You are on page 1of 166

I Watched Him Fall For Someone Else (COMPLETED)

by beeyotch

I was 21. I just got out of college. I wanted to explore the world. I wanted to go
to the US and travel around Europe. Tapos maiyak at matakot kasi naliligaw ako sa
isang bansa na hindi ako pamilyar. At siguro, tumira sa Thailand for a year or two.

I also wanted to work three jobs at a time. Gusto kong maranasan na mahirapan sa
pagbabayad ng rent sa apartment. Gusto kong makaaway iyong landlady ko kasi ubod ng
sungit. I also wanted to adopt a dog and complain because I couldn't take care of
it.

He wanted to settle down but I wanted to do so many things in my life. Magkaiba


iyong priorities namin.

Still, I asked him to wait. That maybe after a year or two, we could talk about
it again. Ang selfish ko pero gusto ko kasi na kapag ayos na ako, nandyan pa rin
siya. There's the comfort in knowing that after all of this, he's still there,
waiting for me.

But two years, seven days, three hours, five minutes, and thirty seconds later, I
was in a church.

I watched him get married to someone else.

=================

End of an Era

#IWHFFSEIntro || End of an Era

Nakaupo lang ako habang hinihintay ko si Benny. Kakatapos lang kasi ng university
graduation namin kaya nagutom ako. Tatlong oras ba naman kaming naka-bilad sa araw
tapos ni tubig, nakalimutan ko pang bumili. Ayan tuloy, halos dehydrated na ako
nung masabi nung speaker iyong huling salita ng speech niya.

But still, Padayon!

"Babe, same order?" tanong sa akin ni Benny habang naka-pila siya.

I nodded. He smiled.

But somehow, something felt weird...

Pagbalik niya sa lamesa, dala niya iyong order namin. Iyong usual pa rin naman.
Italian deepdish pizza para sa akin at saka lasagna para sa kanya. Ganun pa rin
naman. Wala namang pinagbago sa dati naming kinakain. Ito pa rin naman 'yung
nakagawian namin.

"Congrats, babe!" sabi niya at saka may inabot sa akin.

"Gift again?"

Umiling siya.

"Bigay ni Mama," he said and beamed. "Sobrang sorry daw na hindi siya nakapunta sa
grad nating dalawa. Sana pala lagi na lang nakokonsensya si Mama, e! Ang galante!"
sabi niya na natatawa pa. Hindi kasi naka-rating si Tita dahil hindi na-approve
iyong vacation leave niya. Na-curious tuloy ako dahil hindi naman talaga mahilig
magbigay si Tita ng regalo. Kuripot kaya 'yun kahit na head nurse na sa hospital sa
Canada.

Madali kong binuksan iyong box. Itinaas ko iyong susi na naka-lagay sa loob.

"Ano 'to?"

Ngumisi lang si Benny.

"Ubusin mo muna 'yan tapos punta tayo after," he said at saka inagaw sa kamay ko
iyong susi at saka binalik sa box. Napatungo na lang ako at saka pinagpatuloy iyong
pagkain. Pero nawalan

na ako ng gana sa pizza ko.

After a few minutes, natapos na rin kami sa pagkain. Hindi ko masyadong nagalaw
iyong pagkain. Weird talaga e paborito ko naman 'yun.

"May mali ba? Iba ba 'yung sauce ng pizza mo?" Benny asked habang kinuha iyong
tinidor ko at saka tinikman iyong deepdish ko.

"Okay naman..." I answered.

"Bakit 'di mo naubos? Masarap naman."

I shrugged. Hindi ko rin alam, e. Baka isa ito sa mga unanswerable questions sa
buhay ko. Ewan.

Lumabas na kami mula sa resto at saka sumakay sa sasakyan niya. Sobrang excited ni
Benny. I kinda felt bad because I couldn't share his excitement. Ang weird ko naman
kasi ngayon! Cum Laude naman ako sa Interior Design tapos si Benny, Magna Cum Laude
pa sa Civil Eng! Dapat nga masaya ako ngayon, e.

Benny was humming to his favorite song. Iyong Pangarap Lang Kita ng Parokya ni
Edgar. Sugo talaga ni Chito Miranda si Benny.

"Ang saya mo ngayon, no?"

He beamed.

"Syempre naman. After four years, tapos na tayo. Sino ba naman ang hindi magiging
masaya? E halos igapang na natin 'yung last year natin sa UP."

"Tss. Ako lang 'yung gumapang, Benny. Lumipad ka kaya," I said and then he laughed.
Dapat kaya five years ang degree niya pero dahil matalino talaga si Benny at suki
ng summer class at overload, nasabayan niya akong grumaduate.

"Sinamahan kitang magpuyat, grabe 'to!"

"Clingy ka kasi," I rebutted. "Kahit tapos ka na sa plates mo, nagpupuyat ka pa rin


para bantayan ako."

"E baka kasi bigla kang magutom. Sino magluluto ng pagkain mo? Wala ka pa namang
kwenta sa kusina," he

said and I snarked at him. He just laughed heartily and then kissed my knuckle.
Halos matapos namin iyong album ng PNE nung makarating kami sa isang subdivision.
Nagsimulang kumabog iyong puso ko.

"Hi, boss! Siya ba?" tanong nung guard.

"Oo, boss. Ganda, no?" sabi naman ni Benny. Nagthumbs up iyong guard at saka pina-
tuloy kami papasok sa subdivision.

Ewan ko pero napa-kapit ako sa seatbelt ng inuupuan ko. Mayamaya, huminto kami sa
tapat ng isang bahay. Wala pang pintura. Wala pang masyadong naka-lagay. Halos
skeleton pa nga lang, e.

"Benny..."

Tinignan ko siya. Naka-tingin siya sa akin. Naka-ngiti siya.

"Skeleton pa lang naman 'to kaya kung may gusto ka pang ipa-bago, pwede pang
baguhin. Ibibigay ko 'yung blue print sa 'yo bukas para makapag-isip ka na rin kung
ano ang design na gusto mo para sa bahay. Ideally, siguro five rooms ang kasya
dito. Master's bedroom para sa ating dalawa tapos dalawang room naman para sa anak
natin. Isang guest room kasi sigurado ako palaging makiki-sleep over dito iyong
best friend mo, e mas clingy pa sa akin iyon pagdating sa 'yo. Tapos iyong isa
naman, maid's quarter," mahabang paliwanag niya.

"Don't worry, si Mama naman ang magbabayad ng lahat ng gagastusin. Gustung-gusto ka


talaga nun, e! Iyon kaya ang pinaka-natuwa nung sinabi ko na magpo-propose ako sa
'yo! Kaya nga sa akin ibinigay iyong family heirloom imbes na kay Ate, e," sabi
niya na natatawa pa.

"Kung hindi rin daw ikaw ang papakasalan ko, 'di daw siya aattend. Tignan mo? Mahal
na mahal ka talaga ni Mama."

Parang natuyo bigla iyong labi ko. It felt like my whole

life flashed in front of me.

I was 21. I just got out of college. I wanted to explore the world. I wanted to go
to the US and maligaw sa Europe. And maybe live in Thailand for a year or two.
Tapos kumain ng mga exotic food. I wanted to work three jobs at a time. I wanted to
live in a crappy apartment. I wanted to adopt a dog and complain because I couldn't
take care of it.

I wanted to do so many things in my life. Ang dami pa.

"Benny..."

Tinignan niya ako. Parang hindi ko masabi iyong mga gusto kong sabihin. Paano ko
sasaktan ang lalaki na 'to? He had done nothing but to love me.

"Hmm? Ayaw mo ba sa bahay? Plan pa lang naman 'to. Pwede mo pang baguhin, promise.
Ako naman ang engineer dito. Alam mo naman na ikaw palagi ang sinusunod ko," sabi
niya tapos kinurot niya iyong pisngi ko.

Kinagat ko iyong ibabang labi ko. I sighed. Napansin niya na seryoso ako.

"Babe..."

I looked at him. My insides were churning.


"Benny..."

Paulit-ulit ko lang sinasabi iyong pangalan niya. Iyon lang kasi iyong kaya kong
sabihin. I couldn't verbalize the thoughts in my head. I didn't want to verbalize
those. Ayaw ko kasing saktan siya...

I knew he felt it, too. Ramdam niya na may mali. But instead of shouting at me, he
held my hand.

"Iyong kanina, alam ko na 'yung mali."

"Iyong alin?"

"Iyong sa pizza... Alam ko na 'yung mali."

Tinignan niya ako na parang naguguluhan sa mga sinasabi ko.

"Iyong pizza, iyon pa rin naman 'yung kinakain ko. Nasanay na ako doon. Masarap
naman. Pero Benny... Nakaka-sawa din pala. Na kahit paborito ko

siya, dadating iyong araw na magsasawa din ako. Gusto ko ng bagong flavor. Baka
hindi ko na pala gusto iyong Italian... Baka maanghang na pala iyong gusto ko pero
hindi ko lang alam dahil nasanay na ako na iyon lang ang palaging order ko."

Humigpit iyong hawak niya sa kamay ko.

"Gusto mo ng ibang flavor?" sabi niya at saka binuksan iyong makina ng sasakyan.
"Tara, balik tayo sa resto."

Hinawakan ko iyong kamay niya.

"Benny naman..."

Sumikip iyong dibdib ko nung makita ko na nangingilid iyong luha sa mga mata niya.

"Ikakasal na tayo. 'Di ba iyon 'yung plano? Pagkatapos ng graduation, magpapagawa


muna tayo ng bahay tapos magpapakasal na tayo? Tapos sabay tayong magtatrabaho
hanggang makaipon kasi gusto nating financially stable tayo bago magka-pamilya? 'Di
ba iyon ang plano?"

I nodded.

"Bakit mo ginagawa 'to?" he asked.

Tumulo na rin 'yung luha ko.

"Hindi naman sa ganon, Benny... Gusto ko rin naman iyong iniisip mo. I want that
big house, too. Gusto ko rin iyong dalawang anak natin sa future. Gusto ko rin
naman... pero hindi pa sa ngayon. Ang dami ko pang gustong gawin..."

"Hindi naman kita pinipigilan, 'di ba? Supportive naman ako sa lahat ng gusto mong
gawin."

I nodded.

"E bakit ganito? Bakit mo tayo ginaganito?"

I smiled at him.
"Hindi pa ako ready, Benny..."

That was all I said. Because that was the only answer I could offer.

Hinubad ko iyong singsing ko. Inabot ko sa kanya iyon. And then I hugged him as he
cried. I cried for us, too. I cried because I wasn't ready yet...

Still, I asked him to wait. That maybe after a year or two, we could talk about it
again. It was selfish of me, alam ko... Pero baka kasi sa panahon na 'yun, nagawa
ko na lahat ng gusto kong gawin. Tapos pwede na kami.

But two years, seven days, three hours, five minutes, and thirty seconds later, I
was in a church.

I watched him get married to someone else.

=================

I Dislike Changes

#IWHFFSE1 || I Dislike Changes

"Nari, gising na..."

Biling.

Ikot sa kama.

Talukbong ng kumot.

"Five minutes pa..."

Ikot ulit.

"Mag-aapply ka pa ng passport, 'di ba? Gising na at baka 'di ka pa umabot sa


appointment mo."

Hinatak ko pabalik iyong kumot.

"Five minutes pa, Benny... Wait lang..."

Ayan. Sa wakas, tumigil na rin siya sa pangungulit. Akala ko matatahimik na rin ako
pero may narinig akong bulungan sa paligid ko. I tried to tune it out but my ears
wouldn't let me.

"Ate-"

"Sshh. Natutulog pa ang Ate mo."

"Pero-"

"Mamaya na. Puyat 'yan. Bayaan mong matulog muna."

"Umiyak na naman si Ate? Ilang buwan na 'yan, Ma..."


"E ewan ko ba d'yan sa Ate mo... Ang ayos-ayos ng Kuya Benny mo tapos iiwan. Tapos
ngayon, iiyak-iyak. Nako e napagod na akong subukang intindihin kaya pabayaan na
natin ang Ate mo."

Kung pwede lang talagang i-shut off ang tenga, ginawa ko na. Hindi naman kasi 'to
tulad ng mga mata na kapag pinikit mo, hindi mo na makikita. Ang tenga, kahit
pilitin mo na 'wag marinig, maririnig mo pa rin. Kahit takpan mo ng kamay mo, alam
mo na nariirinig mo pa rin. Niloloko mo lang ang sarili mo kung sasabihin mo na
wala ka talagang naririnig.

Kung sabagay... Forte naman yata ng mga tao na lokohin ang sarili nila. To make
them feel better.

Pero bakit ako...

Hay nako, Nari. Tama na. Stop na.

Dahil wala na rin naman ako sa mood na matulog, gumising na ako. Naghilamos at
toothbrush muna ako bago ako dumiretso sa baba. Habang naka-tingin ako sa salamin,
hindi

ko maiwasan na kausapin ang sarili ko. Routine ko na yata 'to kada buwan. Na i-
remind ang sarili ko na panindigan ang desisyon ko.

"Okay lang 'yan, Nari. Two months pa lang naman. 'Di ba nga sabi ni Popoy, three
months rule? Malay mo pagkatapos ng isang buwan pa, hindi ka na iiyak kada gabi
kasi alam mo 'yun? Stressful. Isa ka ng eyebags na tinubuan ng tao. Paano ka
tatanggapin sa trabaho kung mukha kang adik? Paano ka ipapasa ng DFA sa interview
kung mukha kang pusher? Kaya stop na, ha? Tama na muna... Kahit one week lang. 'Wag
munang umiyak."

Dalawang buwan ko na rin 'tong sinasabi sa sarili ko. Kabisado ko na nga, e. Kulang
na lang isulat ko para script na talaga. Pero sino nga naman ba ang niloloko ko? I
miss him. I fucking miss him. Every second of the day, na-mimiss ko siya.

Sobrang lala ko na talaga.

Pagbaba ko, kitang-kita ko na naka-tingin na agad sa akin si Mama at Sari. Hindi ko


na lang pinansin iyong tingin nila dahil ayoko talaga na kinaaawaan ako. Sawa na
ako. Nung nagbreak kami ni Benny, lahat sila, sa akin awang-awa. Wala man lang
naawa kay Benny! Ako talaga iyong nawalan! Hindi raw ako kawalan! Mga shet talaga
mga kaibigan ko!

...pero tama naman sila.

'Di ba? Kasi ang ipokrita ko naman kung sasabihin ko na mali sila.

Kasi tama, e. Sapul na sapol. Miss na miss ko na si Benny.

"Bilisan mo dyan at baka ma-late ka sa pupuntahan mo," sabi ni Mama habang


nilalagyan ng fried rice iyong plato ko.

"Mamaya pa namang 2 'yung appointment ko, Ma," sagot ko tapos naglagay naman ako ng
itlog at bacon. "At saka malapit lang naman."

"Nako, ang daming

dahilan ng bata na 'to. Basta't bilisan mo dyan at tumungo ka na 'ron. Mas maigi na
na maaga ka kaysa late."
At nagsimula na si Mama na magsermon. Pinakinggan ko na lang dahil simula nung
mawala si Papa, naging hobby niya na talaga na pakielamanan ang buhay ko. Nakaka-
asar, oo, pero mas okay na kaysa naman ma-depress si Mama.

"Ate, pano kapag na-approve iyong passport mo? Pupunta ka nga sa ibang bansa?"

"Malamang."

Ilang taon kaya akong gutom para lang makapunta sa ibang bansa.

"Daya naman! Sama mo naman ako!"

"Mag-ipon ka."

"Bakit dati sinasama niyo naman-"

Hindi niya natapos iyong sasabihin niya dahil hinampas siya ni Mama. Kasi dati,
sinasama namin siya. Close kasi siya kay Benny kaya spoiled. Ngayong wala na si
Benny, wala na rin siyang out of town trips. Kaya hindi lang talaga sa akin
humiwalay si Benny, pati sa pamilya ko, nakipagbreak siya.

"Aray naman, Ma! Bakit mo ko hinampas?!" sabi ni Sari.

"Kung anu-ano kasi ang sinasabi. Kumain ka na nga lang d'yan."

"Tss. Kaya hindi nakaka-move on 'yang si Ate kasi palaging iniiwasan na topic si
Kuya Benny. Ano? Taboo na ba pati pangalan ni Kuya Benny? Siya na ba ang pumalit
kay Lord Voldy bilang he who must not be named?"

Inangilan siya ni Mama.

"Okay na nga ako."

"Paano'ng okay, Ate? Umiiyak ka gabi-gabi. At 'wag mong i-deny dahil naririnig ko.
Manipis lang ang dingding, for your info."

"Masama bang umiyak? Ano'ng gusto mo? Kimkimin ko hanggang sa sumabog ako?"

Hindi ko na alam kung san ako lulugar. Kapag tahimik ako, pinipilit ako na
magsalita para sabihin

ang problema ko... Kapag naman umiiyak ako, may masasabi pa rin sila. Ano bang
dapat kong gawin? Sabihin nila sa akin para naman may clue ako kasi hanggang
ngayon, hindi ko pa rin alam... Para akong baby na dinala sa gitna ng gubat. I was
forced to fend for myself. I was forced to become independent.

Siguro nga kasalanan ni Benny 'to. Sinanay niya ako na lahat ng kailangan ko, siya
ang gagawa.

Tapos...

Biglang wala.

Poof.

Sige, tama 'yan, Nari. Isisi natin lahat kay Benny. Baka mabawasan 'yang kirot sa
puso mo. Hindi naman niya malalaman na siya ang sinisisi mo, e.
"Ay, kayong dalawa naman talaga, oo! Siya na. Ikaw, Nari, ay maligo na at umalis
na. Ikaw naman, Sari, 'wag mo ngang pakielaman ang Ate mo at mag-aral ka ng bata
ka! Kapag ako'y nakakita na naman ng palakol sa card mo e malilintikan ka talagang
bata ka!"

* * *

Kapag nga naman minamalas ka, oo! Bakit ba traffic sa Pinas?! Bakit?! At bakit
hindi ako nakinig kay Mama kanina?! E 'di sana hindi ako stressed ngayon! Hindi ako
pwedeng ma-late kasi kapag hindi ko napuntahan iyong appointment ko, after 6 months
pa ulit iyong available na appointment sa DFA!

"Taxi!"

Kanina pa ako sigaw ng sigaw pero walang humihinto na taxi.

"Magdadagdag ako ng 50, isakay niyo lang ako, please!"

Siguro mukha na akong tanga. Kung nandito si Benny, malamang sinundo pa ako nun sa
bahay tapos dadaan muna kami sa drive thru para may pagkain ako. Thoughtful kasi
'yun. Ayaw na nagugutom ako kaya nga palaging backpack ang bag nun nung college.
Aakalain mo na gamit sa school ang laman pero sa totoo lang, puro pagkain para sa

akin.

'Sige, reminisce pa, Nari. Kaya 'di maka-usad, e,' sabi ng isip ko.

Tss. Paano mo nga ba kakalimutan iyong tao na ang daming binigay na ala-ala sa 'yo?
E ultimo sidewalk nga e naaalala ko si Benny. Kahit fishball e may memories kami.
Ultimo tissue, kaya ko siyang i-connect. Kaya paano?!

Paano ba magmove on?! Wala akong clue!

"Miss, san kayo?"

Oh, my golly!

"Mama, sa may ano-"

"Asian Hospital."

Aba't!

"Excuse me?" taas-kilay na tanong ko doon sa lalaki na biglang humarang at kinausap


iyong driver. "Nauna po ako, Kuya!" sabi ko. Magalang ako kahit na naiinis na ako.
Halos one hour na akong nasa ilalim ng initan kaka-intay ng sasakyan tapos bigla
akong aagawan ng pontio pilato na 'to?!

"Emergency lang, Miss," sabi niya.

"Emergency din ako, Kuya," sabi ko at saka inagaw sa kanya iyong pinto ng taxi.
"Kuya, sa Galle po."

"I'll add 500. Just please take me to St. Luke's," sabi ni Kuya.

"Hala siya! Don't use money to influence Manong, Kuya! Fight fair and square
naman!" Bente na lang pera ko, e! Hindi ko kayang lumaban sa 500 niya!

"My friend got in an accident," masungit niyang sabi at saka pumasok. Napaka-
antipatiko! Kung sinabi niyang naaksidente, papayag naman ako! May puso naman ako!
Bakit lang kasi ang sungit niya?!

Ano ba, Lord? Alam ko naman na super tanga ko nung pinaka-walan ko iyong perfect
guy pero kailangan pa ba ng extra na parusa? Hindi ba pwede na matiwasay na
makarating ako sa DFA? Na ma-approve iyong application ko for passport at baka nasa
ibang bansa talaga ang peace of mind na iniisip ko?

"Miss, pasensya na, hano?" sabi ni Manong. "Medyo gipit lang din."

At saka pumasok na iyong lalaki sa loob ng taxi. 'Wag lang talaga tayong magkikita
ulit dahil sinasabi ko. Lintik lang ang walang ganti kapag hindi ako naka-attend sa
appointment ko dahil sa kanya! 'Wag na talaga siyang magpakita! Ugh!

=================

Same Old, Same Old

#IWHFFSE2 || Same Old, Same Old

Naniniwala talaga ako sa chain of events. Simula nung maghiwalay kami ni Benny,
naging malungkot ako, oo... Umiyak ako, sobra. Namaga ang mata ko, grabe... Pero
hindi ako minalas. Pero simula nung makasalubong ko iyong antipatikong lalaki na
'yun, nagsimula na rin ang kamalasan sa buhay ko! It was as if he activated the
chain of unfortunate events in my life! Sobrang nakaka-shit siya!

Six months na akong minamalas. Six months! Hindi ko alam kung hanggang saan ang
aabutin ng pasensya ko.

"Nari, 'yung revisions daw."

Napa-buntong hininga ako.

"Hala, 'di pa tapos."

Umakto pa siya na parang puputulan ako ng ulo.

"Bahala ka. VIP client pa naman 'yun. Yari ka kay boss 'pag 'di umabot sa deadline
'yan," sabi sa akin ni Troy, ka-work ko.

Sabi ko nga, nagsimula na ang mga kamalasan sa buhay ko. Kasi, dapat one year akong
magta-travel. Marami akong ipon dahil pinanganak yata akong nagtitipid. Pati si
Benny, never akong pinagbayad ng kahit ano nung kami pa... Tapos naman, bago
mamatay si Papa ay may insurance siya kaya okay na si Mama. Si Sari naman, may
educational plan naman 'yung batang 'yun kaya 'di ko na kailangang alalahanin pa.

Ako na lang talaga. Sabi nga ni Mama, kung saan ako masaya, doon ako... Kaso nga
ayun, iniwan ko.

Haaay, Nari. Paano makaka-move on kung tuwi na lang, kay Benny at Benny ka babalik?

Dahil hindi natupad iyong travel plans ko, napilitan ako na magwork na. Hindi naman
kasi ako makapagtravel dito sa Pilipinas dahil lahat na ng sulok ng Pilipinas ay
napuntahan namin ni Benny. Alam mo 'yun? Kahit
saan ka lumingon, may memories. Kaya minsan na-te-tempt ako na mag-abroad na, e.
Doon ko yata makakamit ang clean slate na pinapangarap ko.

Kasi dito? Hindi. Malabo. Natatakan na ni Benny lahat... Walang-wala na akong pag-
asang makabangon... Pero kasalanan ko rin naman.

Hindi natupad iyong one year break ko. Hindi pa available iyong gusto ko position
sa kumpanya na gusto ko. Nag-apply ako sa lugar na hindi ko gusto. May two-years
contract ako kaya hindi ako maka-alis...

At ang pinaka-masakit, parang nauwi lang sa lahat iyong ginive-up ko.

"Uy, girl! Tulaley ka na naman!" sabi ni Venice, iyong workmate ko na hanggang


ngayon, hindi pa rin ako sure kung babae ba siya o bakla. "Ano, jinijisip na naman
si ex? Nako, girl! Wit tayo aabante pag laging hashtag throwback Thursday ang peg!"

"Tss. Hindi, no. Iniisip ko lang kung paano ko aayusin 'yung project."

"Truly?"

Tumango ako.

"Truly."

She nodded, finally naniwala na rin siya sa akin dahil wala na talaga akong energy
na makipagkulitan sa kanya. Naubos na ng work iyong energy ko. The only thing that
kept me going was the fact that after a hard day's work, I get to go home and have
a good night's sleep.

Nung nakaalis na si Venice, agad ko nang sinimulan iyong revisions. Hindi ko na


mabilang kung pang-ilang revision na 'to. Pamangkin kasi nung pinaka-boss iyong
nagpapa-gawa ng bahay kaya sobrang big deal. Hindi ko rin naman kasi alam kung
bakit nakita niya iyong portfolio ko tapos sa akin agad binigay iyong project...
Kaso nga lang ang daming revisions. Sobrang hassle tuloy.

Bandang alas-nueve

na nung natapos ako.

"Sir," sabi ko pagka-tapos kong kumatok. "I'm done with the revisions."

"Miss Miranda," sabi niya. "Mr. de Marco wants to meet with you tomorrow. Is it
alright with you?"

Napa-awang iyong labi ko. Bukas na iyong re-sched ko ng passport appointment ko, e!

"P-po?"

"As you know, he's the nephew of the president of the firm. Bukas lang kasi ang
free time niya at minamadali iyong project. Okay lang naman sa 'yo, 'di ba?"

Nagpaalam ko. Two months prior, nagsabi na ako na magli-leave ako bukas. Kasi nga
'di ba kailangan nagpapaalam ng maaga? Ginawa ko naman lahat. Sinunod ko lahat ng
protocol pero bakit nangyayari sa akin 'to? Ang hirap naman talagang maging
ordinaryong empleyado. Wala kang magawa. Kapag sinabi ng boss na OT, OT ka agad.
Kapag sinabi na pumunta, punta agad kesahodang may appointment ka na kailangan mo
ring puntahan.
I felt so abused! Wala ba 'to sa labor's code?!

"Ah... sige po."

Shit talaga. Ibig sabihin ba nito, mabubulok na talaga ako sa Pilipinas?

* * *

Agad kong tinawagan si Venice pagka-labas ko ng building. Gusto kong uminom. Gusto
kong maglasing-iyon bang tipo na gagapang ako at ang tanging problema na
aalalahanin ko na lang ay kung paano ako uuwi?

"San kayo?" I asked.

"Timog, girl."

"Ha? Ang layo naman!"

Tinawanan pa ako.

"Girl, sawang-sawa na kami sa BGC. New environment naman para pak pak pak para sa
ekonomiya!"

Tinignan ko iyong relo ko. 10 pm na.

"Anyway highway, bakit ka nga pala tumawag? G ka na rin ba? Daming alak here!
Nanlibre si Joshy baby at iniwan pala ng

jowa niya! So hurt hurt for him but fun fun for me and my liver!"

Habang nagsasalita pa si Venice, medyo bumalik ako sa building namin para maka-
sagap ulit ng wi-fi. Nasa Makati ako nagta-trabaho at masyadong malayo ang Timog.
Masyadong delikado magtaxi kaya magbu-book na lang ang ng Uber. Hindi naman na
masyadong mahal dahil lagpas na sa rush hour at hindi naman Friday ngayon.

A few minutes later, sabi sa app, anumang oras ay nandito na ang SUV. Kaya naman
nung may huminto na itom na sasakyan ay lumapit agad ako at binuksan. Sandali lang
iyong byahe dahil wala ngang masyadong traffic. Pagdating ko sa Timog, bumaba na
agad ako sa bar na sinabi ni Venice. And true enough, ang dami ngang alak!

"Giiiiirl! I missed you!" sabi ni Venice habang yakap-yakap ako.

"Lasing ka na," I pointed out.

Ngumiti siya. Pulang-pula na iyong mukha niya.

"Hehehehe. Daming alak! Tara, inom!" sabi niya at saka hinatak ako papasok.
Pagdating namin sa loob, lasing na iyong karamihan sa mga ka-trabaho namin. Some
were just drinking moderately, iyong iba, lasing talaga... Couldn't blame them,
though. Sa sobrang stressful ng trabaho namin dahil sa dami ng revisions ng
clients, minsan talaga, kailangan naming magrelax. Dahil kung hindi? Paano kami
tatagal?

"Beer or hard drinks?"

"Hard."

And a few minutes later, I was bawling myself out but no tears were coming. Ubos na
yata. Finally, after months of crying, tuluyan nang natuyo ang tear ducts ko.
"Hindi ko naman ginusto, e! Hindi naman sa hindi ko na siya mahal... Hindi pa lang
talaga ako ready magpakasal. 21 lang ako nun! 21

tapos ikakasal na ako?! 'Di ba legit naman na natakot ako?!"

Tumango si Venice.

"Oo, okay lang 'yan," sabi niya at niyakap ako. "Hindi ka na maka-iyak kaya iiyak
ako para sa 'yo, Ate Girl. Dead inside ka na yata dahil sa sobrang tindi ng pain!"
sabi niya bago siya nagsimulang umiyak ng malakas.

Diretso lang kami. Hindi ko na nga sure kung ano ang iniinom ko. Basta kapag inabot
sa akin, iniinom ko agad.

"Gusto kong tawagan si Benny..."

"Go, Ate Girl. Cheer kita," sabi ni Venice. "Go, Nari! Go, Nari!" At literal na
chineer niya ako.

Kinuha ko iyong cellphone ko. Pinindot ko iyong 1. Siya pa rin naman kasi iyong
nasa speed dial ko... Wala namang nagbago kahit mahigit one year na ang naka-
lipas... Para ngang mas lumala lang.

Ringing...

Ringing...

Ringing...

The person you are calling is currently unavailable. Please try your call later.

Tumulo iyong luha. Kaya ko pa palang umiyak. Akala ko namanhid na ako. Kasi dati...
dati isang tawag ko lang sa kanya, sumasagot agad siya. Sobrang nasaktan ba kita,
Benny? Galit ka ba sa 'kin?

"Akin na nga!" sabi ni Venice at saka siya ang tumawag. "Ay, pinatayan ako! Ang
sungit naman ni Ex!"

Mapakla akong ngumiti.

Baka ako na lang pala 'yung umaasa... Kasi hindi naman niya sinabi na hihintayin
niya ako. At saka... kasi ako naman 'yung nang-iwan. Iniwan ko siya kahit hindi
naman kailangan. Iniwan ko siya kahit binigay niya naman lahat ng kailangan ko.

Kaya bakit ako nasasaktan? Wala akong karapatan na masaktan.

"Alis na ko, ha?" sabi ko at saka kinuha iyong mga gamit ko.

"Pano ka

uuwi? Lasing ka na rin kaya."

"Uber," I said. "Paki-sabi sa kanila umuwi na ako," I continued though I doubted if


they'd notice that I left already. Lasing na rin silang lahat.

Paglabas ko, naupo muna ako sa gutter habang hinihintay iyong sasakyan. My head was
pounding and I wanted to vomit and cry and love Benny all at once. Miss na miss ko
na siya. Shit siya. Bakit kailangan niya akong mahalin ng sobra? Iyong tipo na
hindi ko na kayang magmahal ng iba kasi sobra na iyong pinakita niya sa akin?

Why did he destroy me in such a beautiful way?

I couldn't love anyone but him... Sobra siya. Ang sama niya.

I whipped my phone out and texted him. I would regret this the day after, but I
needed this for my sanity. I wanted to tell him what I was feeling... kung gaano
kasakit. Kasi sabi niya, kahit maghiwalay kami, friends daw... Hindi siya
maghihintay pero friends daw... Tanginang friendship 'yan. Posible ba? Posible ba
na bumalik lang kami sa pagiging friends? Kasi minahal ko siya. Mahal na mahal ko
pa nga siya, e... Kaya paanong friends? Paano iyong tanginang friendship na
sinasabi niya sa akin?! Pwede bang pakibigyan ako ng instruction kung paano ko
gagawing kaibigan iyong tao na mahal ko?! Kasing litung-lito na ako!

Parang tanga lang ako na umiiyak habang ginagawa iyong message para kay Benny.
Hindi ko na makita nang maayos iyong screen dahil sa patak ng luha ko. Tapos
biglang dumating na iyong Uber.

"Good evening po," bati ko sa driver nung naka-pasok na ako.

"Sino ka?!"

Napa-tingin agad ako.

"Hala, manong, bakit mo ako sinisigawan? Ibabagsak

ko 'yung rating mo!"

Wala na ba talagang manners ang drivers ng Uber? Totoo ba ang mga nababasa ko sa
facebook tungkol sa kanila? Tsk. Wala na yata talagang mapagkakatiwalaan sa mundo.
Lahat na lang talaga ng lalaki, wala nang matino! Kahit si Benny, hindi na siya
matino!

"What are you talking about? Bakit ka ba sumakay sa sasakyan ko?"

"Ay bakit ka huminto? 'Di ba Uber ka?"

Biglang bumukas iyong ilaw. Nanlaki iyong mata ko. S-siya iyong-

"Ikaw?!"

"What?!" sigaw niya pabalik sa akin. "Jesus! Bakit ka ba sigaw nang sigaw?!"

At siya pa! Siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin pagkatapos niyang sirain
ang buhay ko! Nang dahil sa kanya, hindi ako agad nakarating sa appointment ko.
Hindi natuloy iyong one year break ko to heal myself. Napilitan akong magtrabaho sa
lugar na hindi ko gusto. Tapos hindi na naman ako makakapunta sa appointment dahil
sa lintik na pamangkin ng boss ko.

Tapos makikita ko na naman siya?! Ano ba, universe?! Ano ba ang gusto mong
ipahiwatig?! Lasing na nga ako, umiiyak, tapos mukha pa nung shit na 'yun ang
makikita ko?! Hindi ba pwedeng mukha na lang ni Benny para naman makapagheart to
heart kami?!

"Shit! Why are you hitting me!" sabi ko sa kanya nung hinampas ko siya ng bag.

"Shit ka! Isa ka ring malaking shit! Kung hindi mo ako inagawan ng taxi nung araw
na 'yun, hindi ako mamalasin ng ganito! Pinangako ko sa sarili ko na kapag nakita
ko 'yang pagmumukha mong shit ka, sasaktan talaga kita!" sabi ko habang patuloy ko
pa rin siyang hinahampas ng bag. May nakalagay yata na measuring device sa bag ko
kaya sigurado ako

na masakit ang bawat palo. Mabuti nga sa kanya!

Pero dahil lalaki siya at biologically superior, napigilan niya rin ako... but not
after inflicting damage. Sana kailanganin niya ng MRI dahil hinampas ko talaga
iyang bungo niya!

"What the fuck are you talking about! Hindi kita kilala!"

"Puro ka fuck! Hindi ka ba tinuruan ng manners ng nanay mo?!"

Pero hindi na siya sumagot at saka niya binuksan iyong pintuan sa side ko at saka
tinulak ako palabas. Aba't! Wala talagang manners 'tong shit na 'to!

"Walangya ka! Bakit 'di mo na lang ako pababain ng maayos?! Kailangan bang itulak
ako?!"

Pakiramdam ko nabalian ako ng buto dahil tumama iyong pwet ko sa pavement.


Huhubarin ko na sana iyong sapatos ko at ibabato ko doon sa shit nung biglang may
magsalita sa likod.

"Kuya? What's happening?"

Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko sigurado kung dahil ba lasing ako o talagang
sobrang ganda niya at mukha na siyang anghel sa paningin ko.

"Nothing, Imo. Let's go," sabi nung shit na tao na 'yun.

"Are you sure?" sabi nung anghel. "Miss, are you alright?" tanong niya sa akin.
Gosh. Bakit mukhang anghel 'to? Literal!

Umiling ako. "Tinulak ako nung kasama mo!"

"Kuya! Why did you push her! Susumbong kita kay Papa," sabi nung babae. Tinulungan
niya naman akong tumayo. Ang bango niya. Ang perfect naman ng babae na 'to masyado.
"Are you hurt? Do you want us to bring you to the hospital?"

Umiling ako. Marami pa akong kailangang tapusin. Kahit lasing ako, trabaho pa rin
ang nasa utak ko.

"Uuwi na ako," sabi ko.

"Oh. Okay... How about we drive you home?"

"Imo!"

"As a way of saying sorry, Kuya. Why did you push her? She's a girl."

"She attacked me first!"

"Kahit na, Kuya. Anyway, Miss, saan ka po namin ihahatid?"

Sinasabi ko iyong address ko pero pakiramdam ko, hindi ko siya natapos sabihin kasi
antok na antok na talaga ako... at nasusuka.
=================

Judgmental Bunch

#IWHFFSE3 || Judgmental Bunch

'Gosh! I'm never going to drink again! Hindi na talaga!' I thought to myself habang
kumikirot ang ulo ko. Pakiramdam ko ay pinupukpok ako ng sampung martilyo nang
sabay-sabay at wala akong magawa. I reached for the blanket dahil sobrang lamig.
Pero bakit- Napa-mulat ako ng mga mata ko at nakita ko na wala ako sa sarili kong
kwarto. Agad kong tinignan kung may damit ba ako at mas lalong nanlaki ang mga mata
ko nang mapansin ko na iba na ang suot ko. Oh, my God! Bakit nasa ibang lugar ako?!

I was wearing an oversized white shirt at hindi na ako nagbalak na tignan pa kung
may underwear ako. Gosh! Agad akong tumayo at hinanap ang mga damit ko. Paikot-ikot
ako pero wala akong makita. Lumabas ako sa pinto at laking gulat ko nung may
makasalubong akong lalaki.

"Good mor-"

"Sino ka?!" I asked. Why was I in another guy's room?! At bakit hindi naman ito
iyong pesteng lalaki?! Did he leave me with some stranger?! OTalaga bang sagad ang
kasamaan nung lalaki na 'yun?! I mean, yes, we're strangers to one another pero
hindi naman yata tama na iwanan niya ako sa lalaki na literal na ngayon ko lang
nakilala!

O baka naman panaginip ko lang na nakita ko siya kagabi? Hindi ko na alam! Wala
akong masyadong maalala!

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, he raised a mug and handed it to me. "Preston
told me you're probably hung-over. Drink up," sabi niya sa akin. I eyed him
carefully. He looked decent-actually, mukha siyang mabait. But I didn't trust
anyone dahil lang mukha silang mabait! I never judge a book by its cover! Mamaya
kasi maganda lang ang

cover pero panget naman ang plot.

"Sino ka muna?" I asked again.

"I'm Benj."

"At bakit ako napunta dito?"

"Preston brought you here," sabi niya.

"Sino si Preston?"

"You don't know him?" he asked. I shook my head. Sino ba iyong Preston na 'yun? "Is
he picking up random strangers now?" he murmured pero narinig ko naman. He looked
at me and then smiled a little. "Uhh... mamaya ko na sasabihin kung sino si
Preston. Want to eat first?"

I was about to say no nung biglang tumunog ang tiyan ko. This guy in front of me
was smiling. Mukha naman talaga siyang harmless. At isa pa, sigurado naman ako na
papagalitan na ako ni Mama dahil sa ibang bahay ako natulog ng walang paalam. E 'di
sagarin ko na rin.
After I finished the mug he gave me, umupo na ako sa upuan. He began to serve food
and I was quite mesmerized. Bihira lang kasi ang lalaki na sanay magluto. Si Benny,
hindi naman talaga sanay 'yun. Nasanay lang 'yun dahil matakaw ako. Siya naman
talaga nag-aadjust sa aming dalawa. Haaaay. Another day, another regret.

"I hope you're not vegetarian?" he said as he served a plateful of bacon, fried
rice, and eggs. Gosh. Mas lalo kong naramdaman ang gutom. Inabot ko iyong plato at
nagsalin. I began to eat nang mapansin ko na naka-tingin lang sa akin iyong lalaki.

"Uh... ano nga ulit pangalan mo?" I asked, wincing a little. Mabilis kasi akong
makalimot ng pangalan. Nahihirapan kasi akong tandaan lalo na kung alam ko na once
ko lang naman makikita. Kaya bakit pa ako mag-eeffort na tandaan, 'di ba?

"Benj-short for Benjamin," he said. "Ikaw?"

Nilunok

ko muna iyong pagkain. "Nari," I replied. "At saka... sino nga ulit iyong Preston
na sinasabi mo?"

Habang nagsasalita siya, kumuha ako ng baso ng tubig. Hindi na ako nahiya kasi
pinapakain niya na rin naman ako so sulitin ko na. At saka ang kapal ko naman kung
siya pa ang kukuha ng tubig para sa akin.

"Si Preston?" he asked and I nodded. According sa kanya ay si Preston daw kasi ang
nagdala sa akin. Wala naman akong maalala na Preston. Wala akong kilala na ganoon
ang pangalan. Pero parang nagkaroon ako ng panaginip kagabi na may nakita raw akong
angel. "He brought you here last night. Sabi niya, nakita ka raw niya sa labas ng
bar tapos pinilit siya ni Imo na ihatid ka pero hindi mo naman nasabi kung san ka
nakatira."

At sino naman iyong Imo? Bakit ang dami kong pangalan na naririnig ngayon?

"At bakit niya ako dito dinala?" I asked. Not to offend him pero hindi ko naman
kasi siya kilala! Mukhang may sira sa ulo iyong Preston na 'yun!

"You didn't tell him where you live."

"He could've looked for my ID. May address naman ako 'dun," I said.

He wrinkled his nose. "He really doesn't like touching other people's things."

"Ang arte!" I said and then Benj laughed a little. "E bakit sa condo mo niya ako
dinala?"

"He said that if he brought you to a hotel, you might drown in your barf. Ayaw
niyang makonsensya kapag namatay ka. And bringing you at his house wasn't an
option. Mahigpit kasi si Tita," he explained.

"At talagang dito niya ako dinala?! Wala ba siyang friend na babae? Nakakaloka
'yang Preston na 'yan!"

Benj shook his head. "Preston's friends

are mostly guys. And he brought you here because I don't live with my parents."

"Nasan parents mo?" I asked. Tutal marami na rin akong tinatanong, itodo ko na.

"Cebu," he replied. "I'm just here to study." He continued, "Anyway, we didn't do


anything to you, I swear. We called the cleaning lady and asked her to change your
clothes dahil nasuka ka kagabi."

Nanlaki ang mga mata ko. Nasuka ako? Gosh! Nakakahiya! Bakit naman kasi ang dami
kong nainom kagabi? Akala ko e medyo umaabante na ako pero dahil sa mga kaganapan
kagabi, sure ako na stuck pa rin ako sa nakaraan. Hindi na yata talaga ako
makakausad.

Tumayo si Benj at may kinuha. Maya-maya, bumalik siya at may inabot sa akin na
paper bag. "I had your clothes washed. You can use the bathroom tapos hatid na lang
kita," he said with a smile. Ang bait niya naman! In fairness, good choice naman
iyong Preston na 'yun na dalhin ako dito kay Benj. Pero grabe pa rin iyong mga
rason niya para dito ako dalhin! Kahit 'di ko pa siya kilala feeling ko masamang
nilalang iyong Preston na 'yun, e.

I excused myself and took a really quick bath. Sobrang gumaan iyong pakiramdam ko
pagkatapos kong maligo. Good thing I had my makeup kit with me dahil hindi talaga
ako disente tignan kapag bare face. My lips were chapped, sobrang laki ng eyebags
ko, may blemishes din ako. Normal na tao ba. I mean, hindi naman ako sobrang ganda.
Sakto lang. Hindi rin ako panget. Sakto lang. Pero matalino naman ako! Cum Laude
akong grumaduate!

Upon making sure that I looked presentable enough, I went outside. Benj was sitting
on his couch and watching TV.

Nang makita niya ako, he smiled and asked kung ready na ba ako. See? Nothing
special sa reaction ni Benj. Hindi naman kasi ako artistahin talaga. At saka
masyadong gwapo 'tong Benj na 'to para pag-isipan pa ako ng masama. Mga ganyang
mukha, madaling makakuha ng babae. Naniniwala kasi ako na maraming babae ang
desperado magkaroon ng boyfriend. Sa dami ba naman ng mga nagpaparinig sa fb
newsfeed ko na mga babae na gusto na magkaroon ng lovelife? Parang 1:5 ang ratio ng
lalaking available sa babaeng gusto ng lovelife. Ganoon kalala.

Habang pababa kami, I thanked him. Ang bait niya naman kasi kahit na strangers
naman talaga kami.

"Where will I drop you off?" he asked.

"Ah, sa Makati na lang. May work pa kasi ako," I said.

"You're working na? I thought we're of the same age."

"Ha? Ilang taon ka na ba?"

"19," he replied. Nanlaki ang mga mata ko. What the hell?! 19 lang siya?! Gods!
Bakit biglang ang dirty ng pakiramdam ko?! His forehead creased upon seeing my
reaction. "Is there something wrong?" he asked.

"Wala..." Pakiramdam ko lang ang cradle snatcher ko kahit wala naman akong ginawa
talaga.

"Ilang taon ka na ba?"

"22..." I almost whispered. Gosh. I felt so old. He just nodded. Wala na bang
ibibilis pa 'tong elevator na 'to? Pagdating namin sa basement, he clicked his
keyfob at tumunog iyong isang sasakyan. I stopped myself from gaping. Ang ganda ng
sasakyan niya! Iyan 'yung dream car ni Benny, e! Palagi niyang tinitignan sa mga
magazines tapos palagi niyang sinasabi na kapag successful na kaming dalawa, at
saka siya bibili. Ang priority niya kasi
ay bahay muna namin. Syempre bago kami maghiwalay. Baka iba na rin ang priorities
niya...

Pumasok kami sa loob. He revved the engine to life and then began to drive. Since
Benj lived in BGC, sandali lang naman iyong drive pabalik sa Makati. At isa pa,
Saturday morning naman. Walang awa lang talaga iyong boss ko kaya pinagta-trabaho
ako kahit Saturday!

"Thank you!" I said when we arrived.

"No prob," he replied with a smile. "Work hard, Nari," patuloy pa niya at saka
nagroger sign.

I smiled awkwardly and went inside the building. Gosh. Bakit ba napasama ako sa mga
bata?

* * *

Pag-uwi ko sa bahay, nakataas agad ang kilay ni Sari sa akin. Akala ko e si Mama
ang maaabutan ko. Nagprepare na kaya ako ng mahabang paliwanag! Alam ko naman kasi
na sermon ang abot ko, e. Bigla na lang akong 'di umuuwi! Syempre gets ko naman
kung sasabunin ako ni Mama.

"At saan ka galing?" she asked, her brows still arched. "Uwi ba 'to ng matinong
babae?"

"Kuha mo nga akong tubig," sabi ko sa kanya pagka-upo ko sa sofa.

Pagbalik ni Sari, may dala na siyang tubig. Agad kong inubos iyon. Ang dami naman
kasing revisions na pinagawa nung Mr. de Marco na 'yun! Daming alam! Hindi lang ako
makaangal dahil pamangkin ng may-ari ng pinagta-trabahuhan ko kaya ang lakas maka-
powertrip.

"San ka nga galing, Ate?"

"Hindi ba ako hinahanap ni Mama?"

She shook her head. "Nung maramdaman ko na 'di ka uuwi, nagsinungaling ako kay
Mama. Sabi ko sa kanya, nagtext ka sa akin na 'dun ka matutulog kina Ate Venice.
Muntik na ngang atakihin si Mama kasi ang rinig niya sa Venice at Benny! Alam mo

naman si Mama, fangirl ni Kuya Benny!" sabi ni Sari na mas lalo lang nagpasakit sa
ulo ko.

Gosh. Everyday na lang ba, may role si Benny sa buhay ko? Fair ba na sa araw-araw
na ginawa ng Diyos, lagi ko siyang naaalala tapos siya, mukhang tuluyan na akong
kinalimutan?

"Kaya dahil pinagtakpan kita, Ate, maging honest ka naman! San ka nga galing?" I
eyed Sari. Alam ko na hindi niya ako titigilan. Makulit na bata 'to, e. Lahat,
gustong malaman.

"Uminom lang kami kagabi..."

"Tapos?" she asked. "Gosh, Ate! Don't tell me magkakaroon na ako ng pamangkin after
9 months?!"

Binatukan ko siya. "Kung anu-ano ang naiisip mong bata ka! Magsimba ka mamaya, ha!"
"E kasi naman, Ate! Ganoon ang uso ngayon. One night stand, ganon! Malay ko ba kung
sa sobrang pagka-depressed mo kay Kuya Benny, doon ka mapunta? At saka sobrang weak
mo kaya uminom! Bilis mong malasing kaya."

Alam ko naman na sobrang bilis akong malasing at usually, wala talaga akong
naaalala. Kaya nga si Benny, hindi ako pinapayagan na uminom dahil sobrang lala ko
daw talaga. Or if iinom ako, kailangan kasama ko siya para safe ako.

"Pero kung makikipag-one night stand ka, Ate, dapat sa mayaman at saka gwapo para
naman hindi ka lugi!"

"Ikaw, masasakal na talaga kita, ha! Ano'ng tingin mo sa akin? Malandi? 'Tong
batang 'to!"

Imbes na makapagpahinga ako, ginulo lang ako ni Sari. Bandang gabi, nakapagpahinga
na ako, finally. May pasok na naman bukas dahil sa boss ko. Walang awa kahit
Sunday. Ang malas ko talaga. Kasalanan talaga 'to nung shit na nilalang na nang-
agaw ng taxi sa akin. Naku! Makita ko lang talaga 'yun!

I woke up around 2am dahil nakaramdam ako ng gutom. While eating, binuksan ko iyong
wifi ng phone ko dahil nagtext iyong isang orgmate ko nung college na nasa
groupchat daw iyong details para sa kasal niya. Invited kasi ako.

Cristine: Guys! RSVP na kayo, okay? Para may headcount na!

Maricris: Okay, madam! Anyway, pwede ba magdala ng date?

Cristine: Sure but pakisabi maaga para maayos yung seatplan

Maricris: Yay! Paki-reserve ako ng isa.

Angge: Ako rin! May lovelife na ako sa wakas! Pakilala ko kayo pero wag niyo
aagawin!

Maricris: Asa ka naman! Nakita ko na si forever ko!

Cristine: Ay, may chika pala ako!

Angge: Ano? Spill!

Cristine: Nag RSVP na kasi kanina si Benny! Tapos may date daw siya!

Maricris: Weh?! Sila na ba ulit ni Nari?!

Angge: Pagkatapos siyang iwan ni Nari, tanga ba si Benny na babalik? Benny can do
better, no.

Cristine: Malay niyo naman... We knew them naman, 'di ba? They were great together.

Angge: Agreed. Pero nag-expire na 'yung greatness nila. We all saw Benny nung
iniwan siya ni Nari. Kita mo kung paano na-depress si Benny, 'di ba? Masisisi mo ba
ako if I'm rooting for Benny to find someone else? Iyong hindi siya bigla na lang
bibitawan sa ere. Di niya kasi deserve yun.

Sobrang sumakit iyong puso ko sa mga nabasa ko. Naglasang maalat na iyong sandwich
ko dahil sa mga patak ng luha. Ganito ba ang tingin nilang lahat sa akin? Na
deserve ko lahat ng sakit na nararamdaman ko? Hindi ba pwede na natakot lang din
ako? Na nabigla? Na nalito? Hindi ba pwede na magbago? Hindi ba pwede na magsisi?

Bakit ganito sila? Why did they keep on judging me as if they knew my pain?

Nari Miranda left the group chat

=================

Worst Mistake

IWHFFSE4 || Worst Mistake

If not for Ate Jenny, the head of our org, nagging me, hindi naman talaga ako
aattend sa kasal ni Cristine. After what happened to the group chat? No, thanks,
noh! Alam ko naman na kasalanan ko... but I thought they were my friends. Tatlong
taon kaming magkakasama sa isang organization. I expected better from them. Kung
gusto man sana nila akong sisihin at ipamukha na sobrang tanga ko dahil sa ginawa
kong pang-iiwan kay Benny, sana gawin nila sa harap ko mismo. I'd rather them do it
straight to my face kaysa iyong pinagchichismisan nila ako. Parang hindi kami
naging magkakaibigan.

"Sigurado ka, 'te? As in sure na sure na? 100%? Walang atrasan na itechibells?"
tanong sa akin ni Venice. Tinawagan ko kasi siya para manghiram ng isusuot ko sana
sa kasal ni Cristine. May color requirement kasi, e, unfortunately, wala akong
dress na ganoon ang kulay.

"Nakapagsabi na ako na pupunta ako..."

"Pwede naman na bigla kang nagkasakit sa araw ng kasal!"

"Tss. Halata naman na umiiwas ako," I replied. Nasabi ko na rin kasi kay Venice
iyong nangyari. I felt good pouring out my problems. Kahit naman on a daily basis
yatang pinapaaalala ni Venice na tanga ako para iwan si Benny, at least open minded
naman siya. She listened to my reasons and told me I had a reason to be scared.
Hindi naman kasi lahat ng tao, magtatatalon sa tuwa kapag inalok ng kasal.

"E umiiwas ka naman talaga! Ewan ko ba sa 'yo. Kung sa akin ginawa 'yun? Nako, FO
na! Tegi na sila sa akin for life!"

Hindi pala kasi nila alam na member ako nung group chat

kaya ganoon sila makapag-usap about sa amin ni Benny. But that wasn't the point
naman. Ang point, they were backstabbing me. Kaya kahit na nagsorry sila sa akin,
ewan ko... Parang may nag-iba na sa relasyon namin ng mga orgmates ko.

Words. How powerful. Kahit magsorry, kapag nasabi na, wala ka ng magagawa.

"Sige, ha. Daanan ko na lang bukas 'yung damit. Salamat talaga," I said and then
ended the call. Goodness. I didn't even know why I was doing this to myself. Tama
naman si Venice. I could've said no. Madali lang naman sabihin na may gagawin
ako... o kung anumang walang kwentang dahilan para hindi ako umattend sa kasal ni
Cristine. But why was I doing this?

'Kasi gusto mong makita si Benny,' a voice inside me whispered.


E ano naman kung gusto kong makita? It had been months!

'Kasi curious ka sa ka-date niya,' sabi na naman ng epal kong konsensya.

So? Ano naman kung curious ako? Lahat naman siguro ng babae, curious sa ipapalit sa
kanila ng ex nila! Hindi naman siguro ako ang ganito lang! Syempre kahit na ano ang
mangyari, curious ka... kung mas maganda ba, mas matalino ba... or mas pa sa ibang
aspeto. Natural lang naman 'to!

Kung anu-anong imahe nung ka-date ni Benny ang nabuo sa isip ko. Lahat sila
maganda. Lahat sila matalino. Lahat sila mas bagay ng sobra kay Benny para sa akin.
Kaya nung pagka-gising ko, mukha akong panda sa sobrang laki ng eye bags ko.

