak.. gising kana ba? yung almusal mo nasa lamesa na.
(Nang matapos na si Juanita sa pagligo niya. Nag-almusal na rin siya.)
Aling Telma: Ang aga mo ata nak..
Juanita: Opo nay..Ngayon po kasi ang Final interview ko.
Juanita: Ma.. Alis na po ako..
Aling Telma: Mag-iingat ka anak!
(Ng makaalis na at patungo sa Mall ay naalala niya ang lalaking nakabangga sa kanya
ng tanghaling iyon, napansin niyang hindi niya pala naitanong ang pangalan nito.)
Juanita: Ano nga kayang pangalan ng lalaking iyon..?
(Pagkapos ng interview ni Juanita nagpunta siyang palengke upang bumili ng ulam nila
ng kanyang ina. Maaga natapos ang interview dahil kaunti lamang sila.)
Aling Telma: Oh! Nak.. Nagulat naman ako sayo. Ang aga mo atang nakauwi ngayon
ha.
Juanita: Opo Ma, bumili na nga po akong ulam sa palengke. At alam mo ba Ma.. Trainie
ko na bukas sa trabaho! Kaya Ma, ito oh, bumili akong gulay para pinakbet naman ang
lutuin niyo. Iselebrayt na tin itong araw na to ma ha.
Aling Telma: Aba! Oo naman anak.. Ano bang gusto mong inumin ha?
Juanita: Ma naman eh..
Aling Telma: Ano ba iniisip mo ha. Syempre bibili ako ng malamig na malamig na
softdrink para partner sa mainit na pakbet.
Juanita: Salamat Ma! You’re the bes talaga.
(Natapos na ang kasiyahan nilang dalawang mag-ina. Maagang gumising si Juanita para
sa pagsisimula ng kanyang trabaho.)
Juanita: Good Morning Sir! Ano po order nila..
Customer: Aahhm.. Gusto ko ito, ‘yung letter A..
Juanita: Anything else Sir?
Customer: That’s All
Juanita: Sa side nalang po tayo Sir..
(Ng matapos na ang 8 hrs duty ni Juanita. Pag-uwi niya galing trabaho. Halata sa kanya
na pagod na pagod siya noong araw na iyon. At hindi niya na napansin ang oras at
nakatulog na ito.)
Aling Telma: Nak.. Gising ka na. Kumain ka muna..
Juanita: Anong oras na ba ma?
Aling Telma: Quarter to 8 nak.. Tara na habang mainit pa ang sabaw ng niluto ko.
(Pagkatapos kumain ng gabihan ng mag-ina. Bumalik na ulit sa higaan niya si Juanita)
Juanita: Ma.. Pagising po ako ng 6am bukas ha. Goodnight Ma.
Aling Telma: Sige Nak.. Matulog kana.
(kinabukasan ng umaga, pangalawang araw na ngayon ni Juanita sa trabaho.
Pagkatapos ng Game Plan nila sa umaga lahat ng crew at managers ay nagsimula ng
magtrabaho. )
Juanita: Parang familiar ‘tong lalaking ito.(habang napapaisip sa lalaking nakita niya)
Teka nga.. Saan nga ba un..? Haaays di ko maisip..
Juanita: Sir! Pa void po. Counter 3…. ( salubong na ang kilay ni Juanita) Ang tagal
naman ni Sir! Wala bang ibang Manager dito?.. Siiirrr! Pa void po pleassee!
Gabriel: Saan yan!?
Juanita: Pos 3 po Sir..
(Habang bumubulong si Juanita..)
Juanita: Ano ba yan!.. Napaka bingi naman nitong Manager na to. Napakabagal pa!
haays… Siya kaya mag counter dito!..
Gabriel: Bago ka?
Juanita: Opo Sir! Kaya nga po ngayon nyo lang ako nakita eh..
Gabriel: Teka.. Parang namumukaan kita.. JUANITA..? Your name sounds Familiar ha.
Last Thursday may nakabunggo kasi saking babae.. Nag pakilala pa siyang Juanita ang
pangalan niya. Pero, hindi naman ata ikaw yun..
(Hindi na nakapagsalita si Juanita sa mga sinabi ni Sir Gabriel. Habang nagbibihis siya
my napulot siyang Nameplate na magnetic at S’ Gabriel ang nakalagay. Pagkatapos ng
duty niya agad itong umuwi sa kanila upang makapagpahinga na.)
