You are on page 1of 1

Mar. 17, 2013 10:01pm Baby, Surprise baby! Haha.

Gusto ko lang magsorry sa lahat ng mga nagawa kong hindi tama, sa mga bagay na hindi ko nagawa at sa mga nasabi kong hindi dapat. Im sorry if tumatagal ang away natin, I know dapat inaayos ko yun agad, pero baby ginagawa ko na hindi muna tayo magusap para maisip natin kung ano ba talaga ang issue, kung bakit ba tayo nagkaganon, hindi ko na iniisip sino ang mali sino ang tama basta ang saakin lang ayoko sabayan ang inis mo at ayoko rin na kausapin ka muna pag galit ako. Ayokong lumaki yung away natin, ayokong maging dahilan pa yun ng hiwalayan natin. Mahal na mahal kita kung alam mo lang baby. Ikaw na yung kasama ko sa lahat ng binubuo kong plano sa buhay. Ikaw yung gusto ko makatabi bago matulog at hahalikan ka pag gising sa umaga. Nakita na kitang bagong gising, hindi pa naliligo, basa ng pawis, puno ng tagiyawat sa mukha, walang make up at nahalikan na kita ng hindi ka pa nagtotoothbrush pero baby walang nagbago sa love ko sayo, nadagdagan pa nga e :) Hindi ko na iniisip kung paano na lang ang buhay ko pagnawala ka, mas iniisip ko yung kung anong mga bagay ang pwede kong gawin para hindi ka mawala :) Gusto ko magthank you sayo baby sa araw araw na pagkumpleto ng araw ko, although may mga araw na hindi tayo nagkakaintindihan masaya pa rin ako dahil pagkatapos ng mga nangyare andito pa rin tayo at tumagal na tayo ng dalawang buwan baby :) Happy Monthsary! Mahal na mahal kita! Hindi ko inexpect na aabot tayo ng dalawang buwan baby! Haha! Ni maging tayo nga hindi ko naisip e hindi ko inexpect na magiging ganito ka kaspecial sa buhay ko. Hindi ko inexpect na mamahalin kita ng ganito. Hindi ko inexpect na magiging ganto ako kaloyal. Real talk! Haha! Wala akong iba. Dahil sapat ka na sakin baby e. kuntento na ako. Yung feeling na pag may makikita kang maganda sa mall kiber lang, maswerte ako sa girlfriend ko e bat pa ako magaaksaya ng oras sa iba. HAHA! REAL TALK! Gusto kong makasama ka sa mga susunod pang araw, buwan at taon. Gusto kong alalayan ka pag hindi mo na kayang tumayo dahil sa katandaan. Gusto kong sabihin na mahal na mahal kita hanggang sa hindi mo na ko marinig at hindi mo na ko maalala dahil ulyanin ka na. Gusto kong ako ang maglalagay ng nail polish sayo pag hindi mo na kayang abutin ang mga paa mo dahil masakit ang likod mo dahil sa rayuma. Ganyan kita kamahal Ellyn Joyce Catalonia dela Cruz. Ikaw lang, walang iba. Happy monthsary baby! -M

You might also like