"Teh, ganyan kang pupunta sa kasal kung saan makikita mo ang ex mo na mahal mo pa
rin?" bungad sa akin ni Venice nung pagbuksan niya ako ng pinto ng apartment niya.

"Good morning din," sabi ko. "Okay naman

ang itsura ko."

Nag-effort naman akong maglagay ng concealer para hindi ako mukhang panda masyado.
Nagconditioner din ako para hindi naman mukhang tingting ang buhok ko. At
naglipstick pa ako!

"Teh, hindi ganyan ang itsura kapag magkikita ng ex for the very first time. Dapat
pak na pak ang arrive! Kabog!" sabi niya at saka hinatak ako papasok sa apartment
niya. I didn't even fight back. Wala na talaga akong energy. Nanghihina ako every
time na iniisip ko kung gaano ka-mas sa akin iyong ka-date ni Benny. Goodness.
Paano kung ayain niya rin iyong magpakasal? Paano kung hindi tanga iyong babae at
umoo?

"Tingin ka sa taas para 'di ka masyadong maiyak sa eyeliner," sabi ni Venice. I


pretended that I was teary because of what she was doing and not because the
thought of Benny being married to someone else was clenching my heart. If I said
yes, ano na kaya kami ngayon? Sigurado ako na masaya pa rin kami kasi palagi naman
kaming masaya ni Benny. He made sure that I was always happy. My happiness was his
priority. Mas gusto niya na masaya ako, never mind his own happiness. Ganoon kasi
magmahal 'yun, e. Binibigay lahat. Walang tinitira sa sarili niya.

"Teh, hindi ko naman sinundot 'yang mata mo. OA umiyak!"

Kinuha ko iyong inabot niya na tissue at marahan na pinunasan iyong mata ko. "Hindi
kasi ako sanay." Na may ibang mahal si Benny bukod sa akin.

"Okay lang 'yan. At least kapag nakita si ex, hindi ka mukhang nawawalang miyembro
ng ISIS."

Saglit akong napatawa dahil sa sinabi niya. Nilagyan niya ako ng nude na lipstick.
I was thankful to have a friend like Venice. Kung tutuusin, sandali pa

lang naman kaming magkakilala dahil sa work ko lang naman siya nakilala. Pero
ganoon siguro talaga. Hindi sa tagal ng pagkakaibigan nasusukat ang depth. Iyong
mga matagal mo ng kakilala, sila pa iyong mas walang tiwala sa 'yo... Sila pa iyong
unang magda-doubt sa 'yo.

"Basta, Nari, kapag nakita mo iyong si Benny, 'wag kang iiyak," she said as she
continued to apply coats of lipstick on my lips. "Cool ka lang, girl. Smile at him.
Kung may ka-date, magsmile ka rin sa ka-date niya."
I gently dabbed my lips together. "Paano kung gusto ko siyang kausapin?"

"Di kausapin mo. Ask him. Kapag ayaw kang kausap, e 'di kiber. Ganoon talaga."

"Hindi ko pipilitin?"

She shook her head. "Teh, gets ko na scaredsung ang peg mo nung nagpropose si ex.
Gets ko. Pero kung ayaw ka niyang kausapin dahil sa ginawa mo, i-gets mo rin sana.
May feelings din 'yung si ex mo. For sure nagsaktan 'yun sa rejection na ginawa mo-
at triple pa siguro since kumalat pala sa mga friendships niyo na ni-reject mo
siya. Durog na durog 'yun, beshy. Kaya give him whatever he needed to heal."

"Gusto ko lang naman magsorry..."

"Pero, Nari, walang magagawa ang sorry mo. Nagsorry ka na dati, 'di ba?"

I nodded. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagsorry kay Benny. All my
sorry was replied with it's okay. But we both knew it was a lie. We weren't the
same after that. He promised we'd stay as friends... kalokohan. He ignored me. He
pretended like I didn't exist in his world. And I couldn't blame him for that...
but he couldn't blame me for feeling this way, too. Masakit, e.

"Sinaktan

mo. If he acts hostile around you, intindihin mo na lang. Lahat naman ng


nasasaktan, nagiging asshole kahit papaano. After all, we have different ways to
deal with pain. Ngayon, kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya, bayaan mo.
Kasi nung tinanggihan mo siya, tinanggihan mo rin 'yung karapatan mo sa buhay
niya."

I smiled and thanked her. But if Benny did all the things she said, I knew I
wouldn't get hurt. I would get crushed.

* * *

I didn't even bother to attend the wedding ceremony. Dumiretso ako sa reception.
Nandun ako sa isang gilid-malayo sa lahat ng kakilala ko. Goodness. Why was I even
here? Masokista nga siguro ako. Kasi kahit alam ko naman na lahat sila ay nasa side
ni Benny, pumunta pa rin ako.

"Benny!"

Automatic na pumunta ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. And there he was...

"Gosh! You're here nga! Akala namin nagtatago ka!" sabi nila sa kanya. He was
smiling at them. Na parang walang problema. Na parang walang nangyari.

"Hindi naman," he replied with the same gentle smile on his face. "Medyo late na
pala ako."

"Okay lang, noh! Dito na rin kami sa reception dumiretso!" And then they all turned
their gaze at the woman beside Benny. "So... papakilala mo ba kami?"

Benny smiled and then placed his hand on his nape. Ginagawa niya iyon kapag
nahihiya siya. Was he shy to introduce his new girl? Bakit naman? Maganda iyong
kasama niyang babae. Brown iyong buhok na hanggang balikat. Maamo ang maliit na
mukha. Mukhang matalino. Mukhang bagay sila.
Agad kong inabot iyong dala nung waiter na champage. This really was a freaking bad

idea.

"Dri, my college orgmates. Guys, si Drianna, family friend."

And they teased them. Benny was just smiling timidly habang iyong Drianna, pulang-
pula na iyong mukha. Alam kaya nila na nandito ako? Kasi kung alam nila, did they
hate me that much para tuksuhin si Benny sa ibang babae? Kasi nandun sila, e. They
saw all those years I spent with Benny. They saw our ups and downs. They saw us
fight for our love. And I knew I made a mistake... but did they really need to do
this in front of me?

Na parang bigla na lang akong nawalan ng karapatang masaktan?

Maybe I deserved this. But it still hurt so fucking bad.

I lost count of the champagne I drank. Weddings are supposed to be a celebration of


love but all I could feel was pain in my stupid, stupid heart. Hindi na dapat ako
pumunta. I should've stayed at home and wallowed on my own.

Tumayo ako para maghanap ng CR. I drank too much. My vision was starting to get
real blurry.

"Are you okay?"

I stilled when I heard his voice.

"Yeah... Nakakapagod lang but I'm okay."

"You sure? Maiintindihan naman nila kung aalis na tayo."

"I'm fine, Benny. Besides, I enjoy talking to your friends. They seem fun."

Why was I even here? Why was I even listening to them talk? Hindi pa ba sapat iyong
nararamdaman ko? Must I add salt to the already open wound?

"Okay. But if you want to go home, sabihin mo lang sa akin."

"Yes po, Benny."

"Kulit mo talaga, Dri."

I bit my lower lip. Pinunasan iyong luha na tumakas sa mga mata ko. I turned and
faced them. Benny seemed stunned. His lips parted upon seeing my face. What

was he feeling? Did he long for me, too? Did he cry for us, too? Did he regret our
parting like I did? I wanted to ask him all these questions but I couldn't even
voice out how sorry I was for everything.

I couldn't even tell him that I wanted to be the one by his side. That I wanted to
be the reason for his smiles. That I wanted to be the center of his attention.

I hated seeing him with someone else. Ako dapat 'yun. Sa 'kin dapat siya.

"Hi," I said. "Can we talk?"

Seconds passed. Hindi siya naka-sagot.


"Kahit five minutes lang..." I croaked. I just wanted to be with him. Kahit sandali
lang.

"I'll... just leave," Drianna said. She looked at me. "Nice meeting you," she said
and then excused herself.

I looked at her as she was leaving. Why was she nice? Couldn't she be vengeful?
Bitchy? Couldn't she give me more reasons to hate her aside from the fact that she
replaced me in Benny's life?

"What do you want?" he asked. Mas bumilis lang iyong pagtulo ng luha ko. This
wasn't how he used to talk to me. He had always been sweet. But I couldn't sense
any of that anymore. He couldn't even look at me the same way he did.

"K-kamusta ka na?"

"I'm fine," he replied. "May sasabihin ka ba?"

Alam ko naman na dapat lang lahat ng natatanggap ko mula sa kanya. I asked for
this. I rejected him. But this hurt so bad... Hearing him talk to me like this was
ripping my heart. I couldn't stop the tears from flowing.

"Is she..." I trailed. I couldn't even compose the right words. I was afraid of the
answer. I was afraid to hear that I had been replaced. Because I still

wanted my place in his life. That was mine. I took care of that place for years...
I didn't want to be replaced and forgotten. "Your girlfriend?"

The word tasted so bitter in my mouth. Girlfriend na ba siya ni Benny?

He shook his head. Naka-hinga ako nang maluwag.

"But that doesn't concern you anymore, Nari."

"Benny naman..."

I tried to hold on to him but he peeled me off of him. Akala ko masakit na. May mas
masakit pa pala. Kasi dati, gusto niya kapag hinahawakan ko siya. Pero ngayon,
parang diring-diri siya na malapit ako sa kanya.

"Iniwan mo ako, Nari. 'Di ba gusto mo 'to? Bakit ka umiiyak ngayon?"

Tuluy-tuloy lang iyong agos ng luha ko. Walang pagtigil. Ayokong tumigil. Baka kasi
mapansin niya na nasasaktan din ako.

"Natakot lang naman ako..." I croaked.

"Did marrying me scare you that much? Did the thought of being my wife disgusted
you that you fled the country the first chance you got?" he said, his jaw
clenching. You could've explained, Nari, maiintindihan ko naman. Pero tinakbuhan mo
ako. You kept on saying sorry without explaining what you really feel. Your lack of
explanation gave me the reason to explain your reason to myself. Inisip ko kung san
ba ako nagkulang, kung san ba ako nagkamali. I thought about everything, Nari. You
made me regret everything I did kasi akala ko nagkamali ako. Because if I did
everything right, then you wouldn't have left saying nothing."

He was calm. But his voice was laced with the pain I caused him.

"I'm sorry..." I whispered. I didn't have the words to say. I didn't have the right
words that would take away the

pain I caused him.

He smiled. "Ayan ka na naman sa sorry mo," sabi niya at saka tinalikuran ako.

"Do you love her?" I asked. I wanted to hear it. I wanted to hear that he had
already forgotten me. Baka kasi... baka kasi makatuloong. Kasi nandun pa rin ako.
Kasi hindi pa rin ako nakaaandar. At pakiramdam ko, patuloy lang akong aasa na
magiging maayos pa rin kami.

Kasi ilang buwan pa lang... ang bilis naman.

"No. But I want to," he replied. "Ang sakit mong mahalin, Nari."

* * *

I didn't know where I was. Ang alam ko lang, gusto kong umalis. My heart hurt so
badly. Pakiramdam ko ay kinuha ni Benny iyong puso ko mula sa dibdib ko at saka
niya dinurog. Masakit akong mahalin? Pakiramdam niya ba siya lang ang nasasaktan?
Hindi ba niya alam na mahal ko rin siya? Na hindi lang siya ang nasasaktan? Na
kahit ako iyong may kasalanan, nakakaramdam din naman ako ng sakit.

Was he regretting giving me his love? Ganoon na ba kami kababaw? Just because we
got hurt, we didn't want the love we built all these years?

Hindi ko na alam. Ang sakit niya rin kasing mahalin.

All I know was that I wanted to drink. Sabi kasi nila, nakakalimutan daw ang
problema kapag lasing. And I just wanted one night without these thoughts haunting
me. I just wanted to free myself from him. Kahit isang gabi lang.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa isang club. I was about to walk inside
nang mabangga ako ng isang grupo ng mga lalaki.

"I'm so- Nari?"

My eyes were blurry from all the crying.

"Ha?"

"It's me, Benj," the guy said. I opened my eyes more. "Saw

you again."

"Ah... oo nga," I merely replied. My spirit was its lowest. "Nandito ka rin pala."

He smiled. He's always smiling. Mabuti pa siya palaging masaya. I missed that
feeling. Paano nga ba maging masaya? It had been too long. Pakiramdam ko ay
nalimutan ko na ang pakiramdam ng pagiging masaya.

"Yeah... Our team won so we're celebrating," he replied. "You? Meeting friends?"

Umiling ako. "I don't have friends."

"Sama ka na lang sa 'min," he offered.

"Ang bata niyo pa." That was only a thought but I must've said it loudly. Natawa
siya.
"Maybe, but we're fun. Tara, pakilala kita sa kanila," he said and then guided me
inside. He must've known the owner of the place dahil diretso lang kaming naglakad
papasok. I didn't give it too much thought. I just wanted to drink. I just wanted
to drown myself para bukas, iyong sakit ng ulo na lang ang iisipin ko. That's
better than wallowing in my own misery.

Pagpasok namin, ramdam ko ang taas ng enerhiya ng mga tao. College students.
They're full of energy. Mauubos din 'yan kapag nakapagtapos kayo. By then, you'd
face the world. You'd feel the pressure from everyone to prove yourselves. You'd be
expected to figure everything out. Being an adult sucks.

"Bakit ang daming tao?" I couldn't help but ask. The place was packed.

"Overall champion 'yung school namin. Basketball team and soccer team are both here
kaya maraming tao," he explained. Huminto kami sa harap ng isang lamesa. "Guys,
she'll be joining us," Benj said. "Nari, si Jackson, Parker, and Jasmine. Guys, si
Nari."

"Hi," I politely said. The two guys just

waved their hand, looking passive. Iyong babae ang naka-ngiti sa akin. They seemed
okay. Mukha lang kaming magkaka-edad. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon?
And they're freakishly tall!

"Si Preston?" Benj asked. Ayun na naman iyong pangalan na 'yun.

The guy, Jackson, shrugged. "Saw him talking to Austin earlier. Hindi ko lang alam
ngayon."

All my thoughts were taken away from him as alcohol was served. The table was never
empty. Tuwing mauubos na iyong laman ng bote, palaging may dumadating na bago. The
people around me were talking but my attention was solely on the liquor. And my
mission was to empty every bottle served.

And a few bottles of JD later, my mind was officially in haze.

"Who's this?"

"Nari."

"Nari who?"

"Gago, siya 'yung dinala mo sa condo ko!"

"Ha? Sino 'yun?"

I reached for another bottle. I couldn't even feel the taste of the alcohol
anymore. Pati yata panlasa ko ay namanhid na sa sobrang sakit.

"Anyway, san ka galing?"

"Talking to Austin. There's another race."

"Ah. E bakit nandito ka na ulit?"

"Dumating si Saint, e. Epal kaya 'nun."

"Sabihin mo, irita ka lang kay Saint kasi alam mong may crush kay Imo."
"Tss. Bakit wala ng inumin? Inubos niyo?"

Gosh. Bakit ang ingay nila? At wala na bang inumin?

"Hindi ka pa ba uminom 'dun? Namumula na kaya 'yung mukha mo."

"Nah. I still want to drink."

"Badtrip ka na naman?"

"Shut up, mom."

"Fuck you, Preston. Bahala ka dyan. Labas muna kami."

Silence reigned between the two of us... o dalawa lang ba kami?

I wasn't sure. My sole attention was on my drinks. Masarap pala 'to? I never
thought I could drink this much. Pakiramdam ko busog na busog na ako sa dami ng
iniinom ko.

"So... ikaw si Preston?" I asked as I downed another glass.

"Yeah. Ikaw si Nari?"

I nodded and then offered my hand but sa mukha niya tumama iyong mukha ko. I
chuckled. "Oops."

"You're drunk," he said as he poured himself a glass.

"Yeah... I think I'm drunk," I replied and then giggled. "Preston..." I said, my
words slurry. "Your names makes me hungry." Why was he named after a biscuit? Adik
ba ang nanay niya?

"Baliw," he murmured.

"I heard that! Hindi ako baliw! Heartbroken lang ako!" I argued and then drank some
more. "Lalaki ka, 'di ba?"

"I think so," he replied. I looked at him and I didn't know if it's because of the
lights but he looked red. Or maybe he's as drunk as I was. Maybe this was better.
Sabi kasi nila, drunk words are sober thoughts. And I just wanted some honest
thoughts... Kung sa perspective ba ng lalaki, dapat na talaga akong kalimutan ni
Benny. If I really crushed his ego enough for him to forget me and replace me.

Gusto ko lang marinig para mas masaktan ako. Baka kasi tigilan ko na talaga kapag
sobrang sakit na.

"I have this friend..." I trailed.

"Sure, friend," he said and then downed a glass.

I ignored his sarcasm and continued. "Kung iniwan ka ba ng girlfriend mo kapag


nagpropose ka, magagalit ka?"

He played with his glass for a while before answering. "Depends... Is there a
reason?"

"Yeah, of course meron!" I said. "The girl's afraid. She's just


21. She didn't want to get married yet."

"Did the guy say that they'd get married? There's this thing called long
engagement," he said and then drank. Goodness. Was this night called the night of
harsh truths?!

Inabot ko iyong bote at saka tinungga na. I couldn't feel the liquor anymore. It
didn't taste disgusting anymore. I just welcomed the stupor I was feeling.

I tried to stand up para humanap ng iinumin nung matumba ako. And I didn't want to
hear any more truths. I had enough for the night... Nang tumayo ako, I heard glass
breaking but my eyes really couldn't focus on anything. Wala na talaga akong
maintindihan. All I knew was that I wanted to drink some more.

"Sorry," I said, my words sounded slurry. I tried to reach for a napkin para
punasan iyong pants niya.

"Holy sh-"

I continued wiping the wet part of his pants. I couldn't see clearly. Sobrang labo
na ng mata ko tapos madilim pa... tapos hilung-hilo na talaga ako sa dami ng nainom
ko. I didn't even dare to stand up again because I knew I'd just end up falling...
Ganoon naman talaga palagi, 'di ba? Kapag akala mo kaya mo na mag-isa, bigla na na
namang mahuhulog.

"It's not coming off..." I said as I stared. I pulled him up and brought him with
me. The club was packed. I could feel gyrating bodies against my skin. Mas lalo
lang akong nahilo dahil sa sikip.

"San mo ba ako dadalhin?" he asked as I continued to drag him. I didn't know, as


well. Hindi ko alam kung saan kami papunta. All I knew was that I wanted some peace
and quiet time. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa makarating kami

sa third floor. I opened the doors. I didn't even know why there were rooms here.
"Ano bang hinahanap mo?"

"CR."

"And why are you bringing me with you?" he asked.

"I don't know..." We were holding hands. It felt nice. It had been too long since I
held someone's hands. Goodness. Namimiss ko na naman si Benny. Bigla akong napaupo
at niyakap ang mga binti ko. "I miss you..." I said and tears began to fall. Tuluy-
tuloy. Walang paghinto.

I felt Preston crouching beside me. "You're ugly when you cry."

"Ang gwapo mo, e," sabi ko. Napaka-laitero talaga ng taong 'to. Nasaan ba si Benj?
I needed him and his comforting words! Hindi ko alam kung bakit naiwan ako kasama
itong Preston na 'to!

"You'll get over him," he said.

"Hindi. Forever na akong stuck. Tanggap ko naman."

"Walang forever. Makaka-move on ka rin," he said.

"What do you know? Bata ka pa," I said and then patted his head. He swatted my hand
away. "Bastos na batang 'to. Igalang mo ako. Mas matanda ako sa 'yo," I said and
then attempted to pat his head again.

"You may be older but you look stupid," he said. "And will you please stop crying?"

"Inaano ka ba ng luha ko?"

May inabot siya sa akin na panyo. "I'm tired of seeing people cry. It tires me.
This is why I don't want to fall in love. Ayokong umiyak."

"Hindi ka pa naiinlove?" I asked him. Okay naman ang itsura niya. I mean, not
bad... o dahil lang madilim dito sa club? Baka kapag maliwanag ay panget 'tong si
Preston? But ano bang pakielam ko? As if naman magkikita pa kami pagkatapos ng gabi
na 'to.

"Nah," he said. Sabay kaming naupo sa sahig. We were both wasted. Our eyes were
lazy. "People around me aren't exactly making falling in love seem fun."

"Bakit naman?" I asked. Even if Benny and I were hurting, I still wouldn't deny
that the years I spent with him would arguably be the best years of my life. He
made me really happy.

"My mom's still in love with her ex who's been dead for so long... then my sister's
hopelessly in love with my best friend who's with someone else," he explained. "You
see? I really don't want that for myself."

I tapped his shoulder. "Kawawa ka naman."

"Tss," he said and then inalis niya iyong kamay ko sa kanya. Ayaw niya talaga ng
hinahawakan. Ang arte. "Let's just drink."

I wouldn't be surprised if we'd end up having alcohol poisoning because of


everything we're drinking. We sat down and drank and drank until we're both really,
really wasted. We talked about things that didn't even make sense. Actually, hindi
ko na alam kung ano ang pinag-uusapan namin. But I remembered giggling a lot.

"If I'll fall in love again, sana hindi niya ako saktan..." I said and then
hiccuped. "Kasi kapag nasaktan ulit ako, baka matakot na talaga akong ma-in love.
Tapos baka maging nega na ako kagaya mo..." And then I hiccuped again.

"Stop your hiccup. It's annoying."

"It's not as if-" Another hiccup. "I can stop." And then another one.

"Just hold your breath and it'll stop," he said.

"Ha?" Another hiccup. And another one.

"Stop your hiccup."

"I'm trying to-"

But my hiccup finally stopped when I felt his lips on mine.

=================
Déjà vu

#IWHFFSE5 || Déjà vu

My head was pounding badly. My throat felt so dry. Sinubukan kong buksan ang mga
mata ko pero naramdaman ko agad na parang umiikot ang mundo ko. And then I felt
like throwing up. Agad akong tumayo para tumakbo papunta sa CR pero napaupo ako sa
sahig dahil ang sakit ng mga paa ko. A nang mapansin ko na wala na naman ako sa
kwarto ko, agad na nanlaki ang mga mata ko. Goodness! Why did I keep on waking up
in some stranger's place?!

At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na pamilyar ang kwarto na
kinatatayuan ko. My hands were in my mouth, trying to keep the vomit from making a
mess.

"You oka-" But before he could even finish what he was trying to say, hindi ko na
napigilan-I threw up in Benj's trash bin.

Halos isang minuto akong nasa CR at pilit na sumusuka kahit wala na akong mailabas.
I didn't even dare look at the mirror because I knew that I probably looked like a
freaking mess. Dahil base pa lang sa sakit ng ulo ko at sa dami ng sinuka ko, alam
ko na sobrang dami kong nainom. And I couldn't blame myself. Yesterday was arguably
one of the hardest days in my life. I got my already broken heart broken again.
Akala ko wala ng mas isasakit pa iyong nararamdaman ko... but Benny proved that
what I wasn't feeling wasn't the worst yet. Pwede pa pala akong mas masaktan.

Kaya niya pala akong saktan. He always told me that he'd never hurt me... that he'd
always take care of me. That my happiness was his utmost priority. But I guess
everything's bound to end, one way or another. Kahit ilang pangako pa ang sabihin,

sa huli, napapako din.

But this was also my fault. I broke up with him. I asked for this... but it still
hurt. Masakit na makita iyong mahal mo na may kasamang iba... What if he fell for
someone else? Would I be able to watch him fall for someone else? Was my heart
ready for that?

"Still alive?"

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Benj. Agad akong tumayo
mula sa pagkakaupo at saka nagmumog. I washed my face with water-umaasa na kahit
papaano, mapawi noon iyong sakit ng ulo ko... o sakit ng puso, kung possible din.

"Bakit... nandito na naman ako?" I asked when I got out. Bakit ba palagi na lang sa
condo unit niya ako nagigising tuwing pagkatapos kong maglasing?

Benj handed a towel to me and I dried my face with that. "You were wasted last
night," he said. I tried to recall what happened but I really couldn't remember
anything.

"Totoo?" I asked, wincing. Goodness. Nitong mga nakaraang araw, wala na akong
ginawa kung hindi ang uminom. Hang in there, liver. Mapapa-hinga ka rin kapag
gumaling na si heart.

"Yeah... Also, your sister called. Sorry if I took liberty of answering your
phone."

"Ano'ng sabi ni Sari?" I asked. Baka kung ano ang sinabi ng bata na 'yun kay Benj!
May pantasya pa naman iyon na makakapag-asawa ako ng mayaman at gwapo! Baka
pumalakpak ang tenga nun kapag nakita niya si Benj-but it wasn't as if may nangyari
sa amin, noh!

"Not much. I just answered some of her weird questions," he said, smiling like it
was nothing. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang hindi naman na-offend si Benj
sa mga tanong ni

Sari. If I knew better, sigurado ako na tinanong ni Sari kung mayaman ba si Benj.
Ang batang 'yun! "I asked for the house address pero sinabi niya na 'wag na kitang
iuwi."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, sorry! May sayad iyong kapatid ko, pagpasensyahan
mo na."

"It's fine," he said with a shrug. "Hindi rin kita mahahatid kagabi kasi may
pinuntahan ako."

I nodded. Kumunot ang noo ko dahil naka-tingin siya sa akin.

"Uhh... may mali ba sa mukha ko?" I asked, panicking inside. Ayoko talaga na
tinititigan ako sa mukha. Pakiramdam ko, may mali o may dumi sa mukha ko. Even when
outside kapag naglalakad ako, ayoko talaga na tinititigan ako. It always makes me
feel awkward and uneasy.

"Nothing. Wala ka ba talagang naaalala?"

I shook my head. "May... ginawa ba akong masama kagabi?" I asked. "Nahulog ba ako
sa hagdan?" I continued. Masakit kasi iyong legs ko and my body felt sore all over.
At isa pa, sabi kasi nila Venice, nababaliw daw ako kapag lasing ako. This was the
reason why as much as possible, I don't drink. I couldn't properly hold my liquor.
O kung iinom ako, kasama ko si Benny para may magbabantay sa akin. Pero wala na si
Benny... tapos sobrang sakit ng puso ko. Ito tuloy liver ko ang sumasalo ng lahat
ng problema ko.

"Gusto mong malaman?"

I winced. "Gugustuhin ko ba?" I asked, worried. Hindi ko pa naman kilala kung sino
ang mga nakasama ko kagabi! I tried to remember but only fragments came into mind.
I remembered drinking kahit nung nasa kasal pa ako... tapos nakausap ko si Benny.
Then there was a lot of crying. Tapos uminom ako nang uminom... Tapos I remember

craving for biscuit. Hindi ko alam kung bakit.

"Nah, it's better if you don't remember it," Benj said, smiling. Pumunta kami sa
dining area ng condo niya tapos pinaupo niya ako habang nagluluto siya. Ako naman,
tinignan ko iyong cellphone ko. There were texts there. Hindi naman ako hinahanap
sa bahay dahil siguro pinagtakpan na naman ako ni Sari. Sobrang supportive ng bata
na 'yun kapag nasa labas ako. Palibasa hindi siya pinapayagang lumabas masyado kaya
ako ang pinupush niya na mag-explore.

My stomach was grumbling so bad when Benj finished cooking. I happily filled my
stomach with food.

"How's your first overnight there?" sabi ni Benj habang natatawa. Nasa couch siya
dahil biglang may tumawag sa kanya. I didn't want to listen to the conversation
pero naririnig ko pa rin naman. "Don't worry, I won't tell your family about what
happened last night," sabi niya pa. "Ano'ng oras labas mo? I'll pick you up."

I stuffed my mouth with food. Ang sarap magluto ni Benj, in fairness. Kung hindi
lang ako mas matanda ng almost 3 years sa kanya, baka maging crush ko siya.

"Don't blame Saint for being a diplomat, you drunken ass. Do you need a lawyer?
Tatawagan ko si Parker kung kailangan mo," he said. "Alright. I'll bring you soup
pagsundo ko sa 'yo mamaya."

I tried humming para hindi ko masyadong marinig iyong pinag-uusapan nila kasi
feeling ko, invasion of privacy. When he was done talking to his friend, binalikan
niya ako. "Done?" he asked.

I nodded. "Thank you, ha? Hindi ko alam kung bakit palagi akong nandito kapag
nalalasing ako... pero promise, last na 'to."

"It's

fine. You were entertaining last night," sabi niya na may bakas ng ngiti sa mukha.

"Hala, ano ba kasi iyong ginawa ko? Nakakahiya! Sorry talaga kung anuman ang ginawa
ko!"

May inaway ba ako? Sinigawan? May pinagkamalan ba akong Benny? Wala naman siguro
akong hinalikan! Hindi naman ako nanghahalik kapag lasing! Goodness! Mababaliw ako
sa kakaisip kung ano ang ginawa ko!

"It's alright... though you probably should steer clear of Preston for a while,"
sabi niya.

"Preston?" I asked. Palagi ko talagang naririnig ang pangalan na 'yan!

"Yeah. Iwasan mo muna siya. He's really pissed but he'll get over it."

"Hala, Benj, mas lalo mo lang akong pinag-alala! Ano ba 'yung ginawa ko?"

"I don't know what happened exactly. You were drinking and then I went outside to
talk to my parents. Tapos pagbalik ko sa loob, wala ka na sa pwesto pati si
Preston. Tapos..."

"Tapos?" I asked. Nambibitin naman 'to! Hindi na lang i-kwento agad lahat, e!

"There was a fight... kinda. I went upstairs and saw you, Preston, and Saint. You
were on the floor, asleep. Si Preston at Saint naman, nagsusuntukan. I don't know
why they were fighting but when the bouncers came, sinabi mo bigla na
pinagsamantalahan ka. We didn't know what you meant by saying that because you
fainted again. And because Saint's a diplomat, si Preston lang ang dinala sa
kulungan."

Nang matapos siya, iyong mata ko ay parang tatalon na palabas. Goodness! Tama nga
si Benj! Kung sinuman ang Preston na 'yan, hindi ako magpapakita sa kanya! Baka
kung ano ang gawin niya sa akin! Nakulong siya dahil sa akin kaya

hindi na rin ako magtataka kung sakalin niya ako kapag nagkita kami.

"Paki-sabi na lang sorry..." I whispered.

"Sure," Benj said. Kahit ayoko, hinatid ako ni Benj sa bahay namin. Though hanggang
sa kanto lang ako nagpahatid dahil ayoko na intrigahin na naman ako ni Sari. My
head was still pounding badly at ayokong dagdagan pa iyon.

"Thank you," I said when we reached my place. "Promise, hindi na talaga ako
maliligaw sa unit mo." Nakakahiya na kasi! Twice na! At to think na hindi naman
kami friends nitong si Benj!

"I highly doubt that," he replied with that warm smile of his. "See you around,
Nari."

Hindi na, noh. Pagkatapos kong malaman na nakulong iyong Preston dahil sa akin? At
may isang diplomat pa na muntik ng makulong dahil sa akin? Malamang pagtataguan ko
silang lahat!

* * *

Weeks passed and I tried to live a normal life. Ginawa ko lahat para mapunta sa iba
ang atensyon ko. I didn't want to wallow in self-despair any longer. Nagdeactivate
din ako sa lahat ng social media accounts ko. Ayoko ng temptation para i-stalk si
Benny at ang bagong girlfriend niya. Ayoko rin siyang i-block dahil baka isipin
niya... ewan ko kung ano ang iisipin niya. Sabi kasi nila, kung sino ang unang
mamblock, siya ang mas affected. Oo na, affected ako sa kanya at sa bago niya pero
kailangan ba niyang malaman?

And I knew he knew that I still love him. Hindi naman mawawala agad iyon. Years
kaming magkasama. Years of memories weren't easy to just get over with. And if I
had a choice, I wouldn't get over him. Pero kung may iba na siya? What choice did I
have? Do I still hold

on to his words kung nakikita ko na may iba na?

How low should I get before I begin pity myself?

"Mukhang improving ka, ah?" Venice asked. I just finished another project. Lately,
ang dami kong approved na projects. Dito ko kasi binubuhos buong panahon ko. Naisip
ko na kahit hindi ito ang dream job ko, na bwisit ako sa boss ko, wala naman akong
magagawa. If I continue to look at the negative side, talagang negative ang
makikita ko.

"Hindi naman."

"Tumataba ka nga, e," she said and then poked my cheek. "May bagong jowa? Hiyang?"

"Wala!" I replied. "At saka wala namang preno 'yang pagsabi ng tumataba ako! Parang
walang feelings na na-hurt, ah!"

Tinawanan niya lang ako. "Halata kasi, girl! Dati mukha kang skeleton pero lately,
mukha ka ng Homo sapiens."

"Ewan ko sa 'yo," I said and then continued munching on my apple slices habang
tinitignan ko iyong specifications ng bagong project na pinapaasikaso sa akin. My
entire day was spent trying to come up with yet another design. Hindi ko na
mabilang kung ilan ang ginagawa ko. Gusto ko lang kasi na maging maganda ang track
record ko sa company na 'to para kapag tapos na iyong contract ko, mabilis akong
makukuha sa gusto kong lipatan. At saka para may karapatan ako na humingi ng mataas
na starting salary. Though my health was starting to suffer dahil sa sobrang
pagfofocus ko sa work. Madalas akong mahilo dahil sa kulang ako sa tulog. But okay
lang. Para sa career, laban lang.

Pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko si Mama na kausap si Tita Josie, iyong kapatid


niya na nasa Canada. Byuda kasi iyon at walang

anak man lang kaya malungkot palagi. Ilang beses na nga kaming pinipilit na
magmigrate pero ayoko. Syempre nasa Pilipinas iyong buhay ko at nag-aaral ako ng
college nun.

"Hi, Tita!" I greeted.

"Aba, mukhang tumataba ka ngayon, ah!" bungad niya sa akin. Ganito ba talaga ang
mga Tita? Palagi na lang pagtaba ang paboritong topic?

"Hindi naman po," I replied.

"E 'di ba graduate ka na? Pumunta na kayo dito sa Canada! Ihahanap kita ng trabaho!
At ng bagong boyfriend!" she urged. I just smiled at her and politely declined.
Masaya na ako sa buhay ko rito... medyo.

Umakyat ako sa kwarto at agad na natulog. I was extremely sleepy but I had to
attend to all my works. More work, less time to think. Iyan na ang motto in life
ko. Kinabukasan, papasok na sana ako sa trabaho nang makaramdam na naman ako ng
hilo. So instead of heading to the office, nagpahatid na lang ako sa taxi sa
hospital. The doctor in the triage area interviewed me at sinagot ko naman iyon.
And then she asked me to pee para raw ma-check iyong dugo ko kung may UTI ba ako. I
didn't ask too many questions because my head wouldn't allow me.

I was in the waiting area and was trying to contain the pain in my head when I was
finally called in the doctor's office.

"Miss or Mrs.?" the doctor asked.

"Miss lang po," I asked, slightly offended. Haggard at losyal na ba ako para
pagkamalang misis? I mean, oo, hindi ako palaayos masyado pero mukha naman akong
disente! O baka naman dahil tumaba nga talaga ako kaya mukha na akong misis?! Dapat
na yata akong magdiet! Napapasobra na talaga ang kain ko! Stress eating pa kasi
akong nalalaman, e.

"Okay," she said and then proceeded to asking me all these weird questions. I
answered them as honestly as I could. "So, here are the vitamins you should take.
Reminder din na bawal magpuyat at bawal ma-stress. Ang first trimester ang pinaka-
sensitive na parte ng pagbubuntis. Iwasan mo rin ang-"

I blinked once. Twice. Thrice.

"W-what?" I said, almost breathless.

"You're 9 weeks pregnant, Miss Miranda," she said and I fainted once again.

=================

Baby Daddy

#IWHFFSE6 || Baby Daddy

I couldn't sleep. I couldn't eat. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Ako? Buntis?!


You've got to be kidding me! Ano iyon? Habang tulog ako ay nakipagsex ako?!

God! Nababaliw na talaga yata ako!


"Girl, okay ka lang?" tanong sa akin ni Venice.

I meekly nodded. My head was in a mess. Kahit na sinabi ng doktor sa akin na mas
mabuti na umuwi muna ako at magpahinga, mas pinili ko na dumiretso sa trabaho. I
needed to be distracted. I needed to think about something else. Para kasi akong
tatakasan ng bait kapag patuloy kong inisip kung paano akong nabuntis.

Kay Benny ba 'to? Ano 'yun? Delayed ang pagtravel ng sperm niya at ngayon lang
nakarating sa obaryo ko?!

Gosh! Binabaliw ako ng mga pangyayari sa buhay ko!

"Sige, lunch na kami. Sure kang ayaw mo?"

"Hindi. Sige, mauna na kayo," I told her. Ngayon lang nagkakaroon ng sense lahat ng
nangyari lately. Iyong laging pagbanggit ng mga tao sa paligid ko na tumataba
ako... Iyong pagiging picky ko sa pagkain kahit na dati naman, kahit isaw hindi ko
inaayawan. Iyong constant mood swings ko na akala ko dahil malapit na akong
magkaron... iyon pala ay morning sickness ko na.

Goodness. Buntis nga ako.

"Think, Nari, think..." I mumbled to myself. Sabi ng doktor, 9 weeks pregnant na


ako. Agad kong inabot ang kalendaryo sa lamesa ko at nagbacktrack. Nang makarating
ako sa petsa 9 weeks ago, agad na kumunot ang noo ko. The week was practically
empty. Gawain ko kasi na i-plot out lahat ng tasks ko for the week para wala akong
nakaka-limutan. Dati kasi, si Benny ang

human reminder ko... Ngayon na wala na siya, kailangan ko ng tandaan lahat sa


sarili ko.

Cristine's wedding

Iyon lang ang naka-lagay na activity para sa linggo na sinasabi ni doktora na


nabuntis ako. I closed my eyes and tried to remember everything. I remembered
attending the wedding... and then seeing Benny with his new girl... And then I
remembered crying dahil sa mga sinabi ni Benny sa akin. Tapos, medyo magulo na.

I remembered drinking. A lot.

And then I remembered going to a club.

Tapos... wala na.

"Gosh..." I whispered to myself. Did I have sex with a stranger in a club?!


Magiging isang cliché na rin ba ako?! Itatakwil ako ng nanay ko at bibisitahin ako
ng kaluluwa ng tatay ko.

Hanggang sa makauwi ako, iyon pa rin ang nasa isip ko. It could be anyone... Anyone
in the hundred million population here in the Philippines. O baka naman foreigner?
Jusko.

"O, napa-aga ang uwi mo," bungad ni Mama pagpasok ko.

"Hindi na po ako nag-OT," sagot ko tapos nagmano.

"Mabuti naman. Ang putla mo nitong naka-raang araw, e," she said. "Nagluto pala ako
ng paborito mo." Na-guilty naman ako. Hindi kasi ako nakaka-kain nang ayos nitong
nakaraang araw dahil biglang hindi ko na nagugustuhan iyong amoy ng mga luto ni
Mama. Hindi ko naman alam na dahil pala sa buntis ako...

"Sige po, Ma. Bihis muna ako."

Pumunta ako sa kwarto ko at saka nahiga. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko
alam kung paano ko sasabihin kay Mama... Mahina ang puso niya. Ayoko naman na heart
attack ang ibigay kong regalo sa kanya sa 50th birthday niya. At saka

wala akong boyfriend-ang pinaka-malapit na pwedeng i-consider na boyfriend ko ay


ang trabaho ko. Kaya sino pa ba ang iisipin niya na nakabuntis sa akin?

God. Ayoko na malaman ni Benny na buntis ako.

"Ate, pahiram naman ng damit mo," sabi ni Sari pagbukas ng pintuan. "Okay ka lang?"
she asked and then plopped down beside me.

"Okay lang."

"Weh? E bakit mukhang Biyernes Santo 'yang face mo?"

"Wala. San ka ba galing? Ang baho mo."

Kinunutan niya ako ng noo. "Ang harsh mo naman! Kaka-ligo ko lang kaya, Ate!" sabi
niya at saka inamoy iyong sarili niya. "Tara na sa baba," sabi niya nang tinawag
kami ni Mama.

Pagbaba namin, naka-hain na iyong beef caldereta ni Mama. Pero habang palapit kami
nang palapit sa lamesa, para akong maduduwal sa amoy ng caldereta. Pinigilan ko na
masuka dahil hindi tanga si Mama. Alam ko na mapapansin niya, na magpagkukunekta
niya lahat ng nangyayari sa akin.

"Ay, mauna na kayong kumain ng Ate mo at tumatawag sa Facetime ang Tita niyo!" sabi
ni Mama at nagmamadaling pumunta sa salas para buksan ang iPad niya.

Pagka-alis na pagka-alis ni Mama, agad akong dumiretso sa CR at dumuwal. I vomitted


and vomitted until I felt relieved. My eyes were watery when I finished. Naghilamos
ako at saka lumabas. Pagkalabas ko, si Sari agad ang bumungad sa akin.

"Ate..." she said.

"Hmm?" I replied while drying my face with a towel.

"Buntis ka ba?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Lumakas ang tibok ng dibdib ko. Hindi ako
nakapagsalita. God. Alam ko na malalaman din nila isang araw... pero 'wag ngayon.
Hindi pa ako handa.

"Kasi

tumataba ka kahit hindi ka naman masyadong kumakain lately. Tuwing weekends din,
para kang patay kung matulog. Tapos kanina sabi mo mabaho ako kahit ang bango-bango
ko naman... Tapos ngayon, parang diring-diri ka nung makita mo 'yung caldereta
kahit favorite mo naman 'yun," sunud-sunod niyang sabi. Pakiramdam ko ay mas lalo
akong namutla. Ngayon ko lang pinagsisisihan na mayroon akong matalinong kapatid.
Napapansin niya lahat.

"Buntis ka ba, Ate?"


We were staring at each other, not saying a word. I didn't know how to break it to
her. Hindi ko alam kung papaano kong ipapaliwanag sa kanya na buntis ako at hindi
ko alam kung sino ang ama. Ang gulo-gulo. I was a mess myself. Hindi ko kayang i-
explain sa iba dahil ni sa sarili ko, hindi ko maintindihan.

"Oh, bakit 'di pa kayo kumakain?"

Naka-hinga ako nang maluwag nung bumalik si Mama. Nagtitinginan kami ni Sari. Kahit
umiiwas ako ng tingin, ramdam ko pa rin iyong titig niya.

Hiniling ko na sana hindi na kami matapos sa pagkain dahil alam ko na guguluhin ako
ni Sari. But not all wishes come true...

"Ate, buksan mo 'tong pinto," she said while knocking. I tried to ignore her but
she was so persistent. Katok lang siya nang katok. "Kakatukin kita buong gabi, sige
ka. Madami akong time." I sighed. Tumayo ako at binuksan iyong pinto. "Kitams?
Bibigay ka rin, e!" she said, grinning. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at umupo
sa kama ko. Nag Indian seat pa siya.

"So..." she said, staring at me.

"Hindi mo sasabihin kay Mama?"

Umiling siya. "Problema mo 'yan, Ate. Bakit ko aakuin?" she said, rolling her eyes.
"Buntis ka nga?"

sighed again and then slowly nodded.

"Sino ang ama? Si Kuya Benny?"

Umiling ako.

"May bago kang boyfriend?"

Umiling ako.

"Ano? Virgin Mary na ang peg mo ngayon, Ate? Ano ka? Nasagasaan ng rumaragasang
hotdog?!"

Tinignan ko siya nang masama. "Hindi ko alam," I answered. "Hindi ko... maalala."

Nanlaki ang mga mata niya. "Na-rape ka ba, Ate?!"

"Pwede ba, Sari? Tigil-tigilan mo na ang panonood ng TV! Kung anu-ano 'yang naiisip
mo!"

"E kasi naman, Ate... Ano nga? Hirap mo ring kausap, e! Buntis ka pero wala kang
clue kung sino? Aba, impossibleng hindi mo alam! Katawan mo 'yan, e! Ako nga
kagatin lang ng langgam ramdam na ramdam ko na, matusok pa kaya ng hotdog?"

Lord, bakit ganito ang mga alam na salita ng kapatid ko?!

Huminga ako nang malalim at nagsimulang ipaliwanag ang mga nangyari. I started from
the beginning. Maybe I needed this, too. Kailangan ko ng tulong niya dahil kung ako
lang sa sarili ko, hindi ko rin alam. Parang patung-patong bigla ang problema ko.
Ni hindi ko nga maasikaso nang mabuti ang sarili ko tapos biglang may bagong bata
na kailangan kong alagaan?

"So... clearly, hindi si Kuya Benny ang ama," she speculated.

"Hindi," I replied.

"Bakit ganyan mukha mo? Umaasa ka pa rin?" I stayed silent. "Ate, payong kapatid
lang, ha? Kung meant to be kayo ni Kuya Benny, kayo pa rin ang magkakatuluyan,
promise. Pero hindi mo ba napapansin na sa mga takbo ng pangyayari, baka hindi
talaga para kayo ang sa isa't-isa? Kasi tignan mo, nagpropose siya pero tinanggihan
mo. Nung natauhan ka na sa katangahan mo, may iba na siyang girl.

Tapos, isa pang sign na hindi talaga kayo meant to be, buntis ka sa baby ni missing
guy! I mean, hindi pa ba reason enough 'tong mga pangyayari para ma-realize mo na
hindi talaga OTP ang Benny-Nari love team?"

I bit my lip to stop myself from wallowing.

"Ate, 'wag mo ng iyakan. Tapos na kasi."

"Mas madaling sabihin kaysa gawin."

She rolled her eyes. "Bakit? Sinubukan mo na bang magmove on, Ate? Iyong move on
talaga?" she asked. Hindi ako naka-sagot ulit. "Kasi pakiramdam ko, deep inside,
umaasa ka pa rin na magkakabalikan kayo ni Kuya. Kaya hindi ka makausad, e. Kasi
hindi mo pa rin inaalis diyan sa loob mo na umasa. Paano mo makakalimutan kung
hindi mo susubukan? Iyong susubukan mo talaga na magmove on, hindi 'yung sinasabi
mo lang pero iba naman ang ginagawa mo?"

When did Sari grow up? Parang dati lang, pinapatigil ko pa siya sa pag-iyak... Pero
ngayon, siya na ang nagpapayo sa akin.

"I'll try..." I whispered.

"Try harder, Ate. Magkaka-baby ka na. Bawal na maging tanga."

Napa-ngiti ako at hinatak siya para yakapin. "Cute mo, ha. Pero 'wag mong sasabihin
kay Mama, ha?"

She nodded. "Pero, Ate, feeling ko dapat hanapin mo si Kuya Benj. Base kasi sa
kwento mo, siya ang makakapagsabi sa 'yo tungkol sa nangyari nung gabing nalasing
ka."

I brushed her hair using my fingers. "Hindi ko alam number niya."

"Alam mo naman bahay niya. Boses gwapo so feeling ko gwapo 'yun. Ang next question
is, mayaman ba, Ate?" she asked. Binatukan ko. Hindi na talaga magbabago 'tong
batang 'to.

* * *

More weeks passed. Mas lumuwag ang mga sinusuot

kong damit. Mas dinadamihan ko ang kain para isipin ni Mama na tumataba ako instead
na buntis ako. I tried to tell her about my pregnancy a couple of times but I
always chicked out. Ang hirap sabihin sa nanay mo na buntis ka lalo na kapag wala
kang maipapakilalang ama.

Sari bugged me about calling Benj. Wala naman akong number nung tao. Kapag naman
pupuntahan ko, kinakabahan ako lalo. Goodness. I couldn faintly remember that Benj
told me na college party nila nung gabi na 'yun. Basically, puro students ang nasa
lugar na 'yun...

Jusko. Minor pa ba ang naka-buntis sa akin? May mas lalala pa ba sa sitwasyon ko?
Bukod sa magiging anak ko, may bagong bata pa ba na kailangan kong pag-aralin?

"Ate, malapit ng mapansin ni Mama. Malapit ka ng lumagpas sa chubby stage. Hindi mo


mapu-pull off ang naka-lunok ng watermelon stage," sabi ni Sari.

"Oo nga, e... Pero hindi ko masabi hanggang sa hindi ko nahahanap iyong lalaki."

"Kailangan mo pa ba, Ate? Pwede naman nating alagaan iyong baby. Nasa bahay lang
naman palagi si Mama," she said. Alam ko naman na kung ako lang, sapat naman 'yung
sweldo ko. But that's not the point.

"Sari, napaka-traditional ni Mama at ng pamilya natin, alam mo naman, 'di ba?" I


told her. Iyong isang pinsan namin ay pilit na pina-kasal sa boyfriend niya nung
malaman na buntis siya. At si Benny ang kilala na boyfriend ko sa pamilya namin. It
wouldn't matter kung ex ko na siya. Alam ko na siya ang unang suspect. "At isa pa,
kaka-punta lang natin last week sa ospital para sa check-up ni Mama. Gusto mo bang
atakihin sa puso 'yun?"

She sighed. "E

pano 'yan, Ate? Malapit ng lumaki ng todo 'yang tiyan mo... tapos manganganak ka
pa? Paano lulusutan 'yan?"

We sat in silence. We sat there and thought of different solutions.

"Ate..." she called after minutes of silence.

"Hmm?"

"Naka-usap ko ulit si Tita kanina... inaaya niya pa rin tayo na pumunta sa Canada,"
she said. Kumunot ang noo ko. "What if... pumayag na tayo? I mean kahit kaming
dalawa lang ni Mama?"

"Akala ko ba ayaw mo?"

She nodded. "Based sa research ko, wild ang snow sa Canada e ayoko pa naman sa
malamig. Pero syempre mas uunahin kita kasi ate kita."

Para akong maiiyak. Why was she sacrificing her life for me? Hindi niya naman
problema 'to. Ako 'tong tanga na naglasing at hindi alam ang nangyari sa akin...

"Sabihin ko na lang kay Mama na kaming dalawa na lang tapos susunod ka na lang
after ng contract mo sa work mo. Siguro naman sapat na ang two years para makita mo
'yang hinahanap mo?"

But instead of answering, I hugged her tight.

* * *

"Tatawag ka lagi, ha?" Mama said for the nth time.

I nodded. "Opo. Mag-iingat kayo 'don, Ma. 'Wag kang lalabas masyado kapag may snow
kasi baka madulas ka. Tapos iyong gamot mo, ha?"
Pakiramdam ko kaunti na lang, mag-iiyakan na kaming dalawa rito sa airport.

"Hindi ba pwedeng magresign ka na lang?" Mama asked, crying.

"Makukulong ako, Ma..." I said, biting my lip to stop myself from joining her sob
fest. "Susunod naman ako agad."

"Basta, Facetime palagi," paalala ni Mama.

"Yes, Ma. Bawal magboyfriend ng Kano, ha?"

Namula si Mama. "Batang 'to! O siya, palagi mong ila-lock

ang pintuan, ha? At pinagbilin din kita kay Mareng Lumeng para tignan-tignan ka."

May ilang minuto pa kaming nagpaalaman sa isa't-isa bago napagod si Mama at nauna
ng pumila para magbayad ng travel tax.

"Ate, send ka ng pic ng baby, ha?"

I nodded and smiled. "Ingat ka 'don. Alagaan mo si Mama."

"Oo naman, of course."

Niyakap ko si Sari. "Thank you..." I said and hugged her tight. I really
appreciated everything she's doing for me. Alam ko na mami-miss niya ang mga
kaibigan niya dito pero ginawa niya pa rin. Hindi biro na bigla na lang siyang sa
Canada magpapatuloy ng high school.

"No problem, Ate... Ingat ka palagi. Kapag malapit na ang due, sa ospital ka na
agad, ha? Walang tutulong sa 'yo sa bahay..."

I begged myself to stop from crying dahil baka maawa si Mama sa akin at hindi na
umalis. Nagpaalam kami ng isa pang beses bago ko sila pinanood papasok ng terminal
nila.

Wala na.

Wala na talaga sila.

God. I felt empty all of a sudden. Buong buhay ko, kasama ko sila tapos biglang ako
na lang...

"Wag mong papahirapan ako masyado, ha?" I told my tummy. "Sorry kung wala ka pang
daddy. Makikilala mo naman siya kapag sabi nga ng Tita Sari mo, meant to be..."

* * *

I decided to just raise the baby alone. I love my baby. Hindi pa siya pinapanganak,
sobrang attached na ako sa kanya. At isa pa, ewan ko... biglang wala na akong
pakielam basta ang mahalaga sa akin, maging safe at healthy ang anak ko.

"Girl, wala ba talagang pwedeng mag-alaga sa baby mo?" Venice asked.

I cooed John to stop him from crying. "Wala, Ven. Alam mo naman na kapos sa pera,
'di ba?" I told her. Sakitin si John. Maaga kasi siyang nalabas mula sa tiyan ko
kaya halos isang buwan din siya sa hospital. Naubos nun ang savings ko kaya wala na
rin akong pambayad sa nanny. Ayoko namang manghingi kay Mama dahil meron pa naman
akong pera kahit papaano... Tinitipid ko para sa gamot ni John dahil baka
magkasakit na naman ulit. Ayoko namang kay Sari humingi kahit na sinasabi niya na
bibigyan niya ako. Pinaghirapan niya iyon sa mga parttime job niya. Sa kanya lang
dapat 'yun.

"Alam ko naman, girl, pero alam mo naman na walang paki si boss dyan. Ubos mo na
lahat ng leave mo..."

Napa-pikit ako sa sakit ng ulo.

"Hindi ba pwedeng-"

"Girl, lahat na ng pwedeng dahilan, nabigay ko na kay boss pero ang dami mo na ring
absences lately..."

"Sige, Ven. Bahala na siguro."

Alam ko na matatanggal na ako sa trabaho. Sakitin si John. Paubos na ang savings


ko. Wala na akong pambayad sa bills. Wala na akong pambili ng gatas. Tinignan kong
mabuti si John. "Siguro panahon na para hanapin natin ang daddy mo..." I said and
wished that he's a decent guy and he'll accept John.

=================

Pleasant Surprise

#IWHFFSE7 || Pleasant Surprise

I didn't know where to start... or how to start, at least. Kinakabahan ako. Paano
ko ba kasi gagawin 'to, 'di ba? It had been so long since it happened! Ano 'yun?
Bigla na lang akong bubulaga at sasabihin na 'Suprise! Daddy ka na!' Paano kung
ayaw niya? Paano kung ayaw ng pamilya niya?