Juanita: Kanino kaya itong nameplate? S’ Gabriel. Ang bigat naman nito itago ko na nga
lang baka may maghanap.
(Pagkatapos ng duty niya agad itong umuwi sa kanila upang makapagpahinga na.)
(Nasa kwarto na siya ng maisip niya ang mga sinabi ni Gabriel ng gabing iyon.)
Juanita: Ang tagal na nun ha. Naalala pa rin niya ako. Hmmm.. Makatulog na nga.
Gabriel: Good Morning Juaanitaaa! Mukang tahimik ka ata ngayon.. Mag in kana, baka
malate kapa.
Juanita: Aaah.. Opo Sir..
(Nang matapos na ang duty ni Juanita, tinawag siya ni Gabriel. Upang bigyan ng Restday
para bukas.)
Gabriel: Juanita! Pagkatapos mo magbihis pumunta kang office ha.
Juanita: Aaah.. Sige po..
(Habang nagtataka kung bakit siya pinatawag sa office. Agad naalala ni Juanita iyong
mga sinabi ni Sir Gabriel kahapon.)
Juanita: Hmm. Sir Bakit po pala tinawag niyo po ako?
Gabriel: Ikaw nalang mag restday bukas. Okay ba yun?
Juanita: S..sige po Sir. Salamat po ulit
Juanita: Haaayss.. (Nakahinga na siya ng maluwag) Akala ko naman kung ano na.
Aling Telma: Oh, Nak.. Ang aga mo atang nakauwi ha.. Di ka nagsabi para nakapagluto
ako.
Juanita: Okay lang yun Ma.. Bili nalang tayong lutong ulam sa labas. Hhmm Ma, may
pupuntahan kaba bukas?
Aling Telma: Oo nga pala Nak, buti pinaalala mo. May meeting pala kami sa munisipyo
bukas. Sayang din yun. Eh tungkol daw sa mga trabaho yung pag-uusapan tapos malaki
daw yung sweldo. Payagan mo na ‘ko Nak.. Sayang din yun para pandagdag ng tuition
mo.
Juanita: Ma, naman eh.. Diba nga ayaw ko kayong napapagod. Tsaka Ma, wag mo na
pong isipin ang tungkol sa tuition ko.
Juanita: Day off ko po pala bukas Ma. Eh kung wala ka sanang gagawin, punta sana
tayong Mall para naman makagala ka.
Aling Telma: Eh hindi pupwede anak eh.. Isama mo nalang yung mga kaibigan mo.
(Tanghali na ng magising si Juanita. Wala rin ang kanyang Ina dahil nag punta ng City
Hall. Ngunit pag gising niya may nakahanda na agad na pagkain para sa kanya.)
Juanita: Hmm.. Si Mama talaga. Pinagluto pa ko.
(Habang wala ang kanyang Ina. Nag desisyon nalang siyang mag punta ng Mall)
Juanita: Wow! May bagong movie na naman si Katryn Bernardo. Wait nga si Alden pala..
(Habang nakatingin si Juanita sa screen ng mga bagong pelikula. Nakita siya ni Sir
Gabriel)
Gabriel: Juaaannnittaa! Ikaw nga… Anong ginagawa mo dito? Manonood ka rin ba ng
Sine?
Juanita: Ay.. Hi Sir! Kayo po pala. Hindi po ako manonood, napatingin lang po ako kung
anong mga bagong movie ngayon.
Gabriel: Ah.. Ganun ba? Mukang mag-isa ka lang ata.
Juanita: Eh.. Sir, ganun na nga po. Nag punta po kasing meeting yung mama ko, kaya
ako nalang po mag-isang pumunta ng Mall.
Juanita: Kayo po ba Sir?
Sir Gabriel: Nako! (Napangiti na lamang) ako lang din mag-isang namamasyal pag araw
ng day off ko.
(At ilang oras din silang magkasama ni Sir Gabriel at ni Juanita. Hindi na nila napansin
ang oras.)
Gabriel: (Mapapatingin sa kanyang relo) Nako!.. Mag-aalas-sais na pala. Hindi ko
napansin ang oras ha.
Juanita: Oo nga po Sir e. (Halatang nahihiya pa si Juanita)
Gabriel: Ah.. Juanita san kaba nakatira? Hatid na kita.
