You are on page 1of 6

FINAL EXAMINATION

PHILIPPINE LITERATURE

Submitted to:

Madam Maybelle Verzon

Submitted by:

Emmanuel M. Israel Jr. 2-A

LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

By Elynia Ruth S. Mabanglo

Maikling Dula dulaan

By Emmanuel M. Israel Jr.

CHARACTERS:

PANGUNAHING CHARACTER:

Marieta - isang guro, asawa at ina

Berto - iresponsableng asawa ni Marieta

MENOR NA CHARACTER:

Karen - panganay na anak na katulong ni Marieta sa trabaho sa bahay

Marla - pangalawang anak na rebelde at mabarkada

Jun Jun - bunsong anak na tamad mag-aral

Carol - masamang impluwensya kay Marla

Josie - OFW na kaibigan ni Marieta

Dindo - katrabaho ni Berto na isa din masamang impluwensya sa kanya

Benjo - pasaway na estudyante ni Marieta

Ara - babaeng estudyante ni Marieta

1
Marieta: (Nagtuturo) Okay class, our lesson for today is about pronunciations. To begin, Ara read these
words written on the board.

Ara: (Nanalaysay)Pusa ,Aso ,Kabayo ,Kambing . . .

Benjo: (Sumigaw , Tumawa at Nang-asar) Ahaha! Si Mam may chalk sa mukha! Mukha tuloy siyang
ganyan sa mga sinasabi mo Ara! Cat-meow..meow..meow..Ahaha!

Marieta: (Galit) Benjo! Tumigil ka nga! Sit down! Ganyan ba ang natututunan mo dito sa klase ha, ang
mambastos ng nakatatanda sa'yo?!

Abet: (Bumulong bulong) Ngee,ngee,ngee,ngee..

SFX: Tumunog ang alarm ng iskwelahan ng 2 segundo

Marieta: Okay class, recess time na, dismissed na kayo.. See you again tomorrow..

Mga Estudyante: Bye Ma’am, see you tomorrow.

Marieta: Benjo, maiwan ka muna at mag-usap tayo.

Benjo: Ayoko nga! ( Itinulak ang upuan palayo)

Marieta: (Buntong hininga) Haay¦( Inayos ang mga gamit at umuwi)

Narrator: Ako'y isang guro, asawa at ina. Isang babae-pupol ng pabango, pulbos at seda. Kaulayaw ng
batya, kaldero at kama.

Marieta: (Nag-aayos ng mga damit bago maglaba)

Berto: (Binuksan ang pinto, Umupo nagbasa ng dyaryo at nanigarilyo)

Narrator: Iyo't iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera. Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.Naghihintay
siya ng kape at naninigarilyo. Habang kagkag ako sa kuna at libro, nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo
nggripo. Hindi siya nanag-aangat ng mukha. Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata. Hinahatdan ko
siyang brief at tuwalya sa banyo, inaaliw kung mainit ang ulo. Wala siyang paliwanag kung bakit hindi
siya umuwi magdamag, ngunit kunot na kunot ang kanyang noo kapag umaalis ako ng Linggo. Ayaw
niya ng galunggong at saluyot kahit pipis ang sobreng inabot, ibig pa yatang maghimala ako ng ulam
kahit ang pangrenta’y laging kulang. ..

2
Marieta: (Naglakad Papalapit kay Berto at binigyan ng masahe) Nga pala, saan ka nanggaling kagabi?
Bakit hindi ka umuwi?

Berto: (Iritado) Basta! Huwag ka nang matanong! Ano nga pala ang maiuulam 'dyan? Nagugutom ako.

Marieta: Pritong galunggong at saluyot. Teka, ipaghahain kita..

Berto: (Galit) Ano?! Iyan nanaman ang ulam?! Porgang porga na ako sa letseng galunggong at saluyot na
yan!Wala na bang iba?!

Marieta: Wala na eh..Maliit lang kasi ang sinweldo ko ngayong buwan sa pagtuturo. Siya nga pala,
sumahod ka na ba? Bayaran na kasi ng upa dito sa bahay, Idadaan ko na bayad sa upa lalabas sana ako
para magsisimba.