At paano kung may girlfriend siya? I mean, buhay niya 'yun, e. And I knew that one
way or another, John and I would change his life... Kaya nga ayoko na siyang
abalahin hangga't maaari. Pero hindi ko rin naman pwedeng pabayaan ang anak ko. I
couldn't just sit and watch John starve. Mabuti sana kung ako lang.

Pinaki-usapan ko iyong kapitbahay ko na alagaan muna si John. Mabuti na lang at


mabait dahil hindi niya ako binabalita sa Canada. Kung hindi, sigurado ako na
matagal ng umuwi si Mama sa Pilipinas. Ayoko naman nun. Maganda na raw ang buhay
nila run, e. May mga bagong friends sila Mama tapos si Sari, sobrang well-adjusted
na. I didn't want to be selfish na guluhin na naman sila.

Pagdating ko sa harap ng condo ni Benj, huminga ako nang malalim.

"Kaya mo 'to," I uttered to myself. "Para kay John."

But words... minsan, hindi mo sinusunod, sinasabi mo lang. Hindi ko maalala kung
gaano ako katagal na naka-tayo lang sa labas ng building. Fear was eating me up
alive. I was stuck. God. Paano ba 'to?

Siguro mukha na akong tanga kaya napansin na ako ng guard. Nilapitan niya ako at
tinanong kung ano ang kailangan ko.
"Uhm... hinahanap ko po kasi si Benj," I asked.

"Benj po, Ma'am?" he asked back.

nodded and then proceeded to tell him everything I could recall about Benj. Ang
tagal na rin kasi. Ni hindi ko nga akalain na babalik ako sa lugar na 'to. I vowed
to avoid them at all cost dahil sa mga nangyari dati pero kakainin ko rin pala
lahat ng sinabi ko.

Dahil high-end ang condo ni Benj at natural na hindi pwedeng magbigay ng personal
info, pinabayaan naman ako na maghintay sa lobby. Dito pa rin naman siguro siya
nakatira...

God, please make it na dito pa rin siya nakatira! Wala akong oras at pera para
hanapin pa siya kung sakali!

At around 5 pm, dumating na siya. Muntik ko na siyang hindi makita dahil dumiretso
siya sa elevator.

"Benj!" I quickly called him. Nilakasan ko para makita niya agad ako. Lumingon siya
at tinignan ako. Naka-kunot ang noo niya na parang inaalala niya kung saan niya ako
nakita. "Nari," I said.

"Oh, Nari!" he said, recognition shot across his face. "What's up? It's been a long
time."

I gave him an awkward smile. Masyado akong na-tense nung nakita ko siya na bigla
kong nalimutan iyong mga dapat kong sabihin.

"Uhm..." I trailed off awkwardly. Naka-tingin lang siya sa akin at hinihintay ang
sasabihin ko. I took a deep breath and exhaled. "May itatanong sana ako sa 'yo."

"Sure. What is it?"

Tinignan ko siya nang mabuti. Mabait si Benj... sa pagkakaalala ko. Sasagutin niya
naman siguro ako nang ayos...

"Naaalala mo pa 'yung nangyari almost two years ago?" I asked him. Kumunot ang ulo
niya. Of course mahihirapan siyang alalahanin. For him, it was but a day in his
life. But for me, it was the day that changed my

life for good.

"Two years ago?"

I nodded. "Yung... uhm... paano ko ba ieexplain 'to," I said, having troubling


finding the right words to say. "Yung gabi na nakulong 'yung kaibigan mo?"

Upon saying that, agad na nagliwanag ang mukha niya. "Oh, that night. Ano'ng meron
'dun?"

Ito na. Huminga na ako nang todo. "If it's not too much trouble... pwede bang
sabihin mo ulit sa akin kung ano ang nangyari? Kung ano ang naaalala mo?"

Kumunot ang noo niya. "Why?"

I looked at him and debated if I should come clean and just be honest with
everything. Wala na rin naman akong magagawa... Nandito na. And it wasn't as if I
had a choice. At this point, I was already pretty desperate.

"I'll tell you everything pero sabihin mo muna sa akin," I said, looking hopeless.
Benj agreed pero pumunta muna kami sa coffee shop sa lobby ng condo niya. Habang
umoorder siya ng coffee para sa aming dalawa, tinawagan ko muna iyong nagbabantay
kay John at nagsorry dahil ginabi na ako. Kailangan ko na muna kasing tapusin 'to,
e.

Pagbalik ni Benj, may dala siyang kape. I thanked him at ininom iyong kape.
Pampalakas-loob. Kailangan ko 'to, e.

"I can't fully recall everything that happened," he said.

"It's okay. May kailangan lang akong malaman."

"Ano ba 'yun? Maybe I can help better kung alam ko kung ano 'yung hinahanap mo," he
offered.

I looked at him, deeply troubled. "It's hard to say..."

He looked at me and smiled. "Alright," he said. "From what I can remember, most of
that night, si Preston ang kasama mo."

"Preston?"

He nodded. "Seriously, kayong

dalawa. Ilang beses na kayong nagkita pero parang hindi niyo kilala ang isa't-isa."

I chose to ignore his comment. "Siya lang ang kasama ko?" I asked. I had to be
sure. Kung siya lang ang kasama ko... baka siya ang ama ni John.

He nodded. "I think... pero kasama niyo rin si Saint nung nakita ko kayo, e."

Biglang sumakit ang ulo ko. Ibig sabihin ba nito na dalawa ang posibleng tatay ni
John? Bakit ba biglang parang naging tele-drama ang buhay ko?! Hindi naman ako
leading lady material!

"But if you want, I can call Saint. Mas matino kasi siyang kausap kaysa kay
Preston," he offered. God. Kung mas matino iyong Saint kaysa kay Preston, hindi ba
pwede na siya na lang ang ama ng baby ko? At saka Saint ang pangalan niya. Siguro
naman mabait siya!

Mabuti na lang at walang masyadong tao sa coffee shop kaya nagawa niyang i-
loudspeak iyong phone. Agad na sumagot iyong Saint nung tinawagan siya ni Benj.

"GDL," sabi ni Benj. "I have a question. Are you busy right now?"

"Not really. Waiting for Mary to get ready. We're attending the victory party.
Why?" the voice said. Ang gwapo naman ng boses! Kaya siguro ang gwapo ni John kahit
baby pa lang! Ito rin naman kasing si Benj, e. Lahat ng kaibigan e kung hindi
maganda, gwapo. Para bang bawal ang panget sa grupo nila. Ang mga mayayaman nga
naman.

"Who's Mary?" I mouthed.

"Girlfriend," he replied.
I stilled. I freaking stilled. God! Wala akong balak maging relationship wrecker!
Kahit nga iyong bagong girlfriend ni Benny, ni hindi ko binalak na sirain sila, e.
I mean, slight... Na-tempt ako. Nagkaroon ako ng

idea pero hindi ko naman pinush!

"On the night Preston got arrested, can you remember what happened?" he asked. Puro
English naman 'tong dalawa na 'to! Nakaka-nosebleed!

"Yeah," Saint said, I could hear him chuckling. Ang sexy! Ano bang mga kabataan
ito!

"What happened?"

"I was actually looking for Psalm because Mom called and she wants us to go home
already. But then, I opened the wrong door and saw Preston doing... basta," he
said. He sounded so slang nung nagTagalog siya. "Then the girl he was with said
that Preston wasn't allowed to touch her that way because she's in love with
someone else. I couldn't clearly remember."

"And then? Why was Preston arrested?"

"Ah. Someone probably got the wrong idea and thought that Preston was harrasing the
girl so the bouncer was called and he was dragged to the police station."

"E bakit kayo nagsuntukan?" Benj asked.

"I... seriously don't remember. Preston just hates me, you know that."

Pagkatapos nun, nagpaalam na iyong Saint dahil pababa na raw si Mary. Ako naman,
tulala. God. Seryoso na 'to. Iyong Preston nga...

"So?" Benj asked. "Did that answer your question?"

I nodded and then drank my coffee kahit mainit iyon. I just found John's father.

"Will you finally tell me what this is about?"

I looked at him. "I was pregnant."

Kumunot ang noo niya. "O-okay."

"And Preston's the father."

Bigla niyang naibuga iyong iniinom niya at tumama lahat sa mukha at damit ko. Panay
sorry si Benj sa akin pero sinabi ko naman na ayos lang iyon. He was of big help.
Dahil sa kanya, sigurado

na ako sa pagkatao ng ama ng anak ko. Ngayon, kailangan ko na lang siyang hanapin
at sabihin sa kanya na may anak na siya. Na tapos na ang maliligayang araw niya...
but of course I was kidding. He could be as involved as he wants. Basta ang gusto
ko lang, tulungan niya ako sa pagpapagamot kay John. Kapag okay na naman ako at sa
trabaho, hindi ko siya guguluhin pa.

"It's okay," I kept on telling Benj.

"I'm sorry."

I smiled. "Okay nga lang, ano ka ba. Pero favor ulit?" I asked and he nodded.
"Pwede bang mahingi iyong number ni Preston?"

Benj gave me his number and even offered to call him para alamin kung nasaan siya.
Apparently, nasa malapit na area lang si Preston. Tinanong ako ni Benj kung gusto
ko raw ba na ngayon na puntahan si Preston.

"Sige..." I replied. Gusto ko na rin na matapos ito ngayon.

Before going to the place where Preston was, dinaan muna ako ni Benj sa isang
boutique. Medyo na-shock ako dahil ganito iyong itsura ng mga boutique nung
nanonood ako ng Gossip Girl nung college days ko. Iyong tipo na nasa isang mahabang
daan iyong mga stores at hindi sa malls.

"Hala, 'wag na," I refused. Alam ko naman na mahal dito! E tig-300 lang naman sa
Bench iyong shirt ko na nalagyan niya ng kape. At saka tuyo na nga ako, e.

"I insist," he said. "And besides, the place's a bit formal kaya hindi ka
papapasukin kapag naka jeans ka," he explained.

Mayaman ba ang Preston na 'yun? Bakit kailangan pa na naka-formal ako?

"Hihintayin ko na lang siguro siya sa labas," I said. But Benj probably ignored me
dahil dinala niya pa rin

ako sa loob. He told some lady na bihisan ako at masyado yata akong overwhelmed
dahil pinabayaan ko na lang. I was dressed in a long, old-rose dress. My hair was
in a bun kaya naman nilugay ko na lang iyon. Binigyan din ako ng isang pair ng
stiletto.

"Kailangan ba 'to?"

Benj nodded, looking at me. "This will work."

"Bakit?"

"Preston is... a hard human to please," paliwanag niya. "If you were dressed like
you were, he'll probably think that you're just playing him."

"Masama ba ang ugali niyang Preston na 'yan?" I asked while lipstick was being
applied on my lips.

"It depends."

"Hindi ba pwedeng 'yung Saint na lang ang tatay?" Kasi iyon, mabait. E itong
Preston? Kwento pa lang pero parang ayoko na agad sa kanya!

He laughed. "Not a chance, Nari. Saint's really in love with his girlfriend."

Nang matapos kami, sumakay ulit kami sa sasakyan ni Benj. Kinakabahan ako. My hands
were slightly shaking. Nang makarating kami sa pupuntahan, Benj looked at me.

"May tip ka ba dyan?" I asked him.

He laughed. "I think it's better to just surprise him. Just tell him."

"Paano kapag nagalit?"

"Hindi 'yun. He's with someone. Hindi magagalit 'yun kapag may kasamang iba," he
explained. Aba, e 'di kung kaming dalawa lang aapihin niya ako? Biglang Cinderella
naman ang peg ng buhay ko?

After a few minutes of peptalk, finally, lumabas na rin ako. Tama nga si Benj...
formal place nga ito. People were all dressed to impress. Magmumukha nga akong
tanga kung naka-pantalon lang ako. But still! Nakaka-loka iyong presyo ng binili ni
Benj sa akin! Pwede na 'tong pangkabuhayan package sa presyo, e! Pwede kayang
ibenta 'tong damit? Panggatas din 'to, e.

"Do you have reservation?" naka-ngiting tanong sa akin nung babae.

I nodded. "Uhh... Preston Suarez," I said. Sabi kasi ni Benj, sabihin ko iyong
pangalan ni Preston. Suarez. Not bad. Bagay kay John.

Sinamahan ako ng babae papunta sa table. I just told her na kaya ko na nung naituro
na niya sa akin iyong table.

I stood there, looking at them. Hindi ko alam kung paano ako lalapit.

From a distance, Preston looked alright. No wonder gwapo si John... nagmana pala sa
tatay. Kaya takang-taka ako bakit ang puti ni John e hindi naman ako maputi. Medyo
mukhang foreigner din si Preston. At mukhang kaya niyang ipagamot ang anak niya.

He's with a girl who's about his age at isa pang babae na mukhang nanay niya. Ito
ba 'yung sinasabi ni Benj na kapatid ni Preston at nanay? Hindi naman siguro ako
sasaktan ni Preston sa harap ng pamilya niya...

At saka kung matino silang pamilya, tatanggapin naman siguro nila si John. I mean,
apo nila iyon.

Kung may dala lang akong pera, iinom siguro ako kahit isang shot lang pampalakas ng
loob. God. Ngayon pa ako kinabahan!

"Preston?" I said after minutes of shaking in fear. Tatlo silang tumingin sa akin.

"Yeah?" sabi nung Preston.

"Can we talk?" I asked. I didn't want to tell it to him in front of others.


Syempre, privacy pa rin.

Tumingin si Preston 'dun sa babae na naka-taas ngayon ang kilay.

"Can you tell it to me here?" sabi ni Preston.

Tinignan ko silang tatlo. Fine. Pamilya naman sila. Pamilya naman sila ni John...
mas mabuti na masanay na ako ngayon pa lang. Kung gagawin nila akong si San Cai,
okay lang basta 'wag nilang idadamay ang anak ko.

"May sakit ang anak natin. Kailangan niya ng pampa-gamot."

=================

Connected by Blood

#IWHFFSE8 || Connected by Blood


"Are you on drugs?" Ayan ang unang sinabi niya sa akin. He didn't even look fazed
or at least, surprised. His reaction was definitely underwhelming! Ibang-iba 'to sa
iniisip ko na magiging reaksyon niya. This Preston was definitely something!

"No," I firmly answered. Tinignan ko siya nang mabuti. "Almost 2 years ago, we met
at a bar and then... things happened," I explained. Iyon lang din kasi ang alam ko.
Ni hindi ko maalala kung ano ang mismong nangyari sa akin. But looking at Preston?
Mabuti na lang wala akong maalala! He's being such a jerk!

"Ni hindi nga kita kilala," he said. Tinignan niya iyong kapatid niya. Napa-tingin
din ako roon at nakita ko na namamasa na iyong gilid ng mga mata niya. "Kath..."

Tumayo iyong kapatid ni Preston at nagsimulang maglakad palabas. Akmang susundan


naman iyon ni Preston nang bigla siyang sampalin nung nanay niya. God! Ganito ba
nila ka-ayaw magkaroon ng apo?

"You disappointed me, Preston," sabi nung nanay ni Preston.

"Tita Min, let me explain-"

But he wasn't even heard. Mabilis na umalis iyong babae na hindi pala nanay ni
Preston. God. Kung hindi niya nanay iyon... did I just ruin a date?

Napako ako sa kinatatayuan ko nang tignan ako nang masama ni Preston. He was
glaring at me-literal na kung nakaka-matay ang tingin, patay na ako. Bigla akong
natakot. Base kasi sa mga kwento ni Benj, Preston has a temper. Pero hindi naman
siguro niya ako sasaktan sa harap ng maraming tao? Ang daming witness kung sakali!

"Ano bang problema mo?" galit na tanong niya

sa akin.

"May sakit 'yung-"

"Wala akong anak," he cut me off, sounding irritated.

"Pero kamukhang-kamukha mo siya..." I whispered. The closer I looked at him, the


more resemblance I could see. Anak nga niya si John. Wala akong pagdududa. Pareho
sila ng mga mata at ilong... even his lips. Those red lips.

He sighed-even his sigh had a hint of irritation. "Miss, if this is some sort of
prank, stop. I just met you kaya paanong-"

"Ask Benj," I said. "He'll explain everything."

"Benj?" he asked and I nodded.

"Dinala niya ako rito para makausap ka."

But instead of continuing to talk to me like an adult, he stormed off. Agad ko


siyang sinundan. Medyo nahirapan ako dahil sa suot ko pero patuloy lang akong halos
tumatakbo na naka-sunod sa kanya. Malalaki ang mga hakbang niya dahil sa mahaba
niyang binti. Magiging matangkad din si John, for sure.

"Bakit po?" I asked, grasping for air. Hindi na ako sanay na tumatakbo kaya mabilis
na akong hingalin.

"Ay, Nari... E nilalagnat na naman si John. Dalhin na kaya sa ospital?" Napatigil


ako. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sabi ng doktor, delikado kapag
nagkaroon na naman ng lagnat si John. Mahina kasi ang immune system ni John. Para
akong maiiyak sa sobrang kaba.

"Sige po, paki-dala na. Susunod na po ako," sabi ko. My voice broke but I tried to
keep it together. Pinipigilan ko na maiyak pero sa totoo lang, para na akong
mamamatay tuwing may sakit si John. Kung pwede lang na ako na lang... kung pwede
lang na kuhanin ko lahat ng sakit niya.

Mabilis na sinundan ko muli si Preston. Naabutan

ko siya na sinandal si Benj sa sasakyan niya. His arm was pressed against his neck.

"-are you fucking kidding me?!" galit na sabi ni Preston kay Benj.

"Chill, Preston-"

"How can I chill?! Kasama ko si Kath tapos biglang may dadating na babae at
sasabihin na may anak ako?!"

"What-hindi ko alam na si Kath ang kasama mo! Wala ka namang sinabi!"

Inalis ni Preston ang hawak kay Benj and sinuklay ang buhok niya. Even from a
distance, I could feel his rage. But I shouldn't fear him. May sakit si John. Siya
lang ang makaka-tulong sa amin.

"Of course I won't tell you! Gago ba ako? Bakit ko sasabihin sa 'yo na may date
kami ng babaeng gusto mo?!" sigaw ni Preston. Napa-awang ang labi ko. May love
triangle ba sa kanila?

Akmang mag-aaway na naman sila pero nilakasan ko ang loob ko at lumapit. Every
second was important. Wala akong pakielam kung magalit siya sa akin. Mas importante
ang buhay ng anak ko.

"Excuse me-"

"What?!" Preston shouted. I flinched at the sound of his voice. "Ikaw na naman?!"

I bit my lip and then took a deep breath. I shouldn't be mad like him. Walang
mangyayari kung magsisigawan lang kami. "Nasa ospital si John-"

"Sino'ng John?!" he asked. God! Naka-sigaw ba talaga siya palagi?

"Iyong anak mo..." I calmly explained.

Kinuha niya iyong wallet at inabutan ako ng ilang libo. "I don't know what you're
trying to pull, Miss, but stop claiming na may anak tayo. Trust me, if something
happened between us, I'd fucking know."

My pride was hurt when he almost put the money on my face. Pinigil ko na maiyak
dahil pakiramdam

ko, sobrang baba kong tao. Pakiramdam ko, isa akong pulubi na nanghihingi ng limos.
Pero para sa anak ko, wala na akong pakielam.

"Preston, listen to her, at least," Benj said. Mabilis kong pinunasan iyong luha na
muntik ng tumulo. Tonight was the night when I felt the lowest. I couldn't believe
that it would be the father of my son who would make me feel so worthless.
"You believe her?" Preston asked.

Benj nodded. "She was with us nung gabing nakulong ka. You probably can't
remembering anything given that you were so wasted that night."

Gusto ko pa sanang manatili para ipaliwanag ang sarili ko pero naka-tanggap ako ng
text at sinasabi na kailangan daw ng downpayment sa ospital bago magamot si John.
Napa-hawak ako nang mahigpit sa perang binigay niya.

"Preston," I said, cutting off their conversation. "I won't even do this kung may
pera lang ako para ipagamot si John." Bawat salita na lumalabas sa bibig ko, ramdam
ko ang pagkawala ng pagkatao ko. But I was willing to beg para lang mailigtas ang
anak ko. "But he's sick... and he's your son." I looked at him. I wanted him to
believe me. Kasi kung hindi, kung ako lang ang masusunod, ayoko na isang kagaya
niya ang maging ama ng anak ko. I didn't want my son to feel unwanted. He didn't
deserve that.

"He needs you," I continued. He remained silent. I couldn't wait for his silence.
John's life was in line. "Kailangan ko ng pera para maipagamot siya."

He looked at me. "How can I be sure that-"

"Na anak mo siya?" I continued his sentence. "Then get all the tests that you want,
wala akong pakielam. But right now,

he needs you. Makakaya ba ng konsensya mo na may mangyaring masama sa anak mo?" I


asked him.

* * *

Benj was kind enough to offer to drive me to the hospital. Si Preston, sa sasakyan
niya sumakay. This was better, though. My mind was going crazy habang lumilipas ang
segundo na hindi ko pa nakikita si John.

"I'm sorry," Benj said. "Had I known that it was Kath with him-"

"It's alright. Nangyari na," I told him. "Just... tell Kath that I didn't mean to
ruin her date..." And that I had no plans of getting Preston. I just needed his
help. And I figured it's his right na malaman na may anak siya. Hindi ko naman siya
pipilitin kung talagang ayaw niya. Ayokong ipamukha niya sa anak ko na ayaw niya sa
kanya.

Nang makarating kami sa ospital, mabilis na hinanap ko si John. At nandun siya sa


lobby. He was being carried. "Ayos lang po ba siya?" I worriedly asked. I held his
forehead and his temperature was so high. Agad kong kinuha si John at ako na ang
bumuhat sa kanya. Bigla kong naka-salubong si Preston. His eyes were on John.

"Kapag wala na siyang sakit, pwede kayong magpa-paternal test kung gusto mo," I
told him and walked past him.

Mabilis na inasikaso si John nung mabigay ko na iyong pera na binigay ni Preston. I


could feel Preston's eyes watching me. Hindi ko naman siya peperahan... Para kay
John iyong pera na hiningi ko sa kanya. At kung sobrang labag sa loob niya,
babayaran ko iyon kapag nagkaroon na agad ako ng trabaho. 'Wag niya lang ipamukha
sa akin na sinungaling ako at iparamdam sa anak ko na hindi siya gusto ng tatay
niya.

"Salamat..." I
told Benj.

"No problem," he said. "It's Preston's son, anyway. That kid's practically family."
Napa-ngiti ako. Mabuti pa si Benj. I surely had the worst of luck. Nawala sa akin
si Benny na sobrang perfect... tapos napunta ako sa kagaya ni Preston na parang
nawawalang anak ng kadiliman.

Nagpaalam na si Benj na aalis dahil may pupuntahan pa raw siya. I thanked him
again. Akala ko ay aalis na si Preston dahil in the first place, ayaw niya naman
dito. Sasabihin ko sana na lumayas na siya nang tawagin ako. Agad akong pumunta sa
kwarto kung nasaan si John.

"Sssh... tahan na, John..." I cooed him as he kept on crying. Tinutusukan siya ng
karayom. Ilang beses siyang tinurukan dahil hindi makita iyong ugat sa maliit
niyang braso. "Strong 'yung baby ko, 'di ba? 'Wag ka nang umiyak..." If only I
could take his pain away, I would. Parang binibiyak ang puso ko sa bawat iyak niya,
sa bawat tulo ng luha.

I was about to wipe my tears when I felt a hand holding mine. Napa-tingin ako sa
gilid ko at nakita ko si Preston. He was holding my hand while looking at John.
God.

Nang matapos sila sa ginagawa kay John, mabilis na inalis ko ang kamay sa
pagkakahawak ni Preston. It made me feel uncomfortable. I didn't even know him that
much. The only thing that connected us was John.

"Mommy and daddy-" the doctor addressed. Nanlaki ang mga mata ko.

"Naku, doc, mommy lang po. Hindi po siya-"

But even before I could finish my sentece, Preston cut me off. He liked cutting
people's sentences off.

"I thought I am John's father?" I nodded. "Then why am I not his

daddy?" Hindi ako naka-sagot. He had a point. But it felt weird him being called
daddy while I was being called mommy.

Maraming pinaliwanag sa amin ang doktor. Sinabi niya na mananatili si John sa


ospital ng ilan pang araw para ma-obserbahan. Sinabi niya rin na isang factor sa
sakit ni John ang paiba-ibang panahon. Wala kasing aircon sa bahay kaya minsan
mainit, minsan malamig... Pero kung ganito na nagkakasakit na si John, siguro
kailangan ko na agad bumalik sa trabaho at bumili ng aircon. Ayoko naman na lumaki
sa ospital ang anak ko.

"Sige, babalik na lang ako mamaya for check-up," sabi nung doctor.

Inayos ko iyong kumot kay John. He was already fast asleep, napagod siguro sa
kaiiyak. Bukas na lang siguro ako hihingi ng favor kay Venice na ikuha ako sa bahay
ng kumot at mga damit. Dito na muna ako matutulog kahit na mukha akong tanga na
naka-gown.

"Sige, umuwi ka na," I told Preston when I saw him still sitting.

"Are you throwing me out?" he asked.

I shook my head. "Hindi. Pero ayoko ring makaabala."


"That's my son. Bakit siya magiging abala?"

I arched my brow. "Ngayon, anak mo na siya?" I asked him. Kanina lang, parang gusto
niya akong dalhin sa presinto at kasuhan ng extortion, e.

"The resemblance is uncanny," he said, looking at John. Ibinalik niya ang tingin sa
akin. "I can't even remember having sex with you."

God! Why was he so blunt?! Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

"Same," I just replied. "Hindi rin kita maalala."

He nodded and then remained silent for a few minutes. Tumayo siya at akala ko aalis

na siya.

"Are you allergic with anything?" he asked.

"Bakit?"

"I'll buy you food. And I'll get you some clothes," sabi niya. "May ipapabili ka pa
ba?"

Napaawang iyong labi ko. Why was he being nice? Hindi ba pwede na maging kampon na
lang siya ng kadiliman katulad ng normal niyang ugali? I didn't want to hope only
to get disappointed.

Umiling ako. Hinubad niya iyong coat niya at inabot sa akin.

"Wear it hanggang hindi pa ako nakakabalik," he said.

"Thanks," I replied and wore his coat. It smelled so good-but of course hindi ko
sasabihin iyon sa kanya.

When he came back-well, akala ko talaga hindi na siya babalik. Nagulat lang ako
dahil nililipat kami sa VIP room.

"Sinabi mo na ba sa parents mo?" I asked.

"No," he replied.

"San ka kumuha ng pera?"

"Mine," he simply replied. Madami ba siyang pera? As in pera niya at hindi pera ng
magulang niya?

Nang makarating kami sa VIP room, parang malulula ako. Ni hindi nga 'to mukhang
parte ng ospital, e. Para akong nasa isang hotel room.

"Magkano isang gabi dito?" I asked Preston. Inaayos niya iyong kumot ni John.

"I don't know," sabi niya. Kumuha siya ng 'di man lang niya alam kung magkano ang
babayaran?! E four days daw kami! Iyong pinaggalingan namin na room ay 5 thousand a
night, paano pa kaya rito?

"Ikaw ang magbabayad nito, ha," paninigurado ko. Wala talaga akong pambayad sa
ganitong kwarto.

"Stop worrying about money for one second. Ang sakit sa tenga na puro pera ang
inaalala mo."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako kagaya niya na pinanganak na
mayaman. Pasensya na kung inaalala ko ang pera dahil kapag hindi ko ginawa,
magugutom ako.

Lumabas ako. Being in the same room with him was suffocating. Naupo ako at ipinikit
ang mga mata ko. Today had been long. I just wanted this day to end.

"Pa? I'm with Benj. I'll stay here for the night. Yeah. Just tell Mama na bukas ako
uuwi," he said. I didn't want to listen to his conversation. I didn't want to get
involved.

Nang matapos ang tawag, tinignan niya ako. His eyes caught mine.

"I talked to the doctor," he said.

"Ha?" agad na nakuha niya ang atensyon ko.

"She said it'll be better if John will stay in an airconditioned place."

I nodded. "Kapag nagka-trabaho na ulit ako, bibili ako ng aircon," I informed him.

Kumunot ang noo niya. "Wala kang trabaho?"

"Natanggal ako kasi-"

"Paano mo pinapakain ang anak ko? Saan ka kumukuha ng pambili ng gatas? At kapag
may trabaho ka, sino ang nag-aalaga?" Ang dami niyang tanong. Hindi ko masagot
dahil hindi siya tumitigil sa pagtatanong.

"Nagkaroon lang ng problema pero-"

But he cut me off again, for the love of God! Bakit ba ayaw niyang patapusin ang
sinasabi ng mga kausap niya?! Hobby niya?!

"That's it. You'll live with me."

"What?!" sigaw ko. "Ako?! Titira kasama ka?!"

He winced and then slightly covered his ears. "Because you're the mother! Pero kung
ayos lang sa 'yo na si John lang ang kunin ko, fine. Bahala ka sa buhay mo."

And true to his words, four days later, I was looking at a house he had just bought
for the three of us. He freaking bought a house! Anak ba ng mafia 'tong si
Preston?! Bakit ang dami niyang pera?!

=================

Potty Mouth

#IWHFFSE9 || Potty Mouth


This was bizaare. Living with a guy was weird. More so, living with Blaine Preston
Suarez was surprisingly overwhelming. Alam ko na mayaman siya. Alam mo 'yun? May
mga tao talaga na kahit hindi pa nagsasalita, alam mo na na mayaman? May RK vibes
talaga. Pero ngayon?

"Kailangan talaga lima ang kasambahay?" I asked him as I looked around. There were
five househelps! Akala mo naman putol ang paa at kamay namin sa dami ng kasambahay!

He nodded while still looking at John who was soundly sleeping in my arms. Kaka-
discharge lang namin sa ospital at medyo masakit pa ang ulo ko nang makita ko ang
bill namin. 225k! Para sa apat na araw na stay sa ospital! Goodness! Mapapakain mo
na ang buong barangay namin sa pera na 'yun, ah!

"Bakit?" I asked again, really curious kung bakit kailangan lima.

"Someone to cook, someone to do the laundry and iron the clothes, someone to clean
the house, driver, and John's nanny," he recited like it was nothing. Kung 10k ang
sweldo ng kasambahay at lima sila, e 'di 50k ang month ang gagastusin?! Kung ako na
lang kaya ang gumawa ng lahat? Bibigay kaya ni Preston sa akin 'yung pera? Mas
malaki pa 'yun sa sweldo ko sa firm, e!

"Ako na lang gagawa..." I meekly said. Goodness. The money was tempting! Kung
makakaipon ako ng sapat, hindi ko na kailangan pang guluhin si Preston. Makaka-bili
na ako ng aircon. Makaka-balik na siya sa bahay niya.

He looked at me and asked, "Why?"

"I could use the money," I frankly said. Alam ko naman na iniisip na ni Preston na
mukha akong pera. After not seeing him

for years, bigla akong susulpot sa harap niya to demand money? Malamang gold digger
ang tingin niya sa akin. I didn't want that... but the situation called for it. I
would've begged him kung kailangan para lang maipagamot si John. There's nothing I
wouldn't do for my kid.

He just clicked his tongue and went to the stairs and go up. Tignan mo 'tong tao na
'to. Wala talagang kwentang kausap.

"Miss Nari, ako na po," sabi nung isang babae.

"Naku, Nari na lang po," I said. It felt weird being called Miss. Sanay nga akong
tinatawag na hoy, e. "At saka ayos lang po."

"Miss, trained po ako sa child care. Hindi ko po papabayaan ang baby niyo," the
lady said with an assuring smile. In fairness kay Preston, maayos na tao ang
kinuha. May isip din pala 'yun.

I relinquished John in her arms. Namamanhid na rin pala iyong braso ko sa


paghahawak sa kanya.

"Nakapaghanda na po ako ng lunch. Kumain na po kayo," sabi naman nung isang babae
na sa tingin ko ay cook. Hindi na ako nakipagtalo pa at sumunod na lang. I was
still in awe at the house. This was so big! Na parang buong kamag-anak ko ang
pwedeng tumira! Never in my wildest dreams did I think that I would be able to live
in a place like this.

Sabagay... ni hindi ko rin naman naisip na mabubuntis ako ng hindi kasal. Things
happen; you just got to roll with them.
"Matagal niyo na pong kilala si Preston?" I asked them. Wala pa kasi talaga akong
masyadong alam kay Preston bukod sa kaibigan siya ni Benj, tatay siya ni John, at
kampon siya ng kadiliman na maraming pera.

Umiling iyong kausap ko. "Galing

lang po kami sa agency," she said. "Urgent daw po kaya nandito na agad kami."

"Ay talaga?" I answered. Big time pala talaga 'tong si Presto cream.

"Pero iyong si Melanie po, 'yung cook, iyong kaibigan po nun e nagtatrabaho sa
bahay ng pamilya ni Preston. Siya na lang po ang tanungin niyo."

When I finished with the meal, I thanked her. Gusto ko ngang ako na ang maghugas ng
pinagkainan ko pero naghatakan lang kami sa plato, e. Hindi talaga ako sanay na
pinagsisilbihan sa bahay. This felt really weird. Parang biglang buhay prinsesa
ako... na dapat hindi ko kasanayan dahil hindi naman 'to permanente. Kay John lang
ang responsibilidad niya, hindi sa akin. Gets ko naman 'yun.

Umakyat ako para i-check si John. Pagpasok ko sa pinto, nagulat ako dahil nakita ko
si Preston. He was by the crib and just staring at John.

"Ayaw mo siyang kargahin?" I asked after moments of watching him like a creep.
Napansin ko na na matangkad talaga siya-probably over six feet. His body's lean-
hindi bulky. Maputi rin siya. Makinis. Up close, walang pores! Pula ang labi-
nakaka-distract kaya sa kilay niya ako naka-tingin palagi. Iniisip niya siguro na
may fetish ako sa kilay niya.

Goodness, why was I even checking him out?!

"No," he said.

"Why?" I asked.

"I'm afraid I'd drop him."

Napa-ngiti ako. Ganun din kasi ako nung una kong makita si John. He was so tiny.
Kulang kasi siya sa buwan nung pina-nganak ko. I was so afraid that if I touch him,
he'd crumble into pieces.

Lumapit ako at kinuha si John. He was wide awake, this little prince. Naka-tingin
siya sa mukha

ng tatay niya.

"Here," I said at binigay sa kanya.

"Nari!" he said in horror.

"Hindi 'yan!" I urged.

"Ang kulit!" he exclaimed pero wala na siyang nagawa dahil nalagay ko na si John sa
mga braso niya. Presto was slightly shaking-sobrang obvious na kinakabahan siya sa
paghawak kay John.

"See? Hindi naman nakaka-takot, 'di ba?" I said. "Wait, kukuha lang ako ng gatas,"
sabi ko nung umiyak si John. Nagugutom na naman siguro 'tong matakaw na batang 'to.
"Don't leave!" Preston said.

"Sandali lang ako!" I said and then ran out. Nasa ibaba pa rin kasi iyong mga gamit
namin. Bumaba ako at hinanda iyong formula ni John. Mabilis ko lang ginawa dahil
baka mamatay sa kaba si Preston tapos magalit pa sa akin nanay nun.

Pagbalik ko, napahinto ulit ako dahil narinig ko na kinakausap niya si John.

"You look like Finley when he was younger," he said. "But I hope you won't grow to
be an ass like your Uncle." Tignan mo 'to! Nakuha pang manira ng tao sa harap ng
anak niya. Masamang impluwensya talaga 'tong Presto cream na 'to, e.

"I won't see you tonight," patuloy na sabi niya kay John na naka-tingin lang sa
kanya. "Uuwi sa bahay si Daddy. Hinahanap na ako ng Lola mong may sira sa ulo," he
said. Hindi talaga siya makapagsalita ng walang panlalait. "I still haven't told
them about you... but I promise I'll tell them about you, okay?"

I stayed and listen to him telling crazy stories to John-na akala mo naman ay
naiintindihan siya. John would giggle once in a while and it would make Preston
beam.

"Ito na," sabi ko. Binigay ko sa kanya iyong bote

at pina-inom niya si John.

"Aalis ako mamaya," he said.

"Okay," I replied. I had no rights to question him, anyway.

"Babalik ako bukas," sabi niya ulit.

"Okay," sagot ko. Bahay niya naman 'to, bakit siya sa akin nagpapaalam?

Tahimik naming pinanood si John na ubusin iyong gatas niya. When he was done, John
was ready to sleep. Ang tamad talaga ng batang 'to.

"Good night, Nari," he said. I nodded at him and then continued to watch over John.

* * *

For the next few days, palaging dumadaan lang si Preston sa bahay at doon siya sa
totoong bahay nila natutulog. I figured he was having a hard time breaking the news
to his family. Naiintindihan ko siya. Kahit nga ako, natatakot pa rin. Hindi ko
alam kung paano sasabihin kay Mama... Hintayin ko na lang kaya na makapagsalita si
John para siya na ang magsabi sa lola niya?

"...mitosis is a part of the cell cycle when replicated chromosomes are separated
into two new nuclei," basa ko kay John. It was already 8pm pero hindi pa rin
natutulog. He was already way beyond his bed time! Ang kulit!

"Ang meiosis naman ay specialized type of cell division that reduces the chromosome
number by half, creating four haploid cells, each genetically," paliwanag ko kay
John.

"What the fuck are you reading?" Napa-tigil ako sa pagbabasa ng marinig ko si
Preston sa likod ko. Agad kong sinara iyong Science book na hawak ko.

"Libro," I answered and showed him the book.


"I know. What I'm asking is why that?" he asked na parang diring-diri sa hawak kong
libro.

"Hindi ako magaling sa Science. Gusto

ko maging magaling si John sa Science." Tinignan niya ako na parang nababaliw ako.
Masama ba?! E sa Science book ang gusto kong basahin, e! Kakatapos lang namin ni
John sa mga Binomial Nomenclature. Next week, baka sa introduction naman ng
Chemistry kami.

"You really are crazy," he said. "Ano'ng gusto mong unang salita ni John? Cell?" he
asked like it was ridiculous.

"Why not? Kaysa naman fuck na palaging lumalabas sa bibig mo," I said, annoyed. He
really had a way to get into my system!

"I hope he doesn't inherit your craziness," he said.

"I hope mukha mo lang ang nakuha niya, hindi 'yang sama ng ugali mo," I replied.
Kinuha ko iyong libro ko at saka lumabas. Goodness! Hindi naman porke nasa iisang
bahay kami e kailangan ko na siyang makita minu-minuto. Ngayon ko lang nare-realize
na pabor pala sa akin iyong laki ng bahay na binili niya. That way, pwedeng hindi
ko siya makita.

Bumaba ako at saka pumunta sa garden para tumulong magdilig ng halaman. Gusto ko na
sana bumalik sa trabaho since palagay na naman ang loob ko na safe si John. At saka
hindi ako sanay na wala akong ginagawa. At mas lalong nasasayangan ako sa pinag-
aralan ko. Kaso nung naka-usap ko si Venice, tanggal na raw talaga ako. Naka-box na
nga raw 'yung mga gamit ko at hinihintay na lang na kuhanin ko.

Bahala na...

Nasa kalagitnaan ako ng pagbubungkal ng lupa nung marinig ko na naman ang boses ni
Presto cream.

"Hey, lady from Mars," he said. Goodness! He wasn't only young in age, pati dito,
isip bata siya! Bigyan daw ba ako ng nickname?! At least siya, sa isip ko lang

tinatawag na Presto at nawawalang kampon! But siya? He verbalized the insult!

"Ano, prinsipe ng kadiliman?" I snarkily replied.

"John's getting shots today. Gusto mo bang sumama?"

Inirapan ko siya. "Malamang! Ikaw ba nanay niyan? Ikaw umire? Ikaw nagbuntis?"

"Bakit? Sinabi mo ba sa 'kin?" he replied. God! Masama ba kung gusto kong ibato
'tong putik sa pagmumukha niya?

"Bakit? Naalala ko rin bang nakipagsex ako sa 'yo?" I asked him the same question
he freaking asked me.

He arched his brow. "Why do you always bring that up? Do you want to do a
reenactment para pareho nating maalala?" he asked, grinning.

"Maybe the reason why I don't remember is because you're forgettable."

He grinned some more, this asshole from hell! "I only did you once pero nabuntis
kita."
Hindi ko napigilan. Binato ko siya ng putik sa mukha. Next time talaga, kaldero na
ibabato ko dito para magising siya sa katotohanan.

* * *

Nang matapos na kami sa bakuna ni John, napagdesisyunan namin na maglakad-lakad sa


Rockwell. Kung hindi lang si Preston ang may hawak kay John, malamang umuwi na ako.
Hindi ko talaga siya matagalan! Para bang pinanganak siya para bwisitin ako!

"The clothes already fit him. Bili na tayo ng bago," Preston said. I remained
silent. "Nari," he repeated. I ignored him. "Are you still pissed because of the
sex talk?" he asked. I glared at him. He laughed. Asshole from hell.

Patuloy kami sa paglalakad nang makasalubong namin iyong boss ko sa firm. Nagtakip
ako ng buhok sa mukha dahil nahihiya ako.

"Mr. Suarez!" sabi nung boss ko.

"Mr. de Chavez,"

sabi ni Preston.

"Is that your nephew?" tanong ni Mr. de Chavez.

"This is my son," Preston replied, sounding a bit proud. Ready naman ako kung
idedeny niya si John... I mean, alam ko naman na hindi pa alam sa side niya... But
hearing him claim John as his own?

May mabuti side din pala siya. Kahit kaunti.

"Oh!" sabi ng ex-boss ko. "This I presume this is the mother?"

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakatakip ng buhok sa mukha ko. Goodness! Bakit
siya pa?! Bakit sa lahat ng makaka-salubong namin, ex-boss ko pa?!

"Yes," Preston said. "What are you doing?" he asked, his brow knitted habang naka-
tingin sa akin na parang tanga na tinatakpan ang mukha gamit ng buhok.

"Wag nga!" I hissed nung sinubukan niya na tanggalin ang buhok mula sa mukha ko.

"Para kang tanga!" he hissed back.

Mukha kaming tangang dalawa na naghihilahan ng buhok ko sa gitna ng Rockwell. I


thought I was already matured pero kapag kasama ko si Preston, para akong bata! He
was so frustrating!

"Nari?" nagulat na sabi ng ex-boss ko.

I awkwardly smile. "H-hi po..."

"Do you know each other?" Preston asked.

I nodded. "Ex boss ko."

"Ex? Were you fired?"

I nodded and was about to explain kung bakit ang dami kong excessive absences nung
biglang sumingit ang ex-boss ko.
"Of course, you call always come back, Ms. Miranda," naka-ngiting sabi ng boss ko.

Napaawang ang labi ko. "T-totoo po?"

"Yes. You can report on Monday," sabi niya. "Very well, Mr. Suarez."

"Tell Mr. Lim I said hi," sabi ni Preston. Buong pag-uusap nila, naka-kunot ang noo
ko.

"Magkakilala kayo?" I asked, really curious.

"Yeah. He's a tenant."

"Ng?" I asked. May mga apartment ba siya? Kaya ba marami siyang pera? Well, at
least mas okay na 'to kaysa kung involved siya sa drugs!

"Building," he replied. I asked him what. "The one where he's working. They're
renting three floors," he casually said.

"You own it?!" sigaw ko. What the flying fuck?! Bakit pambili lang ng gatas ang
hinihingi ko sa kanya?! Dapat pati college fund ni John!

=================

Threatened

#IWHFFSE10 || Threatened

I believed that Preston was already thinking kung gaano ako ka-creepy... Simula
kasi nung malaman ko na sobrang yaman niya pala, lagi na lang akong naka-tingin sa
kanya. First time ko kasi makakilala ng tao na mayaman. Iyong legit na mayaman
talaga... hindi 'yung feeling mayaman lang dahil naka-iPhone at braces.

"Stop staring at me," naiinis na sabi niya habang pinapakain si John. Although he's
such an ass to me, hindi ko naman maipagkaka-ila na mabait na tatay siya kay
John... Hindi ko nga lang sure kung magandang impluwensya ba siya. Hobby kasi ni
Preston manlait at mag-exaggerate ng kwento. Iyan ang mga na-discover ko tungkol sa
kanya sa maigsing panahon na nagkasama kami.

"Aren't you going to work?" he asked.

"Mamaya pang 9 am ang pasok ko," I replied. "Hindi... ka ba magwowork?" I asked in


a subtle manner. I really wanted to know what he's doing with his life. I couldn't
blatantly ask him naman dahil baka isipin niya chismosa ako... although, oo,
chismosa naman talaga ako.

At saka nakaka-curious kasi talaga si Preston! Kahit ang yabang niya, ang obvious
din na marami siyang tinatago sa katawan niya. Una, hindi pa rin niya sinasabi sa
parents niya. Wala naman akong magagawa doon dahil pamilya niya 'yun. Pangalawa,
lagi siyang umaalis tapos babalik sa bahay na may dalang flowers tapos makikita ko
na nasa basurahan na. Mukha pa siyang namatayan palagi.

"Not really," he said.


"Wala kang work?"

Pinunasan niya iyong gilid ng labi ni John. "No. Not everyone works, Nari. Some
people have investments.

I'm one of them."

I wanted to urge him more kaya lang mas gusto ko na kusa niyang sabihin. Ewan ko
ba. Minsan kasi, natatakot ako na mapikon talaga 'to sa akin, e. Feeling ko siya
iyong tipo ng tao na sasapakin na lang ako bigla. Ang laki-laki pa naman niya
compared sa akin.

"Sige, papasok na ako," I said. "Bye, John." I leaned in and kissed John's
forehead. He giggled. Sobrang cute! "Pagbalik ko, dapat ganyan pa rin itsura
niyan," I warned him and eyed him. Masasaktan talaga 'tong biscuit na 'to sa akin
kapag may nangyaring masama kay John.

Ito namang si Preston, parang walang narinig at patuloy lang sa pagpapakain sa anak
niya. Nice talking talaga palagi dito. Umalis na lang ako at nagsimulang maglakad
palabas ng subdivision.

"Ang sama talaga ng ugali. Tatlo iyong sasakyan niya sa bahay, ni hindi man lang
ako pinahiram ng isa?! At saka may driver kaya, ni hindi man lang nag-offer na
ihatid ako sa office?!" sabi ko sa sarili ko habang mukhang kawawa na naglalakad
palabas. Nasa executive subdivision kasi iyong binili niyang bahay kaya wala
talagang naglalakad. Puro de-kotse. Tapos ako naman lakad-lakad lang ang peg.
Nakaka-bwisit talaga 'yang Preston na 'yan!

Saktong-saktong 9 ako nakarating sa office. From QC to Makati! Ang layo! Hindi


naman ako makapagreklamo dahil ang ganda talaga nung bahay na binili ni Preston...

"Aray naman!" sabi ko kay Venice nung kinurot niya agad ako. "Ganyan ka ba
magwelcome back?!"

"Girl!" sabi niya na nanlalaki ang mga mata.

"Oh?" I said habang nilalagay ko sa table ko iyong mga kailangan kong gamit.

"Di ba pinakita mo

sa akin dati 'yung picture ni ex mo?"

Napa-kunot ang noo ko. "Yeah... bakit?" Tapos kinurot niya na naman ako. "Masakit,
ha!"

"Girl! Girl! Nandito siya! Nandito si the one that got away!" sabi niya habang
kinukurot ako sa gilid ko.

"What?!" Tapos tinuro niya iyong pintuan nung boss ko na sipsip kay Preston.

"Nandun sa loob, ka meeting ni boss! Gosh, Nari! Baka sign na 'to!"

"Gaga ka, ano'ng sign?! Baka may asawa na 'yang si Benny... at saka may anak na
ako." At saka biscuit.

"Malay mo naman willing siyang maging step daddy?"

Napailing na lang ako. Mga naiisip talaga nitong si Venice, e.


* * *

Pinilit ko na magconcentrate sa trabaho. I didn't want to mess it up again. Wala na


akong dahilan. I was sure that John's being well taken cared of. Wala na akong
dahilan para hindi makapagconcentrate sa trabaho... Well, may isa pa pala akong
reason.

"Miss Miranda... or should I call you Mrs. Suarez?" sabi nung boss ko sa harap
mismo ni Benny! Sa harap ni Benny! Ang sarap tanggalan ng wig ng boss ko para
makita ang panot niyang ulo, goodness!

Napa-tingin sa akin si Benny-I couldn't make up what he was thinking. It had been
too long since we last saw each other.

"Miranda pa rin, Sir," I meekly replied, avoiding Benny's gaze.

"Very well, Miss Miranda. This is Benedict Andrada and he'll be the lead engineer
for the project," he explained. Lead engineer na agad si Benny? Ang bilis... and I
was happy and proud of him... He deserved it.

I wanted to tell him that I was proud of him... of what he had accomplished. Pero
paano ko sasabihin

kung ganito siya maka-tingin sa akin? As if he felt betrayed?

I could still remember what he told me the last time I saw him... Na ang hirap kong
mahalin... I could still remember the pain I felt he made me feel. I could still
feel it in my bones.

"I'll leave you two for a moment. Get yourselves acquainted," my boss said. Iniwan
niya kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan ako titingin.

Seconds passed slowly. Gusto kong hatakin ang oras. Gusto ko nang umuwi. I thought
I wanted to see Benny again... to at least explain myself because after all these
years, I still hated that he hated me for standing up to what I wanted.

"You're married?" he asked, betrayal laced in his voice.

"No," I quickly replied. "About the project-"

"Are you engaged?"

I sighed. "No," I answered. "Can we just please talk about the project, Mr.
Andrada?" I asked. I didn't want to go personal with him. There's too much history
between us. Alam ko na hindi na iyon mabubura... but I was hoping to at least not
add to our already ugly history.

"Of course, Ms. Miranda," he said as if my last name tasted bitter on his tongue.

Ilang minuto kaming nag-usap tungkol sa project na gagawin naming dalawa. It was a
joint project between his company and mine. And I didn't know what came into my
boss' head para ako ang pagawin niya rito. I didn't know Preston was that big of a
deal para sa akin agad ibigay ang ganito kalaking project.

"I'll just send you the proposal," sabi ko sa kanya. It took us hours of
uncomfortable conversation before we finished talking about the terms.

He just nodded-still
looking at me like he wanted to tell me something that we'd both regret hearing.
Agad akong umalis. I didn't want to risk it. It took me a long time before I could
tell myself that what we had was done... Na tapos na talaga. I didn't want to go
through the same pain again.

Sinabi ng boss ko na iyon lang ang project ko at pwede ko iyong gawin sa bahay.
That now, apparently, I had flexible work hours. Hindi ba pwede na 'wag niyang
masyadong ipahalata na sipsip siya kay Preston? As if Preston would care. Wala
namang pakielam sa mga tao 'yun bukod sa sarili niya.

But since he nicely offered, kinuha ko lang iyong mga kailangan ko. I put it in a
box and went down. Nag-aabang ako ng maliligaw na taxi sa harap ng building namin
nung may humintong sasakyan sa harap ko. And when the windows rolled down, I cursed
inside.

"Need a lift?" he asked.

I quickly shook my head. "Magtataxi ako."

"Please?" he asked, like he used to before. Kapag nagpapa-cute siya sa akin.

"Baka magalit 'yung girlfriend mo," I nicely told him. Alam kong may girlfriend
siya. Ayokong maka-sira ng relasyon. Kaya nga kahit nahihirapan ako, pina-plastik
ko si Preston dahil alam ko na nasira ko iyong relasyon nila nung Kath.

"She knows about you," he said. "Alam niya na makaka-trabaho kita so I'm sure she
won't mind."

"Alam mo na makaka-trabaho mo ako pero tinanggap mo pa rin?" hindi maka-paniwalang


tanong ko. Why was he doing this? Bakit niya ginagawa sa akin 'to?! To make me feel
worse about myself? Na mas okay iyong pinalit niya sa akin? Na open minded? Na
hindi siya threatened sa akin?! Na okay

lang na ihatid ako ni Benny?!

God! I was so infuriated!

"Nari, it's been-"

"Yes, it's been years, but it still feels like yesterday, Benny! 'Wag nating ipilit
dahil hindi pa ako okay."

I marched back inside para pagtaguan siya. I was fucking pissed off! Pakiramdam ko
ay mababali na ang mga braso ko dahil sa bigat ng mga dala ko pero wala akong
pakielam.

"Benny, ano-"

Bigla niyang inagaw iyong dala ko at mabilis na pinasok sa sasakyan niya. Hinabol
ko siya dahil nandun lahat ng mahalagang gamit ko. I wouldn't be able to work
without those!

"I'm driving, Nari. Mababangga tayo," he gently reminded me nung hinampas ko siya
ng T-square sa ulo niya. Tumigil ako dahil baka mabangga nga kami. Kailangan ko
pang umuwi kay John. Kailangan pa ako ng anak ko. Kawawa naman siya kung si Preston
lang ang magpapalaki sa kanya.

Habang nagda-drive si Benny, hindi ko maiwasan na mapansin ang bakas ng girlfriend


niya sa sasakyan niya. May isang pares ng hikaw ako na nakita sa lalagyan nung
tubig. May lipstick din. Tapos strawberry scented iyong wet-wipes sa dashboard
niya. Ano bang naisip ni Benny para pasakayin niya ako rito?!

"Sa kabila," I said with a low voice. "Hindi na ako d'yan naka-tira."

Why was I trying my damnest to hide my life kung siya nga, pinapa-mukha sa akin na
may bagong buhay na siya?

"Ah," sabi niya.

"Sa QC," I said. Bahala siya sa buhay niyang umuwi sa Alabang.

Tahimik ang byahe namin. Pagdating namin sa subdivision, he asked me again. "You
live here?"

"Yes," I replied.

"And you're not married?"

"No."

"You're living

together?"

"Yes."

Huminto siya sa gilid.

"Bakit?" tanong niya. Lumakas ang tibok ng dibdib ko. Ito iyong iniiwasan ko. Ito
iyong ayaw ko. Ito iyong bagay na gusto kong pag-usapan pero natatakot akong
malaman. "Bakit... sa kanya nagawa mo? Bakit sa akin hindi?"

Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. How do I tell him what I
was feeling when I couldn't even understand myself? I hated how we ended... but I
loved where I was. My situation wasn't ideal but everything that happened gave me
my John. And I wouldn't change it for anything. Lahat ng sakit, lahat ng luha,
gagawin ko lahat kung ang ibig sabihin nun ay makukuha ko si John. He's everything
to me.