Juanita: Nako Sir huwag na po. Eh medyo nakakahiya na sa inyo e. Nilibre niyo na po
ako sa mamahalin na Restautant, nahihiya na po akong sumabay sa inyo.
Gabriel: Huwag ka ng mahiya. Ikaw naman oh.. Para ka namang iba sakin.
Juanita: (Mag dadalawang isip ngunit papayag rin pala siya) hhmm.. Sige na nga po Sir
(Inihatid na ni Sir Gabriel si Juanita sa kanilang bahay)
Juanita: Ah.. Sir diyan nalang po sa may kanto ako bababa..
Gabriel: Ah sigee. ‘teka itatabi ko..
Juanita: Maraming salamat ulit Siiirr.. Ingat po kayo..
Gabriel: (Nakangiti habang papaalis na) Sige.. Sa susunod ulit Juanita.. Salamat sa oras!
(Pag-akyat ni Juanita sa kanilang bahay agad itong sinalubong ng kanyang ina)
Aling Telma: Oh nak.. Sino yung naghatid sayo sa kotse.. Mukang binata ha! Ayusin mo
lang..
Juanita: Nay naman.. Si Siiir… .. Si Sir? (Magtataka dahil hindi niya pala alam kung
anong pangalan ng kanyang manager na lalaki.) Siya pala yung manager ko Ma. Alam
mo ba ma, sobrang bait niya sakin.. Nagkita na nga kami noong una eh.. Siya yung
nabunggo ko nung panahong masama ang araw ko sa First interview ko.
Aling Telma: (Halatang nagtataka sa kanyang anak dahil hindi niya masabi ang
pangalan ng binatang naghatid sa kanya) .. Hhmm.. Manaaageer..
Aling Telma: Sige na, kumain na tayo anak..
Juanita: Maaa.. Busog po ako eh.. Kayo nalamang po ang kumain. Nilibre po kasi ako ni
Sir sa pagkain kanina..
Aling Telma: (lalapitan ang anak at mapapaisip..) Nag daate kayo naaak?..
Juanita: (Magugulat sa sinasabi ng kanyang ina).. Maa.. Hindi po! (magsasalubong ang
kanyang kilay) Kung ano ano na naman naiisip nyo…
(Nagpunta na si Juanita sa kanyang kwarto para makapag pahinga na)
Juanita: Maaa!.. Pagising po ulit ng 5:30am ha. Goodnight ma!..
(Habang nakahiga na sa kwarto niya.. Papaisip si Juamita sa mga nangyari kanina
habang kasama niya si Sir Gabriel)
Juanita: Daaate..? ‘pano namang datee yun.. Eh hindi naman sinasadyang magkita kami
ni Siiirr.. (At mapapaisip ulit sa pangalan ni Sir Gabriel) .. Nagpakilala ba sakin si Sirr..
Bakit hanggang ngayon hindi ko pa siya kilala..
(At makakatulog na siya sa kakaisip..)
(5.30am Alarm Ringiiingg..)
Aling Telma: Juanita.. Bumangon ka na riyan..
Juanita: (babangon sa kinahihigaan niya.. At magrereklamo sa sobrang pagod niya
kahapon).. Aaaray.. Bakit sumakit katawan ko.. Opooo.. ma maliligo na poo..
(Pagkatapos maligo at kumain ni Juanita ay pumasok na ito sa kanyang trabaho)
Juanita: (mapapansin niyang wala pa si Sir Gabriel) .. Hindi ba opening si Sir ngsyon..
Crew #1: Good morning sir Gab!
Crew #2: Hi! Sir, Good Morning po…
Gabriel: Good Morning!
(Hindi napansin ni Juanita na dumating na si Sir Gabriel)
Juanita: Maam.. Pa void po.. Pos 3
Juanita: (Magtatakang si Sir Gabriel ang lumabas) Ay!.. Sss..ir kayo po pala.. Late po
kayo Sir? Di ko po napamsin kayo kanina..
Gabriel: (Masasabi niya nalang na traffic kaya siya nalate, ngunit ang totoo ay napagod
din siya kagabi kaya napasarap siya ng tulog).. ‘Ah! Oo ehh.. Napaka traffic kasi kanina..
(At mapapatingin kay Juanita)..
