You are on page 1of 3

Akda o kathangisip?

Paano ko nga ba sisimulan ang tulang ito,

Kung parati nalang akong nakatingin sayo.

Nagbabakasaling akoy mapansin mo.

Isa, dalawa, tatlo! Teka, magbibilang pa ba ako?

Eh, andito lang naman ako sa likuran mo.

Bakit ba hindi mo na ako magawang lingunan?

Oo nga pala, ako tinitingnan ka,

Samantalang ikaw tinitignan siya.

Hindi ko alam kung paano tayo humantong sa ganito,

Pero alam kong ang Diyos ang may akda nito.

Sa mga detalyeng nakasulat sa panibagong akda,

Nakaukit ang isang istorya.

Isang istorya na tanging ikaw at ako ang bida.

Isang istorya na ating binigyan ng buhay at halaga.

Istorya na sabay nating tinahak na tayong dalawa ang magkasama.

Dating istorya nating dalawa,

Na ngayo’y naging istorya niyo na.

Hindi ko nabatid dahil sa simula pa lang,

Tayong dalawa na ang ipinagtagpo.

Sa pinakaunang pahina ng ating istorya,

Nakaukit ang pangalan mo at ang pangalan ko.


Sa unang pagtatagpo,

Agad na tumibok ang puso ko.

Di ko na namalayan,

Na habang tayong dalawa ang magkasama,

Inuukit na ni Bathala ang kasunod ng ating pahina.

Sa gitna ng ating istorya, sobrang saya pa nating dalawa.

Halos di na makita ang ating mga mata sa lalim ng ating tawa.

At sa bagong pahina na sinusulatan ni Bathala,

Ginagabayan tayo ng ating mga tala.

Oo, nagkakaproblema tayo,

Pero hindi naman humahantong sa pagalis mo.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Lalo pat ang istorya nating dalawa, may sumingit ng iba.

Diba, istorya natin to?

Ikaw lang at ako?

Pero bakit, bakit dumating siya?

Bakit may dumagdag na iba?

Akda nga ba ito ni Bathala o kathang isip lang ng mga tala?

Saksi ang araw at ang buwan, sa mga luhang tumulo.

Sa mga hakbang kong ginawa papalayo sayo

Mabigat sa aking dibdib habang ako ang umaalis sa ating nabuong istorya.

Habang kayo, kayo ng bago mo nagpapakasaya.


Hindi ko alam kung saan ako tutungo

Babalik pa ba ako sayo o aalis na ako?

Paano na ang pasko ko kung wala ka sa tabi ko?

Tayo ang pinagtagpo pero hindi ako ang kasama mo.

Dito na ba magwawakas ang ating munting istorya na nabuo o magpapatuloy pa ito?

You might also like