"Bakit mo ba tinatanong pa, Benny? Okay na tayo pareho, 'di ba?"

Malalim ang paghinga ko. Gusto ko na lang bumaba. Gusto ko na lang lumayo sa kanya.
Being near him was suffocating. Being near him was bad for me.

"Paano ako naisip na maayos ako?" he asked.

"You're already with someone else, Benny! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yun?! Bakit
ba palagi mo na lang pinapaalala sa akin iyong nangyari dati?!"

"Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan, Nari! Ano ba 'yung wala sa
akin? Bakit tinakbuhan mo ako? Bakit sa iba, ang dali mong pumayag?"

Basag ang boses niya. Basag ang boses ko. Parehong basag ang puso namin.

Katahimikan ang bumalot. Walang gustong sumagot sa tanong ng bawat isa. Natatakot
na malaman ang kasagutan... natatakot na mas masaktan.
"Didn't you love me enough to marry me?"

I could hear my own heart beating. I could feel it against my chest. And

now, I could feel my own heart breaking.

"No," I answered him. I stopped myself from crying. I needed to do this. "And I
think you didn't love me enough, too, Benny. Kasi kung mahal mo talaga ako...
hihintayin mo ako."

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at kinuha ang gamit ko mula sa likod.
Naglakad ako palayo sa kanya. Umiiyak. Hindi ko na nagawang pigilan.

Akmang pupunasan ko ang mga luha ko nang makita ko si Preston na tulak ang stroller
ni John. Kumunot ang noo niya.

"Are you crying?" he asked.

Umiling ako. Tumulo ang luha ko. Tumaas ang kilay niya.

"Tears of joy," I replied.

"Dahil nakita mo ako?" he asked. "Ang gwapo ko naman."

I faked a laugh. I was about to tell him na tears of joy dahil nakita ko na ulit si
John nung marinig ko ang boses ni Benny mula sa likuran ko.

"Nari," he said. Shit. Napatigil siya nang makita niya si John at Preston.

Walang nagsasalita sa amin. I wished that John would cry para maputol ang
katahimikan. I didn't like this silence among us. It was making me mad with
thoughts.

"What?" I asked him.

"Ihahatid kita," he asked.

"Benny, ano-"

"Sino ka?" Preston asked, his face arrogant.

"Benny."

"And who are you to touch Nari's hand?" he asked with his brow arched. Naka-tingin
siya sa kamay ni Benny na naka-hawak sa akin.

"Sino ka rin ba?"

"I'm the father of her son," Preston said proudly. "Sino ka rin?"

Gaano ba sila katagal magtatanungan kung sino ang isa't-isa?!

"I'm her ex," Benny replied.

Preston nodded. "Sus. Ex lang pala," sabi niya at tinalikuran kami. "Buti na lang
ako ang naging daddy mo," he told John as he was pushing his stroller away from us.
"Mas pogi ako, 'di ba?"

Tinignan ko nang masama si Benny. "If we can't separate personal from professional,
paki-sabi na agd sa akin, Benny. I'll back down from this project," I told him and
left him.

Hindi ko na siya hinayaan na makapagsalita pa. Agad kong hinabol sina Preston.

"Preston-" I couldn't even finish my sentence because he cut me off.

"Finish your business somewhere else, Nari. This is my territory, my place. 'Wag
mong dinadala dito 'yang ex mo," Preston said.

"Hindi ko naman siya dinala! Pinilit niya akong ihatid dahil wala akong sasakyan!"

"I have three cars in the garage, bakit hindi mo ginamit?" he asked.

"Sasakyan mo nga, 'di ba? Bakit ko gagamitin?"

"Do I always have to tell you to do things? Wala ka bang isip?" naiinis na tanong
niya.

"Ang sama ng ugali mo!" I shouted at him.

"Hindi lahat ng lalaki, mabait. Tumigil ka dyan sa ilusyon mo," sabi niya. Couldn't
he just pretend to be nice?!

Nagsimula ulit siyang malakad habang naka-sunod ako sa kanya. Hindi ko napigilan sa
sobrang inis, sinipa ko siya kaya napatid siya at napahiga sa sahig.

"Hindi rin lahat ng babae, mabait. Sa susunod, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa
akin!" sabi ko sa kanya at kinuha ang stroller ni John. Ang malas ko talaga ngayong
araw!

=================

Rice and Pot

#IWHFFSE11 || Rice and Pot

Pakiramdam ko, mas lalo lang lumala ang samahan namin ni Preston-not that naging
mabuti naman ang pagsasama namin ever. Pero dati kasi, nakakapag-usap naman kami.
Ngayon, parang badtrip lang talaga kami sa isa't-isa.

"May schedule ng shot daw po si John mamaya, Ma'am Nari," sabi nung yaya ni John.

"Paki-sabi may trabaho ako," I replied.

"May trabaho daw po mamaya si Ma'am Nari, Sir Preston," sabi nung yaya kay Preston.

Para kaming tangang dalawa. Nasa iisang lamesa kami at kumakain ng breakfast pero
kailangan pa namin ng ibang tao para magrelay ng message namin.

"Paki-sabi na mas unahin niya 'yang ex niya kaysa sa anak niya."


I glared at him. He did not just say that!

"Paki-sabi na nagta-trabaho ako para sa anak ko. At wala kaming ginagawa ng ex ko!"

"Paki-sabi na bakit siya nagpapaka-hirap magtrabaho e wala naman siyang binabayaran


sa bahay na 'to."

"Sir, pinapa-sabi po ni-"

"Gosh, ang immature mo, Preston! Para akong mababaliw tuwing nakikita kita!" I said
and then stormed out. Agad akong umakyat at kinuha iyong wallet ko. Pagkababa ko,
hindi ko siya pinansin at lumabas agad ako. Kinuha ko iyong sasakyan na sinasabi
niyang gamitin ko. Kung hindi lang ako nanghihinayang, ibabangga ko talaga 'to para
mas maramdaman niya iyong bwisit ko sa kanya!

Pumunta ako sa pinaka-malapit na supermarket. Kumuha ako ng cart at saka naglagay


ng mga canned goods doon. Nilagay ko lahat ng kailangan ko at kailangan ni John.
Mabuti na lang at nilakihan ni boss ang sweldo ko at kahit hindi pa tapos ang
project,

binigay na agad iyong commission ko.

Nang matapos ako, agad akong umuwi. Tinulungan ako nung mga kasambahay na ipasok
iyong mga dala ko.

"Ma'am, bakit pa po kayo naggrocery? Marami pa po tayong stocks."

"Paki-kuha na lang iyong marker ko, please," I answered instead. Nandun ako sa
kusina at nilabas isa-isa iyong mga binili ko. Pagbalik niya, binigay niya sa akin
iyong marker. Isa-isa kong sinulatan ng Nari iyong mga binili kong canned goods.
"Paki-lagay sa cupboard at ilayo mo sa mga binili ni Preston."

"Ma'am-"

"Bilis," I said. "Wala ako sa mood ngayon at ayokong sungitan ka," I warned her.
Mabait talaga ako sa kanila at mas kinakausap ko pa nga sila kaysa sa amo nilang
anak ng kadiliman. Pero sa mood ko ngayon, hindi malayo na pati si John ay
masungitan ko. Badtrip na badtrip talaga ako kay Preston!

Nilagyan ko ng pangalan ko pati iyong lalagyan ng chicken at beef. Pati plastic


nung gulay. Pati gatas ni John. Nilagyan ko lahat para hindi masabi ni Preston na
'wag na akong magtrabaho dahil wala naman akong ginagastos.

Kumuha ako ng sobre at ilalagay na sana doon iyong share ko sa kuryente at tubig
dahil nakaka-hiya naman sa kaya.

"Ma'am, e, automatic na raw po na nababawas sa account ni Sir Preston iyong bills


kaya 'di ko rin po alam kung magkano..."

Huminga ako nang malalim at naglagay ng 3 thousand sa sobre. "Paki-bigay," I said.


I couldn't even say his name without feeling enraged! Sobra na kasi siya! Four days
na simula nung magkita sila ni Benny pero araw-araw niya akong binu-bwisit! Ang
galing niyang magtanim ng sama ng loob! Hindi nakaka-limot!

Umakyat

ako sa kwarto ko at nagkulong. I needed to focus on my project para mas mabilis


matapos. Malakas kasi ang pakiramdam ko na hindi ako tatantanan ni Preston hanggang
alam niya na nagkikita kami ni Benny. And I didn't even know why he was being so
fucking immature about that! May girlfriend na si Benny. May John na ako. I
wouldn't mess things up just because.

I was in the middle of doing the measurement when Preston went inside. Right. Hindi
nga pala naturuan na kumatok 'to nung bata pa siya.

"What's this?" he asked.

"Pera, bulag ka ba?" I replied.

Nilabas niya iyong three one thousand bills and waved them. "I know. What I meant
was, para saan 'to?"

"It's my share sa bills dahil baka patayan mo ako ng ilaw sa sobrang damot mo."

"Do you even have an idea how much the bills are?" he asked.

Hininto ko ang ginagawa ko at tinignan ko siya. "Magkano ba? Babayaran kita at baka
'di ka makatulog mamayang gabi." I reached for my wallet and whipped out a few
thousand bills. Nauubos na ang sweldo ko but I'd rather have that kaysa insultuhin
at bwisitin na naman ako nitong kadiliman na 'to.

"Electricity's worth 12 thousand and water bill's worth 6 thousand."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"

"Ano'ng akala mo? Centralized 'tong bahay. May aircon bawat kwarto. May CR bawat
kwarto. May pool. Hindi ka ba magaling sa Math?"

Tignan mo! Nang-iinsulto na naman siya!

Hinagis ko sa kanya iyong ATM ko at tinamaan siya sa mukha. Mabuti nga sa kanya!
Bakit hindi pa pumasok sa bibig niya para mabulunan siyang peste siya!

"May sweldo ako sa 15, i-withdraw

mo agad, walangya ka!" sigaw ko sa kanya at tinulak siya palabas sa kwarto ko dahil
baka kung ano ang susunod na mabato ko sa kanya.

Nakinig ako ng classical music dahil baka sa sobrang inis ko kay Preston, mabunton
ko sa trabaho ko. Baka instead na relaxing ang ambiance kagaya ng request nung
client, puro sungay ang maging design nung building.

Nung kinagabihan, lumabas na ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagbaba ko,
naabutan ko si Preston na kumakain. Nilagpasan ko siya dahil baka kung ano pa ang
magawa ko sa kanya.

"Wala ng kanin?" I asked nung makita ko na wala ng laman iyong kaldero.

"Wala na po, e..." replied the maid.

"Ah, okay. Nasaan pala naka-lagay 'yung bigas? Magsasaing na lang ako."

I was waiting for her reply pero iyong mukha niya, parang natatakot. I asked her
again kung nasaan iyong bigas.

"Eh, Ma'am..." she trailed off. "Si Sir Preston po ang kausapin niyo... Pinatago po
iyong bigas sa amin, e..."
What the flying fuck?! Wala ba talagang katapusan ang kasamaan ng ugali niya?!

Agad ko siyang pinuntahan at nakita ko na kumakain pa rin siya.

"Nasaan ang bigas?!" I asked him while holding the empty pot.

"Nilagyan ko ng pangalan ko," he replied and then ate a spoonful of rice.

"What?" hindi ko maka-paniwalang tanong.

"Nilagyan mo ng pangalan iyong mga pagkain mo kaya nilagyan ko rin 'yung sa akin.
Bumili ka rin ng bigas at tubig mo," nambu-bwisit niya na sabi. "Pati asin,
asukal-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil binato ko na siya ng kaldero dahil
sa sobrang bwisit. I marched upstairs as I heard

him cussing and calling my name. Pumunta ako sa kwarto ni John at naglock ng pinto.
Hinarangan ko rin iyong pintuan para sigurado na hindi makaka-pasok iyong pesteng
'yun!

"Ate, bakit?" Sari asked. She was still half-asleep.

"Gusto ko ng sumunod dyan sa Canada," I said, still fuming in anger.

"Ha?" she said. "Ate, ang lamig-lamig dito! Minsan gusto ko na lang sindihan iyong
malalandi kong classmate para uminit kahit konti!" reklamo niya.

"Mas okay na 'yan kaysa dito!"

"Ang ganda kaya ng bahay mo! May pool!" she gushed. Nung isang araw kasi,
nagFacetime kami tapos nilibot ko siya sa bahay. Kilig na kilig si Sari dahil ang
ganda at laki raw ng bahay. Ang hindi niya alam, kung ano ang kina-ganda ng bahay,
iyon ang kina-sama ng ugali nung may-ari.

"Kamusta na iyong puso ni Mama?" I asked instead. Gusto ko na kasi talagang sabihin
kay Mama... Hinihintay ko na lang na umayos iyong puso niya. Kapag malakas na,
sasabihin ko na... At baka sumunod na lang din kami sa Canada. Hindi ko na talaga
kayang paki-samahan si Preston. He's impossible to live with! Minsan nga, gusto
kong puntahan iyong Kath at sabihin na she dodged a freaking bullet! Ang sama ng
ugali ni Preston!

"E hindi pa ayos, Ate. May check-up pa ulit. Sasabihan kita kapag okay na si Mama,"
she said. After nun, kinausap niya si John. Pinabayaan ko muna silang magTita
habang ako, namimilipit na ang tyan sa sobrang gutom.

* * *

Dahil na kay Preston ang ATM card ko, hindi ako maka-labas para bumili ng bigas at
tubig. Pinagtiisan ko na kainin iyong baby food ni John sa sobrang gutom.

Weekend

ngayon at hinanda ko si John para pumunta sa park. Ayoko talagang makita si Preston
ngayon dahil baka ako na ang sumunod kay Mama at magkaroon na rin ako ng sakit sa
puso.

"Saan ka pupunta?" he asked pero nilagpasan ko lang siya. "May check-up ngayon si
John."

I ignored him kahit ano pa ang sabihin niya. Hindi ko talaga makakalimutan na
pinagdamutan niya ako ng kanin. Sobra na siya don. Hindi na maka-tao iyon.

"Nari..." he said, holding me by the arm.

"Bitiw," I said.

"I'm sorry," he said.

"Bitiw," I replied.

"You just made me really mad yesterday."

"Wag mong isisi sa akin 'yang kasamaan ng ugali mo," I replied.

Magtatalo pa sana kami nung biglang nandoon si Benj.

"Good morning, Nari," Benj replied. I had always found Benj's face calming but with
Preston around, I couldn't even fake a smile. "Soft opening ng business ko bukas.
Punta kayo," he said and then handed me an envelope.

"Thank you," I replied with a small smile.

"Tss," Preston said.

"Badtrip?" Benj mouthed to me and I just shrugged. I really just wanted nothing to
do with Preston. "Anyway, are you going somewhere?" he asked me.

I nodded. "May schedule ng playdate ngayon si John," I said.

"Ah... hatid ko na kayo, gusto mo?" he offered.

"Okay," I replied.

"Sama ako," Preston said tapos pumasok pabalik sa bahay para siguro magbihis. I
immediately pushed the stroller.

"Tara na!"

"Ha? Paano si Preston?"

"Iwan natin," I said and then walked fastly. Napa-kamot na lang ng batok si Benj
habang naka-sunod sa akin.

"He'll get pissed."

"Well,

that's the plan," I replied.

Habang nasa daan kami, panay ang vibrate ng phone ni Benj. Nakikita ko ang panget
na mukha ni Preston sa screen kaya naman inabot ko iyong phone ni Benj at
tinalikod. Nakak-badtrip kasi talaga.

"Why is he only calling me?" Benj asked.

"Naka-block siya sa akin," I replied. Nasisira kasi talaga ang araw ko kapag
nakikita ko kahit ang pangalan niya kaya naman I just blocked him instead.

Benj laughed. "It's been weeks. Hindi pa rin kayo magka-sundo?"

"Hindi. Hindi kami magkaka-sundo hanggang humihinga siya. Ano ba kasi ang issue
niya? Bakit ang sama ng ugali niya?" I asked Benj. He's friends with Preston. Baka
alam niya kung bakit sagad sa buto ang kasamaan ng kaibigan niya.

"What happened?" he asked and then I proceeded to tell him about what happened the
last time with Benny.

"Wala naman akong ginawa, right? Pero ang sama-sama niya sa akin!"

Napailing na lang si Benj. "Nari... the thing with Preston is, he's threatened with
the past."

"Ha?"

"I know you think that Preston's evil... well, maybe he is. Pero just try to
understand him, alright? He's got issues-lots of them. He's not the kindest person
in the world but he's really good to those he value."

Alam ko naman 'yun. Sobrang bait ni Preston kay John. Nakikita ko naman. Pero bakit
sa akin na nagpakahirap na dalhin sa tiyan ko si John, ni hindi niya magawang
maging mabait?

"And with your ex, just try to avoid him for Preston's sanity."

I scoffed. "Ano bang issue niya doon? It's not as if we're together. Si John lang
ang namamagitan sa amin."

Benj just shrugged. "Just try to understand Preston, okay? He'll cool down soon."

Pagdating namin sa daycare, iniwan na kami ni Benj dahil may pupuntahan pa raw
siya. I thanked him dahil ang bait niya sa akin kahit na si Preston naman talaga
ang kaibigan niya. Tinignan ko lang ang daycare dahil kung maganda dito, dito ko na
lang ieenroll si John. Mabuti na rin 'to na kahit baby pa siya, natuturuan na siya.
At para hindi rin palaging si Preston ang nakabantay sa kanya dahil baka kung ano
ang mangyari kay John at maging anak din ng kadiliman.

Pag-uwi ko sa bahay, nagtataka ako dahil may isang sasakyan sa driveway na hindi ko
kilala.

"Won't you really tell me kung bakit may malaking bukol dyan sa ulo mo, Blaine
Preston Suarez?" a woman asked.

Preston sighed. "Ma, why are you even here?"

"I'm worried! You won't answer my calls! Even Imo is already thinking that you're
mad at her! Ano bang problema mong bata ka?!"

Napa-awang ang labi ko. Ito na ba?! Ito na ba talaga ang nanay niya?! No joke?!

"H-hi po..." I said when noticed that I was actually standing beside a man. Gosh.
Wait. Familiar ang mukha niya. Nakita ko na ba 'to sa TV nung bata pa ako?

"Hello," the man replied with a smile. "Who's this kid?" he asked, looking at John.
Lumakas ang tibok ng puso ko. Ano ang sasabihin ko?! Sabihin ko na lang kaya na
labandera ako ni Preston at nandito ako para maglaba?! Hindi ako ready na humarap
sa pamilya niya!

=================

Mama Issues

#IWHFFSE12 || Mama Issues

They were all staring at me! All of them! Pati si John ay naka-tingin sa akin na
para bang tinatanong kung sila ba ang lolo at lola niya! Naka-tingin sa akin ang
Mama ni Preston habang naka-taas ang kilay. Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa
sobrang kaba. Ito na ba? Ito na ba ang simula ng pagiging mala-Meteor Garden ng
buhay ko?

"And who are you?" tanong nung magandang nanay ni Preston pero mukhang masungit. I
felt the blood getting drained from my face. Ang sungit niya! Dito ba nagmana si
Preston?

"Ah..." iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. I was rendered freaking
speechless by Preston's mom! And to think na nakapagpresent na ako sa CEO ng
pinagta-trabahuhan ko pero hindi ako kinabahan doon! Pero dito sa nanay ni Preston?
Goodness! Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko!

I looked at Preston as if asking for help. Anything! I needed his help but when I
looked at the bastard, he seemed to be enjoying my discomfort! This ass! Wala
talagang mabuting buto sa katawan niya! Preston was pure evil, no denying that!

"N-naka-schedule po akong maglaba ngayon," I said so fast that even I didn't


understand what I just said. Why the freaking hell did I just say it?!

Preston was containing his laugh pero kitang-kita na pulang-pula na iyong mukha
niya. Sobrang saya niya talaga kapag nahihirapan ako! Hindi ko pa rin siya
napapatawad sa ginawa niyang pagtatago ng bigas kaya 'wag niya akong tinatawanan
dyan at baka samain na naman siya sa akin.

Preston walked towards me. Ako? Ni hindi maka-galaw sa kinatatayuan

ko dahil naka-tingin lang sa akin ang Mama niya.

"Hindi porke mukha kang labandera e sasabihin mo na na labandera ka," Preston said
and then stood beside me. Nanlaki ang mga mata ko.

"Preston?" his mom asked again, her brow arched higher than ever.

Preston sighed and then tried to wrap his arm around my shoulders but I shrugged
him off. Aakbayan pa ako sa harap ng magulang niya! Gusto niya talaga akong mapa-
hamak, walangyang 'to!

"Ma, this is Nari," Preston said.

"Nari?" his mom repeated.

"Nari-" Preston looked at me. "Ano nga ulit apelido mo?" he asked.
"Miranda," I whispered.

"Nari Miranda," Preston said. "And this is John, my son," sabi niya habang naka-
turo kay John na walang kamalay-malay sa mga nangyayari. He was smiling while
looking at us. Mabuti pa siya hindi naiintindihan ang mga kaguluhan na nangyayari!

"What?!" sigaw nung Mama ni Preston. "How did this happen?!"

Preston sighed and then looked at who I assumed was his dad. "Pa, can you calm Mama
down? I'll talk to her when she's calmed down," he said and then took John from me.

Naka-bukas pa rin nang malaki ang mga mata ko, hindi naiintindihan ang mga
nangyayari. This week was too much! After almost two years, nakita ko na naman si
Benny, tapos sinagad ni Preston ang pambu-bwisit sa akin, tapos ito naman? Meet the
family?

"Preston!" sigaw nung Mama niya. "Explain yourself! Paano 'to nangyari?"

Preston looked at his mom boredly. Why was Preston like this? Naiintindihan ko pa
na bastos siya sa akin dahil hindi naman niya ako ka-ano-ano. Pero sa mismong Mama
niya? May

issue talaga siya sa buhay, no doubt.

"Do you really want me to go into details, Ma?" he asked, his face bored out of his
wits.

Nilapitan nung Papa ni Preston ang Mama niya. "Imo, calm down."

"Ano'ng calm down ang sinasabi mo, Shiloah Angelo Suarez?! Aalis 'yang anak mo sa
bahay tapos kung hindi pa pupuntahan, hindi ko pa malalaman na may bina-bahay?!"

Goodness. Dapat pala sumama na ako kay Benj! Bakit ba ako umuwi sa bahay na 'to?!

"Hindi ko bina-bahay si Nari, Ma."

"At ano'ng ginagawa niya rito? Nagba-bahay-bahayan kayo?!"

"Stop shouting, Ma. Tinatakot mo si John."

"And how sure are you na anak mo nga 'yan?!"

Aba. Nakaka-sakit na 'tong nanay ni Preston, ha! I mean, oo, alam ko na mukha akong
ka-duda-duda pero isang tingin pa lang kay John at Preston, alam na na siya ang
ama. Hind mapagkakaila! Magkamukhang-magkamukha!

"Ma..." Preston said, his voice laced with obvious annoyance.

"Saan mo ba nakuha 'tong babaeng 'to?!" she said and then looked at me.

Preston pursed his red lips together, his face stoic. "If you're going to insult
Nari, might as well leave."

Nanlaki ang mga mata nung nanay niya. "Preston!"

"This is my kid and I don't need some test to prove it. And I believe Nari."

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay ako si San Cai at pinaglalaban
ako ni Dao Ming Zhi sa nanay niyang mahadera. Kulang na lang ay kumanta ako ng Oh
baby, baby, baby, Meteor Garden na talaga.

"Akala ko ba ay si Kath, Preston? Saan mo nakilala ang babaeng 'to?"

Bakit ba babaeng 'to ang

tawag niya sa akin? May pangalan kaya ako. Nari. Ang ganda nga ng pangalan ko, e.

"Is it important?" Preston asked, bored.

"Yes! Paano kung pera mo lang pala ang habol ng babae na 'yan?"

Napa-iling na lang si Preston at saka tumalikod at nagsimulang umakyat sa hagdan.


Mabilis siyang sinundan ng Mama niya habang ako naman, hindi alam ang gagawin. Para
akong nanonood ng teledrama sa mga kaganapan!

"So... Nari?" sabi nung katabi ko. Agad akong napa-tingin sa kanya. Buti pa 'tong
tatay ni Preston, mukhang mabait.

"Ah... opo," I replied. Syempre hindi naman pwede na umattitude ako. Si Preston
lang ang pwedeng magpakita ng attitude dahil magulang niya naman 'to. Isa lang
naman akong dakilang sampid dito.

"You're living with Preston?" he asked.

I nodded. "Yes po, pero promise wala pong nangyayaring kakaiba! Rated PG po sa
bahay na 'to!" I said while raising my hand.

Preston's dad smiled. Ang gwapo naman nito! At mukhang mabait. Bakit kaya kahit 10%
man lang sana ay walang nakuhang kabaitan si Preston? Mukhang sa nanay niya lang
nagmana talaga, e.

"Ano po... pasensya na po kung nag-aaway sila dahil sa amin ni John..." sabi ko ng
nahihiya. Alam ko naman na malaking abala kami sa buhay ni Preston. It was all my
fault. Itinago ko sa kanya iyong tungkol kay John tapos lumapit lang ako nung
kailangan ko na siya. Tapos ngayon, ginugulo ko lahat sa buhay niya.

"It's not your fault," he said. "Is Preston giving you a hard time?"

Napa-kurap ako sa sinabi niya. Aware din ba siya na may attitude ang anak niya? So,
hindi lang pala ako ang binabalahura ni Preston. Pati rin

siguro magulang at mga kapatid niya ay nakakatikim ng kasamaan ng ugali ni Presto.

"Hindi naman po..." I lied. Kung pwede lang maging totally honest, sasabihin ko
talaga na si Preston ang makakapatay sa akin. Bibigyan niya ako ng early onset ng
heart attack dahil sa lahat ng kasamaan ng dinudulot niya sa buhay ko.

"Really?" tanong niya na hindi makapaniwala. Tignan mo? Kahit tatay niya hindi
makapaniwala na hindi ako binu-bwisit ni Preston! "Maybe he's finally growing up."

Dahil ayokong umakyat at maki-usyoso sa dramahan ng mag-ina, nanatili kami ni Tito


Shiloah sa sala at uminom ng tea. Hindi ko nga lang masabi na hindi ako umiinom ng
tea, e. Kasi naman kapag may sinabi si Tito Shiloah, napapa-oo na lang ako. Ang
hinhin niya kasing magsalita! Sobrang kalmado. Parang siya pa ang babae sa aming
dalawa.

"Kung hindi niyo po mamasamain, ganun po ba talagang mag-usap si Preston at ang


Mama niya?" I couldn't help but ask. Kanina ko pa pinipigilan ang pagiging chismosa
ko pero hindi ko na mapigilan.

"Unfortunately, yes," he replied.

"Ay, talaga po? Akala ko ako lang ang ganun kausapin ni Preston..." hindi ko
napigilan na sabihin.

Natawa naman si Tito. "Pagpasensyahan mo na si Preston. Ganoon talaga 'yun," he


said.

"Talaga po?"

He nodded. "But he's nice to his siblings," he said. Parang ang hirap naman
paniwalaan na mabait si Preston sa ibang tao. Para kasing si Preston iyong tipo ng
tao na kapag nasa isang barkong palubog kayo at may dalawang life vest, isusuot
niya iyong dalawa para sure na safe siya tapos ikaw, bahala ka na sa buhay mo.

Nag-usap

kami ni Tito Shiloah tungkol sa kung anu-anong mga bagay nang dumating na iyong
asawa niya. I refused to call her Tita Imo dahil baka ipako niya ako sa krus.

"Call Manong Roger at ipa-kuha mo ako ng mga damit," she said.

"Ma!" sabi ni Preston na naka-sunod. Mabuti na lang at hindi niya na kasama si


John. Naaawa ako sa anak ko na naririnig niyang mag-away ang tatay at lola niya na
parehong may attitude.

"Ha?" naguguluhan na sabi ni Tito Shiloah. Pareho kaming lost.

"Dito tayo titira!" galit na sabi ni Tita-I mean nung nanay ni Preston.

"What?!" hindi napigilan kong sigaw kaya napatingin sa akin sila. Tinaasan ako ng
kilay nung nanay ni Preston.

"May problema ka?" she asked, her brow arched, almost reaching the heaven sa
sobrang taas!

Agad akong napailing sa sobrang takot sa kanya. "W-wala po." Napa-tingin ako kay
Preston na namumula na ang mukha sa sobrang inis. Ibig sabihin dito rin titira ang
magulang niya?! Si Preston pa nga lang ang kasama ko e parang aatakihin na ako sa
puso, tapos ngayon pati nanay niya?! Gusto ba niyang isugod na talaga ako sa
ospital sa sobrang sama ng loob?!

"Pa! Iuwi mo na si Mama!" Preston said.

"No! Hindi ako uuwi hanggang nandito ka!"

"But I'm already living here!"

"Living in with this girl I barely know!"

"Why do you have to know Nari?! Ikaw ba ang naka-buntis?!" galit na sabi ni
Preston.

"Preston!" sigaw ng Mama niya, parang puputok na sa sobrang pula ng mukha.

"What?!" sigaw niya. "Ma, we have a better relationship kapag once a week lang tayo
nagkikita! Do you really want us to go back to

always being at each other's throats?!"

Napa-tingin ako kay Tito Shiloah. He was just silent, na para bang sanay na siya na
ganito mag-usap ang dalawa. Kung dito ay ganito na sila, paano pa sa mismong bahay
nila? E 'di mistulang World War palagi doon? Siguro ay may hearing problems na ang
mga kapatid niya sa sobrang sigawan.

"Kinakampihan mo ba iyang babaeng 'yan?!" sigaw ng nanay niya sabay turo sa akin.
Napa-turo din tuloy ako sa sarili ko. At bakit na naman ako nadamay?! Nananahimik
na ako!

"Iyang babaeng 'yan 'yung nanay ng anak ko! And will you please call her Nari dahil
may pangalan siya!"

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol?!"

"Bakit ba nandito ka pa rin sa bahay ko?!"

Bakit ba sila sigaw nang sigaw?!

Biglang tumahimik. Preston and his mom were both red with anger. I was... actually
pretty scared. Why was I in the middle of this?

"I'm staying," she said after a minute of silence.

"No," Preston said. "This is my place. You're not welcomed here."

"This is technically your father's place, Preston."

Preston sighed. "Know what? Talk to my lawyer, Ma. Pagod na akong makipag-usap sa
'yo," sabi niya at saka iniwanan na naman ako. Aba! Bakit niya ako iniwan kasama
ang nanay niya na galit na galit sa akin?!

* * *

"Hindi ba mas magagalit sila sa 'yo?" I asked Preston as he was locking all of the
rooms para wala raw tulugan ang nanay niya in case na ituloy nito ang balak na
pagtira dito.

"I don't care," he said, locking the second guest room.

"Pwede naman na umuwi muna kami ni-"

"No," he cut me off.

"Pero-"

"No means no, Nari."

Napa-buntong hininga na lang ako habang sinusundan siya habang nila-lock ang mga
kwarto. He's such a petty man. Para siyang bata sa ginagawa niyang pagla-lock ng
mga kwarto.

"Preston... may point naman ang Mama mo. Hindi mo naman siya masisisi kung nag-
aalala siya sa 'yo," I told him. Naiinis din naman ako sa ginawa ng Mama niya at sa
pang-iinsulto niya sa akin pero kung titignan ko mula sa perspective niya,
naiintindihan ko naman siya. Of course, Preston's her kid. She'd want to protect
him. Kahit naman ako, e. Gagawin ko rin lahat para kay John. Lahat naman yata ng
nanay ay poprotektahan ang anak nila. Instinct na 'yun.

Pero si Preston ang kausap ko kaya malamang ay hindi niya ako pinapansin. Minsan,
parang hangin lang talaga ang kausap ko.

"Bumaba na lang tayo tapos magsosorry ako," I said. I was about to go down when he
stopped me.

"Why will you apologize?"

"Para matapos na."

"Did you even do anything wrong?"

"Wala naman..."

"Then why will you say sorry?"

I sighed. Gulo kausap. "Para nga matapos na," I said. Ang bigat din kasi sa loob na
nag-aaway silang dalawa dahil sa akin. Hindi naman ako kagandahan tapos pinag-
aawayan nila ako? Hindi kasama sa life goals ko ang pag-awayan.

"What the fuck is wrong with you? Bakit ka magsosorry kung wala ka namang ginawang
masama?" he asked, annoyed.

"Well, sorry, ha! Hindi ako kagaya mo na kayang sigawan lahat ng tao sa paligid
ko."

He looked at me. Iniwas ko ang tingin ko. Ayoko talaga ng ganyang tingin ni
Preston, e! Delikado! "Are you sorry for having John?"

"Of course not!" I replied. He's the best thing that happened to me!

"Then stop feeling fucking sorry and fight for him kasi ako, pinaglalaban ko kayo
sa baliw kong nanay," he said and then walked out on me. Again.

=================

Truth Hurts

#IWHFFSE13 || Truth Hurts

If there's a word that I should use to describe how it felt like to eat breakfast
with Preston's mom, it would be tensed. Nakaka-tensyon, grabe! Ni hindi ko maabot
iyong tinapay dahil sa takot na sumbatan ako ng nanay ni Preston kung bakit
kumakain ako ng tinapay na binili ng anak niya! Dito yata namana ni Preston iyong
pagiging madamot, e.

"Preston," Tito Shiloah said. Naka-hinga ako nang maluwag. Finally, mayroon ng
nagsalita. I loved occasional silence but prolonged ones? Para akong pinapatay sa
sobrang kaba.

"Yes, Pa?" Preston answered. I concluded that Preston's a daddy's boy. Kung ano ang
ikina-sama ng trato niya sa Mama niya, ganoon naman siya ka-bait sa Papa niya. Alam
ko hindi ako licensed psychologist pero malakas talaga ang hinala ko na bipolar si
Preston, e. Kung hindi, may turnilyo sa utak niya na maluwag.

"Your sister's worried. Can she come here?"

"If Mama leaves me alone, I'll let Imo come here."

"Not happening," sagot naman ni Mother Biscuit.

"Can you take a leave from work, Nari?"

"H-ha?" nauutal na sabi ko. Kanina pa ako nagpapanggap na invisible, e. Ayoko


talaga na nadadamay sa usapan ng pamilya na 'to. Sobrang laki ng issue nila! Ayoko
naman ng mayaman nga pero ganito ang pamilya. Kuntento na ako sa pamilya ko. I
mean, kahit luka-luka si Sari, mahal na mahal ko 'yung batang 'yun.

"Let's go somewhere else."

Napa-kurap-kurap ako. "H-ha?"

"At saan kayo pupunta?" tanong ni Mother Biscuit.

"Kung saan wala ka."

"Preston," sabi ni Mother Biscuit na halatang nagpipigil

ng galit sa anak niyang may attitude. Bakit ba siya nagagalit kay Preston? Hindi ba
niya pansin na sa kanya naman nagmana ang anak niya? Na iyong attitude ni Preston
ay galing sa kanya? "I'm still your mother. Respect me."

"Exactly. You're my mother. And Nari's the mother of my kid. Why don't you give her
the same respect you're asking from me?"

Napa-nga-nga ako sa sinabi ni Preston. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng tuwa


dahil pinaglalaban niya kami sa Mama niya... pero at the same time, ayoko naman na
maging dahilan ng pagkasira nilang dalawa. Family is family. Para sa akin, iyon ang
pinaka-mahalagang relasyon.

Natahimik si Mother Biscuit. Buminggo yata si Preston. Ibig sabihin ba nito ay uuwi
na siya sa kanila? Three days na, e! Three days na akong gutom! Hindi ako makakain
nang maayos dahil kinakabahan ako tuwing nakikita ko siya.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang nagsalita. Ako, sobrang bilis kong
umakyat sa taas para kuhanin ang mga gamit ko. Dati ay thankful ako sa flexible
hours na binigay ng boss ko. Ibig sabihin kasi ay papasok ako kung kailan ko
gusto... ngayon, kahit na 9 am talaga ang standard office time, 7 am pa lang ay
trip ko ng pumasok. Goodness. Mas gusto kong magpa-alipin sa opisina kaysa manatili
ng isang segundo pa sa bahay na 'to.

"Bye, baby," I told John and kissed his little forehead. "Tandaan mo, mabait ang
lolo mo kaya hindi 100% na masama ang dugo na dumadaloy sa ugat mo. May chance ka
pa," I reminded him.

Aalis na sana ako nang maka-salubong ko si Preston.

"Do you have a passport?" he asked.

"Wala," I said,
and then became annoyed again dahil siya ang dahilan kung bakit hindi ako naka-
punta sa appointment ko. Unang pagkikita pa lang namin ni Preston, malas na talaga
siya sa akin. Bakit ba hindi ko siya iniwasan una pa lang.

"At kung iniisip mo na umalis, 'wag mo nang ituloy," I continued.

"And why not?" he asked.

"Dahil hindi lahat ng problema, tinatakbuhan," I said. Siya nga na problema ko ay


hindi ko tinatakbuhan, e. Akala ba niya madaling makita siya araw-araw?

"You don't know my mom. She'll piss you off."

"And then let her piss me off. I can handle myself," I reminded him. Nagawa ko
ngang ipagbuntis mag-isa si John, e. Nagawa ko ngang bumili ng mangga sa
kalagitnaan ng gabi kapag nagke-crave ako, e.

I was about to walk past him when he held me by my arm.

"If she's being too much, tell me," he said. He's obviously worried and I
appreciated that. But I'd like it more kung makikipag-ayos na siya sa Mama niya.
Kung ako ang nanay ni Preston, masasaktan ako kung sinisigawan ako ng anak ko.

"Okay," I told him to appease him. I reached for his head and tousled his hair.
Hinawi niya iyong kamay ko.

"Stop doing that. I'm not a kid."

"Well, technically, you're younger than me," I reminded him.

"You're just older by 3 years. 'Wag kang OA."

Aba! Siya pa talaga ang may gana na sabihan ako ng OA?! Sa aming dalawa, siya ang
OA! Ang kapal talaga ng mukha ng biscuit na 'to!

"That's still 3 years kaya igalang mo ako, okay," I said and then tried to tousle
his hair again pero nahawakan niya iyong kamay ko.

"Stop treating me like a kid,"

he said, his voice suddenly serious. Binawi ko agad iyong kamay ko.

"Fine," I answered. Arte. "Bye na po, lolo," I said instead. Feeling naman nito
porke mas matangkad siya sa akin? Long legged lang siya pero isip bata pa rin! Sino
ba ang nasa matinong isip na itatago ang bigas? Pasalamat na lang ako at dumating
ang mga magulang niya kaya lumabas ang tinagong bigas! Kung siguro kaming dalawa pa
rin, namatay na ako sa gutom o kaya ay naumay sa Cerelac ni John.

Bumaba ako at nagpasalamat na hindi ko naka-salubong ang kahit na sino. I just


wanted to go to the office and to work in peace. Kapag natapos ko na ang project,
malaking commission ang makukuha ko. Sa pera na iyon, makaka-bili na ako ng aircon.
Iyong pesteng aircon na naging dahilan kung bakit ako napadpad sa bahay ni Preston.
Sa bahay na ulit kami titira ni John at sasabihin ko kay Preston na pwede niya
namang bisitahin anytime si John, wala namang problema sa akin. Ayoko lang talaga
iyong nakakaabala na kami sa buhay niya. At mas lalong ayoko na nagiging dahilan
kami ng anak ko sa pag-aaway nilang mag-ina.

Akmang kukuhanin ko iyong susi nung sasakyan na sinabi ni Preston na pwede kong
gamitin nung may magsalita mula sa likuran ko. Nakaramdam ako ng chills. Alam na
kung sino 'to.

"Nari, right?" the voice said. Goodness. Ramdam na ramdam ko ang kaba na gumapang
sa buong pagkatao ko.

"O-opo," I respectfully replied. Kung chismosa man ako at brutal kay Preston,
malaki naman ang respeto ko sa mga nakaka-tanda. Ewan ko ba. Lalo na sa mga lolo at
lola, sobrang laki ng respeto ko sa mga ganoong edad.

"Can

we talk?" she asked. I nodded when what I wanted to do was to shake my head.
Naglakad kami papunta sa garden. Hindi madalas pumupunta dito si Preston. Hindi
niya ako maililigtas sa nanay niya kung sakali na maisipan niya na itulak ako sa
pool. Sa pool na binayaran ko ang tubig! Punyeta talaga si Preston, hindi pa rin
binabalik iyong ATM card ko!

Nang makaupo kami, tahimik lang ako.

"I'll be very honest with you," sabi niya. Napa-lunok ako.

"Okay po, magiging honest din ako," I replied. Mukhang 'di niya type ang sagot ko.
Sabi ko nga na shut up na lang ako.

"Are you sure that Preston's the father?"

I kept calm. Dapat kalmado lang ako. Walang mangyayari kung gagaya ako kay Preston
na OA. At hindi ako mahilig manigaw sa matanda.

"Opo," I answered.

"Then how come ngayon lang nalaman ni Preston ang tungkol sa anak niya?" she
pressed.

I took a deep breath before answering. "I... kept it from him."

"Why?"

I looked at her. Ayaw na rin naman niya sa akin... at wala akong magagawa kung
hindi niya ako gusto. Pero kahit na ganoon, magiging totoo ako sa kanya. Tama si
Preston. Why would I apologize for something I had no control over? And for
something I didn't even regret?

"Preston and I... wala po kaming relasyon. Alam ko na pangit pakinggan pero may
nangyari lang po sa amin. At kung hindi po nagkasakit si John, hindi ko naman po
guguluhin ang anak niyo."

Hindi ko mabasa ang utak niya. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Ang alam ko lang,
maiihi na ako sa sobrang kaba.

"So, nilapitan mo lang ang anak ko nung kailangan mo na ng pera?"

pursed my lips. I forced myself to remain calm.

"Ma'am, with all due respect, this is your grandchild's life we're talking about-"
"I'm not yet sure about that."

Napaawang ang labi ko. She's impossible!

Bago magsalita, huminga ako nang malalim. Kalma, Nari. Kalma. Hindi ka si Preston
para magsumigaw sa bahay na 'to.

"Kung ikatatahimik po ng loob niyo, willing ako na ipa-DNA test si John. Pero
please lang po, 'wag niyong pagsalitaan ng masama ang anak ko. Nanay ka rin po kaya
sana naiintindihan niyo na masakit sa akin na pagdudahan ang anak ko." Pinigilan ko
na maiyak pero masakit kasi talaga na pinapa-mukha niya sa akin na hindi anak ni
Preston si John. Ayos lang sa akin na sabihan niya ako ng kung anu-ano pero 'wag
niyang idamay ang anak ko. Ni wala pang isang taon iyong bata tapos ganito na ang
sinasabi sa kanya.

Ibinaba ko iyong hawak kong susi.

"Hindi rin po ako mukhang pera. Hindi ko po kukuhanan ng kahit isang kusing ang
anak niyo kung 'yan ang kinaka-takot niyo." Pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib
ko sa sobrang sama ng loob. "Wag po kayong mag-alala, kapag may sapat na akong
pera, aalis na po kami dito ng anak ko at babalik na sa bahay namin."

Nagpaalam na ako sa kanya nang maayos bago pa man ako maiyak sa harap niya. I
forced myself to walk faster. I didn't want anyone to see me crying. I had shed
enough tears. I had been weak for so long. I needed to be strong. Para sa anak ko.
Para hindi siya pagsalitaan ng masama ng mga tao sa paligid niya... ng mga
kapamilya niya na dapat ay nagmamahal sa kanya.

* * *

"Ay, nakaka-loka naman pala

ang ganap sa bahay!" sabi ni Venice. Mabuti na lang at nakaka-usap ko siya.


Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sobrang sama ng loob.

"Sinabi mo pa," I agreed. "Kaya binibilisan ko na itong sa project para magka-pera


na ako."

"So, aalis ka na sa mansion ni baby daddy mo?" she asked. Na-ikwento ko na sa kanya
sa wakas si Preston. Gulat na gulat din siya na si Preston ang may-ari nitong
mismong building na pinagta-trabahuhan namin.

"Oo. Kaysa naman lait-laitin kami nung nanay niya," I said.

"Sa tingin mo naman papayag si baby daddy? Mukhang attached na sa anak niyo, e."

It still felt weird kapag sinasabi na anak namin ni Preston si John. Mas
comfortable ako kapag sinasabi na anak ko o kaya naman ay anak niya. Weird kasi
talaga iyong namin.

"Pwede namang siyang bumisita."

"Iba pa rin ang bisita sa naka-tira sa iisang bahay. Buti nga hindi nagalit sa 'yo
na tinago mo, e," she said. Ano'ng hindi nagalit? Ang sama kaya ng ugali ni Preston
sa akin! Palagi niyang pinapaalala na hindi niya naabutan iyong super baby days ni
John dahil tinago ko raw. Sinupalpal ko nga sa mukha ng baby pictures para
matahimik ang kaluluwa.

"Basta... kakausapin ko na lang."


At least kapag wala na kami sa bahay niya, pwede niya na ulit ligawan iyong Kath.
Alam ko naman na mahal ni Preston 'yun, e. Kasi ang sama ng ugali ni Preston at
madamot pero nagagawa niyang bilhan ng flowers iyong Kath gabi-gabi. Ibig sabihin,
mahal niya talaga.

Tahimik akong gumagawa ng designs nang tumawag si Benj. I immediately answered it


dahil hindi naman tumatawag just

because lang si Benj.

"Hi, Benj," I said.

"You blocked me?!"

Napa-layo ako sa phone dahil sa sigaw ni Preston. Maka-sigaw naman 'to! "Bakit ka
ba sumisigaw?!"

"Ano'ng sinabi mo kay Mama? Bakit sinasabi na magpapa-DNA test daw at pumayag ka?!"
Goodness! Sigaw nang sigaw! Ang sarap talaga busalan sa bibig!

"Wala namang masama," I said in a calm manner. "Anak mo si John. Magmamatch kayo,"
I told him in full confidence.

"I know he's my son. My question is, why the fuck did you agree?" he asked.

I sighed. "Preston, napapagod na ako sa away niyo ng Mama mo. Just give her what
she wants, okay? Kung ikatatahimik ng kaluluwa niya ang DNA test, then give it to
her."

Natahimik si Preston. Akala ko ay pwede na akong magpaalam dahil kapag mas tumagal
ang pag-uusap namin, sure ako na sa sigawan din ang bagsak namin. Kapag kasi magka-
usap kami ni Preston, hindi pwede na hindi kami magsisigawan. It's inevitable.

"No," he said.

"Preston-"

"He's my son. I don't want him thinking that I doubted him."

"Preston, he's not even one yet! Hindi niya malalaman na nagpa-DNA test siya!" I
told him. Abno talaga 'to!

"Bakit ba gusto mong magpa-DNA test? Hindi ka ba sure na ako ang tatay? Baka naman
'yung ex mo ang tatay?"

I gritted my teeth in annoyance. Ito na naman siya! Dapat talaga binaba ko na iyong
tawag, e! Hindi talaga kami makakapag-usap ng hindi niya pinapataas ang presyon ko!

"Mabuti nga sana kung si Benny ang tatay at hindi ikaw na halimaw ka!" I said and
then dropped the call.

Sinubukan ko na bumalik sa pagta-trabaho pero

bwisit na bwisit lang talaga ako kay Preston. Kumuha ako ng barya at saka bumaba sa
convenience store at bumili ng Presto. Pagbalik ko sa office, kinuha ko iyong
lalagyan ko ng pencil at saka dinikdik iyong Presto hanggang sa madurog lahat.

"Bwisit ka talaga sa buhay ko!" I said and then continued to mercilessly pound the
biscuit habang iniisip na iyon si Preston. "Bakit ba sa dinami-dami ng lalaki sa
Pilipinas ay ikaw pa ang makaka-buntis sa akin?!" Kulang na lang ay mabasag iyong
salamin ng lamesa ko sa sobrang lakas ng pagkaka-dikdik ko. I was just really
pissed at Preston! Para bang talent niya sa buhay na bwisitin ako! Siya talaga ang
makaka-patay sa akin!

"Girl!"

"What?!" masungit na sabi ko habang pinagdidiskitahan na naman iyong biscuit.

"Girl! Nandito si baby daddy at si TOTGA!"

"Ano?!" Hinatak ako ni Venice palabas at nakita ko na nandun nga si Preston at


Benny. Bakit nandito si Preston?!

"Girl, talo talaga ng malandi ang maganda! Paano mo nakuha 'yang si baby daddy?
Friend kita pero hindi ka naman masyadong pretty! Ang yummy ng nakuha mo, ha!" sabi
ni Venice sabay sundot sa gilid ko. "Wa na ako care kung ugaling monster kung
ganyan naman ka-yummy!" sabi niya pa habang pinagnanasaan si Preston. Gusto niya
ba? Sa kanya na! Kainin niya!

Hindi ko na pinansin ang kalandian ni Venice at agad na nilapitan si Benny at


Preston. Knowing Preston, hindi magdadalawang isip na mag-eskandalo 'yan dito.

"Preston," I called bago pa sila mag-away. Nagtitinginan lang silang dalawa.


"Bakit?"

"Hinahanap ka ng anak natin."

"Ha? Bakit? May sakit ba?" natatarantang sabi ko. Sakitin kasi si John.

"Bakit ka nandito?" he asked Benny instead of answering me.

"I work here," sagot ni Benny.

Aba! Wala bang sasagot sa tanong ko?! Ano'ng nangyari sa anak ko?!

Tinignan ako ni Preston na para bang pinagtaksilan ko siya. "You're working with
your ex?"

I nodded. "Ano'ng nangyari kay John?"

"At ni hindi mo man lang naisip na sabihin sa akin?" naiinis na sabi niya.

Akmang aalis ako para kuhanin ang phone ko dahil mamamatay ako sa pag-alala
hanggang hindi ko nalalaman kung ano ang nangyari sa anak ko. Nandun pa naman sa
bahay ang nanay niya. I mean, alam ko naman na hindi nila sasaktan si John... pero
kahit na.

"Why didn't you tell me?" he asked.

"Hindi ako aware na kailangan ko pa lang sabihin."

Aalis na sana ulit ako ng hawakan niya ang braso ko.

"You have your life, I have mine. Pinipigilan ba kita kapag nanliligaw ka sa gabi?"
I asked him. Alam ko na pinupuntahan niya si Kath kapag gabi. Hindi ako tanga.
Nababasa ko iyong naka-lagay sa card niya na puro sorry. Naka-rinig ba siya sa
akin? Pinigilan ko ba siya?
"It's different," he said.

"Ano'ng different pinagsasabi mo?" I asked him. "I'm sorry kung nasira kayo ni Kath
dahil sa akin. Kung gusto mo, ibigay mo ang number sa akin at kakausapin ko at
magsosorry pa ako para magka-ayos kayo."

Naka-tingin lang siya sa akin. Ramdam ko ang tingin ng mga ka-trabaho ko. I didn't
like attention but Preston needed a dose of reality. Hindi porke hindi siya seryoso
sa buhay ay idadamay niya ako sa trip niya. Hindi porke bored siya ay paglalaruan
niya ako.

"Preston, you don't get to meddle with my personal and professional life. Tatay ka
lang ng anak ko. Sa akin, wala kang karapatan," I said and then peeled his hand off
of my arm.

=================

Careful What You Wish For

#IWHFFSE14 || Careful What You Wish For

"Girl... hindi ba masyadong harsh ka naman kay baby daddy?" Venice asked as we
watched Preston walk away. Ramdam ko pa rin iyong atensyon ng mga tao sa paligid
namin. I even felt Benny's stare boring a hole on my face. Nalimutan ko na kasama
nga pala namin siya. But... I just couldn't deal with Preston's immaturity anymore.
He's a freaking kid! Nagagalit siya kapag tina-trato ko siya na parang bata pero
para siyang bata kung umarte. Who did he think he was? That he could march in the
place I was working and demand that I answer his questions?

"He'll get over it," sabi ko. I smiled timidly and excused myself para bumalik sa
office. Ngayon ko lang na-appreciate ang privacy ng pagkakaroon ng sariling office.
I wanted to be alone with my thoughts.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapatuloy sa ginagawa ko nang may kumatok. Pagbukas ng


pinto, nakita ko si Benny. I huffed. Oo nga pala. Nandito nga pala siya.

"Hey," he said, smiling uncomfortably. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa aming
dalawa. I mean, I was trying to be civil with him kasi magka-trabaho kami. Tapos
siya... I didn't know what was his deal. And with Preston? Goodness! Don't even get
me started with him! Ang sakit niya sa ulo!

"Yes?" I answered.

"Tapos ko na 'yung second draft ng blueprint," he said tapos pinatong niya sa mesa
ko iyong blueprint.

"Thank you," I replied. Akala ko ay aalis na siya dahil ito lang naman dapat ang
ginagawa namin. We're supposed to be work mates. Hindi na nga kami friends. Feel ko
talaga na kalokohan

lang iyong sinasabi nila na pwede kayong maging friends ng ex mo. Ang dami kasing
memories together. Imposible na maging magkaibigan kami ni Benny pagkatapos ng
lahat ng nangyari sa amin.
"If you need someone to talk to, you can talk to me."

Napa-tingin ako sa kanya. I knew he mean well but I just didn't want to add more
drama in my already complicated life with Preston. Alam ko na mahirap para kay
Preston na mag-adjust para sa mga tao sa paligid niya. Obvious naman na lumaki siya
na nakukuha niya lahat ng gusto niya kaya kapag may nangyari na hindi sunod sa
gusto niya, he throws tantrums like a 3 years old. Kaya ako na lang ang mag-a-
adjust para sa kanya.

"Thanks," I said, instead. Pero wala naman na akong balak pa na makipagkaibigan kay
Benny. Siguro, hanggang dito na lang kami. Work mates. Ganon. Na-realize ko na rin
kasi na hindi talaga kami meant to be. Ganoon talaga. Hindi lahat ng gusto mo,
nasusunod. Text ko nga 'to kay Preston para ma-realize niya rin. Lakas ng mood
swings nun, e.

Gusto ko pa sanang magstay sa office kaya lang sumasakit na ang ulo ko. Pero bago
pa man ako maka-balik sa bahay ni Preston, dumaan muna ako sa fastfood chain at
kumain ng madami. Alam ko kasi na hindi talaga ako makakakain nang maayos sa bahay
na 'yun dahil puno ng tensyon! Ni hindi ko naman magalaw 'yung mga canned goods ko
na may pangalan dahil natatakot ako na malaman ni Mother Biscuit na nilagyan ko ng
pangalan ang pagkain ko. E 'di may bago na naman siyang isusumbat sa akin? 'Wag na,
noh.