(Nagpatuloy sa pagtatrabaho si Juanita.. Lunch time na kaya sobrang dami ng customer
nila.. Nakita siya ni Sir Gabriel na hindi na nakangiti si Juanita habang nagtatake ng order
ng customers niya)
Gabriel: Juuuaanittaa!..
Juanita: (Napatingin sa tumawag sa kanya..)
Gabriel: Key Step one tayo… Itinuro ni Sir na ngumiti habang nag tatake ng order sa
customer niya. (Napansin ni Sir Gabriel na ang bagal ng pila sa pos 3. Iyon ang pila kay
Juanita..)
Gabriel: Ano? Kaya pa ba? Ikaw na mag take ng order ako na mag a- assemble.
(Mas lalong ginanahan sa pag tatrabaho si Juanita. Dahi na rin sa tulong ni Sir Gabriel.
Nag nakapag out na ito. Hinanap niya agad si Sir Gabriel upang mag pasalamat at para
malaman niya na rin kung anong pangalan niya.)
Juanita: Aaahmm.. Sir anjan po pala kayo.. Salamat po pala sa pagtulong niyo kanina..
Gabriel: Oh! out kana pala.. Ano kaba, ganoon talaga dapat. Kailangan ng teamwork
para mapadali ang trabaho. Pero minsan dapat kahit walang tumulong sayo. Ngumiti lang
dapat at huwag isiping pagod kana..
Juanita: (Mapapangiti at magpapasalamat na) Salamat po ulit sir.. Una na po ako..
(Paglabas niya.. Nakalimutan niya na namang sabihin ang pangalan ni Sir Gabriel)
Juanita: Ay teka nga! Nakalimutan kong itanong kung aning pangalan ni Sir..
Juanita: (mapapahinto..) ‘Ay.. Bukas na nga lang. Nakakahiya naman kung babalik pa
ako.
(Sa araw-araw na pagpasok sa trabaho ni Juanita lagi na siyang tinutulungan ni Sir
Gabriel sa pagaasikaso ng mga customer niya, at hindi niya akalaing magiging sobrang
close sila nito. Nalaman na rin ni Juanita kung anong pangalan ng binatang si Sir Gabriel
nga. Sa araw-araw nilang magkasama sa trabaho na papadalas narin ang pagyaya ni sir
Gabriel sa dalaga at minsan pa hinahanid rin siya nito sa kanilang bahay.
Juanita: (Phone ring.. ‘Sir Gabriel’ nagtataka kung bakit tumasag si Sir Gabriel ng gabing
iyon.) Hello po.. Sir Gab.. Bakit po pala kayo napatawag?..
Gabriel: Nakauwi kana ba Juanita..?
Juanita: O..oopo Sir.. Sir? may problema po ba kayo?
Gabriel: Waaala naman.. (Kung ano-ano nalang ang nasabi niya gawa ng kalasingan)
Juanita: Asan po ba kayo sir? Pupuntahan ko po kayo!
Gabriel: Dito sa may Restobar malapit sa Mall..
(Agad na nagbihis si Juanita at dali daling bumaba ng hagdan. At mapapansin siya ng
kanyang ina.)
Aling Telma: Juanita san ka pupunta? Gabi na anak ha!..
Juanita: Ma.. Pupuntahan ko lang po yung kaibigan ko. Eh mukang nakainom po ata
eh.. Sige na po ma.. Alis na po ako.
Aling Telma: (Nakatingin sa bintana habang tinitignang paalis si Juanita)
(Agad na pumunta si Juanita sa Restobar na pinagiinuman ni Sir Gabriel)
Juanita: (Nakapasok na siya sa loob) Ang ingay naman.. Ang daming tao! Pano ko
makikita si Gabriel?
Juanita: (Sa may dulong table nakita niya ang mukha ni Gabriel) Parang siya na ata
yun..’ ..Siya nga.. (At nilapitan niya ito). ‘Gabriel ano bang ginagawa mo?
Gabriel: Hiii.. Juanita, sabi ko na pupuntahan mo ko e. Di mo rin ako matiis..
Juanita: Tara na! Umuwi na tayo..
Gabriel: Hindi! Umiinom ka muna kahit isa lang..
Juanita: Ayoko! Hindi ako umi..inom. (Na para bang nanghihinayang sa alak na binigay
sa kanya ni Gabriel.)
Juanita: Halika na! (Inalalayan na ni Juanita si Gabriel dahil sa kanyang pagkalasing)
Bartender: Ma’am? Hindi pa po pala bayad si Sir!
