You are on page 1of 3

" Ang Huling Pahina "

akda ni : Bb. ng Kahapon

(Pangalawang Kabanata)

Pagbalik sa Nakaraan...

Ngayon mas nakikita ko na ng maaliwalas,

Na sya yung taong pinangarap mong makasama hanggang wakas.

Masaya akong naging isang tulay upang kayo'y ipagtagpo,

Pero ang sakit kasi maiwan ng nakatayo at tinitignan ang masaya n'yong
pigura palayo.

Nangangatog ang aking dalawang binti,

At sinusubay-bayan kayo palayo na parehong nakangiti,

Nahihirapan akong huminga pero kailangan kong maging masaya...

Maging masaya para sa inyong dalawa na tila mahal na mahal ang isa't - isa.

Yung ngiti at tawang iyan ang nagpahumaling sa akin

Ngunit kailan man ay hindi na muling magiging akin.

Sana pala... Sinulit ko na... Sana pala.. nagtiwala ako... Sana pala...

Ngunit sa kahit anong sana... hindi na natin maibabalik ang oras natin,
Sinta.

Napalingon ako sa aking paligid...

"Dito tayo nagsimulang magkita, hindi ko naman lubos akalain na dito rin
tayo magtatapos na dal'wa."
Inihatid mo ako sa lugar kung saan tayo unang nagkita,

Kinakabahan pa ako nung una kasi huli ko na naunawaan na sa online


lamang pala tayo nagkakilala.

Nang makababa ako sa sakayan ng bus, tila kinabahan ako ng husto.

"Shutaaaa! Anong kalokohan 'tong pinasok ko?"

Pero... Ito yung klase ng kalokohan na gustong - gusto kong balikan...

Ngunit hindi ko na muling maaari pang masubay-bayan...

Nakakatawa kasi pinaghintay mo pa ako ng trenta minutos sa tagal mo


kasing maligo (AHAHHAHAHA)

Nakatingin lamang ako sa tren na dumaan sa ibabaw ng tulay,

"Kailan kaya ako makakasakay dyan?", wika ko habang ikaw ay aking


hinihintay.

"San ka, miss?", sambit naman ng estranghero na lumapit sa akin.

Nginitian ko lamang siya at sinabing, "Hinihintay ko lamang po siyang


dumating..."

Subalit parang sirang plaka ang mama na kwento ng kwento patungkol sa


kaniyang buhay.

Hindi ako interesado ngunit natanggap ko ang iyong mensaheng, "Nakita na


kita."

Muli na naman akong nabalot ng kaba,

Sa kadahilanang hindi kita makita.

Nagulat ako sa biglang pagkuhit mo sa kanang bahagi ng balikat ko.

" Ayy gago! " ang unang kong bigkas kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.

Nasilayan ko ang mata mong kumikislap na tila ay nangungusap


Shuta ka, tawang - tawa ka pa talaga. (HAHAHAHHAHA)

Humingi ka ng paumanhin sa iyong pagkakahuli ng pagdating,

Ngunit para sa akin... "Salamat Ginoo, hindi mo ako binigo."

Naglakad ka at sumunod ako ngunit ang daming tao,

Sa liit ko ay maaari pa akong matabunan ng mga ito.

Nagulat ako ng hawakan mo ang aking kamay...

Kinilig ako pero kailangan kong itago, baka kasi asarin mo ako e.

Habang nasa byahe ay patuloy ka lamang sa paghunta

Kaya naman wala akong nagawa kundi tinititigan na lamang kita..

"Ang swerte ko naman, Lord. Mukhang mahal ako ng taong ito."

Ngunit hindi ko lubos maisip kung hanggang saan nga ba hahantong ang
pagmamahalang mayroon tayo?

Anong klaseng mga kabanata kaya ang nakabadya?

Kayanin kaya natin itong dal'wa?

Mahalin mo pa rin kaya ako kung paano mo ako ingatan ngayon?

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib,

Hindi na ako makahinga sa patuloy nitong pagsikip.

Bakit....

Ito nalamang ang aking nasambit...

You might also like