Pagdating ko sa bahay, balak ko sana na dumiretso na sa taas at magkulong sa kwarto


habang

nagpe-pretend na hindi ako nag-e-exist nang marinig ko na nag-uusap si Mother at


Father Biscuit. I didn't want to listen dahil sa totoo lang, umay na umay na ako sa
family issues nila. Hindi talaga ako fan ng mga kaguluhan. Badtrip na badtrip nga
ako sa kapitbahay namin dahil tuwing nalalasing, hinahamon ng away pati aso sa
kalye.

"Imo, let's go home," sabi ni Father Biscuit.

"No," sagot naman ni Mother. Bakit ba ayaw niya pang umuwi?! Ako ang nahihirapan sa
aming dalawa! At sa kanila ng anak niyang may attitude! Hindi ba nila gustong
magpa-therapy dalawa? Para kasing marami silang unresolved issues, e.

"You're just making it harder for Preston, Imo. Kilala mo naman si Preston. The
more you tell him not to do things, the more he'll want to do it."

Tama ka dyan, Tito Shiloah. Feeling ko minsan dalawa ang anak ko, e. Isip bata kasi
talaga si Preston. Sagad. Minsan, mabait siya pero mas madalas iyong gusto ko
siyang puntahan sa kwarto niya kapag natutulog siya at lagyan ng unan sa mukha
niya.

"I know. Sa tingin mo ba hindi mahirap sa akin na sinisigawan niya ako? Dahil sa
babae na 'yun?" Aba! At nadamay na naman ako! Kahit yata huminga lang ako, sa akin
pa rin mapupunta lahat ng sisi, e!

"Imo, she has a name. And she's the mother of your grandchild. Mas lalo mo lang
ginagalit si Preston kapag inaaway mo si Nari." Pwede bang yakapin si Father
Biscuit? Binigyan niya ako ng pag-asa na hindi totally magiging masama si John. May
kapatid si Preston, 'di ba? Mabait kaya ang mga iyon o baka naman spawns from hell
din kagaya ng Kuya nila.

"Still, no, Shiloah. Umuwi ka mag-isa.


Dito lang ako."

Tito Shiloah sighed. Hirap na hirap na rin siya kagaya ko. Kami na lang talaga ang
matino sa pamamahay na 'to.

"I talked to Imo. Umiiyak na raw 'yung dalawang bata, hinahanap ka," he said. "And
you're pregnant, Imo. Makaka-sama 'yan sa 'yo."

Napaawang ang labi ko sa mga narinig ko. She's pregnant?! Akala ko busog lang
talaga siya!

* * *

Hanggang sa pag-akyat ko, iniisip ko pa rin iyong mga narinig ko. She's pregnant...
at sinisigawan siya ni Preston dahil sa amin ni John. God. Hindi ko kaya na may
masamang mangyari sa kanya dahil sa sama ng loob. My conscience wouldn't let me
rest kapag nadamay iyong anak niya sa nangyayari sa amin ni Preston.

Nang maka-salubong si Preston, ni hindi man lang ako pinansin. May topak na naman.
Pero dahil bothered talaga ako, sinundan ko siya.

"Preston," I called his name. Ni hindi man lang ako pinansin! Mas binilisan ko ang
paglalakad para makahabol sa kanya. Ang unfair kasi mas mahaba naman ng 'di hamak
ang legs niya sa akin! "Hoy! Kinakausap kita!" Malakas ang loob ko na magsalita
nang malakas dahil sure naman ako na nasa baba ang parents niya kaya hindi kami
maririnig. Sa mga maids naman, sus, ano pa ba ang itatago ko sa kanila? Nakita na
nga nila kaming nagbabatuhan ni Preston ng kaldero, e.

"What?" he said, annoyed.

"Usap tayo," I replied in a calm manner. Hindi kasi dapat talaga sinasabayan ang
topak ni Preston. Kapag sinabayan ko, kawawa naman si John dahil parehong may sira
sa ulo ang magulang niya.

Magsasalita na sana siya pero malakas ang pakiramdam ko na tungkol kay Benny ang
sasabihin

niya kaya inunahan ko na. "And please, 'wag nating pag-usapan si Benny. He's not an
issue."

Kinunutan niya ako ng noo. "What?" sabi niya na parang hindi makapaniwala.

"He's my ex and we're working in a project together. We're both professionals kaya
wala akong makitang mali sa ginagawa namin," I explained. Ito na 'yung pinaka-
simple na explanation na pwede kong ibigay kay Preston. I didn't want to elaborate
and exaggerate dahil sa aming dalawa, siya talaga ang OA.

"He's your ex," sabi niya na parang may issue siya sa ex.

"And so? Kung magiging magka-trabaho kayo ni Kath, walang issue sa akin," I shot
back.

"She's not even my ex!" At ayan! Tumaas na naman ang boses ng prinsipe! Naglabasan
na naman iyong ugat sa leeg niya! Sarap sakalin nito kapag sumisigaw!

"Kaya nga nag-offer ako, 'di ba?! Kakausapin ko para matahimik ka! Magsosorry ako
para maligawan mo na ulit!" I couldn't help but shout at him, too. Ayoko na
mamihasa siya na sinisigawan niya ako. Yes, naka-tira ako sa bahay niya. Yes, bigas
niya pa rin ang kinakain. But that didn't give him the right to walk all over me!
"We have a child together! Bakit ako manliligaw ng iba?!"

"21st century na, Preston! Hindi porke may anak tayo e tayo na forever! Wala ka sa
fairytale! At hindi ka prince charming!"

We're always fighting! Hindi ko kaya na tumira sa iisang bahay na kasama siya!
Hindi ako sanay na tuwing umaga na lang, nag-eexpect ng away, na palaging
sumisigaw!

He was looking at me, his teeth gritting. Well, duh! Bwisit na bwisit na rin ako sa
kanya at sa pagiging immature niya!

"Gusto

mo talagang ligawan ko si Kath?" he asked.

"Oo! At baka mabawasan 'yang kasamaan sa katawan mo!" I shouted before walking out
on him. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at naisip ko na magandang ideya ang
makipag-usap sa halimaw na 'to?!

* * *

The next morning, Preston wasn't around. It was a weekend. Sa wakas ay may panahon
na ako para maalagaan ang anak ko. Iyon namang parents ni Preston, sandaling umuwi
dahil umiiyak na raw iyong kambal. And for the first time in forever, naka-hinga na
ulit ako nang maluwag.

"Finally, may katahimikan na rin tayo," I told John habang pinapa-inom ko siya ng
formula. Tahimik lang kaming mag-ina... though hindi ko maiwasan na hanapin iyong
sigaw ni Preston. Sa sobrang pagsigaw niya sa akin, hinahanap na tuloy ng sistema
ko!

When afternoon came, wala pa rin siya! Bored na bored na ako. Wala naman akong
magawa dahil tinulugan ako ni John. Iyong mga kasambahay, busy sa ginagawa nila.
Goodness. Nami-miss ko ba 'yung bakulaw na 'yun?

Sinubukan ko na tawagan si Venice pero busy sa nilalandi niya. Tatlong buwan niya
ng nilalandi iyong lalaki pero ayaw sumuko ni Venice. Si Sari naman, hindi
sumasagot sa Facetime. Tapos, wala na akong ibang choice. I stared at my phone and
looked at Preston's blocked number. Magsosorry ba ako? Nasobrahan ba ako sa mga
sinabi ko sa kanya? Goodness, hindi ko na alam! Pagdating kay Preston, naguguluhan
ako sa gagawin ko.

"Sorry sa abala," sabi ko kay Benj. Sa sobrang pagka-bore ko, tinawagan ko na siya.
Luckily, hindi naman siya busy.

"No prob," he replied.

"Congrats sa business," I said, smiling.

"Sorry kung hindi kami naka-punta sa soft opening," I continued.

"It's fine. Busy din naman ako nung araw na 'yun," he answered. "Ano nga pala 'yung
itatanong mo?" he asked.

I sighed. Siya lang kasi ang pwede kong kausapin pagdating kay Preston dahil siya
lang naman ang common friend naming dalawa. Syempre friend na rin ang turing ko kay
Benj. Dalawang beses na akong naligaw sa condo niya, e.
"Kasi... na-real talk ko yata si Preston kanina. Tapos hindi na umuwi sa bahay." I
continued to explain everything that happened. I just wanted some perspective from
a guy-e limited lang ang pwede kong hingian ng advice. Malamang hindi pwede si
Benny. E 'di inatake sa puso si Preston kapag nalaman niya na hiningian ko si Benny
ng advice tungkol sa kanya.

When I was done talking, Benj was almost shaking his head in amusement.

"Hindi pa kayo niyan, ha?"

I cringed. "Kadiri ka!"

He laughed. "Why? The thought of being with Preston disgusts you?"

I nodded immediately. "No offense dahil kaibigan mo si Preston pero he's everything
I don't want in a guy! He's immature and loud and obnoxious and insensitive and
disrespectful! Never akong magkaka-gusto sa ganung tao!"

"But you sound defensive."

"I am not!" I shot back.

"Hindi ka ba naniniwala sa the more you hate, the more you love?"

I rolled my eyes at him. "Ewan ko sa 'yo, Benj. At as if naman type ako ni


Preston?"

"Why not?"

"Sinabihan niya ako na mukha akong labandera!" I said. Hindi pa rin ako maka-move
on na sinabihan niya ako na mukhang labandera sa harap ng nanay niya. No wonder

hindi ako matanggap ng Mama niya kasi kay Preston mismo, lait na lait na agad ako.

Benj laughed. "Don't take it personally. Even Kath na niligawan niya, sinasabihan
niya ng pangit on a regular basis," Benj said.

When Kath's name was mentioned, natahimik ako. "About Kath..." I said. "Do you
think it'll help Preston kung kakausapin ko?" Napa-tingin sa akin si Benj. Seryoso
iyong mukha niya. "Kasi baka kaya sobrang sama niya sa akin ay dahil nasabutahe ko
iyong dapat na lovelife niya."

If Kath was Preston's one shot at happiness, I'd hate to be the one who ruined it
for him. Kahit naman ubod ng kasamaan ni Preston, he still deserved love. Baka kasi
iyon ang kulang sa kanya para naman maging mabait siya kahit papaano...

But a minute passed and Benj only remained silent. Maybe it was a bad idea, after
all.

* * *

Pag-uwi ko sa bahay, wala pa rin si Preston. Aba, wala na ba siyang balak umuwi?!

"Iyang tatay mo, tinotoo yata ang sinabi ko," hindi ko maiwasan na sabihin kay
John. Siya na lang ang kinakausap ko dahil siya lang naman ang makaka-intindi sa
akin.

"Nagpaalam ba sa 'yo?" I asked him. Si Preston kasi, hobby niya na sabihin kay John
kapag hindi siya makakauwi. Gusto ko sanang tumawag sa bahay nila para alamin kung
nandoon ba si Preston pero asa naman. Mamaya si Mother Biscuit pa maka-sagot ng
tawag ko, e. Mainit na nga dugo sa akin nun, e. Tapos mamaya bumalik bigla dito!

Nung 10 pm na at wala pa ang anino ni Preston sa bahay, I decided to unblock his


number and call him. I was just worried. Pinagkatiwala siya ni Tito Shiloah sa
akin, e. Baka kung ano ang masamang nangyari doon.

I tried calling but he wasn't answering. My call kept on getting dropped. He's
freaking cancelling my call!

To: Biscuit

Buhay ka pa ba?

I just wanted to know if he's still breathing! 'Yun lang naman concern ko!

To: Biscuit

Hoy magreply ka

But minutes passed and still, no reply. Pinilit ko na matulog dahil sigurado naman
ako na okay siya. I mean, nagawa nga niya akong babaan ng tawag, e... Baka
nababaliw na naman 'yun. Sanay naman na ako na ganoon si Preston.

Pagka-gising ko, nakita ko si Preston sa dining area kasabay si John na kumakain.


Kumunot ang noo ko. John was all dressed up.

"Aalis kayo?" I asked, waiting to be ignored. Sanay naman ako na hindi pinapansin
ni Preston. Why was I even bothering?

"Yes," but he replied.

"Ah... saan?"

"Kath wants to meet him." Natigilan ako. Ipapakilala niya ang anak namin sa...
almost niya? "Let's go, buddy. Tita Kath is already waiting."

=================

White Flag

#IWHFFSE15 || White Flag

Hindi ako mapakali. I kept on pacing back and forth. Forth and back. Malapit ng
mag-ala cinco pero wala pa rin sila sa bahay! Nasaan ba sila?! At ni hindi man lang
magawang magtext ni Preston! Ni hindi man lang ba niya naisip na nag-aalala ako sa
anak ko? Kahit iyon lang sana!

"Thank God!" sabi ko nang makita ko siya na buhat-buhat si John habang papasok.
Agad kong kinuha mula sa kanya si John at tinignan nang mabuti. "Hindi ka ba
marunong magreply?" naiinis na sabi ko sa kanya. I sent more than ten messages pero
ni isa, walang reply!

"I was busy."

"Enough not to send kahit isang text?!"

He shrugged at saka binaba iyong bag ni John. "Ano bang problema mo? Hindi ko naman
papabayaan iyong anak ko," sabi niya.

"That's beside the point, Preston. Syempre nag-aalala ako!" Why was he being a jerk
again? Gusto ko lang naman ma-assure na maayos ang anak ko. May masama ba doon?
Gusto ko alam ko kung nasaan ang anak ko. Gusto ko aware ako kung ano ang ginagawa
niya. Hindi ako sanay na hindi ko alam kung nasaan siya.

"I won't let anything bad happen to him, if that's what you're worried about."

"I know you'll take care of him-"

"Yun naman pala, e. Ano'ng problema mo?" he asked, looking at me with those bored
eyes of his. I didn't like him when he's this calm. Mas gusto ko iyong naka-sigaw
siya sa akin dahil at least kapag ganoon, alam ko ang iniisip at nararamdaman niya.
When he's this calm, it scared me... quite.

I gritted my teeth but tried my best to stay in composure. "Wala,"

I replied. "Next time, update me." Iyon na lang ang sinabi ko. Hindi niya ako
maintidihan. He's so freaking close-minded kaya iniwan ko na lang siya at dinala sa
taas si John! God! Preston was really just annoying!

Pag-akyat ko, agad kong nilinisan si John. He was smiling and it just annoyed me.

"Ano? Nag-enjoy ka sa date niyo ng Tita Kath mo?" I asked him habang nilalagyan ko
siya ng bagong diaper. "Alam ko mas maganda siya sa akin pero tandaan mo, ako ang
nagpaka-hirap na dalhin ka sa tiyan ko," I reminded him in case na maisipan niya na
ayawan ako bilang nanay niya. Malay ko ba kung ano ang sinasabi ni Preston dito
kapag silang dalawa lang. Kung sariling nanay nga niya nagagawa niyang siraan, e.

Ano kaya ang sinasabi ni Preston tungkol sa akin kapag kinu-kwento niya ako?
Sigurado ako sirang-sira na ang pagkatao ko sa mga kaibigan niya! OA pa naman 'yun!

Kinabukasan, hindi pa rin kami nag-uusap. I was thankful na mayroon na ulit akong
trabaho dahil pakiramdam ko ay binabaliw ako ng katahimikan. Ni hindi ko matignan
sa mukha si Preston dahil sa sobrang bwisit sa kanya.

"Maawa ka naman sa pencil," Venice said. I was trying to draw pero dahil sa sobrang
diin ng pagkakahawak ko, palaging napuputol iyong dulo. "World War naman naman ang
peg ng household?" I rolled my eyes. "Ay, may attitude na rin siya! 'Wag mo kong
iniirapan, Nari, tutusukin ko 'yang mata mo," sabi niya sa akin.

"Sorry," I apologized. "Badtrip lang kasi ako kay Preston."

"Sus, what's new? Para namang everyday all day kayong nag-aaway niyang si baby
daddy." Ngayon ko lang na-realize

na bagay sa kanya ang tawag na baby daddy dahil para siyang baby na biglang naging
daddy. So immature. So childish.

"Hindi kasi. Kahapon, ginala niya si John kasama 'yung..."


"Yung?"

I sighed and then played with my pencil. "Yung ano... 'yung nililigawan niya bago
ko siya guluhin."

"Oh... so Jelly de Belen ang peg mo?"

"Hindi, ah!"

"E bakit ganyan ang fezlak mo? Ano naman problema kung isama ni baby daddy si baby
kasama ang gf?"

"Hindi nga niya gf!"

"Di ka pa jelly sa lagay na 'yan, ha? Try mo kayang pagselosin si baby daddy?"

"Please lang, Venice. Ang immature lang nung pagseselosin. Isip bata na nga si
Preston, tapos sasabayan ko pa?"

"Bagay naman kayo, ah. Isang isip bata, isang feeling old and wise. Match made in
heaven kayong dalawa," she said, grinning.

"Kadiri ka. Hindi ako cradle-snatcher, noh!" He's still 3 years younger than me!
And still so immature. Hindi ako sanay na palaging nagpa-pasensya. Nasasanay lang
ako dahil kay Preston.

Tinawanan ako ni Venice. Isa pa 'tong walang kwentang kausap, e! "Alam mo, ang
pikon mo. Ano? Type mo na rin si yummy baby daddy?"

"Yummy lang siya pero masama ang ugali niya!"

"So, inaamin mo nga na yummy siya?" Inirapan ko siya. Muntik na niyang sundutin ang
mga mata ko! Bastos talaga 'to!

"Yummy naman talaga si Preston, never ko naman dineny. Pero hindi 'yun ang point,
okay? He's annoying! Nakaka-bwisit siya! Hindi sapat na gwapo siya dahil mas lamang
iyong pambu-bwisit niya sa akin."

"Pero nakaka-bwisit ka rin kasi. Sobra kaya 'yung sinabi mo sa kanya last time.
Kahit

hindi mo sa akin sinabi, medyo na-hurt ako for him, ha..."

I was just being real! Hindi kasi talaga pwede iyong ginagawa ni Preston na
pagkontrol sa buhay ko. He's got his own life and I got mine. Hindi pwede na
pinapa-kailaman niya ako. He just needed to hear it from someone-na he's childish
and immature. Nagkataon lang na ako ang nagsabi sa kanya.

"He needed it," I replied.

Venice gave me a small smile. "Alam mo, with Preston, feeling ko siya 'yung tipo ng
tao na mahirap mahalin... mayabang, insensitive, immature-kagaya ng sinasabi mo.
Pero 'di ba pinaglalaban ka sa nanay niya? Teh, hindi lahat ng lalaki gagawin 'yun,
trust me. So, why don't you try to give him credit for that? Worth it naman siguro
na bigyan siya ng chance."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Na-appreciate ko iyong pinaglaban
niya kami sa nanay niya... alam ko naman 'yun. But it still wasn't right. Nanay
niya 'yun. Iniisip ko pa lang ang nararamdaman ni Mother Biscuit, nasasaktan na ako
para sa kanya. Tapos buntis pa. Paano kung ipaglihi niya sa sama ng loob iyong
bata? E 'di nagkaroon ng panibagong Preston sa mundo? Sobra na nga ang isa.

Pag-uwi ko sa bahay, hindi ko agad nakita si Preston o si John.

"Si Preston po?" I asked.

"Pumunta raw pong ospital."

"Ha?!"

Hindi na ako nagtanong pa dahil agad akong pumunta sa ospital na sinabi ni Manang
na pinagdalhan kay Preston. I was driving so freaking fast na pakiramdam ko ay
lilipad na ang sasakyan sa sobrang bilis. Pagdating ko roon, agad kong nakita ang
Mama niya. She was glaring at me. God. Ano na naman ang

ginawa ko?

"G-good evening po..." I meekly said. I smiled at Tito Shiloah. Good thing he's
here. Hindi ko kayang harapin mag-isa si Mother. At mas lalong hindi na ako pwedeng
umattitude sa kanya dahil buntis siya. Kahit sigaw-sigawan niya ako at laitin,
hindi ko siya papatulan dahil buntis siya. Ayokong may mangyaring masama sa kapatid
ni Preston at sa Uncle ni John.

"Ano pong nangyari?" I asked. I couldn't handle the pressure anymore.

"We came to visit John pero biglang nahilo si Preston," paliwanag ni Tito Shi.
"He's being examined right now."

Naka-hinga ako nang maluwag. Nahilo lang pala! Akala ko naman kung ano na! Baka
naman nag-iinarte lang si Preston dahil OA naman talaga 'yun.

"Ano'ng ginawa mo sa anak ko?" tanong ni Mother Biscuit.

"P-po?"

"Nung una akong pumunta, may malaking bukol sa ulo niya. Ikaw ba ang may gawa nun?"
Was this because of that?! Pero ang tagal na nun!

Hindi ako maka-sagot dahil kinakabahan ako. Malaki kasing kaldero talaga iyong
naibato ko kay Preston. He pissed me off big time that night! Bigla na lang
nagdilim iyong paningin ko sa kanya kaya nabato ko siya ng kaldero. Hindi ko naman
akalain na ganito ang magiging epekto 'nun. Hindi ko alam na sobrang sensitive pala
ng ulo niya.

"Doc, is he okay?" tanong ni Mother nung may lumabas na doctor.

"He's fine. He just needs to rest." Nagpaliwanag tungkol sa ginawang test kay
Preston. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I should really control my temper.
Hindi dapat na palagi kong pinapatulan si Preston dahil baka dumating ang araw na
mapatay ko na siya. At saka malaki

ang chance na ako nga ang dahilan kung bakit siya nandito sa ospital... Nabagok din
ang ulo niya sa kalsada nung pinatid ko siya, e. Tapos iyong sa kaldero pa...

God. Pareho kaming may sira sa ulo.

Nang sinabi ng doctor na pwedeng pumasok sa loob, naiwan ako sa labas. I didn't
know what to do. I wanted to say sorry to Preston but I was afraid of what he'd
tell me. The last time we talked wasn't pleasant. At all. And I didn't want to
start another row with him.

I stayed outside. Waiting. But I was calmed down. At least alam ko na na okay na
siya.

Halos isang oras ako na nasa labas lang. I already called home and told them na
okay na si Preston. Tinanong ko rin kung maayos ba si John. Habang kausap ko si
Manang, biglang lumabas na iyong parents ni Preston.

"We need to go home, Imo," sabi ni Tito Shiloah. "Nari's here. She'll look after
Preston."

Tinignan ako ng Mama ni Preston. Right at this moment, I knew she'd never like me.
Maybe she hated me. Kasalanan ko naman. Dahil sa akin, nandito sa ospital si
Preston. I knew he's annoying as hell pero hindi niya deserve iyong maalog ang utak
dahil sa akin.

"Ingat po kayo pauwi..." I uttered. Ni walang sinabi kahit isang salita sa akin ang
Mama ni Preston. She just glared at me. I looked down. I deserved every insult she
would hurl at me.

Nang makaalis na sila, ni hindi pa rin ako makapasok sa kwarto ni Preston. I was
scared. Biglang nahirapan ako kung paano siya harapin. Goodness. What the hell
happened? Kung hindi pa papasok ang nurse para sabihin na kailangan ni Preston na
kumain ng dinner para makainom ng

gamot, hindi pa ako papasok.

"May gusto ka bang kainin?" I asked him.

"Si John?" he asked.

"Nasa bahay. May allergy ka ba?"

"Just go home. Ayos lang ako dito," he replied.

I sighed. "I'll stay. Wala kang kasama."

Nahiga siya at saka nahiga patalikod sa akin. Pinilit ko na kumalma dahil hindi
talaga pwede na forever na lang akong naiinis sa kanya.

"Preston, kailangan mong kumain," I repeated.

"I'll call Kath. Umuwi ka na."

I bit my lower lip. "Okay," I said. "Tawagan mo muna siya. Aalis ako kapag nandito
na siya," pagpapatuloy ko. Maybe it's high time I meet Kath again. Para
makapagsorry ako. Ayoko rin kasi na ganito kami ni Preston. I didn't like his
hostility. Mas gusto ko na galit siya at sumisigaw kaysa ganito na hindi siya
namamansin. It's scarier.

"Psh."

Wala naman siyang tinawagan. He's just being a baby again. Kinuha ko ang wallet ko
para tignan kung magkano pa na cash ang dala ko. Hindi ko pa rin kasi nahihingi
iyong ATM card ko mula kay Preston dahil sa mga nangyari lately.

"Preston..." I called his name. Hindi siya sumagot pero sure naman ako na nakikinig
siya. Snob lang talaga 'to. "Hindi ka naman kasi kumakain ng fastfood tapos, two
hundred na lang ang pera ko. Pwede bang makuha ko muna 'yung card ko? Ibibili lang
kita ng pagkain."

I waited for his response. Huminga ako nang malalim habang naghihintay. Sinasanay
ko na kasi ang sarili ko na kumalma dahil hindi pwede na highblood kaming pareho.

"Hindi ko naman 'to card," I said nung iabot niya sa akin iyong black Mastercard.

"I know," he replied. "Use

my card." Kumunot ang noo ko at magsasalita sana nung sabihin niyang, "Please don't
argue with me now. Masakit ang ulo ko."

Sobrang seryoso ng boses niya at parang totoong pagod siya kaya hindi na ako
nakipag-away pa. Tahimik na lumabas ako at humanap ng magandang resto para bilhan
ng pagkain si Preston. Ang hassle kasi kung uuwi pa ako...

"Seryoso?"

"Yes."

"Pero-"

"Nari, please," sabi niya na parang hirap na hirap na ang boses. "The last thing I
want is to argue about money."

Dahil ayoko naman na mas dagdagan pa ang sakit ng ulo niya, sinunod ko na lang
siya. Habang naglalakad ako, ingat na ingat ako sa Mastercard niya. Ngayon lang ako
naka-hawak ng black na Mastercard! Ang yaman talaga nitong lalaki na 'to, e. Kaya
spoiled na spoiled kahit matanda na. Ang bait din kasi ng tatay. Feeling ko never
napagalitan si Preston, e.

Pagbalik ko sa ospital, agad kong inayos ang kakainin ni Preston. Tahimik siyang
kumakain habang naka-tingin ako sa kanya. I sighed. Hindi pwede na silent treatment
kami palagi.

"I'm sorry," I said. There's no shame in admitting defeat. Mas ayos sa akin na
matapakan ang pride kaysa ganito kaming dalawa. And I admitted that I was at fault.
Sobra nga siguro ang mga sinabi ko sa kanya. I should've been more in control.

"For what?" he asked, enjoying the soup.

"Para sa mga sinabi ko."

"Na?" he asked again, obvious na nang-iinis na naman. I pursed my lips and forced
myself to calm down.

"Sa lahat."

"Can you enumerate? Nalimutan ko yata dahil sa sakit ng ulo ko."

I forced a smile kahit na gusto ko siyang i-headbang dahil sa pang-aasar niya ulit.
"Dahil hindi ko sinabi iyong tungkol ka Benny, sorry."

"Kayo na ba ulit?" he asked.

"What? No! May girlfriend iyong tao!"


"But you still love him?" he pressed further. Why was he so bothered about this?
Ano bang issue sa kanya ng past at ganito siya kung maka-kapit?

I sighed before answering. "Preston, we've been together for years... Of course
mahal ko pa rin si Benny bilang kaibigan," I sincerely replied. Hindi naman porke
hiwalay na kami ay bigla na lang wala na talaga akong nararamdaman. Benny treated
me like a queen. He never made me feel bad about myself. He had always been
supportive. Of course I'd always have a part of him in my heart. Sinungaling ako
kung sasabihin ko na wala na.

Preston grew quiet. "You're just like my mom," he whispered. I chose to ignore his
remark. I didn't want to argue about his mom. Gusto ko rin kasi na maging maayos
sila...

"And I'm really sorry about Kath," I admitted. "And if you want to introduce John
to her... ayos lang sa akin." Although I really didn't like the idea of John being
close to a potential step-mother. Alam ko kasi na malaki ang chance na magkatuluyan
si Kath at Preston. Tapos magiging ka-close pa ni John si Kath. Where would that
leave me?

"Really?" he asked, his brow arched.

I slowly nodded. "Yes," I said. "So, can we be friends? Kahit para kay John?"

Instead of answering like an adult that I wanted him to be, he scoffed. "Asa."

=================

Staking Claim

#IWHFFSE16 || Staking Claim

Preston's acting like a baby. Pakiramdam ko tuloy bigla, dalawa na sila ni John na
anak ko. Kaka-discharge niya lang mula sa ospital at nakausap ko na naman ang
doctor niya. The doctor said that Preston's fine-medyo naalog lang talaga ang ulo
niya sa mga nangyari these past few days. But all in all, maayos naman na talaga
siya, sadyang maarte lang kaya inaalila ako. Ultimo pagkuha ng tubig e sa akin pa
inuutos.

"Napaka-arte mo talaga," sabi ko habang sinusubuan siya ng soup. Kulang na lang


isungalngal ko sa bibig niya 'yung kutsara, e.

"Aray naman," sabi niya nung ipasak ko sa bibig niya 'yung kutsara. "Why are you so
violent?"

Inirapan ko. "Akala mo naman napaka-mellow ng personality mo."

John was already fast asleep. Thankful naman ako na lumipas ang buong linggo na
walang nangyayaring kakaiba-o siguro dahil na rin kasi halos nasa ospital si
Preston buong linggo. Tahimik lang sa bahay. Kahit sila Manang naninibago sa
katahimikan, e. Mas sanay kasi kaming lahat na naghahasik ng kadiliman si Preston.
That's our kind of normal.

"Aalis ako sa weekend," I told him.


"Saan?" he asked. Hindi talaga siya iyong tipo ng tao na sasagot na lang ng oo. He
always had questions. Gusto niya, alam niya lahat-down to the most specific
details. Hindi ko nga alam kung OC lang siya or paranoid. Either way, sanay na
naman ako sa kaartehan ni Preston kaya pinapabayaan ko na lang.

"Sa Palawan. May ocular visit kasi sa site."

He eyed me. "Kasama iyong ex mo?"

I nodded. "Bakit? May problema ka?"

"Kapag sinabi ko bang

oo, may magagawa ako?" he asked.

"Wala."

He pushed the bowl away. "Busog na ako," sabi niya. Napailing na lang ako. Sobrang
pa-baby talaga ng tao na 'to. Ang laki-laking tao pero parang baby kung kumilos.
Daig pa si John.

"Two days lang naman," I continued kahit hindi niya naman ako pinapansin. I sighed
and then stood up. Talking to him was really tiresome. I didn't know why I was even
bothering.

* * *

When Saturday came, nagulat ako dahil naka-handa rin ang mga gamit ni Preston at
John.

"Don't tell me sasama kayo sa Palawan?" hindi ko makapaniwala na sabi. Sobrang


clingy naman niya kapag ginawa niya 'yun! Iisipin ko na talaga na may mommy issues
'tong si Preston! Ano bang ginawa ni Mother Biscuit kaya nagkaganito 'tong si
Presto?!

"Asa," he said. Favorite word ba niya ang asa? Ilang beses niya na akong
sinasabihan ng asa, e!

"San kayo pupunta?" I asked. I wasn't that worried about John dahil alam ko naman
na hindi siya papabayaan ni Preston. He's a jerk to me but he's, no doubt, a
wonderful father to John.

"Gagala."

I arched a brow. "Kay Kath?" I asked. I just wanted to know!

"Maybe." I pursed my lips. Wala naman akong magagawa kung gusto niya talagang
dalhin si John kay Kath... but it just really, really bothered me. "Bakit ganyan
itsura mo?" he asked.

Napa-hawak ako sa mukha ko. "What?"

"Para kang natatae."

"Bwisit ka talaga!" I said and then grabbed my bag and then kissed John on his
little forehead. Naamoy ko tuloy bigla si Preston. Ano kaya ang pabango niya? Ang
bango, e. "Just... text me, okay?" He just shrugged.
I eyed him. "I'm serious, Preston. Ayos lang sa akin na dalhin mo si John sa
girlfriend mo pero gusto ko, alam ko kung nasaan kayo palagi."

"Okay," he replied. He's weirdly easy to talk to. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Text me."

"Oo nga."

"Preston, seryoso ako."

He picked up John's bag at nagsimulang maglakad palabas. Hindi ko maiwasan na


sundan sila. Hanggang sa mailagay ni Preston si John sa likuran at ilagay ang
seatbelt, hindi pa rin ako mapakali.

"What? Gusto mong sumabay?" he asked.

I nodded. "Okay," I quickly replied at papasok na sana sa likod nang magsalita si


Preston.

"Dito ka sa harap. Hindi mo ako driver," he said.

Hinalikan ko na lang sa noo si John bago ako pumunta sa harap at sumakay sa tabi ni
Preston. Hindi ko maiwasan na mapa-tingin sa kanya. He was serious while driving
kaya napansin ko na ang tangos pala ng ilong niya lalo na kapag naka-side view.

"May lahing foreigner ka ba?" I couldn't help but ask. There's really something
fascinating with his looks. Ang perfect na nga ni Preston basta 'wag lang siyang
magsasalita talaga. Nasisira ang illusion ng prince charming kapag nagsalita na
siya.

"Quarter British, I think. My mom's a halfie," sagot niya habang diretso pa rin sa
daan ang tingin. Kaya pala mestizo si Preston! Siguro ang gwapo at ganda rin ng mga
kapatid niya. I mean kahit naman sobrang sungit ni Mother Biscuit at inakala ko na
busog lang talaga siya, hindi ko naman made-deny na ang ganda niya. At saka ang
gwapo ni Tito Shiloah, in fairness! No wonder gwapo 'tong si Presto Cream kahit
ubod ng sama ang ugali.

Nang

makarating na kami sa harap ng building, Preston pulled over. Tinignan ko ulit si


John na natahimik na natutulog.

"I'll take care of him, don't worry," he said.

"Alam ko naman," I replied. "You may be a horrible human being but I know you're a
good father." He scoffed. "Kapag nagkaroon ng problema, call me." He nodded. "I'm
serious. Kahit madaling-araw, wala akong pakielam. Call me."

"Yes," he said, dragging the word. Papalabas na sana ako nang makita ko na lumabas
si Benny mula sa isang sasakyan. He was holding a duffel bag. Ano ba naman 'yan.
Bakit ngayon pa sumakto kung kailan nandito si Preston? Mamaya mag-inarte na naman
'to, e.

"We're just going to work, Preston," I explained kahit na hindi ko alam kung bakit
ako nag-e-explain. Siguro dahil kasi ayoko na lang talaga ng gulo sa pagitan namin.
I was learning how to appease Preston. I shouldn't have to, but I wanted to. I just
wanted to make everything easier for the both of us. Ayoko na lumaki si John na
nakikita niya kami na nag-aaway.
"Engineer ka ba? 'Di ba designer ka? Bakit kailangang nandun ka?" he asked.

"Paano mo nalaman na interior designer ako?" Hindi ko maalala na sinabi ko sa kanya


'yun! May lahing stalker yata 'to, e!

He rolled his eyes on me. Sarap tusukin ng mata! "I stalked you. Ano? Kinikilig
ka?"

"Kinikilig mo mukha mo! Baka ang creepy mo kamo!" I shot back. Feeler nito! Bakit
naman ako kikiligin kung inistalk niya ako? Feeling niya naman crush ko siya. Asa.

"Creepy," he said in a mocking tone. "But you're always checking me out."

Biglang namula ang mukha ko. "Kapal!"

"I

always see you staring at my ass," he said, shaking his head.

"Hoy! Napaka-kapal na talaga ng mukha mo!"

"You just have to ask, Nari. You want to touch my ass?" he asked. Pakiramdam ko ay
sasabog na ako sa sobrang kahihiyan. This jerk! Ano na naman ang nakain niya at
nang-aasar na naman?! "I mean, we already had sex so I don't think you touching my
ass will be an issue," he continued, shrugging.

"Why are you always bringing up sex, Preston? Baka naman ikaw ang may gusto ng
reenactment?" I asked back. Ano'ng akala niya? Magpapatalo na lang ako sa kanya?!

"Nari, if I want a reenactment, I'll just seduce you."

Napaawang ang labi ko. "Seduce me?!"

He nodded. "Yes, and it'll be a piece of cake. Alam ko naman na type mo ako."

Oh, my goodness. Kung hindi lang ako nangako na hindi ko na sasaktan si Preston
physically, ihahampas ko talaga 'yang ulo niya sa steering wheel! Ang kapal ng
mukha!

"Gwapong-gwapo ka talaga sa sarili mo, noh?"

He nodded. "To be honest, masyado akong gwapo para sa 'yo."

I gritted my teeth in anger. He's really a jerk! Alam ko naman na gwapo siya, pero
kailangan niya pa ba talagang ipa-mukha sa akin?!

"Aba, pasensya na kung hindi ako masyadong maganda! Hiyang-hiya naman ako sa ka-
gwapuhan mo!" I sarcastically said. I opened the door and closed it so hard na
pinanalangin ko na sana matanggal iyong pintuan ng sasakyan niya. He's really a
piece of work, this asshole! Hindi ko alam kung may limit ba ang sama ng ugali
niya!

I was marching towards the building when I heard him calling my name.

"What?!" I shouted.

"Harap ka nga,"
he said.

"Naka-harap na ako!" I fumed.

"Naka-harap ka na ba? Hindi ko napansin. Flat kasi," he said and then laughed so
loud na muntik na akong pumulot ng bato at batuhin siya para ma-confine ulit siya
sa ospital!

Nang maka-pasok ako sa building, naabutan ko si Benny na naghihintay sa elevator.


My face was probably still contorted in anger kaya napansin niya agad.

"Good... morning?" he greeted. I forced a smile.

"Good morning din," I replied. Ang tagal namang bumaba ng elevator. Kita pa naman
kami mula sa labas ng building. Malay ko ba kung naka-tingin si Preston? At wala
naman akong ginagawang masama pero malisyoso lang talaga ang utak nun. Ewan ko ba
kung niloko iyon mula pagkabata kaya ganoon ka-grabe ang trust issues.

"Nari."

Napa-tigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Preston. Goodness. 'Wag
niyang sabihin na dito naman siya maghahanap ng away? Dapat talaga binasag ko na
'yung windshield niya, e! Feeling ko talaga may sinusunod na quota si Preston sa
mga tao na mabu-bwisit niya kada araw, e. Sa akin pa lang quota na siya.

"Ano?" I said, glaring at him.

But instead of answering me, kay Benny siya sumagot. "Ano'ng tini-tingin-tingin
mo?" he said to Benny who was looking at John. Mabuti pa ang anak ko, clueless sa
mga kaguluhan na nagaganap sa paligid niya.

"Anak mo?" Benny asked me. I nodded. Gusto ko na lang lumubog. Why was I in this
position?!

"Anak namin," sabi ni Preston na umaattitude na naman.

I looked at Benny, silently pleading na 'wag niyang patulan si Preston. Matured si


Benny kaya alam ko na mas 'di hamak na mas malawak ang pang-unawa niya kaysa sa
immature na si Preston.

"Kamukha mo," Benny said, instead.

"Kamukha ko," singit naman ni Preston. Papansin talaga.

"Bakit ka ba nandito?" I asked Preston.

"May naka-limutan akong ibigay," he said.

"Ano?" I asked.

He leaned in and kissed me on the lips. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako maka-
galaw.

"Bye, mommy," he said, waving John's little hand habang naglalakad sila papaalis.
Napa-hawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

=================
Honest and Slurry

#IWHFFSE17 || Honest and Slurry

I still... couldn't. My heart was still beating wildly inside my chest. Parang
anumang oras e aatakihin na ako sa puso. Ito ba ang dahilan kung bakit ako
hinalikan ni Preston? Para atakihin ako sa puso para sa ganon, hindi na ako
makapunta sa Palawan?! Ang sama talaga ng ugali!

"Nari," Benny called my name.

"H-ha?" I said, still holding my chest. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok
ng puso ko. Naka-awang pa rin ang labi ko.

"Nandito na 'yung elevator," he said. Napa-tingin ako. Nandito na nga iyong


elevator. Hindi ko napansin dahil iyong isip ko, nandun pa rin sa nangyari. God.
What the freak did just happen?! Ano ba talaga ang gustong patunayan ni Preston sa
mga ginagawa niya?!

Sabay kaming pumasok ni Benny sa elevator. Tahimik lang ako. I didn't know what to
say... or what to think. My whole being was focused on my heart that was being
crazy. I gently slapped my chest, begging for my heart to calm down.

"Preston seems like a nice guy," sabi ni Benny. Napa-tingin ako sa kanya.

"Seryoso ka ba?" I asked him. Although Benny and I had a history and we should be
awkward, hindi ko pa rin maiwasan na maging komportable kapag kausap ko siya. I
mean, years, e. Years na magkasama kami. He's just so comfortable to be with.

"Hindi ba siya mabait sa 'yo?"

"No," I answered. "He's everything I didn't ask for a guy."

Benny shrugged. "Sometimes, you don't get what you ask for."

Napa-tingin ako sa kanya. I sighed. "I'm sorry," I said. "Alam ko ilang beses na
akong nagsorry sa 'yo but I just

want to say it again... I'm sorry, Benny. I'm sorry for breaking your heart... And
I know my explanation is long overdue but still, here it is," I said and then took
a deep breath. "I was... scared. Ang dami ko pang gustong gawin and getting married
wasn't a part of it. Alam ko naman na dapat nagpaliwanag ako sa 'yo pero ewan ko...
I was just really scared of hurting you that I ran away without so much as an
explanation. And I know it's really unfair of me. Kaya alam ko na deserve ko na
magalit ka sa akin... but here you are, being kind to me."

My tears were threatening to fall. Sobrang tagal kong tinago sa dibdib ko ng


nararamdaman ko. Matagal ko ng gustong humingi ng tawad kay Benny. I wronged him. I
broke him. He didn't deserve what he got from me because he only gave me the
best... but things happened for a reason.

Benny smiled at me and then tapped my head. Mas lalong nangilid ang luha ko.
"Finally, an explanation," he said.

"Galit ka?" I asked. The elevator finally reached our destination. We stepped
outside. Naka-harap pa rin kami sa isa't-isa.

He continued to smile. "Dati, oo. Pero tapos na 'yun, e."

"Talaga?"

He nodded. "I just wanted to hear your explanation, Nari. Nakaka-baliw kasi na
isipin kung bakit tinakbuhan mo ako. Ilang beses kong inisip kung saan ako
nagkamali-"

"Wala kang nagawang mali," I cut him off. "It was my fault." And I was probably
already paying for it. Pakiramdam ko ay si Preston ang karma ko sa ginawa kong
pang-iiwan kay Benny. He's my nightmare incarnate.

"Sorry din," Benny said. "Sa nasabi ko nung kasal ni Cristine."

smiled at him. "So... okay na tayo?"

He nodded. "Yeah. But I don't think being friends is a good idea. Baka suntukin ako
ni Preston," he said, laughing. Natawa rin ako sa kanya. Biglang nagvibrate ang
phone ko.

From: Biscuit

Tawa pa

Kumunot ang noo ko. Napa-tingin ako sa paligid ko. Wala si Preston pero agad akong
naka-kita ng mga CCTV cameras. What the hell?! Sobrang baliw niya naman kung
tinitignan niya kami mula sa CCTV! Malala na talaga ang issue niya!

"Bakit?" Benny asked nung hinatak ko siya papasok ng office para walang camera.
Sobrang invasion of privacy talaga nung Presto Cream na 'yun!

"Wala," I said. Ayoko naman na sabihin na sobrang stalker ng peg ni Preston. At


ayoko ring iexplain kung bakit may access si Preston sa CCTV camera. Ayoko talaga
na pinagkakalat na sobrang yaman ni Preston. Nakaka-sama kaya ng loob kapag ang una
nilang iniisip sa akin e gold digger ako. As if naman sobrang ganda ko para patulan
ni Preston. Lait na lait na nga pagkatao ko roon, e.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na sa wakas iyong mga sasama sa amin para sa
ocular visit. Hindi naman kaming dalawa lang ni Benny kaya napaka-OA lang talaga ni
Preston para magreact.

After a while, we finally landed on Palawan. Naka-helicopter naman kasi kami dahil
sagot naman nung may-ari. Pagdating namin doon, nagtrabaho na agad kami. I just
sent a text to Preston saying na nasa Palawan na kami. Tapos ang peste, K lang ang
ni-reply sa akin! Kung nasa harap ko lang talaga siya, masasakal ko 'yang si
Preston, e!

Buong araw na busy kami dahil sa inspection. Hindi

ko napansin na mabilis lang pala ang oras. Nung bandang 5pm, naisipan ko na tawagan
si Preston. Hindi kasi sumunod sa bilin ko na iupdate ako kung nasaan sila.

"Hindi ka talaga mapagkaka-tiwalaan," bungad ko sa kanya. Gaano ba kahirap magsend


ng text? Hindi tuloy ako mapakali dahil hindi ko alam kung nasaan si John!
"Ako pa? Ikaw nga 'tong kasama ang ex mo," he replied. Bakit ba kahit ano ang pag-
usapan namin, nagagawan niya ng paraan na maging tungkol kay Benny?! Talent ba
niya?!

"Nasaan si John?"

"Naglalaro."

"Naglalaro?! Hindi nga marunong maglakad 'yan!"

"Wala ka talagang-Riley! 'Wag mong kagatin! That's not food!" sigaw ni Preston.

"Hoy! Ano'ng nangyayari?! Bakit may kagatan na nagaganap?!" I shouted, pacing back
and forth.

It actually took Preston seconds bago siya naka-sagot. "Kinagat ni Riley iyong
kamay ni John," he explained.

"Sino si Riley?"

"My brother," he said. "Napaghahalataan na wala ka talagang pakielam sa akin."

I arched my brow. "At bakit? May pakielam ka rin ba sa akin?"

He scoffed. "You'll be surprised, Nari Francesca Miranda."

Napaawang iyong labi ko dahil alam niya ang buong pangalan ko. But I didn't say a
word about it. Kalma lang dapat ako pagdating kay Preston. I didn't need to give
him more reasons to bully me! Sobrang kawawa na ako sa kanya.

"Whatever," I said, instead. "Pwede bang magFacetime? Gusto kong makita si John."
Pinatay ko iyong tawag tapos may lumitaw na Biscuit wants to Facetime. I rolled my
eyes nung mukha niya agad ang bumungad sa akin. He's smiling na parang nang-aasar
na

naman. "Si John ang gusto kong makita, hindi ikaw."

"Just blessing your day with my face," sabi niya.

"Oo na, gwapo ka na. Nasaan na ang anak ko?"

Naglakad siya papunta sa kung saan. While he was walking, nakikita ko ang interior
ng bahay nila and I couldn't help but gawk. Akala ko ay maganda na ang bahay na
binili niya para sa amin ni John pero mas maganda pa pala iyong bahay talaga nila!
Sabagay, bakit ba nagtataka pa ako? May building nga na ni-regalo sa kanya, e.
Building levels iyong mga gift giving sa pamilya Suarez. Hindi ko kinakaya.

"Riley, let go of John," sabi ni Preston sa isang batang medyo chubby pero cute na
cute. "See? John's safe." Nasa crib si John at naka-ngiti. I guessed he was having
fun while playing with his uncle.

"Akala ko... pupunta kayo kay Kath?" I asked.

Nasa mukha na naman niya iyong camera. "Why? Curious?"

"Asa."

"E 'di asa ka rin na sasabihin ko," he replied.


Naririnig ko sa background na nakikipaglaro si John kay Riley. Napa-ngiti naman
ako. Lagi kasi akong busy kaya hindi madalas na maigala ko si John. Finally, may
nakaka-laro na rin siya na bata kagaya niya. I was afraid that I was robbing him of
his childhood because I was too busy making a living for the both of us.

"Nari, tara na."

Agad na kumunot ang noo ni Preston. "Sino 'yun?"

Sinagot ko muna na 'susunod na lang ako' iyong nagsalita bago ko sinagot si


Preston. "Ah... teammate ko para sa project na 'to. May group bonding daw kasi
ngayon," I told him.

"Ano'ng gagawin niyo?"

"Iyong usual."

"Na?"

Natawa ako. Hindi

nga pala nagta-trabaho ang hinayupak na 'to kaya walang idea sa mga nangyayari sa
group bonding. Masyado talagang spoiled. Naka-hawak na kaya ng walis 'to sa tanang
buhay niya?

"Kakain ng dinner tapos iinom. Ganun," I informed him para hindi siya masyadong
inosente sa mga ginagawa ng normal na tao na walang Black Mastercard kagaya niya.

"Iinom?" naka-kunot ang kilay na tanong niya. I nodded. "Need I remind you that the
last time you got drunk, nagkaroon ng John sa mundo?"

God! Sa usapang sex na naman ba kami babagsak?! Sobrang tigang ba nitong si Preston
kaya palagi niyang pinapaalala sa akin?!

"Hindi ako malalasing."

"Paano kapag nalasing ka? Tapos nandyan 'yang ex mo?"

"Jusko!" sabi ko at napa-hampas sa noo ko. "Si Benny na naman?!"

"Tapos mabubuntis ka. At dahil iyong ex mo ang tatay, malamang maganda ang pangalan
na ibibigay mo. Siguro Avo ang ipa-pangalan mo o kaya Night. Cool na pangalan kasi
'yung ex mo ang tatay."

"May issue ka ba sa pangalan ni John?!" hindi ko mapigilan na magtaas ng boses.

"Bakit John? John lang?! Napilitan ka lang ba na bigyan ng pangalan?"

"Baliw ka! Bakit ba kita kinakausap?!" sigaw ko pabalik sa kanya. Pakiramdam ko


aatakihin na talaga ako sa puso tuwing kausap ko siya!

Natahimik kaming dalawa pagkatapos nun. Walang nagsasalita. Gusto kong suntukin
iyong screen ng phone ko dahil baka sakaling masuntok ko iyong pagmumukha niya.

"No," he said. "You're not drinking."

I arched my brow, my chest still heaving in annoyance. "Sino ka para sabihin ang
pwede at hindi ko pwedeng gawin?"
He scoffed.

"You really don't know me at all, Nari," he said and then ended the call. Naunahan
akong magbaba! Kainis! Kulang na lang maibato ko ang phone ko sa sobrang bwisit sa
kanya! Dito talaga kami palaging natatapos ni Preston, siya nambu-bwisit at ako na
nabu-bwisit.

* * *

Panay ang tanggi ko sa inaabot nila sa akin na shot dahil ayokong malasing. Preston
was right; I was worst at controlling my alcohol. At tama ulit siya na nung huli
akong malasing, nagkaroon ng John. I mean, hindi ko pinagsisisihan si John pero
hindi pa ako ready na magkaroon ng anak ulit.

Pero nung iyong mismong boss na namin ang nag-alok sa akin, wala na akong nagawa
kung hindi ang tanggapin. Kahit naman si Preston ang may-ari nung building na
pinagta-trabahuhan ko, hindi naman siya ang employer ko. Siyempre pa-good shot din
'pag may time. Sipsip kapag pwede.

Hindi ko na mabilang kung ilang shot ang naiinom ko pero hindi talaga ako maka-
tanggi! Sobrang boss pressure! Nang ramdam ko na talaga ang pagka-hilo, nag-excuse
na ako-na feeling ko ay hindi na rin naman nila napansin dahil lasing na rin sila
at busy tumawa ang iba kong teammates sa corny na joke ng boss namin.

"Easy," sabi ni Benny nung nasalo niya ako dahil muntik na akong matumba.

"Thanks," I replied and tried to stand on my own. Bago pa man ako makapagsalita
ulit ay may narinig na naman akong boses. "Gosh. Sobrang lasing ko na yata," I
murmured to myself. Bakit hanggang dito sa Palawan ay naririnig ko ang boses ni
Preston? Sobrang lala ko na yata talaga.

"Hands off."

"I was just trying to help."

"Nandito na ako,

so, scram." I couldn't process what was happening. Ang alam ko lang, may biglang
lumuhod sa harapan ko. "Sakay," he said.

"What?" I asked, confused. My vision was still a bit slurry. Naramdaman ko ang mga
kamay ko na hinahatak pababa hanggang sa maramdaman ko na mapa-sandal ako sa
matigas na bagay. "Oh. I'm moving," I said, amused.

"You're drunk."

"And you sound like Preston!"

"Napapa-English ka ba talaga kapag lasing? At may accent ka pa," tanong sa akin


nung sasakyan ko.

"I don't know. Maybe I'm just getting carried away because Preston's family's
English speakers. You know, hashtag pressure."

Until now, hindi ko pa rin maintindihan kung paano ako naka-pasok sa mundo ng 1% of
the population na 'to. Dati naman, belong lang ako sa 80% of the population-iyong
mga middle class at poor people. Meron akong friends mula sa university na kasama
sa upper 19% pero never akong naka-kilala ng member ng elite 1%.
"Why are you pressured?"

"Because... I don't know. Maybe I just want them to like me."

"Why? You like Preston?"

"Of course not!" I replied. "He's mean... and immature. And insensitive."

"Doesn't he have anything positive?"

"HIV positive siguro..." I replied. He's so handsome! I mean, hindi naman ako
magtataka kung kahit sobrang halimaw ng ugali nun, marami pa ring babae na
nagkakandarapa. Ganoon naman type ng karamihan-basta gwapo, keri na kahit nang-
iinsulto.

"Baliw," he replied. "But why are you drunk?"

"Hmmm..." I said and then I caught of whiff of his cologne. "You smell like
Preston."

"Mabango ba ako?" he asked.

"Yeah..." Mas hinigpitan ko ang yakap ng braso ko sa leeg niya at ng mga binti ko
sa bewang niya. "But that's our secret, alright? He doesn't need any more
validation. He's already arrogant as he is."

"You really hate him?"

Umiling ako. "Not hate... I'm just not used to being treated the way he's treating
me. Because my ex? He treated me like I was the center of his universe. He never
shouted at me like Preston does. He never made me cry like Preston does. He never
told me I was ugly..."

I snuggled against his neck. It's so comfortable here.

"If he's going to be nice to you, will you like him?"

I shrugged. "Maybe... because Preston? Even if he's annoying, he makes me smile."


And sometimes, he's the only reason why I look forward to going home. Kahit nakaka-
bwisit siya. Kahit palagi akong highblood dahil sa kanya.

"Talaga?" he asked. And I remember nodding before I finally fell asleep.