Juanita: Hay nako! Sakit sa ulo nitong lalaking to! Nagiinom pero hindi naman pala kaya!
Tapos di pa marunong magbayad!
Juanita: Wait lang Sir. (dahandahan niyang tatanggalin ang pagkakahawak ni Gabriel sa
kanya. At ilalagay niya muna ito sa sofa para kumuha ng pera.
(Mapapansin ni Juanita na wala siyang dalang wallet kaya tinignan nalang ni Juanita kung
may pera bang dala si Gabriel.)
Juanita: (Nakita niya na ang wallet ni Gabriel) Ito naman pala may pera.. ( Ngunit may
makikita siyang larawan ng babae..)
Juanita: Teka!.. Ako to ha.. Bakit may picture ako sa wallet ni Sir. Parang ito yung ginamit
ko sa pag-aaply ko ng trabaho.
(Kahit nagtataka si Juanita.. Hinayaan muna niya ito. At nagbayad na sa mga nainom ni
Gabriel
Juanita: Ma! .. Maaa.. Pabukas po ng gate..
Aling Telma: Oh! Anak napaano kayo?
Juanita: Yung kasama ko lang po’ Ma.. (Magpapatulong siya sa mama niya na iakyat si
Gabriel sa taas.)
Aling Telma: Ano bang nangyari sa kasama mo ha?
Juanita: Bukas ko nalang po ikukwento sa inyo ma..
(Dinala ni Juanita sa kwarto niya ang binata at binihisan ito.) kinabukasan hindi
nakapasok si Juanita dahil kay Gabriel ngunit bago pa man iyon ay tumawag na siya sa
office nila para mag paalam na hindi makakapasok.)
Juanita: Nagising ka na rin.. Humigop ka muna ng mainit na sabaw..
Gabriel: (Nagtataka kung bakit niya kasama si Juanita at masakit pa rin ang kanyang ulo.
Habang humihigop ng sabaw na bigay ni Juanita)
Juanita: (Isinalaysay niya ang mga nangyari kagabi at doon lang nalaman ni Gabriel ang
lahat pati na rin sa picture ni Juanita na nasa wallet niya.)
Gabriel: Kahit masakit pa ang kanyang ulo gagawa ng kanyang kalasingan kagabi.
Sinabi niya na rin kay Juanita ang totoo.)
Gabriel: Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sayo Juanita… Matagal na kitang
pinagmamasdan nung una tayong magkita sa may labas ng Mall at nabunggo mo ko.
Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Tinawag mo pa nga akong Manong’
diba.
Juanita: (Nakayuko at nakikinig sa mga sinasabi ni Gabriel)
Gabriel: Lagi kitang pinagmamasdan, ang napakaganda mong ngiti ang bumihag sakin..
Pag lagi kitang kasama sa trabaho napakasaya ko at tila ba nawawala ang pagod ko.
Nagtataka nga ako sayo kung bakit hindi mo masasabi sabi ng diretso ang pangalan ko
‘gayong madali lang naman itong bigkasin.. At noong minsang nautusan akong ireview
ang CCTV.. Noong araw na iyon, nakita kitang napulot mo ang nameplate ko. At hinayaan
ko nalang na ikaw mismo ang magbalik nito.
Juanita: Naalala kong may napulot nga akong isang bagay na mabigat.. Sayo po pala
iyon. Hindi ko pa kasi alam ang ibig sabihin ng S’Gabriel eh.. At staka wala namang
naghahanap kaya itinago ko nalang ito.
(Hinanap ni Juanita ang isang bagay na pagmamay-ari ni Gabriel.)
Juanita: Ito nga.. Nahanap ko din..
Gabriel: Salamat nga pala sa pag tago nito. At sa pagasikaso sa akin. Siguro kung wala
ka ay baka doon na ako nakatulog sa Bare na iyon.
(Nalaman na rin ni Juanita ang pag-ibig ng binata sa kanya. Ngunit nag pasya si
Juanitang mag desisyon.)
Juanita: Gabriel..? Alam mo naman na bawal na bawal sa store natin ang umibig ng
Crew dahil magiging issue iyon at baka ilayo ka pa nila sa akin.
Gabriel: Alam ko iyon Juanita.., kaya sana mahintay mo pa ako.

You might also like