You are on page 1of 5

Characters:

Script
(Intro music radio)
Dj: Narito tayo ngayon sa panibagong programa ng (____) ako si dj (_____) ang inyong
lingkod maglalahad ng isang kwento na magpapa antig saating damdamin.

(Music)

Dj: Ang kwento na ibabahagi natin ngayon ay galing sa isa nating kababayan na itago natin
sa pangalang Bethany. Sya ay isang OFW na umibig, sinaktan, at inabuso ng kanyang
sariling amo.

Naalala ko noong una kong pag apak sa lupain ng dubai, akala ko ito na ang magandang
simula ng aking pag-ahon pero ito pala ang magdadala sakin sa madilim na kalbaryo.

Bethany: Sa wakas matutulungan ko na din ang mga magulang ko, kakayanin ko to para sa
kanila at para sa pangarap ko.

Hinahanap ko ang pamilyar na mukha na kasamahan ko din sa pag trabaho, naglilibot ang
mata ko napatigil ako nang may sumigaw sa likuran ko.

(........)

Martha: Bethany!, kamusta kana! Ano excited kana ba makita ang pag ttrabuhan natin.

Bethany: Oo naman martha matagal ko na kayang hinihintay na mapunta sa ibang bansa


nohh

Matagal ko nang kaibigan si martha parang magkapatid nadin namn kami, sya ang
tumutulong sakin kapag may problema ako, sya din naman ang nag turo sakin na pumasok
dito dahil malaki ang kita sa kada buwan. Pumunta kami sa isang galanteng bahay na pag
ttrabuhan namin.

Bethany: grabee ang ganda namn pala ng bahay ng amo natin.

Martha: Oo pero sinasabi ko sayo ngayon palang na anggg sungit ng amo natin kaya mag
ingat ka baka pag initan ka rin non.

Kinuwento sakin ni martha na matagal ng wala ang asawa ng amo namin pero may anak na
ito. nilibot ko ang aking mata sa paligid at nakita ko ang malaking picture frame ng isang
batang lalaki na sa tingin ko ay nasa tatlong gulang na. Napatigil ako nang may
maramdaman akong presensya sa likod ko napalingon ako at.

Bethany: magandang umaga po sir!


Ayy i mean good morning sir.
(____): Am i paying you for just looking around the house.

Martha: I'm so sorry sir, she's the new nanny that i refer.

(____): Then show her what to do, don't just stand there.

Hindi ko inaasahan na ganun ang unang pagtatagpo namin masyado siyang masungit peroo
aaminin ko namn na nagagwapohan ako sakanya.

(Kinabukasan)

Nagising akong maaga para maglinis ng bahay ngunit sa hinding inaasahan na pangyayari
na sagi ko ang vase na alam kong mamahalin (sound effects).

(____): What's the meaning of this? Did you know that's expensive!

Bethany: I'm sorry sir, i accidentally drop the vase.

(___):I don't care did you know that cost a millions.

Bethany: sir can you deduct it to my salary, I'm really sorry sir.

Sinubukan kong pulutinn yung mga pirapirasong bubog pero nasugatan ako nito.

(___): you're so careless, you should use your brain sometimes.

Nagulat ako nang hinawakan niya ko gamit ang malambot niyang kamay at don nag simula
ang pag hanga ko sa lalaking ito.

Dj: Anong masasabi niyo mga ka tunga


ano dapat ang gawin ni Bethany sa ganun na mga oras? Dapat ba niyang ihinto ang
nararamdaman o patuloy niya lang mahalin ang amo niya?

Sa pag lipas ng ilang buwang paninilbihan ko dito, tuloyan nang nahulog ang puso ko sa
kanya kahit anong pigil ko, hindi ko maiwasan na mahalin ang katulad niya.

Maaga akong gumising dahil kailangan ko pang ipagluto ang anak ng amo ko. Nang
matapos ako mag luto pumunta ako sa kwarto ni (anak ni boss) at ginising ito

Bethany: (name) good morning, you should wake up already you have to go to school(in a
soft voice).