=================

Clean Slate

#IWHFFSE18 || Clean Slate

Upon opening my eyes, agad akong napa-pikit dahil sa sakit ng ulo ko. "Gosh," I
uttered to myself as I felt the piercing pain in my skull. Mabilis ko ring
pinakiramdaman kung may suot ba akong damit. Aba mahirap na! Hindi pa talaga ako
prepared na magkaroon ng second John! Baka magdilang anghel si Preston kahit malayo
sa pagiging anghel 'yun!
Nauuhaw ako kaya naman pinilit kong tumayo kahit sobrang sama ng pakiramdam ko.
Nang makakita ako ng pagkain sa lamesa, nagtaka ako kung umorder ba ako ng room
service nung lasing ako. Iyong boss ko naman kasi. Sinabi na nga na ayoko uminom,
ang kulit pa rin.

I was drinking water when I thought of calling Preston. Gusto ko muna na makausap
si John bago ako magtrabaho ulit. Sabagay, wala namang pasok sa Monday at Tuesday
dahil pinapasok kami ng weekends. But when I tried calling Preston, busy iyong line
niya. Tss. Baka kausap na naman si Kath. Ayos lang naman na kausap niya iyon basta
'wag niyang papabayaan si John.

"Alagaan mo iyong anak ko bago ka makipagdate sa santo." Agad na kumunot ang ulo
ko. Sobrang tindi naman ng hangover ko kung pati dito sa Palawan ay naririnig ko
ang boses ni Preston! "Uuwi ako mamaya. Dyan na lang kayo sa bahay ni GDL. Yeah...
look out for Riley, ginagawang pagkain si John."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Preston sa labas. Naka-talikod siya sa
akin pero sigurado ako na si Preston 'to! Likod pa lang, mayabang na!

"Preston?" I called. Unti-unti siyang napaharap. Tipong slow motion. Tinampal ko


iyong pisngi ko. Lasing pa rin yata ako.

"Gotta

go. Si John, ha," he said before ending the call. "Good morning," he greeted with a
smile. Mas lalong kumunot ang ulo ko.

"Bakit ka nandito?" I asked.

He shrugged. "Gutom ka na? I ordered breakfast."

"Bakit ka muna nandito?"

"Bawal? Ikaw may-ari ng Palawan?" pilosopong sagot niya. Umagang-umaga e


sinisimulan agad ako ng biskwit na 'to. Pumasok kami sa loob ng kwarto ko at naupo
na ako. He's being really weird! Inilagay niya iyong plato sa harap ko at inabutan
pa ako ng baso ng tubig. "Why are you looking at me like that?"

"May lason ba 'to?" I asked. Hindi kasi talaga ako sanay na pinagsisilbihan ni
Preston! It's always the other way around. Siya iyong pa-baby sa aming dalawa. Siya
iyong OA na akala mo naputulan ng paa kung makapagpasubo e ulo naman niya ang
tinamaan.

Kinuha niya iyong kutsara ko at tinikman iyong pagkain. "See? No poison."

"Kuha mo akong bagong kutsara," utos ko sa kanya. Aba, minsan lang magpa-alila si
Preston kaya iyong mga ganitong moments, dapat sinusulit talaga. Malay ko ba kung
mauulit pa 'to.

"Why?" he asked.

"Ginamit mo na, e."

Napailing siya. "Nari, Nari," he said, still shaking his head. "We already-"

"Had sex, I know!" dugtong ko sa sinasabi niya. "Gosh, Preston, gusto mo ba ulit
gawin natin? Just tell me, hindi 'yang binu-bwisit mo ako palagi!" I said, glaring
at him. Ang sakit-sakit kaya ng ulo ko tapos sinasabayan pa ako nitong si Preston!
"Okay," he replied. "Game na ba?"

Napaawang ang labi ko. Seryoso? Sineryoso niya?!

"Bakit ka nga ulit nandito?" I asked. My headache was just getting worse as seconds

passed.

"I was just worried. Naglasing ka na naman kagabi," he said habang nilalagyan ng
pagkain iyong plato ko. Nang matapos siya, inilapit niya iyon sa akin. He looked at
me. "The spoon's safe. Wala akong HIV, promise." Ano na namang HIV sinasabi nito?
Ang gulo talaga ng train of thought ni Preston! Kung saan-saan napupunta palagi ang
usapan namin!

"Umamin ka nga," I said. "Are you dying?" I asked him. He's being so weird! Hindi
talaga natural na mabait si Preston. O baka naman may kailangan siya sa akin?
Imposible talaga na mabait lang siya, e. Pero meron na naman siya ng halos lahat
maliban sa magandang ugali.

"God, Nari. Can't I just be nice?" he asked, starting to get annoyed. That's more
like him. Hindi talaga bagay ang bait-baitan sa kanya.

Hindi ko na siya pinansin at kinain na lang iyong pagkain. Habang kumakain ako,
tinitignan ko siya na busy sa phone niya. Baka ka-text na naman iyong si Kath. Ano
naman ang pakielam ko?

"Thanks sa food," I asked and then stood up. Hinihintay ko siya na umalis dahil
maliligo at magbibihis na ako. But seconds passed, ni hindi man lang nagalaw.
"Hindi ka ba aalis?"

"And where will I go?" he asked.

"Uh... sa kwarto mo?"

"This is my room," he said nonchalantly.

"What?!" I exclaimed. "Dito ka natulog?!"

He nodded like he was some sort of innocent kid. "What's wrong?" he asked. "Don't
worry, even though you were practically jumping on me, I became the bigger person
and stopped your advances."

Napaawang ang labi ko sa mga sinasabi niya. What the freaking hell?! Ako pa ang
nang-abuso sa kanya?!

"Ang kapal din talaga

ng mukha mo, noh?"

He shrugged. "I just don't want to have sex with you again when you're drunk.
Nakaka-pressure kapag hinihingan mo ako ng reenactment."

Oh, my god. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binato ko siya ng remote


control. Tinamaan siya sa noo pero tatawa-tawa pa rin siya. Sana pala iyong mismong
TV na ang binato ko para mabalik na siya sa ospital.

* * *
Apparently, Preston's friends with the boss. Kaya naman kahit wala siyang malay sa
mga pinag-uusapan namin, sumama pa rin siya.

"Boyfriend mo?" tanong sa akin ng katabi ko.

"Hindi, ah."

"E bakit hinalikan ka kanina?" she teased. Ang walangyang si Preston kasi,
hinalikan na naman ako sa labi kanina nung naka-salubong namin si Benny! Hindi ko
pa kasi nasasabi sa kanya na nakapag-usap na kami ni Benny. Everything's fine
between us. Nakapag-explain na. Wala ng problema. Si Preston na lang ang may issue
at pilit na umaattitude.

Habang nag-uusap si boss at Preston tungkol sa money problems aka ano ang susunod
na property na bibilin at kung saan magandang mag-invest, nilapitan ako ni Benny.

"Hey," he said. I looked at him and smiled. "Feeling ko weird pero..." he trailed
off. Tinignan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya. "Nasabi ko kasi kay Dri
na nag-usap na tayo. And she wants to meet you."

I smiled. "Talaga?" He nodded. "Sige, kapag nasa Manila na ulit tayo, magset na
lang ng date," I replied. Wala na naman talaga akong issue kay Benny. I was
actually happy for him dahil masaya naman siya sa girlfriend niya. At masaya rin
ako dahil mukha namang walang issue sa akin

na ex-girlfriend iyong si Drianna. Mukhang si Preston lang ang bukod-tangi na may


malaking issue sa ex at past.

Balak ko pa sanang tanungin si Benny tungkol kay Dri nung may higante na humarang
sa pagitan namin.

"Ang bastos mo. Nag-uusap kami, e," I said, looking at him.

"Ano'ng pinag-uusapan niyo?"

"Iyong past namin. Nagrereminisce kami ng happy moments," I sarcastically said pero
agad akong nagsisi nung biglang nag-iba ang itsura ni Preston. He just blankly
looked at me and then turned his back.

Napapikit ako. God. Sumobra na naman ba ako? Hindi ko kasi alam kung kailan ako
magseseryoso sa hindi kay Preston. Ang hirap niyang tantyahin.

"Sundan mo," Benny said. I needed not to think twice. Agad kong sinundan si
Preston. Hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga siyang maglakad o tumakbo siya
pero hinihingal na ako nung makita ko siya na naglalakad sa dalampasigan.

"Preston..." I called his name. He ignored me. Usual. "Hey..."

Naka-sunod ako sa likod niya habang naglalakad siya. Pakiramdam ko ay makakarating


na kami sa kabilang resort sa sobrang haba ng nalakad namin. Sobrang lalim naman
yata ng iniisip nito. Hindi naman deep na tao.

"Hoy, pagod na akong maglakad kaya tama na ang pagiging supladito," I told him and
stopped walking. Aba e dalawang kilometro na yata ang nalalakad namin sa pagpa-
ponder nitong si Preston! As if naman ang dami niyang realizations in life!

Finally, huminto na siya. "Why are you following me?"

"E kasi po, hindi ko alam kung bakit na-offend ka na naman," I told him.
He was looking at me. "Be honest.

Do you still have feelings for Benny?"

I looked at him, not breaking the stare. "Be honest. Do you still have feelings for
Kath?" I asked him.

Ilang segundo na nakatitig lang kami sa isa't-isa. Walang nagsasalita. Tanging


hangin lang sa pagitan namin ang naririnig.

"See? Ang hirap sagutin, 'di ba? Kasi ang feelings, hindi naman 'yang quantifiable.
Hindi naman 'yan name-measure. Wala namang naka-assign na metric system."

"Wag mo akong gamitan ng terms," he said.

Inirapan ko. "Ang point ko, Preston, tigilan mo na ako sa pagtanong sa feelings ko
tungkol kay Benny dahil hindi naman mawawala. Marami kaming pinagsamahan ng tao."

"So, you still love him?" he asked.

Napa-buntong hininga na lang ako. Ang kulit. "I love him platonically," I answered.
"But not romantically, Preston. We're already done. Tapos na kami. Tanggap na
naming pareho na hanggang doon na lang talaga. The end na. Finished na. Wala ng
continuation."

Naka-tingin siya sa akin. Naka-tingin lang. Gusto kong i-check kung humihinga pa ba
siya dahil hindi talaga siya gumagalaw.

"So... ang conclusion, tama na ang pagiging epal. 'Wag mo ng awayin si Benny. In
fact, ipapakilala nga niya ako sa girlfriend niya."

"Sama ako," he said. Napa-kunot ang noo ko. "I don't care if you're platonic with
him. Ako, hindi platonic sa past." Napailing na lang ako. Issue talaga 'to, e.

Hanggang sa matapos ang ocular visit, hindi umuwi si Preston. Pero nung gabi naman,
nakausap namin si John gamit ang Facetime. Sobrang cute nung kambal na kapatid
niya! Kaya lang feeling ko ay susunod sa yapak ni Preston

iyong si Finley. Bata pa lang pero may attitude na, e.

"Di ba marami kang pera? Kumuha ka nga ng isa pang room. Nagsusumiksik ka rito sa
kwarto ko," I told him and kicked him away from me. Twin lang iyong kama ko at ang
laki-laki kaya niya!

"Nasa 'yo 'yung card ko," he said at pinipilit na 'wag siyang malaglag sa kama. Ang
kulit!

"Paano ka nakarating sa Palawan kung nasa akin ang card mo?" I asked, sinipa ulit
siya.

"Borrowed Papa's helicopter." So, shut up na lang ako. Kami nga ni motor wala, e.
Kakaloka talaga 'tong pamilya ni Preston. Hindi kaya sila natatakot na baka
makidnap?

Habang nagsisipaan kami ni Preston sa kama, biglang tumawag si Sari sa Facetime.


Tinignan ko si Preston na mukhang desidido na 'wag akong tantanan.

"Si Mama?" I immediately asked nang sagutin ko iyong tawag.


"Kasama si Tita, bumili ng asin kasi malapit na naman magsnow," she said. Kumunot
ang noo niya. "May katabi ka ba, Ate?" she asked.

Tinignan ko nang masama si Preston na pilit na sinisiksik ang mukha niya sa screen.
Nang makita siya ni Sari, biglang tumili ang maharot kong kapatid.

"OMG! Kuya Preston?! Ikaw na ba 'yan?!" she asked, screaming. Si Preston naman,
mukhang tuwang-tuwa sa reaction ng kapatid ko sa kanya. Bagay na magkasama 'tong
dalawa, e. Isang gwapong-gwapo kay Preston at si Preston na gwapong-gwapo sa sarili
niya.

Preston smiled before saying, "Hi." Hi pa lang ni Preston pero OA na maka-tili ni


Sari.

"OMG! Gumagawa na ba kayo ngayon ng baby number 2?! Nakaka-istorbo ba ako?!"

"Sari!" I said, scandalized. Si Preston naman, natawa pa!

"Kuya Preston, pwedeng humingi ng favor?" Sari asked.

"Sure," Preston said right away. Tuwang-tuwa kay Sari.

"I stalked you kasi sa fb. Ang dami mong friends na gwapo! Pakilala mo naman ako,
please?" Napa-face palm na lang ako. Bakit ba ang landi ng kapatid ko? Saan ba 'to
nagmana?

"Sure, sino ba?" Preston asked na akala mo e nagbebenta lang ng lalaki. May lahing
pimp talaga 'to.

"Gusto ko 'yung Parker Palma!" she said.

"Wag 'yun. Maraming issue sa buhay 'yun," Preston said. Akala mo siya walang issue
sa buhay.

"Ay, ganon? Iyong Cohen Gomez de Liaño na lang, Kuya. Nakita ko sa tagged photos
mo!" Sari said, mukhang naka-move on na agad kay Parker. May Cohen naman na siya
ngayon.

"GDL?" Preston said, mukhang natatae. "Pakilala na lang kita kay Finley. Hintayin
mong lumaki." Napailing na lang ako habang nag-uusap silang dalawa.

* * *

When we got back at Manila, nasa sasakyan lang ako habang sinusundo niya si John
mula sa bahay nila. Asa naman na tatapak ako sa bahay nila. E 'di mas lalong
nagalit sa akin si Mother Biscuit.

"John!" I said with a smile nung makuha na ni Preston si John. Agad kong hinalikan
ang anak ko. Grabe, nakaka-miss! "Nag-enjoy ka ba sa mga Uncle mo?" I asked him and
then he giggled. Sobrang cute!

When Preston revved the engine to life, he looked at me. "Saan tayo?" he asked.

"Uuwi?"

"You're free today, right?" he asked and I nodded. "Then let's go out. As a
family." And then I nodded and bit my lips to stop myself from smiling. As a
family? Ang saya naman pakinggan.
=================

Of Growing Up

#IWHFFSE19 || Of Growing Up

"I researched. Pwede pa namang palitan 'yung pangalan ni John," Preston said while
we were in line for the frozen yoghurt. The following days had been really good.
Kahit na halata na plastic lang naman ang kabaitan ni Preston, keri na rin kaysa
wala. Minsan, lumalabas din ang sungay niya pero nawawala naman agad. Hindi ko nga
alam kung natalo ba siya sa pustahan or what. Basta ang alam ko, nagbabait-baitan
talaga siya.

Tinignan ko siya at napailing na lang ako. He really wouldn't drop this topic,
would he? "What's wrong with John's name?" I asked him.

"It's too plain!"

"So? Lalaki naman siya!" I argued. Hindi ko malaman kung ano'ng problema ni Preston
sa pangalan ni John. It's not as if mabaho naman ang pangalang binigay ko! I've
heard worse names, noh! Lahat na lang talaga ng pwedeng ma-i-reklamo ng tao na 'to
e ire-reklamo niya.

"So, John? John Suarez? Iyon lang?" he asked.

"Actually..." I trailed off. I didn't know if this was the perfect time to tell
him. Pero siguro okay na rin. At least nasa public place kami. Safe ako sa pang-
aalipusta ni Preston. Hindi niya naman siguro ako sisigawan sa harap ng maraming
tao... or not? Ang unpredictable naman kasi ng tao na 'to! Sala sa lamig, sala sa
init.

"What?" he asked, naka-kunot na agad ang noo.

I sighed. Malalaman at malalaman niya rin naman, bakit ko pa pinapa-tagal? "Wag


kang magagalit, ha?" I asked kahit na alam ko naman na mataas ang probability na
magalit siya. Si Preston 'to, e. "Kasi 'di ba hindi naman talaga kita kilala at
saka alam mo naman

na lasing tayo pareho nung gabi na 'yun. Tapos nandun din pala 'yung Saint so akala
ko-"

Biglang nagbago iyong timpla ng mukha niya nung nabanggit ko iyong Saint. What?
What did I do?!

"Ano'ng akala mo?" he asked and I shook my head. Ayoko na biglang ituloy pa ang
sasabihin ko. His expression was scaring me! Nakakatakot siya bigla!

"Nothing," I replied. "Uy, ayan na pala 'yung fro-yo natin!" I said in a lame
attempt to change topics. Ano ba ang meron kay Saint at biglang 360 degree ang
shifting ng mood ni Preston?!

I was about to get the fro-yo nang bigla iyong agawin sa akin ni Preston. "Ano'ng
akala mo, Nari?" he asked, carefully eyeing me. "Did you think that Saint's the
father?" he asked. Nanlaki ang mga mata ko. Mas lalong mukha siyang natatae.

"For a second lang naman!" I said in my defense. Aba kasalanan ko ba na mas


enticing na maging tatay ni John si Saint?! Ang sama-sama kaya ng mga naririnig ko
na feedback tungkol sa pagkatao ni Preston! Tao lang ako, may kahinaan din!

Bago pa mag-amok si Preston sa loob ng shop ng frozen yoghurt, mabilis na akong


lumayas. Nakaka-hiya, noh! Uso pa naman na kinukuhanan ng video ang mga happenings
tapos pino-post online. Ayoko namang maging online sensation kami ni Preston. Buti
sana kung may talent fee at saka ice-credits sa fb namin ni Preston.

"Nari!" he called. Mas binilisan ko ang paglalakad ko. Kulang na nga lang
magtatakbo ako sa mall, e. Mabuti na lang at malapit lang dito ang parking lot kaya
naman doon ako dumiretso. Feels ko naman keri lang kahit magsisigaw si Preston sa
parking lot kaya doon ako dumiretso.

"Sorry

na!" I said and then faced him nung nasa parking na kami. Walang masydong tao kaya
pwede siyang sumigaw. Wala naman sigurong magvi-video sa amin dito.

"Wag mong sabihin na Gomez de Liaño ang apelido ni John sa birth certificate?!"

He looked so mad! Miranda kaya ang naka-lagay na last name tapos blank iyong sa
father kasi 'di ko pa naman siya kilala 'nun! Pero dahil nabu-bwisit na rin ako sa
pagiging OA ni Preston, tumango ako. Bahala siyang mamatay sa sama ng loob. Ano
naman kung Gomez de Liaño?! Sosyal nga pakinggan, e!

"Sige, awayin mo 'yung NSO!" sabi ko sa kanya bago tumakbo papunta sa sasakyan.
Mabuti na lang at nasa akin iyong susi kaya pumasok agad ako at nagpowerlock ng mga
pintuan. "Awayin mo na rin si Duterte, bwisit ka!"

"Open the door," he said. Hindi siya sumisigaw pero pula naman buong mukha niya.

Binaba ko ng kaunti iyong bintana tapos hinagisan siya ng 500 pesos. Nasa akin pa
rin kasi 'yung black Mastercard niya, e. Tapos iyong ATM card ko naman na nasa
kanya, hindi ko binibigay iyong PIN. Asa siya.

"Magtaxi ka na lang," I said and then revved the engine. Asa naman siya na sasakay
ako sa isang sasakyan na kasama siya. He's so pissed at me! Baka sa akin niya
maibuhos iyong weeks worth of pagpipigil niya sa kasamaan niya.

* * *

"Kapag dumating ang Papa mo, magpa-cute ka, ha?" I told John. Feeling ko ay malapit
ng dumating si Preston dahil halos isang oras na simula nung iniwan ko siya sa
mall.

I busied myself with work habang hinihintay si Preston. Konti na lang at malapit na
matapos ang project with Benny.

Siguro naman after nun e matatahimik na ang kaluluwa ni Preston. Sa celebratory


party na rin kasi ipapakilala ni Benny sa akin iyong girlfriend niya. By that time,
umaasa talaga ako na hindi na magiging issue si Benny. Nakaka-sawa na rin kasi pag-
awayan.

Dahil feeling ko late na uuwi si Preston, I decided to stalk him, too! Aba, may
karapatan naman ako! He stalked me first! Gumaganti lang ako!
I typed Blaine Preston Suarez in the search bar at agad na lumabas ang mukha niya.
Napataas ang kilay ko nang makita ko na may 26,000 followers ang loko. May mga
naloloko pala ang unggoy na 'yun.

Tinignan ko lang iyong mga photos niya pero puro picture lang habang naglalaro
siya. Akalain mo na soccer player pala ang hinayupak? Isang malaking cliché talaga
'yang si Suarez, e. Tapos iyong ibang pictures niya naman, may sinasakal siyang
babae. Tapos iyong iba, panay nasa simbahan. Weird. I never pegged him as
religious. Mukha kasing iba ang sinasamba ni Preston, e.

Iyong sa status niya naman, hindi siya active lately. Parang ang tagal na nung
huling post niya. Panget mo. Iyan 'yung post niya. Ayoko sanang tignan iyong
comments pero ewan ko ba. I clicked it even though my mind was practically begging
me not to.

Kathryn Padilla: bwisit ka talaga!

Blaine Preston Suarez: hahaha babe

Kathryn Padilla: nakita ni Mama 'yung bulaklak ng patay!

Kathryn Padilla: at don't babe me! Di kita babe! Si Psalm ka ba?!

Blaine Preston Suarez: mukhang tae si Psalm. At yung bulaklak para sa yo dahil
patay na patay ka sa akin #kilig

Mary

Imogen Suarez: Kuya, baka makita ni Psalm...

Blaine Preston Suarez: naka-block sila so di makikita

Mary Imogen Suarez: e... katabi ko si Saint. Nakita niya na

Blaine Preston Suarez: sus di ako isusumbong niyan ni santo. Sipsip yan e

Pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko sa mga nabasa ko. Why did I even read this? Ano
bang pinaglalaban ko sa mga nababasa ko? And why was I even affected? I mean...
sure. Alam ko na naman na mahal ni Preston si Kath. Bago pa man ako tumira sa bahay
na 'to at maki-share sa bigas ni Preston, aware naman ako sa pwesto ni Kath sa
buhay niya. Kaya bakit ganito 'yung nararamdaman ko?

Agad akong tumayo at lumayo sa laptop ko. Ngayon ko lang napatunayan ang kasabihan
na Ignorance is bliss. Bakit ko ba kasi binasa? Hindi ko naman kailangang alamin.

"Nari!" narinig ko na sigaw ni Preston. Mas lalo lang akong na-bwisit. Hapon ko pa
siya iniwan sa mall pero gabi na. Baka nanggaling siya kay Kath? Tss.

"What?" bwisit na sagot ko sa kanya. . Katabi ko si John sa higaan. Natutulog na


pero dahil sa ingay nitong si Preston, malamang e magigising si John.

"Galing ako sa NSO. Kumuha ako ng forms," sabi niya at saka nilagay sa tabi ko
iyong forms. "Pwede pang palitan iyong pangalan ni John."

"K," reply ko sa kanya. Bwisit na bwisit pa rin ako sa pagmumukha niya.

He looked at me, naka-kunot iyong noo niya. "Ano ba kasi ang meron sa John?
Interior designer ka, 'di ba? Dapat creative ka." Inabutan niya ako ng libro.
"Bumili rin ako ng libro ng mga pangalan. Nilagyan ko ng sticky notes 'yung gusto
kong pangalan."

I really wasn't in the mood to argue with him. Feeling ko ay drained na drained ang
buong pagkatao ko. At gusto kong ibato sa kanya 'yung binili niyang libro.

"Palitan mo kung gusto mo," I said. "I named John after my father, pero bahala ka
na sa buhay mo. Kung gusto mo, ipangalan mo 'dun sa nagbabakal bote sa kalye."

Niyakap ko si John at saka pinikit ang mga mata ko. I just needed some time apart
from Preston. I didn't understand what I was feeling. And for some reasons, I
didn't want to understand. It's kinda scary.

Naramdaman ko na naupo siya sa tabi ko. "I didn't know," he said.

"Paano mong malalaman e palaging sigaw ang una mong reaksyon?" I replied.

"I'm sorry," he said. "Pero okay. Let's settle with John. Pero para fair, dapat
Shiloah ang pangalan ng susunod." Aba't! Sinasabi pa talaga niya sa akin ang
ipapangalan niya sa magiging anak nila ni Kath?! Napaka talaga ng bwisit na 'to!

"Sabihin mo kay Kath," I said at saka tinakpan ng mukha ko iyong unan.

"Bakit nadamay si Kath?" he asked.

"Ang baho mo. Lumayas ka nga."

"Baliw ka ba? Kwarto ko 'to. Ikaw ang lumayas," he replied tapos hinatak iyong unan
mula sa mukha ko. "Ano na naman bang problema mo? Ako nga 'tong iniwan mo sa mall
tapos ikaw ang galit?"

Para kaming tanga na nag-aagawan sa unan. Biglang umiyak si John dahil sa ingay
naming dalawa.

"E 'di sorry!" I said through gritted teeth. "Nakaka-hiya naman sa 'yo! 'Di ka nga
pala sanay magcommute!" Tumayo ako at nagsimulang maglakad palabas nang sundan niya
ako.

"Ano bang problema mo?!" he asked, his voice loud. It was already deep in the night
and yet, we're starting another fight.

"Wala."

"Wala pero inaaway mo ako? Nababaliw ka na naman?"

I shook his hand from me. "Dun ka na nga kay Kath!"

"Ano bang meron kay Kath?!" sigaw niya.

"Bitiwan mo nga ako, sasapakin kita!"

"Subukan mo!" he shot back. Sinubukan kong suntukin siya pero hinawakan niya iyong
kamao ko. "Why are you so fucking violent?!"

"And why are you so fucking annoying?!"

"Ano na naman ba kasi ang ginawa ko?! Kaka-uwi ko lang tapos inaaway mo na naman
ako?! Hindi naman ako manghuhula!"
My chest was heaving in anger. I didn't know how to frigging explain myself! I was
already in too deep. Alangan namang sabihin ko na nabadtrip ako dahil sa fb status
niya?!

"Ano, Nari Miranda? Ano na naman ang ginawa ko? Can you please tell me because I'm
trying so fucking hard but you're making it impossible to understand you."

Naka-tingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ni hindi ko
magawang mag-iwas ng tingin sa kanya.

"Palagi mong sinasabi na mas bata ako pero mas mukha kang bata sa mga ginagawa mo
sa akin," he said and then let go of my hand. "Please fucking grow up, too.
Napapagod na ako."

=================

Spoil A Little

#IWHFFSE20 || Spoil A Little

Hindi pa ako nakaka-punta sa Antartica pero feeling ko, pareho lang ang lamig dito
sa bahay. Hindi kami nagpapansinan ni Preston. Kung mataas ang pride niya, mas
mataas ang sa akin. Pero isa pa kasi, mas mahirap magsorry kapag alam mo na naging
OA ka lang. Tapos masyado ng late para bawiin mo lahat ng ka-OA-yan na ginawa mo.

Nung isang araw, balak ko sana na magsorry sa kanya pero bago ko pa man mabanggit
ang sorry ko (na hirap na hirap akong sabihin), bigla naman siyang umalis. May
emergency daw kay Parker. If I know, iniiwasan niya lang ako. I mean, sabihin niya
na lang kung ayaw niya akong maka-usap! Hindi ba niya alam na mahirap magsorry?!
Tapos nung one time naman, may despidida raw para sa kapatid niya. Tapos ni hindi
man lang ako invited?! Si John lang ang dinala niya! Bilib talaga ako sa capacity
ni Preston na magbuhat ng sama ng loob, e.

"Ma'am, magbati na kayo..." sabi sa akin ni Melanie, iyong halos ka-age ko na


kasambahay.

"Kita mong may attitude 'yang si Preston, e."

"E may attitude din naman kayo, Ma'am," realtalk niya sa akin. Tinaasan ko nga ng
kilay!

"Hindi ako ang nagpapa-sweldo sa 'yo pero gusto mong taguan din kita ng bigas?"
naka-taas ang kilay na tanong ko. Hindi naman talaga ako masungit na nilalang pero
dahil sa attitude ni Preston, nagiging masungit na ako lately. Hindi kasi ako
talaga sanay na may cold war kaming dalawa. Mas sanay ako na may word war kami.

"Ma'am, e dati ko pa kilala 'yan si Sir Preston kapag dinadalaw ko 'yung bff ko na
maid sa bahay nila. Moody talaga 'yan at saka

may attitude. Kahit nga nanay niyan inaaway, e. Swerte ka na kaya na mabait 'yan sa
'yo," sabi niya sa akin.

"Mabait?!" hindi makapaniwala ko na tanong.


She nodded. "Nako, Ma'am. Kung nakita mo lang dati 'yung ginawa niyang pambubully
sa manliligaw nung kapatid niya, iisipin mo talaga na swerte ka na sa trato ni Sir
sa 'yo."

Nagkwento pa si Melanie tungkol sa alam niya kay Preston. I just willingly


listened. Na-realize ko na tama nga pala si Preston nung sinabi niya sa akin na
wala akong pakielam sa kanya. I mean, may pakielam naman ako... but I didn't make
any effort to get to know him better. I was complacent with what I knew about him.

Nag-iisip ako ng bagong strategy kung paano ko ulit makaka-usap si Preston nung may
dumating para magdeliver ng invitation. Ito na yata ang sign! Nagsabi na kasi si
Preston na sasama siya sa celebratory party. Doon ko na lang siya kakausapin. At
least doon sa hotel, wala na siyang matatakbuhan. Wala na siyang fake emergency na
magagamit para iwasan ako.

"Preston," I said. Nasa sofa siya at may binabasa. I was standing in front of him,
probably waiting to be ignored. "Bukas na raw 'yung party," I continued tapos
inabot sa kanya iyong invitation. Kinuha niya naman iyon mula sa kamay ko-which was
a good sign, I believed. But I didn't push my luck further. Umalis na ako sa
harapan niya at baka ako naman ang mabato niya nung iPad.

That night, tinawagan ko si Venice. Hindi ko kasi alam kung entitled ba ako na
magpapunta ng kaibigan ko rito.

"So, kamusta ka na, Jelly de Belen?" bungad niya sa akin.

I rolled my eyes. "Pwede

ba," I huffed. "Hindi ako nagseselos."

She laughed. "Kaka-lerky kayong dalawa ni baby daddy! Isang torpe at isang in
denial."

"Duh? Hindi siya torpe dahil hindi niya naman ako type at hindi ako in denial dahil
hindi ko rin siya type."

"So bakit nagalit ka sa kanya dahil sa mga nabasa mo?"

Natahimik ako. I didn't have any answer for that. "Dami mong tanong! Tulungan mo na
lang ako sa isusuot ko para bukas," I told her. Black-tie event kasi iyong bukas
kaya naman gusto ko na mukha akong disente. Meron naman akong mga formal dress
dahil may formal events naman iyong org ko nung college but after John, I gained
weight. Hindi na kasya sa akin iyong mga suot ko nung college pa ako.

"Maghubad ka na lang sa harap ni baby daddy para ma-forgive ka na niya."

"Bastos ka talaga!"

"Pa-virgin naman 'to! Natikman mo na naman si Preston! Taste-test kamo ulit!" sabi
niya tapos humagikgik. Napaka-walang kwenta talagang kausap nito! Hindi kaya siya
talaga ang kapatid ni Sari at hindi ako? Parehong-pareho sila, e.

In the end, wala akong napili sa mga damit na meron ako. Lumabas ako habang dala
ang black Mastercard ni Preston.

"Preston," I said. He was still reading something in his freaking iPad na gusto
kong sirain. "Palit na tayo." Ni hindi man lang ako tinignan ng supladito na 'to.
"Hindi mo naman magagamit 'yung ATM ko kasi hindi mo alam ang PIN," I continued but
again, got ignored. "May suit ka na ba na gagamitin bukas?" I asked.
His forehead was creased and it didn't seem like he'd acknowledge my presence.
Mukhang napuno ko na rin yata ang pasensya niya kaya naman nagback off muna

ako.

"I'm sorry," I whispered. Lumabas na ako at ginamit ang sasakyan niya ulit. Sabi
naman niya kasi, ako na ang gumamit nung BMW niya dahil iyon namang Ford Everest
palagi ang gamit niya. Doon ako sa Rockwell, Makati pumunta para medyo malayo kay
Preston. I really could just take too much of his silence for a day.

Pagdating ko sa mga boutique doon, sinusundan ako nung mga saleslady. Grabe,
nakaka-offend! Para namang itatakbo ko iyong hanger ng mga damit nila!

"Uhm, magkano 'to?" I asked nung may makita akong dress na feeling ko ay bagay sa
akin.

"25, 000 'yan, signature brand. Doon sa kabilang side 'yung mga medyo budget
friendly na dress," sabi niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Bigla
naman akong na-conscious sa suot ko. I was just wearing plain shirt and jeans. And
white shoes. Hindi naman ako informed na dapat e naka-gown para pansinin sa
boutique na 'to! Sa susunod e magsusuot na ako ng gown, nakaka-hiya naman!

Dahil alam ko na by commission ang kita ng sales lady, lumayas na ako. Ayoko ngang
bigyan siya ng sweldo pagkatapos niyang maging rude sa akin! Alam ko naman na hindi
ako mayaman at hindi mukhang mayaman with rosy cheeks pero I deserve respect naman!
May black Mastercard akong hawak kahit hindi sa akin 'yun! Itsura nung sales lady
na 'yun! May attitude din!

Naka-tatlong boutique na ako pero wala pa rin akong nabibili na damit. Hindi talaga
ako aware na isa sa requirements para maging sales lady sa boutique ay ang pagiging
ma-attitude.

"Dapat siguro mag-aral na akong manahi," I said while dragging my feet. I was
already tired. Malapit

na maggabi pero walang nangyari sa lakad ko. Ayoko rin umuwi dahil makikita ko na
naman si Preston at masa-snob na naman ako. Pero miss ko na si John.

Napa-tigil ako sa paglalakad nung may humarang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko
nung makita ko si Preston. Ilang beses pa akong pumikit para masigurado na hindi
ako nags-sleep walking.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" I managed to ask after seconds of unwarranted silence.

"Buying suit," he said. May hawak nga siyang garment bag na may naka-sulat na
Armani. Yamings talaga.

Nanlaki ang mga mata ko nung ma-realize ko na-"Ginamit mo 'yung ATM ko?!" gulat na
gulat na sabi ko. God! Baka isang buwang sweldo ko na 'yung presyo ng suit na
binili niya! Buti sana kung edible suit 'yun!

"Of course not," he replied. Bakit ba English ng English 'to ngayon?

"Ah... okay. Sige, bye," I said and then tried to walk past him.

"Nasaan na 'yung sa 'yo?" he asked. Napatigil ako sa paglalakad. So... tapos na ba


ang cold war namin?
"Wala, e. Choosy nung mga sales lady, ayaw akong asikasuhin porke hindi ako mukhang
mayaman," I said. Siguro sa mall ng mga normal na people na lang ako bibili. At
least doon hindi ako masa-snob.

Kumunot ang noo niya. "What?" he asked. "You were ignored?" I nodded. "Saan?" At
dahil masunurin akong bata-at ayokong umattitude kay Preston dahil natatakot ako na
maging snob na naman siya-tinuro ko lahat nung boutique na nangmaliit sa pagkatao
ko.

"Saan tayo pupunta?" I asked when he grabbed my hand and dragged me. Hindi
nagsasalita si Preston pero napupunta sa mukha ko iyong garment bag na dala

niya. I tried my best para alisin sa mukha ko pero masyado siyang mabilis maglakad.
Hindi ko tuloy napansin na nandoon na kami sa unang boutique na nang snob sa akin.

"Good evening, Sir!" bati nung sales lady. Bakit kay Preston with a smile na
greeting? Naka-white shirt, cargo shorts, at brown loafers nga lang si Preston, e!

"Siya ba?" Preston asked me. Napa-huh na lang ako. "Is she the one who snubbed
you?" Agad akong umiling. Hindi naman iyan 'yung may attitude na sales lady.

"Ayun, oh," I said tapos tinuro ko iyong babae na umapi sa akin ng very light.
Tinawag ni Preston iyong babae. Medyo kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung
ano ang magaganap.

"Apologize," Preston said.

"Huy, 'wag na..." I said, tugging on his shirt.

"Sir-" tangkang paliwanag nung sales lady na may attitude.

"Next time, know who you're ignoring," sabi niya. English talaga para mas may
impact. "Where's your manager?"

"Hala, Preston, 'wag na," I said. Ayoko naman na matanggalan ng trabaho iyong babae
dahil sa akin! "Okay lang naman..."

"Ako lang ang pwedeng mambwisit sa 'yo," he said, looking straight into my eyes.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Hindi talaga kami umalis sa boutique hanggang hindi nagsosorry iyong babae. At
naloka ako dahil kilala pala nung manager si Preston dahil apparently, dito pala
bumibili ng damit iyong Mama at kapatid niya! Na-stress talaga ako!

"Sorry," sabi nung manager. "We'll just give you a gift certificate as an apology
for the distress," sabi niya. Akala ko talaga worth 500 na GC lang pero naloka ako
nung worth 5K na GC! Hindi talaga ako makaka-adjust sa happenings sa richy-rich
world.

"Ma'am, champagne or wine?" tanong nung babae. Ngayon ko lang nalaman na may pa-
wine pa pala ang mga sosyal na boutique sa VIP clients nila. Naglagay ng mga rack
ng damit sa harapan namin. Sinubukan kong tignan iyong price tag pero wala akong
nakita. Mas nakakatakot tuloy.

"May damit pa naman ako," I told Preston who was silently sitting beside me.

"Just buy, Nari," he said, nag-English na naman.

"E walang presyo! Paano kung mahal pala?"


"Ako naman ang magbabayad, ano'ng problema mo?"

"Tapos ano? Sasabihan na naman ako ng Mama mo ng mukhang pera?"

Preston looked at me. I was treading a thin thread. Baka ma-badtrip na naman sa
akin 'to. "My mom wasn't rich when she married my dad. 'Wag mong pansinin 'yun."

"Pero-"

"Nari, please."

"Pero ayokong gumastos ka sa akin." Tama na iyong libreng pa-bahay, pa-kuryente,


pa-tubig, at education package na nakuha ko sa kanya. Abuso na kapag sobra pa.

"I wasn't with you when you were pregnant with John. Let me do this... okay?" he
said, looking straight into my eyes. God. Ito na naman ang tibok ng puso ko. "Let
me spoil you a little."

=================

The Talk

#IWHFFSE21 || The Talk

Apparently, in Preston's fancy world, a 75,000 pesos worth of dress meant spoiling
a little. Hindi ko talaga siya kinakaya. Paano pa kaya kung bonggang spoil ang
gusto niyang gawin, 'di ba? E 'di nawindang na talaga ang buong pagkatao ko! Halos
magmakaawa na nga ako sa kanya na 'wag niya na akong bilhan ng sapatos. Meron naman
akong stilettos na pwede kong gamitin kaya ayoko talaga na pumayag na bilhan niya
pa ako nung Christian Louboutin na sapatos.

I tried to research in the web para lang magkaroon ako ng idea kung saan ba
nanggagaling ang kayamanan niya. But I avoided his facebook. Ayoko lang na ma-
badtrip na naman. Iba kasi kaming ma-badtrip ni Preston. Umaabot talaga ng linggo
na hindi kami nagpapansinan. Kakabati lang namin kahapon, e. Ayoko na magkagalit
ulit kami.

"What are you doing?" biglang sabi niya. Mabilis pa sa alas-onse na sinara ko iyong
laptop ko.

"Wala," I replied.

He arched his brow. "Wala? I saw my name."

"Bakit? Ikaw lang ba Preston sa mundo? Feelingero nito," I said in a defensive


tone. Umupo siya sa tabi ko kaya naman napilitan ako na umusog. He just got out of
the shower kaya nagpapatuyo pa siya ng buhok. I forced myself to stop sniffing him
like a dog pero ang bango niya kasi talaga!

"Ilan ba ang kilala mo na Preston?" he asked tapos kinuha iyong laptop ko. Inagaw
ko pabalik. "Are you hiding something, Nari?" he asked, naka-kunot ang noo.

"Wala!"
"Then let me see," he said, pulling the laptop again. At dahil mas malakas siya sa
akin, nakuha niya iyong

laptop ng walang kahirap-hirap. He opened it and I was just so thankful that


there's a password! Akala ko ay tatanungin ako ni Preston tungkol sa password ko
pero nagulat ako nung tanungin niya ako tungkol sa picture sa background. "Your
family?" he asked.

I nodded. "Si Mama at saka si Sari," I said habang tinuturo iyong picture namin.

"Where are they?" he asked.

"Canada," I replied. "Pinapa-sunod na nga ako roon, e."

Agad na kumunot ang noo niya. "What?"

"Syempre hindi ako susunod! Hindi ko naman itatakbo si John, grabe 'to!" sabi ko sa
kanya. Mamaya kung ano na naman ang isipin nito, e. Hindi pa nga siya nakaka-
recover nung akalain niya na John Gomez de Liaño ang registered name ni John.

"Your dad?" he asked again.

"Nasa langit na," I replied with a small smile. I kinda appreciated how Preston was
very inquisitive. I wasn't really the kind of person na magku-kwento na lang
bigla... but thankfully, siya iyong tao na magtatanong talaga kapag gusto niyang
malaman. Sometimes, wala siyang boundary. But oftentimes, it was okay. Ganoon lang
talaga siya.

"I'm sorry," he said.

"It's fine. Matagal na rin 'yun, e," I said.

"You miss him?"

I nodded. "Sobra. Mabait kasi si Papa. Ni hindi nga namin alam na may sakit na pala
siya, e. Sa abroad kasi siya nagta-trabaho dati. Hindi niya sinabi na malubha na
pala iyong sakit niya kaya nagulat na lang kami nung pinauwi na siya kasi hindi
niya na kayang magtrabaho," I said with a painful smile. Kahit pala ang tagal na,
kapag kinu-kwento mo, ganoon pa rin iyong sakit. I love my mom... sobra. Pero
feeling ko,

deep inside, daddy's little girl talaga ako, e. Iba talaga iyong sakit nung nawala
siya. Para akong natuliro ng ilang linggo. That was another reason why I fell so
hard for Benny. Siya kasi iyong nasa tabi ko nung mga panahon na pakiramdam ko ay
tatakasan na ako ng bait. He became my anchor and for that, I would forever be
grateful to him.

Preston was looking at me, his face unreadable. I smiled at him. "Kaya ikaw,
makipagbati ka na sa Mama mo," I told him.

"You don't understand," he replied.

"Ang alin?" I asked. I just wanted to understand him, too. Tama kasi si Preston. I
always told him that he's a child but oftentimes, I was acting like a brat. Minsan,
mas mature pa siya sa akin-which was weird, given his nature.

"My mom and I," he replied. "We've always been like this."
"Kaya lang naman galit iyong Mama mo, kasi nagulat siya na may anak ka na pala..."

He shook his head. "You're not the only reason why we're fighting, Nari. 'Wag kang
masyadong feeling."

Pinigilan ko iyong sarili ko na batukan siya. Tignan mo 'to. Nagseseryoso ako, e,


tapos babarahin ako! Tapos sasabihin sa akin na ako ang mas may attitude sa aming
dalawa?!

"E bakit kayo nag-aaway?" I dared ask. He shrugged. "Ikaw nagsimula ng away, noh?"
Siya naman ang mas ma-attitude, e! Feeling ko naman deep inside, mabait si Mother
Biscuit. Hindi naman magugustuhan ni Tito Shiloah 'yun kung pure evil 'yun.
Naniniwala ako na may innate kindness ang bawat tao. Kasi 'di ba, if you expect the
worst in someone, that's exactly what you will see. Wala lang. Gusto ko lang maging
philosophical para isipin ni

Preston na matalino ako.

"This is a pretty long story," he said, looking at me. Nag-iwas ako ng tingin.
Preston has pretty eyes-full of mischief, yes, but nonetheless pretty.

"Okay lang. Mamaya pa naman 'yung party," I said.

We were in the couch, magkatabi. I could really feel his skin against mine. Kapag
magkadikit kami, mas lalong nagmumukha akong maitim. I mean, hindi naman ako maitim
pero kapag nadidikit ako sa kanya, parang biglang negra na ako.

"When I was younger, akala ko hindi si Papa ang Papa ko."

I nodded. "Mukha nga. Ang bait ni Tito Shiloah, e..."

He arched his brow. "Ano ang gusto mong palabasin?"

"Na masama ang ugali mo. Maglolokohan pa ba tayo dito?"

He nodded. "Fair point," he replied. Kitams? Kahit siya, aware sa attitude niya.

"So, bakit mo naman naisip na ampon ka, aside from the obvious fact na anghel ang
tatay mo at anak ka ng kadiliman?"

"Ang sama talaga ng tingin mo sa akin, noh?" he asked. I honestly nodded. "Why?"

I shrugged. "Maybe because tinaguan mo ako ng bigas? Sinasabihan mo ako ng flat


chested? Sinisigawan mo ako?" I said and then went on and told him about the things
he did. Diretso lang ako na nagsasalita. Hindi ko napansin na natahimik na pala
siya. I looked at him and I saw the guilt in his eyes. "But that's okay-"

"I'm sorry," he said. Sabi ni Benj, sobrang hirap daw para kay Preston na magsorry.
Mas matayog pa raw sa Empire State Building ang pride ni Preston. But I could
enumerate a couple of times he told me he's sorry. Bakit kapag sa akin, madali lang
para sa kanya ang magsorry?

"I try

to be nice. Sometimes. Occasionally," he said.

I smiled. "Yeah... you try," I said. Preston had his moments of kindness. Rare, but
when he's being kind, he'd effortlessly sweep you off your feet. Weird talaga, e.
"Anyway, back to the story, before my mom married my dad, may boyfriend siya. His
name's Parker," he said. Tahimik lang ako na nakikinig. Baka kasi ito na 'yung
chance para maintindihan ko si Preston at ang mga issue niya sa buhay. Imposible
naman kasi na likas lang talaga na masama ang ugali niya. Surely may
pinanggagalingan iyon. "Tito Parker died and it's because of my mom. I don't know
if she's just guilty but sometimes, I hate her for making dad feel like he's only
an option."

"Bakit naman magiging option si Tito Shiloah? He's so nice to be an option."

He scoffed. "Maybe too nice for his own good. Ni hindi nga nagagalit 'yun, e."

"Talaga?"

He nodded. "Yeah. Papa's the definition of kind that's why I find it really unfair
na option lang siya."

I looked at Preston and I saw how affected he was with his parents' situation.
Gusto kong hawakan iyong kamay niya at sabihin na magiging okay din. But I still
didn't know if I was entitled to do that. The line between us was still blurry at
best.

"Paano mo naman nalaman na option lang siya?"

"I read Mama's letter."

"Dakilang pakielamero ka rin, e, noh?"

He glared at me. Supladito. "I was a kid, alright! At saka nakakalat lang naman sa
nightstand. It's not as if tinago nang mabuti ni Mama."

"So, dahil sa sulat, inisip mo na ampon ka?" He nodded. "Napaka-assuming

mo naman."

"Ni hindi ko nga kamukha si Papa, e. I saw pictures of Tito Parker and we look more
alike. Kaya nga mas mukha kong kapatid si Parker kaysa sa mga kapatid ko talaga,"
he said. Naguluhan ako. May Tito Parker na, may Parker pa! Nakakaloka naman ang
buhay nito!

"Pero ampon ka nga?" I asked, really curious.

"No," he replied. "For my high school graduation gift, Papa gave me the result of a
paternity test para raw matahimik na ako. I'm really my Papa's son," he said, his
voice happy. Daddy's boy talaga, oh.

"Oh, ayun naman pala, e. Anak ko ng ama mo. Ano pa ang problema mo?" I asked him. I
just wanted to get to the bottom of his problem. Preston had helped me in ways he
would never know kaya naman gusto ko na tulungan siya. I was thankful for his
presence in my life-more so when he didn't press me for a paternity test.

"Mama's forcing my sister to date Parker, that's another problem."

"Gulo ng pamilya niyo, ha."

"Pamilya natin," he said. Nanlaki ang butas ng ilong ko. Bigla-bigla na naman 'tong
nanggugulat!

I decided to ignore his last remark. 'Di ako prepared sa mga hanash nitong si
Preston. May party pa kaming pupuntahan kaya 'wag niya akong ginaganto.

"Pero alam mo, Preston, mas maganda na mag-usap kayo ng Mama mo. Kagaya ng ganito.
Heart to heart ba? Kasi in the end, Mama mo pa rin 'yun. Kahit ma-attitude 'yun,
mahal ka nun kaya sure ako na nasasaktan siya dahil ganito ang nangyayari sa inyo."

As I was explaining, he was just looking at me. His eyes were so frigging intense,
naloka ako! Nag-iwas ako ng tingin pero ramdam ko pa rin iyong mata niya sa akin.
Ang sarap tusukin!

"So, ang point ko, mag-usap na kayo." Tinignan ko na ulit siya. "Hoy, narinig mo ba
ako?"

He nodded, still gazing at me. Goodness. Mabuti na lang at pareho kaming nakaupo
kung hindi, baka napaupo na ako. Grabe naman 'tong tumingin! Parang balak mangtunaw
ng tao!

"If I talk to my mom, what will I get in return?"

Kumunot ang noo ko. "Ay, may suhulan na nagaganap?"

He nodded. "You said it yourself, I'm a spoiled guy. So, ano'ng makukuha ko, Nari
Francesca?" he asked. Bakit niya ba sinasabi ang buong pangalan ko?! Nakakaloka!

"Ano bang gusto mo?"

"Reenactment."

"Asa."

He laughed. "Just one thing," he said.

"What?"

"Stop making age an issue," he continued. "It's not my fault that you were born
earlier than I was. Stop reminding me that you're 3 years older than me."

"E totoo naman."

"Ano naman kung mas matanda ka?"

"Awkward."

"Because you care too much about the opinion of those people who don't even
matter," he said. Ano bang nakain nito? Ang deep niya ngayon, nakakaloka! Hindi
bagay sa kanya! Detachable ba ang sungay nito at nawala bigla ngayon?!

"Okay, I'll try. Pero makikipag-usap ka na sa Mama mo?" He nodded. "Iyong matinong
usap?" He nodded again. "Paano ko malalaman na matino ka nga?"

He shrugged. "I'm like this, Nari. I don't want to pretend to be nice anymore. You
just got to take it or leave it."

At ang utak ko, sumigaw ng 'Take it! Take it!'

--

For the confused souls: I Watched Him Fall For Someone Else is directly related to
Just The Benefits and Just The Strings. It's better to read those two for easier
comprehension of the events in this story x

=================

Imperfections

#IWHFFSE22 || Imperfections

"You impressed me with the interiors, Miss Miranda," sabi ni Mr. de Marco. Nagblush
naman ako. I just got a compliment from the boss! "My nephew's also impressed with
what you did with his pad."

"Thank you, Sir," I said, very grateful for the opportunity. Totoo pala iyong
sinabi nila na sa huli, it would all make sense. Maiintindihan mo kung bakit
inagawan ka ng taxi, na hindi ka naka-attend sa appointment mo para sa passport, na
napilitan kang pumasok sa trabaho na hindi mo gusto, na pinagchismisan ka ng mga
akala mo friends mo, na nagulat ka na lang buntis ka.

It all wonderfully worked out in the end. Ang cool.

Pag-alis ni Mr. de Marco, tinignan ako ni Preston. Naka-kunot na naman ang noo ng
prinsipe.

"What?" I asked. Ang ganda-ganda ko kaya tonight kaya sana 'wag akong bigyan ng
attitude ni Preston. Ayokong ma-stress. Sayang naman iyong airbrush make-up na
ginamit sa akin. At naka-contour pa ako!

"You worked with Santi?"

I nodded. "Yeah. Bakit? Kilala mo?" I asked. Baka kasi friends sila. Gwapo rin kasi
'yung si Santi. E lately, feeling ko friends lahat ng tao sa elite world. Sila-sila
lang din kasi ang nagkikita at sila-sila lang din ang afford makipagbonding sa
isa't-isa. Syempre ang hobby nila ay playing golf, mga ganon-hobby ng mga richy-
rich. E wala akong tiyaga sa golf dahil baka mahampas ko lang talaga ng malakas
'yung bola na 'yun.

"Yeah," he said, naka-kunot pa rin ang noo. Ang gwapo sana niya sa suit niya pero
permanent na yata iyong kunot sa

noo, e. Nakaka-sira ng porma.

"Ano? May bagong issue ka na naman?"

"Did he hit on you?"

"Buntis ako nung ginawa ko 'yung unit niya, baliw! Mukha akong butete sa sobrang
laki ng tiyan ko kaya bakit ako pagnanasaan ni Santi?" naka-kunot ang noong tanong
ko sa kanya. "At saka ikaw na rin ang nagsabi, hindi naman ako maganda kaya hindi
ako papatulan nun, okay?"

May dumaan na waiter kaya kumuha ako nung rose wine. Masarap pala 'yun. Hindi ko na
alam kung nakaka-ilan na ako, e.
"Maganda ka naman," he said.

I scoffed and waved my hand dismissively. "I'm not one of those girls na masyadong
affected sa itsura," I honestly told him. "Aware naman ako na simple lang ako
kumpara sa mga magagandang babae." Maraming model sa party na 'to-mga model na
friends ni Preston. Mas lalo tuloy nakaka-liit ng pagkatao.

"But I like who I am, Preston. I like my face and my fats," I said and then drank
the remaining content of my glass. "And I'm contented."

Iyon naman ang pinaka-mahalaga. You just have to be contented with who you are and
with what you have. Kasi kahit ano ang gawin mo, makakakita at makakakita ka ng tao
na mas sa 'yo sa lahat ng aspeto. And if your purpose in life is to be the best at
everything, then you'll probably live a very tiresome life. And that's not what I
really want for myself.

A lazy smile appeared on Preston's face. Damn that lazy smile. Tumalikod nga ako at
naghanap ulit ng waiter bago pa kung ano ang magawa ko kay Preston.

I was enjoying my new glass of rose wine nang makita ko si Benny. Nilapitan nila
agad ako.

"Hi,"

I said with a smile. "Nari," I continued and then offered my hand.

"Hi, Nari. I'm Drianna," pakilala ng girlfriend ni Benny. "It's nice to finally
meet you."

