You are on page 1of 7

[HAPPY MUSIC]

Miaka: hello Romanians and welcome back to 11.18 radio Romania! [ CLAPS WITH CHEER SFX] I am your
mamshie, mamshie miaka and today we will feature again another heart felt story from our dearest
Romanian, clara. [ CLAPS WITH CHEER SFX] Stay tuned!

[MINUS ONE #1]

Jerome: stories about love, hope and life. Here on, 11.18 Radio Romania love stories.

*Love storieeees*

[OST OF A LOVE SO BEAUTIFUL MINUS 1]

Miaka: our story for today will focus about a girl who has a huge crush on her neighbor, have you ever
had a crush on your neighbor? The feeling that your day isn’t complete if you don’t see him even just for
a second? That’s the same feeling of our sender today, clara. Join me as we journey the story of clara
and her crush only here on 11.18 RomaniaRadio love stories.

[WHERE DO I BEGIN]

Miaka: dear mamshie, tuwing umaga pagkagising ko bago magasikaso ay sisilipin ko na siya sa bintana
ng aking kwarto. Magkalapit lang kasi kami ng bahay ng crush ko. Actually kapitbahay ko siya at
Kababata. siya ang palagi kong kalaro noon pa man, kaya’t nakapagtataka kung papaano na ang
pagkakaibigan namin noon ay nauwi sa hindi namin pagpapansinan ngayon. Napaka gwapo niya
mamshie. Siya na siguro ang tataob sa lahat ng lalaking pinagpala ng kagwapuhan. Madalas pa kaming
nagkakangitian noon tuwing kami ay magkakasalubong sa daan pero nung highschool, kung gaano kami
kaclose noong kami ay mga bata pa ay siya namang tumal ng aming pagpapansinan. Hindi naman sa
hinihingi kong makipaglaro muli ito ng paborito naming nilalaro noon na bahay bahayan sa akin na kung
saan ako ang nanay at siya ang tatay kasi mga dalaga’t binata na kami. Pero mukang ibang laro na ang
ginagawa namin ngayon. Alam niyo yun, tagutaguan. Tagutaguan ng feelings. Hindi ko alam kung kailan
ako nagkacrush sa kaniya basta isang araw nalang ay natagpuan ko na ang sarili kong nagaayos ng aking
itsura tuwing ako ay lalabas at makikipaglaro sa kaniya, natutuhan ko na ring magsuot ng baby bra noon
at pamisan pa ay ninanakaw ko pa ang paubos ng lipstick ni mama at ipinapahid ito sa aking mga labi
atsaka lalabas ng aming bahay.

[MAHAL KA SA AKIN]

[COMMERCIAL]
-
-
-

[OST A LOVE SO BEAUTIFUL MINUS ONE]

Jerome: Radio Romania love stories returns only here on 11.18 Radio Romania
Nakatatlong katok ako sa pintuan nila owen. Oo mamshie, pumunta ako sa bahay ng crush ko. Hindi ko
alam kung ano bang pumasok sa isip ko at kung saan ko ba nakuha ang napakaraming lakas ng loob para
gawin ito. Basta ang alam ko lang, gusto kong subukan muling ibalik ang dating closeness namin ng aking
crush slash kababata.

Jas: uhm..hi?

Lester: ah, hi.

Jas: ano kasi eh..

Lester: yes?

Jas: t-toyo..

Lester: ha? Toyo?


Jas: o-oo… ano kasi.. hihiram sana ako ng toyo..

Lester: toyo? Hindi ko lang alam kung meron kami sa kusina pero gaano ba karami ang kailangan mo?

Jas: ..ahm.. ano..

Lester: clara? Ayos ka lang ba?

Jas: ano.. bibilhin ko nalang…

Lester: hindi naman kailangan clara, sandali titingnan ko kung meron ba kami.

Jas: ano! Sandali! Wag na pala…

Lester: ha? Akala ko ba kailangan mo.

Jas: h-hindi, hindi na pala. S-sige una na ko!

Miaka: tumakbo na ko paalis at sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Jusko! Lupa lamunin mo nalang ako!
Ng akala ko ay tapos na ang kahihiyan na magagawa ko ay bigla akong natapilok na dahilan para
mapasigaw ako ng malakas na ‘ay !” alam kong narinig iyon ni owen at para hindi niya makita
ang mala kamatis kong mukha ay hindi na ako lumingon pa pabalik sa kanilang bahay at naglakad nalang
na para bang walang nangyare, kahit sa totoo lang ay sobrang sakit ng paa ko sa pagkakatapilok at pinilit
ko nalang maglakad ng diretso kahit na paika ika ako.