Berto: (Galit)Haaay naku! Lecheng buhay ito oh! Wala ng natirang pag-inom namin ni pareng
Dindo!Hayan!Makalayas na nga, bwesit!(Binalibag ang pinto)

Karen: (Galit)Hoy Marla, iligpit mo nga muna yang mga gamit mo! Aalis ka nanaman, wala ka nanamang
silbi dito sa bahay. Puro ka barkada!Hindi mo ba nakikita si inay ha? Nakukuba na siya sa kakatrabaho
dito sa bahay at school tapos ikaw gimik lang ng gimik!

Marla: (Galit)Oo na ikaw na ang magaling! Mamaya ko na aayusin yan at nandyan na ang mga kaibigan
ko! May lakad pa kami. Inggitera !

Marieta: Ano ba naman kayo, magsitigil nga kayong dalawa! Pagod na pagod na nga ako sa mga gawaing
bahay, dumadagdag pa kayo sa mga problema.

Karen: Nay, sumusobra na kasi itong si Marla, wala nang inatupag kundi barkada. Hindi man lang siya
makatulong dito sa bahay.

Carol: (Sumigaw) Marla, ano ba ang tagal tagal! Kanina pa naghihintay yung boyfriend ko doon sa
sayawan, ano ba?! Sasama ka ba?

Marla: Wala kang pakialam! Feeling mo kung makapag sermon ka ikaw si nanay ah?!At nay, kayo
naman, hayaan niyo na nga ako! Aalis na ako. (Binalibag ang Pinto)

Karen: (Pinahinahon ang Ina) Hayaan na natin siya Inay, magtatanda din yan si Marla pagnapagtanto niya
ang masamang pinaggagawa niya. Tara po, tulungan ko na kayo sa inyong mga gawain.

Jun-jun: (Binato ang Libro at Sumigaw) Ayoko nang mag-aral!Nakakatamad na!

Marieta: Oh anak, anong problema? Halika, tuturuan kita.

Jun-jun: Pagod na ako! Walang kwenta naman ang pag-aaral!(Umalis)

Marieta: (Sumigaw)Anak,huwag mong sabihin yan. Teka..

3
Narrator: Ako’y guro, asawa at ina. Isang babae ,napapagal sa pagiging babae.Itinakda ng kabahaging
masumpa sa walis, labada’t ,yayi, kahit may propesyon at kumikita ng salapi.Iyo’t iyo din ang ruta ng
araw-araw ,kabagutang nakalatag sa kahabaan ng bahay at paaralan,ng kusina’t higaan.

May karapatan ba akong magmukmok? Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot? May beerhouse
atmassage parlor na tambayan ang kabiyak kong nag-aasam.Nasa bintana ako’y naghihintay.Nagbabaga
ang katawan ko sa paghahanap.May krus ang dila koâ€.t di makapangusap.Humihingi ng tinapay ang mga
anak ko,Itinotodo ko ang bolyum ng radio.Napagod yata akoâ€.t nanghinawa,Nagsikap mangibang-lupa.

Marieta: (Nagaantay ng biglang bumukas ang pinto)

Berto with Dindo:(Lasing) Pare, ang ganda talaga nung masahista..Hooh! Tumayo mga balahibo ko sa
kanya! Hmm..

Dindo: Pare, madami pa ako kakilala, next time, balik ulit tayo doon para makilala mo pa ibang mga sexy
at magagandang masahista...

Berto: Sige pare, (Tumatawa)

Dindo: Oh sige pare, mauna na ako ha..

Berto: Sige pare! Salamat hah..

Marieta: (Nawala sa isip ng Makita si berto)

Berto: Oh bakit ka ganyan makatingin ha?! Haay, makatulog na nga!

Narrator: Noon ako nanaginip na nakapantalon,nagpapadala ng dolyar at pasalubong. Nakahihinga na ako


ngayon ng maluwag,walang susi ang bibig ang isip ay bukas. Aaminin kong ako’y nangungulila ngunit
sariling kape ko na ang tinitimpla. Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto,sa telepono nabubusog
ang puso. Umiiyak ako nung una,Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.

Marieta: (Ayos na ayos, nakaupo ng maganda ng biglang bumukas ang pinto)

Josie: (Pumasok at dagling hinalikan siya sa pisngi)Marieta!I’m so happy to see you!

Marieta: Ako din. Maupo ka kaibigan.

Josie: Sa loob nang mahabang panahon, buti naisipan mo na din mangibang bansa at paunlarin
angkabuhayan ng pamilya mo!

Marieta: Kaya nga eh.. siguro talagang nagsawa na din ako sa pagiging martir na asawa kay Berto.
Atnaawa na din talaga ako sa kalagayan ng aking mga anak!