"Likewise," I said. Nag-usap kami ng ilang minuto. It was a comfortable


conversation dahil marami kaming pareho ng hilig ni Drianna. Which was weird. Minus
the fact na mas maganda siya ng 'di hamak sa akin, parehong-pareho kami ng trip sa
buhay ni Drianna. But that's none of my business kaya hindi ko na pinansin pa.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap, may naramdaman ako na humawak sa bewang
ko. Napa-tingin ako sa gilid at nakita ko si Preston. Hindi ko alam kung nalalasing
na ba ako sa wine na iniinom ko o naging mas gwapo lang talaga si Preston sa
paningin ko.

"Hey," he said, his hand slid down my waist. "Was looking for you," bulong niya.
His mouth was near my ear na siguro kung iba ang nakakakita sa amin, iniisip na
hinalikan ako ni Preston sa gilid ng ulo ko. Asa naman.

"Ah..." I said, a bit distracted. "Kausap ko kasi sila Drianna," I continued.


"Preston, si Drianna, girlfriend ni Benny." Preston smiled and then offered his
hand. Akalain mo na pwede naman palang maging gentleman si Preston? O baka naman
mabait siya kasi maganda si Drianna?

Drianna accepted Preston's hand. "Actually..." Drianna trailed off. "It's fiancé,"
she said and then showed us the ring. Nanlaki ang mga mata ko.

"Congrats!"

"Thank you," Dri said with a smile. "Benny proposed last week. If it's not weird,
we want to invite you to the wedding."

I smiled. "Sure!"
We talked for a few

minutes and during the duration of those few minutes, hindi umalis sa bewang ko ang
kamay ni Preston. Sometimes, his thumb would caress the side of my waist. Gusto ko
siyang suntukin dahil nakikiliti ako.

"Ayan, ha, ikakasal na si Benny. Matatahimik ka na siguro," I told him. Nasa bewang
ko pa rin ang kamay niya. I was just looking up para makita siya. He's freakishly
tall.

"Don't you regret not marrying him?"

"Nope."

"Why?"

I smiled. "In the end, it all worked out fine."

* * *

Buong gabi, napagod ako dahil pinakilala ako sa iba't-ibang mga tao. Feeling ko
tuloy secured na ang career ko dahil maraming nag-offer sa akin na firms. Pero
syempre hindi ako aalis sa pinagta-trabahuhan ko. May loyalty naman ako kahit
papaano.

"That's too much drink, Nari. Awat na," he said.

"Ang sarap, e!" I said tapos inagaw pabalik iyong baso ng wine. Wala bang wine
cellar sa bahay ni Preston? Try ko ngang maghanap ng underground. Feeling ko
maraming sulok sa bahay na hindi ko pa nahahanap, e. Iyong bigas nga nung tinago
niya hindi ko talaga nakita kahit ano'ng hanap ko, e.

"You seriously have a drinking problem," he said.

"I'm just enjoying!"

"Ayan na naman 'yung British accent mo."

I giggled and then touched his face. "You're so hot, Preston," I said and then
brushed his hair. "You're mean, but hot."

Napa-iling siya. "Stop flirting, Nari."

"Why not?" I said and then anchored my arms around his neck. "Reenactment na ba?"

He stared at me. "Don't challenge me."

I pulled his head downward hanggang sa kaunti na lang ang pagitan naming

dalawa. "Take advantage of me, Preston."

His breathing was deep. His eyes unwavering. "You're drunk."

I giggled before I whipped out his black Mastercard. I went to the receptionist and
then said, "One presidential suite." I ignored Preston's protest habang naglalakad
kami papunta sa elevator. All I heard was him saying blah blah blah.

"Nari!" he said.
I took off my stilettos and ran on the carpeted floor. "Come and get me, Mr.
Suarez," I said and then giggled.

"You really shouldn't drink without me," sabi niya.

"Oops," I said and then accidentally unzipped my dress.

He groaned. "Nari Miranda." Lumapit ako sa kanya. I was smiling. I felt so


carefree. "Don't."

"Thank you," I said. "For being there for me. For staying kahit na binabato kita ng
kaldero. For being brutally honest even though sometimes, I want to kill you for
it." I smiled. "Thank you for coming into my life, Suarez."

Preston was just looking at me. "I really won't touch you when you're drunk, Nari,"
he said and then lifted me up and put me on the bed. He tucked me inside the sheets
and tapped my head. "Sleep."

"But-"

"No."

"But reenactment!"

He shook his head. "No reenactment for drunk Nari," he said and then brushed my
hair with his fingers. It felt so relaxing.

"Okay..." I said and then pouted. "But what about kiss?"

"Kiss?" he asked and I nodded. "Yung kiss talaga. Ayoko nung pa-baby na kiss mo."

He laughed. "You're so cute when you're drunk."

I smiled. "Ang gwapo mo kapag lasing ako."

I hugged him and then rested

my head on his arm. I had always wanted to hug him and to feel how firm he was. And
hugging him was a million times better than what I had imagined! He's buff! May abs
kaya 'to?

"May abs ka ba?" I asked, unable to contain myself.

"Yeah. Gusto mong makita?" I nodded. "You're shameless, Nari Miranda."

"Pakita mo na kasi!"

"What happened to the accent?"

"Hindi na ako lasing," I said. The effect of the wine was waning off, but I was
still feeling extra. I pulled his dress shirt tapos nabigla si Preston.

"Nari!" he shouted, nagulat sa ginawa ko.

"Pakita mo na kasi!"

"Nababaliw ka na ba?!"

"Nakita ko na rin naman 'yang katawan mo sa picture! Gusto ko lang makita kung
ganun talaga ang itsura sa personal!"

"This is harassment!"

"Not if you're willing!"

"Do I look like I'm willing?!" he shouted back.

"Titignan ko lang naman!"

"Nari Miranda!"

"Preston Suarez! Hubad!"

"You crazy woman!"

Napagod ako sa pagsubok na tanggalin ang damit ni Preston. Ang damot! As if naman
maaagaw ko iyong abs niya. Titignan ko lang naman!

"I'm prohibiting you to drink without me," sabi niya habang inaayos iyong damit
niya. "You get really crazy."

I huffed. "Ewan ko sa 'yo."

"Galit ka?" he asked.

"Antok na ako."

Humiga ako at humiga rin siya. Magkatapat kami kaya kitang-kita ko iyong mga mata
niya. Why was it always unfair? Ang igsi ng eyelashes ko pero iyong sa kanya,
mukhang may extensions pa. Hindi naman niya kailangan. Dapat sa akin na lang iyong
eyelashes niya, e. Hinatak ko nga.

At dahil hinatak ko, napalapit na naman

ang mukha namin sa isa't-isa. I gulped at the proximity. Biglang lumalim ang
paghinga ko.

"Don't fight me this time," I said, gulping at each word. He didn't say anything.
Naka-tingin lang din siya sa akin. I angled my face until my lips were touching
his. Gosh. Mas lalo lang lumalim ang paghinga ko.

My lips were trembling as I tried to kiss him. For the first few seconds, our lips
were only touching. Hindi ko alam kung sino ang natatakot sa aming dalawa. No one
was moving.

And then he groaned.

Oh, my god. This boy could kiss like a man.

Bigla akong nahilo nang simulan akong halikan ni Preston. Everything was happening
so fast. He was kissing me and then tasting my mouth. My hands were busy taking his
fucking clothes off. Para akong mawawalan ng hininga nang mapunta ang labi niya sa
leeg ko.

"God..." I whimpered. "May abs ka nga..." I said as I traced the contours of his
toned stomachs.

"Stop making me laugh," he said, kissing my neck and my jaw.


"Nakakatawa ba na may abs ka?"

"You make everything funny," he said and then went back to kissing my lips. Hindi
pa ako tapos magsalita, e! Bastos talaga.

We kissed for a while until my lips felt sore. Tumigil kami sandali para huminga.
We were staring at each other.

"Please ngayon pa lang sabihin mo na kung hindi mo itutuloy," I begged him.


"Sasaktan talaga kita kapag binitin mo ako."

Napa-angat iyong gilid ng labi niya at saka bumaba siya at hinalikan ako. "Nope,"
he said and then dabbed another kiss. "No stopping."

"Okay," I said and then reached for the lamp and turned it off.

"Why did you turned off the lights?" he asked, his hands caressing the side of my
waist.

"Basta."

"But I want to see you," he said.

"Ayaw."

And then he stopped. Kissing. Me. And. Touching. Me. Muntik ko na siyang suntukin.

"What is it?" he asked. I didn't say a word. "Nari..."

I didn't want to say anything but I knew he wouldn't drop the topic unless I answer
him. Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita.

"Kasi..." I trailed off. "When I got pregnant with John, I got stretchmarks on my
belly. And I still have the incision nung nanganak ako..." My heart was beating so
fast. I had never said this to anyone. I was ashamed of my marks. Ayokong makita ni
Preston. I didn't want him to think that I was uglier than I already was.

Tahimik siya. I felt something inside me breaking a little.

I pushed him off me and said, "Just... go. Okay lang ako. Itutulog ko na lang 'to."
I was expecting him to leave and walk away and I wanted to be fine with it but
instead, he pinned my arms and hovered above me.

"I'm sorry if I made you feel ugly, Nari," he said, looking straight into my eyes.
His eyes sparkle. "I promise to make it my goal to make you feel beautiful
everyday." Bakit naiiyak ako? Nakakainis. Ang epal niya.

He kissed my lips and then my cheeks and then my chest. And then he went down and
then kissed my stomach. "You've been brave, Nari... No amount of scars can make you
look ugly in my eyes, remember that."

"Talaga?"

He nodded. "So, please, let me see you."

I opened the lights and he was looking at me. He smiled. "You're beautiful,
alright?"
"Mas maganda sa mga model kanina?"

He laughed and then planted a kiss on my forehead. "Yes... even more so because
you've been brave enough to carry my child. Thank you, Nari."

=================

Where To Put

#IWHFFSE23 || Where To Put

"Umamin ka," I told him as he was above me. The aircon was probably in full blast
but Preston's forehead was dripping in sweat. Akala ko ba athlete siya? Soccer
player, 'di ba? Bakit ganito lang e pinagpapawisan na siya?

"What?" he said-almost groaned.

"Is this your first time?" I asked. Malalim ang paghinga niya. His lips were sore
from all the kissing. My stomach felt loved by him. Feeling ko tuloy ay wala na
akong itatago kay Preston dahil nakita niya na iyong gusto kong itago. And I was
extremely grateful that he made me feel that it's okay not to be perfect... That in
this world where standards were set, may mga tao pa rin na handang tanggapin ka.

He didn't say a word. I burst out laughing.

"Can you please keep quiet for once?" he said, starting to get annoyed.

"Oh, my god, Preston. Am I the one who swiped your v-card?" hindi makapaniwala na
tanong ko.

"God, Nari! You're making it impossible to be serious with you. Bakit ba joke ang
lahat para sa 'yo?" he groaned.

"Because..." I trailed and then reached for his length. "This is where you should
put it, Suarez. That's my asshole, you clueless asshole."

Nanlaki ang mga mata niya at namula siya. His whole face was red-lalo na iyong
tenga niya. Ang cute.

"You're so fucking blunt."

"And you're so clueless. Ang lakas ng loob mo manghingi ng reenactment," I said and
then gently tapped his cheek.

"Ayoko na nga," he said and then attempted to get off me.

"What? I was just kidding!" Ang sensitive naman nito masyado!

Hindi kasi ako sanay na seryoso kaming dalawa ni Preston. Ang weird talaga sa
pakiramdam kapag seryoso siya at seryoso ang sinasabi niya. I found solace in our
bantering. I felt drowning when he's serious. Hindi kinakaya ng pagkatao ko ang
seryosong Preston. He's too much.

"Wala na ako sa mood."


"Inom tayong wine?" I offered. He just glared at me again. "Ni hindi ka man lang ba
nanonood ng porn?" I asked. Mas lalo siyang namula. Dapat siguro dahan-dahan lang
ako magsalita kay Preston. Nasanay kasi ako kay Benny. No filter kami mag-usap nun,
e.

"Mars," he muttered pero rinig na rinig ko naman dahil nasa taas ko lang siya.

"What? Hindi nga?" His eyes were crazy brown kaya parang ang sarap tignan.

"I grew up going to the church and praying the rosary, okay? I feel guilty kapag
nanonood ako," he admitted. Ang sarap pisilin ng cheeks.

"So... nanonood ka nga?"

He rolled his eyes. "Dami mong tanong."

"Pero nanonood ka nga?"

He groaned. "You're still drunk."

"Sino'ng favorite performer mo?" I asked at mas lalo siyang namula. Oh, how I find
joy in making Preston feel uncomfortable. Sa wakas ay nakita ko na ang kahinaan
niya. Hindi niya na ako pwedeng bwisitin dahil hawak ko na ang alas.

We spent a few minutes with me asking him tungkol sa mga napanood niya. I was
laughing so hard dahil ang cute pala ni Preston nung bata siya. He's full of
mischief! Muntik na pala siyang ma-kickout dahil nagdala sila ni Parker ng FHM sa
Bring A Book Day sa school nila. Feeling ko tuloy ay mas nakilala ko na siya. He's
also finally talking about other people in

his life maliban sa pamilya niya. He told me about his best friend, si Parker, at
ang problema nito sa kapatid niya. I just had fun listening to him and learning
more about him.

"Tell me about Benny," he said after I was done interrogating him about his life.

"We're both naked tapos gusto mo si Benny ang pag-usapan natin?"

"Is he your first?" he asked. Naka-tingin na naman siya sa mga mata ko kaya
kailangan ko na naman ng salbabida. SOS. Send help.

I remained silent. I could answer him... but for some reason, I found it hard to do
so. His eyes were on me and I was afraid that with one wrong word, I could take the
glint away. And I didn't want that. Kaunti lang ang mga tao na kagaya ni Preston-so
carefree. He's actually a breath of fresh air.

He got off of me and laid beside me. "We've been together for a really long time,
Preston. Ano'ng feeling mo? Nagjack en poy lang kami?"

"What's wrong with jack en poy? Masaya namang laruin."

"Galit ka?" He kept silent. "Galit ka?" kulit ko ulit sa kanya. "Big deal ba sa
iyon kung sino ang una?"

I waited for his reply. I just wanted to know his thoughts... kahit na wala naman
na talaga akong magagawa. It already happened. Kagaya ng sinabi niya, he just got
to take it or leave it.
He sighed. "No," he said. "But it made me want to punch your ex in the face." He
pulled me closer and kissed me on the side of my head. Biglang gusto ko siyang
bigyan ng Nido para naman ma-check ang label.

We stayed in each other's arms for a while before things finally happened. Sa
wakas, alam niya na kung saan nilalagay

dapat ang mga bagay-bagay.

* * *

When the new morning rolled in, I felt sore all over-but no regrets. Na-pressure
yata si Preston at na-bwisit dahil tinutukso ko siya kaya ang loko, nagpaka-
performer talaga. Kulang na lang mag-acrobatics.

Umaga pa lang ay umuwi na kami dahil gusto na naming makita pareho si John. Also,
Mother Biscuit was asking for John.

"Gusto mong sumama?" he asked while walking around topless. Napapa-tingin ako sa
kalmot sa likod ni Preston.

"Nope," I answered. I was aware that his mom didn't like me. Ayoko naman na ipilit
ang sarili ko sa tao na ayaw sa akin. "At saka kausapin mo na 'dun 'yung Mama mo.
'Wag kang uuwi dito hanggang hindi kayo okay."

"Okay," he replied while wearing that damned shirt. It's such a shame that he had
to wear shirts. Kung pwede lang na maglakad na lang siya ng naka-topless araw-araw,
e. Pero baka magka-crush pa sa kanya si Melanie at bigyan ako ng attitude lalo.

Nang umalis sila ni John, I decided to go out. Magkikita kami ni Venice sa mall.
Pagdating ko roon, nandun na siya sa coffee shop.

"Nadiligan ka, 'teh? Blooming, ah!" she said upon seeing me.

"Ewan ko sa 'yo," I replied tapos umorder na kami. She began to ask me about my
status with Preston. She kept on pressing ka feeling ko ay na-trap na ako sa isang
sulok. "We're... I don't know. Hindi ko alam."

"Teh, ang tanda mo na para sa friends with benefits na hanash!" she said. "Bakit
hindi mo tanungin?"

"Nakaka-hiya."

"Nagtikiman na kayo at lahat, nahihiya ka pa?! Nakakaloka!" sabi niya. Nahihiya


talaga ako sa

sarili ko kapag sinasabi niya iyong tikim. Wala ba siyang ibang mas matino na
term?!

"Mahina pa, Ven. Lakasan mo pa at hindi pa yata naririnig nung mga barista iyong sa
tikiman namin ni Preston!" I glared at her.

"E kasi naman! Tanungin mo na!" she prodded. As if naman madali lang na magtanong,
'di ba? At saka kahit naman ako, hindi ko pa alam kung ano kami ni Preston. I just
wanted to take things slow. One step at a time ba.

"He obviously has feelings for you," she said.

"Feelings mo mukha mo."


"Teh, 'yung itsura ni Preston na 'yan, mangalabit lang 'yan ng babae sa gilid for
sure bibigay na agad, e. Feeling pretty mo naman masyado kung ikaw pa ang aayaw."

I sighed. "Hindi naman kasi ganun, Ven. My point is, Preston and I, magulo kami. We
started out wrong. Ngayon lang kami naging maayos. Paano kung kapag nagtanong ako,
magulo lang ang lahat?"

"So, kuntento ka na sa ganyan? Na magulo? Na walang label? Na tikiman lang pag may
time?"

I shrugged. "I just don't want to mess things up. And he's just 21. Hindi pa 'yung
magseseryoso."

"And you're only turning 24, Nari. Hindi ka 42, okay? 'Wag ka rin masyadong
seryoso," she said. "And think about John. Ano sa tingin mo ang mafi-feel niya
kapag nagtitikiman lang ang parents niya?" Gosh. Sarap lagyan ng busal ng bibig ni
Venice.

* * *

Preston decided to stay at their house for the night. Ayaw kasing pauwiin si John
ng parents niya. At ayoko rin naman na maiwan mag-isa si John doon. At isa pa,
kailangan ko rin ng time para mag-isip... at magpractice. Paano ko nga ba kasi
tatanungin si Preston?

"So...

ano'ng status natin?" Ganon? Hindi ba pwede na padalhan ko na lang siya ng


relationship request sa fb at bahala na siya magconfirm o deny? Jusko! Ang hirap
naman!

At isa pa, hindi pa rin naman ako sure kung ano talaga ang nararamdaman ko. It's
still too early to tell. Alam ko lang na nag-e-enjoy ako sa presensya niya sa buhay
ko at ayoko na may iba siyang binu-bwisit. I still didn't know how to put it all
together. Scary shit.

"Akala ko mamaya pa kayo uuwi?" I asked when they arrived. Agad kong kinuha si John
sa kanya.

"Yeah. May biglang pupuntahan sila Mama, e," he explained.

"Ah... nag-usap na kayo?" He nodded. "Kamusta?"

"Awkward as fuck," he replied. "But it went well... I guess."

I looked at his face at halata na medyo gumaan ang aura niya. I was just happy for
him. Alam ko na mahirap na magdala ng sama ng loob. I was just trying to help him
lessen the burden he's carrying. Alam ko naman na minsan makulit ako but I was just
doing it for him. I didn't want him to live in anger with his mom.

"So, okay na kayo?"

He shrugged. "Okay naman kami ni Mama. We just have our differences. But we already
addressed our problem about Tito Parker."

I smiled at him. John was tired kaya bagsak na agad ang munting prinsipe. Napagod
siguro sa pakikipaglaro sa mga Uncle niya. At dahil wala si John, Preston asked me
kung gusto ko na sa labas na lang kami kumain. And I agreed, syempre.
He wanted to go to a posh resto ni Makati but honestly, I just wanted some Chicken
Joy. Na-stress talaga ako dahil hindi pa pala nakaka-kain si Preston sa Jollibee. I
mean, seryoso ba siya? Chicken Joy is life!

"Seryoso?" I asked.

"We're a bit sheltered, I guess," sabi niya habang sarap na sarap sa thigh part ng
Chicken Joy.

"Naka-sakay ka na sa jeep?"

He shook his head. "I have cars, bakit ako sasakay 'dun?"

"Curious lang ako... ano ang trabaho ng parents mo?" I asked. I was dying of
curiosity!

"Just ask Papa. Nakakatamad magpaliwanag," sabi niya at saka tumayo para bumili pa
ng extra-fries. Kapag talaga akala mo mabait na si Preston, bigla na naman niyang
isusuot iyong detachable niya na sungay.

The night continued with me interrogating Preston. He willingly answered habang


nag-e-enjoy siya na kainin iyong fries niya. Medyo worried lang ako dahil baka
mawala iyong abs niya sa dami ng carbs na kinakain niya. Pagpupush-up-in ko nga 'to
pag-uwi namin.

"Why are you suddenly interested?" he asked.

"Masama?"

He shook his head. "Nakaka-panibago lang na may pakielam ka."

Inirapan ko nga. Umaattitude na naman. "Grabe siya, oh. May pakielam naman ako."
Magsasalita pa sana ako pero nagvibrate iyong phone ko. Si Mama iyong tumatawag. I
excused myself at kinausap ko muna si Mama. Nangangamusta lang naman siya. Still
bugging me kung ayaw ko pa raw ba sumunod sa Canada e ready na raw 'yung Visa ko.
Kulit ni Mama.

Pagbalik ko, Preston was already finished with his fries.

"Won't you introduce me to your mom?" he asked.

"H-ha?"

"I already introduced you to my family. Ipakilala mo ako sa Mama mo," he said-or
more like ordered. "Then let's go visit your dad's grave tapos pakilala mo rin
ako." Wow, sobrang demanding.

"Seryoso ka?" I asked him.

He nodded. "I know I don't seem serious and I rarely am serious. But I am serious
about making things work between us."

=================

Things To Consider
#IWHFFSE24 || Things To Consider

"It's still too early..." Preston said. His voice was kinda raspy dahil kakagising
niya lang. Minsan, hindi ko gets si Preston. Pa-virgin pero hinahatak naman ako sa
kwarto niya kada gabi. Tapos minsan, sasabihin na nakokonsensya siya pero ang
susunod na gagawin, magpeperform. Ang gulo niyang tao, sa totoo lang!

"Magluluto ako," I said, trying to see in the darkness. Hindi kasi nakaka-tulog si
Preston kapag maliwanag. Kaya pagkatapos ng tikiman sessions-gosh nakakahawa si
Venice-mag-eeffort na tumayo si Preston para patayin ang ilaw. Though, sino ba
naman ako para magreklamo e ang sexy kaya ni Preston lalo na kapag nakatalikod.

"Wag na," he said, pulling me back in bed with him. "Papa invited us for lunch."

"Asa ka naman na pupunta ako sa inyo," I said, trying to peel his hand off me.

"Okay na si Mama."

"Weh."

"Yeah," he said and then pulled me back again. Hinatak niya ako hanggang sa yakap
niya na ako. "So, just stay in bed with me, okay?" I shrugged. Mag-iinarte pa ba
ako?

"Pwedeng itanong kung ano ang pinag-usapan niyo ng Mama mo?" I asked him. His eyes
were still closed. Tempted talaga ako na hatakin ulit iyong pilik-mata niya pero
nung huling beses na ginawa ko kasi, nagalit sa akin si Preston. May balak raw ba
ako na bulagin siya. Ang OA talaga.

"Why?" he asked.

"I'm just curious," sabi ko sa kanya. I witnessed how serious they were before-how
they were at each other's throats. Hindi ko lang kasi akalain na may mga ganito
pala talagang nangyayari sa totoong buhay. At hindi rin kasi

ako sanay. Close kasi kami ng Mama ko. Nagulat lang ako na posible pala na
magkaroon ng ganoong kalaking lamat ang relasyon ng mag-ina. Nakaka-lungkot. And I
just wanted to understand Preston.

Preston opened his eyes and then looked at me. I brushed the stray strands of hair
off his face. He's so pretty. He's the perfect definition of pretty boy.

"I asked her if she loves Papa."

"Magiging lima ba kayo kung hindi niya mahal ang Papa mo?" I asked. Ano 'yun?
Performers lang din talaga sila ni Tito Shiloah?

Preston glared at me. I smiled. "Ang ibig kong sabihin, I wanted to know if she
loves Papa the way he deserves to be loved."

"Preston, iba-iba naman kasi ang mga tao. May iba na todo-bigay kung magmahal. May
mga tao na pabebe kung magmahal. May iba na nahihiyang mag-express ng pagmamahal.
Iyong sa Mama mo, sure ako na she's loving Tito Shiloah the way she sees fit," I
told him. I hope I was able to get my message across. Gusto ko lang din kasi na ma-
resolve na ni Preston iyong issues niya with his mom. I didn't want him to go on
living na may mga ganitong bagay na dala-dala.
"And I believe that Tito Shiloah will be happier kung magkaka-ayos na kayo ng Mama
mo. Maawa ka naman sa Papa mo, siya ang naiipit sa gitna niyo ng Mama mo," I
continued.

"I already said sorry."

"Sorry is good... but you better act on it. Simulan mo sa hindi pagsagot-sagot sa
Mama mo," I reminded him. Kahit nga ako na naririnig ko lang iyong pagsagot niya sa
Mama niya, sumasakit ang tenga ko, e. I believe that no mother should experience
being shouted at by her own child. Hirap

kayang magbuntis tapos sisigawan ka lang?

"Why are you defending her?" he asked. "Ayaw niya sa 'yo."

"Alam ko. But as a fellow mother, gusto ko lang na maging maayos kayo. Iniisip ko
pa lang na sasagutin ako ni John sa future, sumasakit na ang ulo ko," I said. Kaya
nga aside sa Science books, nagdecide ako na magdagdag ng stories na about sa good
moral and right conduct sa mga binabasa ko kay John tuwing gabi. 'Wag talagang
lumaking sutil 'yang si John kagaya ng tatay niyang may attitude.

"John will be a good kid," he said, looking into my eyes. Nako! Ayan na naman 'yang
tingin na 'yan! Alam na alam ko kung saan papunta 'yan! "Because you're a great
mom."

Pabirong sinampal ko si Preston para hindi niya na ako tignan. "Ewan ko sa 'yo.
Tara, tulog na ulit tayo," sabi ko at saka bumaling sa kabila. "Kulit! Matutulog na
nga ulit ako!" sabi ko nung hinatak niya ako pabalik sa side niya.

"Hindi na ako inaantok," he said.

"So? Problema ko?" His hand snaked its way to my stomach. He was smiling
mischievously. "Napaka-landi mo."

"Your fault. Sinimulan mo," sabi niya tapos hinalikan niya iyong leeg ko.

"At napatunayan mo na na performer ka," I said and then closed my eyes to enjoy the
sensation he was making me feel. Napa-dilat ang mga mata ko.

"Like it?" he asked, my eyes were still open wide. "Learned something new today."

Hindi ko napigilan na tumawa. "Nagresearch ka pa sa Internet? Really?" Nawala na


ako sa mood at gusto ko na lang umiyak habang tumatawa. Ang cute talaga ni Preston!
Simula nung nalaman ko na ako pa lang pala talaga, palagi na siyang

nag-e-effort para patunayan na magaling siya. Minsan, gusto ko na lang magmakaawa


na tumigil na siya dahil pagod na talaga ako. Pero dahil marami siyang gustong
patunayan, inaabutan na kami palagi ng umaga.

Si Preston at ang mga gusto niyang patunayan sa buhay.

He shamelessly nodded. "I hate it when you call me newbie in bed," he said and then
rolled me over hanggang nasa ibaba niya na naman ako. Na-distract na naman ako sa
abs niya. "Prepare to be astonished, Nari Miranda," he continued and then went
further down.

* * *
When we finally woke up, mabilis akong naligo dahil pipili pa ako ng isusuot ni
John. Ewan ko ba, tuwing makikita ko ang Mama ni Preston, sobrang kinakabahan
talaga ako. Tanggap ko na naman na never kaming magiging besties pero kahit na
ganoon, sana naman maging civil siya sa akin. Sa ayaw at sa gusto kasi namin,
connected kami dahil nanay ako ng apo niya.

"Ready?" Preston asked.

"Yup," I replied, nilalagyan ng baby powder si John.

Habang papunta kami sa bahay nila, hindi ko mapigilan na kabahan. First time ko
kasi na pupunta sa teritoryo ni Mother Biscuit. I already reminded myself to be at
my best behavior. Ayoko kasi na bigyan pa siya ng mas maraming rason para ayawan
ako. Hindi ako pwedeng umattitude.

"You're shaking," Preston said. Magkatabi kami sa likod. Sa wakas, nagkaroon na rin
ng silbi iyong driver sa bahay. Mahilig kasi magdrive si Preston kaya wala ring
ginagawa iyong driver.

"Malapit na ba tayo?" I asked and he nodded. "Basta, kahit awayin ako ng Mama mo,
shut up ka na lang, ha?"

Kumunot ang noo niya. "Of

course not. Bakit ko papabayaan na awayin ka niya?"

I sighed. "Concern is appreciated, but not needed. Magconcentrate ka na lang sa


pagiging okay niyo ng Mama mo," I said. I really just needed them to be okay. Kebs
ko na iyong sa amin ni Mother Biscuit. Magagawan iyan ng paraan in the future.

"Fine. But if she-"

"Preston, seriously, okay lang ako. I'm stronger than what you think. Hindi ako
iiyak kapag inaway ako ng Mama mo. Mas matatahimik ako kung magkakabati na talaga
kayo," I told him. "So, just be good to your Mom."

Pagdating namin sa bahay nila, agad na sinugod nung kambal si John. Tawang-tawa ako
dahil hingal na hingal si Riley. Wala pala talaga siyang leeg kagaya ng kwento ni
Preston.

"Mama's still baking," sabi ni Finley. English speaking talaga ang mga batang 'to.

"I'm hungry..." malungkot na sabi ni Riley habang naka-tingin sa formula na iniinom


ni John. Jusko, baka agawan niya pa ng gatas ang pamangkin niya.

Tinignan ako ni Preston. "Gusto mong magpahinga muna?" he asked. I nodded. Napagod
na naman kasi ako bago pumunta rito. Pagpasok namin, agad naming naka-salubong si
Tito Shiloah. Ewan ko sa sarili ko bakit ako nagblush! Alam niya kaya na performer
din ang anak niya? Gusto kong magthank you dahil nabuhay ang performer na si
Preston dahil sa kanya. God! Ano ba 'tong iniisip ko.

"Good afternoon po," bati ko kay Tito Shiloah. He smiled at me and asked me how I
was. Muntik ko pa masabi na fulfilled ako in all aspects and I was feeling
confidently beautiful. Pinigilan ko lang ang sarili ko. E 'di mas lalo akong ginera
ni Mother Biscuit kapag nalaman niya

na hindi na Rated PG sa bahay?

Hinatid muna ako ni Preston sa kwarto niya para matulog.


"I'll just call you kapag okay na," he said. I nodded. Gusto ko naman kasing
matulog muna talaga. At isa pa, baka mag-uusap sila ng Mama niya. "And yeah, I'll
be good to Mama."

I tousled his hair. Ang lambot kasi. Ano kaya ang shampoo niya? "Do that. At bumawi
ka dahil bata pa lang, ma-attitude ka na."

Nang bumaba na si Preston, hindi ko mapigilan na maglibot sa kwarto niya. Nakaka-


loka dahil may sala siya sa kwarto. Mukhang apartment na 'tong kwarto ni Preston,
e. May mga pictures pero mostly, family pictures. Family oriented pala talaga 'tong
tao na 'to kahit hindi halata. Nandun din pala iyong picture nung kapatid niyang
babae. Maganda, in fairness. Nandun din iyong group picture nila ng barkada niya
pero si Benj lang ang familiar sa akin. Pati picture ng team niya sa soccer.

Pupunta na sana ako sa kama para mahiga nang may mapansin ako. Mayroong maliit na
box na nakalagay sa isang gilid. I reached for the box. May naka-lagay na note sa
labas. Kuya, Ate Kath dropped this off for you. Iyon ang nakalagay. And even then,
I knew it was a clue para tumigil na ako. Alam ko na dapat na bitiwan ko na iyong
kahon dahil alam ko na hindi ko magugustuhan kung anuman ang makikita ko roon.

But since I never did what was good for me, binuksan ko... There were plenty of
items inside the box. Sumasakit na agad ang ulo ko pero nagawa kong kuhanin iyong
isang papel. And there was Preston's handwriting.

10 reasons why you should believe that I'm serious about you kahit

feeling mo niloloko lang kita:

1. Gwapo ako

2. Gwapo ako

3. Gwapo ako

4. Gwapo ako

5. Gwapo ako

6. Isa pa, gwapo ako

7. Hot din ako

8. 8 ang abs ko, si Psalm 6 lang

9. Mas matangkad ako ng 1 inch kay Psalm, kaka-check ko lang

10. Kasi patay na patay ka sa akin

Ps, ginawa ko na iyang kaartehan na listahan mo kaya wag ka ng maarte. Iaccept mo


na ulit ako sa facebook. Delete mo si Psalm.

Pps, puntahan mo naman ako bukas! Mukha na akong tanga kaka-hintay sa 'yo last
time!

Sumikip ang paghinga ko nang mabasa ko ang sulat na ginawa ni Preston. Why was I
even doing this to myself? Okay na kami ni Preston, e. Oo, wala kaming label but
we're happy. Bakit ba kailangan kong gawing issue ang meron sa kanila ni Kath? It
wasn't as if Preston kept her a secret from me. And it was clear that it was my
fault why they weren't together anymore. Had I been more careful with my words,
hindi naman sila mag-aaway.

I closed my eyes and tried to even my breathing. I shouldn't let this bother me.
This was a thing in the past.

'But Preston never said that he's over Kath...' sabi ng maliit na parte ng isip ko.
Mabilis akong tumayo para lumabas. I wanted to see Preston. I wanted to talk to him
and to finally ask him about us. Hindi ko pala talaga kaya na ganito kami. I
thought this was fine... na basta maayos kami, okay na ang lahat. But I was just
lying to myself kasi alam ko na mas nakakaloko iyong ganito na walang definition.

Nang makababa ako, agad na hinanap ko sila. Kasama niya ang Papa niya. I was about
to call him nang marinig ko ang pangalan ko.

"I don't know about marriage, Pa..." he said.

"I don't want to meddle with your life, Preston, but John's growing."

"I know. And I'll be there for him."

"And you're living with Nari. Alam ba ng magulang niya na magkasama kayo kahit
hindi kayo kasal?" Tito Shiloah asked.

"No. I don't think they're even aware about John."

"I think Nari's great for you. She's mature and she's the mother of your son. And
you like her, right?"

"Yeah. I like her, Pa. But is like enough for me to marry her? And the last time
someone proposed to her, she ran away. Natatakot lang ako na baka takbuhan niya ako
at isama niya ang anak ko."

"Think about it, Preston. Consider it. Think about John."

I wanted to leave. I didn't want to listen to their conversation anymore. Hindi ko


alam kung bakit nasasaktan ako kahit wala naman dapat akong maramdaman. Preston was
right. Marriage isn't something you do out of convenience... but why was this
bothering me a lot?

=================

The Question

#IWHFFSE25 || The Question

I had been avoiding Preston like a plague. Lahat na ng pwedeng idahilan ay


naidahilan ko na. Lahat na yata ng kasinungalingan ay nasabi ko na para lang 'wag
niya akong kausapin. I just... didn't want to deal with him. Didn't want to deal
with him and his complicated feelings.

Kung hindi lang para kay John, I wouldn't accepted the chance to get relocated to
the new office in Cebu. Ewan ko ba. I just needed some space and time to think. At
hindi ko nagagawa iyon dahil tuwing umuuwi ako sa bahay, mukha ni Preston ang
nakikita ko. At sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko kung paano niya sabihin na
gusto niya ako... at hindi sapat na gusto niya lang ako para pakasalan ako.

And he was right. He was fucking right for saying that. And he's just what? 21? I
understood him for hesitating but it was bothering me and I hated it so much!

"Hey." Napatigil ako nang marinig ko ang boses na 'yun. Agad kong nakita si Preston
na nasa harap ng pintuan ko. "Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot," he
said, wearing that usual lazy smile that I liked.

"Ah... sorry, marami lang iniisip," I said. "Bakit ka nga pala nandito?" I asked. I
did my best to avoid him pero dito rin pala niya ako mahaharang sa office.

"Busy ka kasi lately. Lunch tayo," he said.

"May ocular visit sa isang site."

"Kahit lunch time?"

I nodded. "Strict iyong client," I lied. My schedule was free as a bird. Kakatapos
ko lang kasi ng malaking project kaya pahinga muna ako. Nang makita ko si Benny,
agad ko siyang tinawag. "Kailangan na ba tayo sa site?"

I said, nanlalaki ang mga mata para ma-gets niya na ginagawa ko siyang dahilan.

"Ha?" he said, clueless. Kinurot ko siya. "A-ah. Oo, hinahanap na tayo."

I went back to the office and quickly grabbed my bag. "Sorry, ha? Work duty," sabi
ko kay Preston. Naka-kunot ang noo niya. Alam ko na may issue siya kay Benny kaya
naman alam ko na si Benny ang pinaka-effective na dahilan para tantanan ako ni
Preston.

Mabilis akong naglakad palabas para hindi ako abutan ni Preston. Benny was tailing
behind me. Sa fire exit ako pumunta. I didn't even want to risk riding in an
elevator with Preston. His presence was becoming too much. I needed space to calm
myself down.

"I'm sorry," I told Benny. "Nadamay ka pa."

He smiled a little. "Okay lang. May problema kayo?"

Tinignan ko siya. How did we come this far? Ni hindi ko inisip na posible pala na
maging ganito kami ni Benny. Akala ko talaga ay hindi na kami makakapag-usap nang
maayos kahit kailan.

I nodded. "Want to talk about it?" he asked.

"Hindi ba awkward?"

Naupo rin siya sa hagdan katabi ko. "It will be awkward if we'll make it awkward."

I smiled. "Question. Since mahilig kang magpropose, paano mo malalaman na gusto mo


ng magpakasal?" I asked. Natawa siya sa akin at saka ginulo iyong buhok ko.

"Hindi ko alam, e. Basta malalaman mo na lang. Na magigising ka isang araw, maiisip


mo na gusto mo ng pakasalan iyong mahal mo."

"Iyon lang? Wala ka bang mas concrete na explanation d'yan? Sayang ang pagka-magna
cum laude mo kung hindi ka matinong mag-explain, Benny."
He sighed and then looked at me.

"Marriage isn't just a union based on paper, Nari. It's a life-long commitment.
Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit natakot ka dati. Kasi hindi ka pa handa."

"Ikaw? Handa ka?"

He nodded. "I don't think living the rest of my life with the person I love is a
scary thing," he replied.

"Paano kung hindi mo mahal?" I asked.

"Then why get married at all?"

* * *

Napagdesisyunan ko na umuwi nang maaga. Hindi ko pa rin alam kung paano kausapin si
Preston but I would try. Hindi naman ako galit sa kanya dahil sa mga sinabi niya...
I was just hurt. Weird, but I was hurt.

Pagdating ko sa bahay, agad na hinanap ko si John and upon knowing that he's still
taking his nap, agad ko namang hinanap si Preston para kausapin. Sinabi ni Melanie
na nasa garden daw si Preston at may kasama. Akala ko naman e si Benj ang kasama
niya kaya nagpunta agad ako roon. But if I wasn't mistaken, he's with Parker-iyong
best friend niya. They were drinking beer.

"Just give it up, Parker. Sigurado ka ba na kapag umuwi si Imo, limot niya na si
santo?" Preston said.

"Wag mo nga akong pakielaman. Do I stick my nose in your business?"

"Bakit ka ba kasi naghahabol sa babae na may hangups sa past?" he asked.

"Gago, kapatid mo 'yung babae na hinahabol ko," sabi nung Parker. "And who are you
to talk? 'Di ba may issue rin si Nari sa ex niya?"

This was the first clue. Hindi dapat ako nakikinig sa mga taong nag-uusap lalo na
kapag ako ang pinag-uusapan nila. It's never a good idea to listen to what others
say about you. Masakit kasi kapag hindi ugma sa gusto mong marinig. Masakit

na malaman kung paano ka talaga nakikita ng ibang mga tao. That their perception
isn't as good as what you hope it would be.

"Yeah... and I saw them talking again earlier. Hindi ko maintindihan. She acts like
she likes me then she talks to her ex. Gulo niya."

"Di ba kinakausap mo rin naman si Kath? Fair enough."

"Hindi, ah. Gago lang ako pero hindi ko gagaguhin si Nari. The moment I learned
about my son, I decided to stop whatever I was feeling for Kath."

"Di mo na kinakausap?"

"Hindi. I just send her flowers as an apology. Para kasing ang gago ko sa kanya
nung nililigawan ko siya. Tapos mas ginago ko pa siya sa harap ni Tita Min..."

"Gago ka talaga. Paano magmomove on kung palagi mong pinapadalhan ng bulaklak?"


"Hindi ko alam. Naka-usap mo ba si Kath?"

"Yeah. Last week. But I just asked her about Imo. She also doesn't know Imo is so
that's the last time I talked to her," Parker said and then drank beer. "Try asking
Benj."

Preston scoffed. "Asa."

"If he's courting Kath, don't take it against him. Ikaw 'tong gago na niligawan si
Kath kahit alam mo na may gusto si Benj, e."

"Gago ka rin. Ikaw 'tong kinukulit ang kapatid ko kahit may boyfriend."

Tapos nagtawanan silang dalawang gago. Mabilis akong tumalikod. Handa na sana akong
umalis nang may marinig akong tanong na nagpahinto sa akin.

"But seriously... are you considering marrying her?"

"Yeah."

* * *

I acted normal. I tried to talk to Preston the normal way. I just couldn't pretend
that I was normal tuwing gabi. I just couldn't kiss him the way I used to. Masyado
akong maraming iniisip.

"Is

everything okay?" he asked.

I nodded and smiled. "Yeah. Bakit?"

"You seem weird," he said as he was tracing patterns on my arm. It was a weekend
and I was dreading it. Ibig sabihin kasi ay wala akong trabaho. Ibig sabihin ay
buong araw na kasama ko si Preston. At sa tuwing nakikita ko siya, naiisip ko ang
mga sinabi niya. Naiisip ko kung gaano kabilis nagbago ang isip niya. Na gusto na
niya ako biglang pakasalan.

"May natitira pa ako na company leave," I told him. He looked at me, his eyebrow
knitted. "Naisip ko kasi na pwede na pumunta muna kami ni John sa Canada," I
continued. Baka rin kasi kailangan ko muna ng distansya mula sa kanya. Baka
makapag-isip ako nang maayos kapag malayo na muna ako sa kanya.

I just couldn't keep on sleeping with him while worrying about my feelings and what
would happen in the future.

"Sama ako," he quickly said.

I smiled. "Next time. Baka kasi magulat si Mama," I reasoned.

"Sa hotel muna ako tapos magpapakita na lang ako kapag okay na," pamimilit niya.

I looked into his eyes and he was adamant to go with me. I wanted to take him with
me, too, but things were just really complicated. Gusto ko na maging maayos muna
kami bago ko siya ipakilala kay Mama. It's one thing to be the father of my child,
it's another to be introduced to my family. I just didn't want to disappoint my mom
again. She was devastated nung naghiwalay kami ni Benny. I didn't want to bring
another temporary guy.
"Okay," I said. "Pero tatanungin ka ni Mama ng mga weird na tanong."

"Gaya ng?"

"Mahal mo ba ako?"

Pakiramdam ko ay

tumigil ang oras. Naka-tingin ako sa kanya. Alam ko na nabigla siya sa tanong ko
pero gusto ko lang ulit na marinig. O baka umaasa ako na magbago iyong sagot niya.

Lumipas ang ilang segundo na wala akong nakuhang sagot kay Preston. He's stunned...
probably too stunned to even come up with a lie that was his feelings for me. I
knew he like me... but was that enough? Was that enough for him to even consider
marry me?

"Tignan mo, hindi ka makasagot," I said and then forced myself to smile. My chest
was tightening. I needed to get away from him already. Baka kung ano ang masabi ko
sa kanya. "Kaya next time ka na lang sumama."

I stood up and walked away. This was bad.

This was fucking bad.

* * *

"Teh, bakit mogu-mogu ang iniinom natin?! Nakaka-loka!" sabi ni Venice sabay inom.
I just didn't want to get drunk again. Makikita ko na naman si Preston pag-uwi ko.
Ayoko na magperform na naman kapag ganito na naguguluhan ako.

"May problema ba?" she asked.

"Malaki..." I sighed. Tuwi na lang hapon, natatakot akong umuwi.

"Ay... pumapag-ibig ka na ba? Finally, nagpaid off na ba ang pagiging performer ni


baby daddy?!" she asked and then squealed. Mabilis kong tinakpan ang tenga ko at
binato siya ng chips. "Ito naman! Ano nga ang problema? Tutal waley naman akong
love life kaya makikiproblema na lang ako sa problema mo."

I sighed again. "Kasi... narinig ko na balak magpropose ni Preston."

"Sasaktan kita kapag hindi ako maid of honor!"

"Gaga! Nagpropose na ba?"

Natigilan siya at tinignan ako. "Wait... ano'ng plano mo?"

I sighed for the third

time. "Hindi ko alam. Naguguluhan ako," sabi ko sabay inom ng Mogu-Mogu. Bakit ba
kasi ang landi ko kapag nalalasing?! "I mean, sa kanya na mismo nanggaling na hindi
niya ako mahal kaya bakit siya magpo-propose, 'di ba?"

"Di ba sa 'yo na rin nagsabi na religious ang family ni Preston? Nagtaka ka pa?
Syempre gugustuhin ka nung pakasalan para complete family kayo," she lectured.

"But we're not in love-"

"-yet," she cut me off. "Don't discount the possibility of falling in love with
him, Nari. Iyan nga na ilang buwan pa lang kayong magkasama, nagtitikiman na kayo.
Tapos may anak pa kayo. Sure ako na maiinlove ka rin sa kanya... so please, kapag
nagpropose, tanggapin mo. May engagement na tinatawag, bakla ka. Kahit gawin mo
pang long engagement basta 'wag mo lang takbuhan."

I drank the whole bottle of Mogu-Mogu. "I just don't want to get married kung hindi
ako in love... at paano kung hindi ako mainlove sa kanya?"

She shrugged. "Then you should probably stop fucking the poor guy. 'Wag mong gawing
charity case ang pagpeperform. At sabihin mo sa kanya 'tong mga sinasabi mo sa akin
kaysa takbuhan mo iyong tao."

* * *

Isang araw, pag-uwi ko, nagtataka ako kung bakit maraming sasakyan sa drive way. I
shrugged it off thinking that Preston probably invited his friends over. Bahay
naman niya 'to so pakielam ko ba kung may papuntahin siya.

Pagpasok ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mama at si Sari. Even
Preston's parents were there.

"What-"

Preston was looking at me. He was smiling. "I know you said that you want to tell
your mom yourself but I couldn't wait," he said. "I went to Canada last week and
told her everything."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Everyone was looking
at me. I could feel their eyes on me.

"Wait, what?" tanong ko, naguguluhan. I still couldn't wrap my head around what's
happening. Bakit nandito sila Mama? Bakit nandito ang mga magulang niya? What the
fuck was happening?!

"Nari Francesca, I know we started on the wrong foot. We got John first before we
knew each other... but knowing you, learning more about you, it made me realize
that I want to know more, to learn more."

Parang nahigit ko ang hininga ko. Why was he doing this? Why was he doing this in
front of eve

"This is probably the reason why I can't always remember your last name... kasi
gusto ko ring palitan ng Suarez," he said and then took out a box from his pocket.
He looked me in the eye and said, "Marry me?"

=================

Strangers

#IWHFFSE26 || Strangers

"Marry me," he said.

I stared at him, blinking. Naririnig ko iyong mga salita pero hindi ko


maintindihan. What the fuck was happening?

Lumapit sa akin si Preston at hinawakan iyong kamay ko. The lazy smile was very
visible but I wasn't feeling it. "Let's give John a complete family, alright?" he
asked, looking at me and holding my hand. Akma niyang ilalagay sa daliri ko iyong
singsing pero ramdam na ramdam ko ang takot niya.

He's afraid that I'd run away and take John from him... kaya ba ginawa niya ito? Sa
harap ng mga magulang niya? Sa harap ng nanay at kapatid ko? Pakiramdam ko ay unti-
unting nawawala ang hangin sa dibdib ko. I felt betrayed. I felt ganged up on. I
felt pushed to the corner and had nowhere to go. Ramdam na ramdam ko ang tingin
nilang lahat sa akin. Na para bang hinihintay lang nila na sabihin ko na oo,
magpapakasal ako.

Preston was looking at me, fear was visible in his eyes. I couldn't believe him.
Nirespeto ko iyong sinabi niya na hindi siya sigurado kung papakasalan niya ako.
Because like him, I believed that whatever we had, it wasn't enough to get married.
Na hindi na dahilan na may anak kami para mapilitan kaming magpakasal.

I trusted him... I respected his decision... why couldn't he do the same for me?

Pinilit ko na ngumiti. I didn't want to destroy the illusion for everyone. I didn't
want to break my mother's heart again. "Of course," I said with a forced smile.
Nakita ko na nabunutan ng tinik sa dibdib si Preston. Ngumiti ako habang sinusuot
niya iyong singsing sa daliri

ko. And when he hugged me, I told him, "Let's talk."

"What?"

My lips were quivering. "After this, let's talk," sabi ko sa kanya at saka inalis
ang yakap. I looked at Preston hard. I wanted to him to feel that I wasn't happy
with his decision. Ano ba ang pumasok sa isip niya at naisipan niya na magandang
ideya itong ginawa niya? We weren't even in a relationship! Tapos kasal agad ang
gusto niya?!

God. He's really making me crazy!

I went to my mother and hugged her tight. Kitang-kita ko na tuwang-tuwa siya kaya
hindi ko masabi ang totoong nangyari. "Ikaw na bata ka..." she said as she hugged
me tight. "Tina-trato ka naman ba nang ayos dito?"

I nodded and hugged her tighter. "Oo naman po," I said. I didn't want to worry her.
Matanda na si Mama. Gusto ko na mag-enjoy na lang siya sa buhay niya.

"Mabuti naman. Akala ko e hindi ka na magkakapag-asawa pagkatapos nung ginawa mo


kay Benny."

I awkwardly laughed. "Ma naman... Ang tagal na nun." Kausap ko si Mama pero ang
tingin ko, na kay Preston. I really wanted this night to end para makausap ko na
siya. Pinapa-sakit niya ang ulo ko.

"Si Ate, oh, hindi maalis ang tingin kay Kuya Preston. Ayieee, in love na in love?"
tukso ni Sari sa akin. Kung kaming dalawa lang ang nandito, sasabihin ko kay Sari
ang totoong nangyari. Siya lang kasi ang makaka-usap ko nang matino dito. Surely,
she'd understand why I was feeling this way. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ni
Preston. I thought we're in this together but he kept on surprising me every step
of the way.
"Hala, Ate, may problema ba?" she asked when

she noticed my discomfort.

"Wala," I answered and drank a glass of wine. I just needed a drink or two.
Sumasakit ang ulo ko kay Preston.

"Totoo?" I nodded. "Good. Gusto ko rin kasi si Kuya Preston para sa 'yo, Ate. Hindi
lang dahil mayaman siya, ha? Pero kasi, kita naman na nag-e-effort siya para sa 'yo
at kay baby John. Mabuti na lang at hindi ka tinopak. Sobrang kinabahan talaga ako
kanina dahil akala ko mag-iinarte ka na naman!"

Buong gabi, pinilit ko na ngumiti. Nang nag-uusap na sila tungkol sa kasal, gusto
ko na lang magwalkout. Pakiramdam ko ang arte-arte ko. It's Preston Suarez, for
goodness' sake! Alam ko na maraming babae ang gusto na mapunta sa posisyon ko, but
still, I'd like it more kung pinag-isipan 'tong mabuti ni Preston.

"Congratulations," sabi ng Mama ni Preston. Nasa taas ng bahay iyong ibang mga tao
dahil pinapakita ni Preston iyong kwarto ni John. For some reasons, mabait ang Mama
ni Preston sa Mama at kapatid ko. Mabuti lang. Ayos lang sa akin kung ako 'yung
sinusungitan niya pero ibang usapan kapag iyong nanay at kapatid ko ang binigyan
niya ng attitude. Kakalimutan ko talaga na nanay siya ni Preston.

"Thank you po," I replied and tried to smile. I continued to look busy sa pag-inom.
Feeling ko iniisip na nila na may drinking problem ako, but that really was the
least of my concern.

"I'm glad that you didn't run away," sabi niya.

"Saan naman po ako tatakbo? Nandito ang anak ko." Halata na nagulat siya sa sagot
ko. I didn't know if it was the wine o dahil lang ba talaga hindi ko na ma-contain
ang inis na nararamdaman ko ngayong gabi.

"Papakasalan mo ba ang anak ko dahil may anak kayo?" tanong niya sa akin. Tinignan
ko siya na mabuti. Alam ko naman na pareho kami. Sinabi sa akin ni Preston na mas
nauna na mabuntis ang Mama niya bago sila nagpakasal ng Papa niya. What made her so
different from me? Pareho lang naman kami.

"I'd rather not answer that po," I respectfully answered. I didn't want to dig my
grave further. Mabuti na lang at nasa taas ang ibang mga tao. Lalo na si Mama.
Ayoko na makita niya na ganito kami ng nanay ng mapapangasawa ko. She'd be hurt
kapag nalaman niya ang totoong nangyayari.

"If you don't love my son, don't marry him," she said through gritted teeth. "Kung
pera ang iniisip mo, tutulungan-"

Malakas na ibinaba ko ang iniinom ko. I tried to keep down my voice but my chest
was already heaving. "With all due respect, Tita, nagta-trabaho ako. I am earning
my own money. 'Wag niyo naman po akong itrato na parang pulubi na mamamatay kapag
nalayo sa anak niyo. Nagawa kong magbuntis ng walang tulong ng anak niyo, and trust
me, I can perfectly raise my own son without your wealth," sagot at saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong niya at tumayo rin.