[PAGKAKATAON BY SHAMROCK]

Dumeretso agad ako sa bahay mamshie. Kinuha ko ang aking cellphone atsaka sinearch sa fb ang fb
account ni owen. Napaka rami niyang kapreho ng pangalan kung kaya’t medyo nahirapan ako, pero dahil
magaling ako sa pagiistalk ay agad ko namang nahanap ang account niya. Nakaprivate ito at tanging
profile picture niya lang ang makikita ko. Napaka pogi niya doon mamshie. Meron itong 579 likes at
reacts at karamihan doon ay puro puso ang nireact ng kaniyang mga kaibigan sa fb. Sa kakaunting
impormasyon na meron sa kaniyang fb ay nakita ko pa doon na single siya. Kaloka. May pagasa pa mga
bakla. Sinave ko ang picture niya noon atsaka ginawang wallpaper.

[GUSTO KITA BY BAILEY MAY]

[COMMERCIAL]
-
-
-

[OST A LOVE SO BEAUTIFUL MINUS ONE]

Jerome: Radio Romania love stories returns only here on 11.18 Radio Romania

I was so tired when I went home from school. We had our ballroom practice in our pe subject and we
are required to wear heels. Masakit na ang paa ko nung nakaraan pa dahil sa kahihiyan ko kay owen at
nadagdagan pa siya ngayon. Minutes passed by and I noticed owen’s gate opened. Niluwa noon si owen
at ang isang babaeng makakapagpababa talaga ng self esteem ng ibang babaeng katulad ko. Ang ganda
mga bes. Nagngitian sila noon at nagbeso pa bago tuluyang umalis yung girl. Pasimple pa akong
nagaayos ng bag para hindi mahalatang pinanunuod ko silang dalawa. Kumirot ang aking puso at parang
gusto kong tanungin noon si owen kung sino ba ang babaeng yoon. I hurriedly went inside our house
before owen could see me.

[PAANO NA KAYA BY BUGOY DRILON]

Jas: sige na mama, papahiram na muna ako kahit 25 pesos. Pang fb lang naman eh.

Joy: tigilan mo nga ako clara ha, kabibigay ko lang sayo ng panload last week eh.

Jas: eh mama naman eh, lastweek pa yun. Ubos nayun syempre

Joy: aba, ubos na rin ang pasensya ko sayo.

Jas: mama naman eh, kahit ako na ang maghugas ng plato mamayang gabi.

Joy: anong sinasabe mo eh ikaw naman talaga ang tagahugas ng plato.

Jas: ako magpapakain ng mga aso mamaya.

Joy: diet ang mga aso natin.

Jas: mama naman. Sige na kahit ibawas mo na sa baon ko bukas.

Joy: o siya siya. Kumuha ka na don sa wallet ko sa mesa. Ibabawas ko yan sa baon mo bukas ha, maayos
na usapan yan.

Jas: opo ma, magpapaload lang ako.


Para lang malaman ko ang tungkol sa babaeng kasama ni owen ay isinugal ko pa ang baon ko para
bukas. After ko magpaload, I immediately searched again owen’s facebook account. Since I don’t know
the girls name, I checked the people who reacted on owen’s profile picture. nagdasal ako noon
mamshie. Nanalangin na sana, hindi girlfriend ni owen iyon. Inuna ko ang mga taong nag heart sa
kaniyang dp at agad ko naman nakita ang babaeng nakita kong kasama ni owen kanina. Kahit sa picture
ay talaga namang kahanga hanga siya. Mestisa at may padimples pa si ateng. Ano nga ba ang panama ko
doon eh isa lamang akong babaeng mukang patatas. Nung nagpaulan siguro ng kagandahan noon ay
nasa labas siya at masayang nagtatampisaw sa ulan, habang ako ay hindi pinayagan ni mama at
pinaghugas na lamang ng mga pinggan. Di tulad ni owen, nakapublic ang account niya kaya’t Malaya ko
siyang inistalk at nakita ko ang napakarami niyang selfies na hindi bababa sa 800 ang mga likes noon. As
I was stalking her, I saw a couple of group pictures of her with owen and their classmates but I never
saw a picture of them together. Nakahinga ako ng maluwag. Sa kabuuan ng aking pagiimbestiga ay hindi
naman pala sila magjowa ng aking owen my loves.