4
Waitress: Mam, here’s your cup of coffee.

Marieta: Thank you.

Josie: Oo nga, mabuti na rin talaga iyan, para matuto din ang magaling mong asawa sa pagpapamilya at
maranasan niya din ang wala ka sa piling niya.Pero, kahit papano, hindi ka ba nangungulila sa pamilya
mo?

Marieta: Siyempre, nangungulila ako sa kanila. Pero, kailangan kong maging matapang at lumaban eh.
Kahit papano naman, sa pagsusulatan namin eh naiibsan ang pangungulila ko..

Josie: Mabuti naman kung ganoon. Oh siya, aalis na din ako agad ha? Tsaka na ulit tayo magkwentuhan,
madami pa din kasi akong gagawin, dumaan lang ako dito para kumustahin ka.

Marieta: A ganoon ba, oh siya sige, mag-iingat ka ha?.Salamat sa pagpunta.

Josie: Walang anuman, paalam.

Marieta: (Napaisip habang tintitigan ang litrato ng pamilya niya)Kumusta na nga kaya talaga ang pamilya
ko?..Sana tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Berto at ng mga anak ko!

Berto: (Ginagawa ang gawaing bahay habang inaalagaan ang kanyang mga anak)Oh mga anak, tara kain
na tayo.

Karen: Wow, Itay, hmm..ang bango ng niluto niyo ha..

Jun-jun: Oo nga, mukhang masarap!

Marla: Siyempre, dapat lang, wala ditto si Inay eh,kaya tama lang na si Itay naman magluto,.

Karen: Ssshh! Marla!

Berto: Karen,hayaan mo na, tama naman ang kapatid mo eh, marami akong pagkukulang sa inyo kaya
siguro nagkaganito ang pamilya natin. Hayaan ninyo, pangako, mula ngayon, magiging mabuti na akong
ama sa inyo.

Mga anak: Talaga Itay? Pangako?

Berto: Oo mga anak, pangako.

SFX: Tumunog ang Cellphone

Karen: (Nasabik)Si Inay tumatawag! Hello.. Nay!Kumusta na po kayo?

Marieta: Anak, mabuti naman ako dito, kayo kumusta â€.dyan? Ang mga kapatid mo-sila Marla at jun-
jun, kumusta? Nag-aaral na ba silang mabuti?

Marla: Opo Inay, totoo iyong sabi ni ate, miss ka na naming, hayaan niyo po nagbago na po ako, hindi na
po ako madalas lumabas nang gabi at makipagbarkada.

5
Jun-jun: Ako din po Inay, nag-aaral na din po akong mabuti at matataas na rin po ang mga grades ko.

Marieta: Naku, mga anak, mabuti naman kung ganoon… Miss na miss ko na din kayo..

Karen: Nay. Si Itay daw po kausapin kayo!

Berto: Marieta?..Kumusta ka na?..Miss na miss ka na namin ng mga anak mo. Patawarin mo ako sa lahat
ng nagawa ko. Patawad kung hindi ako nagging mabuting asawa at responsableng ama sa pamilya natin.
Patawad. Nagsisisi ako at nais kong ituwid na ang lahat.. Ang hirap pala kapag wala ka, hindi ko alam
kung paano mabuhay nang di ka naming kapiling.

Marieta: Berto, mabuti naman at napagtanto mo na ang mga kasalanan mo. Matagal na kitang napatawad.
Mas maigi na ginawa ko ito dahil nagging maayos ang pamilya natin. Malapit na akong umuwi,
magkikita na din tayong muli bilang buo at masayang pamilya!

Berto at mga anak: (Nagyakapan ang Isa’t isa)

Narrator: Ito lamang ang sagot, bayaang lalaki ang maglaba ng kumot!

Ipinahahayag ng tula ang karaniwang katayuan ng kababaihan sa ating lipunan na kung saan kadalasan
siya ay isang ina, propesyunal at maybahay, at kung saan din madalas ay ginagampanan niya ang lahat ng
ito. Madalas hinahadlangan niya ang sariling pagunlad para sa kapakanan ng iba at may maraming
pagkakataon ay hindi din napapansin ang kanyang mga ginagawa at pasakit. Dito din ay ating mapupuna
na ang mga kababaihan ay may karapatan ar maari ring umunlad sa ibaâ€.t-ibang personal na aspeto kung
kanila lamang nanaisin.

-The End

You might also like