"Somewhere quiet po," I replied. God, I hated being disrespectful to elders but
she's just pushing all my buttons! Kasalanan ko ba na gusto akong pakasalan ng anak
niya kahit hindi naman kami in love sa isa't-isa? Why was she blaming me?! Ako ba
ang nagpropose ng biglaan?!
Akala ko ay matatahimik na ako pero sinundan niya pala ako. Huminga ako nang
malalim. Kalma, Nari. Baka nakakaranas ng post partum depression kaya

sobrang ma-attitude na naman 'tong Mama ni Preston.

"You don't have to marry him-"

"Would you rather I said no po?" I asked her. Natahimik siya. "Kung problema niyo
po talaga ang pera kahit sobrang yaman niyo na, 'wag po kayong mag-alala dahil pre-
nup po ang una kong aasikasuhin pag-alis niyo."

This night had been so challenging. Akala ko ay kung saan pa aabot ang pag-uusap
namin ng Mama ni Preston.

"What pre-nup?" naka-kunot noo na tanong ni Preston. Sabay kaming napa-lingon sa


kanya.

"Nothing," sagot namin ng Mama niya. Lumapit sa akin si Preston at hinawakan na


naman ako sa bewang. I had always found this gesture sweet but tonight, I just
wasn't having any of it. I was pissed. I wanted to punch him.

"Ma, there will be no pre-nup," sabi ni Preston.

"This is not about a pre-nup, Preston," naiinis na sabi ko. He looked at me,
wondering why I was beginning to get pissed again.

"Then what is it about?" tanong niya sa akin. "You've been avoiding me all week.
You've been avoiding me all night-"

"Exactly!" I cut him off. "I've been avoiding you! Hindi ba ang unang ginawa mo
dapat ay ang tanungin ako kung ano ang problema ko? Kung ano ang iniisip ko? Pero
ano ang ginawa mo?! Nagpropose ka!"

I didn't give a damn anymore kung nandito ang nanay niya. I was just so pissed
beyond words! Gusto ko na marinig niya kung saan ako nanggagaling.

"Then why did you say yes?!" he shouted back.

"Because you cornered me! Nandito ang buong pamilya ko! Ano'ng iniisip mo na
sasabihin ko?!" sigaw ko sa kanya. "You could've at least asked

me first!"

Naka-tingin siya sa akin, hindi makapaniwala sa mga naririnig niya. It felt like we
were back at the beginning. Iyong wala kaming ginawa kung hindi ang mag-away at
magsigawan.

"You could've at least ask me first, Preston..." mahinang sabi ko. Ang sakit ng
dibdib ko. "You could've at least respected my decision."

Pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Sumisikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong


huminga.

"Leave us, Ma," biglang sabi ni Preston.

"Preston-"

"Leave. Please."
Nakaupo ako at yakap-yakap ang binti ko. Ramdam ko ang tingin ni Preston sa akin. I
just wanted to end this day. Gusto kong bumalik sa kahapon. Ayoko ng ganito.

"I'm sorry," Preston said. Napa-tingin ako sa kanya. "I didn't know you'd feel this
way. Hindi ko alam na ganito mo pala ka-ayaw na pakasalan ako."

Napaawang ang labi ko. "No-"

Tinignan niya ako. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa pangingilid ng luha ko
pero pakiramdam ko ay nangingilid na rin ang luha niya.

"I just wanted to give our son a complete family. Hindi ko alam na sobrang sama ko
na pala dahil 'don," he said.

"Preston, hindi naman sa ganon."

"Then what? Why are you making a big deal out of this, Nari?"

"Hindi ba nabibigla ka lang? Kaka-ayos lang natin, Preston. Ni hindi ko nga alam
kung ano tayo-"

"We're together. Ano bang magulo doon, ha, Nari? Ano'ng tingin mo? We're just
fucking each other for fun?" he said, his voice was calm but I felt afraid. He had
never been this serious. I had never made him this furious.

"Do you love me?" I asked him.

Say

yes.

"If I love you, will that change anything?"

It will change everything.

"Mahal mo ba ako, Preston?" tanong ko sa kanya. "Kasi kung hindi mo ako mahal,
hindi dapat tayo magpakasal. Marami ka pang makikilala-"

"Ano naman kung marami akong makilala? I won't fall in love with any of them. I
choose you. Ikaw 'yung gusto kong pakasalan."

I sighed and clenched my chest. "That's besides the point," I said, attemping to
salvage the situation. "Bakit ba kasal agad ang sagot mo sa nangyayari? You're
still too young-"

Naka-tayo ako, naka-tingin kami sa isa't-isa. Everything happened so fast, na


nagulat na lang ako at nandito na kami. I wanted to take back every word I hurled
at him, but I also wanted him to understand.

"Fuck that, Nari. Stop making my age an issue. I'm not afraid of commitment. Sa
ating dalawa, ikaw 'yung takot doon. 'Wag mong ipasa sa akin 'yang pagiging duwag
mo."

Napaawang ang labi ko sa narinig ko.

"Preston, please-"

Tinignan niya ako. The gentleness in his eyes was gone. "If you don't want to marry
me, fine. I won't force myself on someone who doesn't want me."
Naramdaman ko iyong pagtulo ng luha mula sa mata ko. "Preston naman..."

"Do you think proposing to you is easy, huh? I was afraid that you'd reject me and
run away from me! But I wanted to make this work, Nari, pero palagi mo na lang
akong pinapa-hirapan. Every time I'd take a step forward, you'd run backward.
Paulit-ulit na lang. Nakakapagod ka."

Para akong sinasaksak sa mga naririnig ko mula sa kanya. Hindi ko inisip na


maririnig ko rin ito mula sa kanya. I had never thought that Preston would be
capable of hurting me this bad...

God. Had I fallen for him that every word was hurting this bad?

"We started on the wrong foot," I said. "Nauna tayong magka-anak bago tayo
nagkakilala. Ang gulo-gulo nating dalawa, Preston," I said, trying to explain why
this was wrong.

"Yeah."

"Let's start properly, Preston. Hindi naman kasal ang sagot. Let's begin from the
start."

He looked at me, his eyes cold. I was hoping that he'd agree. Na tama ako na mas
mabuti na magsimula kami nang mas maayos. Na hindi tama na tumatalon kami dahil sa
tingin niya, iyon ang dapat. Na dapat magpakasal kami dahil iyon ang mas mabuti
para sa anak namin.

"You're right," he said, gazing in my eyes, through my soul. "Let's just go back to
being strangers."

=================

Normally

#IWHFFSE27 || Normally

It had been almost a month. Hindi na umuuwi si Preston sa bahay. Tuwing nasa
trabaho ako, at saka siya pupunta para tignan si John. Kahit subukan ko na hulihin
siya sa bahay, hindi ko siya ma-tyempuhan. Pakiramdam ko ay may kausap siya sa
bahay para sabihin kung kailan ako wala. At sa trabaho naman, magtataka pa ba ako?
He owned the building. Malamang may control siya sa bawat camera na nandoon.

Nang umuwi ako ng maaga, wala doon si John. Agad kong tinanong kung nasaan siya
pero ang sinabi, kinuha daw ni Preston. I wanted to call him. Hindi pa kasi kami
nag-uusap nang maayos. I tried to explain myself pero parang hindi niya ako
pinapakinggan. He already shut himself from me. Ayaw niya nang makarinig ng kahit
na ano mula sa akin.

"Alam mo kung saan sila pumunta?" I asked Melanie pero hindi niya alam. Wala na
akong choice. Tinawagan ko si Benj. "Benj, alam mo ba kung nasaan si Preston?" I
asked.

"Ah... bakit?"
Huminga ako nang malalim. Magkaibigan sila. Alam ko na alam niya kung ano ang
nangyari. "Gusto ko lang siyang makausap," I honestly said. Paano kami magkaka-
intindihan ni Preston kung ayaw niya akong kausapin? Kulang na lang pagtaguan niya
ako. He's doing everything to avoid me.

"Now is not a good time, Nari," he said.

"Kailan pa?"

"I don't know. You rejected my friend."

"Benj, I didn't reject him-"

He sighed. "Nari, kaibigan ko si Preston. Akala mo lang maloko 'yun pero seryoso
'yun kapag usapang pamilya at kasal. Mahalaga sa kanya 'yun, e. Bilib nga ako na
nagpropose sa 'yo. Ibig sabihin, seryoso talaga

siya. And what did you do? You rejected him."

Ganoon ba nakikita ni Preston ang ginawa ko sa kanya? That I just plain rejected
him? Didn't he even listen to what I said? Na gusto ko na magsimula kami nang
maayos para sa ganon, hindi kami parehong magsisi sa mga gagawin namin. Iyon lang
naman ang gusto kong mangyari.

"Benj-"

"I'm sorry, Nari. I can't help you this time," he said and then ended the call. Why
was everyone against me? Bakit ba lahat sila iniisip na mali ako? Bakit ba hindi
nila ako maintindihan? Na hindi lahat ng babae, tatalon kapag inalok ng kasal. Na
ang kasal, pinag-iisipan nang mabuti. Na ang kasal, isang seryosong bagay. Maraming
dapat i-consider.

Wala na akong malapitan. I couldn't talk to any of Preston's friends dahil lahat
sila, pakiramdam ko ay galit sa akin dahil sa nangyari. Kahit si Tito Shiloah ay
hindi ko malapitan. I knew he's disappointed in me. Tinanggap niya ako nang maayos
sa pamilya nila pero ito ang ginawa ko.

I wish... someone would try to understand me. Na hindi ko naman gusto na saktan si
Preston. I never wanted to hurt him. Gusto ko lang na intindihin niya ako.

Kahit na pagod ako sa trabaho at gusto ko na magpahinga, pinilit ko na manatiling


gising. Gusto kong maabutan si Preston at makipag-usap sa kanya.

"Preston..." I said when I saw him coming with John. Nanikip iyong dibdib ko nang
makita ko siya. It had only been a month but it felt like forever. He's so near but
he felt so far.

Parang biglang ang hirap niyang abutin.

Parang biglang ang hirap niyang hawakan.

"I already fed him," sabi

niya nang iabot sa akin si John. He wouldn't even look me in the eye. "Just change
his clothes and let him sleep."

"O-okay," I replied, too taken-aback by the lack of emotion in his voice. Nang
tumalikod siya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Aalis ka na?" Tumigil siya
at humarap ulit sa akin. He nodded. Ni hindi man lang nagsalita. "Ah... Gusto mo
bang magdinner muna dito?"

He was probably thinking how shameless I was. Na pagkatapos ko siyang ipahiya sa


harap ng nanay niya, nandito ako at inaaya siyang kumain. But I didn't care about
any of that anymore. I just wanted to talk. I just wanted another chance.

"No, thanks," he replied.

Ganito ba maging stranger?

Ganito ba kasakit?

"I'm sorry," I said before he could even turn his back on me one more time. Every
time he did that, a part of me withered. Every time he did that, a part of me loses
hope. Na wala na kaming pag-asa na maging maayos ulit. Na wala na kaming pag-asa na
bumalik sa kung anuman kami dati.

"Yeah, sure," sabi niya at tumalikod na namang muli. Pakiramdam ko ay bumagsak ang
mundo sa akin. He's so cold. I felt like a complete stranger to him. Ramdam ko ang
pagsikip ng dibdib ko. I asked for this... I fucking asked for this but this was
too much for me to handle.

Habang naglalakad siya paalis, naka-tingin lang ako sa kanya.

I felt like he was walking away from me. From us. Na hanggang dito na lang kami. Na
pupunta siya para kuhanin si John at babalik para iuwi. Na hanggang dito na lang
ang magiging ugnayan namin.

He was the father. I was the mother. But we're not together.

* *

Pinilit ko na magtrabaho. Gustuhin ko man na kausapin si Preston, he was still mad


at me. And I knew that when he's mad, he wouldn't dare listen to anyone. Sarado ang
utak niya kahit na ano pa ang gawin ko. I just wanted to save my energy para kapag
kinausap ko na talaga siya, alam ko na ang gagawin.

I was in the middle of doing my work nang dumating ang boss ko. Nagtaka ako dahil
hindi naman niya ako binibisita sa opisina ko.

"Ms. Miranda," he said. Agad na kumunot ang noo ko. He'd always call me Mrs.
Suarez. Ano'ng nagbago? 'Wag mong sabihin na nakarating na rin sa kanya ang
nangyari? Bakit ba ang chismoso niya masyado?

"Yes po?" I answered. He's still my boss, after all. Ang panget na nga ng
nangyayari sa personal na buhay ko, ayoko na pati trabaho ko ay maapektuhan.

"I'm sorry to hear about what happened with Mr. Suarez," sabi niya. Napaawang ang
labi ko. "Hayaan mo na. Ganoon talaga. Sa telenobela lang naman uso ang mayaman na
naiinlove sa mahirap... Sa totoong buhay, mayaman sa mayaman talaga ang nagkaka-
gustuhan."

Agad na kumunot ang noo ko. "A-ano po?" I asked. My heart was already starting to
rush inside my chest. I didn't want to confirm my hunch but it was already
painfully forming inside my chest.
"Mr. Suarez is dating Ms. de Marco, iyong babaeng apo ng boss. Hindi mo ba alam?"
sabi niya. Agad na tumigil ang tibok sa puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin
ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin. He's dating someone else? Halos dalawang
buwan pa lang! Dalawang buwan at meron na agad siyang nahanap?

Akala ko ba ako ang gusto niyang pakasalan?

"Ganoon

talaga, Ms. Miranda... Hayaan mo at makakahanap ka rin ng kapantay mo..." sabi ng


boss ko habang tinatapik ako sa balikat. I just wanted to choke him for telling me
these things. Sino ba siya para pakielaman ako?! Ni minsan hindi ginawang issue ni
Preston ang pera sa aming dalawa. He had always been painfully generous even when I
didn't deserve it. Sino siya para sabihin na hindi ako dapat kay Preston dahil
mayaman siya?

Maaga akong umalis sa trabaho. It was useless staying here, anyway. I couldn't
think. I couldn't function. Ang tanging nasa isip ko ay si Preston... at ang bagong
babae na dine-date niya. I couldn't even deal with his past with Kath tapos
dinadagdagan na naman niya?

Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. He wouln't even answer any of my calls. I
was fucking desperate that I went to Benj's business. He was so busy that he had no
time to deflect my advances. Agad na kinuha ko ang phone niya.

"Nari..." he said, sighing.

"Please," I pleaded. "I just... want to talk to him."

"He'll talk to you kapag gusto niya."

"You know Preston, Benj. Kung pwedeng mamatay siya ng hindi ako kinakausap, gagawin
niya. Talent niya ang magtanim ng sama ng loob."

Benj sighed. "You gave him the seed that he planted, Nari."

Sapul.

Ang sakit.

Bakit ba nire-realtalk ako ng lahat sa paligid ko?

"Alam ko naman... pero please, tulungan mo naman ako. Ha? Paano bibinyagan si John
kung hindi nag-uusap ang magulang niya?" I asked him. Ang sama kong nanay na
ginagamit ko ang anak ko, but I was desperate. I just wanted to talk to Preston. To
stop him from

falling in love with someone else.

I didn't want to watch him fall for someone else.

I wanted to watch him fall for me. Only me.

He sighed again. "Ang gulo niyong dalawa."

I painfully smile. "If only we'd met in a different circumstance, things would be
different." Benj smiled, but I knew he wanted to say something else. Siguro nga
kung sa ibang pagkakataon kami nagkakilala ni Preston, ni hindi man lang niya ako
titignan. I was sure he wouldn't even spare me a glance. I was sure that he'd be
too busy falling for Kath. I was sure that I wouldn't have a space in his life. But
things happen for a reason. And there's a reason why we're both here.

There's a reason why one night, we both got drunk and made John.

Kasi kami talaga.

Kasi kami dapat.

Nang malaman ko kung nasaan si Preston, agad akong umalis. I didn't want to waste
any more second. I wanted to be with him already. I wanted to makeup with him
already. Every second without Preston was dull. He's what made every day exciting.
He's what made me love life again.

Agad kong nakita si Preston. And he's not with someone. Hindi ko alam pero naka-
hinga agad ako nang maluwag. If he was with someone else, kahit kinakabahan ako,
lalapitan ko pa rin siya. Nothing would stop me from talking to him. It had been
more than two months! Kailangan ko na siyang makausap!

Nanginginig ang mga tuhod ko nang lapitan ko siya. He was walking mindlessly in the
mall. Sinubukan ko na sundan muna siya. Tinignan ko kung saan siya pupunta. Parang
piniga ang puso ko nang magpunta siya sa damit na pambata. He's really a good

father... He loved John so much that he's willing to do anything for him.

Kung sana mahal niya lang din ako...

But I didn't want him to marry me just because he felt responsible.

Nahigit ko ang hininga ko nang makita niya ako. I was stuck in the middle, unable
to move. Naka-tingin lang ako sa mga mata niya. Pinagdadasal na sapat na ang tingin
ko para maramdaman niya na nagsisisi ako sa mga sinabi ko.

"Preston..." I said. Naka-kunot ang noo niya. Walang emosyon ang mga mata. "Pwede
ba tayong mag-usap?"

I wanted to touch his face.

I wanted to be close.

It was hard.

"If you're going to say sorry again, ilang beses ko ng narinig," he calmly said. It
broke my heart even more when he's like this. Pakiramdam ko ay isa na ako sa mga
tao na ayaw ni Preston makausap. I felt like I was the enemy.

"Then please come home..."

The side of his lips rose. "We're not married. Bakit tayo titira sa iisang bahay?"

"Preston naman..."

"You asked for this, binigay ko. Bakit parang ako na naman ang mali?" tanong niya
sa akin.

"I didn't ask you to move out, Preston. I didn't ask you to avoid me. I didn't ask
you to live a life as though I don't exist."

Wala na akong pakielam kung nasa gitna kami ng mall. I was talking to him. After a
long time, I was finally talking to him again.

"You asked me to begin again."

"Yes, but I didn't ask you to erase me from your life!"

"You don't always get what you ask for, Nari. Hindi mo nga maibigay ang gusto ko.
Paano ko ibibigay ang gusto mo?" sabi niya at saka tinalikuran ako. Mabilis akong
sumunod sa kanya at hinawakan siya sa braso.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap," I said as I tried to keep up with him.

"I have to meet someone," he replied.

"Sino? Iyong babae na dine-date mo?"

Huminto siya at tinignan ako. "Yes. So?"

Napaawang ang labi ko. He wouldn't even deny it. He's so cruel when he wanted to.
Wala siyang pakielam sa sasabihin niya. Wala siyang pakielam sa mararamdaman ng
iba.

"...why?" I asked. I just wanted to ask. He wanted to marry me... tapos ngayon,
mayroon na agad na ibang babae? Ganoon ba talaga kabilis?

"I'm just giving you what you asked. I'm dating someone who's the same age as I."
Lumuwag ang hawak ko sa kanya. Naka-tingin siya sa akin. Mas lalong sumikip ang
dibdib ko. "I had always treated you especially, Nari. Because you're the mother of
my child... But maybe I was wrong. I made you feel invincible. I put you on a
fucking pedestal. I made you feel that I would always run after you." Unti-unti
niyang inalis ang hawak ko sa kanya. "Maybe it's high time you experience how I
normally treat the people around me."

=================

Step by Step

#IWHFFSE28 || Step by Step

Napaawang ang labi ko sa narinig ko sa kanya. Parang mas lalo akong nawalan ng pag-
asa na magiging maayos kami. Why was his mind working this way? Hindi ba pwede na
ituring niya ako bilang ako? Bilang tao? Bilang babae? Bakit kailangan na maging
ina pa ako ng anak niya para ituring niya ako nang maayos?

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko siyang kausapin... pero mas lalo
akong nawawalan ng gana sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya. I wanted to
fight for him... for us... but his words were too cruel. He's too cruel.

"Alright," I said, nodding and wiping mg tears away. "Let's do that." Naka-tingin
kami sa isa't-isa. Walang nagsalita. Maybe it's meant to be this way... kasi ayoko
rin naman na makasama siya kung ganito siya. I'd rather lose him than to be with
him kahit na hindi ko gusto ang ginagawa niya. I didn't want to sacrifice my whole
life and my heart just to please him. Relationship goes both ways. Hindi pwede na
gusto niya lang ang palaging nasusunod.
God... he's already turning 22 but he kept on acting like the 19 year old I met
years ago.

"Date whoever you like, Preston," sabi ko sa kanya. Pinilit ko na ngumiti.


Tinanggal ko iyong singsing sa daliri ko at binalik sa kanya. "I'm sorry we had to
come this way. Gusto ko kasi na pakasalan mo ako dahil mahal mo ako, hindi dahil
pakiramdam mo, dapat mo akong pakasalan."

My tears were threatening to fall again. Pinilit ko na 'wag umiyak. I wanted to be


strong in front of him. Ayoko na isipin niya na sobra na niya akong nasasaktan sa
mga sinasabi at ginagawa

niya. I didn't want him to feel responsible for me and my pain.

"Don't worry, hindi ko itatago si John sa 'yo. You know my number... just call me
kung gusto mong makita ang anak mo." Mabilis ko siyang tinalikuran. At sa oras na
wala na siya sa paningin ko, tuluy-tuloy na bumagsak ang luha ko.

* * *

Pagbalik ko sa bahay ni Preston, mabilis kong inayos ang mga gamit namin. I just
couldn't spend another night here. I didn't want to stay here kung wala naman siya.
At isa pa, kaya lang naman ako nandito ay dahil kailangan ni John. But I was able
to save money... Kaya ko na na kaming dalawa lang. I didn't want to bother Preston
anymore.

"Ma'am... bakit kayo aalis?" tanong ni Melanie sa akin.

Umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan. I was still so sad and hurt that we had to
resort to this. But nothing could be done. The damage was already done. Wala ng
atrasan.

"Paki-ayos na lang 'yung mga bote ni John, may tatawagan lang ako," sabi ko sa
kanya. I didn't want to explain myself to anyone at the moment. Kahit kasi ako,
naguguluhan. Pakiramdam ko ay nabibigla kaming dalawa ni Preston sa mga nangyayari.
Our timing was always off. Palaging hindi tama. Palaging hindi maganda ang resulta.

Agad akong nag-online para umorder ng aircon. Bukas pa iyon idedeliver kaya ngayong
gabi, naisipan ko na sa hotel na lang kami ni John. I didn't want to risk his
health again dahil lang may problema kami ng tatay niya. Tinanong ko na rin kay
Melanie kung ano ang number ng agency nila. Gusto ko na ring kumuha ng nanny para
kay John. I needed to keep working para sa aming

dalawa. Ayoko na talaga na humingi ng kahit na ano mula kay Preston.

It took me a few hours to settle everything. Gusto kong maayos lahat. Not because I
didn't want Preston to think that I need him, pero dahil gusto ko na maging maayos
ang anak ko.

"We'll be okay..." I told him and held his tiny hand. "Makikita mo pa rin naman ang
Papa mo, hindi nga lang madalas... Pero mas ayos na 'yun kaysa lumaki ka na nag-
aaway kami, 'di ba?"

I was sure John would understand. Mas okay na hindi kami magkasama ng Papa niya
pero maayos, kaysa naman kasal nga kami pero madalas kaming nag-aaway. I had seen
family get broken... ayoko lang na mauwi kami sa ganoon. Dahil sa takbo ng mga
nangyayari, kung pipilitin namin, sigurado ako na doon din kami mauuwi.
We still need a lot of growing up to do. Hindi lang si Preston, ako rin.

"Ma'am-"

"Thank you, Melanie. Kapag nakaalis na kami, tawagan mo na lang si Preston. Sabihin
mo na pwede na siyang umuwi dito sa bahay niya," I said and then got the bag from
her hands. Naghihintay na iyong Grabcar sa labas ng bahay. Huminga ako nang malalim
at tinignan nang mabuti ang bahay bago pa man ako sumakay.

Habang naglalakad ako, may parte sa akin na umaasa na pipigilan ako ni Preston. Na
uuwi siya at sasabihin niya na dito lang kami ng anak niya. But who was I kidding?
Hindi naman 'to fairytale. Hindi lahat ng lalaki, kayang magpakumbaba nang walang
katapusan. Sa totoong buhay, mahirap lunukin ang pride.

Mabilis lang kaming nakarating sa hotel. Agad kong pinatulog si John. Thankfully,
mabait talaga ang anak ko kaya

hindi niya ako pinahirapan. Ramdam niya siguro na nahihirapan na ako kaya hindi na
siya umiiyak.

"Seryoso ka ba dito, girl?" tanong ni Venice. I asked her to come to the hotel
room. Kailangan ko kasi ng magbabantay sa bahay habang nilalagay ang aircon.

I nodded. "Ayoko kasi talaga ipilit lalo na kapag ganito, Venice. Ito nga na hindi
pa kami kasal, grabe na kami kung mag-away. Paano pa kapag kasal na?"

She sighed. "Ewan ko... pero baka nga hindi pa time. Pero sana talaga kayo ni baby
daddy. May John na kayo, e."

"Hindi ko naman siya aalisan ng karapatan sa anak niya," I answered. I wasn't that
selfish. Alam ko na ang sama ko na dahil hindi ko agad hinanap si Preston nang
malaman ko na buntis ako. I wouldn't do that to him again.

"Ni hindi ka man lang pinigilan?"

And then I smiled... pero masakit. Kasi kung pinigilan niya ako, magpapapigil naman
ako. Kung mahal niya ako, magpapakasal naman ako. Hindi niya kasi mabigay 'yung
kailangan ko. Ni hindi niya masabi na mahal niya ako. Paano ko ipagkakatiwala sa
kanya ang buhay at puso ko kung iyong tatlong salita lang, hindi niya masabi sa
akin?

Was I too bad for wanting assurance before making a decision that would commit me
in a lifelong relationship?

"Pero... paano kung buntis ka? E panay ang tikiman sessions niyo nitong mga
nakaraang linggo."

Mas lalong bumigat ang ulo ko sa mga sinabi ni Venice. Wala sa loob na napahawak
ako sa tiyan ko. Pero paano nga kung buntis ulit ako? Mas lalo akong gugustuhin na
pakasalan ni Preston. Dapat ba... na pakasalan ko na lang siya? Na 'wag ko ng
pakinggan iyong

isip ko? Should I just marry him for our kids, kung buntis nga ako?

"Hindi naman siguro... pero bahala na."

Venice smiled at me. "Sige, gora na ako sa balur mo. Basta, I'm just one call away.
At 'wag ka ng iinom, bakla ka! Baka jontis ka na naman, so take care bear na."
Pagkatapos nun ay mabilis lang ako na naligo. Ayoko kasi na maligo tapos walang
bantay si John. Tapos, I thanked Venice hanggang sa makalabas siya ng pintuan.

So... we're just back to a life without Preston. Masyadong tahimik.

* * *

Naging maayos ang lahat. I got a good nanny for John, may aircon na ang buong
bahay, at mayroon na akong bagong project.

"Seryoso po ba 'to?" I asked habang binabasa ko iyong provisions nung gustong


mangyari nung client. "Hindi po ba masyadong malaki iyong incentive?" Meron na kasi
akong cut sa babayaran ng client at obligasyon naman ng firm na bayaran ako.
Nagtataka lang ako kung bakit may iba pang bayad ang client.

But instead of answering me, my boss just waved me off. Simula nang malaman niya na
wala na kami ni Preston, hindi na siya sipsip sa akin. Baka na-realize niya na wala
naman talaga siyang mapapala sa akin.

Buong oras ko ay ginugol ko sa pagta-trabaho. I didn't want any idle time. Gusto
kong maging busy para mawalan ako ng oras sa pag-iisip. Sa gabi kasi, kapag mag-isa
na lang ako, naiisip ko si Preston. Kung ano ba ang ginagawa niya... kung busy ba
siya... kung naiisip ba niya ako...

Sobrang labo na dumaan ang isang araw na hindi ko siya naiisip. In such a short
amount of time, he had already made an impact in my life. For a second,

I wanted to marry him-isang bagay na kahit kay Benny, hindi ko nagawang isipin.
Maybe I had fallen for Preston hard. But he didn't feel the same.

Nasa site ako nang tumawag ang nanny ni John. "Hello, bakit? May problema ba?"
mabilis na tanong ko. I instructed her to only call kung may nangyaring masama. I
wanted her to call me pronto. Ayoko na may masamang nangyayari sa anak ko.

"Wala po, ma'am. Nandito na po kasi si Sir Preston. Kukunin na raw po si John at
bukas na ibabalik... tanong ko lang kung pwede na bukas na lang din po ako
bumalik?"

I sighed. "Sige," I answered. Ganito na lang ba kami palagi? Kukunin niya tapos
ibabalik niya? Nakakapagod. But we both needed this. Baka kasi mas maayos na
maranasan niya na wala ako... tapos maisip niya na gusto niya akong makasama dahil
gusto niya talaga, not because he felt obligated to.

Pinilit ko na bumalik sa trabaho ko. Hindi naman ako worried kay John dahil
sigurado naman ako na safe siya sa tatay niya. Ang iniisip ko lang... kung
ipapakilala niya kaya iyon sa babaeng dine-date niya? Ayoko naman kasi na lumaki
ang anak ko na kung kani-kanino pinapakilala ni Preston.

Nasa gitna ako ng pagssketch sa magiging design ng mga conference room nang makita
ko ang pangalan ni Preston sa screen ng phone ko. Agad na bumilis ang tibok ng puso
ko.

"Bakit?" I asked. "May nangyari ba?"

"I just want to ask kung ano ba 'yung gamot na kailangang inumin. Nakalimutan kong
itanong sa nurse," he said.

Naka-hinga ako nang maluwag. Sinabi ko sa kanya iyong kailangan niyang ipainom na
vitamins pero hindi yata nalagay

sa baby bag ni John. "Sige, dadaanan ko na lang sa bahay tapos dadalhin ko. Nasaan
ba kayo?" I asked before I thought it thoroughly. "Kung ayaw mo... kahit daanan mo
na lang sa office." I didn't know kung okay lang ba sa kanya na ipaalam sa akin
kung saan siya nakatira. Hindi ko naman siya pupuntahan kung ayaw niya.

"I'll just come get it. Sa bahay niyo ba?" he asked.

"Yeah, but nasa akin ang susi," I said.

"Alright, daanan kita."

Habang naghihintay sa pagdating ni Preston, hindi ako mapakali. Tinignan ko ang


itsura ko sa salamin. Paikot-ikot ako. Ngayon lang ulit kami magkikita pagkatapos
nung huli naming pag-uusap. Ayoko lang na maulit na naman iyong nangyari dati. I
wanted us to be able to talk without shouting at each other. Hindi naman siguro
imposible.

"Nari-"

"Yes? Do you need something?" tanong ko kay Santi. Agad na kumunot ang noo ko.
Bakit nandito 'to? Hindi naman dito nagta-trabaho at isa pa, pamangkin siya ng
boss. God. Kilala niya kaya iyong dine-date ni Preston? Wala kasi akong makuhang
information tungkol sa babae. Masyadong low-profile.

"Yeah. My girlfriend liked the painting you put in my living room. Where did you
get it?" he asked.

"Ah... wait, hanapin ko lang 'yung inventory," I said at saka binuksan iyong drawer
ko. Habang naghahanap ako, sakto na narinig ko ang boses ni Preston. Napaawang ang
labi ko nang makita ko na magkaharap sila ni Santi.

"Preston," Santi said with a small smile. "Your kid?"

Preston's lips were pressed into a thin line. Akala ko ay gagawa na naman siya ng
eksena kaya naman laking gulat ko nang maayos siya na sumagot. "Yeah." Iyon lang
ang sinabi niya. I didn't know what to feel... na dapat ba maging masaya ako dahil
kahit papaano, nagiging mature na si Preston at hindi na siya agad gumagawa ng
eksena... o malulungkot ba ako dahil baka hindi na siya affected at nagseselos
kapag may lalaki na lumalapit sa akin?

"Ah... ito 'yung card nung hinahanap mo," sabi ko sabay abot kay Santi.

"Sweet. Thanks, Nari," he said and then smiled before going away. Nang makaalis
siya, naka-tingin lang si Preston sa akin. Hindi ako makagalaw. I knew I needed to
fish for the keys and give it to him. Kaya lang, hindi ako makagalaw.

With trembling hands, I reached for the keys and handed it to him. "Kahit iwanan mo
na lang sa kapitbahay iyong susi kapag tapos ka na."

Inabot niya iyong susi. God, how I wanted to hold his hand again.

"Okay," he replied. Pinilit ko na 'wag magsabi ng kahit na ano. Okay na iyong


ganito na civil kami... at least, hindi kami nag-aaway.

Akala ko ay aalis na siya pero naka-tayo pa rin siya sa harap ko. Did he want to
talk to me, too? Gusto niya rin ba akong tanungin kung ano ang nangyayari sa akin
kagaya ng pagka-gusto ko na malaman kung ano ang nangyayari sa kanya?
"M-may kailangan ka pa ba?" I asked when he continued to stand there and look at
me.

He shook his head. "You look well."

"I am well," I replied. Maybe not emotionally but I was physically fine.
"Ipapakilala mo ba kay John iyong dine-date mo?" I asked.

Umiling siya. "No."

"Why?" I dared to ask.

"I won't introduce temporary people in my life to my son," he said, still looking
at me.

"Oh." Iyon lang ang nasabi ko. "T-that's good," I said. "Pero hindi ka ba seryoso
sa kanya?"

"There's only one person I am serious with, Nari."

=================

Sessions

#IWHFFSE29 || Sessions

During one of John's check-up, ni-require ng doctor na pareho kaming pumunta.


Sobrang kinabahan ako. Hindi ko na kasi talaga madalas makita si Preston. I wanted
to give up whatever thought I had for us... pero sa tuwing makikita ko si John, may
parte sa akin na umaasa na magiging maayos ulit kami ni Preston. Of course I wanted
a complete family for my kid. Lumalaki na siya. Ayoko na dumating sa panahon na
tatanungin niya ako kung bakit nasa magkaibang bahay ang Mama at Papa niya.

And I was praying that this distance between Preston and I was doing us good... na
sa mga panahon na magkalayo kami, nagiging mature kaming parehas. Na nagkakaroon
kami ng mas maraming karanasan na magiging dahilan para mas lumawak ang pang-unawa
naming dalawa. That's all I asked.

"I'll just inform you kapag may susunod na check-up," sabi ko sa kanya. Akala kasi
namin kung ano ang nangyayari kay John dahil laging umiiyak. Iyon pala, nagsisimula
na siyang magka-ngipin kaya ganoon. Preston was crazy worried. Ayaw na ayaw kasi
niya na umiiyak si John.

He nodded. I rarely saw him. Minsan once a month lang. I had no idea what he's up
to with his life. I didn't want to meddle kahit na sa totoo lang, gusto kong
malaman kung sino ang dine-date niya. And I couldn't even ask Benj. Alam ko kasi na
mas kampi siya kay Preston. Naiintindihan ko naman dahil kaibigan niya.

"At saka pala, ieenroll ko na sa daycare si John," I informed him. Malaki na rin
kasi si John. Tama lang na magsimula na siya sa toddler school. At saka hindi na
naman siya masyadong sakitin

kaya kahit regular nanny na lang at hindi na trained ang mag-alaga sa kanya.
"Alright. What school?" Preston asked.

"Hindi ko pa alam. Naghahanap pa ako ng maganda at saka mura," I answered.

"I'll pay for the tuition," sabi niya.

"Okay lang-"

He cut me off. "John's my kid, Nari. We may not be okay but he's still my kid."

Tinignan ko siya. "Are we still... not okay?" I asked. It had been too long.
Matagal na simula nung nagpropose siya. I was hoping that he utilized that time
spent apart to grow better as a person. Ako, marami din akong na-realize sa buhay
ko. Na gusto kong hintayin si Preston hanggang tama na iyong dahilan niya para
magpakasal. I just wished that when he's got the right reason, I was still the
right person for him.

I knew I hurt him and I shattered his ego when I returned his ring. But it was for
the better. Rushing into marriage was never a good idea.

Tinignan niya ako. "I don't know," he answered. "Are we okay?"

Tinignan ko siya. My heart was starting to beat erratically again inside my chest.
Siya lang talaga ang may kakayanan na pabilisin ng ganito ang tibok ng dibdib ko.

Slowly, I nodded. "We're okay."

And then, I saw that lazy smile again. "Yeah. We're okay."

* * *

Nang day-off ko, sinamahan ako ni Preston para ihatid si John. First day kasi niya
sa school-kahit pa hindi legit na school, first day pa rin niya. And Preston wanted
to be there for all the big moments. He's really proud tuwing may bagong
accomplishments si John. Lalo na when he took his first step, sobrang saya ni
Preston. He even

recorded it on video at pinagmamalaki sa mga kaibigan niya. He's one proud dad.

"Are you sure he's going to be okay alone?" Preston asked habang tinitignan namin
si John na nakikipag-interact sa kapwa niya toddlers.

"Oo naman. Besides, three hours lang naman siya dito," I answered.

"Still..." he said, still unsure na iwanan namin dito si John. "Babantayan ko na


lang siya. Kailan ba ang pasok niya?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ano. Sobrang protective. Paano pa
kung babae si John? E 'di mas lalong bantay sarado sa kanya si Preston.

"MWF ang schedule ni Preston," I said, humoring him.

"I can't tuwing Friday," he answered. I chose not to comment dahil baka may date
siya.

"It's alright. Ako na lang ang susundo sa kanya," I said. I didn't want to burden
him or to cause delay in his life. Masaya na ako na ganito siya ka-attentive kay
John. Wala akong reklamo pagdating sa pagiging tatay niya sa anak namin.
"I'll try to adjust my schedule."

"Hala, 'wag na. Baka magalit ang girlfriend mo," sabi ko sa kanya.

Hinarap niya ako, naka-kunot ang noo. "Girlfriend?"

I nodded, my chest painfully constricting. Ang hirap pa rin pala na aminin na may
girlfriend siya. Ang hirap na aminin na may ibang babae sa buhay ni Preston. Akala
ko kasi, si Kath na iyong pinaka magiging problema ko. Na iyong nakaraan niya ang
magiging kalaban ko. Little did I know that the uncertainty of the future would be
my biggest problem.

"May girlfriend ka, 'di ba?"

His lips parted. God, I had forgotten how painfully red his lips were.

"I don't have

a girlfriend, Nari," sabi niya.

Napa-kurap ako. "H-ha?"

"Wala akong girlfriend."

"T-talaga?" I asked like a blabbering idiot. "Iyong... apo ng boss ko?"

God, this had been bothering me for so long! Kung sino-sinong babae ang naimagine
ko na naka-date ni Preston. All of them better than me. All of them more suited for
Preston. Ilang beses kong iniyakan iyong posibilidad na magbago na naman ang isip
ni Preston. Na baka ma-realize niya na tama ako at marami pa siyang makikilala na
babae.

"Who? Addie?" he asked. I nodded. Adelaide de Marco. Kung sinu-sino ang


pinagtanungan ko para lang malaman ang pangalan ng posibleng maging step-mother ni
John. "God, no. We're not dating."

"Talaga?" I asked, my voice too enthusiastic.

"Yeah. What made you think that I was dating her?"

Hindi ko sinabi na iyong boss ko ang nagpasok sa isip ko. I didn't know if Preston
was still protective of me... na baka puntahan niya ang boss ko at pagsabihan kapag
nalaman niya.

"I just heard..."

His eyebrow arched. "Fishing news about me?"

I pressed my lips. I didn't want to confirm his question. Pero masaya ako na parang
maayos na ulit kami. He's slowly going back to his playful self. It's a good news.
At sana, bumalik na rin iyong nararamdaman niya para sa akin.

"For your peace of mind, no, Addie and I didn't date. I was just consulting with
her kaya siguro akala ng iba, magka-date kami," he explained. Naka-tingin lang ako
sa kanya, waiting for more explanation to be offered. Hindi ko kasi sigurado kung
pwede akong magtanong sa kanya... kahit na gustung-gusto

ko. "Well, I was thinking about starting a business. Addie's good with business so
I asked her for advice."

It was my turn to crease my forehead. "Business?" I asked. Akala ko ay ayaw niyang


magtrabaho? Akala ko e masaya na siya sa pera na nakukuha niya mula sa dalawang
building niya? I mean, the money he was getting was more than enough for him to
live a very comfortable life. Hindi ko alam kung bakit gusto na niya bigla na
magpakasal.

He nodded.

"Why?" I asked. Tinignan niya ako. His brown eyes... God, I missed those eyes.

"My psychiatrist told me that I should have something to do para hindi ako mabilis
magalit," he said.

Agad na kumunot ang noo ko. "Psychiatrist?"

He nodded. "Papa talked to me... and he asked me to undergo therapy." Napaawang ang
labi ko.

"W-why?"

"Well, for one, I get mad easily. Lalo na kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko. I
had to go under anger management sessions." Hindi ko napigilan na matawa. It's
funny! Hindi ko inakala na iyong attitude ni Preston ay dumating na sa punto na
kailangan niya ng professional help.

"Did it help?"

He shrugged. "I think so. I didn't punch Santi when I saw him in your office, did
I?" God, heart, calm down. Wala naman siyang sinabi na I love you! Bakit kung maka-
tibok ka diyan e sobrang bilis?!

"Wala naman siyang ginagawa..." I explained.

He nodded. "I know. Had I see that incident a few months back, my fist would've met
Santi's face, no doubt."

Sobrang landi ko ba kung pinipigilan ko lang na kiligin sa mga sinasabi ni Preston?


Kahit walang assurance... kahit eto na naman kami sa pakilig niya without label.
Kahit sobrang floating lang ng relasyon naming dalawa.

Ewan ko. Masaya. Na ganito kami.

I didn't even want to date anyone. I was contented waiting for Preston. Alam ko
kasi na siya lang... I just wanted for him to have the right reasons to be with me.
Iyon lang.

"I'm happy for you," I said, smiling. "You're getting better..."

"I hope so. I spent hours in therapy," he said. Naka-tingin na naman siya sa akin.
Para na naman akong matutunaw. "Papa asked me about you and I told him what
happened."

"Galit ba siya sa akin?" I asked. Tito Shiloah had been very good to me... It broke
my heart to disappoint him. But I wouldn't change my decision. Nakikita ko na tama
ang naging desisyon ko. Preston grew better.

He shook his head. "He's disappointed at me, actually. Akala ko kakampihan niya ako
kasi ako 'yung anak niya, pero sinabi niya na ako 'yung may mali. He told me that I
should understand why you had reservations about marrying me."

Nagsisimula na naman na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na sa
mga nakalipas na buwan, ganito pala ang nangyayari kay Preston...

"I never clarified my feelings."

Pabilis nang pabilis.

Parang lalabas mula sa dibdib ko ang puso ko.

"I didn't think it was necessary then. I thought you knew-"

"Knew what?" I cut him off. I wanted to hear him say it. I wanted to hear him say
those three words I had been longing to hear.

Tinignan niya ako nang mabuti. "I love you, Nari. It's long overdue... but I love
you, anyway." And then he slid a key on the table towards me. "Move in with me?"

=================

Beginning of an Era

#IWHFFSEEpilogue || Beginning of an Era

"...move in?" nagawa kong sabihin matapos ang mahabang katahimikan. Sigurado ako na
gulung-gulo ang mukha ko. I just didn't understand what exactly was happening. I
thought marriage was the goal but what he was proposing was an altogether different
idea.

He nodded and then fished for something in his pocket. Nahigit ko ang hininga ko
nang makita ko ang singsing na binalik ko sa kanya. I wanted to take it out of his
hand and to slid it around my fingers.

"Yeah," he said, sliding the ring towards my direction. Hindi ko alam kung saan
idadako ang tingin ko-kung sa kanya ba o sa singsing na nilabas niya. I just really
didn't know kung saan papunta ang mga nangyayari ngayon. Preston grew up, yes, and
he felt like an altogether different territory-one that I was willing to trespass
anytime. "I figured marriage is something difficult for you. And I certainly don't
want to force you to do things you're not ready for."

Napa-kurap ako. "What?"

His gaze didn't falter. "Move in with me again, Nari."

"But... what about marriage?" I asked, hopeful that that deal wasn't off the table.
I wanted to marry Preston, in the right time, for all the right reasons. And I
believed that we finally got the right reasons.

I love him. And thankfully, he loves me, too.


Kinuha niya iyong singsing na nasa ibabaw ng lamesa at tinignan. "This will always
belong to you, Nari," sabi niya at tinignan ako. "What I'm proposing is, let's do
it at your own pace."

Napaawang ang labi ko. Unti-unting

lumawak ang ngiti sa mukha ko. "Sino ba 'yang psychiatrist mo? Papadalhan ko ng
pagkain," I said, trying to fight the tears that were brimming to fall.

"Dr. Sullivan. She's good-"

"Babae?" tanong ko na naka-kunot ang noo.

"Yes. But she's old enough to be my grandma!" sabi niya na natatawa. "But good to
hear na nagseselos ka."

I crossed my arms. "I was just recently made aware na marami palang babae na
gustong magpa-anak sa 'yo." At bigla siyang natawa nang malakas. Napa-tingin tuloy
sa amin iyong mga tao sa café.

Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko?! Hindi ba niya alam na ilang babae ang muntik ko
nang magupitan ng buhok dahil sa mga sinasabi nila?! Preston's mine! Magulo lang
kaming dalawa, but in the end, kami pa rin.

Ako lang pwedeng mambato ng kaldero sa kanya.

Ako lang ang pwede niyang taguan ng bigas.

At ako lang ang pwede niyang anakan.

"What? Saan mo napulot 'yan?" sabi niya na parang maiiyak na sa katatawa.

"I've heard."

He cocked his brow, looking amused. "Seriously, did you spend our months away from
each other by fishing for information about me?" I shrugged. I didn't need to
confirm it nor deny it. Masyado ng malaki ang ego niya.

"May sasabihin pala ako..." I said. "Around last week, pumunta ako sa bahay mo-"

"Natin," he said. "The house is under your name, Nari."

Napaawang ang labi ko. "What?" Ano'ng sinasabi nito? Sa akin ang bahay na 'yun?! I
was well-aware about the market value of that house! And it's in an execute
village. Alam ko na ginto ang bawat square metere sa ganoong klaseng lugar.

He nodded. "Consider

it as one of my ways of spoiling you."

"Preston... seriously, subukan mo na bilhan ako ng bulaklak. Or chocolates. That's


how you spoil someone... not by buying them a freaking house!" Akala ko naka-adjust
na ako sa magulong buhay ng mga mayayaman pero heto ako, nagugulat pa rin sa mga
ginagawa ni Preston.

"Nari, I've seen my mom when she's in labor. I know how hard it is to give birth.
I'm just trying to make up for the time that I wasn't with you when I should've."

I gave him a small smile. "It's all in the past. Magmove on na tayo, okay?" I said.
He nodded. "But still, that house is yours. Also, Papa's already searching for a
site para sa regalo niya kay John."

Unti-unti akong napailing. "No..." I whispered.

"Yeah. Your soon to be father-in-law is crazy generous. You should get used to it,"
sabi niya na parang wala lang sa kanya na bibigyan ni Tito Shiloah si John ng
building! My god, this family! Nababaliw ako sa kanila!

Ilang segundo ako na hindi makapagsalita. I was still trying to wrap myself around
the idea na magkakaroon ng building ang anak ko.

"Niligtas ko ba ang Pilipinas nung nakaraang buhay ko para makakuha ako ng mga
ganitong bagay?" I unconsciously asked.

Preston looked at me. "You made me believe in love, Nari."

I smiled at him. "Talaga?"

He nodded. "I never thought I'd want to commit as much as I want to commit myself
to you."

"Talaga?" I asked again. I just wanted to listen to him tell me all these mushy
things. We've been through a lot of rough patch. Ngayon, gusto ko na masaya lang.
Na kiligin lang sa kanya. I hope that wasn't too

much to ask.

"I'd admit that at first, I just wanted to marry you for John... But living without
you is boring, Nari. I'm so fucking attached to you that getting up in the morning
is hard with the thought of you not being around."

"Hindi ka ba na-inlove sa iba nung mga panahon na wala ako?"

He stayed quiet for a while. Ang bilis ng mga kabog ng dibdib ko. "The thought of
falling for someone else didn't seem appealing at all." Tinignan niya ako. "I know
I've been a jerk. You probably thought I was falling for someone else when the
truth was, it was you I was falling madly in love with. I just didn't see it at
first because it was happening too fast. I thought it was just me feeling
responsible... but it was me being in love with you."

Parang maiiyak na naman ako dahil sa mga sinasabi niya.

"Nari, please know that every time you thought you're watching me fall for someone
else, it was me falling for you every single time. Falling harder. Falling deeper.
Falling and not even asking for help..."

I bit my lip to stop the tears from falling. "Ang ganda ko naman dahil sa mga
sinasabi mo."

He grinned, reaching for my hand and holding it. "Yeah. Pero masyado pa rin akong
gwapo para sa 'yo."

Binato ko siya ng tissue. "Ewan ko sa 'yo. Nakita ko pala si Saint last week nang
pumunta ako sa bahay mo. Mas gwapo siya sa 'yo kaya 'wag kang masyadong feeling," I
said.

"Ano? Nagsisisi ka na naman na hindi Gomez de Liaño ang nilagay mo sa birth


certificate?" I laughed at him. Ang laki talaga ng issues niya sa pamilya na 'yun.
Hindi ba nila napag-usapan iyon ng psychiatrist

niya?

"Nakausap mo ba siya? Sinabi ko kasi na puntahan ka na lang, e..." I said.

He nodded. "Yeah. He just asked for my permission."

"About what?"

"Marrying my sister."

Natahimik ako. As much as I was aware, hindi boto si Preston kay Saint para sa
kapatid niya. "Ano'ng sabi mo?"

"I agreed."

"Ganoon lang kadali?"

He nodded. "If what he feels for my sister is the same as what I feel for you, then
I'd hate to get in their way." Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ito na yata ang
premyo ko sa ilang buwan na puro lang ako iyak at lungkot!

"In love na in love ka talaga sa akin, noh?" I asked, grinning.

"Bakit? Hindi ba in love na in love ka rin sa akin?" he asked.

"Maybe..." He scoffed. And I smiled widely. "Kailan ang kasal?"

"Soon, I think." I nodded. Hindi ko na tinanong kung invited ba ako kasi alam ko
naman na medyo magulo pa rin ang sitwasyon ko sa pamilya niya. For one, alam ko na
mas lalong na-bwisit sa akin si Mother Biscuit nung na-witness niya iyong mental
breakdown ko nang magpropose ang anak niya. "Is your size the same?"

"Yeah... Bakit?"

"I thought I got you pregnant. Too bad, hindi ka pala tumaba."

I scoffed. "Ano akala mo sa sperms mo? Super sperms? One time lang natin ginawa na
walang protection!" I reminded him.

"Expect more unprotected sex in the future, Nari."

"Feeling mo!" sabi ko sa kanya. "At bakit kailangan mo ang size ko?"

"You're my date to my sister's wedding, of course. I'll just give them your size
para sa damit mo," he said, grabbing his phone at may tinext doon. Wala pa naman

akong sinasabi sa kanya na size ko.

"At bakit alam mo ang size ko?" naka-taas ang kilay na tanong ko.

He grinned. "Nari... I've touched everything there is to touch. Of course I know


your size." Nanlaki ang mga mata ko at sigurado ako na pulang-pula na ako! Ang
bibig talaga nito!

"Ewan ko sa 'yo!"
He laughed. "Don't be coy now. Everything I know, it came from you, master."

Ilang minuto na walang tigil si Preston sa pang-aasar sa akin. Pakiramdam ko tuloy


inipon niya lahat ng pang-aasar sa akin at ngayon niya binubuhos lahat! Sobra, e!

Nang maubos na lahat ng pambu-bwisit na baon niya, kinuha ko iyong singsing sa


kamay niya. I looked at him and smiled. "Thank you," I said.

"For what?"

"For everything," I replied. I was just too happy. Even though I hoped that things
would fall in their right places, hindi ko akalain na mangyayari talaga. I had
imagined this scenario everyday... but the reality was so much better.

Here, being with him, it's so much better than whatever fiction I was trying to
form inside my head.

"For thinking things... for undergoing therapy for us..."

"Which reminded me, do you want to go to Dr. Sullivan?" he asked. Kumunot ang noo
ko. "What? You also have anger management issues, Nari! Remember I got hospitalized
because of your violence?"

"That was because you're annoying!" sagot ko sa kanya.

"And you always resort to physical violence kapag nagagalit ka!"

Mas lalong kumunot ang kilay ko. "If you'd stop being annoying, hindi naman kita
babatuhin," I calmly said. I didn't want to raise my voice anymore.

Mas lalo ko lang siyang binibigyan ng dahilan para papuntahin ako sa therapy.

"Nari, this relationship is a teamwork. Hindi pwede na ako lang ang nagpapa-
therapy."

"Sa ating dalawa, Preston, mas malala ang sapak mo sa ulo," I reminded him.

He nodded. "Agreed. So, ayaw mo?"

I shook my head. "Nope. I promise you hindi na kita babatuhin ng kaldero," I said
and then raised my hand. "But you have to promise me na hindi ka na pupunta sa
office ko."

"And why is that?"

"Nasa office ko lahat ng babae na willing magpa-buntis sa 'yo," I frankly told him.
Hindi ko kasi alam kung paano kumalat iyong balita na si Preston ang may-ari ng
building. At nang malaman din nila na wala na kami ni Preston, nagkaroon na ng
pantasya ang mga malalandi kong ka-trabaho. Sarap hampasin ng T-square para
matauhan.

He shook his head while laughing. "Nari, you're the first woman in my life and I
intend to make you my only woman. So, chill, okay? Walang aagaw sa akin mula sa
'yo."

"Talaga?"

He nodded, smiling cheekily. "God, you're so possessive. Tara, uwi na tayo," he


said and then stood up. "I learned so many things... Who thought the Internet is
such a productive place..." he said, suggestively raising his brows. Biglang namula
ang mukha ko.

"Okay," I said and then quickly grabbed my things. Iyong singsing ay mabilis na
inilagay ko sa bag ko. Naglalakad na kami papunta sa sasakyan niya. "Parang may
kulang..." I murmured. "Gosh, si John!" sabi ko. "Tapos na yata 'yung class niya."

Preston groaned. "Can't he just go home himself?"

Hinampas ko siya ng bag. "Baliw. Tara, sa Daycare muna tayo."

Napapailing siya. "And you said no more violence..." he murmured.

I looked at him, arching my brow. "Being married to me means I get to be violent


once in a while... sigurado ka ba na gusto mo pa rin akong pakasalan?" I asked him.

He showed me his lopsided grin. "I wouldn't go through all the trouble if I'm not
serious about making you my wife. Just tell me when and where, and I'll officially
make you a Suarez, Nari Miranda."

You might also like