(Name): But it's so early, please give me a minute

Bethany: Baby you have to wake up you'll be late again, do you want your daddy to scold
you hmmm.( Soft voice)
(Name): Okay mommy

Sa pag trabaho ko dito ng ilang buwan napalapit nadin ang loob ko sa bata naalala ko
noong tinanong ako nito na kung pwede ako nalang ang mommy niya at dahil sa awa hindi
na ako nakapag tanggi. Hinahanda ko ang almusal sa lamesa habang nakaupo ang mag
ama sa mesa.

(____): Bethany take a seat, when we're eating you should join us.

Bethany: but sir, your rules says (walang sasabay samin ng anak ko kumain)

(____): you're an exception, and from now on please, stop calling me sir call me by my
name.

Napatango nalang ako sa utos niya hindi ko mabuka ang bibig dahil sa pagka bigla hindi ko
alam kung ano ang iniisip nito at maslalo niya lang ako pinapaibig sa kanya. Sa ilang
buwang pag sisilbihan ko dito, nararamdamn ko na hindi na siya kasing sungit ng unang
pagkikita namin.

(___): we have to go now (son name) you don't want to be late again don't you. Bethany we
have to go now take care of the house.

Mabilis lumipas ang mga araw at napapansin kong may kakaiba na sa mga kilos ni (boss) at
paglipas ng ilang buwan sinabi niya sakin na mahal niya ako dahil sa emosyon nasabi ko rin
ang nararamdaman ko para sa kaniya at nang gabing iyon nangyari ang isang bagay na
hindi ko akalaing magagawa ko.lumipas ang ilang liggo ng mapansin ko na iba na ang mga
kilos ko doon ko nakumpirma na nabuntis ako dahil sa gabing iyon, sinubukan ko itong
sabihin sa kaniya.

Bethany: (name) can i talk to you, i have something to say.

(___): Sure, What do you want?


Bethany:

Bethany: I'm pregnant

(___): you're joking, right?

Bethany: No I'm not. I'm scared what am i going to do.

(___):Abort it! I don't want to see you in my house with that and im warning you, no one must
know!

Simula non nagbago na sya, minamaltrato niya ako pinagbubuhatan niya ako ng kamay at
pinipilit niya akong ipa aborta yung bata, naalala ko ang gabing paulit ulit niya akong
sinusuntok ang dahilan ng pagkawala ng bata sa sinampupunan ko. Hindi ko sya
mapapatawad sa ginawa niya sakin. Dahil sa pagkawala ng anak ko may mga gabing hindi
ako makatulog at may mga gabing nabibingi ako sa mga boses na paulit ulit na naririnig sa
aking ulo.

Gabi noon at hindi ako makatulog ng may narinig akong mga yapak na papalapit saakin,
nakita ko ang mukha na tila may binabalak, unti- unti niya akong linapitan, hinawakan nang
mahigpit aking kamay. Pilit na hinuhubad ang mga damit ko, muling naalala ko ang unang
pagkakataon na gawin namin ito, ngunit ngayon poot at matinding paghihinagpis ang
nararamdaman ko.

Bethany: please stop, no stop it!

(___): Stop struggling! Be quiet

Sinubukan kong abotin ang lampara sa tabi ko nang maabot ko ito inihampas ko ito sa ulo
niya ng paulit- ulit hindi ko na napigilan ang sarili ko ibinuhos ko lahat ng galit, para sa anak
ko paulit-ulit ko itong hinampas sa ulo niya.

Napahinto ako ng marealize ang ginawa ko unti unti kong nabitawan ang lamapara
nanginginig ang kamay ko dahil sa nagkakalat na dugo, Hindi ko sinasadya ang unang
tumatak sa aking isip, napatulala ako at unti-unting bumagsak ang mga hindi mapigilang
luha, hindi ko alam kung ano ang gagawin.

(After years and years)

Ngayon ay linalabanan ko parin ang trauma dulot sa mga nangyari noon, namatay ang amo
ko, at ako ang kumopkop sa anak ng amo ko hindi ko ito kayang iwan sa sa bahay-ampunan
dahil napamahal nadin saakin ang bata at sa gusto din nitong magpa ampon saakin.
humarap ako sa korte ng dubai at naipanalo ko ang kaso.

Habang lumalaki ang bata nagtatanong din ito tungkol sa ama niya at di ko alam kung
sasabihin ang totoo sakanya o magsinungaling nalang. Hanggang dito nalang ang aking
ikukwento salamat dj(____) sa pag bahagi ng aking kuwento.

You might also like