Nagayos akong mabuti ng aking sarili. Nagdress pa ko ngayong araw kahit na dyan lang ako kina owen
pupunta. Oo. Tama kayo. Susubukan kong muli na magkaroon ng matinong paguusap kay owen.

Lester: oh, clara san ang lakad?

Jas: ha? Ano…grabe ka naman, muka ba akong aalis? Ganito lang talaga itsura ko paglumalabas ng
bahay.

Lester: ganun ba, akala ko may lakad ka eh, may.. kailangan ka ba?

Jas: ah ano kase..nanghihiram lang si mama ng kawali na medyo malaki, baka meron daw kayo?

Lester: hmm.. meron ata kami kaso di na namin masyado nagagamit kaya malamang ay sobrang dumi
noon.

Jas: ayos lang, kayang kaya ko hugasan yan.

Lester: ano ba ang lulutuin niyo?

Jas: ahm…. D-di ko kasi alam kay mama eh..

Lester: ah sige, hanapin ko lang sa loob. Pasok ka na muna.

Jas: a-ay hindi na, h-hintayin nalang kita dito.

Lester: sigurado ka? Bibilisan ko nalang.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama na nanghiram ako ng kawali at ginamit ko pa siya para
lang mahiram ito kina owen para makausap ko lang ito muli. Hay kung alam lang ni owen ang
katotohanan, ang totoong dahilan kung bakit ako nagpunta sa bahay nila. Hanggang ngayon ay di ako
makaget over sa paguusap namin ni owen. Kahit hindi naging mahaba ang paguusap namin ay
Pakiramdam ko , unti unti na talaga kaming bumabalik sa dati ng kami. Ay, hindi nga pala kami. Pero
dun rin naman siguro papunta yon diba? Char. Biro lang. Alam kong konting kembot nalang at magiging
close na kami ulit at hindi ko mamadaliin ang mga bagay bagay. Baka pwede na uli kaming magbahay
bahayan or mas okay kung ibabahay niya ko. Charot lang ulit. Pero why not diba? Baka sa susunod na
pagkatok ko sa bahay nila ay hindi na kawali o toyo ang ibibigay niya, kundi ang puso na niya.

Inadd ko na sa fb si owen, makalipas ang ilang minuto ay tiningnan ko ang aking facebook para tingnan
kung inaccept na ba niya ako. Pero hindi parin. Naghintay uli ako ng mga kalahating oras pero bokya
parin ako dahil wala paring notification na magfriends na kami. Kinancel ko na muna ang request at muli
itong inadd dahil baka hindi niya lang ito nakita. Nag fb muna ako para libangin ang aking sarili at di ko
na namalayan ang oras. Ngunit sa kabila noon, wala paring pagaccept ng fs si kuya crush. Sumilip ako sa
bintana ng aking kwarto at nakita ko naman na nakaharap si owen sa kaniyang computer. Baka busy.
Yun nalang ang naisip kong pampalubag loob sa aking sarili. Sana nga ay busy talaga siya. Lumipas pa
ang ilang oras at wala parin. Naging busy na rin ako sa mga sumunod na araw. Marami ang Gawain sa
school at panay ang pagpapractice namin, pero kahit ganoon ay walang araw na hindi ko tiningnan ang
aking sinend na fs kay owen. Isa, tatlo, lima, limang araw na ang lumipas at hindi parin talaga niya ko
inaccept. Hay. Bakit kaya siya ganoon. May roon naman kaming pinagsamahan noon pero it always feels
like im a complete stranger.

[TANGA/PAASA BY YENG CONSTANTINO]

Kinabukasan ay nilakasan kong muli ang aking loob at minessage si owen sa messenger. Maikli ngunit
malaman ang aking mensaheng ipinahatid sa kaniya. ‘hi owen, si clara tong yung kaibigan at kapitbahay
niyo, accept mo naman yung fs ko hehe, salamat!’ naghintay ako ng reply sa kaniya pero sineen niya
lang ako. Naghintay pa ko ng saglit pero wala. Deadma king na nga, seener pa.nainis ako noon. Kapag
hindi pa niya ko inaccept hanggang bukas ay kokomprontahin ko nalang siya, at yun na nga ang
nangyari.

Kinabukasan ay nagtungo akong muli kina owen.

Jas: may luya kayo dyan?

Lester: oh clara, ahm..hindi ko lang alam eh..manghihiram ka ba uli?

Hindi ko naman talaga kelangan ng luya pero yun nalang ang naisip ko na Segway para makausap siya.

Jas: ah oo eh, ibabalik ko naman. Meron ba kayo?

Lester: hahaahha oo, sige ayos lang pasok ka na muna.

Di tulad nung nakaraan ay tinanggap ko ang paganyaya sa akin ni owen sa loob ng kanilang bahay. Hindi
ako makangiti ngayon sa kaniya dahil sa isip ko, para kaming magkaibigan sa tuwing kami ay
magkakausap sa personal pero sa social media ay dedma naman ako sa kaniya.

Lester: maupo ka na muna

Sabi sa akin ni owen pagkarating sa kanilang salas, pero bago pa siya makaalis papuntang kusina ay
nagsalita na ako.
Jas: ah owen, bakit di mo parin ako inaccept sa facebook? Ang tagal na nun e hahaahah wala ka naman
siguro galit sa akin diba?

Napakamot ng ulo si owen na para bang walang alam sa mga sinasabi ko. Etchusera siya masyado.

Jas: magkaibigan naman tayo dati diba, palagi pa nga tayo hati sa pagkain na binibili ko at madalas rin
tayong maglaro noon. Nakakatampo lang na bigla ka nalang umiwas simula nung maghighschool na
tayo.

Lester: ah..clara, bihira ako magfacebook eh, nung nakaraang buwan pa nga ako huling nagfacebook.

Jas: ano bang sinasabi mo e kahapon lang sineen mo ang message ko sayo sa messenger. Papaanong
nung nakaraang buwan ka pa nagbukas ng fb mo?

Lester: clara, baka si alex ang nagbukas ng fb ko noon.

Jas: sino si alex?

Ilang Segundo itong natahimik atsaka sumagot

Lester: y-yung….y-yung long time boyfriend ko.

Hawak hawak ko ang cellphone ko at nakabukas ito habang maliwaanag na ipinakikita ang wallpaper ko
parin na owen.

Jas: kainis ka! Lalaki rin pala ang bet mo! Ang tagal rin kitang pinantasya bes. Kaya pala mas onfleek pa
ang kilay mo kaysa sa akin. Kaya pala madalas kang naka fierce at kung hindi naman ay nakapout sa iba
mong mga picture. nakakaloka!

Idedelete ko na sana ang picture niyang iyon sa gallery ko pero naisip kong huwag nalang muna. Pero sa
tuwing naaalala ko na may roon na itong boyfriend ay naiinis uli ako. Napatingin ako sa aking bintana at
nakita ko siya doon na bagong ligo at nagsusuklay ng kaniyang buhok. Bakit nga ba hindi ko agad nakita
na kasisteret ko pala ito simula palang. Kaya pala gustong gusto nito na dinadala ko ang mga Barbie ko at
lutulutuan sa tuwing kami ay maglalaro ng bahay bahayan. Gusto ko magalit sa kaniya pero sa tuwing
naaalala ko ang mga pinagsamahan naming noon ay hindi ko naman siya masisisi kung bakit rainbow ang
kulay ng daan na tinatahak niya. Siguro ay hindi lang talaga kami meant to be. Habang tinitingnan ko
siyang nagaayos at natatawa nalang ako at naloloka. Isipin mong ang napaka gwapo kong crush slash
kababata ay mas julantay pa kaysa sa akin. Na baka kaya hindi siya nahuhumaling sa shade ng aking
lipstick ngayon ay dahil may mas marami pa pala siyang lipstick na may magandang kulay kaysa sa akin.
Muli ko siyang pinagmasdan at napangiti. Crush ko parin siya kahit na magbago pa ang kaniyang
kasarian. Pinatay ko na ang aking cp atsaka lumabas ng aking kwarto.

[BEFORE I LET YOU GO]

This is to all the people who have also felt a heartbreak from your crushes. We may always force to get
what we want and end up not having it but for some reason, you always have to trust Gods will. Maybe
there is more in what is planned for you than what you have planned for yourself. It may take a while
but it is always worth the wait in Gods perfect timing. Again, I am your mamshie, mamshie miaka and
that ends the our story for today. I would like to thank all of my avid listeners and let us meet again till
next Monday for another heart warming story only here on your one and only RADIO ROMANIA LOVE
STORIES.

[A LOVE SO BEAUTIFUL OST]

You might also like